IL Mio Dolce Amante (My Sweet...

By Lorenzo_Dy

179K 5.2K 336

Ulila at palaboy, 'yan ang naging buhay ni Bella bago mapunta sa pangangalaga ni Señor Freigo na dating Hari... More

Warning
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Wakas
SPECIAL ANNOUNCEMENT!
ABOUT THE AUTHOR

Kabanata 9

3K 108 12
By Lorenzo_Dy


"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday, Bella!" Hinipan ko ang kandilang nasa ibabaw ng chocolate cake na ginawa ni nanay Carlotta.

"Nagwish ka na ba, anak?"
Tanong ni nanay Carlotta habang nilalapag ang cake sa mesa.

"Opo." Nakangiting sagot ko. Pero sa totoo lang hindi ko na kailangan pang humiling na kahit ano dahil sobra-sobra na ang mga natanggap ko.

"Happy birthday apo." Bati sa 'kin ni Señor Freigo sabay abot sa 'kin ng kulay itim na maliit na kahon. Binuksan ko iyon at tumambad ang kumikinang na hugis diamond na kuwentas.

"Nagustuhan mo ba, apo?"

"Señor Freigo, sobra-sobra na po ang regalo niyo sa 'kin." Turan ko at ngumiti lang sa 'kin ang Señor.

Noong 13th birthday ko ay niregaluhan din ako ni Señor Freigo ng mga branded na damit at mga sapatos na mula pa sa Italy.

Noong 14th birthday ko naman ay binigyan niya ako ng mamahaling relo. Mga mamahaling material na bagay naman noong 15th birthday ko.

Lagi rin nila akong binibilhan ni nanay Carlotta ng mga bagong damit kapag may natatanggap akong award o certificate sa school, minsan ay sinasabi ko sa kanila na hindi naman nila kailangan gawin iyon pero ayaw talaga nilang magpagpigil lalo na si Señor Freigo.

Gusto nga nila maghanda ng magarbong salu-salo ngayong 16th birthday ko pero tumanggi na talaga ako, sabi ko na simpleng salu-salo na lang basta nandito lang ang mga kaibigan kong sina Dario, Zendy at Arnold.

"Happy birthday, Bella." Masayang bati sa 'kin ni Zendy at inabot ang regalo niya bago humalik sa pisngi ko.

"Happy birthday, Lady Bella."
Nahihiya pa si Dario na lumapit sa 'kin at iabot ang regalo niya na nakangiti ko namang tinanggap.

"Ehem!" Napangiwi si Zendy nang lumapit na sa 'kin ang kuya Arnold niya na niyakap din ako bago ibigay sa 'kin ang regalo nito. ''Happy birthday." Bati nito sa 'kin.

"Sabi ko naman sa inyo na 'wag na kayong mag-abala, okay na sa 'kin na nandito kayo." Sambit ko.

First year college na si Dario at second year college naman si Arnold at alam kong abala sila pareho sa pag-aaral pero pumunta pa rin sila sa birthday ko kahit may pasok pa sila bukas, habang kami naman ni Zendy ay parehong nasa fourth year high school na.

"Baka kasi mag-sawa ka na laging kami na lang ang bisita mo every birthday mo." Pabirong sabi ni Zendy bago umupo at kumuha ng pagkain.

"Kayo lang naman ang malalapit na kaibigan ko 'e." Silang tatlo lang talaga ang lagi kong nakakausap sa eskwelahan kahit pa college na sina Arnold at Dario lagi pa rin nila kaming pinupuntahan ni Zendy sa classroom namin kapag may vacant time kami. Sila lang din ang lagi kong iniimbitahan kapag birthday ko at iniimbitahan din nila ako kapag birthday nila.

"May mga manliligaw ka na ba, apo?" Tanong sa akin ni Señor Friego habang kumakain kami.

"Ang dami nga pong secret admirer ni Bella sa school Señor Freigo, may mga nagtatanong din ng number niya sa 'kin kaso ayaw ipabigay ni Bella."
Napakadaldal talaga ni Zendy kaya minsan napapalabas kami sa room ng teacher namin dahil sa kadaldalan niya.

"Zendy." Saway ng kuya Arnold niya dahil nakalimutan yata nitong si Señor Freigo ang kausap niya pero deadma lang si Zendy.

"Wala naman po akong balak magpaligaw eh," sagot ko at biglang nasamid si Dario pati si Arnold na mabilis ang naging pag-inom ng tubig. "Wala pa po sa isip ko ang bagay na 'yan at pokus lang po ako sa pag-aaral." Dagdag ko, napapailing naman si Señor Freigo habang pinagmamasdan sina Arnold at Dario na panay ang inom ng tubig.

