TRUTH or DARE 1: Make him min...

By matita_carta

70 0 0

Shaley is a very responsible person when it comes to work that she doesn't want anything to be wrong. She put... More

prologue
chapter 1
chapter 3
chapter 4
chapter 5

chapter 2

19 0 0
By matita_carta

It's been one week since that night happened and hindi ko parin makalimutan ang mga nangyari. My Mom was planning to throw a party for me dahil sa naka pasa ako sa board ko. She's so happy and nakikita ko talaga na proud na proud siya and dagdag mo narin na only child lang ako kaya wala siyang mapagkaabalahang iba bukod sakin at sa work niya.

"Mom, I need to go to salon today. I told you naman kasi na simple party nalang,e." I said ng nag aagahan kami.

May party ako tonight kasi gusto niya daw mag celebrate. Yayayain ko nalang  sila Jezlee at pupunta rin naman sila.

"Okay, do whatever you want, Esha." Ngiti niya sakin.

Tumango nalang ako at nagmadali na para makapagbihis na at baka gabihin kami mamaya,e, maaarte pa naman yung mga yun.

"Shay, lagi mo nalang kaming pinaghihintay!" Si Jashney sa tunong naiinip na.

"Sorry, I'm on my way na. Just wait ng unti na lang Jash." Sabi ko ng nililiko na yung sasakyan ko at nag park na.

Kanina ko pa kasi sila sinabihan at dahil may kaartehan ako at ang Mommy ko ay natagalan ako ng unti.

"Ayan ka na naman sa I'm on my way, I'm on my way mo! Naku, Shay!" Iba talaga pag Business woman no? Ang ikli ng pasensya sa paghihintay.

"Oo na! Papasok na ako hindi ka talaga makapag hintay no, Ate?" Sagot ko. Ako yung pinakabata sa kanila,e. Nauna siya sakin ng dalawang taon.

"Ate your face! Dalawang meetings yung nicancel ko para lang dito, Shay!" Umirap nalang ako at pinatayan na siya.

Pumasok na ako sa loob at habang naglalakad ako ay may nakabunggo ako.

"Heck is your problem!?" Baling ko sa nakabunggo sakin.

"Sorry." Simpleng sabi niya lang at nagtuloy sa paglalakad.

"Hey!" Tawag ko at hinabol siya.

"Aren't you gonna hand me my bag, Mister?" Taas kilay kong sabi pero natigilan ako sa nakita ko.

"Hmmmm." Sabi niya ng napulot ang bag ko at iabot sakin.

"Wait..." hinabol ko ulit siya.

"What?" Iritado niyang sagot.

"Do you still go to that club?" I asked.

"Huh, what are you talking about?" Parang naguguluhang aniya.

"I mean, sa bar? Don sa dati? You know.... last week? Leo, right?" I asked again. Yah, he's the guy from that bar nong gabing naglaro kami. Kinukulit din ako ng mga kaibigan ko kung ano ng ganap don. Wala akong alam sa kaniya kasi it's our first time to see each other naman.

"Yah. Pardon? I don't know you,e." Kunot noong sagot niya.

What? Di niya ako maalala? Si Shaley Esha di niya matandaan? What in the world! Umirap nalang ako sa kawalan.

"Ako yung lumapit sa inyo ng mga kaibigan mo 'non. And sa labas ng bar...." paliwanag ko pero lalo lang nangunot ang noo niya.

"You?" Nanlaki ang mata niyang turo sakin.

"Me?" Inosente ko ring turo sa sarili ko.

"The girl who kissed me? Oh, what the heck!?" Hindi makapaniwalang aniya niya.

"Hey, wag kang magmura." Turo ko sa kaniya.

"Tsk." Yun lang at akmang tatalikuran na niya ako pero hinila ko siya ulit paharap sakin.

"What's your problem?" Inis niyang tanong.

"Can I have your number?" Makapal na mukhang sabi ko.

"Really? May mas ititigas pa pala yang mukha mo?" Hindi makapaniwalang aniya at napailing iling pa.

"What? Just wanna be friends with you at wala akong nakikitang masama doon." Sagot ko. Kapal din ng isang to kung di lang ako kinukulit ng mga kaibigan ko,e.

