On My Own(On-going)

De k8joybermoy

56 33 12

This story is all about HER. SHE is a poor but adorable girl lives in a province with her super strict mothe... Mais

A/N
Prologue
Chapter 1:Keyshia Keith Bueneventura
Chapter 2:Ryle Enrico Francisco
Chapter 4: Weird Feeling
Chapter 5:He Knows

Chapter 3: Crush

2 3 0
De k8joybermoy


Key's POV,

"Key! Crush din kita" sabi ni Enrico habang lumalapit sakin

"Pero diba may girlfriend kana?" Tanong ko sa kanya habang nakacross arms. Syempre wag munang bibigay no baka trap lang yan.

"Maniwala ka sakin ikaw lang ang gusto ko" ngumiti sya sakin tapos hahawakan nya na sana yung kamay ko kaso..........

"Ate gising! Late kana sa school!" Arghhh! Ang ingay naman sino ba yung panira ng panaginip ko?!

"Waahhhh!! Bakit ba wrong timing ka manggising??" Sabi ko kay Klint habang magkasalubong ang kilay ko

"7 am na kanina pa, dika ba papasok? Papasok nako ikaw na munang bahala sa bahay kung dika papasok......" Sabi nya habang palabas ng bahay

"First day na first day absent ka" pahabol nya bago lumabas ng tuluyan ng pinto

Shocksss!!! Oo nga pala..... Pagkasabi non ni Klint dali dali akong pumunta sa cr tapos ginagawa ko na yung morning rituals ko tapos mabilis akong nagbihis ng pangschool,kumuha nalang ako ng dalawang tinapay at umalis na...

Lagot na! Late na late nakoo hayyyy.....
Dumiretso nako agad sa room ko, Second year highschool Section- B. Hindi nako magtataka kasi hindi payag si mama na magstay ako sa lower section.

Second year highschool nako at third year na ngayom si Enrico pero hanggang ngayon crush ko padin sya kahit may girlfriend na sya:(

"G-good m-morning m-madam..... S-sorry im l-late" sinabi ko yan ng mahina habang nakayuko... Huhuhu nakakahiya

"You're miss Bueneventura right?"sabi ng teacher na sa tingin ko ay advisor ko

"Opo" nakayuko padin ako

"Maupo ka sa tabi ni miss Yola" sabi ng advisor namin at tumuro ng upuan

"Uulitin ko ang sinabi ko kanina para malaman ni miss Bueneventura......"
Sabi ni madam

"As I said earlier, no need to introduce yourself kasi maiiwan tayo sa topic... I'm Madam Cath, your advisor teacher and also your teacher in Science..... Ngayon sisimulan ang hetero section. Ito ay paghahalu haluin ang lahat ng section at ang hindi lang makakasama sa hetero section ay ang star section. Ngayon, lahat magiging pantay pantay na lahat ng lower section dahil merong mga section-B na malilipat sa C,D or E at meron ding Section-E na malilipat sa section B,C or D. At lahat ng tatawagin ko na name ay tumayo at lilipat kayo ng section at ang hindi ko tatawagin ay magsstay dito." Gaya ng sinabi ni madam cath, tinawag nya yung mga pangalan ng lilipat at hindi ako kasama sa mga natawag. Pagkatapos non lumabas na sila at meron ding dumating agad na teacher na lalaki at iniwan ang mga studyante na kasama nya samin.

Ganon ang ginawa ng lahat ng Year dito mula sa first hanggang fourth year highschool. Pagkatingin ko sa labas nakita ko si Jana at tinawag ko sya,nasa tabi kasi ako ng bintana.

"Pst! Jana!!! Bat nasa labas ka?"tanong ko sa kanya

"Dyan yung room mo ate Key?! Yess!!! Dyan ako pinalipat sa room na katapat ng sa inyo!!!" Tuwang tuwang sabi nya habang pumapalakpak pa

"Ahh, bakit kaya biglang ginawang hetero ang mga section"tanong ko sa sarili ko pero dahil ang talas ng tenga ng batang to narinig nya

"Oo nga kung kailan second year na tayo saka sila naghetero!Dapat nung simula nung first year highschool pa tayo"pagrereklamo nya

"Atleast magkatapat na tayo ng room kahit hindi tayo magkaklase, ayaw mo ba?Hindi nako mahihirapang puntahan ka paguwiansabi ko sa kanya

"Oo nga pero......"hindi na natuloy ni Jana yung sasabihin nya kasi may tumawag sa kanya

"Hoy Jana! Pasok na daw sabi ni teacher!!" Kaklase nya siguro yun

"Oo!!!.... Ate key pasok nako,hantayin moko sa uwian ah!" Tapos tumakbo na sya sa room nila  kahit ang lapit lang naman hayy....

