IL Mio Dolce Amante (My Sweet...

By Lorenzo_Dy

166K 5.1K 329

Ulila at palaboy, 'yan ang naging buhay ni Bella bago mapunta sa pangangalaga ni Señor Freigo na dating Hari... More

Warning
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Wakas
SPECIAL ANNOUNCEMENT!
ABOUT THE AUTHOR

Kabanata 12

3K 126 25
By Lorenzo_Dy


Malalim na ang gabi pero gising na gising pa rin ako habang nakaupo sa silya at nakadungaw sa bintana ng aking kwarto. Umiihip ang malamig na hangin kaya napapayakap ako sa mga braso ko para makaramdam ng konting init laban sa lamig na dala ng hangin. Kalahati ang maliwanag na buwan, kalat-kalat naman ang mga ulap at sumasayaw rin ang mga bituin sa kalangitan. Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko nang may tatlong sunod-sunod na pagkatok kasunod ang pagbukas nito at iniluwa si nanay Carlotta.

Ngumiti si nanay Carlotta sa 'kin at naglakad ito palapit sa kinauupuan kong silya, naramdaman ko rin ang pagsuklay niya sa mahaba kong buhok gamit ang mga daliri niya.

"Akala ko tulog ka na, anak." Sambit ni nanay Carlotta. "Galing ako sa silid ni Señorito Primo at inayos ko ang mga dalang gamit niya. Dapat pala pinuntahan muna kita rito para nakita mo ang Señorito bago ka man lang matulog para sana maging mahimbing  ang tulog mo ngayon." Nilingon ko si nanay Carlotta at tumawa ito dahil nakasimangot ako dala ng panunukso niya sa 'kin.
"Itatanggi mo pa rin ba sa 'kin na wala kang nararamdamang paghanga kay Señorito Primo, katulad noon?" Napapailing na sabi ni nanay Carlotta pero nandoon pa rin ang mga ngiti sa labi.

"Hindi ko po kayang makipag-usap nang matagal sa kaniya lalong hindi ko po kayang titigan siya sa mga mata. Sobra-sobra rin pong kaba ang nararamdaman ko kapag nakikita ko siya. Nawawalan din po ako ng sasabihin." Saad ko bago tumingala sa mga ulap.

"Kailan pa ito nagsimula Carina, anak?" Napabuntong hinga ako bago sumagot sa tanong ni nanay Carlotta na umupo na rin sa silya sa may tabi ko.

"Hmm..." Napapaisip kong buntong hinga. "Noong unang dating ko po rito sa mansion at nakita ko ang larawan ng Señorito na nakasabit sa pinto ng kaniyang kwarto hanggang ngayon po." Pag-amin ko.

"Kahit na nasa Italya si Señorito Primo at hindi mo siya nakikita gano'n pa rin ang nararamdaman mo anak?" Nilingon ko si nanay Carlotta bago ako umiling.

"Kapag abala po ako at hindi ko naiisip si Señorito Primo wala naman po akong kakaibang nararamdaman. Pero kapag nakikita ko po ang mga larawan niya sa social media o kahit sumagi siya saglit sa isip ko, nagwawala po ng husto ang dibdib ko." Muling pag-amin ko kay nanay Carlotta at sinimangutan ko na naman siya dahil nanunukso ang tingin nito.

"Kaya rin ba wala kang natitipuhan sa mga manliligaw mo dahil sa nararamdaman mong paghanga sa kay Señorito Primo?" Mabilis akong umiling sa tanong ni nanay Carlotta bago sumagot.

"Hindi po! Wala ho talaga sa isip ko ang pakikipagrelasyon ngayon. Abalang-abala po ako sa Azìenda Agrìcola." Depinsa ko pero umiling lang si nanay Carlotta bago ulit suklayin ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.

"Pinili mong maging abala para hindi mo laging naiisip ang Señorito at walang ka ring natitipuhan sa mga manliligaw mo dahil ang puso at mga mata mo ay nakatingin na sa iba."
Natahimik ako dahil sa sinabi ni nanay Carlotta at marahil nga ay tama siya. "Paano kung ligawan ka ni Señorito Primo, sasagutin mo ba siya?" Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko kaya umiwas ako sa nanunuksong tingin ni nanay Carlotta.

"Hindi naman ho mangyayari iyon." Mapait kong sagot.

Alam kong imposibleng mangyari ang sinasabi ni nanay Carlotta dahil sa mga mata ni Señorito Primo ay 'di-hamak na isa lamang akong mendicante na ayon kay nanay Carlotta  ay pulubi raw ang ibig sabihin nang tanungin ko ito noon.

