Tortured Genius

By jmaginary

16.1K 1K 765

Eindreid, a misfit who secured a spot at the prestigious University of Tallis, finds her perception of nerds... More

Warning
Trailer
Outlier
Is it alright to have sex with animals?
Real-Self Image VS Social Image
Miracle
In Denial
Rejection
Self-Love
Chapter 7: Will to live
Chapter 8: Bewildered
Chapter 9: Jack Of All Trades
Chapter 10: Secrets
Chapter 11: Self-Discovery
Chapter 12: Say "No"
Special Chapter: A Miracle of Miracle
Chapter 13: DSPC
Chapter 14: Self-harm
Chapter 15: Words Unsaid
Chapter 16: News Writing
Chapter 18: Touched by Wonder
Chapter 19: Anxious Heart
Chapter 20: The Promise
Chapter 21: History Repeats Itself
Epilogue
Frequently Asked Questions (FAQ)
Chord's Memoire

Chapter 17: What is Home?

139 17 9
By jmaginary

EINDREID

"Okay ito naman." Saad ni Sir Samuel.

"Sa mga balita na ipapalabas sa TV o sa Radyo, hindi dapat kayo gumagamit ng salitang latter. Para sa mga written news lang 'yon. Sabihin nating kabubukas lang ng isang listener sa station o channel, tingin niyo ba malalaman nila kung sino 'yung tinutukoy niyo sa latter? Kung bagyong Nigel, dapat consistent kayo sa pagtawag doon na Bagyong Nigel." saad niya at ibinaba ang papel. Konti nalang naman din ang mga natitirang papel at bawat kuha niya rito ay may mga komento pa siya.

"Oh ito naman. " saad niya at biglang nag-poker face. Binasa niya ang balita,"Bakas sa mga mukha ng tao na sila'y nakakaranas ng matinding paghihirap dahil sa bagyong Nigel."

Bigla akong napalunok.

Akin 'yon!

Tumingin siya sa amin gamit parin ang pokerface niya.

"Guys, hindi ito balita. 'Yung mga ganitong idini-describe niyo na Bakas sa mga mukha ng tao, pang-feature 'to!" bulalas niya at napailing-iling.

"Nakarating nga ng Cliniquing pero hindi naman marurunong. Disqualified na 'to." dagdag niya pa.

Napakurap ako.

Ouch sakit.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na hindi niya binanggit ang pangalan ko o ano.

"Alam niyo napapansin ko sa mga balita ninyo, puro magnitude lang ng bagyo. Didn't I say casualties?" pagtataray niya pa at ibinaba na ang pinakahuling papel. Tinignan niya kaming lahat na parang may hinahanap.

"Asan dito 'yung Chord?" tanong nito. Nakita ko namang tumaas ng kamay si Chord ilang metro ang layo sa akin. Katabi niya 'yung Grade 9 na crush niya sa Calsci na girl na anchor.

"Bakit po?" tanong ni Chord at ngumiti. Hindi man halata sa ibang tao pero para sa akin, pilit ang ginawa niyang 'yon. Tumingin ako pabalik kay Sir Samuel at biglang naging mabait ang mukha nito. Napataas ako ng aking kilay. Anong nangyari?

"Chord, I am really impressed with the news that you created. Parang professional na ang nagsulat and I almost didn't notice the errors. Actually, compared kay Mika, mas magaling ka talaga magsulat ng balita." pagpupuri nito.

Mika. 'Yun 'yung katabi ni Chord na crush niya na Grade 9 mula Calsci na anchor.

"Thank you po." mahinang sagot ni Chord na parang may halong pagtataka na.

"Pero," biglang saad ni Sir Samuel at biglang naging parang nag-aalala ang mukha, "Sana maintindihan mo na kailangan nating piliin si Mika dahil anchor siya at kaya pa namang i-improve ang news writing skills niya para sa scriptwriting. Need kasi natin ngayon ng double roles kada tao."

Tumingin ako kay Chord at nakangiti ito ng tipid habang natango-tango, "Naiintindihan ko po. Para rin naman ito sa ikapapanalo ng Calamba." saad niya.

