KISS ME, CAPTAIN

By Zoenia_01

809K 21.9K 7.3K

[ME series#2] The life of Paint Cenery Ordencial is not perfect as other people think. She's beautiful like a... More

KISS ME CAPTAIN
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chaptet 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64

Chapter 8

14.9K 411 63
By Zoenia_01

Paint Cenery

PANGATLONG araw na naming pinaghahanap si Coco pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming nakikita kahit hibla ng buhok niya.

Tatlong araw na rin ako madalas puyat, hindi kumakain at inuumaga na kung umuwi kaya galit na galit saakin si Gracielle at Roi kasi nga masyado ko ng pinababayaan ang ibang kapatid ko pati na rin ang sarili ko.

Sino ba naman ang makakapag pahinga ng ayos at makakain kung walang aksiguraduhan kung nasa mabuting lagay ang kapatid ko lalo na pa naman Autistic siya.

Ni hindi pa rin ako bumibisita sa hoslital dahil wala akong mukhang ihaharap sa magulang ko. Si Ella lang madalas ang pumupunta kina Tatay para balitaan, syempre pahirapan na naman sa sitwasyon ni Tatay. Gusto niya talagang tumulong na hanapin si Coco mabuti nalang at napapakalma siya ng mga doctor doon.

"Tita Grace, nasaan po si Gracielle?" tanong ko nang pumasok ako sa bahay nina Cielle dahil simula kanina ko pa siya hindi nakikita.

"Naliligo eh, kagagaling lang police station para icheck kung ano ng lagay ng paghahanap nila kay Coco Pasensya ka na hija kung  hindi ako makatulong sa paghahanap alam mo namang nirarayuma ako pero h'wag kang mag alala pinagdadasal ko naman siya." nanuyot ang lalamunan ko dahil sa sinabi ni Tita tungkol sa pagpunta ni Gracielle sa police station para itanong kung anong lagay ng paghahanap kay Coco? Nakipagtulungan siya sa pulis at talagang itinago niya pa saakin.

"Ok lang po 'yun pakisabi nalang punta siya sa bahay may paguusapan lang po." bumibilis ang paghihinga ko dahil nagpipigil ako ng matinding galit na nararamdaman ko dahil sinuway niya ang kagustuhan ko na h'wag humingi ng tulong sa mga pulis.

"Sige hija." lumabas na ako ng bahay nila at nagtungo papunta saamin na hindi kalayuan. Nagtiim ang bagang ko at yumuyukom ang kamao ko sa sobrang inis.

"Ate kumain ka na ba? Pinapa xerox ko na kay Hanz 'yang mga piture ni Kuya Coco." bungad saakin ni Ella na ngayon ay hindi pumasok sa school.

Bumuntong hininga ako at pinagsuklay ang kamay ko sa buhok ko. "Busog ako, nakapasok na ba sa eskwelahan sina Hannah at Rhyka?"malamig kong usal kaya nabigla siya sa naging tono ko at kita ko pa ang matinding takot sa mga mata niya.

"Nahatid ko na kanina Ate." tumango nalang ako saka umupo sa monoblock at tumunga nalang mg inumin dahil nagiinit ang pakiramdam ko sa sobrnag galit kay Gracielle.

"Dudes may malaking problema." napatingin naman ako sa biglang pumasok na si Roi na pa may pakamot kamot sa batok.


"Oh ano?" malamig ko ring turan at nakita ko rin sa mga mata niya ang matinding pagkagulat pero hindi niya pinahalata 'yun.

"Hindi na raw makakasama sina Batoy, Joel, Joey at Noli dahil may raket daw eh tapos 'yang sina Sam at Danice may mga lakad kasama mga sugar daddy nila. Si Mamsh naman nirayuma na." natatawang sambit niya pa sa huli dahil sa 'rayuma'

Sa tatlong araw ba naman namin nagiikot ikot at naglalakad lang ay talagang masakit sa paa, nahihiya na nga ako kay Mamsh Jorgie dahil matanda na 'yun pero pinaglalakad ko pa rin, 'yan tuloy nirayuma.

"Si Ate Ant pati mga barkada mo?" hindi ko siya nilingon at tumingin lang sa kawalan kay bumuntong hininga pa siya.

"May pasok na si Ate Antonnete tapos mga kakosa ko may kaniya kaniya ring raket alam mo namang hindi araw araw ibubuhos nila oras nila sa paghahanap." tumango nalang ako saka sinulyapan siya muli nangayon ay lumulunok at nagpapatay malisya sa pagiging gan'to ng mood ko.


"Hayaan mo na, ikaw ba wala kang raket? Hindi kami nakabala?" agad siyang umili g at lumapit saakin. Ginulo pa nito ang buhok ko bago ako akbayan.

"Obob mo naman Pintura ipagpapalit ko ba naman kayong pamilya ko para sa raket. Syempre family first before
rakets."  ngumiti siya ng pagkalaki laki pero hindi ako ngumiti pabalik kaya nawala unti unti ang ngiti niya sakaniyang labi.

"Bukod sa nawawala si Coco, ano pang problema mo? Bakit parang galit ka?" hindi ko siya sinagot at pinaglaruan ko nalang basong plastic na hawak ko.

Narinig ko ang pabg tumikhim si Ella kaya napasulyap ako rito. "Ate ayaw mo ba talagang magpatulong tayo sa barangay at kahit sa pulis man lang?" mas lalong nagalit ang buong sistema ko nang marinig ko na naman ang tungkol sa mga pulis na 'yan.

"Ayoko." matigas at mabilis pa sa kidlat na turan ko kaya iniwas niya ang tingin niya saakin dhil matalim ko 'tong tinignan.

"Dudes, ano bang problema mo? Galit ka ba saakin? May nagawa ba ako? Oh  si Ella ang may kasalanan tapos nadamay lang ako?" nakanguso na sambit ni Roi na talagang nag papacute pa kaya mas lalong nainis ako sa mukha niya.

"Oy Kuya wala akong ginawa no." giit ni Ella kaya napahwak ako sintindo ko dahil naiirita na ako sa boses nilang dalaw.a

"Sus, eh ikaw lang naman kasama niya! Ano ba ginawa mo? Ayusin mo 'yan Ella alam mo namang 'yan si Ate mk pag galit damy damay lahat----." pintulol ko na ang sasabihin ni Roi nang napatayo ako at matigas kong binagsak ang kamay ko sa sa lamesa naming gawa sa kahoy dahilan para mag likha ito ng malakas na tunog. "Tumahimik nga kayo!"  galit na sigaw ko na nagpatahimik sa kanilang dalawa.

