FATED TO F*CK YOU✔

بواسطة TitaAmor07

868K 30.2K 7.6K

Pierce Blue is a man who has a transparent personality; what you see is what you get with him. At the age of... المزيد

Tita's Note
TO MY NEW READERS
PORTRAYERS
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 4.1
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 6.1
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 17.1
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
EPILOGUE 1
EPILOGUE 2
EPILOGUE 3
EPILOGUE 3.1
THANK YOU!
SPECIAL CHAPTER #Uno
PRINTED NA SIYA❗

Kabanata 40

9.2K 429 215
بواسطة TitaAmor07

KABANATA 40

Nang marinig ni Katleya ang sinabi ni Blue, napatakbo ito palabas ng cafeteria. Yumuko lang siya habang tumatakbo dahil ayaw niya na may makakakita sa kanya na umiiyak. Napakasakit para sa kanya ang mga salitang binitawan nito. Hindi niya inaasahan na aabot sa ganoon ang pagkaibigan nila. Pumunta muna siya sa Music Club at doon inilabas ang lahat ng sakit. Alam niya kasi na roon, walang makakakita sa kanya at walang manghuhusga sa nararamdaman niya.

Sa loob ng Cafeteria, pinagsabihan nila Grey ang kaibigang si Blue dahil sa ginawa nito kay Katleya ngunit nagalit lang ito. Lumapit sa kanya si Selena na kanina ay nagulat sa ginawang pagsampal ni Katleya rito. Wala kasi siyang alam may hidwaan sa pagitan ng dalawa.

“Babe,” sambit ni Selena sabay himas sa braso ni Blue.

“Magtawag ka ng seksi mong kaibigan. Gusto kong magpalamig,” maawtoridad na utos ni Blue.

“Okay,” sagot ni Selena. Napangiti ito dahil alam niya ang gustong mangyari ng binata.

Nagtinginan sina Green at Grey dahil sa narinig. Makikita sa mga mata nila ang pag-aalala sa kaibigan. Tiningnan nila si Blue at hindi maipinta ang mukha nito.

“B*wesit!” sigaw niya sabay tapon ng tray na nasa gilid niya.

Hinila ni Blue si Selena papunta sa labas. Walang alam ang dalaga kung saan siya dadalhin nito, pero dahil gusto niya ang tao kaya pumayag siya rito. Pagdating nila sa isang roon, pumasok na sila at agad pinahiga ni Blue ang dalaga sa mesa. Kinuha ni Selena ang phone niya sa bulsa at may tinawagan na kaibigan.

“Besh, Blue is here. Gusto mo siyang matikman? Nandito kami ngayon sa Music Club. Come here as fast as you can,” ani Selena.

Nanlaki ang mga mata ni Katleya sa narinig. Hindi siya magkakamali na boses iyon ni Selena. Nasa loob kasi siya ng banyo sa Music Club dahil doon siya naglabas ng sama ng loob. Hindi niya inaasahan na magtatagpo muli ang landas nila ni Blue rito. Dahan-dahan na binuksan ni Katleya ang pinto. Pagsilip niya, bumungad sa kanyang mga mata ang walang saplot na kaibigan. Nanginginig ang buong katawan niya na makitang nakikipagtalik naman ito sa ibang babae. Napa-upo siya sa inidoro at iyak nang iyak. Tumunog ang cell phone niya kaya agad itong nataranta. Nahulog pa ito sa sahig.

“Sino ’yan?” tanong ni Blue.

Agad nagbihis si Blue at nagmadaling pumunta sa banyo. Pagbukas niya sa pinto, natahimik siya nang makita si Katleya.

Tiningnan ni Katleya ang kaibigan. “Kung pagsasalitaan mo lang ako nang masasakit na salita, please ’wag mo ng ituloy.” Yumuko ito. “Durog na durog na ako.”

Tumayo si Katleya at dinaanan lang ang kaibigan. Hinawakan siya nito sa braso. Mahigpit ang pagkahawak ni Blue kaya hindi niya ito matanggal.

“Bitawan mo ako,” mahinang sabi ni Katleya.

“Gusto mo rin ba na gawin ko sa iyo ang ginawa ko kay Selena?” tanong ni Blue.

Sinampal ito ni Katleya. “Nagkakaganyan ka dahil lang sa minahal kita? Masama na bang mahalin ka?”

“Babe,” sambit ni Selena.

Tiningnan ito ni Blue nang masama. “Shut up! Hindi kita girlfriend! Hindi ko nga pinatulan si Katleya na malinis ang budhi, ikaw pa kaya na patapon? Umalis ka rito!”

Nagmamadaling nagbihis at tumakbo si Selena. Natakot kasi siya kay Blue dahil alam niyang sobrang galit ito. Ang totoo, hindi magkasintahan sina Blue at Selena. Tinawag niya lang na babe ito kanina dahil nandoon si Katleya sa harapan niya. Gusto niyang masaktan ito para maghahanap na ng iba.

