Rated SPG ka ba?

Galing kay yoolabanana

696K 8K 1K

- COMPLETED - BABALA: Ang aklat na iyong mababasa ay Rated SPG. Istriktong patnubay at gabay sa iyong puso an... Higit pa

UNANG TIKIM
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
HULING LAMBING

KABANATA 9

13.2K 186 25
Galing kay yoolabanana


KABANATA 9

Gano'n ang naging routine namin ni Inno sa loob ng dalawang linggo. Susunduin n'ya ako mula sa bahay tuwing umaga, sabay kaming kakain ng almusal, at ihahatid n'ya ako sa trabaho. Tapos ay kapag pauwi na ako ay susunduin n'ya ako sa trabaho, kakain kami sa labas, mamamasyal ng kaunti, at ihahatid ako nito sa bahay.

Sobrang saya. Hindi ko akalain na pwede palang maging ganito kasaya ang isang tao. Pero minsan ay natatakot ako na baka isang araw ay mawala itong lahat lalo pa at pinili kong ilihim ito dahil nga sa takot 'kong malaman ni Mayora ang tungkol sa aming dalawa. Ngunit tuwing kasama ko na si Inno, lalo na sa tuwing hawak n'ya ang mga kamay ko, ay nakakalimutan ko na ang lahat at s'ya nalang ang gusto kong intindihin lagi.

Nakaka-relate na nga ako sa mga pinapanuod kong K-Drama ngayon! Tuwing may mga nakakakilig na scenes ay palagi akong nag-iimagine na gano'n din kami ni Inno. Kaso, puro palang kami holding hands. Tuwing napapanuod ko ang mga bida sa K-Drama ay naiinggit ako sa mga kissing scenes nila. Gusto ko din no'n!

Ewan ko ba kasi kay Inno. Ang bagal-bagal kumilos. 20 years ko s'yang inantay at handang-handa naman na ako pero wala pa rin talaga!

Kaya naman ngayong araw ay may plano ako. Inaya kong manuod ng sine si Inno. Alam ko na sa sinehan ay palaging may nangyayaring kababalaghan! At gusto ko din iyon! Naniniwala ako na nasa wastong edad na ako para doon.

Pagdating namin sa loob ng sinehan ay pinili ko ang puwesto sa bandang gilid kung saan malayo ang ibang okupadong upuan sa amin. Para wala masyadong makakita. Ngumiti ako sa isip ko.

"Ang lamig." sabi ko sa kalagitnaan ng palabas. Tinanggal ni Inno sa pagkakahawak ang kamay namin at agad ako nitong inakbayan. Ang kabilang kamay naman n'ya ay hinihimas ang braso ko para maibsan ang lamig.

"Feeling better?" tanong nito at tumango ako na malaki ang ngiti. Tuwang-tuwa dahil nagtagumpay ang unang plano ko. Ang sarap-sarap sa pakiramdam ng yakap ni Inno. Nakahilig pa ako ngayon malapit sa dibdib n'ya! Ang bangu-bango!

"Inno, may dumi ba ang mata ko? Parang masakit kasi eh." dinungaw ako ni Inno at tinignan nito ang mata ko. Napakalapit ng mukha n'ya sa'kin kaya napangiti ako. Dinilaan ko ang pang-ibabang labi ko at kinagat ito habang tinitignan ko ang mga labi n'ya. Napansin iyon ni Inno at bigla itong natawa.

Inis na kumalas ako sa pagkakayakap n'ya. "Hindi na pala ako nilalamig." mataray kong sabi.

Lalo naman itong natawa kaya mas lalo akong nainis at magmula no'n ay hindi ko na ito kinausap.

Hanggang matapos ang pinapanuod namin ay sinusungitan ko na si Inno. Naiinis ako. Siguro ay hindi n'ya talaga ako masyadong gusto kaya kahit nagpapahiwatig na 'ko ay tinawanan lang ako. Kaasar! Hindi naman ako bad breath. Hindi na rin nga ako kumain masyado ng pop corn para walang sumabit na tinga sa ngipin ko!