"Uy nagmadali ako maligo. May importante daw tayong paguusapan Paint sabi Nanay." sabay sabay kaming napatingin kay Gracielle na biglang pumasok at malaki ang ngiti sa labi.

"Awit may sabon ka pa sa tenga Cielle eh." natatawang pangasar ni Roi pero sinamaan lang siya ng tingin ni Gracielle. "Ulol!"


Matalim ang tingin ko kay Gracielle habang nanginginig ang kamao ko sa galit. "Bakit gan'yan ka makatingin kay Gracielle, Dudes? May ginawa siya? H'wag mong sabihin na siya dahilan bakit badtrip ka?" kunot noo at puno ng seryosong usal ni Roi pero hindi ko siya pinansin.

"Sino nagbigay permiso sa'yo para humingi ng tulong sa Pulis?" mahinahon ko pang sambit sakaniya na ikinagulat niya pa at basang basa ko sa mga mata niya ang matinding kaba.

"Ano bang sinasabi mo d'yan anong pulis, eh bakit ako hihingi ng tulong kung ayaw mo nga?" seryosong sagot ni Gracielle pero nakikita ko ang matinding paglunok niya

"Oo nga naman, katakot lang ni Cielle sa'yo nangangain ka kaya ng buo! HAHAHA." hindi ko pinansin si Roi at lumapit lang ako kay Cielle pero pinigilan ako ni Roi.

"Nagagawa mo na ngayon magsinungaling saakin Gracielle? Ang akala mo ba hindi ko alam? Si Tita Grace mismo ang nagsabi na galing ka sa prisinto dahil nakikipag ugnayan ka sa mga Pulis!" mas lalo siyang nagulat at napakagat pa sakaniyang labi dahil sa malakas ko siyang sinigawan.

"Yawa, ginawa mo 'yun Gracielle?" hindi makapaniwalang tanong ni Roi. Unti unti nagsituluan ang mga luha ni Gracielle habang nakatingin saamin.

"Oo kasi naman tatlong araw na tayong naghahanap pero wala pa tayong makitang Coco, konti lang tayo, wala tayong koneksyon, mas mapabagal ang paghahanap natin kung tayo tayo lang!" sarakastiko ko siyang tinawanan pero mabilis lang 'yun dahil naging matalim muli ang tingin ko sakaniya.

"Gaga ka ba? Masyado ka ring pakilemera no! Pinangungunahan mo ang desisyon ko! Wala kang karapatan na gawin 'yan!"galit na galit na turan ko at akamng susugod sakaiya pero hinila llang palayo ni Roi.

"Paint!"

"Ate!" sabay na bawal ni Roi at Ella sakin. Hawak hawak ni Roi ang braso ko habang si Ella naman ay pumunta sa likuran ni Gracielle para aluin ito.

"Tinatawag mo 'kong pakilemera dahil lang sa concern ako kay Coco? Alam mo kung gaano kong tinuring na pamilya ang pamilya mo kaya gan'to nalang ako wagas kung makielam! Ginawa ko lang naman 'yung tama Paint dahil sa tatlong araw nating paghahanap wala pa rin tayong lead kay Coco dahil d'yan sa pesteng kataasan ng pride mo! Masyado kang matapang at inuuna mo 'yang galit mo sa mga pulis kaya ayaw mong humingi ng tulong sakanila at sa barangay! Alam mo sa sarili mo na ma laki at mas mapapadali ang paghahanap natin kay Coco dahil sa  tulong nila bukod sa marami sila eh marami silang koneksyon!" bumibilis ang pahininga ko dahil sobrang galit ko habang nakatingin kay Gracielle na humahagulgol.

"Pasensya na ha, kung sinuway kita kasi hindi ko na maatim ang kataasan ng pride mo Paint lalo na kung buhay ni Coco ang nakasalalay dito.Alam mo bang uso ngayon ang kumukuha ng bata! Kung hindi nila binabenta ang katawan ay hawak naman sila ng sindikato para mamalimos, magnakaw at gumawa ng mga maling gawain! Hindi ba ayaw mong matulad ang mga kapatid mo sa'yo?! Iniisip mo ba kung nakakain ng tama si Coco, kung hindi ba siya inaalipusta? Kung buhay pa ba siya o kung nasa maayos siya na kalagayan?"

"H'wag mo kong kwestuyin Gracielle! Malamang bobo ka ba?! Satingin mo ba hindi ko inisip 'yun? Maghahanap ba ako 24hrs 'yung tipong hindi na kakain at matutulog  tapos tatanungin mo ko kung hindi ko iniisip ang kapakanan ngayon ng kapatid ko?!" halos lumabas na ang tonsil ko dahil sa sobrang lakas ng pagsigaw ko dail hindi ko na macontrol ang sarili ko.

"Hindi naman talaga dahil kung Oo gagawin at gagawin mo ang paraan na makakatulong sa paghahanap kay Coco pero hindi mo 'yun ginawa at inuna mo 'yang pesteng pride mo! Sige sabihin mo ngayon na concern ka talaga kay Coco ha?! Kasi hanggang ngayon sarili mo lang iniisip mo, pride at galit mo lang! Ayaw mong humingi ng tulong kasi matapakan 'yang ego mo hindi ba tama ako? Sorry Paint ha? Sorry kung concern ako at dami ko pang sinasabi wala nga pala akong karapatan." saad ni Gracielle at nag walk out palabas ng bahay kaya mas lalo lang nag level up ang galit ko sakaniya.

" Ate Gracielle!" akmang susundan ni Ella si Cielle pero pinigilan siya ni Roi. "Maguusap tayo mamaya Paint Cenery. " seryosong saad ni Roi saakin. "Maiwan ka rito Ella." natigilan ang kapatid ko nang biglang lumabas na rin si Roi.

Tinignan ako ng mapait ni Ella. "Ate tama si Ate Gracielle, masyadong mataas 'yang pride mo. Subukan mo naman babaan kasi alam mo ba ma maraming masisira at mawawala nang dahil d'yan sa pride na 'yan na sa huli pagsisihan mo rin." matapang akong ang mata ni Ella bago nag walk out rin papunta ng kwarto nina Tatay.

Napamasahe ako ng sintido ko dahil hindi kakayanin pang magstay dito dahil baka mabuntong ko kung kani kanino ang galit ko kaya napagdesisyunan kong lumabas pero nakasalubong ko naman si Hanz.

"Ate eto na 'yung pinaxerox ko. Penge ako konti sasama ako sa paghah----."hindi ko na siya pinatapos magsalita at inigaw nalang ang hawak niya mga papel saka mabilis naglakad palayo sa bahay.

