My Romantic Destroyer (Comple...

By HeyBettyCooper

111K 1.6K 262

I'm just a nerd ugly looking girl transferred into another private school. Isa lang naman ang gusto ko, ang m... More

My Romantic Destroyer
My Romantic Destroyer 1
My Romantic Destroyer 2
My Romantic Destroyer 3
My Romantic Destroyer 4
My Romantic Destroyer 5
My Romantic Destroyer 6
My Romantic Destroyer 7
My Romantic Destroyer 8
My Romantic Destroyer 9
My Romantic Destroyer 10
My Romantic Destroyer 11
My Romantic Destroyer 12
My Romantic Destroyer 13
My Romantic Destroyer 14
My Romantic Destroyer 15
My Romantic Destroyer 16
My Romantic Destroyer 17
My Romantic Destroyer 18
My Romantic Destroyer 19
My Romantic Destroyer 20
My Romantic Destroyer 21
My Romantic Destroyer 22
My Romantic Destroyer 23
My Romantic Destroyer 24
My Romantic Destroyer 25
My Romantic Destroyer 26
My Romantic Destroyer 27
My Romantic Destroyer 28
My Romantic Destroyer 29
My Romantic Destroyer 30
My Romantic Destroyer 31
My Romantic Destroyer 32
My Romantic Destroyer 33
My Romantic Destroyer 34
My Romantic Destroyer 35
My Romantic Destroyer 36
My Romantic Destroyer 37
My Romantic Destroyer 38
My Romantic Destroyer 39
My Romantic Destroyer 40
My Romantic Destroyer 41
My Romantic Destroyer 42
My Romantic Destroyer 43
My Romantic Destroyer 44
My Romantic Destroyer 45
My Romantic Destroyer 46
My Romantic Destroyer 47
My Romantic Destroyer 48
My Romantic Destroyer 49
My Romantic Destroyer 51
My Romantic Destroyer 52
My Romantic Destroyer 53
My Romantic Destroyer 54
My Romantic Destroyer 55
My Romantic Destroyer 56
My Romantic Destroyer 57
My Romantic Destroyer 58
My Romantic Destroyer 59
My Romantic Destroyer 60
My Romantic Destroyer 61
My Romantic Destroyer 62
My Romantic Destroyer 63
My Romantic Destroyer 64
My Romantic Destroyer 65
My Romantic Destroyer 66
The Final Romance
EPILOGUE
Announcement
ANNOUNCEMENT

My Romantic Destroyer 50

1K 19 9
By HeyBettyCooper

Dedication: I dedicated this chapter to @ThisIsMySong . Naalala niya kong i-greet ng Merry Christmas sa message board ko. :") Thank you ulit bunso.

SHAEL's POV

Nasilaw ako sa liwanag na bumungad sa'kin pagmulat ng mga mata ko. Sobrang sakit ng ulo ko at napakabigat ng pakiramdam ko. Dinaig ko pa ang uminom ng napakaraming alak. Ang hapdi rin ng mata ko at iba na rin ang suot kong damit.

Gusto kong bumangon pero hindi ko magawa. Naubusan na ko ng lakas. Nilibot ko ang paningin ko sa silid at sigurado akong wala ako sa kwarto ko.

Isang malaking kwarto ang bumungad sa'kin. May malaking chandelier sa gitna ng kisame at may malaki at magarang aparador sa may gilid ng kwarto. May malalaking bintana at isang glass door na mukhang papunta sa veranda ang naging daan para pumasok ang sinag ng araw.

Na kaninong kwarto nga ba ako?

Napahawak ako sa noo ko habang pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi. Oo nga pala. Sinaktan ko si Light at sinaktan ko rin ang sarili ko.

Hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko na maiyak dahil sa nangyari. Ano ba 'to? Kailan ba ko mauubusan ng luha? Wala na kong ibang ginawa kung hindi ang umiyak. Ano pa nga bang choice ko kung hindi ang iiyak na lang ang lahat.

Narinig kong bumukas ang pinto ng silid na 'yon kaya kaagad akong tumalikod sa direksyon ng pintuan. Kung sino man ang pumasok na 'yan ay ayokong makita niya na nanghihina ako.

"Gising ka na ba?" Ang boses na 'yon. So, nandito pala ako sa bahay niya.

Nakakatawa lang. Dapat wala ako dito. Dapat galit na galit ako sa kanya dahil tinraydor niya kami pero heto ako. Mukhang siya pa ata ang huli kong makakapitan. Kung sino pa ang traydor, siya pa ang naging katuwang ko.

"Huwag mong sabihing umiiyak ka na naman?" Pagtatanong pa niya.

