Chapter Thirty Three
"Trapped Between Two Men"
Daniel Rouge Gustilyo's Point of View
"Stop interfering with my relationship! Pati ba naman si Dani aagawin mo sa akin?" He yelled at Eric. Nakahawak lang si Eric sa duguan nitong labi.
"THEO!" sigaw ko sa kaniya dahil susuntukin niya na naman sana ito. Agad ko itong hinawakan sa kaniyang braso dahilan para huminto ito. I pushed him down on his bed slowly para kumalma ito but he just pulled me next to him atsaka hinalikan ulit ako, I can taste the liquor off his mouth, then suddenly he just fell asleep.
Binaling ko naman ang atensyon ko kay Eric na hawak-hawak ang kaniyang labi. Inalalayan ko itong tumayo para matulungan ko siya sa kaniyang sugat.
"I'm so sorry. I'm so sorry." I pleaded in front of him.
"It's okay."
Lumabas si Eric ng bahay at sinundan ko naman ito. "Sit here." Utos ko sa kaniya at pinaupo siya sa reclining chair sa likod ng bahay. Umupo naman ito atsaka ako nagsalita, "Hahanapin ko lang ang medicine kit sa kwarto." Ani ko rito but he pulled me next to him.
"No it's okay. Just stay here with me." Utos naman nito sa akin.
"No Eric, I'll help you heal that wound." He suddenly wiped the blood on his lower lip.
"Malayo 'to sa bituka." Sagot niya atsaka ako pilit na pinaupo sa tabi nito. "Sit here with me." Wala na akong nagawa atsaka naupo nalang sa tabi niya.
Wala kaming imikan habang nakatingin lang kaming pareho sa swimming pool, gabi na rin naman at tanging ang ingay lang ng apat na tao sa sala ang naririnig namin at ng mga tipaklong at mga palaka sa garden ng bahay.
But not until I shifted my gaze on him, nakita kong tumulo ulit ang dugo sa kaniyang labi. "Eric, 'yong labi mo." Lumapit ako sa kaniya para punasan ang dugo mula sa labi niya at hinayaan niya lang ako kahit na alam kong ang lapit-lapit naming dalawa sa isa't-isa.
But then he grabbed my waist and leaned in closer to me. Atsaka ako hinalikan. He kissed me passionately, trying to savor each other's taste. I can taste the blood on his lips, it was salty.
"Eric." Ani ko rito atsaka siya tinulak. I know we both had done things before, we even had sex before but because I was curious with him! At dahil 'di ko pa alam kung ano ba ang nararamdaman ko nun para kay Theo.
Pero ngayon, alam ko na ang nararamdaman ko. At para kay Theo 'yon.
But here we are again, my prince charming trying to steal me from my demon.
"Your kiss can heal this." Ani nito sa akin.
"Eric please stop this." Sabi ko sa kaniya. "Ayaw kong ako ang dahilan ng pag-away niyo na naman."
"I know... me and Theo are no longer friends." Sagot naman nito sa akin. "Dan, he has a girlfriend. Ikaw? Paano ka na? Aasa ka na lang ba sa kaniya?"
"He's going to breakup with her naman." I counterbacked habang nakatayo parin sa harap nito. He was gripping my hands tightly at ayaw nito akong paalisin kahit gusto ko mang kumalas.
"Are you sure about that? You still don't know Theo well."
"That's why I'm trying my best to know him." Sagot ko sa kaniya.
"He's not going to love you."
"He will."
He just took a deep sigh. "If you only know how f-ucked up Theo is." Napapailing niyang sinabi sa akin. "I tried staying for him too pero siya itong pilit ako na tinutulak." He motioned me to sit down next to him and I did.
Naupo na lang ako sa tabi nito na walang imik at hinayaan lang siyang magbuntong hininga. "Well, to tell you the truth." Panimula ni Eric sa akin.
"Theo was that type of boy na iyakin, can't even be independent. I grew up with him. But just like you —" napatingin naman ito sa akin.
"I was also bought for him."
Nabigla ako sa sinabi niya sa akin.
Just like me, he was also bought for him?
"We both grew up together, I was provided with a family too. Had forgotten about my real parents, everything I sacrificed just so I could stay with him. But in the end siya itong pilit na tinutulak ako. Because for him, I was just like a toy, nagsawa siya sa akin bilang isang kaibigan." Malungkot nitong sinabi.
Seryoso itong nakatingin sa akin habang nagkukuwento. "Theo was the problem." He added. "No one was the problem. He was." He added.
"Paano? Naguguluhan talaga ako."
'Di ko siya maintidihan.
"I told you, it'll be hard for you to understand Dani. Kaya nga ayaw kong sabihin sa'yo. It's better if it comes from Theo, but knowing Theo. He wouldn't open up about it kahit na anong gawin mo." Bigla naman akong natahimik.
"So ano ang kinalaman ko sa pagkawala ng girlfriend niya?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.
"Wala na ako dun sa pangyayari na 'yon. After me and Theo stopped being friends, 'di na ako nakakapunta sa bahay nila dahil ayaw na niya akong makita. After all I was just bought as a company for him too." Eric explained. "So that explains why it's hard to understand Theo Marco. But there were other factors added to it too, kung ba't siya nagkakaganiyan. But I'll leave you to it to find out about it." He added and he shifted his gaze at the pool at pinagmasdan lang ang mahinang pag-galaw ng tubig.
