FATED TO F*CK YOU✔

By TitaAmor07

874K 30.2K 7.6K

Pierce Blue is a man who has a transparent personality; what you see is what you get with him. At the age of... More

Tita's Note
TO MY NEW READERS
PORTRAYERS
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 4.1
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 6.1
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 17.1
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
EPILOGUE 1
EPILOGUE 2
EPILOGUE 3
EPILOGUE 3.1
THANK YOU!
SPECIAL CHAPTER #Uno
PRINTED NA SIYA❗

Kabanata 42

9K 425 141
By TitaAmor07

KABANATA 42

PRESENT TIME

“Are you okay?” tanong ng lalaki.

“Nakikita mo ba itong dugo sa ilong ko? And now, answer your own nonsense question,” pagmamaldita ni Katleya.

“Sorry. Ikaw pala ’yan, Ka,” sambit ng lalaki.

“Sorry? Again? Sorry! Sorry! Sorry! Palagi na lang kayo sorry nang sorry!” Tumayo si Katleya sabay punas ng dugo sa ilong niya.

“It’s been 4 years. Hindi mo pa rin ba ako mapapatawad?” naluluhang tanong ng binata.

“Amber Key!” sigaw ni Katleya sa buong pangalan ng dating kasintahan niya.

Nagsimula nang maglakad si Katleya paalis.

“Ka!” pagtawag ni Amber.

Napahinto si Katleya. Lumingon siya sa dating kasintahan. Dahan-dahan siyang lumapit dito. Inihanda ni Amber ang kanyang sarili dahil baka sasampalin o susuntukin siya ni Katleya. Pero hindi, nanlaki ang mga mata niya nang niyakap siya nito habang humagulgol.

“Payakap lang, ha? Ang lungkot ko,” sambit ni Katleya.

Hinimas ni Amber ang likuran ng dalaga. Kumirot ang puso niya nang marinig ang paghikbi nito.

“Mahirap ba akong mahalin, Key?” tanong ni Katleya.

“H-hindi,” mabilisang sagot ng binata.

Bumuwag sa pagyakap si Katleya at tiningnan ang mukha ni Amber. “Pero bakit hindi niya ako magawang mahalin?”

“Si Blue ba?” diretsahang tanong ni Amber. Pinunasan niya ang luha ng dating kasintahan.

“B-bakit mo alam?” takang tanong ni Katleya.

“Palagi akong nakasunod sa iyo. Kahit masakit, ginagawa ko. I saw your smile when you’re together. It depicts how happy you are than when you were with Red before. It breaks me na akala ko may pag-asa na muli ako sa iyo, pero hindi—you are in love again with his identical brother.”

Tumulo muli ang dugo sa ilong ni Katleya kaya sinamahan na ito ni Amber papunta sa clinic. Habang naglalakad sila, dahan-dahan na inilagay ng binata ang kamay niya sa balikat ng dalaga ngunit nakatikim lang siya ng pag-apak nito.

“Ouch! Hindi ka pa rin talaga nagbabago,” reklamo ni Amber.

Hindi ito pinansin ni Katleya at nauna nang maglakad. Hinabol muli ito ni Amber. Nang maabutan niya si Katleya, sinubukan niyang akbayan ito. Pero nang tagumpay na dumapo ang kamay niya sa balikat ng dalaga ay napangiti na ito nang palihim.

“Bitaw,” seryosong sabi ni Katleya.

Agad naman itinanggal ni Amber ang kamay niya. “Iyon naman ang paborito mo noon na ginagawa ko sa iyo.”

“Iba na ang ngayon,” giit ni Katleya.

Dumating na sila sa clinic at agad nang inasikaso ng nurse si Katleya. Habang nakasandal sa kama ang dalaga, napatulo ang luha nito. Naalala niya kasi iyong panahon na kasama niya si Blue sa clinic. Wala pa silang problemang dalawa at malaya nilang gawin ang mga gusto nila.

Nang makita ito ni Amber. “Siya na naman ba ang dahilan ng mga luha mo?”

Tumango si Katleya. “Hiniling niya na layuan ko siya. Dahil kung patuloy lang ang pagkakaibigan namin. Masasaktan lang daw ako. Nalaman niya kasing mahal ko siya at hinding-hindi niya raw masusuklian iyon.”

“I can help you. Kahit man lang dito makakabawi ako sa nagawa ko sa iyo noon.”

Napatitig si Katleya kay Amber. “Pero paano?”

“Be my girl, I mean my fake girlfriend.”

Nanlaki ang mga mata ni Katleya. “Para saan?”

