FATED TO F*CK YOU✔

By TitaAmor07

868K 30.2K 7.6K

Pierce Blue is a man who has a transparent personality; what you see is what you get with him. At the age of... More

Tita's Note
TO MY NEW READERS
PORTRAYERS
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 4.1
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 6.1
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 17.1
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
EPILOGUE 1
EPILOGUE 2
EPILOGUE 3
EPILOGUE 3.1
THANK YOU!
SPECIAL CHAPTER #Uno
PRINTED NA SIYA❗

Kabanata 41

8.9K 411 145
By TitaAmor07

Kabanata 41

YEAR 2018

Isang linggo na rin ang lumipas nang nangyari ang Thanksgiving Party sa mansion ng Montenegro. Ang gabi ng pasasalamat kung saan ipinagdiriwang ang pagkaligtas nina Blue at Red sa trahedya. Marami ang nangyari ng mga panahong iyon, katulad nang muntikan ng paghihiwalay nina Red at Katleya. Napakasakit para kay Katleya nang malaman ang tungkol sa nangyari sa kasintahan niya at doon sa limang babae. Bumalik kasi ang sakit ng kanyang naramdaman sa sinapit ng dating kasintahan. Ang lalaking una niyang inibig.

Nag-iisang nakaupo si Katleya sa cafeteria dahil nasa counter si Red para bumili ng kakainin nila. Habang tahimik na naghihintay si Katleya, napataas ang kilay niya nang may lalaking papunta sa direksyon niya kung saan siya mismo nakaupo. Ang lalaking kinasusuklaman niya. Ang lalaking unang bumasag sa puso niya. Ang lalaking pinagkatiwalaan niya, pero binigo lang siya.

“Ka,” sambit ng lalaki. Seryoso itong nakatitig kay Katleya pero makikita sa mga mata nito ang lungkot.

“Layuan mo ako,” mahinang sagot ni Katleya. Nanginginig ang mga kamay niya at parang gustong manakit.

“Please, Ka. Hindi mo man lang pinakinggan ang paliwanag ko.”

“Do I need to hear anything from you? Sapat na ang nakita ko. Sapat nang makita kitang hubo’t hubod na may babaeng parang linta na gumiling sa ibabaw mo,” gigil na sabi ni Katleya. Nanlisik ang mga mata niya sa galit.

Hinawakan ng lalaki ang kamay ni Katleya. “Ka, please. Listen to me.”

“Bitawan mo ako!” sigaw ni Katleya nang buong lakas. Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili.

Napalingon si Red mula sa counter at agad napatakbo sa kinaroroonan ni Katleya.

“Bro, may problema?” mahinahong tanong ni Red. Nang makita niya ang kamay ng binata na nakahawak sa kamay ni Katleya ay tinanggal niya ito. “Don’t touch my woman.”

“Sorry,” sagot ng lalaki.

Tiningnan ni Red si Katleya. Makikita sa mukha niya ang pag-aalala sa kasintahan. “Kat? Ano bang nangyari?”

“Mauna na ako. Nawalan na ako ng gana,” sagot ni Katleya. Bago ito umalis, inirapan pa niya ang dating kasintahan.

Tinapik ni Red ang binata. “Mauna na ako. Pero wait, ano name mo, bro?”

“Amber Key,” saad ng binata. Nagpakawala ito nang malalim na hininga. “I’m happy na ikaw ang boyfriend niya.”

Napangiti si Red. “Sorry kanina, ha? Nabigla kasi ako. Sige, mauna na ako. Hahabulin ko pa ang prinsesa ko.”

Tumango lang si Amber at umupo na lang. Nalulungkot ito dahil hindi pa rin nawala ang galit ni Katleya sa kanya.

“Kat!” pagtawag ni Red nang makalabas na siya ng cafeteria.

Napahinto si Katleya at lumingon sa kanya. Nakasimangot ang mukha ng kasintahan niya kaya labis ang pagtataka niya.

“Ano ba ang meron?” tanong ni Red nang dumating na siya sa harapan ng kasintahan niya.

“That guy!” inis na sabi Katleya. Tumingala ito sa langit. “Was my stupid ex.”

Nanlaki ang mga mata ni Red. Nagulat siya sa nalaman. Hindi niya alam na may dati pala itong kasintahan. At ang mas ikinagulat niya, nandito lang din pala sa kanilang paaralan nag-aaral.

“E-ex?” hindi makapaniwalang sambit ni Red.

Hinila ni Katleya si Red at umupo sila sa isang bench. Nag-iisip pa si Katleya kung sasabihin ba niya ang nangyari tungkol sa kanilang dalawa ni Amber. Pero napagtanto niya na may karapatan si Red na malaman ang tungkol dito. At isa pa, ayaw niya rin na maglihim pa rito.

“Again, Amber was my stupid ex. I broke up with him 2 years ago. He cheated on me.” Tiningnan niya si Red nang masama. “Kaya sobrang galit ako noong panahong nalaman ko na may babaeng malapit mong...”

Napatigil si Katleya dahil nahihiya itong ituloy.

