Tortured Genius

By jmaginary

16.1K 1K 765

Eindreid, a misfit who secured a spot at the prestigious University of Tallis, finds her perception of nerds... More

Warning
Trailer
Outlier
Is it alright to have sex with animals?
Real-Self Image VS Social Image
Miracle
In Denial
Rejection
Self-Love
Chapter 7: Will to live
Chapter 8: Bewildered
Chapter 9: Jack Of All Trades
Chapter 10: Secrets
Chapter 11: Self-Discovery
Chapter 12: Say "No"
Special Chapter: A Miracle of Miracle
Chapter 13: DSPC
Chapter 14: Self-harm
Chapter 16: News Writing
Chapter 17: What is Home?
Chapter 18: Touched by Wonder
Chapter 19: Anxious Heart
Chapter 20: The Promise
Chapter 21: History Repeats Itself
Epilogue
Frequently Asked Questions (FAQ)
Chord's Memoire

Chapter 15: Words Unsaid

162 18 5
By jmaginary

EINDREID

"I cannot understand this shit." Singhal ni Chord habang kumakain kami ngayon ng lunch. As usual, kaming dalawa ang magkasabay ngayon sa lunch at pinili naming dito nalang sa room kumain. Subalit, kulang kami ng isa.

Si Janina.

"Mula nung sinabi siyang aalis siya, hindi niya na tayo masyadong sinasamahan. Palagi nalang si Maureen!" Bulalas niya at sumubo ulit ng pagkain niya. Nakakunot ang noo niya at 'di rin maganda ang pinta ng mukha niya. Ibinaba ko sandali ang kutsara.

"Eh kasi beks, medyo hindi mo rin kasi siya pinapansin." Saad ko. Napairap siya.

"It's because of that Maureen! Gosh, I liked that girl so much before but seeing her with Jane ticks me off. Narinig ko pa si Jane na nakikipag-asaran kay Emanuel." Saad niya.

"Ano naman ang sabi?" Tanong ko. Tumikhim siya at ginaya ang boses ni Ernamel, "Oy Jane! Inaagaw mo si Maureen. Akin 'yan."

"Tapos sabi ni Jane, "Hindi! Akin si Maureen!" Ugh. Naghilahan sila roon." Dagdag ni Chord. Napasubo ulit ako ng pagkain ko at pinigilang mapatawa.

Chord is jealous.

"Alam mo namang si Maureen dati pa 'yon umaaligid kay Janina." Saad ko. Napatigil si Chord at biglang nabura ang busangot sa mukha. Napalitan ito ng ngisi habang nakatitig sa akin.

"Beks, Jane ang pangalan niya at hindi Janina." Saad niya gamit ang pang-aasar na tono. Napatawa nalang ako nang mahina.

"My bad." Saad ko. Chord continued ranting habang kumakain kami. Nagdaldalan pa kami hanggang matapos ang Lunch Time.

Pagpasok ng prof namin sa Philosophy ay umayos na kami. Pumasok narin si Janina at umupo sa may banda sa amin. Nahuli ko pa siyang napasulyap kay Chord bago humarap sa prof at nakinig. Ito namang katabi ko dedma lang ulit.

Subalit, alam ko na sa sulyap na 'yon, nagbabadya ang luha sa mga mata ni Janina. Kung bakit? Hindi ko alam.

Natigil ang diskusyon namin sa Philosophy nang biglang mag-ring ang phone ng prof namin. Sinenyasan niya muna kami at sasagutin niya raw muna 'yon. Lumabas na siya ng room.

"Reid, pwedeng paupo muna diyan?"

Napatingin ako sa harapan ko nang may kumalabit sa akin. Si Janina pala. Tumango naman ako agad at tumayo sa kinauupuan ko. Sinulyapan ko muna si Chord na diretso lang ang tingin sa harap bago ako umupo sa upuan ni Janina.

"Bakla.." rinig kong tawag ni Janina kay Chord. Tinignan ko sila at nakita kong niyakap ni Janina si Chord. Sinulyapan siya ni Chord.

"Oh?" Tanong ni Chord. Binaon ni Janina ang ulo niya sa balikar ni Chord.