Pinagtitinginan at pinaguuspan naman ako ng mga chismosa pero wala akong panahon ngayon para patulan sila dahil kailangan kong mahanap ang kapatid ko sa sarili kong kakayahan. Binilisan ko ang lakad ko hanggang sa makalabas ako ng barangay. Nagpunta ako sa sakayan ng  Jeep para dumako sa karatig lugar ng Manila.

Buong araw ay inubos ko ang oras ko sa paghahanap kay Coco, ni hindi na nga ako kumakain at umiinom dahil nanghihinayang ako sa pera kasi nga halos pinamasahe ko na dahil sa  dumayo na ako sa mga karatig lugar ng maynila para lang hanapin si Coco.

Ang nakakainis nga eh wala pala akong dalang pandikit kaya napilatan ako na magpaluto ng gawgaw sa isang tindahan at nagbayad pa ako ng bente pesos. Ni wala rin akong dalang teleponodahil naiwan ko rin sa bahay na china-charges ko doon sa extension na nakaconnect sa kapitbahay kasi nga wala kaming kuryente.

Paskil doon, tanong dito, habang tuloy tuloy ako sa paglalakad. Namamanhid na nga ang paa ko dahil buong araw akong palakad lakad kung magpapahinga ako mga limang munuto lang.

Mabilis umikot ang oras at alas onse na ng gabi ayon doon sa napagtanungan kong babae kanina.
Kanina pang alas syete bumuhos ang  ulan, ambon at pawawala ang ulan kanina pero ngayon bumubuhos na ang sobrang lakas ng ulan ni wala akong dalang payong at hindi ako nag aksaya ng oras para sumilong dahil alam kong hindi titila ito kaya patuloy pa rin ako sa paghahanap kay Coco.

Tulala ako pero kasabay ng pagtulo ng pagbuhos ng ulan ay siya ng pagpatak ng mga luha ko habang palakad lakad ako sa gilid ng madilim na daan kung saan wala ng masyadong dumadaan na sasakyan, sarado na ang mga establishment at wala na rin akong nakikitang mga tao na naglalakad.

Malapit na matapos ang araw na 'to pero wala pa rin akong nakitang Coco. Parusa na ba saakin 'to dahil masyado na akong masama at puro galit skaa pagtataas ng pride ang ipinaiiral ko?
Pagod na pagod ako, sa panlabas at panloob ko. Physical at emotional.

Nanlalabo na ang paningin na nang sobra ang paningin ko at umiikot na ang paligid ko  kaya naisipan ko ng maupo muna sa harap ng saradong establishment.

Yakap yakap ko ang sarili ko habang
nanginginig ang katawan ko sa lamig dahil kanina pang nang magsimula ang ulan ay nababasa na ako pakiramdam ko bukas lalagnatin ako ng sobrang taas.

"Witwiw.." napamura ako sa isip ko nang marinig ko ang isang nakakabastos na sipol. Nagangat ang tingin ko at nakita ko ang tatlong lalaki na mukhang adik na pinalilibutan ako.

Bumuntong hininga ako dahil alam ko na agad kung anong pakay nila pero sa kondisyon ko ngayon alam kong
makukuha nila ang gusto nila saakin.

Hindi ko sila matatakasan at matatalo kung lalaban ako dahil sobrang hina na ng katawan ko at kahit anong oras ay mawawalan na ako ng malay o bibigay na ng tuluyan.  "Tigil tigilan n'yo ko, kung ayaw n'yong patokhang ko kayo. Bff kami ng presidente mga g-go!" pinilit kong tapangan ang boses ko pero hindi ko kay at sa halip ay nanginig pa 'to at mapaos paos.

"Hahaha, bago mo pa kami mapatokhang miss. Natokhang ka na namin. Sagad na sagad na tokhang." napalunok ako at pinilit kong tumayo sa pagkaupo ko.

"Ano lalaban ka? Tara sabunutan muna tayo oh." tumawa ang isang lalaki. Ni hindi ko na maaninag ng ayos amg mukha nila kaya hindi ko talaga madescribe kung gaano kapanget ang mga 'to.

Pasuray suray akong sumugod sakanila. Sinubuakn ko silang patamaan ng siuntok pero nakaiwas sila agad. "Opps, mabagal!" natatawang sagot ng lalaki saka sinipa ako sa tiyan.

"H'wag ka ng makipaglaro d'yan! Taena ka, buhatin n'yo na 'yan dalhin n'yo sa bakanteng lote!" naramdaman kong palapit sila saakin kaya kumilos na agad ako kahit na hirap na hirap.

"Tarantado kayo!" pilit pa rin akong sumugod at lumaban pero hindi ko man lang sila matamaan ng suntok at sa halip ay ako pa ang nagtamo ng maraming suntok sa tiyan kaya mas lalo akong nanghina.

"Bitawan n'yo ko. Tama na please.." buhat buhat ako ngayon ng isang lalaki na parang isang sako. Pinagsusuntok ko ang likuran niya pero mahina na ang pwersa ko at alam kong hindi siya masasaktan doon.

"TULONG!" sigaw ako nang sigaw lalo pa't nang maramdaman kong hinagis ako ng lalaki sa damuhan. "TULUNGAN N'YO KO!" umasa akong may tutulong saakin pero walang dumating.

"H'wag na isa isa? Gangbang nalang? Busalan n'yo 'yung bigbig masyadong maingay baka mahuli tayo." natatawang usal ng isang lalaki.

Kahit nanlalabo ang paningin ko ay may naanig ako kaunti lalo pa't nang harap harapan ko sila at sabay sabay na naghubad at walang humahawak saakin kaya kahit walang kasiguraduhan ay gumapang pa rin ako para makalayo pero may humila ng buhok ko at marahan akong binagsak pahiga.

Impit akong humiyaw dahil binuslaan nila ang bibig ko. "Sarap sarap ng batang 'to." komento ng isang lalaking mabaho ang hininga.

Napapikit nalang ako ng mariin dahil hindi ko nakaya pang lumaban. Sobrang nanghihina na ako.
Naramdaman ko nalang na mas lalong lumamig ang katawan ko dahil inalis ng mga ito ang pang itaas kong damit at tokong hanggang sa hindi ko na alam ang susunod nilang ginawa dahil tuluyan ng nawalan ako ng ulirat.

°°°

NANGINGINIG ang katawan ko dahil sa linalamig ako at sobrang bigat ng ulo ko na para bang pasan pasan ko ang buong mundo. Hirap na hirap kong idinalat ang mga mata ko at agad na tumambad saakin ang kulay puting kisame pero agad na bumaba ang tingin ko sa kumot na nakabalot saakin ngayon dahil ang bango at pangmayaman ang texture.

