The Playboy's Toy (Dangerous...

Por kaizerKKYOS

63K 3K 469

ᴅᴀɴɢᴇʀᴏᴜs ᴍᴀɴ sᴇʀɪᴇs ••• "With you, all my playtime is over." - Alfred Tale Más

Prologue
TPT OST
TPT - 01
TPT - 02
TPT - 03
TPT - 04
TPT - 06
TPT - 07
TPT - 08
TPT - 09
TPT - 10
TPT - 11
TPT - 12
TPT - 13
TPT - 14
TPT - 15
TPT - 16
TPT - 17
TPT - 18
TPT - 19
TPT - 20
TPT - 21
TPT - 22
TPT - 23
TPT - 24
TPT - 25
TPT - 26
TPT - 27
TPT - 28
TPT - 29

TPT - 05

2.6K 127 16
Por kaizerKKYOS

Mark Hope Calvares

*****

M A R K

Mabilis na lumipas ang panahon. Mag-iisang buwan na rin akong nagtatrabaho bilang personal chef ni sir Ryuu. Mahirap sa simula pero nakasanayan ko na rin kalaunan. Naalala ko pa noon nang magsimula pa lang ako sa trabaho, hindi ko alam kung saan nakalagay ang mga kagamitan niya sa pagluluto. Isa pa, medyo nahirapan din ako sa mga appliances niya sa kusina na bago lang sa paningin ko. Naging masikap ako. Kahit hirap ay sinubukan kong aralin ang mga bagay na bago lang sa akin. Sa tulong na rin ni sir Thrace, ay naging madali lang sa akin na matutunan ang lahat.

Kasalukuyan akong naghahanda para sa breakfast ng aking amo. Anumang oras ay lalabas na yun sa kanyang kwarto upang kumain ng almusal bago pumasok sa kanyang trabaho. Speaking of sir Ryuu, hindi naman ako nahirapan na makitungo sa kanya. Siguro sa simula pero mabilis naman yung naglaho. Mabait si sir Ryuu at hindi naman mahirap pakisamahan. Tungkol sa pakikisama, sumagi sa aking isip ang nakakainis na nilalang na tanging naging problema ko sa aking trabaho. Simula nang araw na nalaman niyang naging personal chef ako ni sir Ryuu ay halos araw-araw na lang nandito ang ulupong na yun para lang istorbohin ako. Hindi ko alam kung ganun na talaga ba siya noon pa man. Base kasi sa una naming pagkikita ay hindi ganun ang akto na kanyang pinakita sa akin. Hindi ko alam na may pagkamakulit pala siya na daig pa ang isang bata. Sa tuwing naririto siya ay napupuno ng ingay ang buong penthouse ni sir Ryuu.

"Good morn--- Oh! Hi Mark, good morning." saglit akong napatigil nang lumitaw na lang bigla ang taong ngayon ay tumatakbo sa isip ko. Maaliwalas ang mukha nito nang humakbang ito papalapit sa akin tsaka umupo sa stool bar at nanalumbaba sa island counter nitong kitchen.

"Good morning din, Tale." tipid kong bati pabalik sa kanya. Sinubukan kong maging blangko ang ekspresyon ng aking pagkakasabi. Pilit kong inaabala ang sarili ko sa paghahanda ng almusal ng aking amo pero sadyang mahirap gawin yun dahil maya't-maya lang ang dungaw ng Tale sa aking niluluto.

Nadinig ko ang paggalaw ng upuan hudyat ng kanyang pagtayo at paglapit sa akin. Bahagyang nagdikit ang aming braso nang tuluyan siyang makalapit sa akin.

"What are you cooking? It looks tasty, huh." napailing-iling ako sa pagpuri niya sa aking ginagawa. Hindi na bago sa akin ang senaryong ito dahil tulad ng sabi ko, palagi niya akong iniistorbo sa lahat ng ginagawa ko. May darating sa punto na lalapit siya sa akin at hahawak ang kanyang kamay sa aking braso na mabilis ko namang tinatanggal. Minsan ay nabibigatan ako sa braso niya sa tuwing pinapatong niya ito sa kabilang balikat ko. Sobrang clingy niya para maging isang lalaki na pinaka-ayaw ko sa kanya. Isa pa, hindi siya nauubusan ng kalokohan sa katawan at palaging nagagawang asarin ako. Kahit inis na inis na ako sa lalaking ito ay hindi ko lang pinapahalata. Hanggang kaya kong ikimkim ang inis ko sa kanya ay gagawin ko.

