The Queen's Revenge (FNGT Sid...

By PrincessThirteen00

66.5K 3.3K 444

Alice Vale Brixton has always dreamt of one thing in her life: freedom. But how can she gain freedom when her... More

The Queen's Revenge
Prologue
Chapter 1: Hatred
Chapter 2: Independence
Chapter 3: Eiffel
Chapter 4: Origin
Chapter 5: Escape
Chapter 6: Suspicion
Chapter 7: Injured
Chapter 8: Stranger
Chapter 9: Act
Chapter 10: Hide
Chapter 11: Safety
Chapter 12: Disgrace
Chapter 14: Pandora's Box
Chapter 15: Valued
Chapter 16: Innocence
Chapter 17: Lunatics
Chapter 18: Us
Chapter 19: Choice
Chapter 20: Captivity
Chapter 21: Save Me
Chapter 22: Savior
Chapter 23: Adrenaline
Chapter 24: Daughter
Chapter 25: Blood Ties
Chapter 26: Hidden Affection
Chapter 27: The Twins
Chapter 28: Infiltrate
Chapter 29: Beg
Chapter 30: Salvation
Chapter 31: Inside
Chapter 32: Struggle
Chapter 33: Sweetheart
Chapter 34: Wait for Me
Chapter 35: Chances
Chapter 36: A Year Ago
Chapter 37: Revenge
Chapter 38: Waiting
Chapter 39: Awakening
Chapter 40: Scars
Chapter 41: Promise of Yesterday
Chapter 42: Revelations
Chapter 43: Return
Chapter 44: Finally
Chapter 45: Family
Epilogue
Pasasalamat

Chapter 13: Call

1K 58 11
By PrincessThirteen00

Heya, if you're missing Ysiquel & Rainne, and Blake & Samara, stay tuned for my updates on 23rd of June 2020! Who's excited? 😊

This chappy is dedicated to EnchantressDark! Thank you sa patuloy na pagbabasa at pagsuporta sa pamilya Fuentes! ♡♡

♤♡◇♧

NAKATITIG SI Alice sa labas ng balkonahe habang binabasa ang impormasyon na ipinadala ni Rosh sa kanya kanina. Ginagamit ni Rosh ang kanyang pribadong koneksyon upang maipadala ang mga impormasyon.

Ngunit nadismaya siya na walang impormasyon patungkol sa mga humahabol sa kanya. Limitado pa rin iyon. Ibig sabihin, hindi pa rin niya alam kung hanggang kailan siya mananatili sa Pransya.

Kinuha niya ang laptop at siniguradong ligtas ang kanyang paggamit upang mapalabas na wala siya sa kasalukuyang lokasyon. Tinipa niya ang keyboard upang ipasa ang mga kailangang reports sa kumpanya ng kayang tito. Wala man siya sa States ay sa kanya ipinapadala ang mga dokumento upang i-analyse bago ipadala sa Board.

Mula noong naintindihan niya ang lahat tungkol sa shipping business ng kanyang tito, ito na ang naatasan sa mga business plans at reports. Mula noon, siya ang hindi kilalang utak sa likod ng kumpanya ng mga Brixton.

Matapos niyon ay sunod niyang binasaang report ng mga tauhan ng kanyang tito tunkol sa mga Fuentes. Gaya ng alam na niya, naririto pa rin sina Kyle at Ysabelle sa France ngunit matapos ang pagsabog sa hotel, hindi sila tumitigil sa iisang lokasyon. Nagkrus ang kanyang mga kamay. Alam na niyang mangyayari iyon at malapit na silang bumalik sa Pilipinas lalo na at malapit na ang pasko. Alam niyang umuuwi ang mga ito para makasama ang pamilya kaya't kinakailangang kumilos na siya. Mas mahirap kumilos kapag nakalabas na sila ng bansa dahil siya naman ang delikado sa Pilipinas.

Kinuha niyang muli ang iPad at sinuri ang report tungkol sa nangyayari sa States ngunit wala talagang impormasyon na makakatulong sa kanya. Ang naiisip a lamang niya ay itinatago nila ang nangyayari doon.

"Alice," biglang napalingon siya at nasa loob na ng kwarto si Eiffel.