Pinilit kong umupo sa isang malinis na puti at malaking kama na halatang pangmayaman habang nililibot ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Sobrang laki nito para bang triple ng bahay namin. Puro puti at itim ang nakikita kong mga gamit dito.

Ewan ko pero bigla akong napahagikgik dahil sa mga binabasa kong pocket book madalas gan'to ang eksena. 'Yung tipong magigising ka sa isang magandang kwarto tapos biglang lilitaw ang isang gwapong lalaki sa kung saan para pagdalhan ka ng almusal.

Napailing iling nalang ako sa panaginip kong 'to dahil sa sobrang lawak ng imagination ko at hilig ko sa a pagbabasa ng pocket book na hinihiram ko kay Ate Ant ay kung ano ano nalang ang napapanaginipan ko ngayon.

Paano ko bang nasabing nasa panaginip ako? Ang huling alaala ko ay kinukuha na ang bataan ko ng mga tarantadong lalaki. Ayon sa mga nababasa kong pocket book pari na rin sa natutunan ko sa eskwelahan kapag science may mga explenasyon doon na kapag raw napasukan ka ng isang sandata ay matic na may mapupunit sa loob looban mo at talagang sasakit ng sasakit ang pang ibaba mo. Sa totoo lang ngayon, wala akong maramdaman na sakit sa ibaba ko puro sa katawan at ulo lang kaya talagang nakakapagtaka kung nasa real world nga ko.

Saka isa pa, napaka imposibleng mapunta ako sa isang gan'to kagandang kwarto na pangmayaman eh kagabi lang nasa bakanteng kote ako. Kunware, autor ako at kung bubuiin ko man ang plot ng panaginip na 'to pati na rin ang nangyari saakin kagabi ay maaring may knight in shining armor na tumulong sakin na sobrang gwapo at yaman tapos dinala ako sa maganda niyang bahay para doon magpahinga at marecover tapos bandnag huli 'yung knight in shining armor pala na 'yun ang magiging katuluyan mo. huminga ako ng malalim at dahil nandito naman na ako sa panaginip ng gan'to ay susulitin ko na, titignan ko ba kung may lalabas na pogi para dalahan ako ng almusal.

Naghintay ako ng ilang minuto sa kama pero walang pumapasok sa pintuan na gwapo kaya napabusamgot ako. Bumaba ako sa kama para sana tignan ang labas ng magandang kwartong 'to  dahil baka biglang pagbukas ko ng pintuan ay tumabad na saakin ang beach kasi naman madalas kaya gano'n ang panaginip. Paiba iba kahit wala ng connect.

Pag apak ko palang sa malamig na sahig ng tuluyan ay nanginig na ang paa ko at narealize kong walang lakas 'yun kaya bigla nalang ako nawalan ng balanse at bumagsak ako.


Napadaing ako ng sobra dahil mukhang hindi panaganip 'to kasi nga  naramdaman ko ang sobrnag sakit na lagapak ko sasahig.

"Oh sh-t!" nanlaki ang mga mata ko at napatingin ako sa biglang pumasok mula sa veranda na lalaki.

"C-captain Bato." nautal kong saad ng binuhat niya ako at inihiga sa kama. Saglit lang panaginip ba 'to o totoo? Paanong nandito si Roks hindi kaya siya ang knight in shining armor ko pero paano nangyari 'yun?

"Are you ok? Idiot Roks, what a stupid question ofcourse she's not fine.." napangiwi pa ako ng kontrahin niya ang sarili niyang tanong.

"Anong nararamdaman mo?" napalunok ako at pilit na umupo mula sa pagkahiga niya saakin.

Inalalayan niya pa ako habang ako hindi makapaniwalang tinitignan ang gray niyang mga mata. "Totoo ka ba?"nagtataka kong tanong at tinusok tusok ko ang pisnge kaya mabilis niyanm akong pinigilan at hinawakan ang kamay ko nagwala ang mga bacteria sa tiyan ko.

"What are you talking about? Is this side effect?" kunot noong usal niya kaya mas nilapit ko ang mukha ko sakaniya. Bale, 2 inch nalang pagitan namin dahil sinusuri ko kung totoo ba talga si Captain Bato ang kaharap mo.

"Nanaginip ba ako?" lumayo ito saakin at iniwas ng tingin saakin nakita ko ba kung paanong sexy na gumalaw ang adams apple niya.
"Ofcourse not." malalim na boses na sagot nito.

Kinurot ko ang braso niya kaya napahiyaw siya. "D-mn masakit!" napangiti ako ng malaki dahil si Captain nga ang kaharap ko at hindi 'to panaginip.

"Totoo ka nga pero teka bahay mo ba 'to? Bakit nandito ako? Ang pagkaalam ko na malapit na ako marape?" saad ko kaya nagtiim ang bagang niya na para bang biglang umitim ang aura niya.

"I saved you." mahinang bulong niya kaya nanlaki ang mga mata ko at napapalakpak.

"P-nyeta? Knight in shining armor? Niligtas mo 'ko sa mga manrarape saakin? Totoo ba 'to?" napakagat ako saaking labi dahil parang 'yung mga nangyayari sa fictional world nangyayari talaga sakin.

"Yes, they are know in jail. I'll make them pay and I'm sure that they will stay in the jail until their last breath, don't worry now." nagf-flashback ang mga nangyari sakain kagabi kaya napayakap ako saaking sarili.

"H-indi nila ako nagalaw?" nauutal na saad ko habang nagsituluan bigla ang mga luha sa mata ko.

"No Cenery, I didn't allow them to touch you, before they do that I punch them to the death. Don't worry now, you're safe.." mas lalo akong napaiyak dahil nag english na naman siya ngayon.

"P-paano mo nalaman na nandun ako?" puno ng pagtataka kong usal. Lumapit siya ng bahagya saakin at naramdaman ko na dumapi ang kamay niya sa pisnge ko para punasan ang luha ko kaya bumilis ang pintig ng puso ko.

"I'll ask you first, why are you there? They kidnap you or what?" pagkatanonng niyang 'yun ay naisip ko na kaya nga pala ako muntik ma rape dahil hinahanap ko si Coco.

Tinulak ko siya ng mahina at akamng aalis ng kama nang hilahin niya ako palapit sakaniya."Where do you think your going?" pinanliitan niya ako ng mata kaya mas lalo akong napahagulgol na ikinatulala niya.

