♥♡♥♡♥
SOFIA'S POV
"Ma, where are you going?" Tanong ni Summer
"I'm going to work baby." Sabi ko sakanya
"Can I come?"
"No baby. Next time if I don't have work. Tita Ali and Art will take care of you." Summer kissed my cheeks.
"Be back ma. Make ingat. Please buy me donuts." Kaya naman pala naglalambing kasi may ipapabili.
"Sure baby. You can sleep again. It's too early."
"Yes ma."
Sinuot ko na ang Prada shoes ko. At nagsuklay. Yesterday was just a normal day. And today, may meeting ako. May bubuksan akong bagong branch sa Grand Mall na botique. And tomorrow is the opening.
"Ali, kayo na bahala dito ha?"
"Oo. Safe sila samin."
"Yes gerl! Saka pasalubong din namin ha!?"
"Gaging bakla! Ano ka? Bata? Hala sige humayo ka na ateng. Ingat." Hindi ko na pala kailangang kumuha ng yaya. Kina Ali eh solved na. Libre pa. Pakakainin mo lang, ayos na.
Nagdrive na ako papunta sa mall. Good thing medyo maaga pa kaya naka pag retouch muna ako. I sat on the chair. Andito na rin yung boards. Pero mukhang may kulang pa. Naghihintay pa rin sila eh.
"Sino pa po ba ang hinihintay?" Tanong ko sa katabi ko.
"Yung anak ng CEO. Siya raw yung mag-memeet satin ma'am."
"Oh, thanks."
Paimportante naman yon! Ang usapan eh 8 sharp. 8:15 na eh.
Nagbukas ang pinto at iniluwa nito ang isang gwapong lalaki-- teka! Omg! Is that Jinray?! Crap!
Juice colored! Lupa lamunin mo na ako. Hindi pa ako ready na makita siya!
So tama ang hinala ko. Siya nga ang Ray na nakilala ng mga anak ko.
Act as normal Sofia! Be professional!
Nagsimula na ang meeting at alam kong nakikita nya ako. At sa ngayon ang nagsasalita ay ang secretary ko. Nako naman! Ba't ba ayaw nyang alisin ang tingin nya sakin? Nagagandahan ba siya sakin? Ganun pa rin ba ang tama nya sakin? Assuming mo Sopeng a! Baka grabe yung galit nya sakin! Nu ba yan!
"So miss? Carbonel?" Nakatingin pa rin siya saakin.
"Yes miss." Idiniin ko yung word na miss.
"How many years are you in the fashion industry?" Sofia! Be professional! Wag kang paapekto sa mga tingin niyang kulang na lang ay patayin ka!
"2 years and 5 months to be exact, sir." Emphasizing the sir made him smirk. Okay. Kinikilabutan ako. Ts. Jinray umayos ka!
"Where did you start your business?" Woah. Sasabhin ko bang nagpunta ako ng Cali? Hay nako. This is just for business!
"California, sir."
"Oh, I see. So do you mind signing the contract? If you don't mind, you can read it before signing."
Binasa ko yung kontrata. Wala namang ibang anomalya. Lahat naman tungkol sa business. May 2 years renewal pang nalalaman pero okay lang naman.
"Baka magback out ka kasi eh." So what does he want to point out!? Ts.
I signed it.
"So I think the meeting is done. Thank you." Sabi ni Ray. Maybe I should be calling him Sir Ray. Kasi mas nakakataas na sya saakin.
"Tsk." Nakakainis talaga ang mga tingin niya.
"Bakit ma'am? Pansin ko po kanina pa kayo tinitingnan ni Sir Ray." Puna ng sekretarya ko, si Lisa.
"Aba ewan ko sakanya. Hayaan mo. Nagagandahan yan sakin!" May halong inis sa pagkakasabi ko nun.
"Si ma'am talaga." Ay? Ayaw maniwala ni Lisa? Bahala siya. E patay na patay yun sakin dati eh. Dati.
