How To Love A Bastard ?

By Khira1112

4.4M 74.6K 6.9K

More

How To Love A Bastard ?
HTLAB - Chapter 1
HTLAB - Chapter 2
HTLAB - Chapter 3
HTLAB - Chapter 4
HTLAB - Chapter 5
HTLAB - Chapter 6
HTLAB - Chapter 7
HTLAB - Chapter 8
HTLAB - Chapter 9
HTLAB - Chapter 10
HTLAB - Chapter 11
HTLAB - Chapter 12
HTLAB - Chapter 13
HTLAB - Chapter 14
HTLAB - Chapter 15
HTLAB - Chapter 16
HTLAB - Chapter 17
HTLAB - Chapter 18
HTLAB - Chapter 19
HTLAB - Chapter 20
HTLAB - Chapter 21
HTLAB - Chapter 22
HTLAB - Chapter 23
HTLAB - Chapter 24
HTLAB - Chapter 25
HTLAB - Chapter 26
HTLAB - Chapter 27
HTLAB - Chapter 28
HTLAB - Chapter 29
HTLAB - Chapter 30
HTLAB - Chapter 31
HTLAB - Chapter 32
HTLAB - Chapter 33
HTLAB - Chapter 34
HTLAB - Chapter 35
HTLAB - Chapter 36
HTLAB - Chapter 37
HTLAB - Chapter 38
HTLAB - Chapter 39
HTLAB - Chapter 40
HTLAB - Chapter 41
HTLAB - Chapter 42
HTLAB - Chapter 43
HTLAB - Chapter 44
HTLAB - Chapter 45
Last Chapter Of Part 1
How To Love A Bastard - Part 2
HTLAB2 - Chapter 1
HTLAB2 - Chapter 2
HTLAB2 - Chapter 3
HTLAB2 - Chapter 4
HTLAB2 - Chapter 5
HTLAB2 - Chapter 6
HTLAB2 - Chapter 7
HTLAB2 - Chapter 8
HTLAB2 - Chapter 9
HTLAB2 - Chapter 10
HTLAB2 - Chapter 11
HTLAB2 - Chapter 12
HTLAB2 - Chapter 13
HTLAB2 - Chapter 14
HTLAB2 - Chapter 15
HTLAB2 - Chapter 16
HTLAB2 - Chapter 17
HTLAB2 - Chapter 18
HTLAB2 - Chapter 19
HTLAB2 - Chapter 20
HTLAB2 - Chapter 21
HTLAB2 - Chapter 22
HTLAB2 - Chapter 23
HTLAB2 - Chapter 24
HTLAB2 - Chapter 25
HTLAB2 - Chapter 26
HTLAB2 - Chapter 27
HTLAB2 - Chapter 29
HTLAB2 - Chapter 30
HTLAB2 - Chapter 31
HTLAB2 - Chapter 32
HTLAB2 - Chapter 33
HTLAB2 - Chapter 34
HTLAB2 - Chapter 35
HTLAB2 - Last Chapter
HTLAB2 - EPILOGUE

HTLAB2 - Chapter 28

29.5K 577 32
By Khira1112


-

FORGIVE

-

Nang sabihin ko sa aking mga kapatid ang plano kong pakasalan si Ram ay nagpahatid sila ng suporta at konting payo. Kanya-kanya silang opinyon tungkol sa nangyari.

"I support you, brother, but that will be too risky. Alam ko na gusto mo lang tumulong dahil guilty ka sa nangyari kay Ramina pero sa kabuan, wala kang kasalanan. Alam mo 'yan." Ani Xandrei nang kausapin niya ako. "Kung anuman ang magiging desisyon mo, nasa likod mo lang kami. Pero nag-aalala akong baka hindi ka maging masaya."

Tumatak sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Xandrei. Ilang araw kong pinag-isipan iyon ngunit hindi pa rin ako nakapagdesisyon. Hanggang sa kinausap na ako ng dalawa ko pang kapatid.

"Are you sure, Gelo? Sinasacrifice mo ang sarili mo. Ang kaligayahan mo. Hindi masamang tumulong and I don't have anything against Ram. I like her as a person but I don't think she's the one for you." Umiling si Ate at hinaplos ang braso ko. "But the decision is all yours. Alam kong malapit na si Ram sayo pero naniniwala ako na wala kang naging relasyon sa kanya maliban sa pagiging isang kaibigan. Kung magpapakasal ka sa kanya para mailigtas mo siya sa eskandalo at kay Morris, we won't stop you. Ang akin lang. . ." Bumuntong hininga siya. "Paano ka pagkatapos? Paano pag bumigay si Ram at. . .at. . ." Hindi niya masabi ng diretso ang salitang 'mamatay'. Ako rin ay gano'n. Ayokong isipin na sa gano'n magtatapos ang lahat.