Sa madaling salita, napakaisip-bata niya para sa edad niya. Malayong-malayo sa may pagmakanyak niyang datingan noong una naming pagkikita.

Maingat kong sinalin sa plato ang niluto kong fish fillet para sa almusal ni sir Ryuu kasunod ang fried rice. Sinadya ko talaga sobrahan ang aking niluto dahil tulad ng lagi kong inaasahan ay dito na naman magaalmusal ang kumag na kanina pa sa akin nakadikit. Pilit kong iniignora ang presensya niya ngunit sa tuwing nagagawa ko yun ay tila napapansin niya at sinusubukan niya ulit akong guluhin.

"Hmm.. It actually tastes good." may patango-tango pa siyang nalalaman habang nginunguya ang isda na niluto ko. Hindi na sa akin bago ang kanyang sinabi dahil sa tuwing tinitikman niya ang luto ko ay palaging ganyan ang komento niya.

Tsk! Hindi man lang hinintay si sir Ryuu na dumating bago siya kumain. Hindi ba siya makapaghintay?

Muli akong tumungo sa kusina upang ipagtimpla naman ng kape si sir Ryuu at saktong pagbalik ko ay nakaupo na si sir Ryuu sa kabisera ng mesa. Inilapag ko sa tabi niya ang kape matapos ko siyang batiin para ngayong umaga. Bihis na bihis na ito at ang halimuyak niya ay nanuot sa aking pang-amoy. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay na makita ang aking amo sa ganitong kasuotan. Kahit ano naman kasi ang suotin niya ay bumabagay sa kanya at palaging nagsusumigaw ang kagwapuhan niyang taglay.

"Thanks for the coffee, Mark. Ang bait mo talaga." singit ni Tale nang makita akong may dalang tasa ng kape. Napataas ako ng isang kilay dahil sa sinabi niya. Ang akala niya ba ay para sa kanya ito? Asa siya.

"Para po kay sir Ryuu ito." tipid kong salungat sa kanya. Ayokong patulan ngayon ang kalokohan niya. Ayokong i-stress ang isip ko ngayong kasisimula pa lang ng araw ko.

"Oh! Mind, if you make me coffee, too." muli sana akong babalik sa kusina para rin ipagtimpla siya nang magsalita si sir Ryuu na tahimik kaninang nagsasalin ng sinangag sa kanyang plato.

"Do it yourself, Alfred. Join us, Mark." tumango na lang ako at sinimulang saluhan sila sa pagkain. Ito pa ang pinapasalamat ko dahil iniimbitahan ako ni sir Ryuu na sabayan siya sa pagkain. Samantala yung isa diyan, kulang na lang siya na ang magmay-ari nitong lugar sa sobra niyang pagiging feel at home.

Tahimik lang kaming lahat na kumakain nang binasag ito ni sir Ryuu.

"Mark." tawag nito sa pangalan ko.

"Sir?"

"Could you buy me groceries later? We're out of stock." inaasahan ko nang uutusan niya na akong mamili ng groceries dahil kahapon ay napansin kong paubos na rin ang supply dito sa penthouse niya. Kulang na rin ang gulay na pinakaimportante para sa pagkain niya.

"Okay po sir." nagpatuloy lang ako sa pagkain matapos ngunit agad ding nahinto dahil sa muling pagbasag ng katahimikan sa aming tatlo. Sa puntong 'to ay si sir Tale naman ang nagsalita.

"How about me? Wala ka bang iuutos sa akin?" napakunot ako ng noo sa muli niyang pakikisawsaw. Ganito ba talaga siya palagi? Ang walang magawa sa buhay? Hindi niya naman kailangang idepende kay sir Ryuu ang mga kailangan niyang gawin. Base kasi sa pagkakaalala ko ay mayaman din siya tulad ng amo ko. Diba dapat busy rin ito tulad ni sir Ryuu?

Tumayo na si sir Ryuu nang matapos siyang kumain. Napatingin ako sa digital clock sa aking unahan na nagsasabing malapit nang magalas-otso ng umaga. Kadalasan kasi ay ganitong oras siya pumapasok.

"Do whatever you want, Alfred. You don't need to ask me what to do with your life." matapos ay kinuha nito sa kanyang bulsa ang cellphone at may tinawagan. Paniguradong si sir Thrace yun.