Obvious ba? Sino ba ang hindi maiiyak sa mga nangyari kagabi? Ayokong saktan si Light. Ayoko siyang layuan pero kailangan. Hindi ko alam kung ano nang nangyayari sa kanya ngayon. Okay lang kaya siya? Bwisit. Nagiging tanga na rin ako. Paano siya magiging okay dahil sa ginawa ko?

"Alam kong masakit para sa'yo at lalo na kay Francis pero wala na tayong magagawa. Maraming buhay ang nakasugal kapag hindi tayo sumunod sa kanila."

Naramdaman kong umupo siya sa gilid ng kama at hindi ko alam kung paano ako nagkaroon ng lakas na maupo at sumandal sa header ng kama. Sobrang sakit pa rin ng ulo ko na parang mabibiyak na.

Pinunasan ko gamit ang mga palad ko ang magkabila kong pisngi at tinignan ko ng diretso si Rocky. Namumutla siya at mukhang wala pa siyang tulog. Binantayan ba niya ko magdamag? Imposible.

"Wala na ba talaga tayong magagawa, Ro—I mean, Stephen? Ganito na lang ba tayo hanggang dulo? Ang maging puppet nila? P-paano naman ang kaligayahan natin?"

Tinitigan lang ako ni Rocky. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Bakit ba hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isip niya? Naghihintay ako ng sasabihin niya pero imbis na magsalita siya ay kaagad niya kong niyakap.

"Gagawa ako ng paraan. Kahit na ikapahamak ko pa, makabawi lang ako sa'yo. Basta, sa ngayon, sundin na lang natin ang gusto nila. Mag iisip ako ng isang matinong plano. Pangako 'yan."

Dapat ko pa ba siyang pagkatiwalaan matapos niya kaming traydurin? Pero humingi na rin siya sa'kin ng tawad. Sinabi na rin niya sa'kin na nagsisisi na siya pero paano kung umaarte lang pala siya?

Natatakot man ako, kusang gumalaw ang kamay ko para yakapin din siya. Aaminin ko na parang gumaan kahit papaano ang nararamdaman ko noong niyakap niya ko. May pakinabang naman pala kahit papaano ang traydor na 'to.

Dinalhan niya ko ng pamalit na damit at pinaasikaso niya ako sa isa sa kanilang mga katulong na mukhang katorse anyos pa lang. Kasalukuyan niyang sinusuklay ang buhok ko matapos kong maligo.

"Ma'am Trisha, kayo po ba ang fiancé ni Sir Stephen?" Usisa niya.

Tumango ako dahil yun naman talaga ang katotohanan.

"Alam niyo, Ma'am, ang bait bait po ni Sir Stephen. Sobrang lambing po niya sa family niya. Kahit po sa aming mga katulong ay maayos ang trato niya sa amin. Siya nga po ang naging dahilan kung bakit ako napasok bilang katulong dito e." Pagkukwento pa niya.

"Ang kapalit po ng pagtatrabaho ko dito ay ang pag aaralin nila ako. Sagot po nila ang school expenses ko pati na ang allowance ko. Wala na nga po akong pinoproblema e. Ang kailangan ko lang pong gawin ay ang mag aral ng mabuti at magsipag sa pagtatrabaho." Pagpapatuloy pa niya.

Ganoon kabait sila Rocky? Kung ganoon, bakit niya kami nagawang traydurin?

"Masayahin po 'yang si Sir Stephen. Hindi po nawawala ang ngiti sa mukha niya. Kapag pagod po sa trabaho ang parents niya, lalambingin niya lang ang mga 'to at magiging masaya na ulit sila."

Napatingin ako sa mukha ng batang 'to. Mukhang hindi naman siya kaduda duda pero hindi ko maiwasan ang magtaka.

"Bakit mo sinasabi sa'kin ang mga 'yan?" Usisa ko.

Napatigil siya sa pagsuklay ng buhok ko. Mukhang tapos na siya kaya ibinaba niya na sa tukador ang hawak hawak niyang brush.

Ngumiti siya sa'kin at muling nagsalita. "Halos kapatid na po ang turing sa akin ni Sir Stephen. Hindi maiiwasan na may oras din na napapakwento siya sa'kin sa tuwing kaming dalawa lang ang magkasama at naikwento ka po niya sa akin. May isang babae daw na gustong gusto niyang makabawi pero mukhang mahihirapan siya dahil traydor ang tingin sa kanya nito."

Malinaw sa'kin na ako ang babaeng tinutukoy niya.

"This past few days, ikaw lang po ang iniisip niya. Kayo ng mga kaibigan niyo. Kung paano siya makakabawi sa inyo sa paraang walang ibang madadamay."