Nginitian ito ni Amber. “Hindi ba sinabi niya na layuan mo siya dahil masasaktan ka lang kapag patuloy pa rin ang pagkakaibigan niyo? So kapag may boyfriend ka na, iisipin na niya na wala kanang gusto sa kanya and with that, makakalapit ka na muli sa kanya. At ano ang mas maganda, hindi na siya mag-iisip pa sa nararamdaman mo sa kanya.”

Unti-unting lumapad ang labi ni Katleya nang marinig ang mga salitang binatawan ni Amber. Napatayo siya at agad na niyakap ang dating kasintahan. Napahagulgol ito dahil sa labis na saya. Nabigyan na siya ng pag-asa na makasama muli ang kaibigan kahit sobrang mahal pa rin niya ito. Itatago na lang niya ang kanyang nararamdaman para makasama lang ito.

“Key, thank you,” masayang sabi ni Katleya.

Nangingilid ang luha ni Amber habang nakayap kay Katleya. Ginawa niya lang din ito para makasama rin muli ang dating kasintahan. Kahit masasaktan siya, gagawin niya pa rin para lang sa ikasaya ng babaeng mahal niya.

“No problem, basta ikaw, Ka. Ang laki ng kasalanan ko sa iyo noon. Gusto ko lang makabawi.”

Bumuwag sa pagyakap si Katleya. Hinawakan niya ang mukha ng binata.

“Magsimula tayong muli bilang isang magkaibigan,” ani Katleya. Hindi niya maitago sa mga mata niya ang saya.

Napangiti si Amber. “Unblock mo muna ako.”

Tumango si Katleya. “Kahit ngayon pa. Gagawin ko.”

Kinuha ni Katleya ang phone niya at binuksan ang social media accounts niya. Ginawa niya lahat iyong hiniling ni Amber kaya gumaan na rin ang pakiramdam niya. Kinuha ni Amber ang phone niya at tiningnan isa-isa ang social media accounts niya. Napangiti naman siya nang malayang makita ang mga accounts ni Katleya.

Tiningnan niya ang dalaga. “Thank you, Ka.”

“Salamat din. Pero kailan natin sisimulan?” tanong ni Katleya.

“Magsimula muna tayo as a friend, maybe 1 or 2 months. 'Tapos liligawan kita ng mga 1 month ulit and after that, tayo na, fake nga lang.”

“Game,” nakangiting sagot ni Katleya.

•••

“Nandiyan po ba si Katleya?” tanong ni Amber sa kasambahay nila Katleya na nagbukas ng gate para sa kanya.

“Yes po,” sagot ng kasambahay.

“Manang, sino po 'yan?” tanong ni Black. Pagsilip nito, napakunot-noo ito. “Bakit ka nandito? Umalis ka!”

“Bakit ka sumisigaw?” takang tanong ni Katleya sa kapatid niya. Pagsilip niya sa labas ng gate, nakita niya ang dating kasintahan. “Diyan ka muna, Key.” Tiningnan niya ang kapatid niya. “Kuya, ’wag ka ng magalit kay Key. Nagkabati na kami.”

“Kahit na. Hindi pa rin mababago ang katotohanan na sinaktan ka niya,” inis na sabi ni Black. Makikita sa kinikilos niya na nag-aalala siya sa kapatid.

“Key, pasok ka muna,” anang Katleya. Tiningnan niya ang kapatid niya. “Kalma, okay?”

Pumasok ang binata at saka bumati, “Magandang umaga po, Kuya.”

“Ano ang maganda sa umaga!?” inis na sagot ni Black. Sinamaan pa niya ito ng tingin.

“Kuya, sorry po talaga. Maniwala ka sa akin, pinainom lang ako ng babae ng robust kaya nagkaganoon ako, uminit ang katawan ko. Alam na ito ni Red, kinuwento ko sa kanya.”

Nanlaki ang mga mata ni Katleya. “Si Red? Nag-usap kayo?”

“Yes, pinag-usapan namin ang nangyari sa ating dalawa. Kung natatandaan mo iyong lalapitan sana kita sa cafeteria? Kinahapunan noon ay pinuntahan niya ako sa classroom. Sinabi niya rin sa akin na bigyan mo na kita ng panahon, kaya ginawa ko. Napakasuwerte mo roon, Ka. Napakabait na tao.”

“Kaya nga mahal ko,” mahinang sagot ni Katleya.

Napangiti ang binata at tiningnan muli si Black na nasa harapan niya. “Sorry po talaga, Kuya.”

“Okay. Apology accepted.”

Napayakap si Amber kay Black dahil sa saya. “Salamat po talaga, Kuya. Sila Tito Pa po? Nandiyan po ba sila?”

