After Her Last Straw (Dream S...

By Zanashi

390K 21.8K 19.8K

After knowing that someone aside from her is capable of securing the top spot, Aphra felt nothing but hatred... More

Synopsis
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Special Chapter

Chapter 7

8K 478 325
By Zanashi

Chapter 7: Mockboard
Zanashi

"Sobrang daming kasali sa accounting! Umabot ka sa last chapter? Ako, di na kinaya kagabi, eh!"

"I've read it! Alam mo 'yung basa lang pero 'di naintindihan? Sinubukan ko pero 'di talaga pumapasok sa isip ko! Binasa ko na lang kasi baka biglang maalala sa exam, di ba?"

"Kinakabahan nga ako masyado! Sa theory lang ako nag-focus. Di ko maintindihan talaga ang ibang problem solving!"

Unti-unting humina ang boses nila nang lumiko sila pakanan. Dumiretso ako sa locker area na parang nakalutang. Ang isip ko, lutang na lutang.

Bawat parte ng school, puro pag-aaral kagabi ang pinag-uusapan. Kung ilang chapters ba ang natapos, kung nag-review ba sa previous topics, kung nagpahinga ba o talagang nag-aral lang, kung natulog din ba, at kung ano ano pa.

Parang mga matitinis na boses ang naririnig ko, pumapasok sa kaliwang tenga ko, nagwawala sa loob ng ulo ko, bago tuluyang lalabas sa kanang tenga ko.

Tuwing may naririnig ako, nadadagdagan ang kabang nararamdaman ko. Kung may nagtatanong sa kaibigan, sinusubukan kong sagutin sa isip ko na lalo pang nagpapa-sakit ng ulo ko.

"Airah, what if I have a husband, then I chose conjugal partnership of gains as our property relations, exclusive property ko ba 'yung mga binili ko using my own money? Exclusive money, kumbaga?"

I shut my locker loudly when I realized that I have nothing to get or place in it. Maingay ang paligid kaya halos hindi marinig ang ingay na dulot ng pagkakasara ko rito. Isinandal ko ang ulo ko sa locker.

Ba't pa ako pumunta rito? Dapat ay dumiretso na ako sa assigned room namin! Napakalutang!

"Ano ngang pinagkaiba ng void, voidable, unenforceable, and rescissible contracts?"

"Wait lang! Nalilito rin ako. Please, stop asking me anything. Masusuka na ata ako."

Ilang minuto kong isinandal ang noo ko sa locker. Nararamdaman ko ang sakit na unti-unting dumadaloy mula sa kabilang bahagi ng sentido ko patungo sa noo ko. Binuksan ko ang mga mata ko at parang umiikot ang paningin ko. Sandali kong kinalma ang sarili bago tuluyang tumayo at pumunta sa assigned room namin.

Sa corridor, para akong masusuka sa dami ng tao. Para akong masusuka habang tinitingnan ang kinakabahan nilang mukhang nakatuon sa libro, para akong masusuka habang pinapakinggan ang boses nilang tanong nang tanong tungkol sa topics, at para akong masusuka tuwing may nakikita akong estudyanteng mukhang nasusuka rin.

I've never felt like this in my entire life. Tuwing examination, kinakabahan ako pero hindi naman ganito kalala. Hindi ako napre-pressure tuwing may mga naririnig akong nagtatalo tungkol sa kung ano ba ang tama.

I'm always the confident type of student. Walang maitim na pasan pasan sa baba ng mata dahil maagang natutulog.

Pero ngayon, parang bumaliktad lahat. I don't have any idea on how to handle this situation! Alam ko namang napag-aralan ko ang karamihan sa topic namin pero parang wala akong maalala. I'm starting to feel scared. Hindi rin nakatulong ang pagpa-palpitate ko.

Hindi tulad ng lagi kong ginagawa tuwing may exam, nagpuyat ako kagabi. Wala akong kahit isang oras na tulog. Ilang kape ang ininom ko dahil ayaw kong dalawin ng antok at bago umalis sa bahay ay uminom din ako ng kape para hindi antukin habang nag-eexam.

