Cry In A Cold City [Baguio Se...

By dEmprexx

355K 10.1K 4.4K

Baguio Entry #1 [Completed] Daisheen Maine Cariño a nursing student from University of Baguio accidentally sp... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Jonas Lorenzo Tan
🌹
Notes
:)
SPECIAL CHAPTER
Verstandelike Series
Thoughts about Self-Publishing CICC

Chapter 30

7.4K 195 244
By dEmprexx

Chapter 30

"What?!" Gulat na tanong ko sakaniya. Hindi makapaniwala sa sinabi niya. 

What did he just say? 

"I said-" I cut him off. 

"You know what, you can forget someone without using anyone!" Hindi ko alam kung bakit na-offend ako sa sinabi niya. 

Hindi porket may gusto pa ako sakaniya ay pwede niya akong gamitin para makalimutan si Gail! 

"No. That was not what I meant." marahan na sabi niya. Tila ba nastress dahil mali ang pagka-interpret ko. 

"I mean, how can I say this?" Hirap na sabi pa niya "Help me to forget her, don't update me anymore about her. She left me dumbfounded." seryosong sabi niya pero bago pa siya makapagsalita ay nagsalita na ako. 

"She has a valid reason to do that." Pagtatanggol ko sa kaibigan ko. 

"Even so," desididong wika niya sa akin "Even if she has a valid reason, it's not right to leave someone with so many question on his or her head. Nobody deserves to be treated like that, nobody deserves to be ghosted by someone they like." Depensa niya. 

Napaiwas ang tingin ko dahil sa sinabi niya. Bawat salitang binibigkas niya ay galing sa puso niya that made his words right. He's right, nobody deserves to be treated like that, to be left with so many questions running on your heads, to be left asking what did you do wrong, why he or she did that. 

"And yet, you don't have the right to use someone for you to move on with your past." Sagot ko nalang sakaniya. 

"You avoided me ever since I courted Gail. You avoided me more when she said yes. I wonder why?" Hirap akong lumunok sa tanong niya "Look, I made you my friend because I can see something good in you that we can be friends." Right, friends. Hanggang doon lang. 

"I didn't avoid you." Pagdedeny ko pa kahit halata na niya iyon. 

"Yeah right," tamad siyang tumango na para bang napipilitang um-agree sa sinabi ko "Can we be friends now? Just like before?" He ask. 

"We're still friends." Which is true. Nawala ba iyon? 

"How can you say you're my friend when you muted me on twitter?" Farmer ba siya? Hindi pa siya tapos doon? 

"I didn't." Pagdedeny ko ulit. Parang ilang beses ko nang dineny ang totoo sakaniya pero tamad lang siyang tumango. 

"If you say so." Kibit-balikat na sabi pa niya. 

Dalawang linggo ang lumipas simula nung graduation namin at simula rin nung nawalan na ng paramdam sa amin si Gail. Nagtatanungan kami lagi ni Iverson kung nagparamdam na ba si Gail sa isa samin pero hindi pa. 

At sa dalawang linggo na iyon, Jonas and I started communicating. Dahil siguro bakasyon namin halos oras-oras kaming magkachat. Ewan ko ba, hindi kami nauubusan ng topic. Maybe because I'm interested with him kaya hindi ako nauubusan ng topic. Siya rin naman hindi nauubusan ng topic ang pinagkaiba nga lang namin, he's not interested in me. 

Wala ngayon si Papa dahil nasa trabaho, samantalang si Mama naman ay nakina kuya Nathan, aalis daw kasi sila ngayon ni tita. Kaya ako lang mag-isa sa bahay ngayon. 

A typical me, naka on ang TV pero nagbobrowse ako sa social media. Ewan ko ba kung bakit sinisindihan ko pa ang TV kahit hindi ako nanonood, siguro para hindi ko mafeel na alone ako. Minsan nga nagpapasound na ako sa cellphone ko pero nakasindi pa rin ang TV, weird ko minsan. 

@jonastan: i'm outside. 

Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Nagbibiro ba siya? Tiningnan ko agad ang suot ko, shorts and yung shirt na pang P.E namin sa SLU. 

@daisheen: we? 

@jonastan: yeah, may shakey's akong dala. 

Lumabas ako ng bahay para tingnan kung totoo nga. Nandoon nga siya, habang hawak-hawak ang box ng pizza sa kanang kamay niya. 

