IL Mio Dolce Amante (My Sweet...

By Lorenzo_Dy

179K 5.2K 336

Ulila at palaboy, 'yan ang naging buhay ni Bella bago mapunta sa pangangalaga ni Señor Freigo na dating Hari... More

Warning
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Wakas
SPECIAL ANNOUNCEMENT!
ABOUT THE AUTHOR

Kabanata 14

3.3K 128 27
By Lorenzo_Dy


"WHAT?! Pumayag ka? You're unbelievable, Bella! Secretary? Seriously? After he calls you beggar!" Kanina pa nagrarant si Zendy dito sa kwarto niya habang hinahalungkat ang mga damit niya para maghanap ng skirt, short-sleeve at mga damit na puwedeng isuot na pang-opisina.

"I have no choice." Nakangiwi kong sagot habang pumipili ng mga damit na nasa kama ni Zendy.

"You have a choice. Kung sinabi mo lang sa 'kin na need mo ng work 'e 'di sana tumawag agad ako kay mommy kasi for sure bibigyan ka niya ng position sa company namin sa Cebu. Pero dahil may gusto ka kay Señorito Primo kaya mas pinili mo ang trabahong inaalok niya. Marupok ka!"

"Wala akong gusto do'n. Nakakahiya lang kay Señor Freigo at sa Señorito na tanggihan ang trabahong inaalok niya, para namang wala akong utang na loob kapag gano'n." Nakanguso kong paliwanag kay Zendy na umarko lang ang kilay bago umiling.

"Okay fine. Bakit ka nga pala naghahanap ng mga pang-opisinang damit? Magaganda naman ang bistida mo ah. Tsaka, hello? Bakit kailangan pormal 'e dito lang naman kayo magtatrabaho sa Casa Bel Palazzo at sa mansion lang naman ang opisina niya." Napakamot na lang ako sa ulo dahil mukhang hindi mapapagod kakasalita itong si Zendy.

Pinag-isipan ko naman talaga ng mabuti ang offer sa 'kin ni Señorito Primo na maging sekretarya niya ako habang nandito siya sa Casa Bel Palazzo at pinapatayo ang pabrika ng alak. Pinaliwanag din sa 'kin ng Señorito ang mga gagawin ko bilang secretary niya at hindi naman iyon masyadong mahirap, dapat daw lagi akong updated sa mga nangyayari before, during and after construction ng pabrika ng alak niya.

May mga meetinga din daw na kailangan alam ko ang mga schedule at lugar, nagulat pa nga ako na posible raw na sa ibat-ibang lugar kami makikipagmeeting sa mga investors, engineer's at iba pang mga connection niya rito sa Pilipinas at may mga events din daw na pupuntahan kami kaya ngayon ay nandito ako kay Zendy para magpatulong sa kaniya since may mas alam siya pagdating sa mga business business na 'yan.

Sa dami nang mga pinaliwanag sa 'kin kanina ni Señorito Primo sa loob ng study room sa mansion kung saan ang opisina nito, hindi rin mawala sa isip ko ang mga kondisyon niya habang ako ang secretary niya rito sa pilipinas.

"Secretary never wear 'bistida', you must look presentable."
Pinasadahan pa ako ng tingin ni Señorito Primo habang nakaupo ako sa silya sa may table niya habang nakaupo rin ito sa swivel chair. Naka slim-fit tuxedo rin ito na para talagang nasa opisina kami, professional talaga ang datingan.

"Pero okay naman po ang mga bistida ko-" agad pinutol ng Señorito ang sasabihin ko.

"Ho detto di essere presantabile. No more buts." (I said be presentable) Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil bukod sa sobrang seryo ang Señorito hindi ko rin naintindihan ang unang linyang sinabi nito. "Secretary must be more flexible. Know how to handle situation specifically when it talks about time and every minute should be efficient." Tumango lang ako habang nakikinig sa kaniya. "And you should always on my side."
Kumabog ang dibdib ko dahil sa sinabi ni Señorito Primo at ramdam ko rin ang pag-init ng aking mukha lalo pa't nakatitig ito sa 'kin. "So, as not to get in trouble." Dagdag pa nito, ipinilig ko ang ulo ko at humigpit ang hawak ko sa brown folder na mga naglalaman na files na kailangan ko raw pag-aralan mamaya. "And avoid distraction while you're working with me. So from now on, do not entertain your suitors." Hindi ko alam kung kondisyon niya pa rin ba 'yun o utos na.

