"omg ang sweet ni Zero"
"huwaaaaa sana all may Zero"
"parang gusto ko nalang maging bulaklak para mahawakan naman ako ni Zero"
andaming nanonood samin ngayon, malamang gym 'to at last day ng intrams ngayon. Seryoso lang akong tinitignan ni Zero habang hawak hawak parin nya ang bouquet hinihintay nyang lapitan ko sya. Lalapit ba ako? ihhh nakakahiya tsaka andami kong pinag tetext sa kanya noh, my prideee!!
"sana akin nalang si Zero"
"gusto ko ng ganyang boyfriend"
"Zero sakin ka nalang"
inis kong tinignan ang mga babaeng nang-aagaw ng may boyfriend ng may boyfriend. Inirapan ko sila tsaka ako lumapit kay Zero. He's mine.
kinuha ko ang bulaklak sa kamay nya tsaka ko sya niyakap kaya mas lalong lumaks ang tilian, nabigla sya sa ginawa kong yon kaya di sya nakapag react agad, Wag ka mag-alala papakita ko sa lang sa mga haliparot na'to na akin ka muna.... ngayon hehe
"awwtss porn!!" rinig kong sigaw ni Tommy
"PDA!! RiRi bawal yan!" nakapamewang na sabi ni Jing JIng. Nahagip naman ng mga mata ko si Kenjie na kumukuha ng litrato namin. namin?? wtf!
"kalma RiRi, may game pa tayo" pang-aasar ni Mira
"mamaya ka sakin" may diing babala ko kay Zero bago ako bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. tsaka na ako dumiretso sa gitna ng court para mag warm up.
After ng game namin sinalubong kaagad ako ni Zero tsaka nya ako binigyan ng gatorade woww iba din pag may kasalanan napaka sweet psh
"boyfriend paki punasan naman ang pawis ko" lakas loob kong utos sa kanya. Salubong ang kilay nyang nakatingin sakin na parang nagtatanong hmmpp wag ka na magtanong! tinaasan ko sya ng kilay. di mo gagwin?
"pffttt HAHAHAH taga punas ka lang pala ng pawis" pang-aasar nila Jing Jing, Kenjie at Tommy. binato naman sila ni Zero ng bottled water tsaka sya padabog na kinuha ang towel sa bag nya.
"Let's go" seryosong sabi nya sakin
"ayoko, punasan mo muna ang pawis ko" pagmamatigas ko sa kanya.
"pinag lalaruan mo ba ako ha girlfriend?" note the sarcasm sa word nyang girlfriend
"why should I my dearest sweet boyfriend na mabagal mag reply" sarcastic ding sabi ko, napapikit sya dahil sa frustration hahaha sige na pikon naman 'to
inis nyang kinuyom ang towel tsaka nya dahan-dahang pinunasan ang pawis ko sa noo....sa ilalim ng mata ko..... cheeks.... sa ilong..... sa lips... di naman pinagpapwisan ang lips ko ah!!
tsup
wtf!!!
"ay ang sweet!"
"ay snatcher ka na pala ngayon tol"
huwaaa nakakahiya!!
nakangising tinignan ako ni Zero... tingin nyang nakakaasar! inis kong sinipa sya sa binti... ayaw ko namang sipain ang balls nya sayang ang lahi
"what the fuck?" fck fck urface. hinila ko kamay nya palabas ng gym at nagpahila naman si gago.
"ay mag hohotel na sila"
"RiRi bata ka pa!" sigaw ni Mira, grabee ang dumi ng isip nila!!
"hatid moko sa condo ko!" nakapamewang na utos ko sakanya.
"may pupuntahan pa tayo" tipid na sagot nya without avoiding my gaze! asar na asar na talaga ako sa kanya!!
"ayoko! hatid mo na ako, gusto ko na matulog"
"tst fine"
pagkadating na pagkadating namin sa condo ko dumiretso kaagad ako sa banyo para maligo tsaka ako nagbihis at lumabas sa kwarto ko
yung bouquet nasa vase na. Ang ganda!