Parang nagi-guilty na ko dahil pinagdududahan ko pa rin si Rocky. All this time pala, kami na ang iniisip niya. Kung paano siya makakabawi sa amin. Bakit kung kailan huli na ang lahat tsaka niya narealize ang mga mali niya?

"Ma'am Trisha, sinasabi ko 'to sa inyo hindi para konsensyahin kayo, kung hindi para malaman niyo kung gaano kabuting tao si Sir Stephen. May nagawa man siyang mali noon, siguradong gagawa rin siya ng isang tamang bagay para maitama 'yon." Muling ngumiti sa akin ang batang katulong at nagpaalam na rin na lalabas na siya.

Naiwan akong tulala at hindi ko malaman kung ano ang dapat kong isipin dahil sa mga sinabi niya. Pero isa lang ang nalaman ko, hindi naman pala ganoon kasama si Rocky. Nakalimutan ko na naman ang natutunan ko noon, na dapat kilalanin mo muna ang isang tao bago mo siya husgahan sa mga ginagawa niya.

Matapos kong mag ayos ay may sumundo na sa aking isa pang katulong na mukhang nasa 40s na at dinala niya ako sa dining area ng malaking bahay na ito. Hindi na pala bahay, mansion na pala.

Nadatnan ko si Rocky na masayang nakikipag kwentuhan sa parents niya habang kumakain. Nakita ko ang family picture nila sa kwartong tinulugan ko kaya sigurado akong mga magulang niya ang mga magagandang nilalang na 'to. Hindi na ko magtataka kung saan nagmana ng itsura ang mokong na 'to.

Nang mabaling sa akin ang atensyon nilang lahat ay kaagad na tumayo si Rocky at hinawakan ang kamay ko. Medyo nagulat ako sa ginawa niya pero hindi ko na nagawang magreklamo dahil mabilis niya kong dinala sa may dining table.

"Ma, Pa. Si Elizabeth po, ang fiancé ko." Nakangiti niyang pagpapakilala sa akin.

Elizabeth? Bakit 'yun ang ginamit niyang pangalan ko?

"Totoo nga ang sinabi ng anak ko na napakaganda ng fiancé niya. Tara, hija. Saluhan mo kami sa pananghalian." Masayang bati sa akin ng Mama niya. Napakaganda ng Mama niya at mukhang napakabait nito.

"S-salamat po. Happy New Year po." Magalang ko silang binati. Muntik ko nang makalimutan na bagong taon nga pala. Bagong buhay na rin namin ni Rocky.

"Happy New Year din, hija. Umupo ka na," nakangiti rin akong binati ng Papa niya. Mukhang masayahin rin ang Papa ni Rocky. Nakakatuwa silang tignan.

Inalalayan akong umupo ni Rocky. Sa tabi niya ko pinaupo kaya medyo nawala ang kaba ko. Ngayon ko lang din napansin ang batang lalaki na nakaupo sa tabi ng Mama niya. Little brother niya kaya 'to?

"Say hi to Ate Elizabeth," sabi ng Mama ni Rocky sa batang lalake.

Ang cute ng batang 'to. Mataba siya tapos bilugan talaga. Sa sobrang tambok ng pisngi niya, sumingkit na tuloy yung mata niya.

"H-hi," nahihiyang bati niya sa'kin.

"Hello," nakangiti ko namang tugon sa kanya. Muling nagbalik sa alaala ko ang unang araw na nakilala ko sila Jane sa playground. Siguro, kasing edad lang nila ang batang 'to. "What's your name?"

"Steven Rhey Herrera." Malakas niyang sagot na para bang pinagmamalaki niya ang pangalan niya. Ang cute lang.

"Proud na proud ka sa pangalan mo ha?" Pang aasar pa ni Rocky sa kapatid niya na binelatan lamang siya.

Habang kumakain kami ay kung ano ano ang kinukwento sa akin ng parents ni Rocky tungkol sa kanyang mga childhood memories. Wala naman siyang magawa dahil hindi niya mapigilan ang mga magulang niya na magkwento.

Pagkatapos naming kumain ay dinala ako ni Rocky sa garden nila.

"Hindi ka na nila makukwentuhan dito," natawa na lang ako nang sabihin niya 'to. Puro kasi nakakatawang bagay ang kinukwento na parents niya kaya siguro nainis na siya.

Umupo ako sa may gilid ng fountain tsaka ko nilibot ang paningin ko. Ang daming magagandang halaman at bulaklak sa paligid na mahahalata mong alagang alaga.

"Si Mama at Papa ang magkatulong sa pag aalaga sa mga 'yan. Kahit na busy sila sa trabaho, pilit pa rin nilang isinisingit sa oras nila ang pag aalaga nila sa mga halaman at bulaklak dito." Sabi niya dahilan para mapatingin ako sa kanya.