"Pero hindi po ako nagpapaligaw Señorito Primo." Depinsa ko pero umarko lang ang kanan nitong kilay.

"But you have a lot of them. Do not entertain your suitors."
Mataman na sinabi niya kaya napanguso ako. ''It's your Señorito's rule by decree." Maawtoridad na dagdag nito kaya napalunok ako.

"Understood?" Pahabol pa nito kaya mas lalong humigpit ang hawak ko sa brown envelope dahil napakaseryoso ng Señorito na gumagalaw pa ang panga kaya tumango na lang ako kahit pa gusto kong sabihin sa kaniya na hindi naman ako interesado sa mga nanliligaw sa 'kin.

"Give me your phone number."

"P-po?" Matagal na akong hindi gumagamit ng cellphone at halos may apat na taon na ang cellphone na hawak ko at kahit gumagana pa ito ay may kalumaan na rin.

"Do you have one?" Nag-aalangan naman akong tumango sa kaniya.

"Then give me your phone number."

"May cellphone po ako pero matagal ko nang hindi ginagamit at hindi ko rin po saulo ang numero ko." Paliwanag ko.

Tumayo si Señorito Primo at may kinuha ito sa bulsa ng coat niya na nakasabit sa may gilid. Nakatalikod siya sa' kin kaya hindi ko makita kung ano ang hawak at ginagawa niya.

"Here." Bumaba ang tingin ko sa mga kamay ng Señorito na may hawak na cellphone.

"Yong cellphone ko na lang po, gumagana pa naman iyon."
Tatayo na sana ako sa silya para kunin sa kwarto ko ang cellphone ko pero nagsalubong na naman ang mga kilay nito kaya umupo na lang ulit ako.

"Accept it. I rarely use it and I have another one. I already save my number there. Ako lang ang i-tetext at tatawagan mo sa cellphone na 'yan, ako lang wala ng iba. It's your Señorito's rule by decree." Napatitig na lang ako sa cellphone na hawak ko dahil mukang mamahalin ito at hindi pa masyadong nagagamit, sobrang nakakahiya sa Señorito dahil bukod sa binigyan niya ako ng trabaho pati cellphone ay binigyan rin ako nito. Sana pala dinala ko 'yong cellphone ko ngayon.

"Che è tutto per ora, si puo andare." (That's all for now, you may go.) Napangiwi ako dahil wala na naman akong naiintindihan sa sinabi nito.

"Señorito Primo." Nilingon ako nito dahil abala na ito sa pagtitipa sa kaniyang laptop.

"Che cosa?" (Yes, what?) Aniya.

"Hindi po ako marunong at nakakaintindi ng Italian, english o tagalog lang po ang alam ko."
Saad ko at napa 'ow' naman ito bago tumango.

"I thought you know how to speak Italian, you grew up here with nonno and domestica Carlotta." (nonno; grandpa, domestica; maid) Umiling ako bago sumagot.

"Iilan lang pong salita ang naiintindihan ko katulad ng Grazie mille mga pagbati at mendicante, Señorito." Turan ko at halos pabulong na lang iyong mendicante.

"Okay. I will try to speak tagalog but not everytime, I preferred english and Italian." Ngumiti ako bilang pagpapakita na naiintindihan ko, tumayo na ako at yumukod sa kaniya bago naglakad palabas ng study room.

"Wait." Napihit ko na ang doorknob ng pinto bago ako lumingon sa Señorito.

"Bakit po Señorito Gian Primo?"

"Drop that 'po' it's too formal. And just call me Señorito Primo no need to mention john, my first name. Did you get it, Bella?"

Bella.

Tinawag niya akong Bella na kaming dalawa lang at hindi mendicante. Bumilis na naman ang pagkabog ng dibdib ko at ang matinding pag-init ng aking mukha ay ramdam na ramdam ko na naman.

"O-okay po-" pumikit ako bago ulit nag salita. "Kuha ko, Señorito Primo." Hanggang sa pagbalik ko sa 'king kwarto ay ayaw pa ring tumigil sa mabilis na pagkabog ang dibdib ko.

Magkakasakit na yata ako nito sa puso.

Pagkatapos kong magpalit ng damit ay agad akong pumunta sa bahay nina Zendy sakay ng kabayo ko para humingi sa kaniya ng tulong sa dapat tamang pananamit ng isang secretary at kung paano kumilos dahil sabi nga ni Señorito Primo kailangan daw ay presentable ako bilang secretary niya.