"Hahanapin ko 'yung kapatid ko, pangapat na araw niya 'tong nawawala." sumeryoso ang mata niyang kulay abo habang nakatingin saakin. "Satingin mo mahahanap mo siya ng gan'yan situation mo?" tanong nito pero umiling lang ako.

"Pero hindi ako pwedeng magpahinga, 'yung kapatid ko special child 'yun. Ipipikit ko lang ang mga ko naghahalo halo na naiisip ko katulad ng baka may masamang nangyari sakaniya, paano kung may sakit din siya? Paano kung apat na araw na siyang hindi kumakain? Paano kung nasa mga masasamang tao siya?" lumakas ang iyak ko habang diretso ang tingin ko sakaniya.

Biglang narinig ko ang boses ni Mamsh Jorgie sa utak ko na manghingi na ako ng tulong kay Captain Bato dahil nga expert 'to sa laghahanap ng mga lokasyon. Narinig ko rin sa isipan ko ang boses ni Gracielle na dapat babaan ko ang prdie ko at h'wag unahin ang galit.

"T-tulong mo 'ko parang awa mo na. 'Di ba magaling ka maghanap. Please hindi ko na kaya, tulungan mo 'kong mahanap ang kapatid ko. Gagawin ko lahat ang gusto mo, papayag na ako maging kiss slave mo, tulungan mo lang ako." natigilan ako ng yakapin niya ako ng mahigpit. Naging mas comfortable mag katawan ko dahil sa mainit na yakap niya.

"Rest and sleep, I promise when you wake up your brother is now here. Trust me with this Cenery..

°°°

NAGISING ako nang maramdaman kong may kung anong dumadamping malamig na bagay sa mukha ko.

Unti unti kong minulat ang mata ko at agad akong napabalikwas ng makita ko ang kapatid ko. "Coco.." napapaos kong saad saka mabilis siyang niyakap.

"A-ate Coco 'di kahinga." agad naman ako nautahan sa sinabi niya dahil masyadong mahigpit ang yakap ko.

Napatingin ako sa hawak niyang markers na ibat ibang kulay. Alam ko na agad kung anong ginawa niya sa mukha ko pero wala akong pake. "Coco, ikaw ba talaga 'to? Nanaginip ba si Ate? Bumalik ka na ba talaga saamin?" sunod sunod na tanong ko kaya ngumiti siya ng malaki at tumango.


Hindi ko na napigilan muli ang sarili ko at niyakap siya muli skaa pinghahalikan. "Miss na miss ka ni Ate, Coco." natigilan ako nang biglang bumukas ang pintuan at inuluwa nito si Roks.

"Kuya! Kuya!" napabitaw ako kay Coco nang mamataan ko si Roks na ngayon ay nakashort lang at nakaputing shirt. Bakit ang hot ng bato na 'to?

Talaga palang tinotoo niya ang pangako niya saakin kaninang madaling araw nang magising ako.
Ang akala ko panaganip lang 'yun hindi ko akalain na totoo pala.

Mabilis na bumaba si Coco sa kama at patakbong lumapit kay Bato.
"

Ok na ang mga pagkain natin sa baba Coco, mag s-swimming na tayo." na napatulala ako nang umupo si Roks sa harap ni Coco habang ginugulo pa nito ang buhok ng kapatid ko.

"Ate! Miming tayo sa malaking batsha!" natauhan ako sa pagtitig kay Roks nang mapatingin silang dalawa saakin.

"Hindi pwede mag swimming si Ate, may sakit siya baka lalo lumala ang sakit niya." mas gwapo at hot siya kapag nagtatagalog siya kaysa sa English, spokening dollar amp.
"Si Kuya Roks nalang ang sasama sayo pero bago tayo bumaba asikusuhin muna natin si Ate, ok ba 'yun?" ang cute cute ni Roks este ni Coco.

"P-paano mo siya nahanap?" kunot noong sambit ko sakaniya. Tumayo siya at lumapit saakin. Napitlag pa ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa noo ko.

"You still have fever but I'm glad because its not that high. What do you feel? Nanlalambot ka pa ba?" seryosong usal nito kaya nakatingala ako sakaniya habang lumulunok.

"Wala na akong nararamdamang sakit, nilalamig lang." napakagat ako sa labi nang maalala kong niyakap niya ako kaninang madlaing araw, ang bango niya at comfortable kapag yakap ko siya. Hindi kaya siya umalis sa tabi ko hanggat hindi pa ako nakakatulog. Gentledog amp.


"Take a bath then we'll eat and after that you'll drink your medicine." nalaglag ang panga ko dahil ang akala ko ay i-offer niya ang kaniyang braso para maibsan panlalamig ko pero nagkamali ako dahil gusto niyang maligo pa ako

"Maliligo ako? Eh ang lamig lamig no saka may sakit ako 'di ba?" napahawak ako saaking leeg at mainit pa nga ako konti.

"Rare says you can even take a head bath during fever but then you must dry their hair properly. Leaving the hair wet may make the situation worse but in fact, by covering oneself with layers of blanket, one does not allow the heat to escape from the body and the trapped heat does not help lower down the body temperature. When you take a bath, the water helps to release the heat from your body. A steep decline in temperature can be seen after a bath during fever. Though this does not mean you don’t need the medicines. One has to continue with medication as advised by the doctor." napahiga muli ako at napamasahe sa sintido ko dahil nag spokening dollar na naman siya ng sobrang bilis.

"SML?" inis kong saad dahil talagang mapapasabi ka nalang 'Share mo lang'  kasi naman sino bang magiging interesado sa sobrang daming niyang sasabihin, English at sobrang bilis pamagsalita. Robot ba 'to? Taenang utak 'yan masyado  nababalutan ng dictionary.

"Why are you saying that? Do you really want?" nagtaka naman ako sa expresyon niyang kakaiba. Iniiwas niya ang tingin sakain habang namumula ang pisnge nito.

Ang cute niya, para siyang lava na umaagos mula sa bulkan. 'Yung mga batong red na ang kulay dahil sa init. Lol. "Ano?" tanong ko dahil 'di ko gets kung anong gusto niyang sabihin.

"Kenji told me that the meaning of SML is that.." lumapit siya saakin hanggang sa naramdaman ko na ang hininga niya sa tenga ko. "Sex me later." agad ko siyang naitulak dahil sa maling ideya niya tungkol sa 'SML' kaya pala namumula siya ng todo.

"Ano?! Hindi no! Share mo lang 'yun! Hindi sex me later! Sino ba 'yang Kenji na 'yan at sobrang bobo?!" kapag nakilala ko ang sinasbai niyang Kenji susungalngalin ko ang mukha noon dahil napapahiya ako dahil sa maling impormasyon na sinabi niya.

