IL Mio Dolce Amante (My Sweet...

By Lorenzo_Dy

179K 5.2K 336

Ulila at palaboy, 'yan ang naging buhay ni Bella bago mapunta sa pangangalaga ni Señor Freigo na dating Hari... More

Warning
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Wakas
SPECIAL ANNOUNCEMENT!
ABOUT THE AUTHOR

Kabanata 15

3.4K 132 27
By Lorenzo_Dy


Kanina pa ako nakatitig sa salamin habang pinagmamasdan ang suot ko dahil sa hindi ako komportable. Pero wala akong choice kasi ito lang ang matinong nahanap ko sa mga damit na binigay sa 'kin ni Zendy.


Tumingin pa nga ako sa internet kung paano manamit ang isang sekretarya kaya nauwi ako sa kulay itim na skirt na isang dangkal bago umabot sa tuhod ko at abohan na blazer  hanggang kalahati ng hita ko habang plain naman na puti ang pangloob.

Hindi rin ako masyadong makalad nang maayos kahit pa 3 inches heels lang ang strappy sandals na suot ko dahil hindi naman ako sanay mag-suot ng may takong, kalahati lang din ng buhok ko ang itinali ko at hinayaan kong nakalugay ang natitirang ilalim nito at konting lip gloss sa labi para matakpan ang dry lips ko. Kinuha ko ang shoulder bag na nasa kama pati ang makapal na envelope bago ako lumabas ng kwarto.

Pupunta raw kami ngayong araw ni Señorito Primo sa construction site ng pabrika para sa pagsisimula ng construction.
Pagkababa ko sa hagdan ay sumalubong agad sa 'kin si nanay Carlotta at pinasadahan ako ng tingin kaya pilit ko namang ibinababa ang skirt ko dahil naiiksihan talaga ako.

"Ayos lang po ba nanay Carlotta ang suot ko? Hindi ba masyadong maiksi tingnan?" Agad na umiling si nanay Carlotta at nagulat ako ng itaas nito pabalik ang skirt ko."Nanay, sobra na pong iksi."

"Hindi ah. Sakto lang. Ang ganda ganda at sexy mo nga tingnan. Dalagang-dalaga ka na talaga."
Nakangiting papuri sa akin ni nanay Carlotta.

Lumabas naman mula sa pasilyo  sa baba si Señor Freigo at Señorito Primo na nakabrown casual leather boots at itim na jeans habang gray na v-neck shirt ang pang-itaas kung saan nakasabit ang kulay itim na sunglass. Simple lang ang suot niya kung titingnan pero halatang mamahalin lahat kaya nahiya tuloy ako sa suot ko ngayon.

"Mag-iingat kayo apo." Nakangiting sambit sa akin ni Señor Freigo at nauna nang maglakad palabas si Señorito Primo kaya nagmamadali naman akong sumunod dito.

Pagdating namin sa labas ay may naghihintay na kotseng puti na walang bubong, ngayon ko lang ito nakita rito sa mansion dahil laging karwahe at kabayo lang ang ginagamit namin ni Señor Freigo kapag may pupuntahan kami. Namangha ako dahil kusang nagbukas ang pinto ng kotse at bago sumakay sa driver seat si Señorito Primo ay sinuot nito ang salamin sa mata.

"Hey, c'mon." Napatayo ako nang tuwid nang magsalita si Señorito Primo dahil nakatitig na naman ako sa kaniya na binubuhay na ang makina ng sasakyan.

"Seatbelt," aniya at natataranta naman akong higitin ang seatbelt  kaso hindi ko alam kung paano ito i-kabit dahil minsan lang akong sumakay ng kotse, sa kotse nina Zendy.

"Tch." Napangiwi ako dahil mukang nababagot ang Señorito sa ginagawa kong pagkabit ng seatbelt na hindi ko naman alam kung tama ba ang ginagawa ko.

"Sa kabayo o karwahe lang kasi ako madalas sumasakay, Señorito Primo." Paliwanag ko at suko kong binitawan ang seatbelt.

Nahagip ng mga mata ko ang pag-angat ng sulok ng labi ng Señorito kaya lalo tuloy akong nahiya, baka iniisip niya na wala man lang akong kaalam-alam sa mga simpleng bagay.