Nakalimutan ko palang sabihin. Bukod sa pananatili ko dito sa penthouse ng aking amo, ay binigyan niya din ako ng sarili kong condo unit sa baba lamang nitong penthouse. Sa katapat kong unit ay matatagpuan ang unit naman ni sir Thrace na kanya namang driver. May secret passage mula sa unit ko patungo dito penthouse ni sir Ryuu na pinasadya niya talaga para daw hindi na ako mahirapang sumakay ng elevator. Hindi naman sana problema sa akin yun ngunit sadyang mapilit si sir Ryuu sa mga bagay na kanyang gusto.

"How about I'll accompany Mark buying groceries?" suhestiyon niya na mabilis kong ikinalingon. Kailan pa naisipan ng lalaking 'to na sumama sa akin sa paggo-grocery?

Nakangising lumingon ito sa akin na tila napakagandang ideya ang kanyang naisip.

"Hindi niyo na po kailangan sumama. Kayo ko na po magrocery mag-isa."

Parang bata itong umiling-iling na hanggang ngayon ay hindi pa din nawawala ang kanyang ngisi. Ang sarap lang tapalan ng tape ng bibig niya para hindi niya na makita ang nakakapangilabot na ngisi nito. Kahit kailan talaga sa tuwing nakikita ko itong nakangisi ay para akong tinatakbuhan ng sarili kong kaluluwa sa matinding pangingilabot.

"No, Mark. I insist. Besides, I think you also need a hand to carry those bags later. Right?" tinaas-taas pa nito ang pareho niyang makakapal na kilay. Marahas na lang akong napabuga ng hangin sa pagsuko. Ano pang sense ng pagtanggi ko kung alam ko naman sa sarili kong hindi ako mananalo sa kanya. Eh sa makulit pa siya sa maliit na bata eh. Sobra!

"Kunin mo yun."

"Ayun pa."

"Mga lima niyan."

Halos kabila-kabila ang pag-uutos ko sa lalaking kasama ko dito sa loob ng grocery store. Hindi ko naman masisisi ang sarili ko dahil siya na din mismo ang nagsabi na baka kailangan ko ng 'helping hand'. Tutal yun naman talaga ang pakay niya, ba't pa ako mahihiya? Siya na rin ang pinatulak ko sa pushing cart na malalim nang mapuno samantalang ako ay sinusundan lang siya sa paglalakad.

Ngayon ko lang napagmasdan ng husto ang likuran ng  taong ito. Masasabi kong maganda ang pangangatawan niya base pa lang sa malapad niyang likuran. Hindi rin nakawala sa aking paningin ang paggalaw ng matitigas niyang braso dahil pagmamaneobra niya ng pushing cart.

"Wala na bang idadami nito?" saglit siyang lumingon sa akin para magtanong. Dahil sa pagkakatulala ay hindi ko namalayan na nabangga na pala ako sa kanyang malapad na likuran para mabalik ako sa sarili ko.

"Hey! Watch your steps."

"Sorry."

Akala ko ay ayos na ang lahat nang dugtungan niya pa ang kanyang sinabi na labis kong ikinainit ng mukha.

"Masyado mo naman akong pinagnanasaan eh. Don't just drool over my body, babe. You can taste me, too." wala ako sa sariling hinampas siya kanyang braso sa kahihiyan. Ano namang naisip niya para pagnasaan siya? In his dreams! Kahit kailan hinding-hindi sasagi sa isip ko ang pagnasaan siya 'no.

"Mangilabot ka nga sa sinasabi mo." winaksi ko sa aking isip ang ideya na patulan siya sa muli niya sa aking pang-aasar. Nagpatuloy na lang ako sa paghahanap ng mga kakailanganin ko sa pagluluto. Bukod pa doon ay kailangan ko na magmadali dahil may pasok pa ako sa culinary class ko mamayang one ng hapon.

"Why? Huwag ka na kasing mahiya na nagagwapuhan ka sa akin. Why don't give yourself a chance to try me? I won't disappoint you." napaismid na lamang ako sa hangin dahil sa inis.

Nakasunod lamang siya sa akin. Napapabuntong-hininga na lang ako dahil nagsisimula na naman siya sa kalokohan niya. Nagsisisi ako ngayon na sinama ko pa siya dito. Tahimik sana ang buhay ko ngayon kung wala ang kumag na 'to dito.