This is my first time doing this. My first time not being able to study all our topics, my first time not having enough sleep, and my first time drinking coffee the night and an hour before our examination. It felt... different. I definitely don't want this.

"Uminom ka ng bonamine. May dala ako. Ba't kasi 'di ka natulog?" napatingin ako sa isang lalaki na inaalo ang umiiyak na babae.

Punong-puno ng salompas ang noo ng babae at sobrang pula ng ilong niya. She looked miserable.

"Tanga. 'Di makakatulong ang bonamine dito," iyak niya. "Di ko kasi talaga maintindihan ang auditing. Nahihirapan ako. Ayokong ibagsak ito."

Pumasok ako sa classroom at dumiretso sa table kung saan nakadikit ang pangalan ko. Mabilis kong nilabas ang mga libro ko at mabilis kong tiningnan ang mga nakasulat sa bawat pages. Halos mapunit ang libro ko pero tuloy pa rin ako sa ginagawa.

Hindi ako pwedeng magpabaya. Hindi ako pwedeng mabagsak. Hindi ko pwedeng kalimutan ang mga napag-aralan ko. Inulit-ulit ko ito sa isip ko hanggang sa dumating na ang proctor namin.

Ipinaligpit sa amin ang gamit at pinaayos kami ng upo bago tuluyang ibigay ang test questionnaire para sa law.

Noong una, nakakayanan ko pang sumagot. Naaalala ko pa. Pero nang sa kalagitnaan na kung saan dalawang paragraph na ang question, nagsimula nang mahulog ang talukap ng mga mata ko.

I shook my head forcefully that I could feel some part of my neck cracking. Muli akong tumingin sa test questionnaire at binasa ang question nang mahina. Sakto lang para lumabas sa bibig ko at pumasok sa tenga ko.

"If the agent appoints a substitute against the expressed will of the principal, and the sub-agent enters into a contract with third persons, which is correct?"

Binasa ko ang mga choices nang paulit-ulit. Ginamit ko ang elimination method. Tinanggal ko ang mga pinakamalayong sagot hanggang sa may natirang pinakatamang sagot.

I proceeded into the next question and I suddenly feel so scared when I realized that I was actually having a difficulty understanding the questions. I feel so scared that I needed to stop answering and took a deep breath. With shaking hands, I continued shading those I think are the right answers.

Twenty items na lang ang natitira nang makaramdam ako ng sobrang antok. Unti-unting lumabo ang paningin ko. Tila sumasayaw ang mga numero at titik sa paningin ko hanggang sa tuluyan nang bumagsak ang ulo ko sa lamesa.

"Five minutes left. Finalize your answer."

Para akong binuhusan ng sobrang lamig na tubig nang marinig ko ang anunsyo ng proctor namin. Napatingin ako sa relo ko at.. shit! Nakatulog ako ng almost 30 minutes. Tiningnan ko ang papel ko at almost twenty items pa ang blangko.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko na para bang nabibingi na ako, at ang sakit sakit sa dibdib. Para akong sinusuntok. Nangilid ang luha ko habang binabasa ang next question.

"Two minutes left."

Parang umiikot ang paligid ko habang pinapakinggan ang mga yapak nila papunta sa proctor's table para ibigay ang answer sheet nila. Gamit ang nanginginig na kamay, sinagutan ko ang mga items na wala pang sagot. I started shading letter A from sixty onwards.

"Alright. Put all your pens down, hands up, and pass your paper forward."

Lumabas ako pagkatapos ng exam namin sa law para pumunta sa cr. May 30 minutes pa kami para magpahinga bago magsisimula ang tax.

Isinara ko ang cubicle at tuluyan nang bumuhos ang luha ko. Tinapik ko ang dibdib ko dahil sobrang sakit talaga. Huminga ako nang malalim at halos pabulong na inaalo ang sarili.