Gusto kong sumigaw at magprotesta. Totoo ba 'tong naririnig ko? Aalisin nila si Chord dahil lang kailangan magdoble ng role sa mga team? At ipinalit nila 'yung Mika na may magandang mukha as an anchor na may hilaw pang news writing skills?

Are you kidding me? Chord is a full package already! She is a team herself! Kaya niya ngang ungusan 'yang video editor ninyong si Danny!

Speaking of Danny, nakita ko siya sa hindi kalayuan na nakangiti habang nakaakabay doon sa video editor ng taga Saint Janne na 6th place lang naman nung DSPC. Sinimaan ko siya ng tingin. Mas pipiliin niya pa 'yong editor na 'yon na hilaw ang editing skills kaysa kay Chord? Nababaliw na ata siya. Marahil ay siya ang nagsabi kay Sir Samuel ng sitwasyon kaya napaalis si Chord.

Ugh.

Sa sobrang inis ko ay hindi ko na namalayan pang lumapit na sa akin si Chord. Tinulungan niya akong tumayo sa pagkaka-indian sit sa sahig. Napansin kong nagte-training na ng anchors si Sir Samuel.

"Now, posisyon ka roon hija at mag-report ka. Bring out the best that you got."

"Uwi na tayo?" tanong ni Chord. Tumingin ako sa kaniya at nahirap akong tumugon. Hinanap ko si Sir Lucho sa paligid ngunit wala sila. Maging ang mga kagrupo ni Chord ay abala rin sa ibang mga bagay. Kung titignan sila, parang wala lang na nawala sa kanila si Chord.

"Sige, uwi na tayo." saad ko at hinawakan ang pulsuhan ni Chord. Lumabas na kami ng Auditorium na walang nakapansin lang sa amin. Bumuntong hininga agad itong kasama ko.

"I can't believe this." bulong ni Chord. Pumara muna ako sa jeep at umupo sa loob bago siya sagutin.

"Hayaan mo na. They don't deserve you, Chord." mahinahon kong saad at kinuha 'yung barya niyang pambayad. Inabot ko na ito papunta sa harapan kasama ng bente ko.

"RSPC na, naging bato pa." mapait niyang saad.

"Chord," banggit ko sa pangalan niya. Napatingin siya sa akin at nakita kong nakakunot ang noo niya. Halo-halong galit, inis, at lungkot ang nakikita ko sa mukha niya. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa pulsuhan niya.

"Gusto mong mag-dinner sa amin ngayon?" tanong ko. 5 pm palang naman kasi. Tinignan niya ako ng ilang segundo na para bang nag-iisip.

"Okay." saad niya. Habang nasa byahe ay dinaldal ko nalang din siya at pilit na inilayo ang atensyon niya sa nangyari kanina. I know that this is not the end of the road for her sa journalism. Isa ako sa mga naniniwala na may talento talaga siya sa bagay na 'yon.

Hindi nagtagal ay nakarating na agad kami sa lugar ko. Bumaba kami at naglakad papasok sa aming kanto. Nasa bungad lang din naman kasi kami kaya hindi siya makakapagreklamo na malayo. Iginaya ko siya sa loob ng bahay at sinalubong kami ng magaling kong kapatid.

"Ate, bakit ngay---May kasama ka pala." saad ni Erlie na nakatingin sa kasama ko.

"Hello. Ako si Chord. Ikaw siguro 'yung lil' sis nitong si Reid." saad ni Chord. Nakangiti namang tumango si Erlie.

"Yes! And.."saad ni Erlie at tinignan ang bandang kusina namin, "Mommy may kasama si Ate Maine!"

"Maine pala tawag sa inyo?" pang-aasar sa akin ni Chord. Napairap nalang ako.

"Oo na oo na." saad ko. Napatawa siya.

"No." tugon niya at ngumiti. "I think it's cute."

"Hello! Pasok ka." salubong ni Mama kay Chord. Iginaya niya sa hapagkainan si Chord. Sakto pala ang dating namin.