"Carina, anak. Hindi naman masama ang magkaroon ka ng paghanga kay Señorito Primo pero sana alam mo rin na puwede kang masaktan dala rin ng paghanga mo sa kaniya, dalaga ka na at nasa tamang edad na rin pero sana handa ka para do'n." Sinserong paalala sa 'kin ni nanay Carlotta.

"Bakit nga po pala narito si Señorito Primo? Akala ko po ba abala ito sa pamamalakad ng negosyo nila sa Italia at sa pagiging konseho?" Pag-iiba ko sa usapan namin ni nanay Carlotta.

"Ang narinig ko sa usapan nila ni Señor Freigo kanina ay narito raw ang Señorito Primo para magpatayo ng pabrika ng alak dito sa Casa Bel Palazzo at ang ubasan ang magiging pangunahing pagkukunang supply. Magandang opurtunidad ito para sa mga taga rito dahil mabibigay ito ng libo-libong trabaho sa mga taga Casa Bel Palazzo. Nabanggit din ni Señorito Primo sa lolo niya na malapit na siyang bumaba sa puwesto bilang konseho ng palasyo, kaya rin siguro nakauwi na siya rito kahit hindi pa man opisyal ang pagbaba niya sa puwesto." Mahabang salaysay ni nanay Carlotta.

"Kung gano'n po ang balak ni Señorito Primo na magbubukas ng pabrika ng alak dito sa Casa Bel Palazzo, baka ho wala nang magtrabaho sa sakahan at sentro gulayan maliban po sa ubasan na magiging supplier sa pabrikang ipapatayo niya, baka po mas gustuhin ng mga magsasaka ang magtrabaho sa pabrika ng alak kaysa sa magsaka at kapag nangyari po iyon ay hindi na matutuloy ang proyektong itatayo ko na tutulong sana sa kanila." Bagay na nakikita kong posibleng mangyayari sa oras na magsimula ang construction ng pabrika ng alak na nais itayo ng Señorito rito sa Casa Bel Palazzo.

"Iyon din ang sinabi ni Señor Freigo kay Señorito Primo kanina kaya binabalak ng Señor na kausapin ang mga magsasaka at mga nagtatanim sa sentro gulayan, hindi ko lang alam kung paano ang gagawin ng mag-lolo."
Sambit ni nanay Carlotta.

Nagpaalam na si nanay Carlotta na matutulog na raw ito. Mas lalo akong napaisip dahil sa mga sinabi ni nanay Carlotta, ang nararamdaman ko para kay Señorito Primo ay hindi ko pa rin matukoy kung simpleng paghanga lang ba ito o kung higit pa. Naisip ko rin ang pagpapatayo ng pabrika ng alak ng Señorito dito sa Casa Bel Palazzo na matatamaan ang binabalak kong Farmers project: Kalinga Ani, kung saan sa bawat sakong palay at gulay na maaani ay ipagpapalit ng pera sa naaayon na halaga nito, ipagpapalit ito sa mga karatig bayan at may mga nakausap na akong tao na mga naging kaklase ko dati sa college na makikiisa sa proyekto ko.

Planado ko na talaga ang lahat.

Tinanghali na ako nang gising at natagalan pa ako sa pagligo at pagpili ng damit na isusuot ko ngayong araw, sa katunayan nga nakailang palit pa ako ng damit at nakailang beses din akong humarap sa salamin bago ako nakonteto sa suot ko na bistidang kulay asul na hanggang tuhod.

Naririnig ko ang barotinong boses ni Señorito Primo sa baba habang pababa ako ng hagdan. Nakaharap ito sa bintana sa sala at nagsasalita sa wikang Italian habang may kausap ito sa telepono. Hindi ko na sana ito babatiin kaso humarap naman ito kaya yumukod ako.

"Magandang umaga po Señorito Gian Primo." Bati ko at ramdam ko ang mga titig nito sa akin bago tumango at muling pinagpatuloy ang pakikipag-usap sa kabilang linya sa telepono.

Nadatnan ko si nanay Carlotta na abalang-abala sa pagpili ng kape na nakalagay sa mga ibat-ibang babasagin. Kaya lumapit na ako para tumulong na maghanap sa kung anuman ang hinahanap ni nanay Carlotta.

"Ano po ba ang nawawala sa mga kape nanay Carlotta?" Puna ko dahil kompleto naman ang kape ni Señor Freigo. Saglit na napahawak si nanay Carlotta sa baywang niya bago ito nagsalita.