"Bakit hindi mo ko pinapansin?" Tanong ni Janina. Bumuntong hininga si Chord at hinawakan ang braso ni Janina na nakapulupot sa kaniya.

"Pinapansin kita ngayon." Maikling tugon ni Chord. Napahigop ng hangin si Janina at nakita kong nagsisimula na ulit siyang umiyak. Nawala ang tampo sa mukha ni Chord at napalitan ito ng pag-aalala. Inalis niya na ang pagkakayakap nito at pinasandal ang ulo ni Janina sa balikat niya. Pinulupot ni Chord ang kamay niya sa bewang nitl habang ang isang kamay niya naman ay nakahawak sa kamay nito.

"Tumahan ka muna bakla." Marahang saad ni Chord at marahang pinisil si Janina, "We will talk later, okay? Tumahan ka na." Saad ni Chord at inabot kay Janina ang panyo niya. Tumango-tango lang si Janina at pinunasan na ang mga luha niya.

Hindi nagtagal ay pumasok na ulit ang prof. Nagturo na ulit ito habang 'yung dalawang nasa likuran ko, ganoon parin ang posisyon. Paminsan-minsan ay naririnig kong bumubulong ang isa sa kanila.

Nang matapos ang subject ay may 15 minutes kaming vacant. Nagkakayayaan kaming tatlo na umalis muna ng room at mag-usap. Dumiretso kami sa may hagdanan at umupo kami ni Chord sa hagdan habang si Janina ay nakatayo sa harapan namin.

"Chord..." Tawag niya sa katabi ko. Narinig kong bumuga ng hangin si Chord.

Hmm, mint.

"I'm sorry." Pagsisimula ni Chord, "Hindi ko lang kasi matanggap na lagi ka nalang sumasama kay Maureen imbes na sa amin. Malapit ka nang umalis. Dapat nga ginagamit nating oras na 'to para sulitin itong kasama ka." Mahinang saad ni Chord. Napakurap si Janina at inabot si Chord.

"Bakla, sorry." Saad ni Janina. Tinignan ko silang dalawa. Nakita kong may sasabihin pa dapat si Chord pero tinikom niya ang bibig niya. Umayos ako ng upo. May hula ako sa gustong sabihin ni Chord kaya ako nalang.

"May gusto ka ba kay Maureen?" Tanong ko habang nakatingin kay Janina. Napatigil siya at dahan-dahang napatingin sa akin. Nakita kong ibubuka niya dapat ang bibig niya subalit nung sumulyap siya kay Chord, mas pinili niyang tumahimik. Unti-unti siyang bumitaw kay Chord at tinignan kaming dalawa.

"Okay, maglaro nalang tayo." Saad ni Janina.

"Anong laro?" Tanong ko.

"Magsasabi ako ng tatlong bagay tungkol sa sarili ko at huhulaan ninyo kung ano 'yung isang hindi totoo. Ganun din ang gagawin ninyo, ako lang ang mauuna." Saad niya. Nagkibit-balikat si Chord habang ako'y humalumbaba at tumango.

"Okay. Carry on." Saad ni Chord. Itinataas ni Janina ang kamay niyang may bandage sa pulso at inangat ang unang tatlong daliri. Kasabay no'n ay ang pagdaloy ng hangin kaya saktong sumayaw ang kaniyang itim na buhok. Ngumiti siya kahit namunula parin ang mga mata niya kaiiyak.

"Crush ko si Gail. Crush ko si Maureen. Crush ko si Chord." Saad niya habang iniisa-isa sa daliri niya ang nga sinasabi.

"Alin ang hindi totoo?" Tanong niya. Sandali kong tinitigan si Chord at naniningkit ang bilugan nitong nga mata. Nag-iisip.

"Hindi totoo 'yung crush mo ko." Saad niya. Tumingin naman sa akin si Janina at iniintay ang magiging sagot ko. Pinagmasdan ko siya sandali at nalaman ko kaagad ang isasagot ko.

"Hindi totoo 'yung crush mo si Maureen." Saad ko. Tumayo siya nang maayos at ibinaba ang mga daliri niya. Nilagay niya ito sa kaniyang likuran.

"Tama si Reid." Saad ni Janina at tumingin kay Chord, "Gusto kita, Chord. Paniwalaan mo man ako o hindi."

