Tortured Genius

By jmaginary

16.1K 1K 765

Eindreid, a misfit who secured a spot at the prestigious University of Tallis, finds her perception of nerds... More

Warning
Trailer
Outlier
Is it alright to have sex with animals?
Real-Self Image VS Social Image
Miracle
In Denial
Rejection
Self-Love
Chapter 7: Will to live
Chapter 8: Bewildered
Chapter 9: Jack Of All Trades
Chapter 10: Secrets
Chapter 11: Self-Discovery
Chapter 12: Say "No"
Special Chapter: A Miracle of Miracle
Chapter 13: DSPC
Chapter 14: Self-harm
Chapter 15: Words Unsaid
Chapter 17: What is Home?
Chapter 18: Touched by Wonder
Chapter 19: Anxious Heart
Chapter 20: The Promise
Chapter 21: History Repeats Itself
Epilogue
Frequently Asked Questions (FAQ)
Chord's Memoire

Chapter 16: News Writing

131 16 0
By jmaginary

EINDREID

"Ang init." reklamo ni Chord. Nakabusangot ito at mapupunghay ang mga bilugang mga mata. Tinignan niya ako sa gilid ng kaniyang mga mata.

"Ikaw ba? Halos tatlong oras tiniis nating byahe dahil saktong tanghaling tapat at traffic tapos pagdating naman dito, wala pa naman halos mga kagrupo natin. Buti pa ibang school andito na para sa cliniquing." saad niya habang sinesenyas ang paligid. Sinundan ko sandali ang tinuturo niya at napatango nang ilang beses. Napangiti ako nang tipid.

"Well, I think Sir Lucho will at least be impressed with our punctuality." I suggested. She furrowed her eyebrows more and then smirked. Lumabas nang kaunti 'yung dimples niya.

"Wala rin siya rito, beks. Have you forgotten why he doesn't have 7 to 9 am classes? It's because his always late!" bulalas niya at umupo sa unang row. Nasa auditorium kasi kami ngayon at nakahilera ang mga upuan by rows. 5 by 8 ang hatian. Two sets.

"You know what beks," pagsisimuli ni Chord habang nakasandal sa upuan at nakatiklop ang mga kamay sa dibdib, "Masama pakiramdam ko ngayong araw."

"Bakit naman?" tanong ko. Lumingon siya sa akin at bumuga ng hangin.

"You remember our video editor, right?" she asked. Tumango ako.

"Yes, he's Donny." tugon ko. Napailing-iling siya at natatawa, Kumunot ang noo ko? Bakit siya tumatawa?

"Pinalagpas kita nung nakaraan kasi badtrip talaga ako pero ngayon, since I'm in my neutral mood, I'm going to correct you." saad niya. Mas lalo lang akong nagtaka.

"Bakit? Anong ginawa ko?" tanong ko.

"His name is Danny, not Donny." tumatawa niyang saad at binangga ang braso ko ng braso niya, "Well, ano nga bang bago? Pangalan nga ni Jane nagiging Janina sa'yo."

Napatawa nalang ako., "My bad. I just don't know why my mind doesn't register their names right."

"Yeah, Sherlock Holmes, I know." pagbibiro niya. This time, ako naman ang humampas ng braso niya.

"Hey! I want to think myself as a Watson. I love codes you know." pagsakay ko sa pagbibiro niya. Napairap siya nang maloko.

"Yeah, like 143?" pang-aasar niya pa. Hinampas ko nalang ulit siya sa braso habang tumatawa.

"Lakas talaga ng toyo mo, Chord." saad ko. Tumigil siya bigla sa pagtawa at tinitigan ako nang may ngisi sa kaniyang mga labi. Napatigil din tuloy ako. Ano na naman kayang iniisip ng babaeng 'to?

"At least 'yung pangalan ko, natatandaan mo." mahina niyang saad. Tinitigan ko direkta ang mga mata niya at napangiti ako. She looks so sincere and genuinely happy at the moment. Don't tell me she's really impressed that I remember her name all the time?

I shrugged my shoulders, "Well, isang syllable lang naman and I think it suits your personality. You know, you love music." saad ko ipinagkrus ang mga binto ko. Ipinatong ko ang baba ko sa aking palad at humalumbaba sa harapan niya.

"And just like a chord, you are different in many ways." makahulugan kong saad. Napatawa siya na parang hindi naging komportable sa sinabi ko. Napaayos din siya sa upo at ipinatong ang dalawang kamay niya sa hita niya.

"Hindi ko alam kung compliment 'yan o insulto. That shit hits me really hard." nakangiti niya paring saad. Nagkibit balikat nalang din ako at sumandal ulit sa upuan ko.

"Going back," saad ko, "Ano nga ulit 'yung sasabihin mo tungkol kay Donny?" tanong ko.

"Danny." pag-correct niya sa akin. Tumango nalang din ako, "Yes. What about him?"