"Kung sinuman ang may lakas ng loob na ligawan ka apo, kailangan na dumaan muna sila sa 'kin hindi ba mga, Hijo?"
Sinulyapan ulit ni Señor Freigo sina Dario at Arnold na mabilis ang naging pagtango halata ang tensiyon sa mga mukha nila.

"Kaibigan ko lang po sila Señor!"
Mabilis na agap ko nang makuha ko ang pinupunto ni Señor Freigo habang pinagmamasdan sina Arnold at Dario at hindi ko alam kung bakit natawa si Señor Freigo dahil sa naging sagot ko.

"Ops, busted. Hahahaha!"
Nakanguso kong nilingon si Zendy dahil hindi ko alam kung nanunudyo ba ito sa kuya niya at kay Dario.

"Hindi pa handa ang anak ko dahil may hinihintay lang siya, 'di ba Carina, anak?" Tuksong singit ni nanay Carlotta at alam ko kung sino ang tinutukoy niya.

"Sino po?" Sabay-sabay na tanong ng tatlo kay nanay Carlotta bago sila tumingin sa 'kin.

"Oy, sino ang hinihintay mo huh?" Malisyusong tanong ni Zendy na lumapit pa talaga sa 'kin. Basta talaga tsismiss hindi papahuli itong kaibigan ko.

"Wala." Sagot ko pero hindi kumbinsido si Zendy.

"Hinihintay lang ng anak ko ang makapagtapos ng pag-aaral bago ang mga bagay na iyan." Wika ni nanay Carlotta pero hindi pa rin mawala ang mga ngiti nito sa labi habang sinasalinan ng juice sa baso si Señor Freigo.

Minsan na lang kung sumagi sa isip ko si Señorito Primo at 'yon ay kapag napapatingin ako sa picture niya na nakasabit pa rin sa pinto ng kaniyang kwarto hanggang ngayon. Mas marami ang oras ko sa eskwelahan at kapag wala namang pasok o 'di-kaya ay bakasyon ay sa Azìenda Agrìcola naman ako halos namamalagi.

Kapag kaarawan naman ni Señor Freigo na death anniversary rin ng ama at kakambal ni Señorito Primo ay pumupunta kami sa memorial garden para dumalaw sa mga puntod, simpleng salu-salo lang din ang nagaganap sa gabi na ang madalas imbitado ay ang pamilya nina Attorney Sebastian, sina Zendy.

Mas lalo akong naging abala sa mga dumating na buwan dahil malapit na ang graduation namin sa high school ni Zendy at kakatapos lang namin kumuha ng entrance exam para sa college sa Casa Internazionale Scoula.

Agricultural ang kukunin kong kurso sa college dahil na rin mas gusto kong matuto kung paano mangasiwa ng isang farm at kung paano magpalago ng mga tanim na gulay na isa sa mga hanap buhay ng mga tao rito sa Casa Bel Palazzo habang Business Administration naman ang kukunin ni Zendy dahil gusto niya rin iyon bukod sa may sariling negosyo ang pamilya nila sa ibat-ibang lugar.

"Nakakainis! Bakit sa gitna pa tayo ng field pinag-papraktis? Puwede namang sa gym na lang! Ang itim-itim ko na tuloy. Nakakahiya nang magmartsa sa graduation!" Iritang reklamo ni Zendy habang binukbuksan ang locker niya.

Kakatapos lang namin magpractice para sa graduation at ngayong araw ay sa field kami pinagpraktis dahil may mga tumatakas daw na estudyante kapag sa gym nagp-praktis.
Binuksan ko ang locker ko at nahulog mula sa loob ang sandamakmak na mga love letter at mga chocolate bar. Napangiwi na lang ako habang pinupulot ko ito at pati si Zendy ay tumulong na rin sa pag pulot dahil sa dami.

"Saan ba natin ito ipaglalalagay?"
Turan ni Zendy na pinupulot lang ang mga chocolate bar hindi ang mga love letters. "Akin na lang." Hindi ko na kailangan sumagot dahil lagi namang si Zendy ang nakikinabang sa mga pagkain na inilalagay sa loob ng locker ko nang kung mga sinuman. Si Zendy rin ang nagbabasa ng mga love letters, hindi naman sa hindi ako interesado, sadyang wala lang akong oras.

"Umabot na talaga sa mga college students ang ganda mo at kahit mga first year high school sinusulatan ka na rin. How to be you po?" Pabirong saad ni Zendy habang binabasa ang mga pangalan sa likod ng mga love letters. "Wala ka ba talagang sasagutin sa mga manliligaw mo?" Umiling agad ako sa tanong ni Zendy bago ibalik sa loob ng locker ko ang mga love letters habang akap-akap naman ni Zendy ang mga chocolate bar.
"May hinihintay ka lang talaga siguro." Dagdag nito.

Hindi talaga ako interesado sa mga schoolmate at classmate kong lalaki na gustong manligaw sa 'kin maging sa ibang mga seniors na nasa college campus.