"It's okay, Aphra. Calm down. Put yourself together. May tax pa. You can't panic, Aphra, please. You just can't."

Patuloy na umaagos ang luha ko habang tinatapik ang dibdib. Hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas pero tuluyan lang akong lumabas at pumunta sa classroom when the bell rang for the next examination.

Pinilit kong kumalma nang mahawakan na ang test questionnaire sa tax. First question pa lang ay hindi ko na maintindihan ang tanong.

Alam kong alam ko ito pero parang hindi rumerehistro sa utak ko ang tamang sagot. Para akong sirang makina na paulit-ulit na binabasa ang question.

Pilit mang ilayo ang isip sa nangyaring exam sa law ay hindi ko pa rin magawa. Paulit-ulit na sumasagi sa isip ko ang ulo kong nakasubsob sa lamesa, natutulog habang sumasagot ang mga kaklase, na naging dahilan kung bakit 'di ko nasagutan ang ibang items.

Pakiramdam ko ay ibang Aphra iyon. Hindi ako 'yon! Bakit... bakit siya natulog? Bakit? How can she do that during the exam? How can she sleep when she don't have enough time to answer all the questions?

Pahirapang mag-concentrate. Unang-una, dahil antok na antok pa rin ako. Maya't maya ay nahuhulog ang talukap ng mata ko. Pangalawa, sumasakit ang ulo ko at dibdib ko. Nahihirapan akong huminga at mag-isip nang maayos. Pangatlo, hindi mawala sa isip ko ang posibleng score ko sa law. Paano.. pag bumagsak ako? Hindi pwede.

Tingin ko'y napurol na ang utak ko pagkatapos ng tax. Pagkalabas pa lang ng proctor namin, biglang nag-ingayan ang paligid. Ang bawat isa'y pumunta sa mga kaibigan para pag-usapan ang lumabas sa exam.

"Parang walang sagot 'yung number 46? 12,458 ang dapat na income tax, di ba? Sobrang layo sa mga choices!"

"Tanga! Taxable income 'yang sinasabi mo. Letter B ang income tax."

"Ay hala oo! Ay puta! Magkaiba pala ang putek! Nakalimutan ko!"

"Tanga talaga. Ilang items din iyon."

"Putangina talaga!"

Pinatong ko ang dalawang siko ko sa desk at naisapo ang palad sa mukha ko. Gusto kong buklatin ang libro ko sa accounting sa huling pagkakataon pero parang ayaw gumalaw ng katawan ko. Paulit-ulit na nagpapakita sa isip ang kapalpakang ginawa ko sa dalawang magkasunod na exam.

"Huy, why are you crying?" naramdaman kong nagkumpulan sila malapit sa akin.

"H-hindi ko na ata kaya. Bagsak na talaga ako, sigurado na," dinig kong sabi ng katabi ko sabay singhot.

"Ano ka ba naman! Wala pa ngang resulta, eh."

"Ayoko na talaga. Ilang gabi na akong walang maayos na tulog para dito tapos di rin pala ako makakasagot? Buo na talaga ang desisyon ko. Magshi-shift na ako next school year."

"Luh? Wala namang ganyanan. Pare-pareho lang tayong walang nasagot. Nag power of c na nga ako sa last ten items, eh."

"Ang mabuti pa, wag muna nating isipin 'yan ngayon. Ilang minutes na lang magsisimula na ang accounting oh. Kalmahan lang muna natin."

Huminga ako nang malalim. Pumikit nang mariin. Parang sasabog na ata ang ulo ko sa sobrang sakit. Idagdag mo pa ang mga naririnig ko na mas lalong nagpapabigat sa loob ko.

Aphra, it's okay. Last subject na 'to. Huli na, Aphra. Pwede ka nang matulog at magpahinga pagkatapos. Just please, please, mag-concentrate ka na. Wag mo munang isipin ang tax and law, please?

"Oh, chocolates kayo dyan. Pampawala ng stress," sigaw ng isa sa likod.

"Pahingi ako, Victor John!"