"Thick face." Sabi niya sa mukha ko saka naglakad na papalayo.

"Bakla. Akala ko naman kahabol habol ka! Arghhhh." Sabi ko at siguradong naring niya parin yun kasi di pa naman siya gaanong kalayo sakin. Napapasulyap pa yung mga taong nasa malapit lang samin.

Naiinis akong naglakad ulit at ng natanawan ko na ang mga nabubwisit na mukha ng mga kaibigan ko ay lumapit na ako.

"Ang tagal mo na nga pinatayan mo pa akong nyeta ka!" Hinampas ako ni Jash sa braso. Masakit yun a!

"Makahampas ka naman? Tara na nga." Hinila ko na siya at inakbayan na papasok sa Salon nila Jezlee.

"Ba't ang tagal mo, Shay?" Tanong ni Jara.

"Wala may nabungo lang ako kanina ng papasok ako." Kibit balikat ko.

"Patay na ba?" Natatawang tanong niya.

"Duhhhh masisira image ko pag ginawa ko yun nyeta." Natawa ring sagot ko.

Ng matapos kaming lahat ay hapon na at nakakagutom. Gutom na gutom na kami.

"Jara, punta tayong condo magluto ka." Sabi ni Shania at tumango naman siya.

May condo kami. Iisa lang at sama sama kami doon. May tag iisa kami pero  kasi ang boring pag ganoon kaya may isa pa kaming condo at pag gusto naming magparty party ay doon kaming lahat para sabay sabay kaming maglinis ng kalat at hindi iniiwan ang mga kalat namin don kasi dapat malinis lagi. Pag kasi sa condo ng isa ay pababayaan nalang namin na maglinis yung may ari kaya para fair ay ganoon yung set up namin.

"Grocery muna tayo." Sabi ko ng makasakay kami sa kaniya kaniyang sasakyan.

Kumuha si Shania ng cart at tinulak na yun habang kami naman ay nakasunod lang. Si Jara ang kumukuha ng mga bibilhin kasi siya naman magluluto since siya yung chef.

"Jara, I want chicken." Pa cute ni Jashney.

Inirapan lang siya ni Jara pero natawa nalang din.

"Salad narin please..." dagdag niya pa.

"Wow, sana kinuha mo nalang akong katulong mo diba?" Natawa naman kami sa sinabi ni Jara.

"Jara, I want egg nalang." bungtong hininga ko.

Naglakad lakad pa kami ng kunti at nagtitingin tingin tsaka kami pumunta sa frozen foods.

"Uyyy hotdog.." sobrang lawak na sabi ni Jezlee at nagkatinginan kami sabay ngisi.

Umirap naman ang tatlo. "Mga hangal!" sabi samin ni Jashney at natawa nalang kami pareho ni Jez.

"Jara?" tawag ko sa kaniya.

Liningon niya ako. "hmmmmm." taas kilay na aniya.

Ngumiti ako sa kaniya ng pagkatamis tamis.

"Make some banana bread, please." pa cute ko. Mapapagod na naman kasi itong chef namin.

Bumuntong hiniga naman siya. "Kuha kayo lahat ng kakailanganin sa paggawa." sabi niya at sabay sabay naman kaming nag yes.

Kumuha na kaming apat at iiling iling si Jara na nakasunod samin.

"Hoy, may nakita akong chicks kanina, bang." bulong ni Jezlee sakin.

"Talaga?" interesadong sagot ko naman.

"Oo, 'yong nireto namin sayo sa club." nagbubulungan kami sa likod habang nagbabayad na sa counter ang tatlo.

"Oww.. yah, saw him a while ago and guess what? Nabunggo ko pa kanina." irap ko.

"Oh, yung sinasabi mong nakasalubong mo kanina kaya ka natagalan?" sabi niya at tumango naman ako.

"So how na, bang?" kulit niya sakin.

"Wala. Antipatiko parin,e. Not my usual type of guys and I don't really like him, Jez. It's just for a dare." walang ganang sagot ko.

Bumuntong hininga naman siya. "Sayang! He looks nice pa naman." sabi niya.

"Do you like the guy?" kunot noong tanong ko.

Umiling naman siya. "No,no,no... Ano ka ba? I find him cute and you two look good together, bang, kung hindi mo alam." natatawang sabi niya.