"Well," saad niya at bumuga ulit ng hangin, "Ang magte-training sa atin ngayong cliniquing ay walang iba kung hindi 'yung Samuel. Isa sa mga leader ng tanyag na journalism and filming group dito sa Calamba."

"Kilala ko nga 'yon. Nainis din si Sir Ron dati doon kasi bias e." saad ko. Tumango-tango siya.

"Yes. Sila-sila ng mga taong 'yon ang dahilan kung bakit luto lagi ang laban at nanalo lagi ang east." saad niya at lumingon sa akin, "Joke lang."

"Okay lang." saad ko. Hindi naman niya kasing i-hold back ang mga opinyon niya. I can actually relate.

"Kahit kasi sabihin nating walang lutuang naganap, hindi hamak na mas may budget ang East pagdating sa Campus Journalism kaysa sa ating mga nasa West dati." saad ko. Chord scoffed and said, "And now we're part of the East team."

Umiling siya, "Anyways, si Samuel ang magte-training sa atin ngayon at parte ng journalism and filming group niya si Danny. They are so close." she sarcastically said. Umirap pa siya.

"Who knows when will I be kicked out of this team just because Danny and I hate each other." saad niya. Inabot ko ang balikat niya.

"Hey, don't think like that. Be positive, beks." pag-aalo ko nalang. Tumango-tango nalang siya at hindi na tumugon. Malaking bagay ito sa kaniya, maging sa akin, dahil nasa stage na kami ng cliniquing bago mag Regional School Press Conference (RSPC). at parehas kaming ngayon lang nakaranas nito ngayong high school life namin. Subalit, hindi ako sigurado kung maaring maging totoo ang mga sinasabi ni Chord. Parehas kaming champion ng scripwriting sa buong Calamba. Sino namang papalit sa amin pag nagkataon? Second place? That sounds so absurd.

At tsaka isa pa, kung gusto talaga ng Calamba manalo, full package na 'tong katabi ko. Malaking pagkakamali pa nila na pakawalan siya.

"Shit." bulalas ni Chord habang nakatingin sa malayo. Sinundan ko ang tingin nito at nakita ko ang mga kagrupo niyang kapapasok palang ng Auditorium. Lahat sila magkakasama na para bang nag-usap sila na ganitong oras dumating. Lumingon ako kay Chord at napansin kong wala na ang sigla sa mga mata niya.

Hindi ko alam kung anong mas malungkot na sitwasyon sa aming dalawa. Ako ba na walang nanalong mga kagrupo nung DSPC kaya mag-isa ako ngayon, o siya na kumpleto ang mga kagrupo ngayong cliniquing pero pinaparamdam siya na hindi siya belong?

"Good morning."

Napatingin ako sa harapan nang biglang may umugong na boses sa speakers. Nakita ko agad ang taong magte-training sa amin ngayong cliniquing. Lalaking may mala-brown na buhok na nakatirik, singkit na mga mata, at bahagyang nakausling mga labi. Nakasuot siya ng polo, jeans, and leather shoes. Tindig at pagbati niya palang halatang reporter na talaga.

Walang iba kung hindi si Sir Saruel.

"Beks, Samuel ang pangalan ha." pagpapaalala ni Chord na para bang binasa ang isip ko. Tumango nalang ako.

Okay.

"So we got the whole day to administer this training and I know.."

"Ugh can he just go straight to the point?" bored na saad ni Chord. Napangiti nalang ako sa inasta niya. Hindi naman siya mali.

"Can you hear me there from the back? Do my words sound gibberish or.."

"Come on, stop doing those fillers." nakairap na saad ni Chord. Init ng ulo ng beks ko ngayon.

"First things first," saad ni Sir Samuel. Suminghal naman 'tong katabi ko.

"You will not be working with you teams today. I'll be grouping you with other schools in this training." saad ni Sir Samuel at nagsimula nang magturo, "Letran's anchors will be swapped with with Kapayapaan and then.."

"Finally." saad ni Chord. Napailing-iling nalang ako.

"Yeah." tugon ko at lumingon ulit sa harapan. Nagsisitayuan na 'yung mga tinatawag na at pumunta sa mga kagrupo nila.

"....And University of Tallis will be swapping their scriptwriters and infomercials with Calsci. Both English and Filipino teams."

Nung narinig na namin ang anunsyo ay parehas na kaming nagpaalam ni Chord sa isa't-isa. Sinalubong naman ako ng mga kagrupo ko sa training na 'to. Nagsimula silang magpakilala at ganun din ako. Hindi na ako nagtabuling pakinggan pa ang introductions nila at hindi ko rin naman matatandaan mga pangalan nila. Just knowing their roles in TV Broadcasting is enough. At least, hindi ako malilito kung sino ang anchors, field reporters, infomercial, and editor.

"Nakapunta na ba lahat sa groups?" tanong ni Sir Samuel. May ilang sumagot sa kaniya at tumango-tango naman siya.