"Share naman dyan sa stress reliever na 'yan."

"Oh, isa isa lang! Ayan sayo, Kylamae. Ibigay mo rin 'to kay Diana, oh. Francis, kuha ka rin."

Nakayuko lang ako nang biglang may nahulog na chocolate sa desk ko. Agad akong napatingin sa harap ko at nakita ang nakangising lalaki.

"Kung gusto mong guminhawa ang buhay mo, ang tsokolateng iyan ay iyong isubo."

"Victor John, pahingi!"

"Oh. Talagang pinagkakaguluhan ang mahiwaga kong tsokolate ha?" natatawa niyang sambit sabay punta sa harap para mamigay.

Napatingin ako sa chocolate na nasa desk ko. Kinuha ko ito at ibinulsa. Hindi ko ata masisikmurang kumain ngayon. Tingin ko talaga'y masusuka na ako.

"Okay, settle down, everyone!" nagsibalikan ang lahat sa kanya-kanyang upuan nang dumating ang proctor namin sa accounting.

Nabuhayan ako nang makitang alam ko ang karamihan sa questions, lalong-lalo na sa theories. Ngunit nang magsimula na akong sumagot sa problem solving, bigla ay parang umikot ang paligid.

"Argh," mahina kong daing nang maramdamang parang may karayom na tumusok sa ulo ko. Humugot ako nang malalim na hininga bago muling binuksan ang mata para sumagot.

Alam ko, talagang alam ko ang problem solving. Naaalala ko nang mabuti ang process. Pero hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing sinasagutan ko na ito ay bumabaliktad ang sikmura ko. Bumigat ang pakiramdam ko.

For the first time in history, I badly want to pass my answer sheet to get away from this place. This place is suffocating me. The table, the wall, the proctor, the students, everything! It suffocates me!

Pinilit kong umayos ang pakiramdam. Ibinalik ko ang tingin sa questions at pigil-hiningang sumagot. Fifteen minutes bago matapos ang exam, sumuko na ako. Hindi ko na kaya!

Sinagutan ko ang mga blank items nang hindi binabasa ang question. Hindi ko na naiisip ang score ko pagkatapos nito. Ang tanging hangad ko lang ay makalabas sa apat na sulok ng silid na ito. For once, I didn't think of my grades.

Ipinasa ko ang answer sheet sa proctor, kinuha ang bag ko, at tuloy-tuloy na lumabas. Marami nang estudyante sa labas kaya imbes na makahinga nang maluwag ay lalo pa akong nahirapang huminga.

"Excuse me!" naramdaman ko ang pagbangga sa braso ko pero hindi ko na nakayanang lumingon pa.

I reached out for the wall to support my weight. Nanginginig ang binti ko. Mabagal akong naglakad habang nakakapit sa dingding na para bang dito nakadepende ang buhay ko.

Someone would accidentally push me every now and then. Too many students. The corridor's so crowded. Nanatili akong nakayuko habang naglalakad. Pag-angat ko ng tingin, parang biglang bumaliktad ang mundo.

Unti-unting umikot ang paningin ko. Bago mawalan ng malay, narinig ko ang munting hiyaw at sigawan ng mga estudyanteng malapit sa akin, at kasabay nito ay ang pagkulong ng mainit na braso sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

314K 24.1K 36
ပဲပြုတ်သည်ငပြူးနဲ့ ဆိုက်ကားဆရာငလူးတို့ရဲ့ story လေးတစ်ပုဒ်
1M 40.1K 33
City Series #1 Claude Noestro is a famous guy in a small city not only for his skill in sports but also his family background, with that comes a lot...
257K 7.6K 75
(Fixed/Fan-TL) Top idol group Stardust, whose members disappear like dust. The group that used to have seven members ends with four members... "Is...
Ice Cold By m

General Fiction

2.2M 80.8K 48
[boyxboy] Wren Ridley is always two steps ahead of everyone, or so he thinks. His life seems out of his control when he starts having feelings for so...