"Ano usap n'yo Kuya Ate, ano sex me later. Sino bobo?" nanlaki ang mga mata ko nang sumabat si Coco, potakte hindi ko namalayan na nandito nga pala ang kapatid kung ano ano pa man din ang sinabi ko.

"Tss, you're too loud." inirapan lang ako ni Roks saka lumapit kay Coco. "Kalimutan mo na 'yun. Tara na mag swimming na tayo gusto mo 'yun?"napangiti ako nang bahagya nangyakapin ni Coco si Roks. 4'11 lang si Coco malayong malayo sa edad niyang 19 years old.

Lumingon saakin si Roks at malamyos akong tinignan. "I'll go back here after you take a bath, your clothes is in the side of the bed.." saad niya saka ako tinalikuran. Iginiya niya palabas abg kapatid ko at 'tong Coco ay nakalimutan ng magpaalam saakin dahil d'yan kay Roks na 'yan. Mukhang gustong gusto siya ng kapatid ko ha, parang mas mahal na siya ni Coco kaysa saakin. Tss.

Napabuntong hininga nalang ako saka
napatingin sa gilid ng kama at nalaglag ang panga ko nang makita kong andaming paper bag doon. Kinuha ko ang lahat nang ito at tumambad na agad saakin ang mga mraming mamahaling damit, pans, dress, panty at bra.

Naginit ang pisnge ko dahil pakirandam ko siya mismo ang bumili nito at baka siya rin naghanao ng size ng pangkabuuan kong damit.

Tumayo ako sa kama habang dala dala ang mga paper bags sama tumalon talon dahil sobrang lambot nito nang makaramdam ako ng pagkahilo ay tumigil ako atagpunta ako sa CR dito sa mismong kwarto. Syet na malupet, sa mga TV kolang nakikita na may CR sa sariling kwarto  ang angas.

Pumaosk ko sa CT at talagang namangha ako ng sobra dahil ngayon lang ako nakapunta sa isang CR na maganda at kumpleto ang laman may bathtub, shower, bathrobe at kung ano ano pang kailangan. Takte ngayon lang ako nakakita ng mamahaling CR na gan'to, at ngayon lang din ako makakaranas na magshower at maligo sa bathtub.

Nilock ko ang pinto at mabilis na  naghubad. Sumampa ako sa bathtub at naglagay ng maraming pampabula doon. Nag enjoy ako roon nang sobra kaya hindi ko na namalayan ang oras at magnahihintay nga pala saakin. Natauhan lang ako ng may kumatok.

"Are you fine there? Mahigit isang oras ka na sa loob?" napalunok ako nang marinig ko ang pagaalala sa boses ni Roks. Bakit pakiramdam ko nagiging pogi siya lalo ngayon kasi nga mabait na siya saakin? "Ahh oo eto tapos saglit lang!"mabilis akong tumayo sa bathtub at 'di ko lang kung paano alisin ang tubig kaya hinayaan ko nalang.

Binuksan ko ang shower at talagamg namangha ako dahil ngayon kolang naranasan ang ganto. Nagsabon at nagshampoo na ako na mula sa mga mamahaling brand. Ebarg, pakiramdam ko prinsesa ako ngayon.

Mabilis ko ng tinapos ang pagligo ko kahit labag sa kalooban ko kasi nga naeenjoy ko ang shower. Nagpunta ako sa pinaka lababo ng CR at may salamin doon na mukhang gawa sa ginto. Ang dami sanang mananakaw dito ang kaso mahirap kalaban si Captain Bato eh baka ipakulong na talaga ng tuluyan.

Napatingin ako sa isang toothbrush n nakabalot pa at satingin ko hindi pa nagagamit 'yun kaya binusak ko na 'to. Wooden toothbrush siya at talagang napakalambot ng pinaka brush niya. Napangiti ako at pati pag t-tooth brush ay ineenjoy ko na rin.

Ang sarap pala ng buhay mayaman.

Napatingin ako sa mga dinala kong mga paper bag dito. Isa isa kong nilabas ang nga damit at under wears Ewan ko ba nalito ako sa kung anong susuotin ko. Basta ang gusto magmukha akong maganda sa harap ni Roks. 'Yung presentable ba, 'yung medyo bagay sakaniya. Joke.

"Coco is looking for you Cenery! Faster please!"rinig kong usal ni Roks mula sa labas ng CR mukhang hinihintay niya pa rin ako ha. Sweet, joke.

Huminga ako ng malalim at pinili nalang ang isang dress na kulay light brown. Sinukat ko rin ang panty at bra, napanganga pa ako dahil kasya talaga saakin. Sinukat ko din ang napili kong dress na kulay brown na medyo expose ang likod at sakto rin siya.

Nakangiti ako sa refleksyon ko habang nagsusuklay ng buhok dahil gumanda na ako kahit pa paano. Nang matapos na ako magayos ng sarili ko ay lumabas na ako ng CR.

Napatingin ako kay Roks na nakaupo sa gilid ng kama. Namula ang pisnge ko habang nakatingin ako sakaniya dahil kahit simple lang suot niyang white t-shirt and short ay ang pogi pa rin. "Hello Captain Bato." napatayo 'to sa kinauupuan niya habang malim ang titig saakin.

"Tulo laway mo dong, ganda ko no?"napahawi ako ng buhok ko at inipit ko sa gilid ng tenga ko. "Why are you wearing like that? Change." maotoridad na usal niya na ikinagulat ko.

"Hala? At bakit naman?" hindi ba siya nagandahan saakin? Mukha pa rin ba akong basahan kahit nakasuot na ako ng pangmayaman na damit?

"Your back was exposed and its too short. May lagnat ka 'diba?"sermon niya kaya napanguso ako dahil hindi niya nga talaga nagustuhan ang ayos ko.

"Eh bakit kasi 'yun ang mga binili mo! Ayos ka rin no?!" iritado kong usal kaya umigting ang panga niya.

"Magpapalit ka o ako ang magbibihis sayo?" sinamaan ko siya ng tingin at sinagawan. "P-yeta! nang w-warshock ka no! Eto na, parang tanga kasi bili bili ng gan'to ayaw naman pala pasuot saakin."

"I ask someone to buy that, Tss. wear pajama and t-shirt." padabog kong sinarado ang pintuan ng CR at mabilis na nagpalit ng damit.

Nang matapos na ako ay agad akong lumabas at naabutan ko siyang sinasaksak ang isang hindi ko mapaliwanag kung ano 'to kasi parang ibang version ito nung nakita ko na 'to bahay ni Mamsh Jorgie. Blowering ata o blower basta pampatuyo 'yan ng buhok. "Dry your hair." napakunot ang noo kohabang lumalapit sakaniya. Kinuha ko ang blower saka itinapat ko saakin.