"Do you want some fries?" malambing na tanong nito nang mapadaan kami sa Mcdo pero agad akong umiling.

"Where do you want to go next?"

"Uwi na tayo." malamig kong sagot. Natawa ito ulit kaya tinitigan ko ito ng masama.

Hindi ako nito pinatulan at hinila ako nito papuntang Department Store. Nagpatianod naman ako at nagulat na lamang ako na nasa swimsuit section na kami.

"Bakit nandito tayo? Hindi ko naman kailangan ng swimsuit." suplada kong sabi at akmang aalis pero pinigilan ako nito.

"You need one now." seryosong sabi nito.

"Bakit? Mag-swimming ba tayo ngayon?"

Tumango ito. Hindi ko naman napigilan ang mapangiti.

"I'll teach you how to swim." sabi nito na lalong nagpangiti sa akin.

Pinili ko ang isang puting bikini. S'ya naman ay kumuha ng isang puting swimshort. Bumili din kami ng mga damit pamalit namin at tsinelas. Pagkatapos no'n ay nagpunta naman kami sa supermarket para mamili ng sangkap ng adobo dahil susubukan daw n'ya akong lutuan.

Kumuha si Inno ng isang probadong villa sa Tagaytay. May dalawang palapag itong bahay at isang malawak na garden na may swimming pool. Tuwang-tuwa ako nang makarating kami doon. Sobrang ganda!

Nagluto muna s'ya ng makakain namin. Habang ginagawa n'ya iyon ay nagpadala ako ng mensahe sa mama ko na may pupuntahan lamang ako at late na ako makakauwi. Pumayag naman ito dahil hindi naman mahigpit ang mama sa'kin basta daw ay lagi lang akong mag-iingat.

"Ang bango naman!"

Natawa si Inno sa sinabi ko. Naggigisa palang kasi s'ya ng bawang at sibuyas.

"Saan ka natutong magluto?" sumandal ako sa gilid ng countertop at pinanuod ito sa ginagawa.

"Dito lang din, last week. Pinanuod ko si Manang Choleng." sagot nito na nagpalaki ng mata ko. Ibigsabihin ba nag-aral s'ya para sa'kin!?

"I'm sure 'yang ang best adobong manok in the world." nakangiting sabi ko. Natawa naman ito.

Hinayaan ko muna si Inno sa kusina at nanuod muna ako ng K-Drama sa sala. Dahil malapit lang ang kusina at sala ay hindi ko maiwasang minsan ay mapalingon sa kan'ya at magpantasya na kunwari ay mag-asawa kami at ito ang bahay namin! OMG!

Nang matapos si Inno sa pagluluto ay pinatikim niya ito agad sa'kin. Ngumiti ako dahil lasang adobo naman iyon. Sakto ang alat at lambot ng manok.

"Pwede ka nang mag-asawa!" nakangiting sabi ko. "Asawahin mo na 'ko." pahabol na biro ko pa sabay tawa. Seryoso naman itong nakatingin sa akin.

"Pumayag ka munang maging girlfriend ko."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Inno. Nang mahimasmasan ako ay ngumiti ako ng pagkatamis-tamis. Ito naman ay nanatiling seryoso ang mga tingin sa akin.

"Gusto ko, Inno. Payag ako." mabilis kong sabi at agad itong niyakap. Natawa ito at niyakap ako nito pabalik. Binuhat pa ako nito at binaon ko naman ang mukha ko sa leeg n'ya.

Walang mapaglagyan ang saya ko. Sa wakas! Opisyal na ngayong November 29, 2016! Kami na nga ni Inno.