"Hey Mark! Thinking of me again, huh?" bigla siyang sumilip sa gilid ko nang abala ako sa paghahanap ng pineapple chunks. Anong akala niya, natutulala ako at iniisip siya? Hindi ba niya napapansin na puro na lang kabastusan ang lumalabas diyan sa bibig niya?

"Hindi ba pwedeng naghahanap lang ng pineapple chunks?" walang emosyon kong kompranta sa kanya. Pulos na pulos ko na ang sarili kong inis dahil sa pagiging boska niya. Konti na lang ay iiwan ko na ang lalaking 'to dito.

"You're really not in yourself, Mark."

"Bakit?" nakakunot-noo kong tanong.

"You just put a pineapple chunk in the cart earlier. Don't tell me, nakalimutan mo na?"

Saglit akong natigilan sa sinabi niya. Huh? Kailan pa ako kumuha no'n? Mabilis akong lumapit doon sa cart na nasa kanyang likuran at hinalungkat yun upang hanapin ang mga pineapple chunks na nilagay ko na 'daw' kanina. Mariin akong napapikit ng aking mata dahil sa katangahan ko.

Ano bang nangyayari sa akin? Bakit nawawala ako sa sarili ko?

"Can you stop fantasizing me in your mind, Mark, for atleast a minute? Masyado ka nang nawawala sa sarili mo oh."

"Baliw!" tanging nasabi ko na lang sa muli niyang pang-aasar bago ako mabilis na naglakad at iniwan siya doon sa kanyang kinatatayuan. Hindi ko pinansin ang kanyang pagtawag at mabilis na nagtungo sa labas nitong grocery store.

Bakit biglang nang-init ang mukha ko sa pang-aasar niyang yun? Hindi sa kilig kundi sa matinding inis ko sa kanya. Sa kabilang banda, hindi naman ako nagkakaganito dati ah. Tsaka dapat sanay na ako sa mga ganung pang-aasar niya dahil palagi niya na yung ginagawa sa akin. Ngunit yung kanina, unang beses niyang sinabi at ginawa ang ganung pang-aasar kaya siguro sumabog na ako sa inis at hindi mapigilang iwan na lamang siya.

Hinintay ko na lamang siya sa gilid ng kotse na gamit namin papunta dito. Kotse ito ni sir Ryuu dahil ayaw gamitin ng ulupong na yun ang kotse niya at baka magasgas lang daw. Sobrang arte talaga sa katawan ng kumag. Di nagtagal ay natanaw ko na ito naglalakad habang tulak-tulak pa rin ang pushing cart ngunit nakabalot na sa mga green plastic bags ang mga pinamili namin kanina. Tila ito isang model ng grocery store sa paraan ng kanyang paglalakad. Idagdag pa ang suot niyang itim na shades at ang lollipop na nasa kanyang bibig. Napansin ko rin ang paglingunan ng mga iilang tao sa kanya hanggang sa makarating siya sa harap ko.

"Done devouring me in your mind?" tinanggal niya ang suot niyang shades at sinuksok ito sa bulsa ng suot niyang manipis na polo. Hindi ko na lang pinatulan ang muli niyang pang-aasar tulad ng lagi kong ginagawa. Tahimik na lang akong pumasok sa kotse at hinintay siyang matapos sa paglalagay sa likod ng mga pinamili.

Hindi nagtagal ay umupo na siya sa tabi ko at sinimulang buhayin ang makina ng sasakyan. Saglit pa   itong sumipat ng mapang-asar na tingin sa akin bago kami umalis sa lugar na yun.

Dumating ang oras ng aking pagpasok sa klase. Katatapos ko lang magluto ng pananghalian. Hindi naman na dapat ako magluto ng pananghalian dahil wala naman dito si sir Ryuu pero yung isang kumag ay hindi pa naisipan na umalis nang dumating kami sa penthouse. Gusto niya pa daw matikman ang lulutuin ko para ngayong lunch. Nang matapos siyang kumain ay doon lang niya naisipan na umalis na dahil alam niya na papasok na ako sa klase ko ngayong hapon.

Nagtaxi na lamang ako patungo sa lugar kung saan ako pumapasok. Nakatanggap kasi ako ng tawag kay sir Thrace kanina na hindi niya ako ngayon mahahatid dahil may lakad daw sila ni sir Ryuu ngayon. Sumang-ayon na lang ako at naisipang sumakay na lang ng taxi. Ilang minuto ang nakalipas nang makarating ako. Bumungad agad sa akin ang mga pamilyar na mukha na halos isang buwan ko na ring nakakasama.