"Paano ba 'to?"nagtataka kong tanong ko habang pinapasadahan ng tingin ang blower na 'yun.

"Satingin mo alam ko?'' sinamaan ko ng tingin si Captain Bato dahil ang sungit na naman niya saakin.

"Bakit saakin ang sungit mo pero kapag sa pamilya ko kaharap mo para kang mabait? Plastic mong ulol ka!" agad kong pinindot ang itim na butokn ng blower at agad na tumama sa mukha ko ang hangin na sobrang lakas at bahagyang mainit.

Itinapat ko sa buhok ko at laking gulat ko ng higupin niya mismo ang buhok ko."Whoa, Aray!" hiyaw ko maya mabilis na pinatay ni Roks ang blower at dahn dahan na inaalis ang buhok ko sa loob na pumasok.

"Babae ka ba talaga?" hindi makanipawalang tanong niya habamng pilit na inaalis ang bumuhol kong buhok sa blower.

"Tss, galawan mo naman po Kapitan Bato, gusto mo lang makita ang dibdib at ang ano ko para mapatunayan kong babae ako sus, style mo bulok!" hindi niya ako pinansin dahil tutok ang atensyon niya sa pag alis ng buhok ko sa blower at hindi rin nagtagal ay tuluyan niya ng naalis.

Sinindi niya muli 'to at siya mismo ang nag blower sa buhok ko.
"Wow, ang galing mong magpatuyo ng buhok. Naghihinala na tuloy ako."nakangisi kong sambit kaya antigilan siya sa ginagaw niya.

"That I'm gay? Oh c'mon bulok na rin 'yang style mo. I'll not kiss you nor showing my pet to you lol." napakagat ako saaking labi nang binanggit niya ang tungkol sa Kiss na 'yan. Ang sinabi ko kasi sakaniya na palayag ako maging Kiss slave kapag tinulungan niya akong mahanap si Coco at ngayon nandito na ang kapatid ko plus inalagaan niya pa ako ay dapat na ba talaga akong pumayag sa kondisyon niyang maging Kiss slave ako?

"Assuming ka naman! Defensive pa Tss,  naghihinala ako na baka ginagawa mo rin 'to sa GF mo!" pa fishing kong usal para malaman kung may karelasyon ba 'to oh wala.

"I don't have girlfriend." napangiti ako ako sa sinabi niya saka inasar siya. "Halata nga eh, broken ka pa rin kay Atarah no. Hihi." natigilan siya sa sinabu ko at tignan ako ng puno ng pagtataka dahil kilala ko si Atarah na mahal niya.

"Ay natahimik, alam na this HAHAHA." mapangasar ako mng tumawa sakaniya pero siya seryoso lang ang mukha niya.

"How did you know her?" nagtatakang tanong niya perl kinindatan kolang 'to. "Isang malaking secret paksyet!" nagtiim ang bagang niya saka hinila nalang ako bigla.

"Tss, let's go." binuksna niya ng pinto ng kwarto at iginiya ako palabas nito.

Sobrang nakakamangha ang laki at ganda ng bahay na 'to, parang mansyon ata 'to eh, ang ganda! Sakaniya kaya 'to? "Ang laki ng bahay nato. Kanino ba 'to?" tanong ko sakaniya habang pababa kami ng hagdan.

"Mine." tipid niyang saad naptingin ako sa kamay naming magkahawak kaya napangisi lang ako.

"Oh, ikaw lang nakatira?" tanong ko. Tuluyan naman kaming nakababa sa hagagdan at iginiya ako sa kung saan.

"Bakit andami mong tanong?" iritado niyang sambit kaya mas lalo akong naenganyong asarin at pikunin siya.

"Siguro dapat bahay n'yo ni Atarah 'to no?" natatawa kong tanong pero sinamaan niya lang ako ng tingin kaya tumawa ako ng pagkalakas lakas.

"Sabi ko nga tatahimik na." hinila niya papunta sa are ng swimming pool at nakita ko si Coco na ngs-swimming kasama ang isang lalaki na inalalayan ang kapatid ko.

"Wow, swimming pool!" natutuawa kong usal habng lumalaput dito dahil hindi ko pa rin naranasan na mag swimming sa totoo lang.

"You're not allowed to swim." napabusangot naman ako dahil sa sinabi ni Roks "Ate ligo Coco!"

"Sige Enjoy kalang Coco, ingat ikaw ha!" masayang tumango lang 'to kay mas masaya ang puso ko ngayon dahil  bukod  sa nahanap ko siya ay ngayon masaya pa siya.

"Alam mo bang gustong gusto ni Coco ang tubig, pangarap ng mga kapatid ko na makapag swimming sa gan'to ni hindi pa kasi namin naranasan eh.."mapait akong napatingin kay Roks kaya natahimik at nagbago ang matigas niyang ekpresyon.

"H'wag mo 'kong tignan gan'yan, h'wag mo 'kong kaawan HAHAHA." mapangasar na saad ko kaya napailing iling nalang siya saka hinila ako paupo sa isnag upuan sa ilalim ng malaking payong.

"Eat." napatingin naman ako sa  lamesa at andaming pagkain akong nakita na mukhang pang mayaman. Maraming prutas, may fruit salad, maraming gulay, maraming karne at may desert pa.

"Titigan mo nalang ang mga 'yan?" napatingin ako kay Roks at ngumiti ng mapait.

"Hehe pwedeng humingi ng pabor?" pinagtaasan niya ako ng kilay kaya napakagat ako saakin labi at nagdadalawang isip ko kung sasabihin ko ba talaga sakaniya.

"What is it?"

" 'Yung pagkain na para saakin pwedeng ibalot ko nalang? Iuwi ko sana sa bahay para matikman ng mga kapatid kong naiwan doon ang pang mayaman na pagkain."hindi ko naman kasi maatim na kumain na gan'to kasarap na mga pagkain kung alam kong ang mga kapatid ko ay hindi man lang nakakain ng gan'to.

"May pagkain na nakalaan sakanila. Kapag hinatid ko kayo magdadala tayo ng mga pagkain kaya kumain ka na." natulala lang ako sa mukha niya dahil totoo ba talaga 'to? 'Di ko alam kung mabait ba talaga 'to o ano pero ngayon talaga malaki ang pasasalamat ko sa lahat ng tulong niya.