Pagkatapos naming kumain ni Inno ay hindi kami naglangoy kaagad. Nagpahinga muna kami saglit. Napagdesisyonan namin na manuod ng isang movie sa sala at dahil sabi n'ya ay hindi pa s'ya nakakanuod ng kahit anong Wrong Turn Movies ay iyon ang pinili ko dahil paborito ko ang mga iyon.

Habang nanunuod ay tawa ako ng tawa sa tuwing nakikita ko ang reaksyon ni Inno kapag may katayan na nagaganap. Patayan kasi ang palabas. Diring-diri s'ya, sobrang cute!

Paiba-iba din kami ng posisyon habang naunuod dahil minsan ay nangangalay. At ang pinaka paborito ko ay nang buhatin n'ya ako at ikandong sa hita n'ya. Pinulupot ko naman ang kamay ko sa leeg n'ya at nakahilig ako sa balikat n'ya pero ilang saglit lang kami na gano'n nang buhatin ulit ako ni Inno paalis sa kandungan n'ya at nilapag ako nito sa couch. Sabi nito ay mabigat daw ako.

"Luh, hindi naman ako mabigat, ang laki-laki mo eh!" nakangusong sabi ko habang tinitignan ko s'ya na ngayon ay nakatayo at nakatalikod sa'kin. Hindi ako nito pinansin at dumiretso ito sa banyo.

Nainis ako sa ginawa ni Inno. Nasa kalagitnaan kami ng palabas pero iniwan n'ya ako sa sala ng hindi ko alam kung bakit. Sobrang asar ko kaya pinatay ko ang movie at nagpunta sa kuwarto.

Nagdesisyon ako na maglalangoy nalang ako. Nagbihis ako ng bikini at tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Tumaba na ba ako? Bakit sabi n'ya mabigat daw ako? Hindi ko naman makita na tumaba ako. At kung oo man, kasalanan n'ya 'yon dahil palagi n'ya akong dinadala sa mamahaling restaurant!

Pagbaba ko sa sala ay nandu'n na ulit s'ya. Inirapan ko ito at hindi pinansin.

Kagat ni Inno ang labi n'ya nang makita ako. Nakaroba pa ako at dire-diretso ang lakad ko, hindi ko ito kinausap. Hinawakan ako nito sa braso.

"Do you want to swim now?"

Hinila ko ang braso ko sa kamay n'ya pero binawi n'ya ako ulit at niyakap mula sa likod. Binaon n'ya ang mukha sa leeg ko.

"Ano ba. Du'n ka na. Mabigat ako diba?" asar na sabi ko. Natawa s'ya at hinarap ako sa kan'ya at niyakap ako ulit. At ang taksil kong puso ay inudyukan akong yumakap na nga pabalik.

"Huwag mo kasi ako biglang iiwan kapag gano'n." naiinis na sabi ko sa kan'ya. Hinampas ko ang likod n'ya sa inis.

"Sorry," natawa s'ya. "I was... uhm... turned on."

Nagulat ako sa sinabi n'ya. Nang makabawi ako ay tumawa ako ng tumawa.

"You find that funny, huh?" sabi nito at kumalas sa yakap. Pinanuod ako nito na malunod sa sarili kong tawa.

"Sorry, first time ko ito." natatawang sabi ko.

Nagbuntong hininga ito. "I know, that's why I wanted to take it slow for you. But help me, too. Dahil minsan ay inuunahan mo pa ako. Tulad nalang kanina sa sinehan. I know what you're trying to do and God knows how much I wanted to kiss you but, not in that kind of place. It's your first time so, it has to be memorable."

Mapupungay ang mga mata n'ya habang sinasabi n'ya iyon. Napangiti ako ng pagkatamis-tamis.

"Eh, dito? Pwede na ba?" nang-aakit na sabi ko sa kan'ya.

Kinagat nito ang labi n'ya at ngumisi sabay irap. "Ang kulit mo." sabi nito sabay iniwan ako ulit. Umakyat ito ng kuwarto at mukhang magbibihis na rin. Naiwan akong natatawa.

