Ang Tibong Inlove |Season 1

By gazery

29K 1.4K 104

Bakit nga ba tayo naniniwala sa pakikipaglaro ng tadhana? Ano nga bang karapatan niya para paglaruan ang mga... More

Must Read This!!!!
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31-NUTRITION DANCE CONTEST
CHAPTER 32- ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 33-ACQUAINTANCE PARTY PT.2
CHAPTER 34-ACQUAINTANCE PARTY PT.3
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62-LINGGO NG WIKA
A U T H O R ' S N O T E!!!!(^~^)

CHAPTER 46

312 18 0
By gazery

Anella's POV

Kanina pa kami dito sa café wala parin si Kuya Aldrin, katabi ko sa kanan ko si Kuya Albir at sa kaliwa naman ay si Kuya Alrine..

"Anell! Kinakabahan talaga ako!" tili ni Mamshe at kumapit sa braso ko saka inihiga ang ulo sa balikat ko..

"Bakit naman?"

"Malapit na kasi yung pageant! Tsk! 11 days!" nakangusong sabi pa niyaat umarte na parang naiiyak...

"Oo nga! Ang bilis talaga ng panahon! Tsaka oras!"

"Wala naman kayong dapat ikakaba d'yan."

"Seriously, Anell? Campus princess ang kakalabanin namin,malakas kapit nila sa mga judge niyan!" parang problemado na sabi ni Orene at uminom sa juice niya.

"Aanhin mo ang malakas na kapit kung gagalingan niyo?"

"Bi.. Sige sabihin na nating ginalingan namin, binigay na namin yung best namin pero talo kami kung malakas kapit non sa mga judge, 'di ba?"

"Guys, ano ba kayo? Kaya niyo 'yan! Gusto niyo ako magmake-up sa inyo! Pero syempre isa-isa lang! Chi-cheer ko pa kayo!" si Kuya Alrine, bumuntong-hininga naman ako at saka tumingin sakanila..

"Look, isipin niyo.. Nakasalalay sa inyong apat ang kabutihan ng academy na'to. Sa oras na mag-isip kayo ng kung ano-ano.. Talagang matatalo kayo.." saad ko, hindi sila nakasagot. "..mananalo kayo kung magtitiwala kayo sa mga sarili niyo, guys! Hindi lang para sa ikabubuti ng academy na'to ang nakasalalay sa inyo.. Kung hindi kayo rin.. 'di ba pangarap niyong maging reyna? Eto na 'yon.."

"P-pero, Bunganga.. Baka hindi kami manalo?"

"Okay lang na 'di manalo basta naenjoy niyo, naranasan niyong maging reyna kahit sa stage lang pero kung pursigido talaga kayong manalo, susuportahan ko kayo.."

Ngumiti sila saka bibigyan ako ng yakap, tinapik ko ang mg balikat nila saka ginulo ang mga buhok..

Nang makaupo sila sa mga upuan nila ay saktong bumukas ang pintuan ng café. Laking pasasalamat ko nang sila Kuya 'yon, kasama ang mga bakla..

Kanina pa kasi kumakalam 'yung t'yan ko, kakahintay sakanila.. Tss.

Umupo sila sa tabi namin except kay Kenlite at Lance na oorder ng pagkain namin..

"Ang tagal niyo naman 'ata, Kuya??" mataray na sabi ni Kuya Alrine.

"Tinignan pa kasi namin yung mga with honors, eh.."

"Oh, really? So, with honor ka?" tanong ni Kuya Albir..

"Of course, Kuya! Wala ka bang tiwala sa gwapo mong kapatid??" nakangising sabi ni Kuya Aldrin, ngumisi din si Kuya Albir..

"Akala ko lang.."

"Eh, sa amin! Tinignan mo, Kuya Aldrin?" tanong ni Meane kay Kuya Aldrin na tumango.  "Talaga!? Nasa with honor ako?"

"Mm.. as always, si Anell parin ang top 1 sa buong grade 9 at top 2 ka, top 3 naman si Juzia sa over all tapos si Dairsy naman top 5 sa over all top 4 sa classroom tapos si Irene challenger pangalawa 'ata or pang-una.. 'Di ko na matandaan, eh!"

