The Playboy's Toy (Dangerous...

By kaizerKKYOS

62.9K 3K 469

ᴅᴀɴɢᴇʀᴏᴜs ᴍᴀɴ sᴇʀɪᴇs ••• "With you, all my playtime is over." - Alfred Tale More

Prologue
TPT OST
TPT - 01
TPT - 02
TPT - 03
TPT - 05
TPT - 06
TPT - 07
TPT - 08
TPT - 09
TPT - 10
TPT - 11
TPT - 12
TPT - 13
TPT - 14
TPT - 15
TPT - 16
TPT - 17
TPT - 18
TPT - 19
TPT - 20
TPT - 21
TPT - 22
TPT - 23
TPT - 24
TPT - 25
TPT - 26
TPT - 27
TPT - 28
TPT - 29

TPT - 04

2.6K 139 6
By kaizerKKYOS

Alfred Tale Crosagne

*****

M A R K

Mabilis kong naihanda ang mga kakailangan ko sa lulutuin. Nanginginig ang aking kamay habang sinasalin ang gatas sa blender dahil sa mabilis na kabog ng dibdib ko. Normal ang kabahan sa mga ganitong patimpalak lalong-lalo na nasa dalawampu kaming kasali. Ngayon pa lang ay naiisip ko na wala talaga akong tyansa na manalo. Sa datingan pa lang ng mga katunggali ko ay siguradong tagilid na ako. Mga nakasuot kasi ito ng mga pang-chef na kasuotan samantalang ako ay ang apron lang na nabili ni tita Emma sa Divisoria noong isang araw. Kulay pink pa. Meron lang kaming isang oras para paghandaan ang aming mga dishes. Ilang beses akong napabunga ng hangin dahil sa palagiang muntikan kong mabitawan ang sandok na pinanghahalo ko.

Pakiramdam ko ay nanghihina ako sa sobrang kaba. Saglit akong lumingon sa harapan kung saan nakaupo ngayon ang limang judges na hahatol sa aming mga niluluto, at isa na doon ang lalaking nagngangalang Alfred Tale at ang may-ari ng restaurant na pinag-applyan na si Ryuuji Kazuma. Sakto namang pagtingin niya dito ay doon din ang pagguhit ng isang ngisi sa labi ng lalaki. Hindi niya inisip na siya ang nginisian nito dahil nasa bandang gitna siya nakapwesto kung saan malayo sa mga judges. Siguro nagkataon lang ns ngumisi ito nang matuon ang tingin niya sa unahan. Ganun nga!

Pilit akong nagfocus sa aking niluluto at binalewala na lamang ang hitsura ng lalaki.

Malakas na sumigaw ang isang lalaki na nagsasabi na mero'n na lamang kaming sampung minuto upang tapusin ang aming niluluto.

"Shit." daing ko.

Dahil sa pagmamadali ay hindi ko namalayan na nahawakan ko ang kawali ng walang gamit na pot holder. Ilang beses kong hinipan ang aking daliri upang mawala ang hapdi nito.

Natapos ang isang oras at dumating na sa punto kung saan titikman na ng mga judges ang aming niluto. Medyo nahirapan ako sa pagdating sa plating dahil sa hapdi ng aking daliri. Ang mahalaga ay natapos ako sa takdang-oras.

Isa-isa nang nagsilapitan ang mga contender na hindi mo mababakas ang kaba. Sa paraan pa lang ng paghawak nila sa tray kung saan nakalagay ang plato na kanilang hinanda ay nagsusumigaw na sa pagiging kompyansa nila sa kanilang ginawa.

Mas lalong kumabog ang aking dibdib nang ako na ang pupunta sa unahan. Kahit kinakabahan ay wala akong pagdadalawang-isip na naglakad sa unahan dala ang aking hinanda.

"So, tell me about your dish." ang babaeng judge ang nagtanong sa akin na nagngangalang Victoria . Halata sa tindig nito ang pagiging maranya sa buhay. Base pa lang sa kulay itim na yumakap sa balingkinitan niyang katawan na hindi mo aakalain ang presyo hanggang sa mga kulay ginto nitong mga alahas.