“Malapit kong maka-s*x?” pagpatuloy ni Red.

Namumula ang mukha ni Katleya sabay tango. “Yes. Kasi akala ko, nangyari rin sa iyo ang nangyari kay Key noon. Ang mas malala, kitang-kita ng dalawang mata ko ang hubo’t hubad na babae na nakapatong sa kanya noon.”

“Naipasok ba?” tanong ni Red.

Nahampas ito ni Katleya. Hindi siya sanay na magtanong nang ganoon ang kasintahan niya.

“I don’t know. Ang sigurado ako ay nakita ko ang babae na gumiling sa ibabaw niya.”

“Kinausap mo ba siya after nang nangyari?”

“I left a message tapos blocked na.”

“Napakinggan mo ba ang side niya?” tanong ni Red.

“Para saan pa? Kitang-kitang ng dalawang mga mata ko.”

“Kitang-kita ng dalawang mga mata mo, pero hindi ka sigurado kung pumasok?”

“Pumasok o hindi. Iyon pa rin iyon!” sagot ng dalaga sabay titig nang masama rito.

“W-wait, huwag kang magalit. Pakinggan mo muna ako. What if katulad lang ang nangyari sa kanya ang nangyari sa akin? Maybe he’s victim too. Sa nakita ko sa mga mata niya kanina, gusto ka niya talagang maka-usap.”

“Para saan pa? Nasa akin ka na. Secured na ako sa iyo,” ani Katleya.

Napangiti si Red. “Pinakilig mo ako sa banat mo. Yiiiii. Pero Kat, give him a chance to explain.”

“No. Final answer. Ayaw ko siyang maka-usap. And please, ’wag mo na lang ipagsabi kina Blue ang tungkol sa amin ni Amber, ha? Last time kasi, they asked me kung may boyfriend na ba ako, ang sinabi ko sa kanila, oo, pero naghiwalay kami dahil sa ganito, ganyan at pumunta na ito sa America para roon tumira. To cut the story short, nagsinungaling ako sa kanila.”

“Okay, we will keep it a secret. Pero hindi mo ba talaga siya papatawarin? Gaya nang sinabi mo na nandito na naman ako. Wala na akong dapat ipangamba pa sa inyo. Secured din naman ako sa iyo.”

“I’m not ready.”

Inakbayan ito ni Red. “I will respect your decision. But I hope, someday, matuto ka ng magpatawad.”

Hinawakan ni Katleya ang binti nito. “Salamat sa pag-intindi.”

“Oy,” pagrereklamo ni Red.

“Ang serious kasi natin. Kumain na tayo muli, bumalik na ang gana ko,” si Katleya.

“Salamat naman. Sayang iyong kinuha ko roon. Marami pa naman iyon.” Hinila na ito ni Red. Hindi rin halata na gutom na ang binata. “Bilis, Kat.”

•••

Hapon na at napagdesisyunan ni Red na makipag-usap kay Amber. Pumunta siya sa registrar at hinanap ang files nito. Nang tagumpay niyang nakita, nagmamadali siyang pumunta sa department ng lalaking pakay niya. Pagpasok niya sa gusali, sinalubong siya ng tili ng mga babaeng kinikilig sa presensya niya. Nginitian ito ni Red kaya lalong nagsigawan ang mga kababaihan. Ang iba, nagsipagtalunan, nagsipaghampasan, at hindi makagalaw dahil sa pagkamangha.

Dumating na si Red sa huling palapag kung saan makikita ang section na kabilang si Amber. Isa-isa na niya itong tinitingnan, at sa bawat pagsilip niya, sigaw ang sumasalubong sa kanya. Sa taglay na kaguwapuhan nito ay maraming nababaliw sa kanya. Napangiti ang binata nang makita ang section na kinabibilangan ni Amber. Pumunta siya sa gilid ng pinto at isinandal ang likod dahil may klase pa ito. Nakapamulsa pa siya at ang lalim ng iniisip. Minuto ang lumipas, natapos na ang klase ng lalaking hinihintay niya. Inayos na ni Red ang kanyang sarili. Sakto naman na ang unang lumabas ay si Amber.

“Bro,” sambit ni Red. Hindi kasi ito nakita ni Amber dahil malalim din ang iniisip nito. Ang dahilan ay iyong nangyari sa cafeteria.

Napalingon ang binata kay Red. “Hey.”

Inakbayan ito ni Red. Kung umasta ito, akala mo matagal na silang magkakilala ni Amber.

“Puwede ko ba malaman ang tungkol sa nangyari sa inyo ni Kat?” tanong ni Red kahit alam na naman niya ang nangyari. Gusto lang niya marinig ang side nito.

Tumango si Amber. “Okay. She was my ex. Hindi kami pormal na naghiwalay. Nag-iwan lang siya ng long message sa akin, before she blocked me, kasama na roon iyong salitang hiwalay na kami. Capslock pa iyon.”

“Talaga? Pero totoo ba iyong nangyari sa iyo? Okay lang kung hindi mo sasagutin.”