Napaiwas ako ng tingin at ayokong makita ang reaksyon ni Chord. Deep down, alam ko ang ginagawa ni Janina. She is not lying at all. In fact, she's being honest.

Gusto niya si Chord, pero ang totoong dahilan kung bakit sinabi niyang hindi niya crush si Maureen ay dahil...mahal niya na ito.

I can see it in her eyes everytime she looks at Maureen. She's not lying. She's just being honest.

"Oh Jane." Saad ni Chord, "I appreciate it but you're not really my type." Pagbibirong saad ni Chord. Tumawa nalang si Janina.

"Okay, ako naman sunod." Saad ni Chord at tumitig sa amin nang may ngisi sa kaniyabg mga labi. Inayos niya ang kaniyang mga salamin. Itinaas niya rin ang unang tatlong daliri.

"Umiinom ako ng alak. Mahilig akong manuod ng cooking tutorials. Nanunuod akong porn." Sunod-sunod niyang saad. Pinagmasdan ko siyang saglit. Sandali, hindi manlang nagbago ang mukha niya sa tatlong sinabi. Nakangisi parin siya.

Alin ang hindi totoo?

"Hindi totoo 'yung nanunuod ka ng cooking tutorials. Sabi mo noon hindi ka mahilig magluto!" Bulalas ni Janina. Tumango naman si Chord at tumingin sa'kin.

"Ikaw?" Tanong niya. Tinitigan ko siya habang nakahalumbaba parin.

"Hindi totoo 'yung nanunuod ka ng pornography." Saad ko with full of conviction. Ibinaba niya ang kamay niya at tumawa.

"Wrong!" She exclaimed pointing me and Janina.

What?

"Hindi ako nainom, okay?" Saad niya. Nanlaki ang mga mata ko.

"Nanunuod ka ng porn?!" Bulalas ko. Tumango siya at nagtataka akong tinitigan bilang tugon.

Grabe. Hindi ako makapaniwala. I know that she likes uttering green jokes but watching such thing, I didn't see this coming at all.

"And, yes, tama ka, hindi ako nagluluto. Pero, nanunuod ako pag bored ako. I don't know. Satisying panuorin." Saad naman ni Chord kay Janina. Bumusangot ang huli.

"Ano ba 'yan." Saad nito at sabay na silang tumawa. Napangiti nalang din ako. At least, balik na sila sa dati.

"Ikaw ba, Reid?" Tanong ni Janina.

"Hmm," pag-iisip ko. Itinaas ko narin ang tatlong daliri ko.

"Mahilig ako sa teddy bears. Mahilig ako sa kape. Mahilig ako magpuyat." Sunod-sunod kong saad.

"Mahilig ka sa magpuyat." Mabilis na saad ni Chord.

"Mahilig ka sa teddy bears. I don't know. Tingin ko lang." Saad ni Janina. Tumawa ako ng mahina sa naging sagot niya.

Ako? Hindi mahilig sa Teddy Bears? No way. Hindi ko kayang pagtaksilan ang boyfie slash teddy bear slash lifetime partner ko na si Miracle.

"Mali kayo parehas." Saad ko. Kumunot ang mga noo nila.

"What?"
"Why?"

"E kasi mga bakla, hindi ako mahilig sa kape. Gatas o tsaa lang ako." Saad ko.

"Ba't di mo gusto ang kape? Hulog 'yon ng langit sa ating mga mortal!" Pabirong bulalas ni Chord. Napatawa nalang kami ni Janina at nagtuloy kaming magkwentuhan.

***

"Cliniquing is on Wednesday so pakikipirma na ng mga weaver na 'to sa parents ninyo at i-submit bukas." Saad ni Sir Lucho. Isa-isa na naming kinuha ang mga weaver namin at kalauna'y nakaalis narin. Nakipagdaldalan muna ako sa mga ka-teammates ko sa broadcasting bago tinahak ang daan papunta sa classroom para makuha na ang gamit. Napatigil ako sa paglalakad nang may mapansin ako sa hindi kalayuan. Isang babaeng morena, may salamin, at kulot ang buhok.

Si Chord.