"B-bakit?" Agad niyang tinupi ang mga papel.

"Sorry, I let myself in already. Hindi ka kasi nasagot."

"No, it's okay." Itinago na niya ang iPad sa kanyang maleta na nasa sahig.

"Alice," muli nitong pagtawag na hawak ang kanyang cellphone.

"Hmm?"

"There's someone who wants to speak with you. Okay lang ba?"

Kumunot ang noo ni Alice. There was no way she would be expecting any calls from anyone here in France except from Rosh. Pero kinumpirma na ni Rosh na hindi siya gagawa ng madaming tawag para sa saguridad ng bawat dulo at may pribado silang linya. Who would want to speak with her?

"Sino?"

"Kaibigan ko. Don't worry. He's harmless."

Alice was not convinced and Eiffel could see the hesitation in her almond eyes. But he couldn't turn back. Matapos ang nangyari kahapon, alam niyang kailangan nilang malaman ni Ysiquel ang totoo sa lalong madaling panahon. They almost died for Pete's sake! Mabuti na lamang at napuruhan ni Alice ang mga gulong ng kaaway kung hindi, baka patay na silang pareho.

Nagdadalawang-isip niyang tinanggap ang cellphone at dumistansya ng kaunti kay Eiffel bago inilagay ang telepono sa kanyang tainga. Lumabas siya sa veranda upang pribadong maka-usap kung sino man ang nasa linya kahit nasa iisang silid sila ni Eiffel.

"Hello?"

"Hello, Alice Brixton?"

A sudden wave of cold breeze flowed on her back. Nanuyo ang lalamunan ni Alice pagkarinig pa lamang ng boses na iyon. Hindi siya maaaring magkamali. Kilala niya ang may-ari ng boses na iyon kahit na ngayon pa lamang sila nagka-usap.

"W-who's this?"

"My name is Ysiquel Fuentes."

Tama ang kanyang hinala. Si Ysiquel nga ang nasa kabilang linya. She has seen multiple interviews and speeches of him but now it's different... he was talking directly at her.

"Oh, can I help you with anything, Mr. Fuentes?"

"I'll go straight to the point, Ms Brixton. I'd like to meet you in person."

Ramdam ni Alice ang paghaharumentado ng kanyang puso. "Excuse me? Why would you need to meet me in person?"

"Can I please explain once we're face-to-face?"

"What if I decline?"

"I will still be persistent that I would like to meet you in person."

Napangisi si Alice. "You haven't met me yet but you're feeling like you can just ask me out? I hope your wife is aware of this."

"I'm surprised you know I'm married.  It hasn't been that long."

"Well, news travels fast."

"Funny you mention that. Even Eiffel isn't aware that I'm married yet you, who I have never even crossed paths with, are aware of that secret," Ysiquel lied. Alam ni Eiffel na kasal na siya pero gusto niyang hulihin ang babae sa isasagot nito.

Gustong tampalin ni Alice ang sarili dahil sa nasabi. Hindi siya mapakali kaya siya nadulas sa sinasabi.

"The world is a very small place, Mr. Fuentes. Secrets aren't always kept hidden... especially for a famous family like yours."

"I wonder about that, Ms. Brixton. Are you up for it? I really wish that you would consider."

"What is it for me?"

"Feel free to make an offer, Ms. Brixton. Let us meet in two days. I'll be there."

Huminga ng malalim si Alice at inisip kung tama bang gawin iyon.  Delikadong magkita sila. Is she willing to risk her safety and her identity?

"Okay. Name the place. I'll meet you there," aniya bago pinatay ang linya.

Nagpakawala siya ng malalim na paghinga. Her initial plans have already been compromised the moment her plan with Ysabelle and Kyle failed. Dinama niya ang paligid bago tumuloy sa loob kung saan naghihintay si Eiffel sa kanya. 

"Eiffel..."

"Hm?" Nag-angat ng tingin si Eiffel sa kanya at kinuha ang cellphone na inaabot ng dalaga.

"Busy ka ba?"

"I can always make time for you, sweetheart. What's wrong?"

Sa totoo lamang ay busy siya dahil sa tambak na trabaho pero gusto niyang bigyan ng oras ang dalaga lalo na ngayon na nasa peligro ang buhay nito. Hindi niya maalis ang pag-aalala na baka kung mawala ito sa kanyang paningin ay hindi na niya ito makikita pa.

