IL Mio Dolce Amante (My Sweet...

By Lorenzo_Dy

166K 5.1K 329

Ulila at palaboy, 'yan ang naging buhay ni Bella bago mapunta sa pangangalaga ni Señor Freigo na dating Hari... More

Warning
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Wakas
SPECIAL ANNOUNCEMENT!
ABOUT THE AUTHOR

Kabanata 19

2.9K 97 7
By Lorenzo_Dy


Kanina ko pa katawagan sa cellphone si Zendy para humingi ng advice sa kaniya sa kung ano ang bagay na gown ang pwede kong isuot para mamayang gabi sa wine bidding party.

"Hintayin mo na lang na dumating ang delivery ng gown diyan sa hotel room niyo," giit ni Zendy sa kabilang linya.

"Magkano ba 'yon? Babayaran ko pagsahod ko." Wala rito sa kwarto si Señorito Primo dahil naliligo ito ngayon sa banyo.

"It's a Lanvin gown so better not to ask the price." Simpleng tug on ni Zendy sa kabilang linya.

"Ano? Seryoso ka?" Laglag panga kong saad.

"Yeah. Hindi ko naman papabayaran sa 'yo, what friends are for nga 'di ba? And don't mind it. Sana talaga nandiyan ako para ako ang mag-aayos sa 'yo." Sigurado akong nakanguso ito ngayon si Zendy.

"Nakakahiya sa 'yo Zendy, gumastos ka pa nang daang libo para lang sa isang beses kong isusuot  tapos 'yong pasalubong ko sa 'yo inabot lang ng isang libo." Nahihiya kong sambit dito.

"Remember the innamorata sandals na iniregalo mo sa 'kin last birthday ko? For sure makakapagpatayo na ako ng bahay kapag ibinenta ko 'yon, so, patas na tayo ngayon."

"Regalo ko 'yon sa 'yo, tsaka hindi ko naman alam na costly pala iyon. Bawiin ko kaya." Biro ko.

"No way!" Tugon ni Zendy sa kabilang linya at natawa naman ako. "I miss you na! Ba-bye!"

"Thank you at miss na rin kita. Bye." Nakangiti kong ibinaba sa kama ang cellphone ko.

"Miss? Who?" Halos mapatalon naman ako sa gulat sa biglang pagsulpot ni Señorito Primo rito sa kwarto habang pinapatuyo ang basa nitong buhok gamit ang puting tuwalya.

"Sino ang miss mo, darling ko?" Natuod ako dahil sa pinaghalong saya at kaba sa dibdib. Seryosong-seryo na naman kasi ang mukha into.

"Si Zendy. Humingi ako ng tulong para sa gown na isusuot ko mamaya," sagot ko.

"Ahh..." Umaliwalas naman ang mukha ng Señorito matapos kong sagutin ang tanong niya. Dinampot ko na rin ang roba at tuwalya ko na nasa kama para ako naman ang maligo.

"Bella..." Natigilan ako sa pagpihit ng doorknob ng pinto.

Uminit ang mukha ko kaya nakayuko akong humarap kay Señorito Primo na naghahanap ng damit sa cabinet.

"Did you missed me while I'm in Italy?" Tanong nito na matagal bago prumoseso sa utak ko. "Namiss mo ba ako?" Pag-uulit nito. "Silence means yes." aniya nang hindi ako sumagot.

"Minsan... Oo." Mahinang sagot ko pero sapat na para marinig ni Señorito Primo.

"Ahh..." Tumango si Señorito Primo na may ngisi sa mga labi bago ito tumalikod para magbihis kaya lumabas na rin ako ng kwarto.

Pagkatapos kong maligo ay sakto namang pagdating ng gown. Si Señorito Primo pa nga ang humarap sa delivery boy at siya rin ang pumirma. Nakakahiya nga na si Señorito Primo pa ang tumanggap nito.