Xandrea was on the opposite side. She became blunt and open-minded about the issue.

"Let's be realistic here. Two years won't hurt. Ram is a good woman and she deserves to be happy hanggang sa matapos ang lahat ng paghihirap niya. Hindi lang naman siya ang dapat i-consider dito. There's the baby. Kawawa naman." Humalukipkip siya at tinitigan ako. "Hindi mo man anak 'yon, kadugo mo ang bata. If your brother doesn't want the child, saan pupulutin ang baby kapag wala na si Ram?"

Hindi ko nasagot si Xandrea nung panahon na iyon. I was also confused. Masyadong magulo ang isipan ko.

Hinintay ko ang pagbuti ng kalagayan ni Ram. Nang makumpirma ng doktor na maaari na siyang lumabas ng ospital ay nag-usap kami ulit ng masinsinan.

"Sorry if I drag you in this situation and make you suffer with me." Mahinang sabi niya sa akin. Pinilit niyang ngumiti. Ang mapayat niyang kamay ay nakapatong sa palad ko. Marahan ko iyong pinisil.

"Why are you apologizing? Wala ka namang kasalanan. Gusto rin kitang tulungan."

"Desperado ako para sa anak ko." Natulala siya habang nakayuko sa mga kamay naming magkahawak. "Nang tanggihan ako ni Morris , ang akala ko mawawala siya sa akin. I was badly hurt. The emotional pain almost kill me. Natakot ako para sa sarili ko at sa kanya. Hanggang ngayon natatakot pa rin ako. I don't think I can survive." Humina ang kanyang tinig pagdating sa huling linya.

"You'll live. Gagawa tayo ng paran."

Pumikit siya at huminga ng malalim. Pagtapos ay dumilat muli at binigyan ako mg mabigat na tingin. "Sana hindi mo maisipang umatras." Nangarag ang kanyang boses. "I'm very sorry kung madadamay at maaabala kita pero yung anak ko kasi. . ." Naiyak siya ng tuluyan.

"Hush." Niyakap ko siya. Napapikit rin ako. Doon ko binigay ang aking desisyon. "I won't let you down. Not this time."

Umiyak siya sa dibdib ko at niyakap ako pabalik.

Do'n nagsimula ang lahat. Alam kong iyon ang desisyon na nakaapekto sa buong pagkatao ko. Desisyong hindi ko na magagawang atrasan at talikuran.

Dumalas ang pananatili ko sa tabi ni Ram. Napagdesisyunan naming sa ibang bansa magpakasal para makaiwas sa iskandalo. Ngunit may iba pa siyang rason.

"Para kapag nakahanap ka na ng iba, kahit buhay pa ako, madali kang makakawala sa akin." Natulala ako sa kanya nang sabihin niya 'yon. Nakangiti naman siya sa akin.

Siguro para sa iba ay napakaselfish ni Ram. Hindi ko makita-kita ang anggulong 'yon. She was desperate, yes. But never selfish.

She's brave enough to risk her own happiness for her child's sake. She's selfless because she doesn't even have any advantage upon marrying me. Kung iisiping mabuti ay hindi rin naman siya sa sasaya sa akin. Gusto niya lang makasiguro na mapupunta sa mabuting kamay ang kanyang anak.

That made me treasure her pregnancy. Hangga't maaari ay gusto kong ibigay ang lahat ng pangangailangan niya. Lahat ng pangangailangan ng bata. At the back of my mind, iniisip ko na kung paano ako magiging sapat para sa anak ni Ram. Paano ko ito mapapalaki at aalagaan.

Alam ko kung ano ang pakiramdam ng isang illegitimate child. Hiniling ko na sana'y hindi iyon maranasan ng pamangkin ko. Sana hindi siya magalit sa mundo, sa mga magulang niya at sa kanyang sarili kung ba't siya gano'n.

Bago kami umalis papuntang Las Vegas ay nagulat ako nang magpadala ng sulat sa amin. Hindi ko masiguro kung kanino galing ang sulat dahil walang pangalan ngunit sapat na ang nakapaloob roon para isalamin ang basurang ugali ni Morris.