Naglakad ako papalapit dito. Nakasandal siya sa pader habang nakatingala at nakatitig sa kalangitan.

"Hey, anong ginawa mo rito?" Tanong ko. Kumurap siya pero hindi niya parin ako nilingon.

"I do not know if God exists," saad niya at tinitigan ako sa aking mga mata.

"But if He does, all that He created is beautiful." Saad niya at mapaklang ngumiti, "Except me." Mahina niyang saad at umalis na sa pagkakasandal. Inabot niya ang isang bag sa akin. Tinitigan ko ito at ngayon ko lang napagtanto na bitbit niya na pala ang bag ko kanina pa. Kinuha ko na ito at isinukbit sa aking balikat.

Ako ba ang iniintay niya?

"Tara na." Pag-aaya niya. Wala narin naman akong imik na sumunod hanggang makapara kami ng jeep. Pag-upo namin ay parehas na kaming nag-abot ng bayad at sumandal sa upuan. Mabuti nalang at medyo maluwag ang jeep.

"Hindi pumasok si Jane ngayon." Pagsisimula niya ng pag-uusap. Lumingon ako sa kaniya at bakas sa mga mata niya ang lungkot habang nakatitig sa labas. Bumuntong hininga ako.

"Kahapon na pala ang huli naming pagkikita." Saad ko. Narinig ko siyang napatawa nang mahina.

"Sobrang biglaan. Hindi manlang ako nakapagpaalam nang ayos kahapon dahil sinundo agad siya ng Mama niya sa mall. I even tried contacting her through chat but she was not responding." Saad niya.

"Sana okay lang siya." Saad ko. Napatingin din ako sa labas at napaisip. Chord acted okay today in front of others, pero pag kaming dalawa nalang, kitang-kita ko sa kaniya kung gaano siya kalungkot ngayong umalis na si Janina sa eskwelahan. Abot sa akin ang pangungulila niya.

"Magkakausap pa kaya kami? We argued before we parted ways." Saad niya. Nagtaka ako dahil sa narinig.

"What? Bakit? May nangyari ba?" Tanong ko. Dahan-dahan siyang tumango.

"We went to the mall yesterday after class, kasama 'yung isa niya pang kakambal na si Jean. Unfortunately, andoon din si Maureen." Saad nito.

"What? Diba dapat kayo lang at nung mga kambal 'yon?" Tanong ko. Hindi kasi ako nakasama kahapon kasi nag-asikaso ako ng requirements paalis ng bansa. Nakuha ko pang magsinungalinf kay Chord na masama ang pakiramdam ko.

Umiling siya, "Wala 'yung isa nilang kakambal kasi grounded kaya dalawa lang sila ni Jean at Jane doon. Pero si Maureen, biglang dumating. Inimbitahan daw siya ni Jane." Pagkekwento ni Chord. Nanatili lang akong tahimik at nakikinig.

"It was fine at first. As planned, nagdinner kami. Magkatabi kami ni Jean tapos kaharap namin ang magkatabing Maureen at Jane. Nataon pang pangit ang serving na karne sa Slice & Dice kaya mas lalo lang dumadagdag sa inis ko." Dagdag niya.

Knowing Chord, madali talagang uminit ang ulo ng isang ito.

"Beforehand, sinabihan ko si Jane na bibili ako ng pabango and she agreed to come with me sa Penshoppe. Pero nung dumating si Maureen, pinilit no'n na sila ang magkasama ni Jane at kami nalang daw ni Jean." Pagtutuloy nito.

"Pumayag si Janina?" Tanong ko. Tumango siya at ngumiti nang mapakla.

"I felt bad. Kasi siya dapat 'yung kasama ko. She said yes, but she didn't remain true to her words dahil kay Maureen." Saad niya.

"Tapos?" Tanong ko. Nakita ko ang pagyukom ng kaniyang mga kamao.

"Nung nakabili na ako ng pabango, nagkita kaming apat sa National Bookstore. So of course, since nabili ko na kailangan kkng bilhin, at hindi rin naman ako masaya sa mga nangyayari, nagpaalam na ako na uuwi ako. Isa pa, sumasakit na ulo ko ng mga oras na 'yon." Dagdag niya at bumuntong hininga.