"You think?" taas kilay kong tanong.

Tumango tango naman siya. "We all think." turo niya sa tatlo na nagbabayad na at tapos na pala.

Napalingon si Jash sa amin. "Oh, ano? chismis pa?" badmood talaga ng isang 'to lagi kaya bilis bilis tumanda,e.

"Oo na.." pinulot ko naman ang isang paper bag at binuhat iyon. Saktong lima yun kaya tig iisa kami ng binuhat.

Pumunta na kami sa sarili sariling sasakyan bitbit ang pinamili namin isa isa at saka nagmaneho na papunta sa unit namin.

"Ngayon nalang ulit kayo nadalaw dito, Ma'am." sabi ni kuya guard at wala pa man ay pinigil na namin si Jash sa pagsasalita dahil maikli ang pasensya nito at ayaw na ayaw sa mga taong walang kwenta kung magtanong at nasasayang lang daw ang laway at oras niya sa pagsagot.

"Ah, oo manong. Punta ka sa party ko tonight pag may time ka." ngiti ko nalang at naglakad na kami papasok at tinulak ko si Jash papasok sa Elevator.

"Crush mo siya?" inis na baling niya sakin.

"Nyeta ka trentay sinco na ata yung tao hmp.." inambaan ko siya ng batok.

"Naiinis talaga ako sa pagmumukha no'n." sabi niya at  umirap.

"Pakisamahan mo nalang." sabi ko pero inis parin talaga siya.

"Alam mo na na manyakis yun?" taas kilay niya tanong.

"Talaga?" sabay sabay naming tanong nina Jez, Jara at Shaniah.

Nasapo niya ang noo niya. "Ang tatanga niyo naman. Ang tagal tagal na na ganoon ang taong 'yun." di makapaniwalang sagot niya.

"Akala ko nagmamagandang loob lang siya at hindi ko naman linalagyan ng malisya ang mga titig niya. Though, napapansin ko din paminsan minsan." Sagot ni Jez.

"Ipapatanggal ko na talaga yun kay Mommy." bumuga siya ng hangin.

Napatingin siya sakin ng sobrang sama ng takpan ko ang ilong ko. "Gago!" sinapok niya ako. Grabe ang babaeng 'to napakasadista. Ginawa ko lang naman yun para mas inisin pa siya.

"Biro lang naman." nguso ko.

"Masakit?" himas naman ni Jez sa ulo ko.

Tumango naman ako. "Loko ka." sabi ni Shaniah at sinapok din siya pero mas mahina nga lang sakin.

"Kaya pala ang wierd wierd niya tumingin." tawa ni Shaniah.

"Masaya ka pa?" asar ni Jash.

"Sino namang magiging masaya na namamanyakan?" taas kilay niya.

"Yung mga makakati duhhhh." sagot niya at sakto namang bumukas ang Elevator.

"Tumigil na nga kayo." sabi ni Jara ng hindi pa tumitigil ang dalawa sa bangayan.

Nang nasa tapat na kami ng unit namin ay wala parin talagang tigil ang dalawa. "Magsitigil!" sigaw na ni Jara at natahimik naman ang dalawa.

"Sinigawan mo ba ako?" di makapaniwalang sabi ni Shaniah.

"Did you just shouted at me?" ganoon din si Jashney.

"Ayaw niyo tumigil,e." nagpapasensya nadin si Jara.

"So kailangan talaga sumigaw?" si Shaniah.

"Required ang pagsigaw pag umaawat?" Jash.

Nasapo nalang namin ang noo namin ni Jez kasi alam na namin ang patutunguhan nito.

"Kayo magluto ng kakainin niyo." walang ganang sagot ni Jara sa dalawa at natahimik naman sila.

"Ikaw naman kasi sabing tigil na bumubulyaw ka pa kasi." tulak ni Sha kay Jash.

"Ikaw kaya yang walang tigil kadadada." sagot naman niya.

"Oh, ano magaaway away ba tayo? Akala ko ba lunch lang?" Jara na sumusuko na sa kalokohan ng dalawa.

"Tara na nga sa loob." kinawit ni Shaniah ang braso niya sa braso ni Jash at nagkangitian na silang tattlo. Mga hunghang ang nyeta.