"I... I need to dye my hair."

"Ha? Bakit naman? Your hair looks great."

"Yeah. But I don't know kung hanggang kailan ako magtatago and I don't want to keep wearing wigs all the time to hide my identity," pagbibigay punto nito. "Kung hindi mo ako masasamahan, okay lang naman. I'll use my Ducati."

Nag-krus ang mga braso ni Eiffel. "And do you really think I will let you leave using your bike?"

"Why not? I already damaged a car of yours. Baka sa sunod hindi lang sasakyan mo ang masira."

Napailing si Eiffel na may ngisi sa labi. "It wasn't you who ruined my car and you can ruin as much as you want. I got plenty more cars you can toy with, sweetheart," biro nito.

Hindi na nagulat pa doon si Alice. Pagkarating nila sa bahay ay nakatawag na agad si Eiffel sa kanyang tauhan upang kuhanin ang sasakyan niyang natamaan ng bala. At sa pagkua niyon ay siya namang pagdadala ng bago sa kanyang bahay. From a white BMW, he now had a shiny black Mustang.

"Put it on the tab for now, sweetheart. I'll pay you in full at the end."

Lumapit si Eiffel sa kanya. "I'm not really a fan of the word 'end,' tsaka ilang ulit ko bang sasabihin na hindi naman ako naniningil?"

Lumapit rin si Alice at mapungay ang mga matang tinitigan ang binata. "Bakit? Dahil kinukuha mo naman ang bayad sa 'kin mula sa halik?" 

"Yes, sweetheart. You can pay me with kisses any time." Halos magtama na ang ilong nilan dalawa sa sobrang lapit ng mga mukha nila.

Tumawang lumayo si Alice. "Ayoko nga. I don't really want to get in trouble. You never know. you might be married and just in hiding? I don't really want to be labelled as a... mistress," aniya.

Umakyat ang mga kamay ni Eiffel patungo sa baywang ng dalaga at hindi inaalis ang mga mata sa kausap. "Don't worry, you're not getting in trouble with me. I think you're the one bringing some interesting events into my life, sweetheart."

Natawa si Alice. "Don't enjoy it too much. Baka masanay ka at hanap-hanapin mo?"

Hinawakan ni Alice ang mga braso ni Eiffel at tinanggal mula sa pagkakapulupot sa kanyang baywang. "Ano? Tara na? I need a recommendation on where I can get the best hair colour and treatment here," she smirked.

"Don't worry, I got you."

Kinuha ni Eiffel ang kamay ni Alice at hinila na siya palabas ng kanyang kwarto.

Hindi naman sila nagtagal sa pagpunta sa siyudad. Ipinarada ni Eiffel ang sasakyan sa harap ng isang sikat na mall at pumasok ang dalawa sa isang salon kung saan sinalubong sila ng isang magandang babae na ubod ng ganda at napakapropesyonal ang dating.

"Bonjour monsieur et madame," nakangiti nitong bati na nagpalitaw ng malalim nitong biloy.

"Bonjour, ma chérie aimerait se faire coiffer," ani Eiffel bago binitawan si Alice na namamangha pa sa lugar.

"Bien sûr Monsieur. De cette façon, madame," iginaya ng babae ang dalawa upang sumunod sa kanya sa loob ng salon.

Sinuri ni Alice ang paligid at pulos mga kababaihan lamang ang laman ng salon. Si Eiffel ang natatanging lalaki roon at pinagtitingin ng mga customer at mga empleyado. He was definitely eye-catchy kahit na naka-white T-shirt long-sleeves at black pants lamang ito. Tama nga siya na basta madala si Eiffel sa publiko ay isa itong head-turner.

Lumapit si Alice kay Eiffel upang kausapin.

"Nababaliw ka na ba?" Biglang tanong ni Alice sa binata.

Kumunot ang noo ni Eiffel at mukhang napa-isip ng malalim. "Anong ginawa kong masama?"

Sinamaan ni Alice ng tingin ang kasama. "You've been enjoying it too much."

"Ang alin?"