“Umalis na sila.”

“Sige, babalik na lang ako rito mamaya,” sagot ni Amber. Tiningnan niya si Katleya. “Tara na, Ka?”

Tumango si Katleya at tiningnan si Black. “Mauna na ako, Kuya.”

“Mag-ingat kayo. Amber, ingatan mo ang kapatid ko,” pagpapaalala ni Black.

“I will po. Mauna na kami. Salamat po ulit. Anyway, nakita ko kayo kasama iyong kaibigan ni Blue, si Grey yata iyon. Nag-check in kayo sa hotel namin.”

Namumula ang mukha ni Black at hindi makagalaw. Napalingon si Katleya sa kapatid niya. Nang magtama ang mga mata nila ng kanyang kapatid, tinitigan niya ito nang masama.

“Kuya!” sigaw ni Katleya.

“Sinamahan ko lang si Grey roon. Nahihilo kasi siya ng araw na iyon, kaya naghanap kami ng matutulugan,” sagot ni Black.

Totoo ang sinabi ni Black. Natulog lang talaga sila ng araw na iyon. Pero iyong nahihilo si Grey ay isang malaking kasinungalingan.

“Subukan mo lang landiin si Grey, lagot ka talaga sa akin!” inis na sabi ni Katleya.

Napatawa si Amber. “Lalaki naman si Kuya, Ka. Hindi iyon papatol sa kapwa niya lalaki. Hindi sila talo. Magkaibigan lang sila at isa pa hindi naman sila sweet nang nakita ko sila. Simpleng pag-akbay lang. Normal lang naman iyon sa aming mga lalaki. Hindi ba, Kuya?”

“T-tama,” nauutal na pagsang-ayon ni Black. Ang bilis na ng pintig ng puso niya dahil sa hiya.

Napangiti si Amber. “Sige na po, mauna na kami.”

“Mabuti pa,” sagot ni Black. Tinulak pa niya si Katleya na ang sama pa rin ng tingin sa kanya. “Umalis na kayo.”

•••

Pagdating nila Katleya sa unibersidad. Pinagbuksan pa ito ni Amber ng pinto sa sasakyan niya. At nang makababa na ang dalaga, kinuha pa niya ang bag nito.

“Ako na ang magdadala,” giit ni Katleya.

“Ito naman ang ginagawa ko sa iyo noon. Please let me do this,” hiling ni Amber.

Napangiti si Katleya. “Fine. Makulit ka, e.” Nanlaki naman ang mga mata niya nang inakbayan siya ni Amber. “Key.”

“Huwag ka nang magalit, please,” hiling ng binata.

Nagpakawala nang malalim na hininga si Katleya. “Oo na. Ang tigas pa rin talaga ng ulo mo, noh?”

Nagsimula na silang maglakad. “Wala naman nagbabago sa akin. Meron pala, sobrang lungkot ko noong nawala ka sa akin.”

Natahimik si Katleya. “’Wag mo ng isipin ’yon. Ang mahalaga, magkaibigan na tayo.”

“Kaya nga. Salamat dahil pinatawad mo na ako.”

“Desperada na kasi akong maging okay kami ni Blue. Na miss ko na ang lahat sa kanya.”

Natahimik si Amber dahil naalala niya na napilitan lang si Katleya na gawin ang nakapagsunduan dahil may gusto rin itong mangyari. Malungkot siya sa katotohanan. Pero ito rin naman ang gusto niya dahil katulad ni Katleya, may malalim siyang dahilan. Napangiti na lang siya sa sarili niya dahil sinasaktan niya ito para makasama lang ang babaeng gusto niya.

•••

Papunta sa cafeteria sila Blue kasama ang mga kaibigan niya para mag-almusal. Habang naglalakad ang magkaibigan, makakasalamuha nila si Katleya at ang kasama nitong si Amber. Yumuko lang si Blue dahil napag-usapan na nila ito ni Katleya. Nang sobrang lapit na nila, binati nina Grey at Green si Katleya maliban kay Blue na nanatiling nakayuko.

“Kat,” sabay na sambit nina Grey at Green.

“Hi. Mauna na kami,” sagot ni Katleya. Katulad ni Blue, umiiwas din siya.

“Hey, bro, the captain ball of the soccer team,” bati ni Green kay Amber.

“Hi. Mauna na kami ni Ka,” mahinahon na sabi ni Amber.

“Ka?” tanong ni Blue sa kanyang isipan. Nakikinig lang pala ito sa gilid.