"But before I leave, she pulled me into a hug and she..." Chord trailed off.

"She kissed me."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

"What?!" Bulalas ko. Mahina naman siyang tumawa.

"On the cheeks, beks. On the cheeks." Dugtong niya pa. Hindi ko napigilan ang sarili ko at hinampas siya sa braso. Tumatawa parin siya.

"Bakit? Selos ka ba?" Diretsahang tanong niya.

"Lakas talaga ng toyo mo." Komento ko.

"Anong reaksyon ni Maureen nung nakita niya 'yung ginawa sa'yo ni Janina?" Tanong ko. Ngumisi siya.

"Masama ang tingin sa'kin. May gusto ata talaga 'yon kay Jane e." Tugon niya.

Mahal nila ang isa't-isa, Chord.

"Anyways," pag-iiba ko ng usapan.

"Gusto mo dumaan muna sa iMall? Tara Pandayan." Imbita ko. Ngumiti naman siya.

"Sure!" Tugon niya.

Buong byahe, nagkekwentuhan lang kaming dalawa. Ewan ko ba pero hindi ko talaga matikom ang bibig ko pag si Chord ang kasama ko. She's the type of person who will attentively listen to me. Ramdam ko na totoo 'yung pinapakita niya sa'king atensyon sa tuwing magkasama kami at hindi niya 'yon pinipilit.

I'm just really glad that I can call her my friend now.

I just hope I will not break that when I told her the truth.

Ayoko siyang iwan nang ganito ang kalagayan niya. Gusto ko kahit umalis ako, mag-uusap parin kami ng ganito. Ilang buwan kang kami nagkakasama pero alam ko na itong pagkakaibigan namin, magtatagal. Kahit ilang milya pa ang layo namin.

"What a pleasant surprise." Saad ni Chord pagbaba namin ng jeep. Sinundan ko ang tingin niya at nakatitig pala siya sa sumasayaw na mahabang balloon sa tapat ng Jollibee. Napangiti nalang din ako. Hindk nagtagal ay dumiretso na kami sa Pandayan at nanggisa--este nagtingin ng mga libro.

"Hindi ko talaga alam kung paano sumikat 'to." Saad ni Chord hawak ang isang libro na napalimbag mula Wattpad.

"Oo, hindi ako sikat na Wattpad Author at mas lalong hindi rinaki eksperto sa pag-usisa sa gano'ng larangan, pero alam ko na ang paggamit ng emojis at asterisks to describe actions are not really appropriate in writing a novel." Saad niya.

"Well beks," saad ko habang naglilipat-lipat ang mga daliri ko sa mga librong nasa shelf. Tinignan ko siya saglit at nakatingin din siya sa'kin.

"Alam mo naman ang mga publishing companies, mas pinagtutuunan nila ng pansin ang pagkasikat ng libro kaysa sa content nito. Kawawa nga lang ang mga editors na kailangan umayos sa mga librong pangit ang writing style." Dagdag ko. Tumango siya bilang tugon.

"Hindi naman sa nilalahat ko ang mga libro na napa-publish sa Wattpad, pero halos lahat ng sumisikat doon, sinubukan kong tignan. Di ko lang talaga nagustuhan. Same old shit kasi. Pangit writing style or inconsistent naman ang plot. 'Yung ibang books, sumisikat lang kasi lalaki ang author, tapos pag nalaman nila na hindi kagwapuhan ang author, iba-bash." Saad niya. Napangisi ako.

"Yeah, I know what you're talking about. We're on the same page. Nakakalungkot lang talaga isipin na halos mga kabataan ngayon, gano'n na ang hanap." Saad ko. Naramdaman ko ang paglapit niya sa pwesto ko at ang pag-abot niya sa librong hawak ko. Nasa likuran ko lang siya at para niya akong niyayakap sa likod dahil sa pwesto niyan. Tinignan ko siya at nakatitig lang siya sa'kin.

"Meant to be talaga tayo no? We even have the same ideals." Saad niya. Hinampas ko siya sa braso at pasimpleng lumayo.

"Loko ka talaga. I'm just saying what's in my mind. Don't need to make it a big deal." Saad ko. Tumawa siya.