Napaatras ako kahit wala nang aatrasan dahil bigla na lang lumapit si Señorito Primo para higitin ang seatbelt ko. Napapikit pa ako dahil masyadong magkalapit ang aming mga mukha at amoy na amoy ko rin ang kanjyang matapang na pabangong panglalaki, humahalimuyak ang amoy nito at hindi masakit sa ilong.

"Just relax, Bella." Bulong ng Señorito at ramdam ko ang pagtayo ng mga balahibo ko dahil sa pagdampi nang malamig nitong hininga sa 'king tainga.

Idinilat ko lang ang mga mata ko nang maramdaman ko na ang pag-andar ng sasakyan. Hindi ko rin magawang tumingin kay Señorito Primo na nagmamaneho dahil maya't-maya ang pag-iling nito at kalaunan ay ngi-ngiti.

"Pag-aaralan ko na ang pagsuot ng seatbelt." Nahihiya kong sambit. Pinagtatawanan niya yata ako ngayon dahil hindi ako marunong mag-suot ng seatbelt.

"It's not that." Doon ko lang nilingon si Señorito Primo na saglit naman akong sinulyapan bago ibalik ang tingin sa daan na palabas na ng gate. "Roja Musk Aoud Absolue Precieux. " Pahabol nito at hindi ko nakuha ang gusto nitong iparating. "My perfume. Mabango ba?" Dagdag aniya.

"M-mabango," utal na sagot ko.
Bakit ganito ang pinag-uusapan namin? Nakakahiya na napansin pala ng Señorito ang pag-amoy ko sa kaniya kanina.

"You look good in your clothes, bagay sa 'yo." Uminit ang mukha ko dahil sa papuri ni Señorito Primo kaya tumingin na lang ako sa kalsada para hindi nito makita ang pamumula ng aking pisngi.

Pasado ala una na nang hapon pero dahil maulap at sa tulong na rin ng mga puno sa gilid ng kalsada kaya hindi rin masyadong mainit, natatangay rin ng hangin ang ilang hibla ng buhok ko. May mga tao sa gilid ng kalsada na kapag nakikita si Señorito Primo ay yuyukod sila at kakaway pero ni hindi man lang ito bibigyang pansin ng Señorito. May napansin akong dalawang puting rosas sa upuan sa likod ng kotse.

Para kanino kaya iyon?

Sino kaya ang bibigyan ni Señorito Primo?

Swerte naman niya.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa bag at naramdaman ko na naman ang kirot sa dibdib ko. Akala ko ba sa construction site kami pupunta? Isasama niya pa talaga ako sa date niya!

"Ano 'yon?" Sambit ng Señorito at saglit na sumilip sa baba ng manibela ng sasakyan dahil sa naging pagsipa ko.

Napalakas pala ang pagdadabog ko.

"W-wala." Sagot ko. Bumagal ang takbo ng kotse hanggang sa huminto ito sa gilid nang matarik na bangin.

"Nandito na tayo?" Tanong ko bago luminga sa paligid.

"Nah. Stay here." Giit ni Señorito Primo kaya napatango na lang ako habang pinanood ko itong bumaba ng sasakyan at kunin ang dalawang puting rosas na nasa likod ng kaniyang kotse.

Lumapit pa ang Señorito sa gilid nang matarik na bangin at pumikit ito habang dinadama ang pag-ihip ng hangin, hinalikan ng Señorito ang dalawang puting rosas bago ito ihagis sa bangin.
Ngayon ko lang napagtanto na dito pala nahulog ang sinasakyan nila noon na private van na naging dahilan nang pagkamatay ng ama at kakambal niya, ayon sa kuwento sa akin noon ni nanay Carlotta.

Nagtagal pa kami sa biyahe hanggang sa makarating kami sa bandang unahan ng Casa Tranquillo. Malawak ang lupain dito at walang masyadong mga nakatira. Hanggang sa may matanaw na akong mga naglalakihang sasakyan na ginagamit sa pagpatag ng lupa 'gaya ng bulldozer.

"We're here." Deklara ng Señorito at ito ang nag-unlock ng seatbelt ko bago ito bumaba.