"Oh ito na lahat ng mga damit ko na hindi ko na masyadong ginagamit." Wika ni Zendy habang tinutulungan ako sa pagtutupi at paglagay sa maliit na maleta.

"Sigurado ka ba na hindi mo na gagamitin ang mga ito? Mga bago pa lahat ah, nakakahiya. Babayaran ko na lang." Presinta ko dahil halos lahat ng damit ay branded at galing pang america.

"550 US dollar lahat." Nakasimangot kong nilingon si Zendy at ngumisi ito. "I'm just kidding. I can't help you how to act like a professional secretary pero bibigyan kita ng libro kung paano ang mga proper etiquette ng isang business women, puwede kang makakuha ng idea do'n basta i-apply mo na lang sa sarili mo or para mas madali gayahin mo na lang ang mga kilos ko, elegance." Hinawi pa ni Zendy ang buhok niya at pumikit pa ito.

"Magbabasa na lang ako." Biro ko.

"You're so mean!" Hinampas pa ako nito sa hita kaya binato ko naman siya ng unan.

Punong-puno ang maliit na bag kaya nahirapan akong bitbitin ito pababa ng hagdan dahil hindi man lang ako tinulungan ni Zendy.

"Lady Bella, dito ka na mag dinner." Salubong sa 'kin ni tita Zenaida na kararating lang ngayong araw galing Cebu.

"Salamat na lang po pero sa mansion na lang po." Nakangiti kong pagtanggi.

"Hindi ba ako masarap magluto?" Nagtatampong saad ni tita Zenaida.

"Hindi naman po sa gano'n tita, kailangan ko rin po kasing umuwi ng maaga para pag-aralan 'to." Itinaas ko pa ang libro na proper etiquette in business na pinahiram sa 'kin ni Zendy.

"Bella, labas naman tayo bukas, perya lang sa Casa Tranquillo."

Nilingon ko si Arnold na kumakain ng ice cream sa sala.

"Sama ako!" Agad na singit ni Zendy.

"Basta sarili mong pera, why not? Si Bella lang ang t-treat ko." Turan ni Arnold.

"Sige, sasabihan ko rin si Dario. Sa linggo kasi pupunta 'yon sa Laguna, may project daw." Imporma ko at nakita ko ang pagsimangot ni Arnold bago ito tumango.

"Akala mo makakapuntos ka na kay Bella 'no? Hindi ikaw ang type niyan." Panunundyo ni Zendy sa kapatid niyang nakabusangot na.

"Shut up." Balik na sambit ni Arnold. Umiling na lang ako dahil nag-aaway na naman ang magkaptid. Nagpaalam na rin ako kay tita Zenaida at muling nagpasalamat kay Zendy para sa mga damit.

Pagbalik ko sa mansion ay naghahain na ng pagkain sa lamesa si nanay Carlotta kaya tumulong na ako. Sakto namang bumaba na ang Señor kasunod si Señorito Primo na may kausap sa telepono na kahit kumakain na kami ay may kausap pa rin ito.

"Kamusta po ang Azìenda Agrìcola, Señor Freigo?" Tanong ko.

Hindi kasi ako nakabisita ngayong araw dahil sa naging pag-uusap namin kanina ni Señorito Primo. Uminom muna ng tubig si Señor Freigo at inayos ang pagkakasuot ng kaniyang salamin sa mata.

"Non è necessario preoccrupasi di Azìenda Agrìcola. Nasa mabuting kalagayan ang mga alagang hayop, malulusog ang mga kambing pati ang mga kabayo." Nakangiting imporma ni Señor Freigo.

"Mabuti naman po kung gano'n.'' Nakangiting saad ko.

"Mas magpokus ka anak sa pagiging sekretarya ni Señorito Primo, ako na muna ang sasama sa lahat ng lakad ni Señor Freigo." Nakangiting turan ni nanay Carlotta na nilalagyan ng dagdag ulam ang mangkok, habang may kausap pa rin sa kaniyang telepono ang Señorito.

"Nanay Carlotta, gusto niyo po bang sumama bukas?" Nangunot ang noo ni nanay Carlotta bago ito lumapit sa 'kin. "Sa Casa Tranquillo po, nag-aya po kasi na magperya si Arnold at Zendy. Sumama na po kayo kasama rin po namin si Dario, tulad noong dati." Ilang beses kaming naglalaro sa perya noog hayskul pa kami kaso natigil lang ito pagdating namin sa college dahil naging abala na kami sa pag-aaral.