"General muna tayo ngayon. Since nasa contest tayo ng TV Broadcasting, hindi dapat ang scriptwriter lang ang nagsusulat ng mga balita ninyo. Dapat pati mga anchors, field reporters, infomercials, at editors marunong din. In short, dapat ang isang team marunong lahat magsulat ng balita at ng headlines." pagpapaliwanag ni Sir Samuel.

"So ang una nating gagawin ngayon ay gumawa ng balita. Gusto kong malaman kung anong klaseng mga balita ang ipe-present niyo sa akin. Nakatungtong kayo sa stage na 'to ng kumpetisyon kaya inaasahan kong marunong kayong gumawa. Baka kasi 'yung iba sa inyo, nakatsambang lang o kaya umasa lang sa scriptwriter." saad niya at may tinitigan na isang binatilyo sa isang grupo. Inirapan niya ito habang 'yung binatilyo naman ay nakita kong napakamot ng batok habang nakangiti.

"Ang topic natin for today ay 'yung bagyong Nigel. Report the casualties of the said typhoon. I'll give you 30 minutes to accomplish this. I want your reports to be printed as you submit them to me. Please refrain from making any grammatical errors. I don't like reading them. Always remember, KISS. Keep It Short and Simple." saad niya.

Pagkatapos pa ng ilang paalala, lumabas na kami ng Auditorium kasama ng mga kagrupo ko.

"Ate," tawag sa akin ng isang babaeng may maikling buhok, "Scriptwriter ka po diba?" tanong niya. Tumango ako. Napangiti naman siya.

"Ano po kasi, hindi po ako gano'n ka-confident sa paggawa ko ng news dahil lagi pong scriptwriter namin ang sumisipat kung tama. Pwede po kayang pa-consult ako mamaya?" tanong nito.

"Sure. No problem." nakangiti kong tugon dito. Lumiwanag bigla ang mukha niya at nauna na sa aking maglakad palabas. Ipinasok ko ang mga kamay ko sa aking bulsa at naglakad patungo sa pinakamalapit na computer shop. Buti nalang at may meal allowance kami rito sa training na isang daan. Mabawasan ko muna para makapag-research ng facts tungkol sa bagyo na 'yon.

Nang makarating ako sa comshop na malapit ay wala na akong inaksayang oras pa. Nag-open ako ng napakaraming tabs. Youtube, google, inquirer, anything I can get. Nagsimula narin naman akong magtipa sa keyboard nang matapos kong makapanuod at makapagbasa tungkol sa bagyo. Subalit, napatigil ako nang basahin ko ulit ang report.

Narinig ko ang boses ni Sir Samuel sa utak ko.

"Ang topic natin for today ay 'yung bagyong Nigel. Report the casualties of the said typhoon."

My report is not about casualties at all. I'm just informing the public of the magnitude of the typhoon and its tendency to cause casualties in the future. Kumunot ang noo ko at naghanap pa ng mga facts sa internet. Nanlumo ako nang makitang wala akong mahanap na casualties na report sa GMA, ABS-CBN, o kahit na sa CNN. Napasandal ako sa upuan ko.

"Ano 'to? Mag-iimbento ako?" bulong ko sa hangin.

Matapos ng ilang pabalik-balik sa mga sites at videos, nakagawa rin naman ako ng report kalaunan gamit ang mga munting facts na nakuha ko rito. Dali-dali ko itong pinapa-print sa nagbabantay ng comshop at bumalik na sa Auditorium. Sinipat ko ang relo ko.

"5 minutes early." saad ko pagkapasok ko. Pag-angat ko ng aking paningin ay nagsisimula nang magbasa si Sir Samuel sa isang bangko ng mga papel habang may mga nakaupo na sa harapan niya Napalunok ako at pumunta sa gawi nila. Tumabi ako roon sa babaeng taga-Calsci na may maikling buhok na tinanong ako kanina at pinakita muna niya sa akin ang report. Since pang TV Broadcasting ang balita namin, maikli lang ito basahin pero detalyado. Nag-thumbs naman ako sa kaniya at parehas na naming sinumite ang mga gawa namin.

###

TWO UPDATES 'TO. MEDYO MASAKIT NEXT CHAP.

THANK YOU FOR READING! 

SHAMELESS PLUG (all links in my profile)

Facebook: Chris Rolfe
Twitter: chrstnmrvc
Dreame: Chris Rolfe
Email: chrstnmrvc04@gmail.com

Continue Reading

You'll Also Like

801 170 52
[BTS FF | Oneshots] Mga guwapo nga, puro hugotero naman. Walang ibang alam kun'di ang humugot, eh mga wala namang lovelife. In short, mga nganga pagd...
1.2M 14.8K 90
This story is under editing process. I wrote this when I was 14 or 15 years old so forgive my "kajejehang" type of writing and plot. Thank you. READ...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
17M 234K 103
I hope this book may help us to know more tips and secret facts here on earth. Lahat naman po tayo ay gustong mapadali ang mga gawain o di kaya ay gu...