Hindi naman ganon kalayo ang gate. Sampung hakbang lang nga e. Maliit lang ang gate namin kaya binuksan ko na. 

"Anong ginagawa mo rito?" Nagtatakang tanong ko sakaniya. Ngumiti siya sa akin tiyaka binulsa ang cellphone niya. 

"Surprise?" Patanong na sabi niya habang in-expand pa ang dalawang kamay niya. Muntik na akong mapa-roll eyes sakaniya. 

"Bakit anong meron?" Masungit na tanong ko sakaniya. 

"Lumabas na kasi ang result sa NMAT?" Namilog ang mata ko sa sinabi niya kaya dali-dali akong tumakbo sa loob. 

Iniwan ko kasi ang cellphone ko sa sofa kaya nagmadali akong pumasok para tingnan iyon. Kaagad kong in-open ang website. 

Please. Please. Please. 

"Hey? Pasok na ako ah?" Maingat na sabi ni Jonas. 

Napatingin ako sakaniya habang nagloload ang website. Hinubad niya ang sapatos niya kaya naka medyas nalang siya. Umupo siya sa sofa na pang-isahan. Pinabayaan ko na siya pagkatapos ay tiningnan kung pasado ako. 

"Shit." Sabi ko ng makita ang resulta. 

"Bakit?" Nagtatakang tanong niya. 

Nagtatalon-talon ako sa tuwa dahil pasado ako! Makaka-enroll na ako sa med-school! Napahinto lang ako sa pagtalon ng hinawakan ni Jonas ang balikat ko para pakalmahin. 

"Hey, calm down." natatawang sabi niya sa akin. Kita ko rin ang saya sa mga mata niya "Lets celebrate, though, pizza lang," he chuckle. 

Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi ko macontrol ang sarili ko kaya bigla ko siyang niyakap. 

Even these small things for him made me more happy. 

"Thank you." I heard him chuckle kaya napaalis na ang yakap ko sakaniya. 

"You're welcome." Nakangiting sabi niya sa akin "Ikaw ah chansing ka lang." He chuckle. Bahagya kong sinuntok ang braso niya dahil don. 

"Assuming!" Sabi ko bago ako umupo tiyaka binuksan ang box ng pizza syempre pinicture-an ko iyon. 

"Someone's happy." Napalingon ako sakaniya, kinukuhanan niya pala ako ng video kaya ngumiti ako ng matamis sa camera. He chuckled.

Lagi nalang siyang tumatawa sa akin ah. 

We ate our pizza peacefully. Habang nanonood din kami ng netflix sa TV, nanood kami ng med related para naman hindi tagtuyot ang utak namin t'wing bakasyon. 

Tumunog ang cellphone ko sa kalagitnaan ng movie. Nakita kong si Iverson iyon kaya binuksan ko. 

Iverson Russel: Congratulations! 

Daisheen Cariño: Thank you! Congrats din! 

Nang binalik ko ang tingin ko sa TV ay nakatingin sa akin si Jonas. Tinaasan ko siya ng kilay dahil seryoso lang siyang nakatingin. 

"Boyfriend mo si Iverson?" He carefully asked. Bahagya akong natawa sa sinabi niya. 

"Sinasabi mo?" Tawa-tawa pa ako dahil hindi ko ma-imagine "Kaibigan ko si Iverson, oo boy friend ko siya. Boy space friend." Paglilinaw ko sakaniya. 

"Sure ka?" He seriously asked. Kumunot ang noo ko dahil sa seryoso niyang mukha. 

"Oo naman, pinupush ko na nga siyang umamin sa crush niya e pero ayaw niya." Pagkuwento ko sakaniya. Kapag kasi nagchachat kami ni Iverson sinisingit ko sakaniya iyon dahil panigurado wala na kaming time sa med school. Titang-tita ang galawan ko sakaniya. 

"Sure kang hindi ikaw yung crush niya?" 

"Huh? Nakain mo?" Tanong ko sakaniya "Hindi. Tiyaka sabi niya umamin na raw siya noon kaso yung atensiyon ng babae nasa lalaking gusto niya." Pagkuwento ko ulit sakaniya. Tumango siya sa sinabi ko. 

Walang nagbago sa amin ni Jonas, isang buwan na rin kaming ganon. Lalo pa nga kaming nagiging close. Lalo pa naming nakikilala ang isa't-isa. 