'I've heard you and my former bitch is now fucking each other. You really have a bad habit of getting all my trash, huh?'

"Asshole." Pinunit ko ang papel at tinapon sa trashbin. Ram isn't a bitch and definitely not a trash. "He really won't stop bugging us." Bulong ko sa aking sarili. I was already thinking countless of ways on how to get rid of him.

Natuloy ang pagpunta namin ni Ram sa Las Vegas with Xandrea as our witness. Hindi nakasama si Xandrei at Ate nung mga panahon na iyon dahil kasalukuyan paring inaayos ang gusot sa aming kompanya.

25th day of June, we got married. Nanatili kami sa Las Vegas nang tatlong araw. Sa huling araw namin ay may hindi inaasahang sulat na naman ang dumating. But this time, si Ram na ang nakabasa.

'I'll get them back, bastard.'

Iyon ang nakalagay sa sulat. Takot na takot si Ram nang mabasa niya iyon. Kahit wala pa ring pangalan ang ikalawang sulat ay nakakasiguro kaming dalawa na si Morris ang nagpadala no'n.

"Please, Gelo. Huwag mo akong ibigay sa kanya! Ayoko! Ayoko! Ayoko siyang makita! Sasaktan niya ulit ako! Sasaktan niya ako at ang baby ko!" She went hysterical nung araw na 'yon. Hindi ko siya nagawang pakalmahin gamit ang mga salita kaya napilitan akong magpatawag ng ambulansya.

The psychiatrist confirmed that she got traumatized. Nung araw ding iyon ay nag-spotting siya. Dumoble ang kaba at pag-aalala ko sa kalagayan niya at sa bata.

"Anong balak mo ngayon?" Nag-aalalang tanong ni Ate Xandra nang tawagan niya ako, "Mukhang hindi ka titigilan ng Morris na 'yon. Magsampa kaya tayo ng kaso?"

"Magmumukha lang tayong tanga sa korte pag nangyari 'yon. Walang sapat na ebidensya. Those letters won't be enough. Walang pangalan na nakalagay."

"So, anong dapat gawin? Hayaan na lang natin ang taong 'yon? Paano kung totohanin niya ang banta niya sa inyo?"

Paano kung tama si Ate? Paano kung gano'n nga ang mangyayari?

Nilisan namin ang Las Vegas at muling bumalik ng Pilipinas. Hindi kami namalagi sa syudad. Sa isla ko siya dinala. Sa La Principe.

"Gusto ko rito. Tahimik." Sabi sa akin ni Ram sa unang araw ng pagdating namin ro'n.

Ngunit hindi namin nagawang magtagal dahil lumala ang karamdaman ni Ram. Nahirapan siyang maglihi. Wala siyang ganang kumain. Madalas ay pinipilit niya na lang ngunit sinusuka niya pa rin ang pagkain. Napilitin kaming idaan vitamins at medicine ang kulang na nutrisyong kanyang kailangan para makakuha ng sustansya ang bata. Nakita ko ang pagturok sa kanya ng napakarami at iba-ibang bakuna dahil humina ng humina ang kanyang katawan.

She's already seven months pregnant. Nag-aalangan ang mga doktor na idaan sa normal procedure ang panganganak niya. Hindi raw kakayanin ni Ram. The only option is through caesarean,

"Will he be , alright?" Nanghihina niyang tanong. Mas lalo siyang pumayat pero nakikita kong pinipilit niyang magpakatatag para sa bata.

"He'll survive. Kayo pareho. Be strong, Ram."

Then, she gave birth to a baby boy. Sa akin binigay ng doktor ang bata dahil walang malay si Ram, Nanginginig ang kamay ko habang karga ko ang bata. Nilapitan ako ng nurse at nginitian. May hawak itong isang papel.

"Sir. Ano pong surname ng bata?"

"De Vera." Hindi ko matanggal ang tingin ko sa baby. Umiyak ito at nataranta ako. "Hush, baby."

Kris gave me happiness. He's my instant happiness. Minahal ko siya at tinuring na sariling anak. Hindi ko siya kayang ibigay kay Morris. Hindi nito deserve ang kanyang mag-ina.

"Sir?" Tumawag ang hinire kong tao na patuloy sa pagmamanman kay Anne. I don't know why I can't get her out of my system. "Nasend ko na po ang data."

"Thank you." Nang maibaba ko na ang tawag ay tumawa si Ram.