"Ako na." Ang sinabi niya sa 'kin kanina nang tumunog ang doorbell, kakatapos ko lang kasing maligo at naka-roba lang ako.

Pinatuyo ko muna ang buhok ko bago ako nag-ayos. Tinuturuan naman ako ni Zendy kung paano mag make-up at kung minsan ay ginagawa niya pa akong model sa mga videos na inuupload niya sa social media. Sa kaniya rin galing itong mga beauty products na ginagamit ko ngayon kaya pasalamat talaga ako na may kaibigan ako kagaya ni Zendy.

Plinantsa ko ang buhok ko at hinayaan ko lang na nakalugay iyon. May konting kolorete na rin ang mukha ko at lip gloss, gusto ko lang na magmukang simple. Pero halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa gown na pinadeliver ni Zendy.

"Simple lang ang sabi ko." Turan ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang gown na dark ang kulay na napupuno ng mga diamond lalo na sa laylayan at sa may bandang dibdib at bukod pa do'n ay backless ang likod nito.

Wala na akong choice kun'di ang suotin na lang iyon at tinernohan ko ng innamorata sandals na kulay crema. Ang akala kong magiging simple lang akong titingnan ay hindi nangyari dahil sa hikaw ko ring diamond.

Kumatok si Señorito Primo kaya kinuha ko na ang pouch na nasa kama bago ako lumabas. Nakakahiya dahil pinaghintay ko ito nang matagal sa labas.

"Paumanhin Señorito Primo kung pinaghintay ko kayo, nahirapan lang akong isuot ang gown ko." Bungad ko sa Señorito na naka-charcoal gray three piece suit na inspired sa Italian, ganito ang hitsura niya nang makita ko siya noon isang beses sa magazine .

"Let's go," aniya.

Nag-aalangan akong maunang maglakad sa kaniya dahil paniguradong makikita niya ang likod ko. Imuwenistra ni Señorito Primo ang daan kaya nakanguso akong naglakad.

Pagpasok ko sa elevator ay pinagtinginan agad ako nang mga nasa loob pero agad ding lumipat ang mga mata nila sa likod ko hanggang sa maramdaman kong may pumulupot na mga kamay sa aking bewang. Gumilid ang mga nasa loob ng elevator para bigyan kami ng espasyo ni Señorito Primo. Nakayuko lang ako dahil nahihiya ako sa mga matang nakatingin sa akin lalo na't ganito ang suot ko.

"Be confident. You are beautiful like the stars in the universe. " Bulong sa akin ni Señorito Primo kaya sinubukan kong i-angat ang aking muka. "Perfect. Now, you're like a meteor that everyone will look up when you passed by." Mas lalong uminit ang mukha ko dahil sa mga sinabi ni Señorito Primo habang pinipisil ang tagiliran ko na para bang pinanggigilan niya iyon.

Six thirty ng gabi mag-uumpisa ang wine bidding party at limang minuto bago magsimula ay dumating na kami ni Señorito Primo sa Grand La Vista kung saan ang venue. Pagpasok pa lang ay talagang agaw atensyon na lalo na ang paglalakad sa red carpet habang may mga kumukuhang litrato at meron ding media. Kumapit ako sa braso ni Señorito Primo dahil natatakot ako na baka matisod ako sa paglalakad sa red carpet.
Ito pa lang ang kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay ko na aattend ako sa isang malaking event.

Pagpasok namin sa loob ay agad na nagtinginan sa amin ni Señorito Primo ang mga taong bihis na bihis nang mga mamahaling kasuotan at mga alahas. Maraming chandelier sa loob at may malaking screen sa unahan habang may mga alak sa bawat sulok at maging sa gitna ay meron din, napansin ko kaagad na ibat-ibang brand ng wine ang mga iyon mula sa ibat-ibang mga kompanya.

"Good evening ma'am and sir. This way for De Lucio. VIP." Nakangiting saad ng babaeng tila organizer ng event at iginaya kami nito sa unahan na malapit sa may screen.