Napatingin ako kay Zero na mahimbing na natutulog sa soffa. Ang gwapo naman.
lumapit ako sa kanya ng konti para titigan sya hmmm pagod siguro hmmmp di ko pa sya nasesermunan, tinulugan na kaagad ako
napansin kong kanina pa umiilaw ang phone ni Zero na nasa coffee table kaya kinuha ko yun para tignan. may 5 messages
enunlocked ko naman phone nya gamit ang finger print nya. buti naman at di sya nagising
from: Ally
babe, san ka na?
babe pshh
from: Ally
kanito pa kami dito babe, ikaw nalang hinihintay
another babe tst andito sya kasama ko!
from: Jing Jing
wag ka na pumunta dito, alagaan mo nalang si RiRi. mwa
parang bakla naman 'tong si Jing Jing hahhaha may pa mwa mwa pa
from: Ally
babe, I need you now.
eh? bakit? parang daig mo pa ang jowa te girl!
from: Ally
I'm drunk babe, walang maghahatid sakin pauwi
kasalanan ba ni Zero na napadami ang inom mo tapos wala kang amsakyan pauwi? psh. Gustong- gusto ko tignan mga old messages nila ni Ally pero wag nalang... I respect privacy hehe pero curious ako sa gallery kaya naman binuksan ko na. paminsan-minsan di namang masama mag invade ng privacy hahaha
10 pictures lang mga nandoon. WTF!!!! puro pictures ko! stolen... may nakangiti... nakasimnagot... sinubo yung cake.... naka jersey ako wait? nung parade 'to... ang ganda ng pagkakuha grabe di ko alam na ganito ka pala kapatay na patay sakin Zero... wait yung ibang pics dito ay di pa kami magkakilala ni Zero that time!! explain thissss
Ally's calling
muntik ko ng mabitawan ang phone ni Zero shitt buti nalang at naka mute kaya vibrate lang ng vibrate. sasagutin ko ba? baka important naman
[babe... pick me up... please... I'm drunk]
sasabihin ko ba na si riRi 'to at tulog si Zero? hayss. mukhang umiiyak na si Ally, kawawa naman.
[ babe are you still there?]
ahem* I cleared my throat before I speak.
"ahm Ally, tulog si Zero e pero gigisingin ko. wait mo nalang sya jan"
[RiRi? haha so you're with my babe, Are you happy? Ano? bat di ka makasagot? Girlfriend ka lang, Bestfriend ako! mas matimbang ang pinagsamahan namin kesa sayo]
"oh? okay, di ko naman tinatanong....Umuwi ka nalang mag-isa, nagbago na isip ko... Hindi ko na gigising ang BOYFRIEND KO"
[BiTch---]
inis kong pinatay ang tawag. psh Tama nga si jing Jing napaka plastik ng babaeng 'to
"Ay multo!!" gulat akong napatingin kay Zero na nakaupo na ngayon sa soffa. gising kaagad? grabeee yung puso kooo kabang-kaba
"tst.. sinong kausap mo kanina?" tanong nya habang hinihilot ang sentido nya
"si Ally, lasing sya.. wala daw maghahatid sa kanya kaya sige na puntahan mo na dun" tumayo ako mula sa pag kakaupo at salubong ang kilay nyang tinignan ako...
"Andon sila Tommy, sila na ang maghahatid sa kanya" Oh kita mo na nag-iinarte lang pala 'tong Ally na'to gusto si Zero pa ang maghahatid psh
"Basahin mo text nya, mukhang kailangan ka nya" tumalikod nalang ako at nagtungo sa kusina.. papadeliver nalang ako ng pagkain psh nakakainis limited lang pala ang alam ko sa pagluluto
"love" inis akong napatingin kay Zero na mukhang sinundan ako dito sa kusina
"bat ka pa nandito? Ally needs you" tumalikod ako sa kanya tsaka ako kumuha ng cup.. mag kakape muna ako. Napahinto ako sa pagbubukas ng Coffee ng naramdaman kong niyayakap ako ni Zero mula sa likod... back hug
"Are you mad?" tanong nya sakin... Ibinaon nya ang ulo nya sa balikat ko
"I'm not." sagot ko at pinagpatuloy ko na ang pag open sa coffee
"please don't be"
"your BABE needs you"
"about that babe thing... She was the only one who initiate that endearment for me and I don't even use that to call her"
"di ko tinatanong"
"I'm sorry" bat ba ako umaarte ng ganito? nag seselos ba ako? mahal ko na ba sya? ay ang bilis ko namang mafall kung ganon. inis akong humarap sa kanya at tinignan sya ng seryoso.
"Minahal mo ba si Ally tulad sa kumakalat na rumors sa school? naging kayo ba? sagutin mo ako, Zero"
"No, Hindi naging kami. I only see her as my friend. She needs me that's why I'm with her the whole time. Malaki ang utang na loob ko sakanya kaya ko sya tinutulungan. I don't love her and I didn't even bother to look at her as my girlfriend. At first, I thought it was okay to help her and to be with her everytime.. but nagbago lahat ng 'yon nung nakilala kita, I don't want you to get mad or feel jealous. I am totally aware of Ally's feelings for me that's why I tried to avoid her by all means so that I will never lose you"