"Pasensya ka na at adobo lang naluto ko. Hindi naman kasi nagsabi agad itong si Maine na may kaibigan pala siyang dadalhin dito." saad ni Mama at hinainan na si Chord ng plato at kubyertos. Napatawa nang mahina si Chord.

"Okay lang ho." saad ni Chord.

Nagdasal muna ako at nagsimula na kaming kumain.

"Nako Chord, huwag mahihiya ha. Kain ka lang." saad ni Mama. Napangiti si Chord.

"Salamat po, Tita." tugon nito. Napangiti rin si Mama.

"I like that." komento ni Mama na may accent na pinoy parin.

"Buti ka pa at hindi maarte sa pagkain. Ito kasing si Erlie maarte. Hindi minsan kumakain ng luto ko." saad ni Mama. Sinulyapan saglit ni Chord si Erlie at lumunok muna bago ngumiti. Ibinalik niya ang tingin kay Mama.

"Masarap lang po talaga luto ninyo Tita." pagpuri ulit ni Chord. Tumawa nalang ulit si Mama.

"O siya, kumain ka na at tama ang pagbobola sa akin."

Naging masaya ang hapunan namin kasama si Chord. Tugma ang humor nila ni Mama at puring-puri nila ang isa't-isa. Ngayon ko lang nakita ganito kasaya si Chord. Sana ganito rin katotoo 'yung mga ngiti niya sa school.

Napaisip tuloy ako. Alam kaya ng mga magulang ni Chord ang kondisyon niya? Ano kayang reaksyon nila nang malamang may bipolar disorder ang anak nila? Sila kaya 'yung tumawag kay Chord na nagpapainom dito ng gamot? Wala kasi nakekwento masyado si Chord sa akin tungkol sa parents niya. 'Yung sigla niya kaya sa school at dito, ganoon din kaya siya sa bahay nila?

"Chord, taas lang ako ha. Bibihis lang." saad ko at nagpaalam muna kay Chord pagtapos namin kumain. Tumango lang siya at nakipag-usap pa kina Mama. Pag-akyat ko sa kwarto ko ay sinara ko agad ang pinto at nagbihis nang mabilis. Gabi narin kasi at kailangan nang umuwi ni Chord. Hahatid ko lang naman siya sa may kanto ulit.

"Salamat po sa pagkain at pag-welcome sa akin, Tita." pamamaalam ni Chord bago siya lumabas ng bahay.

"Wala 'yon. Balik ka ulit dito Chord ha." sagot naman ni Mama.

"Syempre po. Ba-bye na po!" saad ulit ni Chord at sinuot na ang sapatos niya. Sinabayan ko na siyang maglakad papunta sa kanto.

"Ang saya." panimula niya. Napangiti ako at dinama ang malamig na hangin.

"Buti naman at nasiyahan ka." saad ko.

"Is this what really home feels like?" tanong niya. Tinignan ko naman siya at nakatingin lang siya sa taas.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Patuloy parin kaming naglalakad. Nakita ko siyang nagkibit-balikat.

"I don't feel this happiness when I'm at home. Pakiramdam ko kasi, isang maling salita o galaw ko sa bahay..." nakita ko siyang napapikit at napangiti nang mapakla, "....Nevermind."

Tumigil ako sa paglalakad at hinawakan ang magkabilang balikat niya. Umiwas siya ng tingin. I can see pain in her eyes. She looks hurt and..vulnerable.

"Hey, you can tell me anything, okay?" saad ko. Ngumiti siya nang mapakla at napakagat sa ibabang labi niya. Napatingin siya sa itaas at biglang tumula.

"What is home?
Is it a place masked with flowery tombs,
Where a dead heart lies with a pretentious smile?"

What is home?
Is it where your saccharine passion is stolen,
Replaced with a hammer and mold?

What is home?
Is it where the clutches of insanity roam free,
Whispering death and fantasies?

What is home?
Is it where the noises flow endlessly,
Until your veins become icy blue?

What is home?
Is it a place where the tongue is numb,
As you feel your flesh falls apart?