Papasok na sana kami ng bumukas ang pinto sa tabi ng unit namin kaya napalingon kami.

"Good bye, baby. See you again next week." hinalikan niya ang pisngi ng babae.

"Thanks, Ya." yinakap niya pa ito.

Tinulak tulak ako ng mga kaibigan ko.

"Gumawa ka ng iksena, bang. Pano yung dare mo? At talagang may umaayaw na sayo ngayon?" Shaniah.

"Bang, weak 'to." tawa naman ni Jash at sinamaan ko naman ng tingin.

"Shit. For the first time inaayawan na siya." nakipag apir pa ang nyeta.

"Kaya pala ayaw sayo, bang. May bine baby na pala." bulong sakin ni Jez.

"No! Watch me." sabi ko at dumukot ng invitation card sa purse ko at naglakad papalapit sa gawi nila.

"I'll tell Mom to visit you here next time." dinig ko pa ang usapan nila. Aba talagang open na open amp.

Nagdadalawang isip pa ako kung lalapit ba ako o ano? Pero naiisip ko yung dare at paano kung makakasira ako ng relasyon? My god bahala na si daddy David.

Babalik na sana ako pero nalingunan na ako ng babae kaya napalingon din si Leo sakin kaya push na 'to. No backout.

"Hey, hon." I kissed him...sa lips.. gosh patawirin mo ako diyosko.

"I didn't know you're here." sabi ko ng matapos ko siyang halikan.

Nakatulala lang siya sakin. Luhhh parang tanga porque nakakita ng maganda tulala na agad.

"What the heck?" sabi niya ng makabawi.

Inilapit ko ulit ang mukha ko sa mukha niya. "I told you not to curse. " sabi ko ng matapos ko na naman siyang halikan.

"What the heck are you doing here? Are you stalking me.?" pinunasan niya ng bahagya ang labi niya.

"Oh, honey... My unit is just right there, oh." turo sa kabila at nandoon ang mga kaibigan ko na nakatanga.

"Hindi porque gusto kita ay iisipin mo na na baliw na baliw ako at magaaksaya ng oras para lang sundan ka." tawa ko.

"Napaka..." nabitin sa ere ang sasabihin niya at saka sumulyap sa babae kanina.

"Akala ko ba...." di makapniwalang aniya. Oh, yes yah bitch, I'm sorry nalang.

"She's not my girlfriend. What the heck?" hahabulin na sana niya yung babae pero dali dali na itong pumasok sa loob ng unit niya.

"Ano ba talaga ang gusto mo, ha?" tanong niya sakin.

"Ikaw lang naman." hinawi ko pa ang buhok ko.

"Tang*ina't ano bang laro mo?" sabi niya.

"Just want you to be friends with me." inosenteng sagot ko.

"I already told you! I don't want to be your friend." galit na sagot niya.

"Be my boyfriend then?" taas kilay na hamon ko.

"What are you up to? Tell me what game you are in, Miss?" tanong niya sakin.

"No one's playing games here. Just really wanna be close to you." sagot ko at sakto naman lumabas ang baabe kanina na ang lapad lapad ng pagkakangiti.

Baliw ba 'to? Hinalikan na ang boyfriend sa harap at lahat lahat may gana pang ngumiti.

"Nasabi ko na kila Mama at Papa." tili ng babae sabay yakap sakin.

Nagulat naman ako sa biglaan niyang pagsugod at pagtili.

"Ikaw kuya a? di ka nagsasabi..." tukso niya kay Leo.

Wait, what? Kuya? Magkapatid sila? What the fucking heck?

Hindi makapaniwalang binalingan ko sila.

"You..." turo ko kay Leo. "And you.." baling ko naman sa kakakalas lang ang yakap sakin. "You're siblings?" nanlalaki ang mga mga mata when realization hits me. Oh, boy!

Tudo ngiti parin ang babae. "Yes, I'm his younger sister. I didn't know that this brute has a girl." siniko pa ako nito at yung si Leo.

Napapikit ako ng mariin. "Oh, gezzzz.." maarte kong sabi at nagmulat.

"Uh-huh!" hindi ba ito napapagod ngumiti?

"Oh, if that's the case...." binalingan ko siya, didn't wanna lose my cool. Tumikhim muna ako.