Pinagmasdan ni Señorito Primo mula rito sa gilid ng kalsada ang kabuuan nang pinapatag na lupa. Dito pala itatayo ang pabrika ng alak at mukhang malaki ang pabrika dahil malawak na ang napapatag na lupa at mukhang hindi pa ito nangangalahati.
May mga abalang trabahante sa bandang unahan at may mga naghahakot naman ng mga bato.

May bumusina sa may gilid namin ni Señorito Primo kaya inis nitong tinanggal ang suot niyang sunglass. Bumaba mula sa van na s'yang bumusi na kanina si mayor Enrico at ang misis nito kasama ang mga bodyguards nila.

"Magandang araw, Señorito Primo." Magiliw na pagbati ni mayor Enrico at inilahad nito ang kamay para makipagkamay pero hindi iyon tinanggap ni Señorito Primo kaya napapahiyang ibinulsa na lamang ng mayor ang kaniyang kamay.

"Tama nga ang naririnig ko sa munisipyo na magpapatayo pala ng pabrika ng alak ang tunay na apo ni Señor Freigo." May diin ang pagkakabigkas ni mayor Enrico sa tunay na apo at tinaasan naman ako ng kilay ni Mrs. Torres.

"Do you have any permit, Señorito Primo? Mukhang wala pang humihingi ng permit sa munisipyo tungkol sa pagpapatayo niyo ng pabrika ng alak. Kailangan ho iyon."
Natatawang sambit ni mayor Enrico na tila pinaparating kay Señorito Primo kung ano ang kaniyang posisyon dito sa Casa Bel Palazzo.

"Aren't you aware who build this Casa Bel Palazzo?" Sarkastikong tanong ni Señorito Primo na ikinatahimik naman ni mayor Enrico. "Have you ever read the history of this town, mayor?"
Natatawang tumingin sa lupa si Señorito Primo bago ulit ito tumingin nang diretso sa mayor.
"I pitied those people who voted you. They elect a stupid leader." Seryosong turan ni Señorito Primo.

"Nirerespeto kita Señorito Primo alang-alang sa kaibigan ko, sa Papa mo." Nagulat ako sa sinabi ni mayor Enrico bago ito pumasok sa loob ng van.

"Kahit anong suotin mo, mananatli ka pa ring peke sa paningin ko." Pinaningkitan ako ng mga mata ni Mrs. Torres habang nakataas ang kilay nito.
"Hindi na ako magtataka kung isang araw ay na pikot mo na ang tunay na apo ng Señor. Matindi rin talaga ang kamandag mo." Minata pa ako ni Mrs. Torres mula ulo hanggang paa bago ito pumasok sa loob ng van.

Kanina pa nakaalis sina mayor Enrico pero hanggang ngayon ay salubong pa rin ang mga kilay ni Señorito Primo habang gumagalaw nang mariin ang panga nito kahit hindi naman ito nagsasalita.

Kumaway kay Señorito Primo ang isang lalaki na nasa kubo kaya naglakad ito patungo roon. Mukang mga engineer ang nando'n dahil na rin may mga hawak itong malalapad na papel habang nakasuot ng safety helmet.

Mabagal ang naging pagsunod ko kay Señorito Primo dahil naka takong pa ako at marami ang mga bato at biak na lupa kaya tumigil ako saglit sa paglalakad para hubarin ang  suot kong sandals. May kalayuan ang kubo na nakapuwesto sa may gilid ng mga materyales kaya medyo natagalan ako bago makarating doon habang punong-puno ng lupa ang mga paa ko.

Kasalukuyang nakikipag-usap si Señorito Primo sa mga engineer kaya hindi nito napansin ang pagpasok ko sa loob ng kubo na gawa pala sa plywood ang dingding at yero ang bubong.

Sobrang hiya ang naramdaman ko dahil pinagtinginan ako nang mga lalaking nagtatrabaho sa labas kaya pilit kong ibinababa ang skirt ko. Nagsisisi na ako na ito ang sinuot ko!

