Guard Up!

By Leeyaniee

9.3K 218 33

Isang araw ay bigla na lang nagkaroon ng banta sa buhay ang CEO ng isang pinakasikat na Toy Company sa bansa... More

GUARD UP!
SYNOPSIS
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
EPILOGUE

CHAPTER 27

140 5 0
By Leeyaniee

CHAPTER 27

"HEY! HEY! HEY! It's time to wake up, my dear Bossing!" sigaw ko pagpasok ko sa kwarto niya, saka ako pumito ng tatlong beses.

"Hmm..." umungol lang siya at bahagyang gumalaw. Aba! Hindi effective, ha? Kaya ang ginawa ko, bahagya akong lumapit sa mukha niya at muling pumito. Doon na siya umangal. "H-Hey!" sabay takip ng unan sa ulo niya.

"Bossing! Oras na ng iyong pag-gising para sa ating training! Kaya bangon na!" sigaw ko pa saka pumito ulit ng limang beses naman.

"Ugh! What time is it?" inis niyang tanong nang ibato niya sa akin 'yong unan na nailagan ko naman. Nakapikit na kinapa-kapa niya 'yong digital clock sa bedside table at tiningnan niya ang oras doon gamit ang isang mata niyang nakadilat. "It's just five in the morning, why are you disturbing my sleep?"

Lumapit naman ako sa tenga niya at bumulong. "Alam ko, Bossing. Pero mas mainam na mas maaga nating masimulan itong training mo! Kailangan natin ng maayos na exercise at effective 'yon sa umaga! Kaya go, go, go! Bangon na, Bossing ko!" at halos isigaw ko sa tenga niya ang huling sinabi ko. Napangisi pa ako nang makita ko ang naging ekspresyon ng mukha niya. As usual, nainis na naman.

Nang wala na siyang magawa ay napaungol na lang siya ulit saka ako sinamaan ng tingin, pareho nang nakabukas ang mga mata niya ngayon. Matamis ko naman siyang nginitian sabay peace sign. Inismiran naman niya ako bago tuluyang bumangon.

"'Yon! Magbihis ka na rin, Bossing, ha? Hihintayin kita sa labas!" at dali-dali na nga akong lumabas ng kwarto niya.

Ngayong araw na nga ang unang araw ng training namin. Nakapagdahilan na ako sa mga magulang ko, lalo na kay Pappy. Ang sabi ko sa kanila, may extrang trabaho na rin ako tuwing Sabado kaya tuwing Linggo na lang ang uwi ko.

Malupitang pagdadahilan na naman nga ang ginawa ko, eh. Kay Mammy kasi, ayos lang basta si Bossing ang pag-uusapan. Pero si Pappy kasi, naging kabaligtaran ni Mammy mula nang maging trabaho ko itong kay Bossing. Ayaw kasi niya 'yong ideya na rito ako tumitira. Ewan ko na lang kapag nalaman niya pang hindi pala talaga bakla si Bossing. Hay, naku! Baka pag-resign-in na ako n'on.

Ilang sandali pa ay natanaw ko na si Bossing na lumabas na ng kwarto niya. Narito naman ako sa baba ng hagdan at nakaabang.

Napatitig ako sa kaniya habang pababa siya ng hagdan. Naka-kumpletong workout clothes siya ngayon, at grabe! Dahil hapit sa kaniya 'yong training top niya, masasabi kong may maipagmamalaki rin pala itong si Bossing pagdating sa katawan. Napasipol na lang ako.

Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay masama pa rin ang tingin niya. Ngintian ko naman siya ng matamis bilang sukli.

"Ano ba naman 'yan, Bossing! Ang aga-aga, nakasimangot ka?" kantyaw ko nga nang tuluyan na siyang makababa. Mas lalo pa niya akong sinamaan ng tingin sa sinabi ko, umismid pa nga. "Ay, ikaw rin, sige ka! Kapag ganyan ang mukha mo, madali kang mag-ka-ka-cramps mamaya sa training natin!" birong banta ko pa.

"Tss, does it have a scientific basis? Don't fool me!" angil niya naman sabay iwas ng tingin.

"Ay, danas ko 'yan, Bossing! Kasi nga, 'di ba? Part din ng exercise ang pagngiti! Mamaya, ma-lockjaw ka pa kakasimangot mo, ay, ikaw rin!" giit ko pa.

Hindi siya sumagot, inirapan niya lang ako.

