Cry In A Cold City [Baguio Se...

By dEmprexx

355K 10.1K 4.4K

Baguio Entry #1 [Completed] Daisheen Maine CariƱo a nursing student from University of Baguio accidentally sp... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Jonas Lorenzo Tan
šŸŒ¹
Notes
:)
SPECIAL CHAPTER
Verstandelike Series
Thoughts about Self-Publishing CICC

Chapter 29

6.6K 190 135
By dEmprexx

Chapter 29

Natapos ang ceremony, gabi na. Katulad ng ginawa namin kanina nagkaroon sila ng pictorial magkakablock or with their friends. 

Bumaba ako sa bleachers para puntahan si kuya Nathan. Nabalot ko na rin ang regalo niya. I handed it to him with a big smile. 

"Congratulations!" Bati ko sakaniya. Ngumiti siya sa akin tiyaka niyaya akong magpicture. Nagpicture din kami kasama sina ate Nathalie at tita. 

"Buti nalang nakapunta ka, hindi ka ba pagod?" Tanong ni tita sa akin, ngumiti ako tiyaka umiling sa sinabi niya. "Nako, sabi ko na sa mga magulang mo na ayos lang kahit hindi na sila tumulong at magpahinga na para bukas kaso pumunta pa rin pala." 

"Opo, wala rin naman po silang gagawin sa bahay." Sagot ko. 

Luminga ako para mahanap si Jonas. Mabuti nalang at may kausap sa telepono si ate Nathalie kaya hindi niya ako masyadong napapansin. Nagpaalam si kuya Nathan kina tita tiyaka niya ako hinila palapit kina Jonas.

Walang emosyon kaming tiningnan ni Jonas, naiilang akong ngumiti sakaniya. Hindi naman ako si Gail, pero ako yung naguguilty dahil don. Hindi lang si Jonas ang iniwan niya ng clueless kung hindi pati kaming mga kaibigan niya. 

I handed him my gift. "Congratulations," nakangiting bati ko. Kinuha niya ang regalo ko tiyaka tumango sa akin. 

"Picture naman kayo." Sabay tulak sa akin ni kuya Nathan. Alam kong alam ni kuya na jowa ni Jonas si Gail, bakit niya pa kami pinupush? 

Wala akong magawa kung hindi ngumiti sa camera. Tumingin ako kay Jonas nang hindi ko alam ang sasabihin. 

"Ahm. Ah," hindi ko alam kung ano pa bang pwede kong sabihin. 

"Thank you." Walang emosyon niyang sabi tiyaka tinaas ang regalo ko sakaniya. 

"Ah wala iyon. Pang thank you na rin sa paglibri mo lagi sa akin tiyaka yung reviewers sa NMAT," tumango siya sa mahabang sinabi ko. Mukhang ayaw na niyang makipag-usap kaya sinenyas ko na pupunta na ako kina kuya "Ah una na ako, congrats ulit." 

Tumango lang siya sa sinabi ko tiyaka na ako dumeretso kina kuya Nathan. Sabay-sabay kaming pumunta kung saan nakapark ang kotse nila. Habang naglalakad kami ay kinakausap ako ni ate Nathalie. 

"Hey! I saw you earlier, sino yung lalaking nilapitan mo?" Nagulat ako sa tanong niya, akala ko hindi niya napansin ang paglapit ko kay Jonas kanina dahil may katawagan siya sa phone. 

"Ah. A friend." Tipid na sagot ko pero biglang nagpeke ng ubo si kuya Nathan sa sagot ko. Gusto ko tuloy umirap kung hindi lang ako nag-aalala ngayon kay Jonas. 

"Friend." Umuubo-ubo pa siya habang inuulit ang word na friend. 

"Is he really a friend?" Wala ako sa mood pahabain ang usapan dahil naba-bother pa rin ako sa mga mata ni Jonas magsimula kanina. 

"Yeah. He is Gail's boyfriend." Deretsong sagot ko. Napa "ow" ang bibig ni ate dahil sa sinabi ko. 

"But they broke up earlier, didn't they?" Nakuha ni kuya ang atensiyon ko. They didn't break! 

"They didn't." kontra ko sakaniya. Kumunot ang noo niya na tila ba naguguluhan sa sinabi ko. 

"But Jonas said earlier to me they broke up." kibit-balikat na sabi nito sa akin. 

Nagmessage ba sakaniya si Gail? Ang alam ko sa last message sakaniya ni Gail wala naman siyang binanggit na break na sila. Or nagkaroon sila ng conversation after that? Pinagkibit-balikat ko nalang ang tanong na bumubuo sa isipan ko. 

"I guess so." Lalong kumunot ang noo ni kuya at ni ate sa sinabi ko. "What?" Nagtatakang tanong ko sakanila. 

"Nag-away ba kayo ni Gail?" Concern na tanong ni ate Nathalie. 

"No, we're not." Naguguluhang sagot ko sakanila. 

"Bakit hindi mo alam? Hindi niya ba sinabi sa inyo?" Napasinghap ako sa magkasunod na tanong ni kuya. 