"Here's an invitation. Come to my party tonight." lahad ko sa kaniya ng invitation.

"Wow! your card is cute and I like it!" kindat pa niya. Kaps din 'tong isang 'to. FC.

"Laela!" banta ni Leo.

"What?" taas kilay niya namang baling dito.

"We're not going." sabi nito at saka kinuha yung sa kamay niya pero mabilis na naitago nito sa likod niya ang invitation card.

"It's your girls party! What kind of boyfriend are you, kuya? Be supportive naman." irap niya at saka hinarap ako ulit.

Nilahad niya ang kamay sa akin. "By the way, I'm Laela Emmanuel Miranda." ngiti niya pa.

"Shaley..." nangiti nadin ako at tinanggap ang kamay niya. "Shaley Esha Saldova." nakipagkamayan ako.

"Masyado naman tayong formal." tawa ko.

"Pwede ba kitang tawagin na Ate?" excited na aniya.

Tumango naman ako sabay tingin kay Leo na parang kakainin na ako ng buhay.

"That would be great. Right, hon?" tukso ko kay Leo.

"Hon your shameless face." walang ka amor amor na aniya at natawa nalang ako.

"Oh, sorry for that, Manu. May di kasi kami pagkakaintindihan ng kuya mo." ngiti ko. My turn to pissed you off.

Nginisihan ko pa siya. "Hon, I'll make it up to you. I promise." nagbait baitan pa ako.

"Awwww you got, such a sweet and wonderful girlfriend,huh?" proud na sabi niya ng nakatingin sa amin.

"She's not my girlfriend for god's sake!" frustrate na sabi niya.

"Oh, kuya. C'mon! Ate Shaley's a big catch. Di ka na lugi, napakarekramador mo naman." sabi niya sa kapatid.

"We just met last week in a not so good situation!" paliwanag niya sa kapatid.

"And?" parang wala lang na sabi tanong niya.

"And we're not in a relationship." nakakunot noo at galit na sabi nito.

"Then make her yours." nasapo ni Leo ang noo at napatingin sa kapatid.

"Are you serious?" di makapaniwalang sabi niya. "I met her in the club! What do you expect me to do? Make the girl I just met and sa club pa to be my girlfriend? You're imposible." patuloy niya.

"Never been serious. Then make the imposible be posible." she smirked at him.

"Damn it! You girls..." hindi niya maituloy.

"What?" taas kilay kong sagot.

"I was just there to celebrate 'cuz I just passed my board. Is it bad to celebrate a success?" Taas kilay kong sabi.

"Of all places you can go, sa bar pa?" napaka oa naman neto.

"Why? Bawal?" inosenteng tanong ko.

"Oh, nagce celebrate lang naman pala,e." tanggol sakin ni Manu. Now I love her.

"Magsama nga kayo! Alis na ako." sabi  niya at humalik sa pisngi ng kapatid at dere deretso ng naglakad paalis.

"Ate, what's the real score between you and my kuya?" tanong niya sakin.

Natigilan ako at napaisip. Hindi ko naman pwedeng sabihin na dinare lang ako kaya ko nilalandi ang kuya niya.

"I just wanna be friends with him but he doesn't want to. I find him cute and interesting." ngiti ko naman.

"So, walang kayo?" tanong niya at umiling naman ako.

"I like your confidence, ate. Do not worry, I'll help you with him." kindat niya at bahagya naman akong natawa.

"I'll hold on to that. Anyways, I have to go. My friends are waiting for me." paalam ko at tinuro ang mga kaibigan ko na nag aantay sakin sa pintuan. Lahat nakatanga.

"Yah, masungit 'yon,e. Baka sakaling bumait ng kunte pag may jowa." halakhak niya at napatawa din ako.

"Tonight, huh. Aasahan ko kayo." sabi ko then bid my goodbye. Pumasok narin naman siya sa unit niya.

"Bang, ano na?" agad na tanong ni Jez.

"I invited them later tonight." simpleng sagot ko.