"Nandito pala ang pekeng De Lucio or should I say feeling Rapunzel na rin." Hinayaan ko lang si Felicity na magsalita sa may gilid ko kasama ang mga kaibigan niya. Mula first high school ay kaklase na namin siya ni Zendy dahil nasa blocked section kami. "Are you deaf, Rapunzel? Hello, I'm talking here." Sanay na sanay na rin ako kay Felicity.

"Obvious naman na hindi nakikipag-usap ang kaibigan ko sa mga bangaw na katulad mo, Felicity! Sho! Alis!" Agad kong pinigilan si Zendy sa tangkang paglapit kay Felicity.

"Tama na. Hayaan mo lang siya."
Saad ko bago ko sinarado ang locker pagkakuha ko sa P.E uniform ko.

"Rapunzel!" Nang tumalikod ako ay naramdaman ko ang paghigit ni Felicity sa buhok ko.

"Aray!" Mabilis akong humarap sa kaniya at binawi ko ang buhok ko sabay tulak dito. Nasalo naman siya ng mga kaibigan niya at nang susugod ulit ito sa 'kin ay agad na pumagitna si Zendy.

"Ano ba?! Hindi ka ba talaga titigil?! Kung si Rapunzel ang kaibigan ko, ikaw naman 'yong asungot na kontrabidang bruha! Inggit na inggit ka talaga kay Bella simula pa noon 'no? Palibhasa maganda ang buhok niya kaya bagay lang na tawagin siyang Rapunzel, unlike you na puro kulisap at kuto ang buhok!"
Kinapitan ko ang braso ni Zendy dahil alam ko na anytime ay susugod na naman ito.

"You're a bitch!" Gigil na saad ni Felicity dito kay Zendy.

"Yes I am! And I can be more than that my dear!" Inis naman na sagot ni Zendy kay Felicity.

"Zendy..." Awat ko rito. Ayaw kong magkaroon ng record sa guidance lalo pa't graduating students na kami at ano na lang ang sasabihin nina Señor Freigo at nanay Carlotta 'pag nagkataon?

"I'm not yet done, nabubuhay pa lang ang pagkabitch ko and I want to prove to her kung anong klaseng bitch ang kinakalaban niya ngayon." Ganito lagi si Zendy kapag naiinis siya at hindi  niya ugaling magpapigil sa kahit kanino. "Dahil napaka bitter mo Felicity, isaksak mo sa baga mo ang mga chocolate na 'yan at baka sakaling tablahan ng sweetness 'yang mabaho mong katawan!" Ipinagbabato ni Zendy ang mga chocolate bar kay Felicity at  ayaw nitong magpaawat. "I'm a queen of a bitches so bow down stup*d ugly frog!" Agad kong hinila papalayo si Zendy nang akmang makikipag sabunutan na ito kay Felicity na pikon na pikon na rin sa kaniya.

"You shouldn't stopped me. 'E 'di sana natanggalan na ng anit ang bruhildang 'yon!" Reklamo pa sa 'kin ni Zendy nang makalayo na kami.

"School principal ang mommy niya baka magkaroon pa tayo ng record at baka hindi pa tayo maka-graduate." Litanya ko naman habang pa-upo sa quadrangle.

"Attorney si papa, remember? Kayang kaya ko silang kasuhan ng bullying." Napabuntong hinga na lang ako bago ko abutan ng tubig si Zendy dahil humahangos pa ito dala ng galit.

"Galit na galit si Felicity sa 'yo dahil 'yong ultimate crush niya  sa kabilang section na si Edward ay gustong manligaw sa 'yo, in fact, limang love letters pa nga ang nakita ko kanina galing kay Edward."

"Hindi ko naman kilala 'yon."

"Varsity player ng basketball team ng CIS.''  Kalmado nang turan ni Zendy na umupo na rin sa tabi ko. "Ang daming nagagalit sa 'yong mga babae kasi halos lahat ng mga lalaki rito sa high school campus ay nagkakagusto sa 'yo tapos may mga seniors din na gustong manligaw sa 'yo. You're a queen of beauty while I'm a queen of bitches, I like our tandem na." Napailing na lang ako bago tumawa na sinabayan na rin ni Zendy.

Si Zendy ang naging salutatorian mula sa section namin na Class B habang third honour naman ako, mula sa pilot section naman ang naging valedictorian na si Paulo na naging kapareha ko sa Mr. & Ms. Intrams. Ang magkaroon ng award at medal ay bonus na lamang para sa 'kin dahil ang makapagtapos sa high school ay ang totoong karangalan na natanggap ko at utang ko ang lahat ng iyon kay Señor Freigo at nanay Carlotta na sumusuporta sa 'kin sa lahat sa simula pa lang.