Naguguluhan na ako.
Eric naman eh, ang galing mangbitin!
"You see, the Gustilyo is a very complicated family. They will do whatever they can to get what they want." Dagdag pa nito. "And they will do whatever they want to make Theo happy."
"Eh bakit nila ako nahanap? Bakit nila ako binili? I haven't seen him noong bata pa ako? 'Di ko naman sila kilala bakit bigla na lamang nila akong binili para sa kaniya?" Gulong-gulo kong tinanong sa kaniya.
"May mata sila kahit saan Dani." Ani Eric sa akin. "Kaya ka siguro nakilala dahil nakita ka ng isa sa mga pamilya, It might be Tita Abeline." He added. "After all she has a keen eye on everything."
Napabuntong hininga na lamang ako. Agad naman lumingon si Eric sa akin. "If you want to save yourself from him, it's better to be careful. Theo is very indecisive — has a fcked up mind, must had been because of his past traumas." Malungkot nitong sinabi sa akin.
"If you really love him, I won't stop you." He added.
"But I will always chase for you."
"Your prince charming will always be here," he tapped my chest as he told me, "Your prince charming will always be chasing for you."
And he smiled at me.
How can I ever repay this guy?
Bakit ang bait bait niya sa akin?
I composed myself mentally, although everything he just told me are still registering inside my mind. "Loko ka talaga." Ani ko rito at tumayo na. "Tumutulo na naman ang dugo sa labi mo eh. Let's clean that wound." Utos ko sa kaniya at naglakad na pabalik sa loob.
Sumunod naman ito sa akin.
When we got ourselves inside the house, kalat na kalat na ang sala at si Ringo lang ang tanging nagliligpit. I noticed it was already 12 in the morning so I helped him with the dishes at ng iba pang kailangang ligpitin.
"Cedric is drunk." Ani ko rito. Tumango lang siya sa akin. Alam ko naman na hahantong sa ganito 'to kaya hinayaan ko na lang sila na mahiga sa sala.
"You brought extra clothes Rin?" Tanong ko sa kaniya.
"Meron sa bag ko."
"Dito na lang muna kayo matulog kasi mahirap nang magdrive ng lasing baka mapano pa kayo ni Cedric." He just smiled at me at tinapos na namin ang paglilinis ng kusina.
Lumapit naman si Eric sa akin at may dalang damit niya. Nginuso ko lang ang banyo sa kaniya at agad naman itong pumasok dun at naligo na.
"Rin, sa kwarto na lang kayo matulog ni Cedric." Utos ko rito habang inaalayan siya at si Cedric na pumasok sa loob kwarto ko para matulog. Tumango lang ito at pumasok na kami sa loob ng kwarto para makatulog na silang dalawa.
Sina Dylan naman at Romeo ay mahimbing na natutulog sa sofa sa sala. So all there is left is Eric.
After cleaning up again, pumunta muna ako sa kwarto ni Theo para tingnan siya. Mahimbing ang tulog nito kaya pumasok ako sa loob ng kwarto nito para linisan muna siya.
Habang pinupunasan siya'y 'di ko maiwasang mapatingin sa paa nito. Ang bakas sa paa niya ay parang pinosasan ito noon. I tried touching it and it was quite deep. Siguro may pressure na nanggaling mula dito o mula sa init kaya nagkaroon ng marka. It took me some time to clean him up at binihisan ulit siya but still I managed to do it alone. Pero habang binibihisan ko siya ay napasalita naman ito.
"Dan, I really love you." He uttered. "Oy, 'wag mo akong iwan ha? Kahit na gago ako." He murmured.
Napabuntong-hininga na lamang ako. "I love you too Theo."
I will always be here for you.
I hope you are too.
Pagkatapos ko itong linisan at bihisan ay agad naman akong naligo at bumalik sa kwarto niya para mahiga. Malaki din kasi ang kama niya kaya madali lang sa akin na makahiga.
Pero laking gulat ko nang biglang pumasok si Eric sa kwarto at isinik-sik ang sarili nito sa tabi ko.
Now I'm trapped between two men.
"Eric??." saway ko rito. Lagot 'to kapag magising si Theo at makita siyang natutulog sa kwarto nito.
"Shh." Ani Eric. "Go to sleep." Mahinahon nitong inutos sa akin, at tinapik-tapik ang katawan ko para matulog na.
At dahil sa pagod ay bigla akong napapikit ng mga mata.
Bigla namang gumalaw si Theo at tinanday ang paa at kamay nito sa akin.
Now I'm sandwiched.
Ugh.
© 061820
AN
082620 — HAPPY 18k reads! My birthday is coming up in two weeks yey and I'm finally officially a graduate 😭 huhu anyway, nagustuhan niyo ba ang isa sa milyong revelations ng kwentong ito? Thank you po for reading the story we still have a loooongg way to go and also I published a new story titled "ELLE" hope you read it ♥️ androgyne story din siya hehe