"Naghahanap kasi ng L'Espresso Moka si Señorito Primo at wala akong makita rito sa kusina. Mukhang kailangan ko pang magtungo sa Casa Tranquillo para bumili nito. Hindi ko naman alam na iyon pala ang gusto ng Señorito at ito lang ang hinihingi niya sa 'kin lalo pa't hindi naman ito nag almusal kanina." Namomroblemang saad ni nanay Carlotta. "Sasaglit lang ako sa bayan at kapag naghanap ng kape si Señorito Primo sabihin mo na pagdating ko na lamang."
Turan ni nanay Carlotta at mabilis itong tumalima palabas ng kusina.

Masyado namang komplikado ang hinihinging kape ni Señorito Primo. Akala niya siguro ay nasa Italia siya kaya gano'ng klasi ng kape ang hinihingi niya. Kapeng barako nga lang ang iniinom ni Señor Freigo o sariwang gatas ng baka kapag minsan.

Ibinalik ko sa mga lalagyan ang mga kape at nasagi ng mga mata ko ang pinong cacao na ginagawa kong tsokolate, ibinaba ko iyon at natagpuan ko na lang ang sarili ko na nagtitimpla ng kape na gawa sa buto ng cacao. Ito ang madalas kong iniinom dahil bukod sa lasang tsokolate ito hindi rin masyadong mapait.

Nagpakawala ako nang malalim na paghinga bago ko binitbit ang tasa patungo sa sala kung nasaan ngayon si Señorito Primo na abala pa rin sa pakikipag-usap sa telepono.

"Señorito, ito na po ang kape niyo." Gusto kong mangiti dahil hindi umurong ang dila ko ngayon. "Pag pasensiyahan niyo na po kung hindi L'Espresso Moka ang kapeng ito dahil wala po no'n dito sa mansion, kaya po nasa Casa Tranquillo ngayon si nanay Carlotta para maghanap ng gusto niyong kape." Dagdag ko pa.

Pakiramdam ko ay masusugatan ang palad ko dahil sa matinding pagkurot ko ro'n para lamang labanan ang kabang nararamdaman ko ngayon. Umupo si Señorito Primo sa malambot na couch at tumingala ito para salubungin ang mga mata ko dahil nakayuko ako.

"Va bene. Ma, cio che il caffe è questto? Profuma di buono, mendicante." (It's fine. But, what coffee is this? Smells good huh, beggar) Pinanood ko ang pagsimsim niya sa kape bago ako sumagot.

"Patawad po Señorito pero mendicante lamang po ang naintindihan ko sa mga sinabi niyo." Namilog ang mga mata ng  Señorito at mabilis nitong na ibaba sa center table ang kape.

"Perdonami kung iyon ang natawag ko sa 'yo." Umiling ako at maluwag na ngumiti sa Señorito.

"Hindi niyo po kailangang humingi ng pasensiya dahil iyon naman po talaga ako, isang pulubi." Pakiramdam ko may kumurot sa puso ko kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin lalo pa't nanunubig na ang mga mata ko.

Mabuti na lamang at may kumatok sa main door ng mansion kaya mabilis akong naglakad patungo sa pinto para pagbuksan iyon. Tumambad sa harapan ko ang isang bouquet ng mga pulang rosas na sobrang bango habang natatakpan ang mukha nang may hawak nito.


"Hulaan mo kung sino ako."

Napangiwi ako at napailing.

"Arnold." Sambit ko at dahan-dahan namang iginilid ni Arnold ang bouquet of flowers tapos bigla ako nitong niyakap.

"Damn! I really really miss you, Bella." Bulong ni Arnold.

"Kailan pa kayo bumalik?" Humiwalay ako sa mga yakap niya at nakangiti ko namang tinanggap ang bouquet ng mga pulang rosas.

"Ngayon lang tapos dumiretso na agad ako rito just to see you bago pa ako maunahan ni Zendy." Saad ni Arnold at sabay kaming napalingon dahil sa pagsigaw ni Zendy.

"Bella!" Agad akong sinunggaban ng yakap ni Zendy at tinadtad ng halik sa mag kabilang pisngi. "I miss you so much! Ang dami kong ikukuwento sa 'yo." Nasa loob na kami ng mansion at daldal pa rin nang daldal si Zendy. "You know what, Bella? Walang ibang bukambibig sa america si kuya Arnold kun'di Bella, Bella, Bellaaaa! Halos ikaw lagi ang topic niya kay lola at ngayon inunahan pa ako sa pagsurprise sa 'yo!" Ang lakas ng boses ni Zendy at hapit na hapit ang suot nitong stripe na spaghetti.

"I just miss her so much Zendy, halos tatlong buwan din tayo sa States." Sagot naman ni Arnold. "Namiss mo ba ako Bella?"
Napatingin ako kay Arnold na nakanguso pa.