Mainit ang tubig sa pool. Ang sarap no'n sa pakiramdam dahil sobrang lamig ngayon sa Tagaytay. Tinuruan nga ako ni Inno na lumangoy pero hindi ko pa rin talaga magawa. Napaka hirap naman!

"Ayaw ko na, Inno." nakangusong sabi ko. Hinihingal na kasi ako at napapagod pero hindi ko pa rin ito makuha.

Nakakapit lang tuloy ako sa kan'ya para hindi ako lumubog. Nakapulupot ang kamay ko sa leeg n'ya at ang kamay naman n'ya ay nakayakap sa bewang ko.

"Magsasalbabida nalang ako o kaya life jacket." sabi ko sabay tawa. "Or kakapit nalang ako sa'yo palagi."

Natawa din ito at tumango nalang.

"Inno, marami ka na bang experience?" bigla kong tanong na ikinagulat n'ya. Hindi s'ya sumagot kaya nagsalita ako ulit.

"Syempre, oo, diba? Lalo pa at sa Manila ay maraming tukso. Hindi naman ako magagalit." nakangiting sabi ko. Umirap naman ito.

"Okay lang naman sa'kin, ang mahalaga ikaw ang una ko."

Nilubog ni Inno ang mukha n'ya sa leeg ko. "My baby is so impatient." sabi nito sa parang nahihirapang tono.

Natawa naman ako. "Nagtatanong lang naman! Matanda na naman tayo eh." sabay nguso ko. "For once, I wanna act my age."

Hinarap ulit ni Inno ang mukha n'ya sa akin. Tinitimbang ang reaksyon ko. Nanlaki ang mata ko nang patakan ako nito ng isang mabilis ngunit malambot na halik.

Ang unang halik ko... mula kay Inno. Napangiti ako at hindi ko naitago ang kilig.

"Bitin." natatawang sabi ko habang naiisip ang mga matitinding halikan na napanuod ko sa K-Drama. Gusto ko gano'n!

Natawa naman si Inno. "So impatient." sabi nito at saka ako muling inatake ng halik.

Sa pangalawang pagkakataon ay mas malalim na iyon at matagal. Mas humigpit rin ang yakap n'ya sa akin. Agad na nag-init ang buong katawan at mukha ko. Sarap na sarap ako sa klase ng halik na binibigay n'ya at sinusubukan ko itong sabayan kahit ito ang unang beses kong mahalikan.

Hinihingal kami ni Inno nang matapos. Napangiti ako sa sobrang kilig. Hinalikan naman ako nito sa pisngi.

"Happy?" natatawa nitong tanong. Sunud-sunod ang tango ko na lalo nitong ikinatawa.

Nang ihatid ako ni Inno sa bahay no'ng gabing iyon ay hindi ako mapakapaniwala sa lebel ng kasiyahan na nararamdaman ko. May isasaya pa pala ang puso ko kumpara no'ng nakaraan. Grabe lang.

Pero ngayong pagkakataon, ito ang klase ng saya na hindi ko nakayang ibahagi sa mga kaibigan ko at pinili ko nalang na ilihim. Dahil alam ko naman na masyadong naging mabilis ang lahat. Alam ko na hindi sila matutuwa sa akin. Pero gustong-gusto ko na talaga si Inno na pakiramdam ko ay ako lang ang makakaunawa sa sarili kong nararamdaman.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

121K 6.5K 41
Ang gwapo Ang hot Kinababaliwan ng lahat Miss este Mister . . . Zayden Christian Orion McCallister!!! Copyright © 2016 by PlayfulEros All rights res...
12.3K 54 55
This is one-shot compilations that I did. I own these stories. Please don't plagiarize. I'll post all my one-shot stories here.
61.7K 698 15
⚠️This is a smut story kindly read at your own risk.🔞 Slow Update
11.4M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!