May mga lumapit agad kay Señorito Primo at kinausap ito kaya tahimik lang akong nakikinig pero hindi ako makasabay sa usapan nila dahil ang bibilis nilang magsalita ng ingles.

"Primo?" Lumipat ang mga mata ko sa babaeng nasa harapan ni Señorito Primo, maganda at sexy, iyon agad ang napuna ko lalo pa't naka-eleganteng royal black lace dress ito na kitang-kita ang hubog ng katawan at ang makinis na kutis nito na tila may lahi rin kagaya ni Señorito Primo. "Oh my! It's really you! My Primo!" Dagdag pa nito habang ako naman ay nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. "Excuse me." Natataranta akong tumayo para lumipat ng upuan dahil bigla na lang sumingit sa gitna namin ni Señorito Primo ang babaeng ito.

"Venice, she's my secretary." Saad ni Señorito Primo kaya nilingon naman ako ng babaeng nasa gitna na namin na Venice pala ang pangalan.

"Huh? So you have a secretary now? I thought hindi mo gusto ang laging may nakabuntot sa 'yo. How come?" Diretso lang ang tingin ko sa screen pero ang pandinig ko ay nakatuon sa kanila. "Baka ipagpalit mo na ako Primo!" Turan nitong si Venice at kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag-iling at pag-ngiti ng Señorito.

Pasimple akong humawak sa dibdib ko dahil nanikip iyon bigla. Gusto kong tanungin kung anong meron sa kanilang dalawa pero para saan naman?

Pasimple kong sinisilip si Señorito Primo at si Venice na nag-uusap, may mga pagkakataon pa nga na hinahampas ni Venice ang braso ni Señorito Primo kapag tumatawa ito. Halatang-halata rin na mukhang malapit sila sa isa't-isa.

Mayaman 'to panigurado, ayan agad ang unang pumapasok sa isip ko sa tuwing titingnan ko si Venice.

Primo?

Primo ang tawag niya kay Señorito Primo tanda na talagang malapit sila sa isat-isa. Naalala ko tuloy ang sinabi noon ni nanay Carlotta na ang may mga karapatan lamang na tumawag sa mga De Lucio sa tanging mga pangalan nito ay isang maharlika na angat sa lipunan. Sa pamilya ng mga De Lucio ay nanatili pa rin ang pagtawag ng Señor, Señora, Señorito at Lady tanda nang pag-respeto at pagkilala sa loob ng tahanan.

May nagsalita na dalawang emcee sa unahan at sinimulan nila sa isang pagbati sa lahat. Isa-isa nilang tinatawag ang mga pangalan ng kompanya at tumatayo naman ang may-ari nito.

"And for the most well-known wine company worldwide, Indimenticato Wine De' Italia!" Tumayo si Señorito Primo at nagpalakpakan naman ang lahat lalo na ako. "A very young CEO, Señorito Gian Primo Montazzeo De Lucio." Dagdag pa ng emcee at pumunta naman sa unahan si Señorito Primo. Gaya nga nang sinabi ko na ang kompanya ni Señorito Primo ang highlight sa event na 'to.

"He's still the same. Handsome and intelligent." Nilingon ko si Venice na kumikislap ang mga mata habang pinapanood si Señorito Primo na nagsasalita sa unahan. "And I will never get tired of chasing him. My father is the head council of Roma Infinite Palace so we can be together. Gosh! I can't stop myself of thinking as his wife!"

Wife? Asawa?

Bagay naman sila ni Señorito Primo. Parehong maharlika.

Rumehistro sa utak ko ang eksina sa loob ng simbahan ng Quiapo kung saan naglalakad ako habang nakasuot ng gown pangkasal habang nag-aabang naman sa akin sa may altar si Señorito Primo. Ang eksinang produkto lamang ng imahinasyon ko. Unti-unting naglaho ang eksinang iyon sa utak ko at napalitan ng eksina kung saan masayang niyayakap ni Señorito Primo si Venice na nakasuot pangkasal.