"Merda!" (Shit!) Dumilim ang mukha ng Señorito bago nito dinampot ang bota na malapit sa kaniya. "What are you doing here?!" Mahihimigan ang inis sa boses ni Señorito Primo kaya paramg tinatambol sa kaba ang dibdib ko. "Sit!" At para naman akong batang umupo sa silyang nasa gilid ko at halos lumuwa ang mga mata ko nang medyo lumuhod ang Señorito at kinuha ang isa kong paa at pinalpagan iyon bago isuot ang bota at gano'n din ang ginawa niya sa isa kong paa. "Now, go back to the car and just stay there." Maawtoridad na saad ni Señorito Primo.

"Wala ba akong gagawin?"

"It's your Señorito's rule by decree. Go back to the car and wait me there." Napatayo agad ako at inayos ang skirt ko bago lumabas ng kubo at nagmamadaling bumalik sa kotse dahil sa malalim na titig ng Señorito.

Inilabas ko ang dati kong cellphone at dinial ang number ni Zendy kaso hindi naman ito sumasagot kaya tinext ko na lang ito na hindi ako makakasama sa kanila ngayon sa perya bago ko ulit ito ibinulsa.

Mula rito sa kotse ay nakanguso kong pinapanood si Señorito Primo habang nakikipag-usap ito sa mga engineer na parang pinapakita sa kaniya ang magiging kalalabasan ng pabrika ng alak.

Wala naman pala akong gagawin dito tapos sinama niya pa ako.

Naiisip ko tuloy ngayon ang mga mukha nina Zendy habang masayang tumataya sa mga palaro sa perya.

Sayang!

"Lady Bella?" Nangunot ang noo ko at kalaunan ay napangiti dahil tumigil ang motorsiklo ni Dario sa kabilang kalsada habang angkas nito sa likod si Arnold kaya bumaba ako sa kotse at lumapit sa kanila.

"Akala ko ba mag peperya tayo?"
Nakabusangot na tanong ni Arnold na akala mo ay hindi lisensyadong abogado. "Tsaka bakit ganiyan ang suot mo? Mag o-opisina ka ba?" Pinasadahan pa nang tingin ni Arnold kaya nahiya na naman ako dahil sa maiksing skirt na suot ko.

"Ang g-ganda mo Lady Bella. Bagay sa 'yo." Saad naman ni Dario na siniko naman ni Arnold. "Ba't naniniko ka? Hindi ka nga nagbigay ng pang gas 'e." Reklamo ni Dario kay Arnold bago ulit ito tumingin sa 'kin.

"Kinuha akong secretary ni Señorito Primo kaya baka hindi na ako madalas makakasama sa inyo simula ngayon," sagot ko at nakita ko ang pagkagulat sa mga mukha nila.

"Really?" Turan ni Arnold kaya tumango ako.

"Si Zendy? Nag-text ako sa kaniya na hindi na ako makakasama sa perya."

"Ano?" Sabay na bigkas nang dalawa.

"Sabi niya hindi ka niya makontak! Kaya pumunta kami sa mansion para hanapin ka at sinabi ni manang Carlotta na nandito ka." Naiiritang saad ni Arnold.

"Hindi. Tumawag ako kay Zendy kaso hindi ito sumasagot kaya tinext ko na lang siya." Paliwanag ko.

"Alam mo bang bumili na kami ng mga pagkain at iniwan namin sa bahay nila at sigurado ako ngayon na ubos na 'yon ng kapatid mo!" Singhal ni Dario kay Arnold.

Napailing na lang ako dahil nautakan na naman sila ni Zendy. Nag-vibrate ang isang cellphone na nasa shoulder bag ko kaya kinuha ko iyon at binuksan ang text.

"Andiamo?" (Let's go) Basa ko sa text

"Huh?" Titingnan ko na sana kung kanino galing ang text kaso inagaw na ni Arnold ang cellphone na bigay sa 'kin ni Señorito Primo.

"Wow! One of the most expensive mobile phone! Where did you get it? Limited na lang ito." Sinusuri ni Arnold ang bawat sulok ng cellphone.

"Bago na cellphone mo Lady Bella? Pahingi ako ng number mo." Inilabas na ni Dario ang kaniyang cellphone.

"Hindi akin 'yan." Mabilis na saad ko.

"Andiamo!" Matigas na boses mula sa likod.

"Señorito Primo." Sabay na yumukod ang dalawa habang ako ay hindi makatingin nang diretso sa Señorito dahil sa madilim ang mukha nito.