Bukas na ang enrollment sa SLU School of Medicine. Lilipat na kasi ako sa SLU, sinabihan ako nina tita na ayos lang naman ang gastusin tiyaka wala ring doctor of medicine sa UB. Balak ko sanang kumuha muna ng Doctor of Dental Medicine sa UB kung sakali man. 

Sinabihan ako ni Jonas na sabay na kami bukas. Mag post graduate internship na kasi siya samantalang ako papasok palang sa med school. 

Nagwawalis ako ngayon sa sala, napatigil lang ako ng mag ring ang cellphone ko. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa coffee table para tingnan kung sino ang tumatawag. Si Iverson, sinagot ko na iyon tiyaka nagpatuloy sa pagwawalis. 

"Hello?" Bati ko sakaniya. 

"Hello, Daisheen!" 

"Oh buti napatawag ka? Bakit?" 

"Sabay na tayo bukas? Sunduin kita!" Napakagat ako sa labi ng sinabi niya iyon. 

Hindi ko pa nasasabi kay Iverson na nagkaroon kami ulit ng communication ni Jonas. Nakakahiya kasi, sinabi ko sakaniya noon na try kong alisin ang pagkagusto ko kay Jonas pero heto, lalong lumala ngayon. 

"Ah ano kasi," nahihiya pa ako sakaniya kung sasabihin ko pero dahil siya nalang nga ang natitira kong kaibigan "Susunduin na ako ni Jonas," 

Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Hindi ko alam kung anong iniisip niya ngayon at kung anong reaksiyon niya. 

"Hello?" Pagtawag ko dahil baka naputol na pala ang tawag namin hindi ko lang alam. Pero hindi pa naman ended ang call. 

"Ah ganon ba? See you!" He ended the call right away. Napanguso ako dahil don. Galit ba siya? 

Kaagad akong nag type ng message sakaniya, hindi ako sanay na binababaan niya ako. Lagi kasi ako minsan ang nagbaba ng tawag sakaniya.

Me: hey, are u mad? 

Iverson: nope. tampo lang :( 

Me: why? 

Iverson: you didn't tell me. You're communicating again right? 

Me: yup. I'm sorry :(

Iverson: it's okay. Sorry, I ended the call, gulat lang. 

Me: no it's okay. Ako ang dapat magpasorry. 

Iverson: ayos na, sinabi mo na rin naman. Kailan pa? 

Me: one month na. 

Iverson: oh I see. See u tom! 

Me: galit ka? 

Iverson: no, you're happy right? 

Me: yes. 

Iverson: that matters. 

Kinabukasan, maaga kaming dumating baka kasi mahaba pa ang pila. Mabuti nalang at kakaunti palang ang mga nandoon kaya hindi masyadong mahaba ang pinila namin. Naghiwalay kami ni Jonas kaya si Iverson ang kasama ko.

Freshies. 

Pero hindi na fresh dahil na haggard na rin sa pre-med.

Tahimik lang si Iverson as usual kaya nagcecellphone lang ako. Nagtetext pa kami ni Jonas dahil ewan ko kung anong form or chuchu ang kinukuha nila for their internship.  

Pagkatapos namin ay nagyaya si Jonas sa Haru. Sa tapat lang ng main gate. Unli wings. Hindi na sumama si Iverson dahil may gagawin pa raw siya sa bahay nila. Hindi na rin siya pinilit ni Jonas. Nagpaalam naman ako sakaniya tapos ay nilakad na namin ni Jonas ang palabas sa campus. 

"Lagi ba kayo rito?" Tanong ko kahit mukhang hindi naman. Umiling siya sa tanong ko. 

"Wala kaming time lumabas ng campus o kaya ng hospital." Natatawang sabi niya sa akin. 

"Nanakot oh!" Natawa siya sa sinabi ko. 

Pero alam ko naman noon pa man na talagang mawawalan ka ng time sa ibang bagay kapag pinasok mo ang med school. Nagkukuwentuhan kami habang kumakain. 

"Saan mo gustong pumunta sa undas break?" Natawa ako sa tanong niya. Bakit niya agad naisip iyon. 

"Ano ka hilo? July pa lang ngayon!" Natatawang pagpapaalala ko sakaniya. 