Mukhang mahal na mahal talaga ni Rocky ang pamilya niya. At nararamdaman ko na sa bawat araw pa na makakasama ko siya, mas lalo ko pa siyang makikilala.

Muli kong tinitigan ang mga bulaklak. Ang gaganda nila pero once na hindi sila naalagaan at nabigyan ng atensyon at pagmamahal, malalanta lang din sila at mamatay. Bigla ko tuloy naalala si Light.

Sabi nga ni Odette, nahanap na ulit ni Light ang sarili niya nang makilala niya ko. Pero paano na ngayon? Lalayuan ko na siya at pinalalayo ko na rin siya sa'kin. Ano nang mangyayari sa kanya? Mawawala na naman ba siya sa sarili niya? Magiging miserable na naman ba siya? Baka imbis na mapabuti ang lahat ay kabaligtaran pa ang mangyari.

Pati na rin ang mga naging kaibigan ko. Ang mga kaibigan ko na napatunayan kong totoo sa'kin. Mawawala na rin sila sa isang iglap dahil sa gagawin ko. Natatakot akong mag isa. Natatakot akong mawalan na naman ng mga totoong kaibigan.

"Okay ka lang, Shael?" Napatingin ako kay Rocky na nakaupo sa bench na katapat ko lang din. Ipinatong niya ang magkabilang siko niya sa kanyang tuhod para mas makita niya ang mukha ko.

"H-ha? Oo naman."

"Kung okay ka lang, bakit ka umiiyak?" Doon ko lang napagtanto ang luhang tumutulo sa pisngi ko. Kaagad ko 'tong pinunasan gamit ang palad ko.

"Alam kong hindi mo na ko mapagkakatiwalaan dahil sa nagawa ko pero you can still count on me. Makikinig ako." Sabi pa niya. 

Wala na kong ibang choice kung hindi sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Sino pa nga ba ang taong mapagsasabihan ko kung si Rocky na lang naman ang makakampihan ko?

"N-natatakot ako, Stephen. Baka kung anong gawin ni Light. Baka kung anong mangyari sa kanya. B-baka maging miserable siya dahil sa ginawa ko. N-natatakot akong mag isa. Mawawala na rin sa'kin sila Wendy."

"Wala na tayong choice, Shael. Kung mas pipiliin natin si Francis at ang mga kaibigan mo, maraming buhay ang masasayang. Let's just say na malaki ang posibilidad na mangyari ang kinakatakutan mo pero mas pipiliin pa ba natin ang buhay ng iilan kapalit ng buhay ng nakararami?" Natigilan ako sa pag iyak ng sabihin 'to ni Rocky.

Tumayo siya at iniluhod ang kanang tuhod niya sa harap ko. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay tsaka niya ko tinignan ng diretso.

"Kaibigan ko rin si Francis, Shael. Hindi lang basta kaibigan, kung hindi kapatid ko na rin siya. Ayoko ring bumalik siya sa dating siya pero kailangan na nating panindigan 'to. Kahit sila Wendy, naging kaibigan ko rin sila. Alam kong masakit para sa'yo. Alam kong mahirap pero kailangan nating magpakatatag para sa pamilya natin at para sa klase niyo."

Pinilit kong nginitian si Rocky kahit na ang hirap hirap sa'kin na tanggapin ang lahat.

Tumayo na siya at inalalayan na rin niya akong tumayo. Muli ko na namang naramdaman ang sarili ko sa bisig niya. Sa sobrang hirap ng nararamdaman ko ay napayakap na rin ako sa kanya.

"Trust me once again, Shael. Gagawa ako ng paraan para maibalik sa atin ang lahat."

-------------

Paghinto ng sasakyan ni Rocky sa tapat ng bahay namin ay muli akong napatulala. Nandoon pa rin ang mga tauhan ni Light. Inaasahan ko na pag uwi ko, wala na sila. Na pinatigil na sila ng pinuno nila na protektahan ang pamilya ko dahil tapos na rin naman na kami.

"Shael," pagtawag sa'kin ni Rocky.

"Umuwi ka na kaagad. Sasabihin ko na lang kay Mama at Papa na nagmamadali ka."

"Pero—"

"Okay lang ako. Ako si Trisha Elizabeth, diba? Matapang akong babae." Hindi ko na hinintay pa ang isasagot niya at kaagad akong lumabas ng sasakyan.

Dire-diretso akong pumasok sa gate namin kung saan tahimik lang na nakatingin sa akin ang mga tauhan ni Light.

"Prinsesa, siya ba ang dahilan kung bakit pinapatigil na kami ni pinuno sa pagbabantay sa inyo?" mahinahong pag uusisa ng isa sa kanila. Kilala ko siya. Kahit hindi ko alam ang pangalan niya, sigurado akong siya ang taong laging kinakantyawan ng mga kasamahan niya.