"Ah, oo naman. Kayo ni-" sabay kaming napalingon nina Zendy at Arnold nang biglang may tumikhim at doon ko lang naaala na nandito pala sa sala si Señorito Primo.

"Oh my God! Who is he Bella?"
Bulong sa 'kin ni Zendy at inayos pa ang buhok niya bago ngumiti kay Señorito Primo.

"S-señorito Gian Primo, si Zendy at kapatid niyang si Arnold mga malapit na kaibigan ko po." Saad ko at nagkatinginan naman ang magkapatid bago sabay na yumukod at bumati sa Señorito.

"Good noon, Señorito Primo." Pagbati ni Arnold.

"Good noon, Señorito Primo. I'm Zendy Sebastian, a daughter of Attorney Arthur Sebastian, the loyal lawyer of your grandpa, Señor Freigo." Agad na kinalabit ni Arnold ang kapatid niya dahil lumapit pa talaga ito kay Señorito Primo at balak pang makipag-kamay.

"Zendy. Umayos ka nga." Madiin na saad ni Arnold.

Napapahiya namang ibinaba ni Zendy ang nakalahad niyang kanang kamay dahil tumango lang sa kaniya si Señorito Primo bago bumaling sa 'kin at bumaba ang mga mata nito sa akap-akap kong bouquet of flowers tapos tumingin ulit sa mga mata ko kaya kumabog na naman ng husto ang dibdib ko.

"I don't like the taste of your coffee, ang pait." Napakurap ako dahil sa sinabi ni Señorito Primo tungkol sa kapeng ginawa ko.

Paano magiging mapait ang lasa no'n eh bukod sa may asukal na iyon may konting tsokolate pa akong nilagay? Diretsong naglakad sa hagdan paakyat ang Señorito at halos mabuwal naman ako sa kinatatayuan ko nang panggigilan ni Zendy ang braso ko.

"He's a male version of Approdite! I can't even breath properly when he look at me directly!" Alam ko Zendy, alam na alam ko ang pakiramdam na iyan.

Maging si Arnold ay walang nagawa sa pag-iingay ni Zendy dahil lamang sa nangyaring pakikipag-interaksyon nito kanina sa kay Señorito Primo, hanggang sa mag desisyon si Arnold na i-uwi na ito sa bahay nila kahit tutol itong si Zendy.

"Babalik ako dito tomorrow!"
Pahabol pa ni Zendy sa 'kin nang ihatid ko sila sa may gate ng mansion.

Halos sabay namang dumating sina nanay Carlotta na galing sa Casa Tranquillo at si Señor Freigo na galing pala sa sakahan kaya hindi ko ito nakita kanina.

"Magpapatawag ako ng pagpupulong bukas sa lahat ng mga magsasaka ng palay at gulay para ipaalam sa kanila ang tungkol sa binabalak mong proyekto Bella Carina, apo."
Naibaba ko ang hawak kong hose habang dinidiligan ko ang mga bulaklak dito sa hardin. "Gusto kong ipaliwanag mo sa kanila apo kung ano ang mga nilalaman ng proyekto mo." Dagdag pa ng Señor at tumango naman ako kahit pa kinakabahan dahil ito pa lang ang unang pagkakataon na ipapaalam ko sa mga magsasaka ang nais kong ipatupad na proyekto para sa kanila.

"Makikinig kami ni Señorito Primo bukas para malaman din namin kung ano ang magiging hakbang namin sa mga gustong magtrabaho na mga magsasaka sa construction sa pagpapatayo ng pabrika ng alak." Mas lalo akong kinabahan dahil makikinig sa pagpupulong bukas ang Señorito at nag-aalala ako na baka wala akong masabi o hindi ko maipaliwanag nang maayos ang gusto kong sabihin dahil lamang sa presensiya nito.

Pagkatapos kong magdilig ay tumulong naman ako kay nanay Carlotta sa paghahanda ng hapunan habang nag-uusap naman sina Señor Freigo at Señorito Primo sa sala tungkol pa rin sa pagtatayo ng pabrika ng alak at sa proyektong nais kong ipatupad para sa mga magsasaka. Sumabay na ako sa paghahapunan kina Señor Freigo at Señorito Primo dahil nakakahiyang tanggihan na naman ang Señor.

"Kaninong bulaklak anak iyong nasa sala?" Tanong sa akin ni nanay Carlotta habang nilalagyan nito ng tubig ang babasaging baso ni Señorito Primo na nasa tapat ko.

"Galing po kay Arnold, nanay Carlotta.'' Sagot ko at maingat ang paglingon ko kay nanay Carlotta lalo pa't nasa may likuran ito ni Señorito Primo.