Mas ngumiti naman ako sa kaniya. "Uy, ngingiti na 'yan!" kantyaw ko pa. Susundutin ko pa sana siya sa bewang niya, kaso ang bilis niya ring nakaiwas. "Sige na! Gusto kitang makitang ngumiti, eh. Crush kaya kita kapag nakangiti ka!"

"W-What?" tila gulat naman niyang reaksyon.

Tumango ako. "Totoo, crush kita kapag nakangiti ka. Ang gwapo mo kaya kapag nakangiti! Minsan ko lang nakita 'yon sa 'yo, pero nakatatak na 'yon sa isip ko," saka ko siya kinindatan.

"Crush, my ass..." bubulong-bulong siya pero unti-unti na ngang nawawala ang simangot niya. Nawawala na rin ang kunot ng noo niya.

Konti na lang! "Uy, ngingiti na ang Bossing ko! Sige na, ngiti na!" patuloy ko pa sa pangangatyaw.

"Tss," aniya lang pero huling-huli ko ang tipid na ngiti na sumilay sa mga labi niya, saka siya nanguna na sa pintuan at nagyaya. "Let's go!"

"Yes, Sir!" at ngayon ay ngiting-ngiti na ako nang sundan ko siya palabas ng bahay.

Dito lang kami sa loob ng subdivision mag-ja-jogging. Tutal, malawak na rin naman dito, hindi na namin kailangang mapalayo.

"Kailangan natin ng isang oras na jogging para maayos 'yang mga tuhod mo mamaya sa training," wika ko sa kaniya habang nag-i-stretching ako. Pagkatapos ay huminga ako ng malalim at nilingon siya. "Ready, Bossing?"

"Yeah," sagot niya lang habang diretso na ang tingin.

"Let's go!" at nag-umpisa na nga ako sa pagtakbo, sumunod naman siya agad sa akin.

Habang tumatakbo kami ay hindi ko hinahayaan na magkaroon kami ng agwat sa isa't isa, pinapantayan ko siya. Dinadaldal ko rin siya pero sobrang tipid lang ng sagot niya. Minsan, nag-jo-joke ako, pero tipid lang din siyang napapangiti. Pero ayos lang, accomplishment 'yon para sa akin!

Nang umabot kami sa may gate ng subdivision ay binati ko pa si Kuya Gerald, 'yong security guard na naroon ngayon. Nakilala ko na kasi sila at nakakabatian din araw-araw. Bumati rin naman ito pabalik sa akin. Binati pa nga nito si Bossing, pero wapakels itong kasama ko.

Matapos ang isang oras na jogging, bumalik na rin kami sa bahay.

"Here, Bossing," abot ko sa kaniya sa sandwich na hinanda ko kanina pag-gising. "Ito lang ang breakfast natin para hindi gaanong mabigat mamaya kapag nagsimula na tayo ng training," wika ko. Tinanggap naman niya 'yong sandwich at kinain.

Ilang minuto lang, nagtungo na nga kami sa gym niya. Mas na-excite naman akong magsimula na nang makita ko 'yong octagon. Hindi ko pa rin akalain na meron siya nito rito.

"Okay, Bossing, dahil ito pa lang ang umpisa natin, magsisimula muna tayo sa basic. 'Di ba sabi mo na-try mo na rin dati na mag-training?" wika ko sa kaniya nang makapasok na kami sa loob ng octagon.

"Ahmm, yeah. A little bit,"

"Okay! So, sa 'little bit' siguro na 'yon may idea ka na sa self-defense man lang. Kaya simulan na natin!" sabi ko at umayos na nga.

"Wait!" bigla niya naman akong pinigilan. "You're only going to be easy on me, right? Because if I got hurt, patay ka sa 'kin!" banta pa niya.

Napangisi ako. "Don't worry, Bossing. I-easy-han ko lang! Trainer mo 'ko, 'di ba? Oo, masasaktan ka, pero hindi naman 'yong tipong ma-o-ospital ka! Kaya, relax..." nag-thumbs up pa ako sa kaniya. Ilang sandali ay tumapat na nga siya sa akin.

"Una, suntukin mo ako, Bossing," utos ko sa kaniya nang magsimula na kami.

"What?"

"Suntukin mo ako! Sige na!" at umayos na nga ako para abangan ang ibabato niyang suntok.