"She disappeared right after graduation, leaving us clueless." I honestly answered. Natahimik silang dalawa dahil sa sagot ko. 

Hinatid muna nila ako sa amin bago sila umuwi. Pagkarating ko sa bahay ay naligo na kaagad ako para ready na matulog. Busog na rin kasi ako tiyaka nag drive thru sina tita kanina kaya may inuwi akong mcdo meal. 

Nagtext din sina mama na doon sila kina kuya Nathan matutulog. Kumuha na rin siguro kanina sila ng mga damit nila habang nasa graduation ako. Humiga na ako sa kama tiyaka nag scroll sa social media. 

Nag pop ang chat sa akin ni Iverson kaya pumunta ako sa messenger. 

Iverson Russel: any update about Gail? 

Daisheen Cariño: no e. But sabi ni kuya Nathan, Jonas said that they broke up. 

Iverson Russel: and? 

Daisheen Cariño: did they communicate after we talked earlier? 

Iverson Russel: I don't think so. If she really cut her connection with us, that's impossible. Maybe Jonas assumed that they broke up. 

Nag-usap pa kami ni Iverson tungkol kay Gail. Kung anong weird na sinasabi at galaw niya bago ang graduation or kung may nabanggit man siyang clue sa amin. 

But one thing is we think for sure; she's in China. 

Wala kaming ibang alam sa propeties nina Gail sa ibang bansa except of course, China. She's half Chinese. 

Unfair lang ang ginawa niya sa aming pag-iwan pero alam ko na kapag nagkita kami ulit kahit hindi siya magsabing sorry, napatawad ko na siya. Kasi ganon naman talaga kapag magkaibigan diba? 

Ready na akong matulong ng mag ring ang video call sa instagram ko. Kumunot ang noo ko ng makita ang profile ni Joaquin at username niyang nagcacall sa akin. 

Ang weird ng mga tao ngayon. 

Sinagot ko iyon. Nakita ko si Joaquin na naka eye glass pa. Background niya ay parang nasa opisina siya, naglalakad siya. Napatingin siya sa screen kung sinagot ko na ba nung nakita niyang sinagot ko ay luminawag ang mukha niya. 

"Thank God! Gising ka pa!" Panimulang bati niya sa akin. Tiningnan ko ang orasan sa cellphone, alas dos na ng madaling araw "Pasundo sa bonfire si Jonas, pauwi siya sa condo ko. Lasing na lasing na iyon, tumawag na rin ako sa lobby ng condo para bigyan kayo ng duplicate key." Sunod-sunod na sabi niya sa akin. 

"At paano mo nalaman na oo ako riyan? Inaantok na ako, alas dos na ng madaling araw!" Pagpapaalala ko sakaniya "Besides, wala akong sasakyan para sunduin siya. Bakit hindi ikaw?" 

"Over time, nagkaproblema lang talaga sa work. Pabayad mo nalang bukas sakaniya yung fee sa taxi!" Sabi niya sa akin "Lasing na talaga siya, baka kung anong magawa niyang kagaguhan, patay kami sa mga magulang namin at lalo na kina lolo." Nag-aalalang sabi pa niya sa akin. 

"Maraming tao malamang sa inuman niyan." Pagdadahilan ko pa. Ayokong maging marupok ngayon. 

"I'm gonna text his blockmates na ilabas siya." He said. 

"Oh edi text mo na rin sila na ihatid siya." Diba? May kasama naman pala siya. 

"His blockmates are celebrating, he is not," pagpapaintindi niya sa akin "And his blockmates bring their girlfriends." Napasinghap ako dahil mukhang wala na akong magagawa. 

"Okay, okay." Tanging sabi ko nalang. 

Nagpalit ako ng hoodie na may fear sa may ulo at pants pagkatapos ay kinuha ko yung pair na black plastic boots ko. Nilagay ko sa bulsa ng hoodie ko ang cellphone at wallet ko. 

Lumabas na ako sa bahay habang ang dalawang kamay ko ay nasa bulsa. Limang minuto akong naghintay ng taxi kaya nagpahatid na ako roon. Pagkarating ko roon ay mukhang kakatapos lang nilang nag-inuman dahil kakalabas lang nila. 

May lumapit sa aking lalaki galing sa grupo nila Jonas. Pamilyar siya sa akin, nakita ko siguro siya kanina. Malamang, nag-graduate rin siya. 

"Are you Daisheen?" Tumango ako, napatingin ako kay Jonas na hindi na kayang maglakad mag-isa kaya nakaakbay na siya sa isang classmate nila. 

Mabuti nalang at hindi ko pinaalis ang taxi kaya tinulungan ako ng mga ka-block nila para makapasok si Jonas sa taxi. 

"Bakakeng po." Sabi ko bago ako nagpaalam sa mga kaklase niya at sinara ang pintuan. 

Tahimik lang naman nakahilig ang ulo ni Jonas sa upuan ng taxi. Napasinghap ako dahil malayong-malayo siya sa Jonas na nakilala ko. He looks wasted! 