Hinawakan ni Katleya ang mukha ni Blue. “Ano bang nangyari sa iyo?”

Tinanggal ni Blue ang mga kamay ni Katleya. “Layuan mo na ako.”

“Iyan ba talaga ang gusto mo?”

Tumango ang binata.

“Sa isang kondisyon,” sambit ni Katleya.

Tiningnan ito ni Blue sa mga mata. “Ano?”

“Ayusin mo ang buhay mo. ’Wag kang pumatol sa kung sinu-sino. Hindi matutuwa si Red sa pinaggagawa mo. Kung ang paglayo ko ang sagot para tumino ka, gagawin ko,” ani Katleya.

“Gagawin ko. Basta...” Tumingala ito sa kisame sabay tulo ng luha sa mga mata niya. “Layuan mo lang ako.” Tiningnan na niya ang kaibigan. “Sobrang miss na kita, gusto kitang yakapin, na miss kong yakapin ka patalikod, na miss kong halikan ka sa noo, na miss ko ang lahat sa iyo. Pero—kung patuloy lang pa rin ang pagkakaibigan natin, masasaktan lang kita.”

Humagulgol si Katleya dahil ipinamukha muli ni Blue sa kanya na kailanman hindi siya nito kayang mahalin. Nagsimula nang maglakad si Blue para umalis, pero hinabol ito ni Katleya at niyakap patalikod.

“Please. Let me hug you for the last time,” hiling ni Katleya.

Hinayaan lang ni Blue na yakapin siya ni Katleya. Pareho silang dalawa na humagulgol. Sobrang miss na nilang dalawa ang isa’t isa. Humarap si Blue kay Katleya at pinunasan ang luha sa mga mata nito.

“Sorry sa nagawa ko. Sorry dahil nasigawan kita. Nahihirapan na kasi talaga ako sa sitwasyon nating dalawa,” sabi ni Blue. Hinalikan niya ito sa noo. “I love you, Katleya. You’re still my best friend. Pangako ko na magbabago na ako, gagawin ko iyong sinabi mo. Pero sana—gawin mo rin iyong hinihiling ko. Layuan mo na ako.” Tinuro niya ang pinto. “Paglabas nating dalawa.” Huminga ito nang malalim. “Hindi na tayo magkakilala.”

Napahawak si Katleya sa kanyang dibdib. “Pie.”

“Mauna na ako,” pagpapaalam ni Blue sabay hakbang.

Hinawakan ni Katleya ang kamay nito. “Please stay and be with me. Palimos ng oras mo.”

“Kat,” sambit ni Blue. Humagulgol ito. Nanlaki naman ang mga mata niya nang niyakap ni Katleya ang dalawang paa niya. Lumuhod ito at nagmamakaawa sa kanya. Tiningnan niya ito. “Kat, tumayo ka! Ano ba!”

“H-hindi. S-stay with me, please. Pie, palimos ng oras mo na makasama kita kahit ngayong araw lang," hiling ni Katleya.

Tumingala si Blue sa kisame. “Why can’t I love this girl?!”

“It’s okay, Pie. O-okay lang. Ang gusto ko lang naman, makasama ka. Iparamdam mo lang sa akin kung gaano mo ako ka mahal bilang isang kaibigan.”

Dahan-dahan na tumayo si Katleya at niyakap muli patalikod ang kaibigan. Humarap si Blue sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.

“Sasamahan kita rito. Doon muna tayo sa sofa,” anang Blue sabay hila kay Katleya.

Nang dumating sila sa sofa, pina-una ng umupo ni Blue si Katleya. Nagtataka naman ang dalaga kung bakit hindi pa ito umupo.

“Halika na,” pagtawag ni Katleya.

“Wait.”

Kumuha si Blue ng gitara na nakasabit sa dingding at bumalik na sa kinaroonan ni Katleya. Humiga siya sa binti nito at nilagay ang gitara sa tiyan niya.

“Sing with me,” hiling ni Blue.

“Okay,” nakangiting sagot ni Katleya.

“Ano’ng kanta ang gusto mo?”

“Iyong Lucky ni Jason Mraz at Colbie Caillat, alam mo ’yon?”

“Ahhh. Iyong I’m lucky I’m in love with my best—” Napatigil si Blue dahil naiilang siyang ipagpatuloy. “Iyon ba?”

“Oo.”

“Sige.”

Nagsimula nang magpatugtog ng gitara si Blue. Napangiti naman ito bago magsisimulang kumanta.

“Do you hear me? I'm talking to you...”

Napangiti si Katleya nang marinig muli ang boses ni Blue. Para siya nitong dinadala sa paraisong napakaganda. Segundo ang lumipas, inayos ni Katleya ang sarili dahil siya na ang kakanta. Huminga muna siya nang malalim bago ibinuka ang bibig.

“Boy I hear you, in my dreams...”

