IL Mio Dolce Amante (My Sweet...

By Lorenzo_Dy

164K 5K 329

Ulila at palaboy, 'yan ang naging buhay ni Bella bago mapunta sa pangangalaga ni Señor Freigo na dating Hari... More

Warning
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 19
Kabanata 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Wakas
SPECIAL ANNOUNCEMENT!
ABOUT THE AUTHOR

Kabanata 18

2.8K 105 12
By Lorenzo_Dy

Pangamba (Preoccupato)

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kahapon sa tapat ng simbahan ng Quiapo. Ang lalaking nakabunggo sa akin at ang mga binitawan nitong salita ay talagang nagdadala nang pangamba sa akin. Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi at kaninang umaga ay iyon pa rin ang tumatakbo sa isip ko.

Ngayon lang nangyari ito at talagang nag-aalala ako para sa sarili ko lalo pa't pakiramdam ko na sinasadya nitong itago ang kanyang mukha para hindi ko ito makilala. Malakas din ang pakiramdam ko na hindi iyon taga Casa Bel Palazzo. Unang pumasok sa isip ko na baka ang dati kong amahin iyon pero imposible rin dahil mukang ilang taon lang ang agwat nito sa akin o mga kasing edad ko lang.

Ipinilig ko ang ulo ko at mariing pumikit para paniwalain ang sarili ko na baka coincidence lang ang nangyari kahapon dahil sa dami ring tao sa Quiapo lalo na sa labas ng simbahan.

"You okay?" Nilingon ko si Señorito Primo.

"Ah, Oo. Namimiss ko lang sina nanay Carlotta at Señor Freigo."

Nakangiti kong sagot pero mukang hindi ito kumbinsido. Inayos na lang ng Señorito ang neck tie niya bago ulit sumandal sa upuan dito sa loob ng van. Papunta kami ngayon sa dinner meeting na nakaschedule sa Diamond hotel. Simpleng puting blouse na pinatungan ng maroon na blazer at blue skirt na abot tuhod ko ang suot ko ngayon, hindi katulad ni Señorito Primo na nakapormal suite.

Nagvibrate ang dati kong cellphone at nakita ko ang text mula kay Zendy na pinapaalala sa akin ang pasalubong ko raw sa kanya.

"Who's that?" Aniya ni Señorito Primo na tinutukoy ang nagtext sa akin.

"Zendy." Simpleng sagot ko.

"You look tired. Do you want to take a rest? I can handle it with myself, you can go back to the hotel," sinserong aniya ni Señorito Primo na pinatigil muna ang van.

"Ayos lang ako Señorito Primo, no need to worry about me."

"But you're spacing out," aniya.

"No, I'm not." Saglit pa ako nitong tinitigan bago ulit inutusan na paandarin ang van. Hindi ko siya masisisi kung magtaka siya dahil tahimik ako buong maghapon at ngayon.

Pagkarating namin sa Diamond Hotel ay may sumalubong sa aming hotel staff at sinabayan pa kami nito sa pagpasok ng elevator. Binati ng hotel staff si Señorito Primo pati ako pero hindi man lang ako tumingin dito dahil abala ako sa paglalaro ng ballpen na hawak ko.

"What's bothering you, darling?"
Bulong sa akin ni Señorito Primo at naramdaman ko pa ang mga labi nito sa likod ng aking tainga na naging dahilan para magtayuan ang mga balahibo ko sa batok ko.

"W-wala." Tugon ko. Narinig ko ang pagngisi niya hanggang sa maramdaman ko ang mga palad niya sa aking bewang ko habang pinipisil ang mag kabilang tagiliran ko!

"Tell me...darling... What's bothering you?" Bulong ulit sa akin ng Señorito.

Darling? Bumibilis ang pagkabog ng aking dibdib ko at kahit malamig dito sa loob ng elevator ay pinagpapawisan ako! Idagdag pa ang pasimpleng pagsulyap sa amin ng hotel staff na pasimpleng ngingiti. Bakit laging ganito ang mga tagpo namin ni Señorito Primo sa tuwing nasa elevator kami? Tama ba itong ginagawa niya?
Normal lang ba ito para sa kanya?

Kasi sakin, hindi! Hinding-hindi, dahil pakiramdam ko tuloy ay may gusto siya sa akin! Ayaw kong mag assume pero hindi ko mapigilan! Baka sinabi ni nanay Carlotta na may pagtingin ako sa kanya? Kaya siguro ganito si Señorito Primo sa akin ngayon para asarin ako? Pero hindi sa tingin ko ay hindi naman gagawin 'yun ni nanay Carlotta.

At ang isang Señorito Gian Primo Montazzeo De Lucio ay magkakagusto sa akin?
Malaking isang IMPOSIBLE!