What is home?
Is it where you count your fears,
Until you forget what you love?

What is home?
Is it a place where blood falls from your eyes,
as you land your head on the pavement?

What is home?
Is it where your soul is tied,
Forever imprisoned in an abyss called "family"?

What is home?
Is it just a silly dream,
That I will never be able to reach?"

I stood in front of her, excruciated by her words. It was just a short poem but every words that came from her mouth were so painful. Pakiramdam ko umabot ang damdamin niya sa akin at maging ako ay nasasaktan. Is her family so messed up for her to desire death as an escape? Bakit niya hahangaring mamatay?

Kahit nakangiti siya, malinaw sa aking paningin ang nagbabadyang luha sa gilid ng mga mata niya. Inayos niya ang kaniyang salamin at napatawa nang mahina, "I-I wrote that poem." utal niyang saad.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap siya nang mahigpit. Naramdam ko ang paninigas ng kaniyang katawan dahil sa ginawa ko. Subalit, imbes na itaboy ako ay sinuklian niya lang ang yakap ko. Walang nagsalita sa amin. Nanatili lang kaming magkayakap.

Naalala ko bigla ang chat niya sa akin noon nung pinagtapat niya ang kondisyon niya.

Chord:

Yes, I'm also suicidal like her (Jane) and my tendencies are sometimes...

Uncontrollable.

And its damages are not visible enough for you guys to see.

She may look physically fine. However, I am not sure if her mind is still stable or just barely hanging on. Who knows how long can she endure this?

"What I found in your house is a family, Eindreid." rinig kong saad niya habang magkayakap kami. Huminga siya ng malalim na parang may pinipigilang emosyon na kumawala.

"D-deep inside, umasa ako na m-makasama ko pa kayo nang mas matagal."

Pagkarinig ko ng sinabi niyang 'yon ay bigla akong napabitaw.

Paano niya nalaman?

Nakatingin siya sa akin nang may mapaklang ngiti at malulungkot na mga mata, "Tumawag ang Papa mo kanina at kinakamusta kayo. Nabanggit niya ang pag-alis niyo sa New Zealand sa susunod na buwan." Saad niya. She threw her head high and closed her eyes. Pinipigilan na naman niya ang luha niya.

"Umasa ako na makakasama pa kita nang mas matagal." pagbibigay diin niya at ibinalik ang tingin sa akin. Napatawa siya nang mahina.

"Ang selfish ko." saad niya, "Kasi nung narinig ko 'yon, hiniling ko na sana dumito ka nalang."

"Hiniling ko na huwag ka nalang umalis."

"Hiniling ko na sana.." napalunok siya, "Sana huwag mo rin akong iwan."

Napapikit siya ulit at huminga nang malalim. Umiwas siya ng tingin at nakita ko siyang nagpunas ng luha niya. Sinubukan kong humakbang papalapit sa kaniya pero hindi ko na nagawa.

Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Ngayon ko palang siya nakitang umiyak at hindi ko alam na ganito pala kasakit. Gusto kong ako ang magsabi ng totoo sa kaniya subalit naunahan na ako ng pagkakataon.

"Eindreid, sorry." saad niya at tinignan ako. Namumula na ang mga mata niya dahil sa pagpipigil ng luha.

"Salamat sa gabing 'to." nakangiti niyang saad at nagpara na ng jeep.

Bago siya tumalikod sa akin ay sinabi niya pa ang katagang,

"Paalam."

###

What do you think about the chapter?

Ang accurate ng mga ganap e. Papalitan ko rin mga names ng school at mga tao ('Yung less obvious) kasi baka may makabasa at ma-report ako HAHAHA. 

Anyways thank you for reading!!

SHAMELESS PLUG (all links in my profile)

Facebook: Chris Rolfe
Twitter: chrstnmrvc
Dreame: Chris Rolfe
Email: chrstnmrvc04@gmail.com

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
629K 39.5K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
2.8M 53.6K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
175K 5.4K 159
wherein she unexpectedly found warmth from him but then out of the blue, and after all of the happiness and joy she had learnt from him, everything b...