Mariin kong ipilinig ang ulo ko dahil sa isiping iyon. Hindi ko na nagawang pakinggan ang sinasabi ni Señorito Primo sa unahan dahil lumipad na ang isip ko. Hanggang sa nagtayuan na ang lahat at kaniya-kaniya nang lapit sa mga wine na nasa gilid at gitna dahil nagsisimula na ang bidding at transaction ng ibat-ibang kompanya.

Hinanap agad nang mga mata ko si Señorito Primo at nakita ko itong nakikipag-usap sa halos hindi ko mabilang na tao. Lalapit na sana ako dahil bilang secretary niya ay dapat ay nando'n din ako pero agad na bumaba ang tingin ko sa mga braso niya kung saan naka-kapit do'n nang mahigpit si Venice.

Nanikip ang dibdib ko. Nag-iinit din ang mga mata ko. Lumapit ako sa isang stand table na may mga free wine na nasa wine glass at kumuha ako ng isa para inumin iyon. Napapikit pa ako sa lasa nito dahil sobrang pait at mataas ang alcohol.

Luminga ako sa paligid at nakita ko ang mga taong masayang nag-uusap. Ang mga taong angat sa lipunan. Ang mga taong hindi kailaman naranasan ang magutom, magtiis ng lamig, mamimilos at higit sa lahat ang maging pulubi.

Bakit ba nandito ako sa mundo nila?

Muli akong kumuha ng free wine at ininom nang diretso iyon.

Pinapatira ka lang sa mansion ng mga De Lucio feeling mo prinsesa ka na?

Pakiramdam ko naririnig ko ang mga boses ng mga tao sa Casa Bel Palazzo na kumukutya sa pagiging pekeng De Lucio ko.

Kahit anong isuot mo huwad ka pa rin!

Kumuha ulit ako ng isa pang free wine na iba naman ang brand at diretsong ininom iyon.

Kahit anong magarang damit ang aking suotin, kahit palamutian pa ako ng mga kumikinang na mga alahas, kahit nakahiga pa ako sa malambot na kama at nanunuluyan sa malaking mansion ay hinding-hindi pa rin magbabago kung saan talaga ako nanggaling.

"Hulaan ko, escort ka ng isa sa mga CEO rito." Napakurap ako dahil sa sinabi ng lalaking nasa 40s na siguro. Ngumisi ito bago inumin ang wine na hawak nito. "Walang mayaman na iinom ng tatlong klase ng wine ng sunod-sunod." Naibaba ko ang hawak kong wine glass na wala nang laman.

"Mali ang hula mo." Sambit ko bago ko ito tinalikuran at pumasok sa grupo ng mga tao na abala sa pagtitingin-tingin ng mga ibat-ibang wine na naka-display sa mga estante.

"My Primo!" Narinig ko sa may gilid ang boses ni Venice at nang lumigon ako ay sakto namang hinalikan nito sa labi si Señorito Primo.

Umatras ako at pinilit kong makalayo sa mga tao kahit pa may nababangga ako. Nasapo ko aking ang dibdib dahil parang pinipiga ito. Nahihirapan akong huminga dahil sa pagkirot ng puso ko sa mga eksinang nakita ko.

Nasasaktan ako!

"Gotcha!" Mabilis kong pinunas ang mga luha ko dahil nandito na naman sa harapan ko ang lalaki kanina. "Magano ba ang binabayad sa 'yo?" Nangunot ang noo ko at hindi ko nagustuhan ang sinabe nito. "10K? Pwede na ba, kahit ngayong gabi lang?" Nanginginig ang mga kamay ko at gustong-gusto ko itong sampalin pero nawawalan ako ng lakas dahil pa rin sa nasaksihan ko kanina! "15K? Puwede na ba?" Hinaplos nito ang braso ko kaya napaatras  ako. "Ano?" Naitikom ko ang kamay ko dahil sa pag-ngisi nito at tangkang paghawak ulit sa braso ko.