"Nililigawan ka ba ng anak ni attorney Sebastian, apo?" Nasamid ako dahil sa naging tanong ni Señor Freigo kaya uminom muna ako bago sana sumagot kaso inunahan na ako ni nanay Carlotta.

"Hindi malabo Señor Freigo dahil napapansin ko na dati pa ay talagang may gusto ang panganay na lalaking anak nina Arthur at Zenaida rito kay Carina. Naalala ko rin na may pagtingin rin ang anak ni Mario na si Dario na engineer na ngayon at tandang-tanda ko pa noong hayskul ka anak," galak na kuwento ni nanay Carlotta na umikot na para lang lumapit sa may puwesto ko. "Na sobrang dami mong secret admirer noon hanggang sa college ay talagang hindi ka nawalan ng mga manliligaw, dumami pa nga yata."

Nilingon ko si nanay Carlotta para sana iparating sa kaniya na 'wag na naming pag-usapan iyon dahil pakiramdam ko nayayamot lang ang Señorito sa mga pinag-uusapan namin dahil wala naman itong kabuluhan kaso hindi talaga tumitigil si nanay Carlotta na sinabayan na rin ni Señor Freigo.

"Hindi naman kita pinagbabawalan na makipag relasyon, apo. Nasa tamang edad ka na rin," saad naman ni Señor Freigo.

"Hay naku! Pumili ka na kasi anak sa mga manliligaw mo. Iyong si Arnold, gwapo, mabait at CPA lawyer pa." Anang ni nanay Carlotta.

"Hindi naman po ako nililigawan no'n." Sagot ko.

"Eh bakit sasagutin mo ba kapag opisyal na manligaw sa 'yo?"
Ngayon ko lang napansin na iba pala ang naging dating ng sagot ko.

"I'm done." Seryosong turan ni Señorito Primo.

Napalingon kami nina nanay Carlotta at Señor Freigo kay Señorito Primo na seryosong uminom ng tubig bago tumalima palabas dito sa kusina. Pagkatapos naming maghapunan ay tinulungan ko si nanay Carlotta sa pagliligpit na lagi ko namang ginagawa bago ako umakyat sa kwarto ko.

"Iyong bulaklak anak sa sala baka makalimutan mo, puwede mo iyon na ilagay sa flower vase sa kwarto mo bago man lang malanta." Paalala ni nanay Carlotta bago ito pumasok sa kwarto niya. Kinuha ko naman ang bouquet na mga rosas bago ako umakyat sa itaas.

Binibilang ko ang bulaklak habang naglalakad sa pasilyo dahil mukhang marami iyon. Natigilan nga lang ako sa paglalakad nang biglang lumabas sa kwarto niya si Señorito Primo kaya nagkasalubong kami ng daan, liliko sana ako sa kanan pero gano'n din ang ginawa nito pati sa kaliwa kaya nagkakabungguan tuloy kami, at sa huli ako ang gumilid para bigyan siya ng daan pero tumigil si Señorito Primo at itinuro ang akap-akap kong bouquet na mga rosas.

"B-bakit po?" Nangangatal na naman ang mga dila ko na para bang iniipit ito. Napaatras ako nang bumahing si Señorito Primo at bumahing ulit ito.

"Perdonomi-" bumahing na naman ito kaya hindi niya natuloy ang sasabihin. "I have an allergy. Ilayo mo sa 'kin ang bulaklak o mas maganda kung itatapon na." Sunod-sunod ang naging pagtango ko kaya mabilis akong bumalik sa baba para ilabas ang bouquet of flowers at ilagay ito sa gilid ng hardin dahil sayang naman kung itatapon ko ito lalo pa't galing ito sa matalik kong kaibigan na si Arnold.

Pero pagkabalik ko sa kwarto ko ay doon ko lang naaala na may mga rosas din sa veranda sa may kuwarto ng Señorito Primo at hindi naman niya ito pinatanggal kay nanay Carlotta.

Nakakapagtaka.

Continue Reading

You'll Also Like

20.2K 294 42
Walang ibang magawa si Patrice Belen kundi ang pakasalan si Eren Mendoza dahil sa utang na loob niya sa magulang nito. She never dreamed to have a ru...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
197K 5.5K 44
Czarina Yvonna Velasquez is the only heiress of Velasquez Group of Companies. Nag-iisang anak kaya lumaki siyang nasusunod ang lahat ng luho niya. Pe...
29.8K 1K 57
Flor knew that she's crazy in love with her childhood bestfriend, Ulysses Valentino Montejo, but why she keeps on surrendering herself with the devil...