Napasigaw yung apat at nag-aalugan pa! Ako naman nakakrus lang ang dalawang braso habang nakablangko ang mukha na nakatingin sakanila.

Tumingin ako sa mga bakla na naabutan kong nakatitig nanaman sa akin. Nang mapansin nilang nakatingin ako ay agad nilang iniwas ang mga tingin saka lumingon-lingon sa paligid..

Tahimik akong napaningkit ang mata na para silang inuusisa.. May kakaiba talaga sa mga titig nila, hindi ko masabi kung ano pero alam kong meron. Kung manghuhula lang ako ay nahulaan ko na 'to pero dahil hindi ako manghuhula hindi ko alam kung anong ibig sabihin sa paraan ng pagtitig nila sa akin..

Kung dati ay nalalaman ko ang mga nasa isip nila, ngayon parang hindi ko magawa.. Masyado silang tahimik na parang pati pagbukas ng mga bibig ay talagang umiingat sila.

Iniwas ko na lang ang tingin at napatingin kay Kuya Albir na yumakap bigla sa akin saka ngumuso..

"Congratulations, Little Princess!"

Napangiwi ako nAng marinig ang 'princess'

'Okay na sana yung congratulations little pero dapat may prince.. kaso baligtad.. princess nakakadiri!'

"T-thanks." pilit na ngiting sabi ko, lalo naman siyang ngumuso

"Ayaw mo na sa princess porke't Campus Queen ka na?!"

"Hindi naman, nandidiri din ako doon sa Queen pero yung Princess parang nagtatayuan yung mga balahibo ko.. Okay na sana yung little, eh kaso may princess."

"Eh, anong gusto mong sabihin ko? Prinsesa?"

"Ang korni mo, Kuya. Little prinsesa? Nag-aadik ka ba?" ngising sabi ko, pinitik niya naman ang ilong ko.

"Hindi ko gusto tabas ng dila mo, Anella Meane.." banta niya. Sa boses pa lang niya ay parang kikilabutan ka na dahil pwede ka na niyang parusahan kung kelan niya gusto..

"Oh, bakit? Nakakadiri! Sa susunod.. Little prince na, ah! 'Wag na little princess!" pangungumbinsi ko at tinapik-tapik pa ang balikat niya..

Sinamaan niya naman ako ng tingin at biglang pinisil ang pisnge ko.. "ARAAAAAAAAAY!" sigaw ko at pilit na inaalis ang kamay niya sa pisnge ko.

Balak 'ata ni Kuya tanggalin yung pisnge ko, sa sobrang diin ng pagkakapisil niya.. Sa tingin ko pulang-pula 'to!

"Kuya, don't hurt my twinny!" rinig kong sabi ni Kuya Alrine at hinatak si Kuya para maalis ang kamay nito sa akin.

Hinawakan ko ang pisnge kong pinisil ni Kuya at nakaramdam ng kirot do'n. Tumingala ako at gulat namang napatingin sa akin ang mga kaibigan ko, pati ang mga bakla...

"Bakit gan'yan kayo makatingin?" nagtatakang sabi ko..

Tumingin sa akin si Kuya Aldrin at nagsign na 'lagot'. "Halah! Lagot ka kay Lolo, Kuya!" pananakot ni Kevin at Kuya Aldrin..

Tumingin si Kuya Albir sa akin at gulat ding napatingin sa pisnge kong pinisil niya at napapalunok pa.

Kinuha ko yung cellphone ko at ginawang salamin 'yon, nagulat din ako dahil may pasa na agad 'yon mahahalata mo na agad! Malayo palang dahil medyo nangingitim na 'to..

Nakangising tumingin ako kay Kuya, "Lagot ka, Kuya.." pananakot ko, napalunok naman siya.

"Lagot ka kay Lolo!" nang-aasar pang sabi ni Kuya Alrine..

"E-eh.." kinakabahang usal ng panganay namin. 

"Ayaw pa naman ni Lolo na nagkakasugat 'to si Anell! Ni mamula nga lang braso niyan, eh nagagalit na si Lolo! Pa'no pa kaya kung may pasa na, sa pisnge pa.."