Muli akong lumingon sa sasakyan ni Rocky na kakaalis lang. Marahil ito ang tinutukoy ng tauhan ni Light.

"Siya nga kaya sundin niyo na lang ang pinuno niyo. We can't be together kaya huwag niyo nang sayangin ang oras niyo sa pagbabantay sa'min." Malamig kong sagot sa kanila at akmang papasok na sa bahay pero napahinto ako dahil muling may nagsalita sa kanila.

"Pero, prinsesa, sabi mo sa amin mahal na mahal mo si—" Natigilan sa pagsasalita ang isa pa sa kanila nang hawakan siya sa balikat ng isa pang tauhan na kilalang kilala ko rin. Ang tauhan na alam kong pinagdududahan na ko nitong mga nakaraang araw. Ang tauhan na kakaiba ang tingin sa akin.

"Stop questioning her decisions. Sundin na lang natin si pinuno. Mukhang mas kailangan niya tayo kesa sa babaeng kaharap natin ngayon." Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na lumabas na ng tarangkahan namin ang lalaking 'yon na kaagad namang sinundan ng iba.

Pinigilan ko ang sarili ko na lingunin sila dahil alam kong kahit anong oras ay babagsak na ang mga luhang naiipon sa mata ko.

"Prinsesa, naniniwala akong may dahilan ka kung bakit nagawa mo 'yon. Alam kong mahal na mahal mo si Pinuno kaya naman—" muli siyang napatigil dahil tinawag na siya ng mga kasamahan niya. "Magiging maayos din ang lahat." Pahabol pa niya bago siya tuluyang umalis.

At ngayon, mag isa na naman ako. Shit! Nauulit na naman ang nangyari noon. Kung hindi ko ba hinayaan ang sarili ko na mapalapit sa kanila, hindi ba 'to mangyayari? Hindi ba ko mapapasok sa gulong 'to?

Pumasok ako sa bahay na umiiyak na naman. Nanghihina na ko. Pagod na pagod na ko sa kakaiyak. Kailan ba mauubos ang luhang 'to?

Inusisa nila Mama at Papa kung bakit ako umiiyak. May ginawa daw bang masama sa akin si Rocky? May nangyari daw bang hindi maganda? Pero imbis na sagutin ang mga tanong nila, isang linya lang ang sinabi ko...

"Ma, Pa. Gusto ko muna pong mapag isa."

Para akong lantang gulay habang umaakyat sa hagdan namin at nang makarating ako sa kwarto ko, hindi na ko nag atubili pang buksan ang ilaw. Dire-diretso ako sa kama ko at mabilis na niyakap ang malaking stufftoy na nasa tabi ko.

Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Nakakapagtaka dahil wala ng luhang lumalabas sa mga mata kong sobrang hapdi na. Siguro, pati ang mga luha ko napagod na. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at pilit na naghahanap ng katahimikan.

January 5

Hindi ko na alam kung gaano na ko katagal na nakatitig sa salamin. Suot suot ko na ang school uniform ko pero hindi pa rin nakaayos ang pagmumukha ko.

Hindi ko na naman kilala ang sarili ko. Paano bang ayos ang gagawin ko? Yung napakagandang Shael o yung napag usapan namin ni Rocky...

"I think, it's best if you bring back the old Trisha Elizabeth. In short, Miss Moody Nerd."

Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang titulo ko sa section namin pero mukhang tama siya. Mas maganda kung ibalik ko ang dating ako. Yung ako na matapang, walang pinagkakatiwalaan at manhid.

Imbis na maglagay ako ng kung ano ano sa mukha ko, mas pinili kong maging plain. Hindi ko rin isinuot ang contact lense ko. Muli kong ginamit ang malaki kong salamin. Ang buhok ko na lang ang problema. Walang nagbago. Maganda pa rin ito at mahaba.

Nahagip ng mata ko ang isang gunting. Kinuha ko 'to at tinitigan. Siguro, mas maganda na rin kung putulin ko na ang buhok ko. Katumbas ng pagputol ko sa lahat ng mahahalagang taong nakilala ko.

Umalis ako ng bahay ng nag iisa. Maaga rin kasing umalis ang parents ko dahil may aasikasuhin daw sila and I didn't bother to ask.

"OMG. Si Trisha ba 'yon ng Class 4F?"

"Oo nga. Bakit ganoon ang itsura niya? Diba, gumanda na 'yan?"

"Bakit niya ginupit ang buhok niya? She's crazy. What a waste."

"Hala. Nagbalik ang nerd version ng malandi."