"Touch her and I will put you into the grave." Umatras ang lalaki dahil sa paglapit ni Señorito Primo na inilagay ang blazer niya sa mga braso ko. "Harvey's Wine Company?"
Seryosong tanong ni Señorito Primo sa lalaking nambastos sa akin na tumango lang sa tanong ng Señorito. "Your rotten company will be gone in the wine industry in coming days."
Kitang-kita ko kung paano matulala ang lalaki dahil sa seryosong sambit ni Señorito Primo kaya mabilis itong tumalima paalis.

"Why did you let him to touch you?" Seryosong saad ni Señorito Primo nang harapin ako nito pero nanatiling diretso ang tingin ko sa kaniya.

"Baka hinahanap ka na ni Venice." Giit ko na lalong ikina-nuot ng noo nito.

"Answer me! Why did you let that asshole touch you?!" Madilim na ang mukha nito pero hindi ako nagpatinag kahit pa gumagalaw ang kaniyang panga tanda na nagpipigil ito ng galit.

"Anong meron sa inyo ni Venice?" Alam kong wala akong karapatan na magtanong ng ganito sa kaniya pero hindi ko maipigilan.

"She's my closest friend in Italy," aniya.

"Then why did she kissed you?" Mabilis na sambit ko na ikinagulat ni Señorito Primo.

"It's just a friend kiss... A goodbye kiss."

"Sa lips?!" Mariing sabi ko at hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaganito ako.

"She accidentaly kissed me, darling, at walang ibig sabihin 'yon sa 'kin." Mahinahong paliwanag ng Señorito.

"Sinadya niyang halikan ka. Ano 'yon? Kiss as a friend?" Gift ko at matinding pagpigil ng luha ang ginagawa dahil ayaw kong umiyak sa harapan niya.

"It was an accident."

"She likes you, she likes you in a romantic way," sambit ko at mariin namang pumikit si Señorito Primo bago ito nagsalita.

"Why did you let that stupid asshole touch you? I've already told you na dapat sa 'kin lang nakatuon ang mga mata mo." Tuluyan nang namuo ang mga luha ko at nawala na rin sa isip ko na may mga tao sa paligid namin.

"Hindi ko ginusto iyon!" Protesta ko at tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko.

"I know. I know." Hindi maintindihan ni Señorito Primo kung pupunasan ba ang mga luha ko o yayakapin ako pero mas pinili kong umatras sa kaniya.

"Ikaw lagi ang hinahanap ng mga mata ko. Ikaw lagi ang gusto kong makita. Pero alam ko-alam ko na kahit kailan, hinding-hindi magtatagpo ang mga mata natin! Na ang mga mata mo ay hindi kailaman titingin sa akin." Tuluyan nang bmuhos ang mga luha ko sa masakit na katotohanang sinabi ko.

"Darling... Stop crying."

"Hanggang tanaw lang ako sa mundo mo Señorito Primo." Mapait na sambit ko sa gitna nang paghikbi dahil iyon naman ang totoo.

Mabilis akong naglakad palabas ng venue kahit pa marami ang nakapansin sa pagpunas ng mga luha ko. Wala akong planong sumabay sa van kay Señorito Primo kaya pumara agad ako ng taxi pagdating ko sa labas.

Hindi pa rin ako matigil sa pag-iyak sa loob ng taxi. Kahit nananakit na ang mga paa ko na hinayaan ko lang dahil mas matindi ang sakit na nararamdaman ko ngayon, sakit na dulot ng katotohanan na hindi ako nababagay sa mundo ni Señorito Primo, at inaamin ko na nasasaktan ako sa katotohanang iyon! Ito ang masakit na realidad.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
3M 184K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
14.1K 217 44
Nikita Aphrodite Montello is a jolly girl who wants to be a successful nurse. One of her dreams is to be love by the person she really love, pero til...