"S-sorry, hehe!" agad na sabi ni Kuya saka niyakap ulit ako, tinignan ko siya ng nang-aasar.

Saktong dumating na sila Kenlite at nagsimula na kaming kumain. Habang ngumunguya ako ay napapangiwi rin dahil talagang kumikirot ang pisnge ko. Gano'n siya manggigil!

"Ang sakit.." bulong ko habang kumakain, napatingin naman sa akin si Kuya Albir at kinapa ang pisnge ko saka ngumiti..

"Sorry ulit! *tsup!*"

Napaiwas ko ang ulo ko nang bigla niyang halikan ang pisnge kong may pasa..

'Kadiri!'

Napapunas ako sa pisnge ko nang maramdamang may basa do'n, laway ni Kuya!

"Anella, punta tayo sa mall! Celebrate tayo.." biglang sabi ni Irene, napatingin naman ako sakaniya.

Yung tingi'ng may sinasabi na may practice pa sila...

"Ayy, oo nga pala! Saglit lang? Pasama tayo kay Ate Juliana saka kay Ate Diana!" tatango-tangong sabi niya na nagpapacute pa..

"Ay, girl sama ako!" taas ng kamay na sabi ni Kuya Alrine..

"No, hindi pwede, Alrine!" biglang pigil naman ni Kuya Albir sakaniya..

"Why??"

"Dad, called me an hour ago.." pagpuputol ni Kuya, hindi ko siya tinignan pero nakikinig ako.

"Then?"

"Then, si Lola Kirina at Lolo Sieley ay uuwi!" pagkasabi ni Kuya non ay gulat akong napatingin sakaniya.. Nakita ko sa peripheral vision ko na nagulat sila Kuya Aldrin at Kev, katulad ni Kuya Alrine na gulat din..

Napahawak ako sa ulo ko at isinuklay ang buhok papuntang likod sa inis... "Bakit ba sunod-sunod kayong nagsisisuwian? Una kayo ni Kuya Alrine. Ngayon, sila Tanda at Lola naman baka sumunod niyan yung mga pinsan nating mga pabebe na kalalaking tao at syempre ang mga pinsan nating babae na pinanggigigilan ako sa yakap! Tsk!"

Si Lola Kirina ay asawa ni Lolo Sieven at si Tanda'ng Sieley naman ay kapatid ni Lolo Sieven, kambal sila.. Baka sa susunod niyan si Tati at Nani naman ang dumating, yung lolo at lola namin sa part ni Mommy.

"Ayaw mo bang makita sila Lolo at Lola? Lalo na si Lolo Sieley?" ngiting sabi ni Kuya Albir, napatingin ako sakaniya..

"Hindi naman.. Talagang mai-stress lang ako ng sobra dahil sakanila." malumamay na sabi ko saka tumayo, sakto ring natapos na ang mga kaibigan ko...

"Aalis na kami, Kuya.. bye!" paalam ko at dapat na aalis na nung bantaan nila ako gamit ang mga mata.

Pabuntong-hininga na binigyan ko sila ng mga halik sa pisnge bago lumabas na ng cafeteria.

Jonathan's POV

Nang makaalis si Tibo ay sinundan siya ng mga kaibigan niya..

Tumingin ako sa mga Fafa, lalo na kay Fafa Kevin at Babecakes na nakangising nakatingin sa pinto ng cafe na nilabasan ni Tibo..

"May I ask?" biglang sabi ng Chubby Rc, tumingin naman  sakaniya ang kapatid ng Tibo..

"Sure.." sabay-sabay na tugon nila..

"Bakit mai-stress si Tubercio--- este! Si Anella pagdumating yung mga Lolo at Lola niyo?"

"Sa aming lahat, si Anell ang pinakamalapit sa mga Lolo at Lola namin.." ngiting sabi ni Fafa Kevin, tumango naman yung tatlo.

"Yeah.. Nung lumabas si Anell sa sinapupunan ni Mom ay tuwang-tuwa ang mga Lolo namin lalo na si Lolo Sieley!" ngiting sabi nung Fafa Hotness na Albir..