Nagugutom na ako. Hindi pala ako nagbreakfast ngayon. Nagpunta ako ng KFC para magbreakfast.
I was about to eat the chicken when this annoying man interrupted me.
"So kamusta?"
Like you care. Naiwan mo yata yung pake mo e. Ba't ba ang bitter ko? Hindi naman ako nakain ng ampalaya! Allergic ako dun.
"I'm fine, sir." Kumain na lang ako. I dont mind him.
"How are you with art? I saw him the other day."
"We're okay. Yeah he told me." Hindi ba sya nakakaramdam ng awkwardness!? Juice colored flavored juice!!
"Oh. I heard you have your Babe. Is that Art?" Wala ba tong hiya sa katawan nya? Ano bang babe ang pinagsasasabi nito? At may lakas ng loob pa talaga syang magtanong ng mga ganyang bagay. Oo-o na lang nga ako.
"Uh maybe. I'm done. I need to go somewhere. Nice meeting you, again."
"Yeah nice meeting you again, Elaine." I stopped there. Elaine? He used to call me Elaine when we were together but now, it's just Sofia or Pia. Back to your senses, Sofia!
I managed not to look at him and go straight to my car.
Unti unting nagprocess ang mga tanong nya? Babe ko si Art?
Omg! Baka iniisip nya na iniwan ko siya dahil kay Art. I heard that time na sinabi ni Jigs na kasama kong umalis ng bansa si Art at sumunod si Alina. Hay nako wrong informations.
Papaalis na sana ako ng matandaan ko yung donut ni Summer. Bumaba ulit ako at pumasok sa mall. Sa Dunkin Donuts nalang ako bumili. Isang box na para hati sila ni Rain and for sure makiki hati rin sina Ali at Art dun.
RAY'S POV
URGH! Wala ka na bang hiya sa katawan Jinray!? Bat mo yun natanong sakanya? And why did you call her Elaine? Ganun ka na ba katanga? Haaays!
Umakyat ako sa opisina ni Dad. Wala ngayon si Dad kaya ako ang boss.
"Pakidalhan naman ako ng kape." Utos ko sa isa sa mga empleyado ko.
Naupo ako sa swivel chair at nag isip isip.
Kanina halos ayaw kong mawala ang tingin ko sakanya. Ang ganda nya pa rin kahit 5 years syang nawala. Walang nagbago. Pero aaminin ko nagseselos ako kay Art. Ako dapat ang nasa posisyon niya ngayon!
Pero kasalanan ko naman to. But still no! Hindi ko ibababa ang pride ko. Pareho lang kami may kasalanan dito. Pinagpalit nya ako kay Art at iniwan. Bahala siya.
"Sir eto na po." Pinaalis ko na yung babae.
Hindi ko na alam ang gagawin ko! Nakita ko yung jelly ace sa garapon ni Dad. When I was a kid lagi nya akong bininili ng ganto kaya naging favorite ko na rin ito. Naalala ko tuloy yung kambal. Kamusta na kaya yon? Makikita ko pa kaya sila? Sana..
Bukas ang opening ng Sofia's. Act as normal Jinray! Be yourself. Yung dating ikaw. Ipakita mo na you're not affected!
Palabas na ko sa parking lot nang makita ko si Sofia na papasok sa kotse niya. Hmmm. Okay stalker na kung stalker pero gwapo akong stalker!
Sinundan ko siya kung saan sya pupunta. Pumasok yung kotse nya sa parking lot ng Diamond Hotel. Sosyal ha nakadiamond hotel. Ang mahal kaya diyan! Pero afford ko naman diyan.
Hindi ko na siya sinundan sa pagpasok. I'm not desperate. Inalam ko lang kung saan siya nakatira.
Someday magkikita kita ulit tayo. Ikaw, Ako at si Art, mo.
To be continued...