Baka normal lang talaga para sa kanya mga ginagawa niya dahil baka ganun sa bansang Italy.
Natigil lang ang mga katanungan sa isip ko nang bumukas na ang elevator kaya nagmamadali akong lumabas. Nauna ang hotel staff at binuksan nito ang isang malapad na pintuan, tumambad sa loob ang isang malawak na swimming pool at may table sa dulo nito kung saan may apat na mga lalaking nakaupo na mukang iba-iba ang lahi. Sigurado ako na sila na ang mga CEO from different companies and countries.

Pagkarating namin ni Señorito Primo sa may table ay tumayo ang apat at binati nila ang Señorito habang nakikipag kamayan. Nginitian ko naman din ang apat na lalaki na iba-iba ang lahi bago ako umupo sa may tabi ni Señorito Primo. May mga nakatayong service crew sa gilid at lumapit ang mga ito para hainan kami ng pagkain.

Mula dito sa kinauupuan ko ay natatanaw ko na ang maiilaw na mga buildings sa labas dahil salamin ang palibot nito. May ilaw rin ang ilalim nang malawak na swimming pool na parang kumukulo pero hindi naman mukang mainit.

Nagsimula na ang paguusap tungkol sa mga alak at kanya-kanyang pagmamalaki ang bawat CEO ng apat na kompanya kay Señorito Primo. Mukang nagaagawan sila sa kung sino ang magiging partnership nang pinapatayong pabrika ng alak ni Señorito Primo sa Casa Bel Palazzo.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanila pero isinusulat ko ang mga brand ng wine na binabanggit nila kasama ang mga ino-offer nila sa kompanya nina Señorito Primo.

Sa huli, ang Vycampe Wine Company mula sa Germany at ang Blue Wine Company mula naman sa Australia ang tinanggap ng Señorito bilang partnership at ang Wine que Company mula Canada at Wine Society Group sa England ay napagkasunduan nila na mag-iimport na lamang ng kanilang mga product wine sa oras na matapos na ang construction ng pabrika ng alak.

"Cheers!" Aniya ng british na lalaki.

Itinaas ko naman ang wine glass ko na may lamang wine na hindi ko alam kung anong brand. Umiinom naman ako ng wine kapag may mga selebrasyon sa mansion kaya medyo sanay na ako sa lasa ng ibat-ibang wine.

"And I invited some of my friends to celebrate with us." Napalingon ako sa itinuro ng Australian at pumasok naman sa loob ang anim na mga babaeng naka two piece. Agad itong lumapit sa apat na CEO at tatayo naman na sana si Señorito Primo pero tinulak ito nang dalawang babae pabalik sa upuan at agad na kumandong sa mga hita niya. Nagugulat ako sa mga nangyayari dahil hindi ko inaasahan na may ganito pala pagkatapos ng meeting.

"Merda!" (Shit) Iritadong sambit ng Señorito pero hindi nito magawang makaalis sa kinauupuan niya hanggang sa hinahalikan na ito sa leeg.

Hindi ko na kinaya ang mga nasasaksihan ko kaya tumayo na ako at mabilis na dinampot ang bag ko. Parang pinipiga ang aking dibdib sa mga eksinang iyon kahit pa alam ko namang hindi rin iyon inaasahan ni Señorito Primo. Dire-diretso akong lumabas sa pinto at nagmamadaling pinindot ang elevator pero bago pa man ako makapasok sa loob ay may humigit na sa akin papasok nang kabubukas lang na elevator.

"Sino ka?!" Gulantang na saad ko dahil naka itim na jacket at itim na sumbrero ang lalaking humigit sa akin papasok ng elevator.

"Sinusundan mo ba ako? Anong kailangan mo sa 'kin?!" Nanginginig kong tanong dahil kaming dalawa lang ang nandito sa loob ng elevator.

"Malalaman mo rin kung sino ako. Binabalaan lang kita na mag-iingat ka lalo na sa pagbalik mo sa Casa Bel Palazzo." Hindi ako makapagsalita dala nang matinding gulat at kaba! "Pero mas mabuti kung huwag ka nang bumalik sa Casa Bel Palazzo."

Nangilid ang mga luha ko dahil sa mga sinabi ng lalaking ito na hindi ko naman kilala. Bumukas ang elevator at mabilis na lumabas ang lalaki at may mga pumasok naman sa loob.

Sinusundan niya ako! Iyan agad ang pumasok sa isip ko dahil sigurado ako na siya rin ang nakabangga ko sa may hotel at sa may simbahan ng Quiapo.

Pagkapasok ko sa loob ng van ay doon ako tahimik na umiyak dala nang pinaghalong takot at kirot, kirot dahil sa eksinang nakita ko kanina na paulit-ulit pa ring tumatakbo sa isip ko. 

Bumukas ang van kaya mabilis kong ipinikit ang mga mata ko para magpanggap na tulog dahil ayaw ko munang makipag-usap ngayon sa Señorito o kahit kanino. Naghahalu-halo ang mga tumatakbo sa isip ko ngayon at wala ako sa huwisyo para makipagusap nang ayos.