Kung ano anong salita ang naririnig ko sa iba't ibang klase ng tao dito sa school grounds. Pilit kong isinasara ang tenga ko mula sa mga pinagsasabi nila. Mahirap dahil nasanay na rin ako na makinig sa iba simula nang makilala ko sila Wendy. Pero mukhang kailangan ko na namang magsimula sa umpisa.

Nasaan na ba kasi si Rocky? Dapat sabay kaming papasok pero hindi naman niya ko sinundo. He texted me last night na mauuna na raw siyang pumasok at hanggang ngayon, wala akong balita kung nasaan siya.

Dumiretso ako sa locker ko para kunin ang iba ko pang mga gamit. At sa pagbukas ko nito ay isang asul na papel ang bumungad sa akin. Nakatiklop lang ito at alam na alam ko na kung kanino ito galing. Mabilis ko 'tong binuklat at binasa.

"Keep up the good work, girl."

Kapag nakahanap talaga ako ng ibang paraan, sisiguraduhin kong luluhod sa harapan ko ang babaeng palakang 'yon.

Bago ako dumiretso sa classroom ay dumaan muna ako sa CR. Inilock ko ang pinto nang malaman kong wala ng ibang tao. Tinitigan ko ng mabuti ang sarili ko sa salamin.

Isang babaeng namamaga ang mata, na may malaking salamin na nakakapag palosyang sa kanya, at may buhok na hanggang balikat ang nakikita ko. Kaawa awang babae. Bagay na bagay sa kanya ang titulong Miss Moody Nerd.

Kaya ko 'to. Kailangan kong magpakatatag para sa kapakanan ng lahat.

Bago pa ko tuluyang makalabas ng CR ay nag vibrate ang phone ko. Hindi lang isa ang natanggap ko kung hindi dalawa.

From: Rocky, the traitor

I'm at the faculty. Dito ka na dumiretso.

Astig ng pangalan niya sa phone ko no? Pero hindi ko na masyadong inalala 'yon. Nabaling na ang atensyon ko sa isa pang nagtext.

From: Light :)

I won't let you go unless you tell me your fucking reason.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil ayaw niya kong bitawan dahil sa sobrang pagmamahal niya sa'kin o masasaktan ako dahil mas naging mahirap ang sitwasyon namin.

Kagaya ng tinext ni Rocky, sa faculty ako dumiretso. Naabutan ko siyang nakatayo sa may corridor habang nakapamulsa ang kanyang kamay.

"Where the hell did you go?" Usisa ko sa kanya. Nakakainis kasi siya. Sabi niya sasamahan niya kong harapin ang problemang 'to pero parang nang iiwan lang siya sa ere.

"Miss me?" and then he smirked. Tinaasan ko naman siya ng kilay dahilan para tumawa siya ng malakas. "Okay, okay. Chill lang, Elizabeth. May kinausap lang ako and I'm waiting for her."

Sino naman kaya ang kinausap ng mokong na 'to? Hindi ko na nausisa pa dahil lumabas na rin naman ng faculty room ang hinihintay niya.

Bakit naman niya hinihintay ang adviser namin na siyang first period din namin?

Kaagad kaming naglakad papunta sa classroom nang marinig namin ang school bell.

"Hindi ba sa kabilang way yung classroom mo? Bakit kasama ka pa namin?" Bulong ko kay Rocky habang naglalakad kami.

"Wait and see," nakangiti pa niyang sagot kaya hindi ko na siya kinulit pa. Maaalibadbaran lang ako sa kakangiti niya.

"Stay here," sabi ng adviser namin na ipinagtaka ko.

Tinignan ko si Rocky pero nginitian na naman niya ako. Masasapak ko na 'to e.  Pumasok sa classroom si Ma'am at iniwan niyang nakabukas ang pinto. Sumilip ako at nagtaka ako dahil iba na ang ayos ng mga kaklase ko. Bago na ba ang seat plan?

Ang nakakapagtaka lang, nasa dulo pa rin sila Light at Lucas. Pero pati si Sophie nasa likod na rin. May dalawang bakante pang upuan pero hindi ko alam kung para sa akin ba 'yon o kay Gab at Wendy. Nahagip naman ng mata ko ang dalawa pang bakanteng upuan sa bandang kanan sa harap. Para kanino 'yon?

"Good morning, class. Alam kong bangag pa kayo dahil sa mahaba niyong bakasyon and sorry to say pero mag uumpisa na ulit ang klase natin. And today, may nagpalipat ng section." Sabi ni Ma'am na ikinagulat ko. Muli akong napatingin sa lalaking katabi ko, nagmukha na naman siyang aso sa ngiti niya.

Narinig kong nagsimula nang magbulong bulungan ang mga kaklase ko.