Nagsimula na muling maglakad sila Blue, ngunit hindi siya mapakali kaya nilingon niya sila Katleya. Napataas naman ang kilay niya nang makita ang kamay ni Amber sa balikat ng kaibigan niya.

“Guys, mauna na kayo sa cafeteria. Iihi na muna ako,” sabi ni Blue.

“What? May CR naman sa cafeteria,” giit ni Grey.

“B-basta,” sagot ni Blue sabay takbo pabalik.

Nagmamadaling tumakbo si Blue para sundan sina Katleya at Amber. Nang makita niya muli ang dalawa, nakapamewang ito sabay pakawala nang malalim na hininga.

“Bakit may pag-akbay?” tanong niya sa kanyang sarili. Umiling-iling pa ito nang makita na bitbit ng binata ang bag ni Katleya. “Sino ka bang lalaki ka? Tsk!”

Nang may babaeng papalapit sa kinaroonan ni Blue.

“Miss,” sambit ni Blue.

“Ahhhhh!” sigaw ng babae dahil sa kilig.

“Ssshhh. May itatanong lang ako.”

“Ano?” kinikilig na tanong ng babae.

Itinuro ni Blue iyong lalaki na kasama ni Katleya. “Kilala mo iyon?”

“Ahh, si Amber Key Scott,” sagot nito.

“Okay. Salamat.” Tiningnan muli ni Blue ang papalayong kaibigan. “Subukan mo lang bastusin ang best friend ko lagot ka talaga sa akin.”

Pumunta na si Blue sa cafeteria. Pagdating niya sa kinauupuan ng kanyang mga kaibigan, agad itong umupo. Nagtinginan naman ang dalawa nang makita ang nakabusangot na mukha ni Blue. Para itong bata na hindi binilhan ng laruan.

“Ano’ng nangyari?” bungad ni Grey.

“Kilala niyo iyong si Amber Key Scott?” inis na tanong ni Blue. Lalong kumunot ang noo nito.

Napangiti si Green. “Iyong kasama ni Katleya kanina.”

“Selos?” tanong ni Grey.

“Epal. Shut up! I mean kilala niyo iyon personally?”

“Ang alam ko lang captain ball iyon sa soccer team. Bakit ba?”

Nagtinginan sina Grey at Green at pinigilan ang pagtawa. Mukhang nakutuban nila ang binata.

“Inakbayan ba naman si Kat,” inis na sabi ni Blue.

“Confirmed,” panunukso ni Grey.

“Mukha mo confirmed!” sigaw ni Blue sabay agaw sa coffee sa kamay ni Grey.

“Galit na galit, gustong manakit?” natatawang sabi ni Green.

“Ikaw kaya ang saktan ko?!” pagbabanta ng binata. Kumukulo na ang dugo nito.

“Ang cute mong magselos,” pang-aasar ni Grey.

“Magselos mo mukha mo! Nag-aalala lang ako. Paano kung may binabalak iyon kay Katleya? ’Tapos wala pa ako sa tabi ng best friend ko. Sino po-protekta sa kanya?” litanya ni Blue.

“Bakit ka pa kasi nagpakalayo? Hindi mo naman pala kaya. Pakipot ka pa kasi,” si Grey.

“Mukha mo pakipot.” Tiningnan ni Blue ang plato ni Green. “Luntian, bigyan mo ako niyan.”

“Kumuha ka na lang doon sa counter. Binayaran ko kaya ito.”

“Kunti lang naman. Ang damot nito.” Napatigil si Blue nang makitang papasok si Amber sa cafeteria. Tinuro niya ito. “Siya iyon, ’di ba?”

Tumayo ang binata. Nakasimangot pa rin ang mukha nito habang tinitingnan si Amber.

“Ano’ng gagawin mo?” tanong ni Green.

“Basta,” sagot ni Blue sabay hakbang.

“Asul!” pagtawag ni Grey.

Hindi na pinakinggan ni Blue ang mga kaibigan niya at dumiretso na ito papunta sa counter kung saan si Amber. Pagdating niya roon, tinabihan niya ito.

“Cold coffee,” bungad ni Blue.

“Cold coffee na lang din sa akin,” mahinahon na sabi ni Amber.

Kinalabit ito ni Blue. “Ginagaya mo ba ako?”

Napangiti si Amber. “Hindi, ah.”

Pagbigay kay Blue sa order niya ay sinadya niya itong itapon kay Amber. Gusto niya lang makita ang maging reaksyon nito.

“Sorry,” paghingi ni Blue ng paumanhin. Pero sa kanyang isipan, tumatawa na ito. Masaya siya sa nagawa niya.