Hindi siya tuminag agad, nagdadalawang isip pa yata siyang gawin ang sinabi ko. Sinenyasan ko na siyang sumugod. At ilang sandali, sumuntok na nga siya na mabilis ko ring nailagan.

"Ano ba 'yan, Bossing! Seryoso? Gan'on ka lang sumuntok? Bakit ang bagal? Akala ko ba lalaki ka?" singhal ko sa kaniya habang nakapameywang. Ang weak, eh!

"What did you say?!" at nagalit pa siya!

Napa-'tsk' ako. "Nag-aalangan ka bang masaktan ako? 'Wag kang mag-alangan! 'Wag mong isipin na babae ako. Basta, bigyan mo ako ng pinakamalakas mong suntok!" at sinenyasan ko ulit siyang sumuntok. "Go, suntok!"

Sumuntok nga siya, 'yong madiin na, pero mabilis ko ring nailagan 'yon. Ang dali kasing mabasa ng galawa niya, eh.

Napahinga ako ng malalim. "Okay, ganito. Bigyan mo naman ako ngayon ng sunod-sunod na suntok, ha? 'Wag kang titigil hangga't hindi ko sinasabi, okay?" utos ko ulit sa kaniya. Umayos na ulit ako at tumutok sa kaniya, diretso akong nakatingin sa mga mata niya.

Tumango siya at nagsimula na ngang sumuntok sa akin ng sunod-sunod.

Mabilis naman akong kumilos para ilagan ang mga suntok niya, pero may mali pa rin sa ginagawa niya, eh. "Focus, Bossing! I-aim mo na mapatamaan ako!" sigaw ko pa.

Nagtutuloy-tuloy nga siya. Pero nang mawalan na ako ng gana kakailag, mabilis kong sinapo ang kamao niya at ako naman ang nagpakawala ng suntok sa kaniya. Pero hindi pa man tumatama ang kamao ko sa kaniya ay ang bilis na siyang nakailag. As in, ilag ng isang takot na takot.

"Ang bagal mo, Bossing! Ang daling basahin ng galaw mo," disappointed na sabi ko sa kaniya.

"What do you expect? I'm not a pro like you!" singhal niya naman sa akin.

"Gusto mong maging pro? Sige, tuturuan kita ng mabangis na strategy!" umayos ulit ako at tumitig sa kaniya. "Tumitig ka sa akin, Bossing," utos ko. Tumitig nga siya sa akin pero ang likot naman ng mga mata niya! "Bossing, mag-focus ka sa mga mata ko!"

"Okay, okay!" tugon niya at umayos na nga siya ng titig sa mga mata ko.

"Ito ang unang dapat mong gawin. Kapag kaharap mo ang kalaban, titigan mo lang siya ng mabuti sa mga mata. Dahil dito, mababasa mo na kung ano ang magiging galaw niya. Samahan mo rin ng matalas na pakiramdam," paliwanag ko. "Ngayon, sumuntok ka ulit,"

Mabilis naman niyang sinunod ang sinabi ko, pero mabilis ko ring nailagan ulit 'yon. Nang ako naman ang sumuntok sa kaniya, muntik na naman niyang hindi mailagan.

"Konting focus pa, Bossing, para mailagan mo ang mga suntok ko!"

Isang seryosong tango naman ang isinagot niya sa akin.

"Okay, tumitig ka lang sa mga mata ko, ha?" wika ko saka ko siya pinakiramdaman ulit.

Sa halip na suntok ang ibinigay ko sa kaniya, mabilis akong gumalaw para yakapin siya mula sa kaniyang likuran. Halatang nagulat siya sa ginawa ko dahil ramdam ko ang pagtigil ng katawan niya.

"W-What are you—"

"Relax, Bossing! Wala 'tong malisya, ha? Kaya 'wag kang ano r'yan!" paalala ko naman agad. Mukhang iba na kasi ang iniisip niya, eh. "Ngayon, subukan mong kumawala sa akin," Hindi naman siya tuminag sa utos ko. "Huy, Bossing—"

At nagulat na lang ako sa ginawa niya. Mabilis niyang hinawakan ang mga kamay kong nakayakap sa kaniya at pinaghiwalay niya 'yon para makawala. Pagkatapos, mabilis niya akong nahila palapit sa kaniya hanggang sa hinula niya ako bewang ko at saka niya ako ibinagsak. Pero parang ayaw niya akong masaktan dahil nakaalalay siya sa bewang at ulo ko sa naging pagbagsak ko.