"Nagpalipat siya dahil nandito sa klaseng 'to ang fiancé niya." Dagdag pa ni Ma'am. Nabalot ng kaba ang buo kong katawan.

Bakit kailangan pa niyang ipaalam sa lahat?

"You can come in." Atas sa amin ng adviser ko na adviser na rin ng lalaking 'to.

"Hindi na ikaw si Shael. Ikaw na si Elizabeth." Halos tumindig ang balahibo ko nang bulungan ako ni Rocky.

Tama. Hindi na ako si Shael. Ako na si Elizabeth. Kaya ko 'to. Kailangan kong kayanin.

Naramdaman kong hinawakan ni Rocky ang kaliwang kamay ko at saka siya humakbang papasok ng classroom. Natigilan sa pagbubulungan ang mga kaklase ko nang pumasok kami at huminto sa harapan.

"I'm Stephen Rocky Herrera from Class 4E. Nice to meet you." Pagpapakilala ng kasama ko.

Parang umurong ang dila ko sa mga nangyayari.

"Si Trisha ba 'yung kasama niya?" Narinig kong sinabi ng isa naming kaklase.

"Shael?" Napatingin ako kay Sophie na mukhang nagtataka rin sa nakikita niya. Sorry, Sophie. Sorry.

Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Rocky. Nang magtama ang mata namin ni Lucas, parang gusto kong bumitaw sa lalaking may hawak ng kamay ko.

Ang mga mata ni Lucas, hindi ko 'to mabasa. Isa lang ang nararamdaman ko, takot.

"Sh-shael, ikaw ang fiancé niya?" Napatingin naman ako kay Gillian. Parang gusto ko na lang maglaho sa kinatatayuan ko.

"Diba, nililigawan siya ni Francis?" Sabi naman ng isa pa naming kaklase.

"May fiancé na pala siya e. Paano na si Francis?"

Nanginginig na ko sa takot at kaba. Nasasaktan na ko sa mga naririnig at sinasabi nila. Sa mga tingin nilang mapanghusga. Gusto kong sabihin na para rin sa kanila ang ginagawa ko pero hindi pwede.

Nakita ko na tumayo ang isang Francis Light na walang ka emosyon emosyon.

"Bullshit!" Isang malakas na sigaw ni Light ang nakapagpatahimik sa lahat nang sipain niya ang kanyang upuan. Dire diretso siyang lumabas ng silid na galit na galit.

"Okay. Tama na ang pag uusap na 'yan. Hindi kayo pumasok para mag tsismisan lang." Sabi naman ni Ma'am. "Kayong dalawa, umupo na kayo." Utos naman niya sa amin.

Inalalayan ako ni Rocky na maupo malapit sa may bintana at sa tabi ko naman siya umupo. Gustong gusto kong umiyak pero hindi ko magawa. Kailangan kong pigilan. Kailangan kong magpakatatag.

Kahit hindi ako nakatingin sa kanila, alam kong mapanuring mga mata ang nakatutok sa akin.

Nang dumating ang break time ay kaagad akong tumayo at dire diretsong lumabas. Hindi ko na pinapansin ang pagtawag sa'kin ni Rocky dahil isa lang ang gusto ko ngayon at yun ang mapag isa.

Bago pa ako tuluyang makalayo sa classroom ay may humigit na ng braso ko at laking gulat ko nang makita ko ang maamong mukha ni Sophie. Hindi ko siya kayang tignan ng diretso. Wala na kong mukhang ihaharap sa kanya.

"W-we need to talk," sabi niya at marahas niya kong ibinalik sa classroom.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong classroom at nakita kong kumpleto pa rin ang lahat. Matatalim na tingin ang nakuha ko mula sa kanila maliban na lang sa Gossip Sisters at kay Ashley na punong puno ng pagtataka.

Nabaling ang atensyon naming lahat nang muling pumasok sa classroom si Light kasama si Lucas.

"Let her be, Sophie," sabi ni Rocky sa babaeng nasa harap ko ngayon nang lapitan niya kami.

"Shut up. Hindi ikaw ang gusto kong makausap, you traitor." Muli akong tinignan ni Sophie. "What the hell is going on, Shael? Anong ibig sabihin ng mga nangyari kanina? And why are you with this traitor?"

Napatingin ulit ako sa mga kaklase ko. Lahat sila ay naghihintay ng sagot. Nang mabaling ang tingin ko kay Light parang mas lalong lumala ang nararamdaman kong sakit.

Nakatingin siya sa'kin with his emotionless eyes. Napakalamig ng mga titig niya. Nakakatakot.

"Tell them, Elizabeth." Ma-otoridad na sabi ni Rocky.

"What the fuck? Elizabeth?" Natatawang sabi naman ni Lucas.