"Old habits are hard to die, huh?" Nilingon ko siya habang buhat niya ang mag-iisang taon na si Kris.

Kinuha ko ang bata sa kanya. "Hindi mo na dapat binubuhat si Kris. Mabigat na siya." Hinalikan ko ang noo ng bata at nginitian ito. Nilaro ko ang kamay nito. Masyadong maliit iyon kumpara sa kamay ko ngunit hindi maipagkakailang mabilis na lumaki ang anak ko.

Yes, I declared him mine. Pinangatawanan kong maging ama ng batang ito at wala akong katiting na pagsisi. I loved him the first time I held him in my arms. Ang batang ito ang nag-iisang tama sa lahat ng kasalanang ginawa ni Morris.

Nang bumaling muli ako kay Ram ay nakita ko siyang nakangiti sa akin. "Being a father suits you."

Nginitian ko siya pabalik.

"Ba't hindi mo ulit puntahan si Anne?" Natigilan ako sa itinanong niya. Dahan-dahang nalusaw ang aking ngiti. "Paano nagagawang makuntento sa impormasyon at litrato? Bakit hindi mo siya harapin?"

Natahimik ako. Yes, Ram knew what I had been doing then. Hindi niya ako pinigilan at kailanman ay hindi siya nagalit sa akin. Madalas ay siya pa itong nagtutulak sa akin na bumalik kay Anne.

Gusto ko. I'd been dying to be with Anne again. Ngunit paano ko magagawa iyon sa sitwasyong papaikli na ng papaikli ang nalalabi sa taning na binigay kay Ram? She only have more or less three months to live. Paano ako aalis nang hindi mamamatay sa konsensya? Oo, nararamdaman ko na pinapakawalan niya na ako pero hindi ko kayang umalis. I remembered the second time I went to US at pagbalik ko ay nalaman kong malala na ang kanyang sakit. Natatakot ako kung aalis ako ay hindi ko na siya maaabutan pa. Wala na akong Ram na babalikan.

As we live further, our time is getting shorter and shorter. There's no other choice but to treasure every moment that our Creator has given to us. I've been thankful that I met Ram and she trust her only cherished son to me. I'll make sure that I can give anything that Kris will need. Lahat ng bagay na dapat ay si Morris ang gumagawa at magbibigay. Hihigitan ko pa.

I was surprised when I saw my mother standing at my doorstep two weeks after Ram gave birth. Wala rin akong ideya kung paano niya ako natuton. I never imagined that day would come, not even in my wildest dreams.

"May I come in?" Ngiti ang sinalubong niya sa akin which I found unusual. "Cyfer."

Mahabang sandali akong natigilan bago ako nakabawi. Tumikhim ako at inawang na malaki ang pinto. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.

"Thank you." Pumasok siya sa bahay ko at nilibot ng kanyang paningin ang kabuuan nito.

Matagal na sandali bago siya bumaling ulit sa akin. Muli ay ngumiti. Binigyan ko siya ng blankong tingin dahil hindi ko alam kung anong emosyon ang dapat kong ipakita sa kanya. Hindi ko na maalala ang huli naming engkwentro. Hindi ko na rin maalala ang sama ng loob ko sa kanya ngunit wala rin akong maramdamang gaan ng loob. Inisip kong siguro'y wala na akong pakialam. Matagal na 'yon at ibinaon ko na iyon sa lupa.

Tumikhim siya. "Am I too late to be forgiven?"

"What do you want?" Malamig kong utas.

"I. . .hired someone to trace your whereabouts. Actually, I'm four months late. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob na puntahan ka-"

"May kailangan ka ba? Pinapunta ka ba ni Morris dito?" Iyon ang una kong hinala.

Pain crossed her eyes. Kumunot ang aking noo nang makita ko iyon bago pa siya makaiwas ng tingin. "Sorry for the inconvenience." Tumalikod siya sa akin.

Bago pa niya mahawakan ang seradura ng pinto ay nahablot ko na ang kanyang braso. "Bakit ka nandito? Anong sadya mo?"

"You." Malungkot siyang tumingin sa akin. "I was hoping we could talk. I-I mean. . ." Napailing siya. "I just want to apologize for everything. I know it isn't enough and probably, late." Tumawa siya ng pagak. Walang buhay.

Natigilan ako. Tinanggal niya ang kamay ko sa kanyang braso.

