My FIRST EVER GIRL (COMPLETED...

By EEFYOU

359 214 5

Note: The story is unedited. "The saddest story i've ever read is the unfinished story of us" John Stephen... More

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue
A/N

Chapter 1

35 13 0
By EEFYOU

"Hoy! Mukha mo?.. "  Tinapik ako ni Jad sa balikat.

Nandito kami ngayon sa field. May mga bench naman dito pero mas pinili namin sa may damuhan maupo. Masilong kasi dito dahil sa mga puno lalo na itong puno ng manga sa harap namin.

May mga estudyante na dumadaan pero pag nakikita na kami ay umaatras sila at hindi na tumutuloy. Takot sila saamin Ang kapal nila matakot sa gwapong katulad ko. (Smirked)

Ako lang dahil ako lang naman ang pinaka-gwapo sa'ming lahat.

"Pogi syempre,."
Taas noong sagot ko kay Jad na isa sa mga kaibigan ko.

Actually, lima kami sa barkada. Si Jad, Amed, Jergo, Ern at syempre ang pinaka gwapo sa aming lima. Walang iba kundi Si Stephen!..at ako iyon.. I'm so proud of myself. Siguro pati parents ko proud sa'kin kasi may gwapo silang anak.

Kung pag tatabihin kaming limang mag babarkada ay talagang lumalamang ang kagandahan ng pagka lalaki ko. 

Hindi ako nag yayabang nagsasabi lang ako ng totoo.  Sabi nga ni Mommy sa'kin nung bata pa ako masama ang magsinungaling kaya alam mo na..Honest ako.

Ako ang lalaking pinapangarap ng kababaihan. Iyong lalaki na gwapo at mayaman. Kaya marami ang nahuhumaling saakin dahil sa kagwapohan ko. Ewan ko ha! Pero natural na sa'kin ang pagiging ganito.

Ang pagiging gwapo. Smirked.

Sadyang bulag lang talaga ang mga kaibigan ko.

"Ulol!.. "  Sabay sabay na sabi ng mga kumag kong kaibigan. What do i expect e, mga bulag nga sila.  

Mga epal kasi ang mga 'yan sa buhay ko. Wala silang ginawang tama. Ginulo nila ang buhay ko na gulo gulo na talaga noon pa. Minsan iniisip ko bakit kaya sila ang naging kaibigan ko?  Bakit kaya hindi ako binigyan ni Lord ng matitinong mga kaibigan? Puro kumag ang binagsak sa'kin ang papanget pa. Gusto ko nalang tuloy sa mars tumira.

Natatawa nalang ako sa mga iniisip ko. Literal na mabubugbog ako kung naririnig nila ako ngayon.  Ayaw na ayaw kasi ng mga 'yan na sinasabihan ng panget nagagalit sila. Nakakatawa.. Nagagalit sila sa katotohanan.

Hindi nila tanggap. 

"Ang tanga mo kasi magtanong, Dude!.. Obvious na nga ang sagot  nagtatanong ka pa. Ulol kaba, huh?. " Ngumisi ako sa kaniya ng nakakaloko.

Pero sa totoo lang. Sila ang mga kaibigan na gusto kung makasama sa lahat. Hindi sila 'yong kaibigan na lumalamang para lang makataas. Dahil sila iyong mga kaibigan na sasamahan at hihilahin ka pataas. Patas ang gusto para sa lahat. Walang lamangan.

Iyon ang tunay na pagkakaibigan para sa'kin. Mahirap humanap ng kaibigan na ganito kaya malaki parin ang pasasalamat ko sa panginoon na may mga kaibigan akong kagaya nila. One of the greatest gift that i received from him.

Kung kanina nilalait lait ko sila sa isipan ko ngayon nag papasalamat na ako kasi sila naging kaibigan ko. Pero hindi parin talaga mawala sa'kin na laitin sila e. Ang pa-panget kasi talaga nila at ang pa-panget ulit kasi talaga nila. Gulo ba? Kidding a side.. Sila 'yong kaibigan na hihihilingin mo sa lahat. Mga kaibigan na dadamayan at sasamahan ka sa lahat.

I always wanted to have someone na makakasama ko sa lahat. Maaring sila na nga 'yon. Corny pero mahal ko ang mga kumag na 'yan. Wala kasi akong kapatid na karamay ko sa lahat. But i'm happy because i have friends na sigurado akong makakasama ko sa kalokohan at sa rambulan.

Wala man kaming nagagawang tama atleast masaya kami sa kong anong meron sa'min. Enjoy lang namin ang takbo ng buhay. Ganun lang naman iyon e. Go with the flow. That's life. Wag na wag mong hahayaan na napag iiwanan ka lalo kung meron namang mga taong handang umusad kasama ka.