"Trisha, diba, niloko niya kayo? Bakit kayo magkasama?" Pagtatanong naman ni Hazel.

Ang dami nilang tanong. Pagod na pagod na ko. Siguro nga, kailangan ko na silang saktan. Kailangan ko nang gawin ang dapat kong gawin para matahimik na ko. Sorry, I'm sorry.

"Stephen is my fiancé kaya hindi na kami pwede ni Francis. So, stop messing with him." Pinilit kong palamigin ang boses ko. Kailangan kong magpakatatag.

"Stephen? F-fiancé?" Paninigurado ni Sophie.

Bigla kaming nakarinig ng tumatawa sa likod, si Light. Tumatawa siya na parang wala ng bukas.

"Fiancé?" Sabi pa niya at lumapit siya sa amin. "Anong klaseng excuse 'yon, Shael? Sa tingin mo tatanggapin ko ang excuse na 'yon para layuan kita?"

Halos manigas ako sa kinatatayuan ko. Parang nababaliw na si Light.

"At ikaw, traydor?" Unti unti siyang lumapit kay Rocky. "Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko? You'll pay for what you've done. Tapos kinakalaban mo pa rin ako? Ang kapal talaga ng mukha mong traydor ka."

Napasigaw kaming lahat ng sapakin ni Light si Rocky dahilan para bumagsak ito sa sahig.

"Tama na 'yan, Francis!" Sigaw ko.

"At ikaw? Ang lakas ng loob mong magalit sa lalakeng 'to e magkapareho lang naman pala kayo. Mga manloloko!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasampal ko na siya.

Akala ko ubos na ang luha sa mga mata ko pero mukhang nakapag recharge na sila.

Ngumisi siya na mas kinatakot ko. "Bagay kayong dalawa ha? Traydor at isang paasa. Tang ina, Shael! Hindi mo alam kung anong kaya kong gawin para lang sa'yo pero mas pinili mo ang lalaking 'yan? What the hell is wrong with me? Hindi pa ba ako sapat? Kulang pa ba yung pinakita ko sa'yo?"

"Shut up, Francis! Noong pumasok ako sa eskwelahang 'to, tahimik na buhay lang ang ginusto ko. Pero simula ng makilala kita, naglaho lahat ng inaasahan ko. You're like a monster who destroy my fucking life! Naiintindihan mo ba 'yon?" Napasigaw na ko. Hindi ko na kaya. Sorry, Light. I'm sorry.

Muli siyang napangisi. "A monster who destroy your life?" Napaatras ako ng isang hakbang dahil sa inaasal niya. Umakbang pa siya papalapit sa akin at tinitigan niya ko ng malalim. "Kung ganoon, I'll show you what kind of monster I am." At saka siya lumabas ng classroom.

"Sh-shael," naramdaman kong hinawakan ni Sophie ang kamay ko pero itinaboy ko lang 'to.

Nilapitan ko si Rocky at tinulungan ko siyang tumayo. Matapang akong humarap sa kanilang lahat.

"J-just stay away from me." Sabi ko sa kanilang lahat. Hinila ko palabas ng classroom si Rocky. Naririnig kong tinatawag ako ni Sophie pero hindi ko na sinubukan pang lumingon.

Pagod na pagod na ko. Hindi pa ba matatapos 'tong paghihirap ko? Sana pala pumayag na lang ako kay Papa na dalhin ako sa States para hindi ako namomroblema ng ganito.

"Kung iniisip mong takasan ang lahat ng 'to, huwag mo ng ituloy." Napatingin ako sa lalaking katabi kong nakaupo sa sahig.

Nandito kami sa rooftop at pilit na kinakalma ang sarili. Isinandal ko ang likod ko sa pader at pumikit.

"Pagod na pagod na ko, Stephen." Bulong ko pero sakto lang para marinig niya.

"Edi magpahinga ka. Kapag okay ka na, tsaka natin ulit harapin ang lahat." Inihilig niya ang ulo ko sa balikat niya at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Magpahinga. Kailangan ko ngang magpahinga.


Continue Reading

You'll Also Like

36.9K 1.3K 39
Masaya ang buhay mo yung papasok ka sa school na walang problema, walang kaaway. pero sa hindi mo inaasahan maiinlove ka sa isang GANGSTER at kailang...
172 12 12
All Heino ever wanted was a simple life-but fate had other plans. Born into the wealthiest family in town, he chose to enroll in an ordinary school...
4.3K 121 23
My studies were advanced kaya when I reached 17 ay degree holder na ako. Pero dahil sa naging problema ng merging ng school namin sa school na pagmam...
8.4K 46 68
Prologue: Only after going to his grave, did I realize he was already gone. The love of my life, the only reason why I smile, the only man who under...
Wattpad App - Unlock exclusive features