Sinubukan kong huwag ipahalata ang aking kaba habang pinapaliwanag ang aking luto. Ang putaheng ang aking inihanda ay simple lang ngunit masarap kapag iyong natikman. Yun ang sinabi sa akin ni tita Emma nang ipatikim ko ito sa kanya.

Tumango-tango lamang sila habang nagsasalita ako.

"What happened to your hand?" hindi ko na kailangan lumingon sa lalaking nagtanong dahil boses pa lamang nito ay kilala ko na.

"Napaso lang po kanina sir." sagot ko habang hindi siya tinatapunan ng tingin. Itinago ko na lamang ang aking kamay sa aking likuran at iwinaksi na lamang sa aking isip ang nanunusok nitong tingin. Kahit hindi ko ito tingnan ay dama ko ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

"Let's taste it." anunsyo muli ng babae.

Ilang minuto na ang lumipas nang matapos ang mga judges sa paghahatol sa mga gawa ng mga kalahok at kasali na ako doon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang kaba sa aking dibdib. Sabik na sabik na akong malaman ang resulta. Base sa obserbasyon niya kanina nang simulang tikman ng mga nito ang kanyang luto, naging positibo ang mga komento nito. Kahit papaano ay nabuhayan siya at baka may tyansa pang manalo.

Kasama ang ibang mga kalahok ay gulat na napatayo kami nang muling pumasok ang isang babae na may ngiti sa labi hawak ang isang pulang envelope.

'Siguro naglalaman ito ng resulta?' tanong ko sa isip ko.

Sa gitna ng aking pag-iisip ay natigilan ako nang pumasok ang dalawang pamilyar na lalaki kasunod ng una. Agad akong napaiwas ng tingin nang magtagpo ang mga mata namin ng isa.

Bakit ganun? Bakit hindi niya magawang tingnan ang lalaki? Dahil ba na sa mayaman ito at mahirap lang siya? Dahil ba na kilala itong tao at siya simple lamang?

"Attention everyone!" naagaw ang magulo niyang isip nang malakas na sumigaw ang babae. Winagway pa nito ang parehong kamay upang ituon sa kanya ang atensyon ng lahat.

Okay. This is the moment of truth, Mark.

"Okay." tila naging mabagal ang oras nang dahan-dahan ibuklat ng babae ang kanyang hawak. "First, I would like to congratulate everybody for joining the competition, you are all winner now for me. Just always remember, losing in a competition doesn't define you as a whole person. It doesn't mean na kapag natalo ka ngayon, ay titigil ka na sa mga pangarap mo. Because once you stop aiming for your dreams, regret began to strike in your system. And that regret, can't help you to become a better person. Just keep dreaming." matamis akong napangiti sa mahaba niyang motivational speech sa unahan. Nagpalakapakan ang lahat dahil doon. Bukod sa maganda siya ay magaling pa siya magbigay ng advice sa nakararami.

"Now! I will be announcing first, the winner who placed third and that is..." mariin akong napapikit ng aking mata at pinagdarasal na sana tawagin ang aking pangalan. Hindi na din kasi masama ang maging third place sa ganitong patimpalak. Ngunit napabuntong-hininga na lang ako ng hindi ko pangalan ang aking nadinig. Maging nang i-announce ang second place ay hindi ako.

Kapit lang Mark!

"Before I'll announce the first place, sasabihin ko muna kung sino ang tatlong mananalo ng consulation prizes."

Pinagdasal ko na sana kahit consulation prize na lang ay masungkit ko.

"The three person who've got our 10K consulation prize are..."

Ulit. Wala pa rin ang pangalan ko sa mga nabanggit. Ang kanina kong kompyansa na manalo ay tila bula na naglaho. Sa una pa lang kasi ay hindi na ako umasa na masusungkit ko ang first place. Tulad ng sabi ko kanina, datingan pa lang ng mga katunggali ko ay walang-wala na ako. So, winning the first place is impossible.

"Finally! Now, our winner among the winners is..." hindi na ako umasang madidinig ko pa ang pangalan ko sa mga nanalo ngunit tila nabingi ata ako nang sambitin ng babae ang buo kong pangalan. "Mark Hope Calvares." napalaki ang may pagkasingkit kong mga mata nang makumpirma ko nga na ako ang nanalo. Hindi ko mapigilang mapangiti sa hindi inaasahang pagkapanalo.