"Why?" tanong naman ni Baklang Alline..

"Dahil bukod sa iba ang pakiramdam nila nung nakita nila si Anella. Nabasa din nila ang kapalaran nito na maghahatid ito ng kapayapaan sa pamolya namin. Nung lumaki na siya, si Lolo Sieley ang nagturo kay Twinny ng iba't ibang ginagawa ng mga otoko. Kay Lolo Sieley siya natutong makipaglaban and also technologies bukod kila Mommy.."

Napabuka naman ang bibig ko..

"Eh, bakit nga mai-stress ang Anella?"

"Dahil sa pinakaunang apak nila Lolo at Lola dito sa Pilipinas, pinakauna nilang hahanapin ay si Anell.." ngising sabi ni Babecakes.

"They're very close!"

"Too close!" ngising sabi naman ng Fafa Kevin! Wow, gwapo!

"Pero bakit tuwang-tuwa sila kay Anella, wala ba kayong pinsan na babae?"

"Meron naman kaso.. Ibang-iba ang ugali nila sa twinny ko.. Si Twinny ang pinakabunso pero pinakasuplada, tahimik, matured kung magsalita.. Samantalang ang mga older cousins naming mga babae ay may iba't ibang ugali.. May mahinhin, may majondi, may pabebe, may pala-bar, may masyadong lalakero, playgurl ba! Kokonti lang ang matino. Dalawa lang yata or hindi bababa sa lima."

"Really? Mana pala sila sa'yo?" nakataas ang kilay na sabi ko dahilan para tarayan ako ni Alrine pero hindi niya ako pinansin.

"May hindi pa ako sinabi kay Anell.." ngising sabi ni Fafa Hotness Albir!

"What?" gulat na sabi namin..

"Na darating din ang cousins namin na dalawang babae at lalaki.. Na mga lalakero, babaero at palabar! Bwahahahahahahahahahahahahahaha!" halakhak nito...

"Naks! Galing mo, Kuya!! Handa ka na bang maging punching bag?" sarkastikong ani ni Babecakes kaya napapigil ko ang tawa.

"What? Hahahahahahahah! PARUSA NIYA 'YON!"

"Tch! Parusa ka sa mga Lolo at Lola natin, ha!" mayabang na sabi naman ni Fafa Kevin...

Lumipas ang ilang oras ay umabot na kami sa uwian, s'yempre ang mga Bruhilda ay kasama na ang Baklang Itsosera na gagala 'ata.

'Tatakas nanaman!'

Napataas ang gilid ng labi ko nang dumaan siya sa harap namin at palihim na nagflip hair.. Akala mo mahaba ang buhok! Nyenyenye!.

Napatingin namn ako kay Tibo at nakapamulsa siya habang kasabay sa paglalakad ang dalawang kuyabels and s'yempre si Fafa Kevin na nasa tabi sila Fafa Kenlite, Fafa Lance, Fafa Gerald.

Tumingin siya sa amin at saka tumango, kumaway naman sakaniya Ang baklang Alline, Chubby Rc at saka Baklang Jp.

Kumaway din sa amin ang mga Fafa at ngumiti, sinundan namin sila ng tingin hanggang sa makapasok ang mga fafa sa kaniya-kaniyang kotse at pinaharurot paalis. Sumakay narin kami sa kotse at napatingin muna sa Tibo na pinapajinit ang motor niya..

Sinuot niya ang helmet niya at inayos ang uniform niya. Napatitig tulog ako sa kabuuan niya at hindi mai-start start ang car ko.

Napakaangas ng dating sakaniya ng motor niya lalo na't malaki iyon at talagang napakacool. Napatingin naman ako sa palda niya at talagang bumabagay sakaniya 'yon.

'B-bakit gano'n.. bakit parang.. gumaganda si Tibo? Ano gamit na skincare nito? Pa-share naman.'

Pumaharurot siya paalis at ako naman 'tong napasundan pa ng tingin.

'What's happening to me?!!!!

Umiling-iling na lang ako saka ini-start na ang car ko.