Sa states nagbakasyon si Zendy, sa lola niya at sa pasukan sa college ang balik nito. Panay ang tawag at video call pa nga sa 'kin dahil hindi raw pala siya sanay na wala ako sa tabi niya at minsan nag s-send siya ng picture ng mga bag o damit at hihingin ang opinyon ko kung  maganda ba iyon o hindi pero sa huli 'yong nagustuhan niya pa rin ang pipiliin nito.

Umikot naman ang buong bakasyon ko sa mansion sa pagtulong kay nanay Carlotta sa paghahardin at pagpapalit ng mga kurtina at mga kobre kama, pero mas madalas ako sa Azìenda Agrìcola sa hapon kasama ni Señor Freigo.

"Konti na lang at matututo ka na Lady Bella." Nakangiting giit ni Dario habang tinuturuan akong mangabayo sa alaga kong kabayo na si Puti.

"Mabait naman ito si Puti kaya tiwala akong hindi ako mahuhulog." Saad ko habang binabalanse ang sarili sa ibabaw ng kabayo ko.

"Ganiyan nga apo!" Nakangiti akong kumaway kay Señor Freigo na nakadungaw sa kubo dahil napapasunod ko na kahit papaano si Puti.

Wala akong ibang pinupuntahan bukod sa mansion at sa Azìenda Agrìcola pero ngayong araw ay may gusto akong bisatahin na lugar. Kahit isang beses lang ako napadpad roon ay tanda ko pa rin ang dinaanan ko noon. Simula nang mag-aral ako hindi na ulit ako nakabalik sa talon dahil sa pagiging abala ko.

Ganon pa rin ang daan, may mga ligaw na bulaklak at matatayog pa rin ang kahoy at humaharang ang mga dahon nito sa sinag ng araw. Hindi ko sinama ngayon ang alaga kong kabayo dahil hindi pa ito masyadong sanay na sinasakyan.

Mas lalo akong namangha nang matunton ko na ang talon. Mas lalo itong gumanda kumpara noon at banayad na bayad pa rin ang pagdaloy ng tubig, mas namulaklak ang mga ligaw na halaman sa paligid nito na napupuno ng ibat-ibang makukulay na mga paru-paro.

Lumusong ako sa tubig para tanggalin ang mga dahon na nahulog mula sa mga puno na nasa gilid ng talon. Ito ang unang pagkakataon na maliligo ako sa batis at sobrang lamig ng tubig na akmang-akma lamang sa mainit na panahon. Lumangoy ako patungo sa malalim na parte at mas malamig sa bahaging iyon, nagtampisaw rin ako sa ilalim ng umaagos na tubig mula sa itaas. Ilang oras akong nagbabad sa tubig bago ako umahon sa malaking bato at isang alaala ang rumehistro sa utak ko.

"Merda cazzo!" Mabilis na nagtago si Señorito Primo sa malaking bato habang ako naman ay natatarantang lumayo sa batis.

Ipinilig ko ang ulo ko dahil malinaw na malinaw pa rin sa utak ko hanggang ngayon ang hubo't hubad na hitsura ng Señorito lalung-lalo na ang imahe ng pagkalalaki nito.

"Aish!" Asik ko bago ulit ako lumusong sa tubig para labanan ang pag-init ng mukha dahil sa mga alaalang iyon.

Nakatihaya ako habang nagpapalutang sa tubig at natatamaan ng sinag ng araw ang aking mukha. Naalala ko na naman ang mala-adonis na perpektong mukha ni Señorito Primo. Nitong mga nagdaang buwan at taon ay hindi ko ito masyadong naiisip dahil sa dami ng ginagawa ko, ngayon lang ulit nang pumunta ako rito sa malaparaisong talon st ang alaalang pang bumalik sa utak ko ay ang hubo't-hubad na katawan niya pa. Labing dalawang taon palang ako no'n kaya parang wala lang sa akin ang nakita ko kapag naaalala ko iyon kaya nga nakalimutan ko kaagad pero nang bumalik ako ngayon dito ay parang naging sariwa ulit ito sa utak ko.

"Bella Carina." Pagalit na saad ko sa aking sarili bago ulit ako lumangoy sa tubig dahil hindi na mawala sa utak ko ang imaheng iyon ni Señorito Primo at kahit nasa tubig ako ay ramdam na ramdam ko ang init sa loob ng katawan ko.

Pasaway na alaala!

Continue Reading

You'll Also Like

595K 14K 42
-Dangerous Roads Series #2 Elton Roux - who hates younger age of girls having a crush on him. Gusto niya ang mas matanda sa kanya ng ilang taon dah...
3M 77.2K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
181K 5.4K 47
Warning: SPG/R-18 (Slight lang!) The Videl Sisters 1 Xiangli Aranya Videl was raised to kill but once again given a chance to live a normal life. Li...