Mas lalong lumakas ang bugso sa aking dibdib nang maglakad akong patungo sa unahan. Lahat ay nagpapalakpakan at nakangiti. Para akong nananaginip sa hindi ko makapaniwalang pagkapanalo.

"Congratulations." napaigtad ako nang may boses akong nadinig mula sa aking likuran. Kanina pa nagsialisan ang mga kapwa ko kalahok at tanging ako na lang ang natitira dito sa kwarto. Aalis na din sana ako upang ibalita kay tita ang pagkapanalo ko nang sabihan ako na manatili muna dahil may gusto daw sa aking kumausap. Tumango na lang ako bilang tugon sa babae.

Napatayo ako sa aking kinauupuang malambot na sofa dahil sa boses na yun. Napanganga na ako nang mapag-alaman na ang lalaki na ngayon ay kaharap ko ay ang puno't-dulo ng contest na aking napanalunan.

"Maraming salamat po, Mr. Kazuma." bahagya akong nag-bow bilang pagbigay galang sa kanya. Dapat lang dahil wala pa ata ako sa kalingkingan ng kanyang karangyaan. Bukod kasi sa gwapo ito ay nahahalata kong mabait ito base na din sa una naming pagtatagpo.

Pagak itong tumawa na pinagtaka ko.

"Enough with formalities. Please have a seat." tumango lang ako at sinunod ang alok niya. Nakaharap ako ngayon sa kanya habang siya ay padekwatrong nakaupo paharap din sa'kin.

"Just call me sir Ryuu as you will now become my personal chef." muli, ay tila nabingi na naman ako sa hindi ko inaasahang rebelasyon. Saglit akong napanganga sa gulat.

"T-teka po. Tama po ba ang pagkakarinig ko? Personal chef po?" kailangan ko maging sigurado dahil baka nagkamali ako ng dinig sa sinabi niya. Ayoko naman maging assuming.

"Yes. Aside from winning the cash prize, you will also be getting a chance to be my personal chef." hanggang ngayon ay hindi pa din nagsi-sink in sa utak ko ang aking pagkapanalo tapos ngayon ay may panibago na naman. Ganito ba talaga kabait ang Diyos? May mga biyaya talaga darating sa buhay natin ng hindi natin inaasahan. At ito na yun!

"Talaga po?" agad na naglaho ang excitement na nararamdaman ko at isang problema ang aking naisip. " Pero po..." bigla akong nagdalawang-isip sa naging alok niya sa akin. Knowing na isang napakayaman at tanyag na tao ang aking paghahainan ay parang napakahirap ata. Kumakain ba siya ng mga simpleng luto lang?

"Mga simpleng food cuisine lang po kasi ang alam kong lutuin. Hindi po ako maalam sa mga sosyaling pagkain." hindi ko na naituloy ang aking sunod na sasabihin nang muli ko siyang marinig na tumawa. Napatingin ako sa kanya. Napagaalaman ko na napakagwapo pala talaga ng kausap niya. Walang duda na marami sa kanyang nahuhumaling na babae. Sa kabilang banda, may asawa na kaya siya?

"Don't worry. I'll eat whatever you'll cook knowing kanina na napakasarap mo magluto." parang kakaiba ang naging tunog ng sinabi nito sa aking pandinig ngunit agad ko ring iwinaksi ang isipin na yun. "Doubting your talent in cooking will be the least thing I would do. Besides, I could offer you a culinary scholarship para mas lalo ka pang gumaling magluto. How about that?"

Huh? Teka, bakit parang sobra-sobra naman na ata ang biyaya na natatanggap ko ngayon? Tama pa ba ito?

"Parang sobra-sobra naman na po ata ito. Ang manalo po ng napakalaking pera ay sobra-sobra na po sa'kin. Nakakatuwa po maging chef niyo pero po ang bigyan niyo pa po ako ng isnag culinary scholarahip ay nakakahiya na pong tanggapin." para akong kinapos ng hininga sa makapigil-hininga kong pag-amin kay sir Ryuu - tulad ng sabi niya na tawagin ko sa kanya.

"Just be grateful, Mark, that I am offering you these now. Let's just consider these as your special prizes so you won't feel diffident to accept my offers. What do you think?"