"Hey... Darling." Naramdaman ko ang paghaplos ni Señorito Primo sa mukha ko. "It's not what you think. I didn't expect it too. I swear!" Aniya na mahihimigan sa boses ang pagiging frustrated.

"Alam ko." Tugon ko. Hindi dapat ako sasagot pero nagkusa ang bibig ko. "Pagod na ako, gusto ko nang matulog." Dagdag ko para hindi niya na ako istorbohin pa.

Pagkarating namin sa hotel room ay dumiretso na agad ako sa loob ng kwarto at nahiga sa kama. Hindi ko na rin nagawang magbihis dahil masyadong okupado ang utak ko dahil sa mga nangyari.

Alam ko na gusto pa sanang magsalita at magtanong ni Señorito Primo pero mas pinili nitong manahimik na lang at basahin ang mga kilos ko kaya pasalamat ako kahit papaano dahil hindi ko na kailangan na magpaliwanag.

"Buonanotte, darling."
(Goodnight darling) Akala siguro ng Señorito ay tulog na ako pero dahil medyo nakabukas ng konti ang mga mata ko ay nakita ko kung paano niya ayusin ang kumot ko bago ito umikot patungo sa kanyang kama.

Nagising ako dahil sa pagtunog ng cellphone ko na nasa ulunan. Agad kong sinagot ang tawag habang nakapikit pa rin.

"Hello?" Aniya ko.

"Kailan ang uwi mo dito? Wala akong kasama dito sa bahay 'e."
Nahimigan ko ang boses ni Zendy na para bang inagawan ito ng pagkain.

"Baka sa susunod na araw pa."
Tamad kong sagot dahil inaantok pa ako.

"Bella? Bakit ganyan ang boses mo? Pagod ka ba o pinagod ka?"
Nag h-hysterical na tanong ni Zendy sa kabilang linya.

"Kagigising ko lang," aniya ko pero lalo lang naging hysterical ang kaibigan ko.

"My God! Pinagod ka nga! Kagigising mo lang 'e halos 11 am na!" Napabangon ako dahil sa sinabi ni Zendy sa kabilang linya at agad kong tiningnan sa home screen ng cellphone kung ano oras na at pasado alas onse na nga ng umaga.

"May meeting pa pala kami! Sorry pero ibababa ko na!" Aniya ko at nagmamadali kong pinatay ang tawag kahit nagsasalita pa si Zendy sa kabilang linya.

Bumaba agad ako sa kama at doon ko lang napansin na hindi pa pala ako nakakapagbihis kaya agad kong kinuha ang tuwalyang nakasabit.

Palabas na sana ako sa kwarto nang mapansin ko na wala sa kama niya si Señorito Primo. Kaya kinuha ko sa shoulder bag ang cellphone na ibinigay nito sa 'kin para tawagan sana ito pero bumungad ang unread text nito.

["I didn't bother to wake you up co'z I want you to take a rest for today. I've ordered a breakfast and lunch for you. Just stay there. Eat well, darling ko. ;)]

Binasa ko ulit ang text niya at talagang paulit-ulit kong binasa ang huling salita.

Darling?

Hindi ko alam kung bakit napangiti ako.

Paglabas ko sa kwarto, nakita ko kaagad ang round table sa mini kitchen na puno ng pagkain at agad kong napuna ang dalawang bucket of chicken!

Lumapit ako sa round table at nakita ko na may sticky notes na nakadikit sa bucket of chicken kaya kinuha ko iyon at binasa sa isip ko.

[My peace offering for what happened last night, I promise it will never happen again. Perdonami, darling ko]

Nakangiti akong kumakain habang binabasa ang text at sulat sa sticky notes. Darling. Napapailing na lang ako pero kalaunan ay mapapangiti rin pagkatapos.

[Kamusta ang meeting?]

Text ko sa Señorito habang nasa loob ako ng banyo para maligo. Agad na nagvibrate ang cellphone dahil sa text ni Señorito Primo.

[It's fine. What are you doing now, darling ko? Are you bored?]

Matagal bago ako nakapagreply dahil talagang napapatitig ako sa 'darling'.

[Maliligo na ako.] Reply ko.

Agad nagring ang cellphone kaya sinagot ko naman ang tawag ng Señorito dahil baka may importante itong sasabihin.

"Next time, please don't tell me that you're going to take a shower, dahil hindi ko mapigilan ang magisip ng kung ano."
Nangunot ang noo ko dahil hindi ko makuha ang pinupunto ng Señorito na agad ring pinutol ang tawag.

Continue Reading

You'll Also Like

7.8K 162 27
Sienna Kehlani Yu is a successful fashion designer who find herself entangled in a murder accusation of her twin sister. But with the protection of h...
The Chaser By babytiger

General Fiction

12.3K 366 32
"Either come closer or stay away, having you in between is very exhausting"
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
330K 17.7K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.