"Alam kong may galit ka pa rin. Hindi ko alam kung naniniwala ka sa akin. Siguro ay hindi dahil wala naman akong nagawang tama bilang ina." Tumingin siya sa aking mga mata. She put her hand to my shoulder and squeezed it.

"Maybe you can spare sometime and visit me to Florence. It has been a long time at wala ni isa sa mga anak ko ang dumadalaw sa akin."

"Where's Morris?" Wala sa loob kong tanong.

Umiling siya. "Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Taon na nang huli ko siyang makita." Tumikhim siyang muli. "I guess, I have to go."

Nakalabas na siya ng pinto at ako ay natigagal habang pinagmamasdan siyang papalayo.

"My." Napahinto siya. "Do you. . .want to have a dinner here?"

I realized na walang saysay kung huhukayin ko pa ang sama ng loob ko sa aking ina na matagal ko ng ibinaon. She asked for forgiveness. I gave it to her. Hindi ko na pagkukulang kung nagpapakitang tao lang siya sa akin.

Ngunit lumipas ang buwan na sa bahay siya nanatili. Nalaman niya ang tungkol kay Ram at Kris. Nagulat siya ngunit hindi ko nalaman ang opinyon niya ukol ro'n. She adores Kris, almost pampered him. No'n ko lang siya nakitang malapit sa bata. Namalayan ko na lang na maayos na ang pakikitungo namin sa isa't-isa. Hindi ko na talaga maalala yung panahong nagkimkim ako ng galit sa kanya.

Life has been good after all the sufferings. Another good news came. Nagrespond ang katawan ni Ram sa therapy at nalagpasan niya ang dalawang taong taning sa kanya. Ang akala namin ay makakabangon na kami sa nakaraan. Ngunit hindi pala nagtatapos ro'n ang lahat.

"Dy! Habol!" Nakikipaglaro sa akin si Kris. Tatlong taon na siya no'n at nakita ko ang kanyang paglaki. "Dy! Hanap mo ko!" Umakyat siya sa itaas ng bahay at natatawa ko siyang tinanaw,

"Daddy's coming!" Hinanap ko siya. Nalusaw ang ngiti ko nang makita ko siyang nakahandusay sa labas ng pintuan ng playroom. "Kris?"

Napatakbo ako sa anak ko at agad siyang binuhat. "Kris!" Namutla ako nang makitang may dugo ang kanyang ilong. "Shit."

Nanghina ang tuhod ko at nagpanik ang buong sistema ko. Sa puntong 'yon ay lumabas si Ram mula sa kwarto. "Gelo? What happened-Oh, my God!" Nanlaki ang kanyang mata nang makitang buhat ko ang walang malay naming anak.

Sinugod namin ito sa pinakamalapit na ospital. Kris had undergone a series of test. Para na rin makasiguro kami sa kanyang kalagayan.

Pakiramdam ko ay pinagbagsakan ako ng langit at lupa nang marinig sa doktor ang resulta.

"The child has Acute Lymphocytic Leukemia. Mayro'n bang nagkaro'n na ng ganitong sakit sa family line ninyo , Mr. De Vera? Hereditary ang sakit na ito. But sometimes, nakukuha ito kapag may komplikasyon ang pagbubuntis ng ina. . . " Halos mabingi ako. Hindi makapaniwalang sa lahat ng tao ay si Kris pa ang makakuha ng gano'ng sakit. Ram cried beside me. That was the first time I couldn't comfort her. I was equally devastated. I needed some comfort, too , at hindi ko alam kung saan ko iyon makukuha.

"A-anong. . ." Napalunok ako. Nagbabara ang lalamunan ko. "What should we do? Gagaling pa ba ang anak namin? I-I'll do anything." Hinawakan ni Ram ang braso ko. Nanginginig ang mga kamay niya. Ako naman ay hinang-hina.

"We have to do a series of blood test. Kailangan ng cooperation ng parents. Saka natin padedesisyunan kung anong klaseng therapy ang gagawin sa bata." Natigilan ako sa aking narinig. Nanigas ang buo kong katawan. Naramdaman ko ang paghigpit ng kamay ni Ram sa aking braso.

"No, Gelo! Hindi ako papayag na makalapit si Kris sa anak ko! No!" Naging hysterical na naman si Ram. Ako naman ay gulong-gulo ang utak. "Wala siyang pakialam sa bata! He'll just use Kris against you! Alam mo 'yan! Hindi ako hihingi ng tulong sa taong 'yon! Ayoko, Gelo-"

"But we can't let Kris die, Ram! We can't let him die dahil lang do'n. We should at least try!" I was frustrated to death. Kung ako lang ang totoong ama ni Kris, walang magiging problema sa ganito. Pero ang nakakainis na realisasyon ay hindi! Kahit angkinin ko ang bata ay hindi ako ang tunay nitong ama!