Naiisip ko parin ang nangyari kanina. I like her sister ans she's nice. I think we'll click to be friend at magkakasundo talaga kami. And isa pa I can use her with his brother if ever, since she said she like me for him. Mapapadali pa ang misyon ko. But I was also thinking na 'wag na siyang idamal pa sa katarantaduhan ko at ako nalang ang gagawa ng paraan but at least, with her, magkakalapit kami ng kapatid niya.

"Kwentuhan mo kaming lahat mamaya sa kusina at 'wag yung kayong dalawa lang ang nag uusap tungkol dyan." narinig namin na sabad ni Jashney sa unahan. Napairap nalang kami ni Jez at tumuloy hanggang sa kusina.

"Ano na, bang?" excited na sabi ni Shaniah ng nakaupo kami sa counter. It has four high chairs there kaya magkakatabi lang kami.

"I invited them to come later sa party ko." kwento ko habang ang paningin ay nasa kay Jara na naglalabas ng mga kaserola at iba't ibang sizes ng bowls.

"Really? So they will come, as in pati siya ba ay pupunta rin?" tanong ni Jash at nagkibit balikat ako.

"Maybe?" hindi ko naman sigurado kung pupunta iyon kasi galit naman noong umalis. But Mano will be fine and enough na siya sakin since I don't really like his brother that much. Sa dare lang talaga.

"So, what's your plan?" taas kilay na baling sakin ni Jara na nagsisimula ng maghiwa ng mga lulutuin. Ang bilis ng galawan sa kusina neto.

"It's more exciting to just go with the flow when he's around. Something unplanned. Diba mas maganda ang mangyayari kung hindi scripted?" sabi ko. I like to do things actual. Yung gagawin mo pag nandyan na kasi everything will come out naturally.

"That's our bang, Shay." sabay sabay na sabi nila at nagtawanan kami.

"We trust your moves." kindat pa sakin ni Jezlee.

"Of course, best will always be the best." I winked back as we laugh at each other.

"What if he won't come?" Shanaiah asked and I turned my gazed at her.

"Then, not meant to happen if that's the case." kibit balikat ko.

Nagkibit balikat nalang din sila. " I find his sister cool though." ngiti ko.

Tinaliman nila ako ng tingin. "Calm down, guys. I just think na makakasundo natin siya kasi mabait at kwela din, just like us." tawa ko. Selosa kaming lahat,e.

"Ito ba mabait sa tingin mo?" turo niya kay Jashney. "Mabait na sa'yo 'yan?" patuloy ni Shaniah.

"Shut up!" hinawi naman nito ang kamay niya na nakaduro. "Akala mo naman napakabait mo." irap niya at nagtawanan kami nila Jara. Madalas na magbangayan ang dalawa pero sila naman lagi ang magkadikit tuwing magkakasama kaming lahat.

"Mabait naman tayong lahat, ah." sabi ni Jez at napatingin kaming lahat sa kaniya.

"Ay, feeling mo mabait ka?" sabi ko sa kaniya at ngumuso naman siya.

"Feeling mo din, Shay?" si Jara naman.

"Feeling ko pero mas feel mo naman?" kunyari ay irap ko.

"Mabait ba ako, bang, bang, bang?" isa isa niyang binalingan ang mga kaibigan namin. With that nagbabantang tingin.

"The most." si Jash na sipsip.

"You are and almost perfect, bang." si Shaniah naman na mapapel.

"Pwede na rin. Sakto lang." ang honest na si Jez.

"Mas mabait nga lang ako." sabi ko na pinaka honest sa aming lahat.

"duhhhhhh" irap nilang lahat at saka kami nagtawanan.

Tumayo kaming lahat at tinulungan na si Jara sa maaari naming itulong at para mas madali narin at ng makakain na kami. Mag aayos pa kami by 6 kasi 7-8 ang simula ng party.

Nang makahain na kami ay linya linya kami sa paghuhugas ng kamay sa sink.

"Shaniah, get the juice sa ref." utos ni Jara.

Nang makumpleto na lahat ay nagsimula na kaming kumain.

"Ready na ba ang isusuot niyo?" tanong ko ng nasa kalagitnaan kami ng pagkain.

Lumunok na muna sila bago sumagot. "Yah, kukunin ko nalang sa bahay pagkatapos natin dito." Si Jez.

"Ako din but di ako makakasabay. Ako ang kinuhang chef ni tita, remember?" si Jara naman at nilapag ang baso na ininuman.