Pero ang bilis n'on, ah! Hindi ko inasahan.

At ngayon, nasa ibabaw ko na siya. Hindi ako nakagalaw, napatitig ako sa mga mata niya na seryosong nakatitig din sa akin. Ang lapit na rin ng mukha niya sa akin ngayon.

"I took you down," mayabang niya namang sabi na halos pabulong sabay niyabangan ako ng ngiti.

Doon ako natauhan. Naging mabilis din ang galaw ko nang hulihin ko ang kamay niyang nakatukod sa gilid ko. Gamit ang mga binti ko, ipinalupot ko 'yon sa bewang niya saka ko siya pwersahan kong ibinagsak padapa. Napadaing siya! Ang braso niya namang hawak ko ay pinilipit ko saka ko idiniin sa likod niya.

"Oops, mukhang mas malupit ang take down ko sa 'yo, Bossing," mayabang ko ring bulong sa tenga niya.

Nang mag-double tap siya sa sahig ay saka ko lang siya binitawan. Napahilot agad siya sa braso niyang napilipit ko saka niya ako sinamaan na naman ng tingin.

Nameywang ako sa harap niya. "Ang weak ng take down mo, Bossing! Bakit sapu-sapo mo ang ulo at bewang ko? Gan'on ba ang gagawin mo sa totoong kalaban? Napaka-gentleman mo naman pala!" kantyaw ko sa kaniya, napapalatak pa.

"I was just being careful to you! Babae ka pa rin kahit sabihin mong mas malakas ka pa sa akin. Ayaw kong makapanakit ng pisikal sa babae," depensa naman niya na nasa baba ang tingin.

Medyo naantig naman ang puso ko sa sinabi niya. "So, babae pa rin pala ang tingin mo sa akin, Bossing?" tanong ko.

"Of course!" pasigaw naman niyang sagot pero hindi makatingin ng diretso sa akin.

Napangiti na lang ako. Akala ko, hindi babae ang tingin niya sa akin, eh. Minsan kasi, ang mga utos niya, parang nakakalimutan niya na babae rin ako. Pero ayos lang din naman 'yon sa akin.

"Pero kalimutan mo muna 'yon, Bossing. Nasa training tayo ngayon kaya dapat kalaban ang tingin mo sa akin para matuto ka. 'Wag kang mag-alangan na saktan ako, sanay na akong masaktan! Pisikal at emosyonal!" biglang hugot ko pa. Nginisihan ko naman siya nang mapalingon siya sa akin dahil d'on. "Pero seryoso ako, Bossing. Hindi lang ako ang nag-iisang babaeng ganito, marami na rin d'yan sa paligid. Paano kung kagaya ko ang sumugod sa 'yo? Gan'on din ang gagawin mo dahil babae siya? Hindi dapat gan'on, Bossing!" payo ko pa sa kaniya.

Ilang sandali ay nagsimula na ulit kami. Pinagpatuloy ko ang pagtuturo sa kaniya ng hindi pangkaraniwang pagsuntok sa kalaban. Tinuruan ko na rin siya ng tamang pakikiramdam sa pagkilos ng kalaban niya sa pamamagitan ng pagtitig sa mga mata. Siguro ngayong araw, more on defenses using our fist muna ang ituturo ko sa kaniya.

Nang makatatlong oras na kami sa ginagawa namin ay saka ko lang naisipan mag-break. Kitang-kita ko na kasi ang pagod at hingal ni Bossing.

Nag-indian sit ako sa flooring habang umiinom ng tubig. Si Bossing naman, tumayo para kunin 'yong extra shirt niyang baon na nasa isang gilid kasama ng tumbler niya.

Napanganga naman ako nang bigla-bigla na lang niyang hinubad ang training top niya na basa sa pawis. At holy wow! Nag-la-live show na po ngayon ang maganda niyang katawan!

Halos masamid pa ako sa gulat nang makita ko ang shining, shimmering abs niya. Grabe, hindi ko talaga akalain ma may ganito kagandang katawan na tinatago si Bossing! Mukhang 'yan ang alaga niya rito sa gym niya. May panama kay Mael, ah.

"Ang sarap..." wala sa loob na naibulalas ko.

"What?" bigla pa siyang napalingon sa akin kaya naalarma ako. Nahuli niya akong nakatitig sa kaniya!