Hilaw akong napangiti habang sumasang-ayon sa sobra-sobra niya nang alok sa akin. Sino ba naman ako para tumanggi sa alok ng isang tulad niya? Hibang lang siguro ang kayang tumanggi sa mga ganitong alok. Palay na ang lumalapit sa manok, tatangi pa ba ako?

Saglit akong natahimik nang may iabot siya sa aking maliit na matigas na papel. Binasa ko ito at napag-alam na calling card ito.

"You can start your job as my personal chef anytime you want but make sure to decide that within this week. Just call me if you're already ready." tumayo ito at inayos ang bahagyang nagusot niyang formal coat. Nilahad nito ang kanyang kamay upang makipag-kamay na mabilis ko namang inabot.

"Okay po sir Ryuu. Maraming salamat po."

"I'll tell my driver na ihatid ka na sainyo para hindi ka na mahirapan sa byahe."

"Ay naku sir! Huwag na po. Kaya ko naman pong umuwi ng mag-isa. Hindi na po kailangan."

"With that lot of money?" napatigil ako sa tanong niya. Sabagay, may punto din siya sa sinabi niya. Iba na din ang nag-iingat ngayon.

"Besides, para alam na rin ni Thrace kung saan ka susunduin once you start working for me."

Ganun na nga ang nangyari. Hindi na ako muling tumanggi sa alok na niya na pagpapahatid sa akin pauwi sa amin. Dahil sa labis na tuwa ay hindi ko namalayan na inabot na pala ako ng gabi nang makalabas ako sa gusaling yun.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na 'to. Ito ata ang unang beses na naramdaman ko ang labis na kasiyahan. Bukod kasi sa pagpanalo ko ng kalahating milyon ay nagkaroon pa ako ng trabaho. Makakapag-aral pa ako. Simula ngayong araw na ito, pinapangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para hindi magsisi si sir Ryuu sa mga alok niya sa akin. Labis na pasasalamat ang ginawa ko kanina bago ako nagpaalam sa kanya na sinuklian niya lamang ng matamis na ngiti.

"Maraming salamat po sa paghatid." dito na lang ako nagpababa sa bungad ng aming barangay. Kapag kasi nagpahatid pa ako hanggang sa bahay ay baka mahirapan lang ang kanyang sasakyan na dumaan. Paniguradong magagasgas lang ang sasakyan nito dahil sa makitid na daan ng barangay namin. Mula dito ay sumakay ako ng padyak patungo sa amin. Hindi na ako nagalinlangan dahil may sapat na akong pera pambayad. Kahit ilang beses pa akong sumakay ng padyak ay hindi basta-basta mauubos ang ganito kalaking halaga.

Sumapit ang araw kung kailan magsisimula ako magtrabaho bilang personal chef ni sir Ryuu. Noong isang araw ay tinawagan ko na siya na ngayong Lunes na nga ako magsisimula. Hindi ko na pinaabot ng isang linggo ang kanyang paghihintay dahil ano pa ang punto ng kung patatagalin ko pa.

Noong araw nang makauwi ako sa amin ay kaagad kong binalita kay tita ang aking pagkapanalo. Labis din ang tuwa niya nang malaman yun. Kesyo, hindi daw siya nagkamali na pilitin ako na sumali dahil mataas daw ang kompyansa niya na mananalo talaga ako. Sumang-ayon na lang ako. Ang importante ay ang aking pagkapanalo. Agad ko ring sinabi sa kanya ang pagigi kong personal chef ni sir Ryuu maging ang tyansa kong makapag-aral sa pamamagitan ng culinary scholarship na kanyang inalok.

Walang pagdadalawang-isip naman si tita na pumayag sa mga naging balita ko. Sino ba naman siya para tumanggi at komontra sa sadyang nakapalaking grasya na minsan lang dumating sa buhay ng isang tao. Hulog ng langit si sir Ryuu sa buhay namin.

Ngunit noong gabi na napatawag ako upang sabihin kay sir Ryuu ang pagsisimula ko sa trabaho, doon ko lang napagalaman na stay-in ang aking trabaho. Ibig sabihin ay mananatali ako sa lugar kung saan siya nakatira. Sinabi ko agad yun kay tita. Kahit hindi niya aminin ay nahalata ko sa kanyang mga mata ang lungkot na maiiwan ko siya dito mag-isa.