"Ang pagtawag sa 'kin ng sweetheart. Nakalimutan mo na yata na naiintindihan ko ang sinasabi mo?"

"Ah, ma chérie a découvert," ani Eiffel sabay kindat sa kanya na may mapang-asar pa ring ngiti.

Alice rolled her eyes in disbelief. Natatawa na lamang siya. It wasn't rude and uncomfortable but just weird. Hindi siya sanay. At kahit hindi naman totoo na may namamagitan sa kanila... kahit na biruan lamang iyon... she was having a warm and fuzzy feeling deep inside.

Pero isasantabi niya iyon. Hindi n'ya bibigyan ng pagkakataon ang pakiramdam na iyon na lumago at mamukadkad kahit anong mangyari. Hell will freeze first before she entertains those feelings. May misyon siya at iyon ang prayoridad niya.

Nakasunod si Alice kay Eiffel at sa babae at hindi niya napigilang mapatingin sa likod ni Eiffel. He had a broad back. Alam niyang nag-wowork out ang binata lalo na at ilang beses na silang nag-sparing. But staring at his back, there are so many things that they don't know about each other— at mabuting manatili ito na ganoon.

Iginaya si Alice na maupo na kasama ang hairdresser samantalang pina-upo na si Eiffel naman ay umupo sa isang tabi at kinuha ang kanyang cellphone kung saan nagsimula na siyang magtrabaho habang hinihintay si Alice. Mabuti na lamang at may lugar doon upang tumigil siya na may kalayuan sa amoy ng mga kemikal at ingay ng mga blower pero sapat na distansya upang mabantayan niya si Alice mula sa posibleng kapahamakan.

Napa-iling si Eiffel. 'To save her?' He couldn't help but think of that.

Bakit niya iyon naiisip gayong hindi naman sila close ng dalaga. Ni hindi nga niya alam kung ano o sino ang humahabol sa kanya. Higit lalo, hindi niya alam ang rason kung bakit siya hinahabol at maging ang dahil kung bakit kamukhang-kamukha nito ang pamilya ng kaibigang si Ysiquel.

Ipinaliwanag ni Alice sa Ingles ang gusto niyang buhok na kaagad namang naintindihan ng babae. Alice chose to have an ash-toned platinum blonde hair at binawasan ang haba nito. Mas mukha na itong banyaga.

After hours of beautifying her, tinawag na siya ng empleyado upang sabihan na tapos na nilang ayusan si Alice. Nag-angat ng tingin si Eiffel at hindi napigilan ang pag-usbong ng ngiti sa labi.

"Elle est belle, monsieur," ani ng babae.

He could agree more. Nakatingin pa ito sa sariling repleksyon ngunit ubod ng ganda ng babae. Gone was her long black her but she looks badass in her new hairstyle.

Lumingon si Alice sa kanya at ngumiti sa kanyang direksyon. Isang ngiti na nagpukaw sa kanya ng kasiyahan ng dalaga kagaya noong nagbabasa ito ng libro. She lives a dangerous life but Eiffel was seeing a lot more of her real self— a self she has hidden deep.

Iyon ang klase ng ngiti na gugustohin niyang makita araw-araw. It would bring sunshine to sad rainy days. It was a smile that would bring millions of shades of colours into one's life— and Eiffel had the opportunity to witness it— all for himself.

At that moment, Eiffel felt a heavy warm thug on his chest.

♤♡◇♧

Please don't forget to support the story by commenting and voting!

PrincessThirteen00 © 14 06 2020

Continue Reading

You'll Also Like

132K 594 3
Si Ashton Frederico na isang genius at whiz kid ay lumaking iisa ang layunin sa buhay: ang maging doktor at neurosurgeon. Pero nang makilala niya ang...
3.2M 44.5K 64
Life has never been hard for Joshua Calyx Monteverde. He's living in luxury, getting all what he wanted. But he can walk away from his very easy and...
163K 3.3K 33
That moment when you're in love with each other but fate doesn't want you to be together. ** "Everything Has Changed" Side Story Status: Completed Co...
290K 6.9K 35
After three years, hindi akalain ni Irene Kate del Valle na makikita pa niya ulit ang kanyang ex-boyfriend na si Paul Andrew Gonzales. Gulat na gulat...