"A-Ah, I mean..." Ano, George? Isip! "Ang sarap ng tubig, Bossing! Hmm, manamis-namis!" pagdadahilan ko nga. Um-acting pa ako na roon nga nasasarapan sabay inom. Hindi pa rin maalis ang tingin ko sa katawan niya, napataas pa nga ang mga kilay ko.

Para naman siyang nahiya dahil tumalikod na siya sa akin saka niya sinuot 'yong t-shirt. Inabot niya rin 'yong towel niya at tumbler. Nagpunas muna siya ng pawis sa mukha bago uminom ng tubig.

"Aren't you going to change clothes?" tanong niya naman sa akin ilang sandali nang maupo na rin siya sa flooring.

Uy, maalalahanin ang Bossing ko! "Mamaya na, Bossing. Hindi naman ako gaanong pinagpawisan sa ginawa natin, eh. Medyo hiningal lang ako kakailag sa mga ginawa mo. More, more, more practice pa talaga ang kailangan natin," sabi ko sa kaniya.

"Of course, I'm just a beginner," at napairap na naman siya sa akin sabay inom ulit ng tubig. "How about you? When did you start learning that skills?" tanong niya pa malaunan.

"Elementary pa lang, Bossing."

"Since elementary?" parang hindi pa siya makapaniwala sa sagot ko.

Tumango ako bilang kumpirmasyon. "Oo, Bossing, since elementary pa. In-enroll ako ng Pappy ko sa isang summer class sa taekwondo. Tapos, simula n'on, naengganyo na akong magtutuloy-tuloy ng training hanggang sa sumasabak na nga ako sa mga competitions. Tapos n'ong high school, nadagdagan pa—karate, arnis at fencing naman ang nakahumalingan ko n'on. At 'wag ka, Bossing! Nag-blackbelt lang naman ako sa lahat ng 'yon."

"Mas dumami pa, Bossing, noong nag-college ako. Nakakasama ko na rin kasi si Mael n'on, 'yong pulis na dumalaw sa akin sa Empire? Magkasundo kasi kami sa lahat ng hilig ko. Nag-start kami sa jiu jitsu, tapos nakisali rin ako sa kaniya sa gun shooting class nang mapagbalingan ko naman ng pansin 'yong baril ni Pappy. Gusto ko nga rin sanang samahan siya noon sa criminology, kaso hindi pumayag si Mammy. Tama na raw 'yong kay Pappy lang siya nag-aalala. Alam niyo naman po ang pulis, laging nasa delikadong sitwasyon. Kaya sa mga trainings sa labas na lang ako nagpatuloy, pero patago pa rin 'yon dahil ayaw rin ni Mammy." kwento ko nga sa kaniya.

"So, that policeman was with you since you were young, huh?" tanong pa niya, naging kuryoso bigla kay Mael. Naghihinalang napatitig tuloy ako sa kaniya. Pero nang mapansin at ma-gets niya ang titig ko, agad niya akong binawal. "Oh, don't tell me you're thinking again that I'm a gay? I said, I'm not! I'm just... curious about your friendship," depensa niya sabay iwas ng tingin.

Napangiti na lang ako. Ah, lalaki nga raw talaga siya hindi barbie.

"Oo, Bossing, elementary pa lang magkakilala na kami. Gan'on din si Marika. Pero noong high school lang kami naging magkakabarkada, hanggang sa sila na nga lang ang naging mga kaibigan ko at nakakasama ko sa lahat. Pero si Mael lang talaga ang nakasasama ko sa sports. Si Marika kasi, puro kaartehan at pakikipagligawan lang ang alam," sagot ko.

"Don't you have any feelings for him aside of being a friend? Like, romantically," ngayon ay napunta na roon ang tanong niya.

Umiling agad ako. "Walang gan'on, Bossing! Tropa ko lang talaga 'yong si Mael. At saka, may iba ring 'yong gusto,"

"Then, don't you ever think that maybe it's you that he likes?" tanong niya pa. Bakit parang nasa The Buzz na kami sa mga tanungan niya? Intrigero talaga 'to, eh.

Pero hindi na ako nagreklamo, umiling ulit ako bilang sagot. "Hindi ko rin makita na ako nga ang magugustuhan niya, Bossing. Tropa lang din ang tingin n'on sa akin! Oo, mapili siya sa babae, pero hindi 'yon dahil sa may gusto siya sa akin. Masyado lang talagang choosy 'yong lalaking 'yon. Parang ikaw, Bossing!" tukoy ko pa sa kaniya.