Malapit ng magbreak time pero hindi pa din natatapos ng mga classmate ko yung sitwork na binigay ng teacher namin sa math, konti palang kaming natatapos magsagot hayyy gutom nakoooo 30 minutes pa lang naman yung break(╥﹏╥) Pero feeling ko nawala yung gutom ko nung dumaan sa room namin si Enrico..... Ang cool nyang tingnan kahit sobrang pawis sya....WAAHHH nginitian nya akooo huhuhu wag ganyan crush baka mahimatay ako sa kilig dito!...

"MISS BUENEVENTURA!" Nagulat ako ng biglang sumigaw si madam huhuhu patay..

"Y-yes p-po?" Tanong ko sa kanya tapos pilit na ngumiti

"Wala kabang balak ipasa ang papel mo? Kanina pa kita tinatawag pero nakatitig ka lang sa labas!" Huhuhu sisihin nyo si Enrico, nginitian nya kasi ako!!...

"Sorry po" sabi ko kay madam habang nakayuko tsaka ko inabot ko sa harap yung papel ko

Break time na yeheeyyy!!! Nagmamadali kong niligpit yung mga gamit ko na nakalabas pa para mabilis akong makabili sa canteen, lagi pa namang siksikan don kasi pati elementary student sa canteen namin bumibili. Pero bago pa ako makalabas ng room may tumawag na sa pangalan ko.

"Key? Tama ba?" Tanong ng babaeng short hair na matangkad sakin. Isa sya sa mga classmate ko

"Ah oo,ikaw si....??"

"I'm Kisses Delferrio,kisses nalang. At ito naman si Grace Marcus,Morrie Lean and Annabelle Terrence." Pagpapakilala nya sa tatlong kasama nya

"Hello!"ako yan with matching kaway kaway sa kanila

"Nakita kita kaninang nakatulala nung dumaan si Enrico.....Crush mo sya no?ayieeee" asar ni Morrie sakin habang sinusundot sundot ang bewang ko, makulit siguro toh para syang bata HAHAHAHA

"HUH?? H-haha h-hindi k-kaya...... A-no k-kasi....." Hindi pwede!! Baka isumbong nila ako kay Enrico!!!

"Hahahaha ikaw ah! don't worry di namin ipagsasabi..... Sabay kana samin mag recess" Sabi ni Grace

Pumunta na kami sa canteen ng sabay sabay at habang naglalakad kami nakita ko yung squad ni Avery palapit samin..... Akala ko kakausapin nila ako kaya nginitian ko sila pero di nila ako pinansin at dire diretso lang sila....Bakit ganon? May nagawa ba ako sa kanila? Parang wala naman eh.....

"Diba sila yung mayabang na squad dito sa school?" Napatingin ako kay Annabelle sa sinabi nya

"Oo.... Mayaman kasi sila at ang alam ko makakasama kalang sa grupo nila kung mayaman ka din" sabi ni Kisses kaya sa kanya naman ako tumingin

"Talaga? Pero nakikipagfriends naman sila sa ibang student dito diba?" Tanong ko sa kanila, hindi ko muna sasabihin na naging kaibigan ko sila Avery baka kaaway pa nila itong mga to.

"Nakikipagfriends sila para makahanap ng idadagdag nila sa grupo nila pero kung dika mayaman, hindi kana nila papansinin ulit" paliwanag ni Grace

Napaisip ako sa sinabi ni Grace,kaya ba hindi na na nila ako pinapansin ngayon kasi nalaman nilang mahirap lang ako? Pero mabait naman sila eh kaya hindi nalang ako magagalit sa kanila tsaka atleast naging friend ko din sila.....

Tapos na kaming nagrecess ang bumalik na kami agad sa classroom. Puro discuss lang naman yung ginawa ngayon hanggang hapon.

"See you tomorrow class!"

Uwian na at hahantayin ko pa si Jana baka magtampo pa sakin yun pag diko sya hinantay eh...

"Uyy Key! Uwi kana?" Tanong ni Kisses

"Hindi pa, hahantayin ko pa yung pinsan ko eh"

"Okay bye!" Lalabas na sana sila Kisses pero may sinabi si Morrie sa kanya kaso diko narinig

"Sige.... Key!" Bumalik si Kisses sa harapan ko habang nakaharap sakin yung kamay nyang may hawak na phone

"Anong meron dyan?"tanong ko sa kanya. Kasi naman pinapakita nya yung account nya sa facebook sakin

"Inadd ka naming apat sa Facebook, accept mo kami para makasama ka sa Group Chat namin" sabi nya sakin habang nakangiti

"Huh? Bakit nyo naman ako isasama sa Groupchat nyo?" Tanong ko sa kanila

"Duh? Syempre friend kana namin tsaka ayaw mo bang may malamang information tungkol kay Enrico?" It's Grace....... Enrico daw? wahhhhhhh syempre payag akoo!!!