"Ay talaga? Anong oras ba bukas?" Excited naman na tanong ni nanay Carlotta.

"Mga pahapon po." Sagot ko.

"Really?" Napalingon kami kay Señorito Primo habang tumutusok ito ng ulam.

"Ano po? Sasama po ba kayo nanay Carlotta? Kayo po Señor Freigo?" Masayang wika ko pero nakangiting umiling si Señor Freigo.

"Kayo na lang, apo." Sagot ng Señor.

"I told you to not entertain your suitors, right?" Muli akong napalingon kay Señorito Primo na diretso nang nakatingin sa 'kin. Nakapatay na pala ang telepono nito kaya akala ko hindi ako ang kinakausap niya kanina.

"Mga kaibigan ko naman ang kasama ko tsaka pati ito si nanay Carlotta," giit ko.

"Friends?" Nagtunog sarkastiko ang boses ni Señorito Primo na tumawa pa nang mapakla sa dulo.

"Baka ang tinutukoy ni Señorito Primo ay 'yong si Arnold at Dario na may gusto sa 'yo, anak."
Nakanguso kong nilingon si nanay Carlotta dahil nanunukso ang boses nito.

"Kahit alin sa dalawang iyon apo, boto ako." Nangingiti namang turan ni Señor Freigo.

"I told you to not entertain your suitors." Seryosong saad muli ni Señorito Primo habang nagngingit ang panga nito.

"Hindi ko naman kasi sila manliligaw, mga kaibigan ko lang sila." Dipensa ko na naman.

"Cazzo di merda." (This is insane.) Mahinang usal ni Señorito Primo pero rinig at diin. Hindi ko rin alam kung bakit natawa lang si Señor Freigo.

"Baka bukas anak magtatapat na ng pag-ibig sa 'yo itong si Arnold kaya niyayaya kang lumabas, Hindi na nga ako sasama para masolo ka niya." Lukot na lukot ang mukha ko habang nakatingin kay nanay Carlotta. "O, baka pati itong si Dario, naku naku naku, sino ba ang pipiliin mo sa dalawa anak?" Umiling ako dahil bukod sa nahihiya ako sa mga pinag-uusapan namin ay napakaseryoso at matalim ang mga titig sa 'kin ng Señorito na ramdam na ramdam ko kahit hindi ako tumingin dito ng diretso.

"Wala po kasi akong gusto kay Arnold at Dario, matalik na kaibigan ko lang po talaga sila pareho." Insist ko at hindi ko na magawang ubusin ang pagkain na nasa platito ko.

"E, sino ba ang gusto mo kung gano'n? Si Paulo ba, 'yong naka pareha mo sa eskwelahan noon?" Ang tinutukoy ni nanay Carlotta ay ang nakapareha ko sa Mr & Ms. Intramurals noong fourth year high school ako.

"Naging crush mo 'yon 'di ba anak? Naku, sayang at nasa barko na 'yon ngayon." Dagdag pa ni nanay Carlotta.

"Prepare yourself for tomorrow, pupunta tayo sa construction site," saad ni Señorito Primo kaya nilingon ko ito. "This will serve as your first day of work as my secretary." Tumango ako dahil madilim na ang mukha nito.
"And you're not allowed to hang out with your suitors without my permission." Gusto ko pa sanang magsalita pero umurong na ang dila ko sa sobrang kaba dahil lalong dumilim ang mukha ni Señorito Primo. "Just focus on work. Give your full attention to me, only me, nothing else. Because I'm your boss and I'm your Señorito." Nangangapa ako sa sasabihin ko kaya puro pagtango lang ang nagagawa ko.
"Ang mga mata mo ay dapat sa akin lang nakatuon." Halos kapusin ako sa paghinga dahil sa purong tagalog na salitang binitawan ng Señorito at bukod sa buong-buo ito ay ramdam ko rin ang init na hindi maipaliwanag sa buong kalamnan ko.

Continue Reading

You'll Also Like

180K 5.4K 47
Warning: SPG/R-18 (Slight lang!) The Videl Sisters 1 Xiangli Aranya Videl was raised to kill but once again given a chance to live a normal life. Li...
67.5K 2.1K 28
C O M P L E T E D Isla Allegra Series # 1 Started : February 06,2022 Ended: March 07,2022
3M 77.1K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
279K 5.7K 64
Elena Santiago is a faithful and hands on wife to Caleb Fernandez. She is a good fashion designer but gave up her career for her marriage and for her...