Nang makarating kami ay nagbayad kaagad ako sa taxi. Hinatak ko palabas ng taxi si Jonas. Ang bigat niya! 

Hindi kami makapaglakad ng maayos dahil nahihirapan ako sakaniya. I didn't expect I'll do this at three o'clock in the morning! Sabog ako bukas haharap sa mga kamag-anak namin. 

Dumeretso ako sa lobby tiyaka kinuha ang duplicate key na sinasabi ni Joaquin. Hindi ko alam kung bakit ako na-involve rito! Pumasok na kami sa unit ni Joaquin, hindi ko na talaga kaya ang bigat niya kaya binagsak ko nalang siya sa sofa. 

"I didn't ghost anyone from the past, why would the girl I like ghosted me?" Tanong niya habang inaalis ko ang sapatos niya. "Did I do something wrong?" 

Ang sakit pakinggan ng mga katanungan niya lalo na ramdam mo yung sakit na pinanggalingan ng lahat. Ramdam mo yung sakit sa boses niya. 

"There's maybe a reason," sabi ko sakaniya kahit wala rin akong alam kung anong rason ba ni Gail. 

"There's always a reason, I know. What I want to know is, why didn't she tell me? Didn't she trust me? Why the hell did she ghosted me? I am left clueless." Maririin na sabi niya. Tumayo na ako tiyaka kumuha ng kumot sa kwarto ni Joaquin. 

"I chose her.."

"You know what, you should sleep." Wala rin akong alam isagot sa mga katanungan mo. 

Nilagay ko ang kumot sakaniya. Umalis na rin ako sa condo ni Joaquin dahil alas diyes ang usapan namin mamaya! Baka magtaka sina mama! Wala akong choice kung hindi mag taxi. Naka-ilang taxi na ako ngayong araw, sayang savings. 

Nagising ako sa tunog ng alarm ko. Apat na oras lang ang tulog ko, well, hindi naman bago iyon sa akin lalo na med related ang course ko. Minsan nga twenty four hours pa kong gising. 

Pagdating ko kina kuya ay nandoon na ang ibang kamag-anak namin kaya bumati na rin ako. May pa-tarpaulin pa sina tita para sa aming dalawa ni kuya Nathan. 

Ilang oras ding batian. Ang dami rin naming kamag-anak na umakyat pa sa Baguio. Nang mabati ko na halos lahat ng kamag-anak namin, kumuha na ako ng plato ko para kumain. Bigla rin kasi akong ginutom. 

Pumwesto ako sa isang sulok, malayo sa mga tao. Nakakapressure rin kapag sinasabihan nila na kailangan ko na raw magkaroon ng boyfriend dahil kapag pumasok na akong med school wala na akong time para magligawan pa. 

Kinain ko nalang lahat ng pressure kaya medyo napaparami na ang kain ko. Nagulat ako ng may biglang umupo sa tapat ko akala ko si kuya Nathan pero pag-angat ko ng tingin ay si Jonas. 

Naka black na t-shirt at gray jacket lang ang suot niya. Kumunot ang noo ko hanggang sa narealize na kaibigan nga pala siya ni kuya Nathan. 

"Hi, good afternoon." Bati niya sa akin. Nakita ko rin na may pagkain sa plato niya. 

"Good afternoon?" Naiilang na bati ko sakaniya. Alam niya ba kung gaano siya ka-wasted kagabi? 

"Kuya Joaquin told me," tumango ako sa sinabi niya kahit tipid ang sinabi niya alam ko na kaagad kung anong ibig niyang sabihin "Thank you." mahinang bulong niya pero narinig ko rin naman. 

"Ah wala iyon," kahit na napuyat talaga ako ron "Besides, I feel like I have responsibility in behalf of my best friend." 

Hindi ko alam kung bakit ako ang gumagawa ng paraan e wala naman akong ginawang kasalanan. 

"Can I ask you a favor?" Tiningnan ko siya ng seryoso para ipakita sakaniyang makikinig ako. 

"Yeah sure." Ngiti kong sabi sakaniya. Sana lang kayanin ko ang maging favor niya. 

"Can you not talk about her?" Bahagya akong natigilan sa sinabi niya. Pero baka iyon ang tutulong sakaniya para makapag move on. 

"No worries." binigyan ko siya ng tipid na ngiti pagkatapos ay tumingin na ako sa manok na kinakain ko tiyaka ko ito hiniwa. 

"Can you help me?" Umangat ulit ang tingin ko sakaniya akala ko ay tapos na ang sasabihin niya. 

"Yes, I can help-" he did not bother to finish my words. 

"Help me to forget her?"

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 98.6K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...
389K 11.3K 94
WARNING!!! Read at your own risk! If you don't like it, just leave. This story is not for everyone. It contains controversial themes and events not...
25.7M 472K 39
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] She's the bride who arrived at the right time but in the wrong place. #TheBachelorsB...
971 52 16
an epistolary ; syd & hunt