"Panget ka bobo!. "  Sabat ni Amed sa'kin na isa ring kumag.

Makabobo siya puro nga 'yan 2/50 lagi sa mga quiz. Ang nakakatawa pa sa bunos lang siya tumatama.

Tsk. tsk. Nakakaawang nilalang.

Umiling ako. "Bobo? Tinatawag mo na naman 'yang sarili mo," Pasaring ko at ngumisi. 

Inambahan niya ako ng suntok kaya tumayo ako at umamba rin sakaniya. Ganito naman lagi bonding namin- suntukan. Kung kakasa siya syempre kakasa din ako. Hindi naman pwede na tatamaan niya na lang basta basta 'tong gwapo kong mukha. 

Natawa ako sa mukha niya. Mapula ito na parang kamatis. Palibhasa sa kaniya affected siya kaya ganiyan.

"Bobo ka naman talaga amin-amin din kasi." Tumawa kami ng malakas nang sumabat si Ern. Naging dahilan naman iyon ng lalong pag pula ni Amed dahil sa inis.

Siniringan ni Amed si Ern at binato ng lapis. Hindi siya nakailag kaya sapol ang mukha nito. Halos sumakit ang tiyan ko kakatawa.

"Ulol!" Pagsigaw ni Amed kay Ern na nakahawak sa ulo niyang na 3points shot. Sakit siguro nun. 

" Ulol 'yang bunga-nga mo nga  amoy toilet bowl . " Ani ni Ern na tatawa tawa pero hawak parin ang kaniyang ulo.

"Bobo! Ano 'yon cr sa mangkok? " Walang pakundangang sabi ni Amed na sinabayan pa niya ng malakas na pagtawa.

Hindi naman kami nakisabay sa kaniya. Nag pipigil nga ako ng tawa dahil sa sinabi niya. Nakakahiya naman itong kaibigan ko na ito.  Pinapatunayan lang talaga niya ang kawalan ng kaniyang  isip.

Mangkok nga naman daw kasi 'yon. Mangkok sa cr... Jusko!  Bahala siya sa buhay niya. Dadagdag pa ito sa aalalahanin ko.

Sa magkakaibigan talaga hindi mawawala 'yong bobo.. Kaawa awang nilalang. Tsk. Tsk. Tsk.

Sarap niyang ibugaw sa mars.

"Kita mo na bobo talaga!.. Toilet bowl, sa cr 'yon. Mag aral ka nga, Amed. Puro kasi babae nasa utak mo e kaya ka ganiyan!" Umiling si Ern at lumapit sa tabi ko kaya umusog ako. Kung bakit naman kasi tatabi pa 'yong sobrang dikit pa saakin. Ang daming pwede niyang pag upuan dito, oh.

Tumingin si Amed kay Jad na tawa ng tawa.
"Makatawa ka diyan bobo ka rin naman!." Singhal niya na halos ikawala ko na rin ng kaniyang hininga dahil sa sobrang pagkainis.

Pakalaban din talaga ito e.. Hindi hindi rin talaga siya papatalo.

"Gago ka! Nanahimik na nga ako dito, "  Umiling si Jad at humalukipkip.

Patay malisya naman ang isang ito.

"Kita mo 'yan?. "
Tinuro ni Amed si Jad na pinagtaasan lang siya ng kilay.

"Hindi lang ako ang bobo dito."
Proud na proud pa niyang sabi. Nandamay pa si gago.

Masayang masaya siyang pinagtaasan kami isa isa ng kilay. Akala mo naman sobrang galing na niya kasi may nahanap na siyang mas bobo sakaniya.

"Para sabihin ko sayo mas mataas parin ako sayo sa mga quiz.. "
Kalmadong ani ni Jad.

"Alin ng isang puntos?. " Tumawa ng malakas si Amed.

Mahugutan ka sana ng hininga. Sayang saya siya e. Sana all.

"At least mas mataas parin, ikaw nga diyan sa bunos nalang umaasa e,"
Ani ni Jad na umiiling pa.

"Oh, 'di bobo na.."
Nakangiwing pag amin niya. Aba! naman tinanggap na niya.

Grabe! I'm so proud! Gusto ko tuloy mag pa fiesta ngayon.

"Luh, gago! Inamin"

Nagtawanan kami. 

Tinapik ni Ern ang balikat ni Amed. 

"Congrats natanggap mo na. Hindi mo alam kong gaano kami ka proud sayo ngayon, " Ma luha luhang ani Ern. Nagpupunas pa kunwari ito sa kaniyang luha.

" Shet, dude. Proud daddy here! " Humagalpak kami ng tawa dahil sa mga kalukohan nila.