"Hey, I'm just kidding." Saad niya. Napailing-iling nalang ako habang nakangiti. Lakas kasi ng toyo.

Parehas kaming napatitig sa bag ko nang biglang tumunog ang phone ko. Mabilis ko itong sinagot at sinenyasan si Chord.

"Hello po?" Tanong ko.

"Anak, umuwi ka nang maaga ngayon. May pag-uusapan lang tayo ng Papa mo." Saad ni Mama sa kabilang linya. Lihim akong sumulyap kay Chord na abalang nagbabasa ng science dictionary.

"Okay po, Ma. Uuwi na po ako." Pagpapaalam ko. Ibinaba niya narin ang tawag pagtapos. Nilapitan ko ulit si Chord at kinalabit ito.

"Chord, need ko raw umuwi na. Ikaw ba?" Tanong ko. Tumingin siya sa akin at tumango habang nakataas ang dalawang kilay.

"Sasabay na ako." Saad niya. Naglakad na kami palabas ng Pandayan habang nag-uusap parin.

Ano kayang pag-uusapan namin mamaya nina Mama? Tungkol kaya ito sa pag-alis namin papuntang New Zealand?

Nang maghihiwalay na kami ng daan ni Chord ay hinarap ko muna siya. Nakangiti lang siya sa akin.

Sasabihin ko na ba sa kaniya?

"Umm?" Patanong na saad ni Chord. Ngumiti ako at umiling.

"Ba-bye. See you bukas." Saad ko. Tumango-tango siya at inilagay ang kanang kamay sa bulsa ng palda niya.

"Una na ako." Pagpapaalam niya at tumalikod na.

"Bye.." bulong ko habang pinagmamasdan siya. Iwinagayway niya lang ang kamay niya habang naglalakad palayo. Subalit, bago pa man siya makailang hakbang, tumakbo ako papalapit sa kaniya at niyakap siya sa may likuran. Good thing kasi di magmumukhang awkward at mas matangkad ako nang kaonti sa kaniya. Narinig ko ang pagsinghap niya dahil sa ginawa ko.

"Mag-iingat ka." Saad ko. Naramdaman ko ang pagngiti niya at ang paghawak niya sa mga braso kong nakapulupot sa kaniya. Amoy mint siya. Bango.

"Ikaw rin." Saad niya. Dahan-dahan na akong bumitaw. Humarap siya sa akin at sinenyasan ako gamit ang nguso niya.

"Intayin muna kitang masakay bago akong pumuntang terminal." Aniya. Kahit nagtataka ay pinili ko nalang na tumango. Ilang minuto ang lumipas at nakasakay din naman ako agad ng jeep. Kinawayan niya ako at tsaka lang naglakad papuntang terminal nang medyo nakalayo na ako.

Nabura ang ngiti sa mga labi ko.

"Sorry, Chord." Bulong ko sa hangin.

Hindi ko parin nasabi.

###

HELLO! TAGAL BA NG UPDATE

Hahah thank you sa mga nagbabasa pa nitoo.

Just a trivia. Wala kaming ganitong drama nung umalis si Reid ng bansa hahaha nung na-realize ko na after 10 years mahigitvpa tas naga-adjust kami parehas, dun na ako nagdrama hahah pero totoo halos ng mga nakasaad dito about kay Maureen at Jane.

Anyways, malapit ko na itong tapusin(?). Di ko sure. Handa niyo nalang siguro mga tissue niyo pag nagkataon hahaha

Thank you for reading!!

Special mention ulit kay Kirito8920 kasi na-motivate akocmag update dito at sa Cloak and Dagger

SHAMELESS PLUG (all links in my profile)

Facebook: Chris Rolfe
Twitter: chrstnmrvc
Dreame: Chris Rolfe
Email: chrstnmrvc04@gmail.com

Continue Reading

You'll Also Like

4.4K 140 5
Group of friends decided to have an outing in an island. Pero hindi nila alam na ito rin ang magdadala sa kanila sa kapahamakan. Will they avoid it...
175K 5.4K 159
wherein she unexpectedly found warmth from him but then out of the blue, and after all of the happiness and joy she had learnt from him, everything b...
2.8M 53.6K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
627K 39.3K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...