"Wala lang, so we can prepare?" Mukhang bet niya talagang magtravel sa undas break. 

"Hoy diba after undas break, midterm agad?" Nag-aalalang tanong ko. Sa school calendar kasi ng SLU ganon, nalaman ko lang kay kuya Nathan. Si kuya Nathan as usual ay kasama yung taga SAMCIS. May date sila ngayon. 

"Yeah, but we can do what you did last year." Magkukuwento sana ako sa ginawa namin nina Iverson last year kaso nga lang makukuwento ko si Gail kaya tinikom ko nalang ang bibig ko. 

"But this is med school na." Kinakabahan na sabi ko "kung nasurvive ko sa pre-med ibang usapan na ang med school." 

Mabilis ang paglipas ng araw. Kasama ko sina Iverson at Jonas sa first day of school. Hindi nga lang ako nahatid ni Jonas dahil may duty pa siya kaya kay Iverson ako sumabay. Maghapon na talaga sila niyan sa hospital. Hindi katulad noon na may school pa, internship na kasi nila. 

General Surgery ang gusto nila ni kuya Nathan. Probably sa residency nila mapa-practice iyon. Ngayon ay taga-assist sila sa mga doctor o kaya nag-observe. Nakaka-excite tuloy! 

Excited na rin tuloy akong mag internship kasi diba parang ang lapit mo na sa pangarap ko e. Ayun na, maabot mo na. 

Tho, mag review pa ng board exam then magtatake tapos three to five years residency! Nakaka-excite magsoot ng lab gown, may nakasabit pa na stethoscope sa batok mo. 

Balak kong kuhanin ang cardiologist. Wala lang mas gusto ko sa puso e, pero si Iverson Neurelogist ang gusto niya. 

Med-school is not a joke! Tambakan. Wala nang time. Memorization. Understanding and all. Nakaka drain na ng utak! Hindi ko na rin alam kung anong uunahin ko. Lagi rin kaming nasa lab and classroom and all. 

Today is the last day of prelims and I'm exhausted! Pero nandito kami ni Jonas ngayon sa may Mang Inasal sa SM. I think I need rice! 

"Hey, prelims pa lang. Mukhang pa graduate na yung itsura mo." Asar sa akin ni Jonas. Nag make face lang ako sakaniya. 

"Nakakapagod." Sabi ko sakaniya tiyaka sumubo ng kanin. 

"Halata nga, pangatlong rice mo na iyan." He chuckled. Napanguso ako. 

Ewan ko basta kapag nadedrain ang utak ko pati sikmura ko. Mabuti na nga lang nandiyan si Jonas, nirereview niya rin ako kahit na may exam din siya. I always appreciate his effort. Basta kapag hindi ko maintindihan nandiyan siya lagi sa tabi ko. 

Feeling ko hindi ko kakayanin ang med school na wala siya sa tabi ko. 

After naming kumain. Pumunta kami sa terrace ng mall para magpahangin. September na ngayon, kaya fog na ang makikita mo. 

Pumikit ako para damhin ko ang malamig na hanging tumatama sa balat ko. Napatingin lang ako ng Jonas ng marinig ko ang shutter ng camera, nakalimutan niya pang i-silent. 

"Stalker ka?" Natatawang tanong ko sakaniya. Natawa siya sa sinabi ko pagkatapos ay nilagay ang kamay niya sa railings. 

"I really don't think if this is the right time to say this," he pause. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya nakatingin ako sakaniya habang deretso lang ang tingin niya. 

"What?" Nagtatakang tanong ko. Ngayon ay tiningnan niya na ako. 

Nagtama ang mga mata namin. Punong-puno ng sensiridad ang mata niya dahilan para manghina ako. Nanghina ang tuhod ko sa mga tingin niya. Nanghina ang puso ko sa emosyon sa mga mata niya. 

"Daisheen, I like you,"

Continue Reading

You'll Also Like

11.4K 300 16
College Series #1 (Previously titled as Between Life and Death) Minerva de Leon is torn. God knows how she badly wants to quit medschool and start a...
61.1M 944K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...
814 164 40
In the depths of her brokeness she finds love through Christ. She sees the light that changed her life from being broken into a life full of Peace an...
5.1K 1.3K 27
Island Series #2 [Too many unanswered scenes. Will edit and add up chapters soon.] -completed- I lost a memorable memories, I forgot how to be happy...