Napangiti naman si Blue nang marinig ang boses ni Katleya. Alam niya kasing seryoso ito sa pagkanta. Minuto ang lumipas, chorus na at sabay na silang kumanta.

“I’m lucky I’m in love with my best friend, lucky to have been where I have been, lucky to be coming home again, ooh ooh ooh.”

Napangiti silang dalawa at dinama ang saya sa himig na lumalabas sa kanilang mga bibig. Umupo na si Blue habang nagpapatuloy sa paggigitara.
Napatigil naman si Katleya nang bigla siyang hinalikan ni Blue sa pisngi. Tinitigan siya nito at sinenyasan na sabayan na siya muli sa pagkanta. Napatigil kasi ito. Habang tinititigan ni Katleya ang kaibigan ay hindi niya napigilan ang pangingilid ng luha sa mga mata niya. Nginitian niya ang binata sabay haplos sa mukha nito.
Tumigil na ang dalawa at muling nag-iiyakan. Pareho silang tumingala sa kisame. Masakit para sa kanila ang katotohanan na matapos ang hapon na ito, tatapusin na rin nila ang kanilang ugnayan dahil iyon ang kanilang napag-usapan.

“Kasalanan ko kung bakit tayo humantong sa ganito,” ani Katleya sabay punas sa kanyang luha.

Pinunasan din ni Blue ang luha sa mga mata niya. “Mas kasalanan ko ito dahil ako ang dahilan kung bakit tayo humantong sa ganito. Pero Kat, best friend ko, bakit ako?”

“There is no reason why I’d loved you. I just chose you. My heart chose you.”

“Puwede ba iyon? Walang dahilan?”

“Yes, kung sasabihin ko na gusto kita dahil napapasaya mo ako, what if dumating ang araw na hindi mo na ako mapapasaya? Hindi na kita mahal? Kung sasabihin ko naman na gusto kita dahil sa taglay mong kaguwapuhan? Paano kung pumanget ka? Hindi na kita mahal? Kung sasabihin kung gusto kita dahil sa ugali mo. Paano kung magbago ang ugali mo? Hindi na kita mahal? Mahal kita dahil ikaw ang pinili ng puso ko na mahalin.”

Napangiti si Blue. “Mahal mo nga talaga ako.” Huminto siya sandali bago nagpatuloy. “Kat, malapit na pala ang graduation natin. Ano ang plano mo?”

Humiga si Katleya sa binti ng binata. “Mag review para sa board exam. Ikaw?”

“Sa company namin sigurado.” Nilaro niya ang buhok ng dalaga. “Gusto ko na rin na mahanap iyong the one ko at magkabuo kami ng pamilya.”

“Malay mo, ako pala iyon,” mahinang sabi ni Katleya.

Napangiti si Blue. “Pero ito seryoso, sana makahanap ka na ng lalaking iibig sa iyo nang buo. Masaya ako kung mangyayari iyon.”

Kumirot ang puso ni Katleya. Nawalan na siya ng pag-asa na magkagusto rin sa kanya ang kaibigan. Dahil hiniling pa nito na sana makahanap na siya ng iba. Huminga siya nang malalim bago bumangon.

“Tara na. Sapat na sa akin ang oras na ibinigay mo. Sapat na rin sa akin na marinig na hindi mo talaga ako gusto.”

Tumayo na si Katleya sa kanyang kina-uupuan.

“Basta ipangako mo sa akin na gagawin mo iyong ipinangako mo,” pagpapa-alala niBlue.

Tumulo muli ang luha ni Katleya. “Oo na. Magkalimutan na tayo. At kung magkasalumuha man tayo sa daan, yumuko ka at ganoon din ang gagawin ko. Mauna na ako, Pierce Blue.”

Nagsimula nang maglakad si Katleya palabas ng Music Club. Walang tigil naman siya sa pagpunas ng luha sa mga mata niya. Nang malaya siyang makalabas sa pinto, patuloy lang siya sa paglalakad. Hindi na siya lumingon kahit gusto pa niya. Yumuko lang siya para walang makakita sa mga mata niya.

“Miss, ilag!” sigaw ng isang lalaki.

Paglingon ni Katleya, agad nandilim ang paningin niya sabay tumba sa sahig. Natamaan kasi siya ng bola na nagmula sa mga estudyanteng naglalaro ng volleyball sa gilid.

Napahawak si Katleya sa ilong niya. Nagdurugo kasi ito. Napatakbo naman si Blue nang makita ang kaibigan na nakaupo sa sahig ngunit napitigil ito nang may lalaking lumapit dito. Tumalikod na lang siya dahil may tumulong na naman sa kaibigan niya. Para sa kanya, hindi na siya nito kailangan.






~~~

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

375K 5.8K 21
" No one else can love you the way I do" -K
1M 4.1K 7
On a dangerous night, I'm a prey in my step brother's lair. Before I took a step back, I was already owned by him. This is for mature readers. This s...
1.5M 58.9K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
867K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...