"Me?"

"Oo!" saka ako tumango. "Halos lahat kaya ng nakapaligid sa 'yong mga babae ay type ka, pero parang wala ka namang nagugustuhan sa kahit na sino sa kanila. Parehong-pareho talaga kayo ni Mael! Kahit na nakahain na ang magagandang babae sa harap niyo, ayaw niyo pa ring sunggaban!" sabi ko pa.

"It's just that getting into a relationship is not really my thing and I don't have any woman that I like yet. And besides, I don't want to get involve with anyone without any feelings," paliwanag naman niya.

Naging interesado na naman tuloy ako sa kwento niya. "Bakit wala pa, Bossing?"

"I-I don't know, I just don't find someone yet..." aniya.

Naisip ko na naman tuloy magbiro. Ang sarap ding asarin nito, eh. "Naku, Bossing, ah? Baka naman ako na ang crush mo?" biro ko na nakangisi pa para mang-asar.

"What?" bulalas niya at kapagkuwan ay napangisi. "It will never happen! Don't assume things, woman. Kaya ka na-bo-brokenhearted, eh!"

Napasimangot ako bigla. Walanghiya! Nagbiro lang naman ako pero bakit gan'on ang bwelta niya sa akin?

"Hindi na kita crush," ungot ko sabay irap sa kaniya.

"Really? So, you do have a crush on me?" komento niya, nakangisi pa rin ng mayabang.

"Hindi 'no! Joke ko lang 'yon," biglang bawi ko nga.

"So, sino na ang crush mo? That policeman? Tss," bwelta naman niya na biglang ikinakunot ng noo ko.

"Bakit napasok na naman si Mael sa usapan?" Type niya nga siguro si Mael! "Pero kung kayong dalawa na lang nga ang natitirang lalaki rito sa mundo na pagpipilian ko, oo, si Mael talaga ang pipiliin ko! Kasi 'yon, kahit hindi rin kagandahan ang ugali n'on, at least hindi naman siya masungit sa akin tulad mo. At saka magaling pa siya at pareho kami ng hilig sa lahat ng bagay!" sabi ko sabay irap. Akala nito!

"Oh, really? Then, why don't you call that policeman now and have a training with him instead of me?" at bigla na namang siyang naging masungit. Kanina lang, pangisi-ngisi pa siya dahil ako ang trip niya. Bibolar na rin yata 'tong si Bossing, eh.

"Hindi na namin kailangan ng training dahil magaling na nga siya! Sparring mana pa!" pagtatama ko naman.

Nagulat pa ako nang bigla na lang siyang napatayo at galit akong tinitigan. "Then, go! Spar with him! Why are we doing this training if it's him that you want to be with?!"

Hindi makapaniwalang napatitig na lang ako sa kaniya. Galit na galit, ah?

"Bossing, nagseselos ka ba kay Mael?" sa halip ay biro ko na naman.

"What? Huh!" at bigla na naman nga siyang napangisi pero sarkastiko naman. May iba na nga yata talaga rito kay Bossing. "Are you really assuming things on me now?" aniya pa.

"Hindi nga! Hindi rin naman kita type, 'no!" depensa ko rin naman. "Pero alam mo, Bossing, 'wag kang magselos kay Mael. Magiging gan'on ka rin basta ituloy lang natin itong training," paninigurado ko sa kaniya sabay kindat sa kaniya.

"Yeah, I know! I can be like him, too!" sang-ayon din niya. "Come, let's continue our training! I'm not tired anymore!" at pumusisyon na nga ulit siya para ipagpatuloy na ang training namin.

Nakangising napailing-iling na lang ako habang nakatitig sa kaniya.

(To be continued)

🌹

Thanks for reading, beshies!
Please kindly vote or leave a simple comment, even just a thumbs up (👍), if you like this part.
Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
119K 2K 44
By virtue of love she became a martyr wife. She will endure any hardship just to be loved back by his beloved spouse. illechii
26.9K 686 27
Once a man who was adored by everyone now, he is nothing but a hideous beast. A man full of mysteries and scars which all lies beneath his mask. He i...
252K 4.6K 55
Pregnant by My Hot Doctor (Healton & Elizha) Sypnosis Elizha is a beautiful woman. Matalino, mabait at masipag. Normal ang pamumuhay niya at maayos a...