"Let's go." Mahinahon na sambit ni Señorito Primo pero puno nang awtoridad. Kinuha ko ang cellphone kay Arnold na nakatingin lang sa amin ni Señorito Primo.

"Bukas na lang tayo pumunta sa perya." Pang palubag loob ko sa dalawa pero naramdaman ko na lang ang paghawak ni Señorito Primo sa palapulsuhan ko at ang paghigit nito sa 'kin.

"Get in." Mabilis naman akong pumasok sa kotse at hindi ko alam kung bakit naikabit ko ang seatbelt sa akin dala nang matinding kaba at bilis na pagkabog ng dibdib.

Kumaway pa ako kina Arnold at Dario na hindi pa rin umaalis sa puwesto nila kanina bago kami umalis pero napatakip ako sa aking tainga dahil sa sobrang haba at lakas nang pagbusina ng kotse ni Señorito Primo kahit wala namang ibang sasakyan sa kalsada bukod sa kotse niya na mabilis ang takbo. Natigil lang ang pagbusina nang nasa malayong parte na kami kaya nakahinga na rin ako ng maluwag kahit papaano.

"Mangagabayo na lang ako sa susunod." Wala sa sarili kong sambit matapos maging normal ang takbo ng kotse.

"You can also ride motorcycle with your suitors. Tss." Nilingon ko si Señorito Primo na salubong ang mga kilay habang nakatingin sa daan. "Which of them?" Seryosong tanong nito.

"Huh? Aang alin?" Nangangapa ako sa sasabihin ko lalo pa't hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya.

"Nevermind." Mabilis na tugon ni Señorito Primo kaya natahimik na lang din ako.

"Ibinigay mo ba phone number mo?" Tanong ni Señorito Primo matapos ang ilang sandaling katahimikan.

"Hindi. Sabi mo ikaw lang ang i-tetext at tatawagan ko." Kahit umuurong ang dila ko ay pinilit ko pa ring sumagot ng maayos.

"Good," aniya at napansin ko ang pag-angat ng sulok ng labi nito.
"We're going to Manila tomorrow." Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Señorito Primo. "For some meetings and events." Dagdag aniya. Ako itong secretary niya pero siya itong nagrereport sa 'kin.

"Hindi pa ako sanay sa mga ganiyan. Sigurado ka na isasama mo talaga ako? Wala pa akong nagagawa bilang secretary mo."
Nahihiya kong sambit dito dahil totoo naman.

"Yeah. Don't worry. I'll take care of you." Napakurap-kurap pa ako bago tumingin sa side mirror ng kotse at pakalmahin ang nagwawala ko na namang puso.
"We will stay there for one week, I guess."

"May bahay kayo do'n?" Biglaang tanong ko dahil wala namang nabanggit sa 'kin si Señor Freigo o nanay Carlotta. Umiling naman agad ang Señorito bago ito sumagot.

"We will stay at hotel," aniya.

"Hotel?" Pag-uulit ko. Wala pa ako ni kahit isang hotel na napapasukan sa buong buhay ko.

"Excited?" Mahihimigan ang natutuwang tono sa boses ng Señorito kaya umiling ako kahit totoo naman. "First time?" Tanong muli ni Señorito Primo habang nagmamaneho ito.

"Sa Manila, hindi. Pero sa hotel, oo." Pag-amin ko.

"Good. Believe me, every first time was unforgettable. Come quando la prima volta che ti ho visto." (Like when the first time that I meet you) Nakangiting sambit ni Señorito Primo na para bang may naalala.

Napangiwi ako dahil sa huling sinabi ni Señorito Primo na hindi ko naman naintindihan kaya tumingala na lang ako sa langit para pagmasdan ang kulay kahel na kalangitan tanda na papalubog na ang haring araw.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 18.7K 41
Dice and Madisson
17.5K 683 39
"It runs in the blood." That's the reason why Zefania Valencia grew up as an obese girl. Because her family has a history of obesity. But what makes...
2K 60 8
Ang kuwentong ito ay patungkol sa pagmamahalan ng dalawang kabataan. Si Lara ay kinse anyos, at isa sa mga estudyanteng matalino sa klase't consisten...