Cry In A Cold City [Baguio Se...

By dEmprexx

355K 10.1K 4.4K

Baguio Entry #1 [Completed] Daisheen Maine CariƱo a nursing student from University of Baguio accidentally sp... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Jonas Lorenzo Tan
šŸŒ¹
Notes
:)
SPECIAL CHAPTER
Verstandelike Series
Thoughts about Self-Publishing CICC

Chapter 28

6.4K 205 12
By dEmprexx

Chapter 28

Kumunot ang noo ko nang sabay naming tanungin ni Iverson iyon, napakunot din ang noo niya sa gulat. Nilinga ko ang mata ko para hanapin si Gail, halos papaalis na rin kasi ang mga parents and students kaya kahit linga lang ay mahahanap mo.

"Nag CR?" tanong ni Iverson "Wait, tanong ko lang sa kabilang block." Sabay turo ni Iverson sa grupo ng mga nagsigraduate na, na friends ni Gail.

Kaagad kong dinial ang number niya pero cannot be reach ito. Ilang beses kong tinawagan pero pareho pa rin ng response. What the hell?

"Wala ba siyang nasabi sa iyo?" I asked Jonas, worried. Kung uuwi man si Gail magpapaalam siya. Tiyaka imposibleng lowbat cellphone niya dahil marami pa namang percent kaninang nagpipicture.

"She's acting weird last week." I started to see worry and pain in Jonas' eyes. Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko kakayanin tingnan ang mga mata niyang ganon.

I'm still trying to call Gail but it was the same response. Did she change her sim or what? Hindi man lang siya nagpaalam sa amin, not the typical Gail. Tiyaka may plano kaming tatlo mag lunch kina Iverson dahil ngayon ang handaan sakanila. Nauna na nga sina mama kasama ang parents ni Iverson.

"Hindi na nila napansin si Gail, sabi nila may kausap pa siyang iba sa mga ibang block." sabi ni Iverson and he tried to dial Gail number.

"Cannot be reach." Sabi ko sakaniya. Napapikit siya habang in-end ang call. He's worried too, hindi naman kasi ganon si Gail! Hindi siya umaalis ng walang paalam.

"What was her last text?" Tanong ni Iverson kay Jonas. Nakuha ngayon ni Jonas ang atensiyon ko, ganon pa rin ang mga mata niya.

"Congratulations, I'm so proud of you. You gonna be the best doctor, claim it! I love you." Napaiwas ako ng basahin ni Jonas ang last text ni Gail sakaniya.

"Is she acting weird lately?" Tanong ni Iverson. Halos kaming tatlo nalang ang natitira at ilang staff ng UB.

"Yes, last week. When we watched city light together." Napapaos na sabi ni Jonas.

I opened my social media account and searched for Gail but she deactivated her facebook! Tiningnan ko rin ang IG at twitter pero deactivated din! I open my telegram, ganon rin! Shit.

"Ahm guys," hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanilang dalawa, huminga ako ng malalim bago pinagpatuloy ang sasabihin ko. Nagbabara na ang lalamunan ko, namumuo rin ang mga luha sa mata ko. "She deactivate all her social media accounts." Mahinang bulong ko.

"Damn! We're clueless." Iverson is frustrated. "How about Gab?" I tried to stalk his brother's account but it became private. Hindi na rin kami friends, he removed my follow on IG and blocked me on twitter.

"He unfriended me. Remove my follow on IG. Block me on twitter." Mahinang sagot ko. Nakarinig ako ng mura mula kay Iverson.

"I think it's a family problem." Iverson concluded. I think too. "Did she mention about it?" Umaasa kami sa sagot ni Jonas ngayon.

Pero dumausdos lang mula sa pagkakakahawak niya ang bulaklak at dahan-dahan itong nahulog sa sahig. He turned his back on us and started walking away.

With his eyes full of pain and hatred as if he felt betrayed.

Tiningnan ko ang bulaklak na payapang nasa sahig. Ilang minuto kaming nandoon ni Iverson, walang umiimik. Nag-iisip kung meron bang nasabi sa amin si Gail pero wala talaga.

She just disappeared.

I heard Iverson sigh after a minute we're standing here.

"Hinahanap na tayo nina tita." Tanging sabi ni Iverson. Right.

Akala ko kanina isa na ito sa pinakamasayang araw sa buhay ko. Pero pwede rin palang maging isa sa pinakamalungkot ang pinakamasayang nangyari sa buhay.

Grabe ang tadhana.

Tahimik kami habang nasa biyahe ni Iverson. Iniisip ko tuloy kung naging masama ba akong kaibigan kay Gail? Wala ba siyang tiwala sa akin? Hindi niya man lang sinabi sa akin. Kahit sana sinabi niya lang na aalis siya ngayon, kahit wala ng dahilan kung bakit.

Pinigilan ko nga ang nararamdaman ko kay Jonas dahil laging sinasabi sa akin ni Gail noon na kahit hindi niya kailangan ng jowa, gusto na niya talagang magkajowa. Kaya nung nakita kong magiging mabuti, seryoso at mamahalin siya ni Jonas, I set aside my feelings for my best friend. For her happiness.

Pero sa sitwasyong ito, hindi niya ako kayang pagkatiwalaan. Siguro nga, kahit na magkaibigan pa kayo, may mga bagay na kahit sa kaibigan natin ay hindi natin masabi.

Pero ang daya lang, para na kaming magkapatid e. O ako lang ang nag-isip non?

"Whatever you're thinking now, I know Gail has a valid reason why she disappeared without telling anyone. Don't think you've done something wrong." seryosong sabi ni Iverson habang nasa daan ang tingin.