"Do you want me to feed you?" natauhan ako sa pagtitig nang bigla niyang sabihin 'yan. Kainis naman, bakit hindi ko mapigilan na hindi tumitig sa mukha niya? Ang perpekto naman kasi.

"Hindi no! Si Coco ba kumain na?"napatingin naman ako kay Coco na sobrang tuwang tuwa sa tubig

"Yes nagsabay kami kanina." napangiti ako dahil sobrang bait ang pinapakita niya kay Coco kahit pa autistic 'to.

"Paano mo ba siya nakita? Saan? " hindi niya inalis ang nakakatunaw niyang titig. Magsasalita sana siya ng tawagin 'to ni Coco. Sanay kami napatingin sa swimming pool.

"Kuya! miming tayo!" pumapalakpak na usal ni Coco. Binaling muli ni Roks ng tingin saakin.

"I'll explain to you later, kumain ka na muna ng marami." napatango tango nalang sa sinabi niya bigla nalang siya naghubad ng t-shirt niya at inabot saakin.

"Hold this." para na naman ako na naman ako tanga na inabot ang binigay niyang t-shirt habang tunatango. Napalunok ako nang bumaba ang tingin ko sa katawan n'ya.

Ano 'to? Fake bakot ganda ng katawan? Pang model ang hugis ng katawan, muscle at abs.  "Anak ng shooting star? Ang sarap naman ng desert na 'to." mahina kong bulong habang nakatitig kay Roks na ngayon ay tumalon na sa tubig biglang sumulyap muli saakin si Roks kaya nagiwas ako ng tingin at humarap nalang sa pagkain.

Nasa legs ko ang damit niya at kahit hindi ko tinatapat sa mukha ko 'yun amoy na amoy ko ang matinding bango nito.  Nag act ako na para bang isang mayaman pero hindi ko kinaya na gumamit pa ng mga kubyertos.
As in, potakte 'yung mga kutsara at tinidor. Ibang ibang klase, at masyadong marami ang mga 'to kaya napagdesisyunan ko nalang na magkamay.

Sobrang sarap ng mga pagkain at parang pwede na ako mamatay kasi naka kain na ako ng gan'tong kasarap na pagkain ng mga mayayaman.

Nag angat ang tingin ko sa mga kasambahay na naghahatid ng desert at juice sakain. "Kain po Ate." alok ko pero umiling 'to.

"Tapos na kami Ma'am. Eatwell po." nailapag niya na ang mga dala niya at akma na 'tong aalis nang pigilan ko siya.

"Sure ba kayo Ate? Nangangayayat na kayo oh ang sarap kaya 'to. Sino ba nagluto nito kayo po?" matamis kong tanong dito kaya binalik niya labg saakin ang ngiti na 'yun.

"Si sir po, siya po kasi talaga madalas nagluluto ng pagkain kapag umuuwi siya dito." napaayos ako ng upo at napatingin kina Roks na sobrang enjoy sa tubig pero binalik ko rin agad ang tingin sa kasambahay.

"Ay hindi po siya umuuwi dito? Minsan lang?"interesadong kong tanong.

"Opo minsan lang kasi madalas nadedeploy sa iba't ibang lugar kasi nga po sundalo siya saka madalas kung dito siya magstay sa manila ay may condo naman po siya." napanganga ako dahil bukod sa mansyon na 'to may condo pa siya pero bakit minsan lang siya umuuwi dito? Bakit mas gusto niya sa condo niya?

"Bali kayo lang po ang nakatira dito?"tumatango kong usal kaya ngumiti lang 'to. "Opo."

"Wala pa siyang asawa?" at sawakas na tanong ko na rin, ewan ko ba curious ako sa buhay niyang si Roks parang ang exciting lang.

"Wala po eh."

"Tumira po ba si Atarah dito?" mahina kong tanong dahil nga naala ko na naging fake asawa yata siya nung Atarah ayon sa nabasa naming title ng article.

"Sino po 'yun? Halos bago lang po kasi ako dito." napabusangot ako dahil wala pala akong makukuhang inpormasyon tungkol kay Atarah at Roks. "Ah sige sige po.."

Iniwan niya na ako at bumuntong hininga nalang ako habang nakatingin ngayon kay Roks at Coco na masayang naglalaro sa tubig. Para silang magkuya talaga. "Captain Bato, h'wag mong masyado pagudin si Coco ha may hika rin kasi siya eh!"

Tumango lang 'to at may binulong sa kapatid ko kaya napakunot ang noo ko. Umaahon sila sa tubig at napaiwas ako muli nang tumama na naman ang paningin ko sa katawan at umbok ng ibaba ni Bato.

Lumapit sila saamin at ako naman ay kinuha ang dalawang towel na nasa upuan. Ang isa ay inabot ko kay Roks pero hindi man lang nagpasalamat at isa naman ay pinangpunas ko kay Coco at ipinang balot.

"Do you want to eat? You want cake?" tanong ni Roks habang nakaturo sa desert ko. Tumango si Coco kahit hindi naman niya naintindihan si Roks. "Saan allergy si Coco?" pinagpasadahan ako ng tingin ni Captain.

"Wala pero kapag sobrang napapagod hinihika."

"Manang labas mo po 'yung snack pati na rin Cake." sigaw niya.

Napalunok ako nang maalala ko ang tungkol sa Kiss slave dahil nakatingin ako sa labi niya "Roks." mahinang boses na tawag ko.

"What?"

"Tungkol sa Kiss slave.." napakagat ako saaking labi dahil nahihiya ako na sabihin ang desisyon ko na kanina ko pa pinagiiispan.

"Let's forget about that.." umiling iling lang ako saka pinikit ang mga mata ko.

"Pumapayag na ako! Kailan ba start? Gusto mo ba ngayon na?" nagiinit sobra ang pisnge ko at hindi na dinilat ng mga mata ko  dahil hindi ko akalain na masasabi ko ang mga katagang 'yan.

Nakakahiya kapokpokan mo Paint.

______________________________________
Nyang note: Enjoy reading! Thank you sa mga sumusuporta ng story ni Roks and Paint. Godbless you all!

Don't forget to vote and leave a comments.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 3.5K 5
COMPLETED Hanna Sandoval suddenly married womaniser named Xander Garcia because of a fixed marriage and a one night stand that makes her pregnant. "I...
5.5K 77 10
How to be a call center agent?
2.2M 10.3K 12
Cathy Xyrene Garcia is a girl who only wants Grey Sanford to recognize and love her. She did everything for him but unfortunately, her love is unrequ...
3.9M 115K 35
Warning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Lindzzy Sebastian, mabait, ulirang anak sa mga magulang niya, mapagmahal na kaibigan, hindi marunong lumab...