"Hay naku, Mark! Madalas naman bumisita dito si Romeo kaya ayos lang."

Madaling araw ako umalis sa amin. Kagabi ay hinanda ko na ang mga gamit na dadalhin ko sa aking tutuluyan sa tulong ni tita. Malungkot, dahil mahihiwalay ako kay tita ngunit kailangan para kumayod sa buhay. May mga pagkakataon talaga na kailangan mong magsakripisyo para sa isang oportunidad. Masakit pero kailangan.

Hindi nagtagal ay pumasok ang sasakyan sa isang napakataas na gusali. Ipinark ng driver ang kotse kahilera ang iba't-ibang kotse na alam kong mamahalin rin. Sa aking pagbaba dala ang aking bag ay bahagya akong napapitlag nang lumapit sa aking ang driver at inilahad ang kanyang kamay. Nagtataka ko itong tiningnan na agad ko namang nakuha ang kanyang pakay.

Mabilis kong inabot ang kamay nito at nakipagkamay matapos kong magpakilala sa kanya.

"Mark Hope Calvares po." pagak itong tumawa sa tinuran ko. Nagtaka naman ako at nag-isip kung may mali pa sa sinabi ko. Sinabi ko lang naman ang buo kong pangalan eh.

"Thrace. But I'm not lending my hand to shake your hands. Mind, if I carry your bag? It seems too heavy for you." awkward akong napangiti sa nangyari. Ang tanga naman mo naman doon, Mark. Kahit nagdadalawang-isip ay inabot ko na lang sa kanya ang aking dala. Wala naman hirap niya itong dinala nang simula naming tahakin ang daan patungo sa isang elevator dito sa parking lot.

"After you." iminwestera nito ang kanyang kamay nang huminto kami sa nakabukas nang elevator.

Masasabi kong gwapo din itong si Thrace. Makisig ang pangangatawan nito kahit nababalot ito ng itim na formal suit na kanyang suot. Malaya kong napagmamasdan ang kanyang likuran dahil sa pwesto naming dalawa dito sa loob ng elevator. Tahimik lang.   Masasabi kong hindi lang siya driver ni sir Ryuu.

Natigil ako sa ginagawa nang tumunog ang elevator na nagsasabi na narating na namin ang storey kung saan tumutuloy si sir Ryuu. Kung hindi ako nagkakamali ay isa itong condo unit. Napangiti ako nang bumungad sa akin ang napakalawak na lugar dito sa tuktok ng gusali. Puting-puti ang mga nakikita ko. Mula sa pader at kisame maging sa mga ilang kagamitan. Kumikintab din ang sahig na pwedeng-pwede ka nang magsalamin kung gugustuhin mo. Buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang bahay. Bahay nga ba?

"Maaga gumigising si Ryuu, so always expect to prepare him breakfast before he wakes up. This whole space is his penthouse which is located on the  top of the building, 40th floor." mabagal siyang naglakad patungo sa kusina habang nagsasalita.

"This will be the area you will be cooking and preparing everything. Everything you need are all settled here for the meantime. As his personal chef, sayo din nakaatas ang pamimili ng mga ingredients and condiments sa kung anumang kailangan mong lutuin." mabilis siyang humarap sa akin bitbit pa din ang aking bag.

"Okay po." tipid ko lang na sagot sa mga instructions niya.

So, ito na yun. Ito na ang punto ng aking buhay kung saan magbabago ang takbo ng lahat. Bilang isang personal chef ni sir Ryuu, na isang kilala at tanyag sa industriya at ang isang tulad kong simpleng mamamayan lamang ay nagkaroon ng tyansa na paglutuan siya ng pagkain.

"Good morning!" napalingon ako dahil sa boses na malakas na umalingawngaw sa buong lugar. Napakunot ako ng kilay nang malaman kong pamilyar ang boses na yun. Hindi nga ako nagkamali nang nakangiti itong pumasok sa kusina na agad namang naglaho nang masilayan ako.

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Feel free to comment your thoughts below and don't forget to hit the 'star' button. Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

7.9M 201K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
42.2K 355 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
315K 25K 5
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...