Napakaswerte ko nga naman sa mga kaibigan ko kasi they are all useful. Charrr. but no joke sa in that part. They are indeed useful kasi masisipag at masipag pagdating sa trabaho.

"Same here. Sabay na kami ni Shaniah." sagot naman ni Jashney.

"Oh, may angal?" taas kilay niyang sabi ng makitang inirapan ni Sha ang sinabi niya.

"Whatever you say." sagot ni Sha at nagpatuloy sa pagkain.

"Okay, sabay sabay na tayong mag ayos sa house." sagot ko dahil sa garden naman gaganapin ang party na plinano ni Mama with, of course, the help of my friend Shaniah. Parang sila ang mag ina kun g party ang pag uusapan.

"Sabay na lang kaya ako kay Shay? Mag uusap pa kasi kami ni Tita about sa party to finalized everything." sabi ni Shaniah at tumango naman ako.

"Whatever you want." si Jashney naman ngayon ang umirap. 'Tong dalawang ito talaga.

"Please understand the situation, Jash. I'm an event organizer and that's my job." paliwanag naman niya.

"Oo na ang drama." irap niya.

Lumapit si Shaniah sa kaniya. "Don't worry, I'll be with you the whole time after I'm done with everything." yinakap niya ito.

"Fine! I was just kidding la." sagot niya at nangiti narin.

Hinalikan ni Sha ang pisngi niya. "Yuck!" sabi niya at pinunasan ang pisngi. "Sabi ko ay ayos na at bakit may pahalik ka pang hinayupak ka?" kunot noong baling niya kay Sha at natawa naman ito.

"Just be thankful." sagot ni Sha ng makabalik sa upuan at nagpatuloy ulit sa pagkain.

Napuno ng tawanan at asaran sa hapag at ng matapos kami ay naghugas kaming lahat at naglinis bago tuluyang umalis sa unit namin at nag drive na sa kaniya kaniya naming bahay.

Mom and Shaniah was talking while I'm doing my make up with my Mom's make up artist. Susunod rin siya at bago magsimula ang pagpahid niya sa mukha ko ng kung ano ano ay sakto namang pagdating ng mga  tatlong feelingera.

We did our make up together then after almost an hour of preparing, we're all ready for the party. May mga nagdaratingan narin na mga bisita and Mom was outside to entertain the guest.

Nagulat pa ako when I saw Dad enter my room, all smile." Congrats, sweety." sabi niya at hinalikan ako sa pisngi saka yinakap ng mahigpit.

"Thanks, dad. Please don't make me cry muna. Later nalang masisira ang make up ng paborito mong anak, e." sabi ko dahil nangilid na ang luha ko.

"May choice ba naman ako? E, mag isa ka lang na buhay namin ng mommy mo." then there, diko na napigilan at kinailangan na muna namin ng ilang minuto to fix my make up. Pinalabas ko na muna si Dad kasi di ako matitigil kakaiyak hanggat nandyan siya at nakikita kong masayang masaya siya for me. I'm touch.

My mom and dad was always there for me whenever I need something with school. To the rescue sila palagi and they never really leave it to someone to do it for me. Sila mismo ang nagbibigay at gumagawa. Dahilan nila ay nag iisa akong buhay nilang dalawa at dapat ay ibigay lahat ng atensyon at lahat na just to make me feel love and content and won't be insecure of anything.

Nakukuha ko lahat ng gusto ko at sobrang swerte ko doon dahil lahat talaga pati ang pagmamahal. Di ako kailan man nakulangan sa pagmamahal na ibinibigay nila sakin. Kaya siguro ganoon nalang ako ka confident sa lahat lahat because I'm full of love.

Continue Reading

You'll Also Like

252K 38.8K 99
ပြန်သူမရှိတော့ဘူးဆိုလို့ ယူပြန်လိုက်ပြီ ဟီးဟီး ဖတ်ပေးကြပါဦး
21.4K 1.8K 39
Story of a family - strict father, loving mother and naughty kids.
244K 488 22
just some of my horny thoughts;) men dni
332K 9.3K 70
Everybody knows the Dutton Family but none of them have made a name for themselves quite like the youngest, Mae Evelyn Dutton. She's a force to be re...