Nginitian ako ni chef Jherome nang masulyapan ang aking pagpasok. Abala ako sa pagsusuot ng aking apron nang may maramdaman akong nakatayo sa gilid ko dahilan para ikalingon ko ito.

"Ikaw pala Jherome? May kailangan ka?" pagtatanong ko dito. Nagsuot na rin ako ng hair net bilang suporta sa buhok. Kailangan ito upang maging malinis sa anumang lulutuin mo.

Mahina itong tumawa sa pagtatanong ko.

"Hindi pa pwedeng gusto ko lang makipag-usap? May kailangan talaga agad, Mark?" napatawa na lang din ako sa pagigong prangka niya sa akin. Saglit lang kaming nagkwentuhan ni Jherome hanggang sa dumating na ang head chef na aming pinapasukan at maging ang nagtuturo sa amin ng mga bagong kaalaman tungkol sa kusina.

Alas-syete na ng gabi nang matapos ang klase. Agad na akong nagligpit ng aking mga gamit upang makauwi na ako. Naghahabol kasi ako ng oras dahil kailangan ko pa magluto ng dinner ni sir Ryuu. Maya-maya din kasi ay uuwi na rin yun at kailangan ay nakahanda na ang lahat na kakainin niya bago siya makauwi.

Malalim akong napabuntong-hininga nang malaman na wala pa si sir Ryuu sa kanyang penthouse. Nagtungo muna ako sa aking unit para magbihis bago ako magluto para sa kanyang dinner.

Patapos na ako sa aking ginagawang pagluluto nang makatanggap ako ng tawag mula kay sir Ryuu. Mabilis ko itong sinagot na inaakalang importante ito.

"I will not be eating dinner there tonight." tanging sinabi niya bago ibaba ang tawag. Hindi ito ang unang beses na nangyari ang ganito. Hindi na sa akin bago kumbaga. Tsaka bihira lang naman mangyari ang hindi niya pagkain dito ng dinner ng kaya ayos lang. Iinitin ko na lang siguro 'to bukas para sa almusal niya.

Matapos kong makapagligpit sa kusina ay tumungo na ako sa aking unit para magpahinga. Naglinis muna ako ng aking katawan bago pabalibag na binagsak ang aking katawan sa ibabaw ng malambot na kama. Dahil sa pagod na aking naramdaman ay mabilis akong nahila ng antok at tuluyan nang binalot ng kadiliman ang aking paningin.

Naalimpungatan ako sa pagtulog nang makarinig ako ng sunod-sunod na pag-doorbell mula sa labas ng aking unit. Mqpupungay pa ang aking mata na bumangon at pinagbuksan ang sinumang tao na may ganang mang-istorbo ng ganitong oras.

"Sino yan?" walang buhay kong sigaw bago buksan ang pintuan.

"Hey Mark." mabilis na nawala ang aking antok at napalitan ng pagkagulat nang bumungad sa aking harapan si sir Tale. Namumula ang mukha at leeg niya maging ang kanyang mga mata. Napansin ko rin na nakabukas na ang dalawang butones ng kanyang polo para mapansin ko ang maumbok at matitigas niyang dibdib. Wala ako sa sariling napalunok.

"S-sir Tale?" hindi ko mapigilang mautal sa nakikita kong hitsura niya ngayon.

Magsasalita pa sana ako nang para akong tinamaan ng kidlat nang walang malay siyang bumagsak padagan sa akin. Mabilis naman akong nakabawi sa pagkakatulala nang muntikan akong mawalan ng balanse dahil sa bigat niya.

"Sir Tale? Sir?" doon ko lang napagalaman na lasing na lasing ito nang manuot ang halong amoy alak at matapang na pabango nito sa aking ilong. Sunod-sunod na mahinang ungol niya na lamang ang sunod kong nadinig.

Marahas akong napabuntong-hininga at walang choice siyang inalalayan papasok sa loob ng aking unit. Pabagsak ko siyang tinapon sa ibabaw ng aking kama at naiinis na pinakatitigan siya. Kahit tulog ay may gana pa ring ngumisi ang loko.

Great. So, what to do now?

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Feel free to comment your thoughts below and don't forget to hit the 'star' button. Thank you!

Seguir leyendo

También te gustarán

29.2M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
24.3M 711K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
1M 28.7K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...