"Did she notice that I have feelings for Jonas?" I asked. I avoided him, I did right?

"No. She has a valid reason, not that one, hindi ganon kababaw si Gail. And if ever she noticed that you have feelings for Jonas? She will never say yes." Pag-alo sa akin ni Iverson.

"Then why?" Mahinang tanong ko dahil kahit siya hindi niya naman alam kung bakit.

"Let's wait." Tanging sabi ni Iverson sa akin. Tumango lang ako dahil don.

Nakarating din kami sa bahay nina Iverson, malawak naman kasi ang bahay nila kaya rito na ginawa. Nandito rin ang ilang relatives nila na umakyat pa talaga sa Baguio. Umupo ako sa tabi nina Mama tiyaka pilit na ngumiti, luminga si mama na para bang may hinahanap. Si Iverson ay binati muna ang mga kamag-anak niyang kakagaling lang sa biyahe paakyat ng Baguio.

"Nasaan si Gail?" Nakangiting tanong ni Mama. Ngumiti lang ako sakaniya na para bang walang problema.

"Kasama pamilya niya, ma." Sagot ko kay mama huminga ako ng malalim "May emergency sila." Tanging sabi ko.

Alam ko na hindi iyon emergency dahil bakit kailangan niyang alisin ang sim niya? Bakit kailangan niyang i-deactivate lahat ng account niya? Hindi ko alam kung anong point ng ginawa niya, ang alam ko lang na punto niya roon ay maglaho sa buhay namin.

But she will never be; she's always my best friend.

Kumain kami nina Mama, bukas naman ang handaan kasabay ng kay kuya Nathan at kina Kuya gaganapin dahil malaki rin ang bahay nila. Diyan nga lang siya sa Suello, magkaiba lang ng street.

Kumain na rin sina Iverson sa lamesa namin. Katulad ng tanong ni mama, tinanong din tita kung nasaan si Gail. Mabuti nalang at pareho kaming naisip na palusot ni Iverson kaya hindi naging kumplikado.

Nang mas alas kwatro na ay nagpaalam na kami nina mama. Pupunta pa kasi ako sa graduation ni kuya Nathan. Magbibihis din ako sa bahay, sina mama naman ay pupunta sa bahay nina kuya Nathan para tumulong.

Nagsuot lang ako ng pants tiyaka long sleeve na kulay black, medyo makapal na iyong tela kaya hindi ko na kailangan pang mag-coat. Nang nasa town na ako, instead sa harrison road ako dumeretso para makasakay papuntang SLU main campus ay sa likod ako ng Igorot park pumunta para sumakay ng pang SM.

Bumaba ako sa may over pass ng UC tiyaka naglakad papuntang SM. Naisipan ko kasing bilhan ng regalo si kuya Nathan pati na rin si Jonas. Nabigyan ko na ng regalo nung isang araw si Iverson, bracelet na may pendant na stethoscope.

Binilhan ko ng perfume si kuya, yung paborito niya. Kahit ang mahal ay nakapag-ipon ako para roon, tiyaka sobra rin ang binibigay niya sa akin kapag binabayaran niya ako kaya may naiipon din ako. Hindi ko alam kung anong bibilhin ko kay Jonas.

In the end, lumabas ako sa SM para bumaba ng kaunti. Sabi kasi nila meron daw stethoscope sa Pea Drug kaya pumunta ako para bumili ng pang regalo. Bumili rin ako ng pambalot ko kanina.

Mabuti nalang at mayroon kaya binili ko na. Isang black na stethoscope lang siya, nothing special. Pumara na lang ako ng taxi dahil panigurado nag start na ang graduation.

May dala akong gunting at tape kaya sa taxi ko na binalot. Mabuti nalang at sanay akong magbalot, nilagay ko rin yung card ko sa loob.

Nagbayad na ako sa taxi tiyaka umakyat sa steps ng SLU papasok sa University, mabuti nalang at binigyan ako ng pass ni kuya Nathan kaya hindi ako nahirapan sa pagpasok.

Inakyat ko ulit ang gym kaya medyo hingal ako pagpasok. Sa bleachers lang ako umupo, katulad ng inaasahan ko ay nagsisimula na ang ceremony. Agad na hinanap ng mata ko si Jonas, nakita ko naman agad siya na seryoso lang at walang emosyon ang mukha.

I wonder what if Gail was here? Ganyan pa kaya kaseryoso ang mukha niya? Ang lungkot ng mga mata niya. Parang hindi graduation ang dinaluhan niya, parang dumalaw siya sa isang lamay.

He's the summa cum laude on ther batch but I can't see happiness in his eyes. He is there sitting like it's not a big deal for him. He's like drowning on his thoughts, I wonder what he's thinking right now?

I wish I could do anything to curve his lips to form a smile. Napabuntong hininga ako dahil wala rin naman akong magawa.

Naalala ko tuloy ang sinulat ko sa card kanina.

Dr. Tan,

I put all my trust on you. I never saw you work in a hospital but I know you're always doing your best to save patients.

I admire you for being kind, I hope and keep praying that no matter how hard life is; you'll be kind always.

Keep your golden heart; keep your golden smile.

Congratulations!

Charge thousands smile! Clear,

Dra. Cariño

Continue Reading

You'll Also Like

50.1K 1.3K 35
Baguio Entry #4 [Completed] Crystal Gem Herrera committed a biggest mistake that she'll regret for the rest of her life. To fix herself, she decided...
61.1M 944K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...
2K 102 51
an epistolary ; hanna and yael
814 164 40
In the depths of her brokeness she finds love through Christ. She sees the light that changed her life from being broken into a life full of Peace an...