Napahinto sa paglalakad si Amber kaya napahinto rin si Red. Tinanggal ni Red ang kamay niya sa balikat ni Amber at ipinasok niya ito sa kanyang bulsa.

“Napag-alaman kong pinainom pala ako ng babae ng gatorade na may halong robust. Umuwi ako sa condo ko noon kasi nahihilo ako, then hindi ko alam kung ano’ng nangyari sa akin kasi tigas nang tigas iyong pagkalalaki ko. May kumatok sa pinto ko, akala ko si Katleya. Pagbukas ko, nanlaki ang mga mata ko nang makita iyong babae. Biglang siyang pumasok, pagsara ng pinto, agad siyang naghubad. Nang-iinit ako dahil sa epekto nang pinainom niya sa akin kaya ayon—pumunta kami sa kama at may nangyari talaga. Nakita iyon ni Katleya.” Tumulo ang luha ni Amber habang kinuwento niya ito. “Nagtiwala ako at iyon ang pinakamalaking pagkakamali ko.”

Tinapik ito ni Red. “Alam kong mahal mo talaga si Katleya. Nararamdaman ko iyon. Hindi mo man iyon sinadya, pero nangyari na.”

“Kaya nga. Alam mo, sobrang saya ko na napunta siya sa iyo.”

“Salamat. Pero huwag kang mag-aalala sa kanya. Hawakan mo itong salita ko, mamahalin ko siya nang buong tapat, aalagaan, at gagawing prinsesa sa palasyong mabubuo ko na kasama siya.”

Napangiti si Amber. “Wala na pala akong dapat na ipangamba pa.”

Tumango si Red. “Maaasahan mo ako rito, bro. I talked to Katleya a while ago and she’s still not ready to forgive you. Bro, forgiving is a big word and it comes with a process, just give her time.”

“Okay, bro. Hihintayin ko na lang ang araw na dumating iyon. Salamat.”

Nginitian lang ito ni Red at muling inakbayan. “Sabay na tayong bumaba.”

Habang pababa sila, pumasok sa isipan ni Red kung ano ang nangyari sa babae na naging sanhi sa paghihiwalay nina Katleya at amber. Alam niya kasi ang ugali ni Katleya. Napag-alaman niya rin ang ginawa nito sa limang babae na muntikan nang gumahasa sa kanya.

“Ano ang nangyari roon sa babae?” tanong ni Red.

Napakamot sa ulo si Amber. “Nawalan ng ngipin.”

Napatawa si Red. “Patay ako nito. Ikaw? I’m sure may ginawa rin siya sa iyo?”

“Tingnan mo.”

Napatingin si Red kay Amber. Napahalakhak ito sa katatawa nang makitang gumalaw ang ngipin ng binata.

“Huwag mong sabihing...”

“Oo, nawalan din ako ng apat na ngipin sa harapan. Fake na lang ito ngayon. Nabungi na ako,” pagkuwento ni Amber.

Tumawa si Red. “Ihanda ko na pala dapat ang sarili ko. Halimaw pala iyong minahal ko.”

“Sinabi mo pa, kaya nga kakaiba,” nakangiting sabi ni Amber.

Nasa ibaba na sila ng building. Bago sila maghiwalay pababa. Tiningnan muli ni Red si Amber. Mukhang may gusto pa siyang sabihin dito.

“Basta bro, iyong sinabi ko sa iyo, ha? Just give her time. I know someday, mapapatawad ka rin niya,” ani Red.

“Okay, bro. I will. Salamat.”

•••

Simula nang kinausap ni Red si Amber, hindi na ito muling lumapit kay Katleya. Napagtanto niya rin na tama si Red, may proseso ang pagpapatawad at iyon ay ang bigyan ito ng oras. At isa pa, alam niyang mabait na tao si Red kaya wala na dapat siyang ipangamba. Nasa mabuting kamay na ang babaeng mahal niya.

Nang malaman ni Amber na pumanaw si Red sa mismong kaarawan nito, grabe iyong lungkot niya. Nakikiramay siya sa buong pamilya nito. Ang tanging pinag-aalala niya, kung paano na si Katleya. Palagi niya itong tinitingnan sa malayo, nakasunod lang siya rito nang hindi alam ng dalaga. Labis ang pag-aalala niya sa dating kasintahan, pero nawala lahat ng iyon nang masaksihan niya kung paano ito inaalagaan ni Blue. Nakita niya na bumalik ang sigla sa mga mata ni Katleya sa tuwing kasama ang kaibigan. Minsan, sinusubakan na niya muli itong lapitan ngunit bumabalik sa kanyang isipan ang sinabi ni Red sa kanya na bigyan lang muna ito ng oras dahil hindi pa ito handa. Hindi siya nawawalan ng pag-asa na darating din ang araw na magiging maayos na sila.




~~~

Continue Reading

You'll Also Like

375K 5.8K 21
" No one else can love you the way I do" -K
1.5M 58.9K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
27.9M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
2.3M 66.7K 54
Si Yareli Tamayo ay isang maganda at mabait na dalagang nakatira sa probinsya ng San Felicidad. Kuntento na siya sa kanyang buhay kasama ang kaniyang...