Hindi talaga matatapos ang araw na hindi kami tumatawa.

"Pinaka bobo man,  pinaka gwapo naman." Ngumiti siya ng sobrang laki kaya natigil kaming lahat sa pagtawa.

Parang nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya. Mukhang nababaliw na siya.

"Hoy!Sa ating lahat ako ang pinaka gwapo." Pagyayabang ko dahil totoo naman.

"Ewan ko sayo,".Sabat ni Ern.

Humalukipkip si Jergo na kanina pa hindi sumasabat at nakikitawa lang. Habang si Amed ay pinagtaasan ako ng kilay, ganoon din si Jad at ang kumag na si Ern ay pinagtaasan ako ng gitnang daliri niya.

Bastos siya, ah.

"Baliw na ata. "  Sabat na ni Jergo na nginiwian ako.

Big deal sa'min kung sino ang pinakagwapo. Kung pataasan lang ng kumpyansa sa sarili lalaban kaming lima. Dahil talagang hindi kami papatalo. Sino ba naman ang hindi? Sabihan ka ng panget? Papayag kaba? Syempre hindi, no!

" Lakas ng tama mo Dude!. "Sinabayan pa nila 'to ng malakas na tawanan.

Kita mo na! Sa'kin napunta ang sisi. Si Amed kani-kanina lang 'yong nag pupumilit na pinakagwapo. Tapos ngayong ako na ay kokontra silang lahat.

Unfair! 

"Mga tarantado kayo, "  Sabi ko sa kanila ngunit tinawanan lang nila ako.

Nagpagpag ako ng pants ko at tumayo nalang. Napatingin ako sa apat kong mga kaibigan nang matigil sila. Para silang dinikitan nang glue sa paa nang tumayo ako. Nang pinagtaasan ko sila ng kilay dahil ang weird nila ay nagsi-unahan sila sa pagtakbo.
Akala mo mga kriminal na huhulihin dahil nagkasala.

Kita mo nga naman ang mga 'yon. Takot naman pala. Napailing nalang ako sa katarantadohan nila. 

"Delikado tayo,"

"Ang bagal mo tumakbo! Jergo!"

"Tarantado! Hawak hawak mo ang kamay ko!"

"Kita nalang tayo sa room! " Sigaw nila at kinawayan ako. 

Para namang ikakamatay nila pag naabutan ko sila. Loko-loko talaga mga 'yon. Feeling matapang takot naman pala 

"MGA DUWAG! sigaw ko sa kanila habang natatawa.  

Nag pamulsa ako at sinabit sa kaliwa kung braso ang bag ko. Habang naglalakad ako sa koridor ay ang dami ko na namang naririnig na satsat galing sa paligid.

Sila 'yong mga bangaw na salita ng salita wala namang ibubuga. Iyong mga utak talangka na puro tsismis ang laman ng utak.

"Pogi sana kaso nakakatakot, "

Pogi lang hindi nakakatakot. Tsk.

"Oo!  inaaway nga niyan kahit mga babae,"

Tsk. Ang bakla naman ng inaaway. Isa pa ay wag siyang mag alala dahil hindi ko siya papatulan. Hindi siya mukhang babae sa paningin ko, e.

"Hoy! Mga bunganga niyo baka marinig tayo," Sita ng isa sa kanila.

Nahiya naman kasi ang tenga ko sa lakas ng pagbubulungan nila. Nakakarindi sa pandinig.

Hinarap ko sila at isa-isang tinignan. Sabay sabay pa silang napasinghap dahil sa gulat. Tignan mo nga naman ang mga ito. Ang tatapang kumuda, wala naman pala.

"Kung pag uusapan niyo ako. Siguradohin niyong hindi ko naririnig. Baka hindi ako makapagtimpi at hindi ko kayo matantiya". Mariin kong sabi.

"T-tara na baka mapano tayo diyan, " Nanginginig ang labi nung babae na nagsalita kaya napangisi nalang ako.

Hinatak niya ang mga kasama niya bago sila nag madaling tumakbo.

Ang lalakas magsalita wala naman pala.

"Tsk! ". Umiling nalang ako at pinagpatuloy ang paglalakad.

------------   💤  --------------

Continue Reading

You'll Also Like

54.2K 1.2K 23
Alessia is a 14 year old girl, her whole life she has been protecting her little brother, but one day their mother gets killed and they have to live...
165K 1K 31
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...
15.6K 477 16
Alaz, usulca elini yanında uyuyan Asi'nin karnına doğru indirdi avucunda hissettiği sertlik ve şişlik harici hareketliği sonucu canı sıkıldı, çok sık...
3.8M 88.5K 141
Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous School in her grandmother's pr...