“Okay lang,” mahinahon na sagot ng binata. Pero may pag-aalala sa mukha nito dahil sa nabasang uniporme.

“Hindi ka galit?” takang tanong ni Blue.

Napangiti si Amber sabay tingin kay Blue. “Hindi mo naman iyon sinasadya.”

“Paano kung sasabihin kong sinadya ko, magagalit ka ba?” tanong ni Blue. Titigan niya talaga nang maigi ang mukha ng kausap.

“Wala namang rason para sadyain mo iyon.”

Nag-iisip si Blue ng sasabihin. Pagkatapos, muling tingnan si Amber  “Meron akong rason.”

“Ano?” hindi makapaniwalang tanong ni Amber.

Napangiti si Blue  “W-wala pala. Sige, riyan ka muna. Kukuha na muna ako ng extra t-shirt sa bag.”

Habang papunta si Blue sa kinaroroonan ng bag niya, nakokonsensya siya sa ginawa niya. Sinusubukan niya lang kasi kung magagalit ba ito, pero hindi. Mabait itong tao.

Pagdating niya sa mesa kung saan nakaupo ang mga kaibigan niya, agad itong pinagsabihan. Mukhang nakasanayan na itong gawin ng mga kaibigan niya sa kanya.

“Ano ba iyong ginawa mo?” mahinang tanong ni Grey.

“Okay. Kasalanan ko na. Nakokonsensya na nga ako.” Kinuha niya na ang damit sa loob ng bag niya. “Babalikan ko muna iyon.”

Pagkabalik ni Blue, nakahubad na ng damit si Amber. Napapangiti naman si Blue nang makita ito. Pagkatapos, nilingon niya ang mga kaibigan kung saan ito nakaupo.

“Grey!” sigaw ni Blue.

Napatingin si Grey. “Ano?”

“Sexy boy, oh,” pang-aasar ni Blue sa kaibigan sabay turo kay Amber.

“Baliw!” sigaw ni Grey.

Tumawa si Blue. “Ay! Sabi ko na barbie!” pang-aasar niya sa kaibigan. Tiningnan niya si Amber. “Bakit ka tumatawa?”

“Natutuwa lang ako sa inyo.”

Inabot ni Blue ang damit niya. “Suotin mo muna ’yan.”

“Key, naiwa—” Hindi natuloy ni Katleya ang sasabihin nang makita si Blue.

“Sige na, soutin mo muna ’yan,” anang Blue sabay balik muli sa kanilang mesa.

“Ka, bakit?” tanong ni Amber. Nagtataka lang siya kung bakit sinundan pa siya ni Katleya rito sa cafeteria.

“Phone mo. Nasa bag ko,” sagot ni Katleya sabay abot dito.

“Okay. Salamat.”

“W-wait. Ano ang nangyari sa damit mo?” takang tanong ni Katleya.

“Natapunan ako ni Blue.”

Napatingin si Katleya sa kinaroroonan ni Blue. Naka-upo ito at ang sama ng tingin sa baso ng kape na nasa harapan niya.

“I don’t get jealous, I can’t be jealous, I’ve never been jealous, ngayon lang!” panggagaya ni Grey sa linya ni John Lloyd Cruz sa pelikulang A Very Special Love. Tiningnan ito ni Blue nang masama. Napatawa naman siya. “Chill, hindi naman, ’di ba?”

Napatayo si Blue at biglang hinampas ang mesa. “Sh*t!”

Napalingon sa kanya ang lahat. Kahit sina Katleya at Amber ay nagulat sa ginawa nito. Nagpipigil naman sa pagtawa ang dalawa niyang kaibigan.

Nang bumalik sa katinuan ang binata ay nag-isip siya nang paraan para matakpan ang ginawa niya. Nahihiya siya sa inasta niya.

Tumawa ito bigla. “It’s a prank. It’s a prank. It’s a prank.”




~~~

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 89.2K 49
Sa pangangailangan ng pera para sa gamot ng lola niya at sa nalalapit na pag aaral ng anak niya ay pumayag si Clementine na palitan ang tiyahin niya...
1M 29.5K 31
Swift Twins: Shinrei Swift SPG | R-18 Started: September 06, 2020 Ended: January 01, 2021 Cover Designer: @MISCHIEVOUSBTCH (Keev)
1.2M 12K 51
NOTE: SPG/R-18 Teacher ko mahal ko. Meet Abby, ang bored na estudyante palaging kasama ang mga lalaki. Pero noong makilala niya ang kanyang teacher n...
10.9K 176 8
WARNING: This story includes mature and sexual content. Reader discretion is advised. Cassidy Miller has been working diligently for a boss whom ever...