That was the first fight I had with Ram. Sa apat na taon naming kasal ay no'n lang kami nag-away. Naka-confine si Kris sa ospital at kahit nasa loob kami ng isang silid ni Ram, pakiramdam ko ay napakalayo niya sa akin. Maga ang kanyang mata habang nakahawak sa kamay ni Kris.

Huminga ako ng malalim at nilapitan siya. Bago pa akn makahingi ng paumanhin ay nagsalita na siya.

"Sorry, Gelo." Tinakpan niya ang kanyang bibig. "Hindi ko lang matanggap na mangyayari 'to kay Kris."

I felt the same. Ngunit wala akong masisisi. Wala akong mapagbubuntunan na kahit na sino. Not even God. I question him, yes, but I can't blame him.

Hinalikan ko ang ulo ni Ram. "We'll find a way. We won't lose hope. Let's be strong for Kris."

Tinawagan ko si Mommy at ibinalita ko ang nangyari kay Kris. Gusto na niyang lumuwas agad ng Italy ngunit pinigilan ko siya.

"We have to talk to Morris. Kailangan ang cooperation niya for the blood test."

"I don't think your brother will cooperate, Cyfer," Nag-aalangan niyang sabi.

"I will still try. This is for Kris. Hindi pwedeng hindi ako gumawa ng paraan. Pupunta ako dyan at kung kailangang pilitin ko siya, gagawin ko."

Pumunta ako ng Italy. Kailangan pa naming magpa-appoint para makausap siya. Maski ang aming ina ay hindi niya nagawang ikonsidera. Nang magkaharapan kami ay sumilay ang pamilyar niyang ngiti. Nang-uuyam.

"Woah. Saan ko utang ang pagdalaw na 'to?"

Kahit nasusuya ako sa mukha niya ay pinilit kong maging blanko. Tumayo ako at hindi nagpaligoy-ligoy. Napatayo rin si Mommy na tila natetensyon sa paghaharap namin ni

Morris.

"Kailangan ka ni Kris."

Tumaas ang kanyang kilay. "Who's that?"

"He's your son with Ram."

Dumilim ang mukha niya. "Oh, the bitch' bastard. Akala ko ba inako mo na ang pagiging ama? Hindi ko na nga tinuloy ang pagkuha sa kanila, di ba? You can have them 'til your last breath. Oh, I hope it's soon."

"Anak mo 'yon, Morris! Wala ka bang pakialam ni kititing?" Galit kong wika.

"Cyfer." Tawag ni Mommy sa pangalan ko.

"Yeah, right. Wala akong pakialam-"

"Fuck you!" sinugod ko siya. Napasigaw si Mommy. Bago pa ako maawat ng security ay tatlong beses ko na siyang nasuntok sa mukha. "Wala kang kwenta , Morris! Fuck!"

Lumapit sa kanya si Mommy na ngayon ay umiiyak na. "Morris, you should help your-"

"Even you? Kailan ka pa kumampi sa bastardong 'yan?" Marahas na inalis ni Morris ang kamay ng aming ina sa kanyang braso. "You may all rot in hell and I won't care a bit."

Tinalikuran niya kami na parang hindi niya kami kadugo. That day made me curse Morris to death.

Iyon ang pagkakataon na tuluyan kong kinalimutan ang sarili ko. Nakaligtaan ko si Anne. Nakalimutan kong magdesisyon para sa sarili kong kasiyahan. I chose not to be happy instead to neglect being honorable.

>>next update

Continue Reading

You'll Also Like

523K 9.4K 33
Please, read the Student Terror Part 1 first.
195K 1.7K 7
"You just assumed that there's something going on between us. Sorry not sorry, but you fell on my trap." -CM Claudio Martinez-the mysterious but dang...
1.8K 33 7
Sevito #1: Loving you, Mr. President [EDITING] [KYLE JUSTIN PARK] Synopsis Kyle Justin Park known as the former Student Council President of SSU. Ye...
28.3K 1.3K 58
[Soon to be PUBLISHED under LIB] Lahat tayo ay may hinahangaan. Minsan minamahal na natin sila pagiging idolo natin sa kanila. Gumawa nang mga para...