"Oo na! Mamaya iaaccept ko kayo" sabi ko bago lumabas ng classroom.

Hinahantay ko si Jana sa labas ng room nya. Bakit ang tagal ng uwian nila? Habang hinihintay ko sya nag Facebook ako at inaccept ko yung apat na classmate ko, sila Kisses. Saktong pagkatapos ko silang inaccept ay uwian na nila Jana, sinalubong ko sya sa pintuan pero nabungo ako ng lalaki na maputi at medyo mas matangkad sakin, isa yata to sa mga classmate ni Jana. Buti nalang may pader sa likod ko kundi tumba ako.Tiningnan ko yung lalaki na nakabunggo sakin, hindi ko alam pero may kakaiba akong naramdaman nung nabunggo nya ako.

"Ate Key! Ang aga naman ng uwian nyo,kanina pa kita nakitang naghihintay dito." Ang daldal talaga nito

"Oo nga ang aga, sana kayo din para di ako naghintay diba?" Pamimilosopo ko sa kanya

"Kay teacher mo kaya yan sabihin baka pumayag HAHAHAHA" grabe talaga tong batang ito....

"Ikaw nalang! Tara na uwi!"

Pagkarating ko sa bahay naglinis na agad ako  para pagdating ni mama di ako pagalitan. Pagkatapos, inopen ko yung facebook ko tapos nakita ko yung group chat na sinasabi ni Kisses.

Morrie:Goodevening guysss!!

Kisses: Evening din

Grace: May bisita bukas? Sabi ni ate dadating yung prinicipal kasama yung mga bisita. Lahat daw ng third year highschool nasa covered court bukas!

Annabelle: Oo nga sabi din ni ate. Sayang di tayo kasama

Meron palang bisita bukas? Pero bakit third year highschool lang yung papalabasin? Ano kayang meron?

"Ma! Bukas may dadating na bisita sa school namin" lumingon ako kay kuya nung sinabi nya yun

"Bakit ano daw meron?" Tanong ni mama

"May program daw para saming third year highschool kasi daw third year ang pinaka mahirap at stressful sa lahat ng year kaya taon taon may program sa mga third year."paliwanag ni kuya

Tiningnan ko ulit yung Group chat namin at nagcompose ng message doon

Keyshia: Hello guys! Thanks pala sa pagsama sakin dito

Grace: your welcome!

Kisses: no problem!

Morrie: Key! Bukas sasayaw sila CRUSH mo ayieee!

Keyshia: Hindi naman tayo makakanood kasi may pasok tayo diba?

Annabelle: Sinong nagsabi????

Keyshia: Diba lahat lang ng third year ang nasa covered court bukas?

Grace: Oo nga pero advisor din ng third year yung iba nating teacher kaya baka madami tayong vacant

Kisses: Tsaka baka nakakalimutan mong tapat lang ng room natin ang covered court kaya kitang kita natin sila

Morrie: Kaya nga Key don't worry!!!!Key may surprise pala ako sayo HAHAHAHA

Keyshia: Ano naman yun Morrie?

*Morrie added Ryle Enrico Francis to the group*

Omygoshhhhh!!!!!!MORRIEEEEEE!!!!!!!!Lagot naaaaa!!!!!! What to do????what to do??????

Morrie: woooopsss..guys antok nako goodnight lablotss!

Kisses: Me too!

Grace:Me three!

Annabelle: Me four!

Habang nagtatype na din ako ng 'Me Five' biglang nagchat si Enrico huhuhuhu lagot naaa!!!!!

Ryle: Key!

Keyshia: Bakit???

Ryle: Nagbackread ako tapos nabasa ko yung....

Yan na nga ba ang sinasabi ko huhuhuu...... Pano na???? Pano pag nalaman nya??? Ano ng mangyayari sakin? Nakakahiyaaaaaa!!!!!!

Ryle: CRUSH????




___________________________
Yan munaaa!!!!mwapsss

Please read, vote and comment!!!!!

-K8-

Continue lendo

Você também vai gostar

Alexandra Rose De <3

Ficção Adolescente

260K 7.5K 43
It's been ten years since the Stones family lost their little girl. In those ten years, Alexandra Rose has grown up with an abusive foster father wh...
947K 21.6K 48
Luciana Roman was blamed for her mother's death at the age of four by her family. She was called a murderer until she was shipped onto a plane for Ne...
Dance Prodigy (ii) De dance-99

Ficção Adolescente

597K 15.9K 54
(Book Two) At the age of ten, 'Eden-Rose' is now a world renowned name. Watch as she juggles between her growing fame and her personnel life. Dance...
54.9K 1.4K 73
Harry Potter x female reader °。°。°。°。°。°。°。°。°。°。°。°。 Cedric Diggory has a younger sister named Y/n and she's starting her fourth year at Hogwarts. H...