Aldrin's POV

Nang makarating kami dito sa bahay ay agad akong napalunok at unti-unti ring napangiti nang tumingin sa amin ang bagong dating na si Lola Kirina at Lolo Sieley kasama ang tatlo pa naming pinsan, na anak ng kapatid ni Daddy. Si Lolo Sieven ay nasa tabi ni Lolo Sieley...

"Hi, boys!" bati ni Lola Kirina at binigyan kami ng mainit na yakap.

"Hi, Lola!" bati rin namin ni Kuya at niyakap din ito ng pabalik, hinalikan nito ang mga pisnge namin at nanliit ang mata.

"Where's my little pumpkin?" nakangusong sabi ni Lola Kirina at nililibot ang likod namin kung nandoon ba si Anell..

"Nagdadrive palang pauwi, Lola! So, how's your flight?" tanong ni Kuya Albir..

"It's fine. Itong mga cousins niyo ay puro babae at lalaki ang hinahanap agad-agad! Hayst!" malokong sabi ni Lola at napakindat naman ang mga pinsan namin.

"Yah! Meron bang bar dito?" tanong ni Ate Eleyna, ang panganay sakanila.

"Meron, Couz.. Maya sabihin ko sa'yo!" ngising sabi ko at kumindatpa.

Tumingin naman ako kay Lolo Sieley na blangko ang mukha at talagang kamukhang-kamukha ni Anell, ngumiti ito sa akin at niyakap ako pati si Kuya Albir..

"You're such a handsome men now!"

"Thank you so much, Lolo Ley.." ngising sabi namin ni Kuya at nagfist bump pa.

"Where is the twin brother of my Anella?"

"A-ahm... going out, bonding with friends!" ngiwing sabi ni Kuya Albir, kaya napangiwi din ako at tumango-tango.

"Oh, really? Hindi mo ba sinabing dadating kami?"

"I said while we're eating at the time of lunch break.. Maybe she forgot?"

"Nagiging ulyanin na 'yon si Couz, ah!" kibit-balikat na sabi ni Elenie na bunso sa kanilang magkakapatid.

Napalingon kaming lahat sa main door nang bumukas iyon at doon na nagsiyukudan ang mga maids.

Si Anell na blangko ang mukhang nakatingin kila Lola, tumakbo sakaniya si Lola at mahigpit na niyakap ito.

"My little pumpkin! I misssssssssed youuuuuuuu!" sigaw ni Lola habang sinasayaw-sayaw si Anell, muntik na akong matawa..

Bumitaw sakaniya si Lola at hinatak palapit kila Lolo Sieley at Sieven. Ngumisi siya kay Lolo Sieley at nakipagfistbumb and hug..

"I miss you, my little warrior! How's your studies? Or LOVELIFE!" pang-aasar ni Lolo, agad kaming umiling.

"Nothing, Lolo.. Bawal maglovelife!" sabay na sabi namin ni Kuya Albir.

"Uh-huh.. Is it because of your ex-boyfriend?"

Ngumisi si Anell at tumango.. "Masyadong mahigpit ang mga kuya ko, baka lumabas na talaga ang litid nila kapag nagboyfriend pa ako."

Inirapan namin siya at saka ngumisi din. "Hey, Lo.. Good eve.." humalik siya sa pisnge ni Lolo Sieven na tinanggap naman iyon pero kita ko kung gaanong kaseryoso ito habang nakatitig sa pisnge niya. 

"What happened to your right cheek?" nakasalubong ang kilay ni Lolo, napatingin si Lolo Sieley at Lola sa pisnge ni Anell at nagsalubong din ang mga kilay.

Dahan-dahan akong tumingin Kuya Albir na napapalunok na pero blangko ang mukha.

Tumingin din sakaniya si Anell at ngumisi kaya napangisi na din ako.

"Nothing.."

"Be serious, Anella Maene. I will ask you again. What happened to your left cheek?" mas madiin ng sabi ni Lolo Sieven..

"Wala nga, Lo.. wala 'to!"

"Alright then,"

Tumingin siya kila Litlit na nakaupo sa sofa habang naglalaro ng mga laruan, lumakad siya doon at hinalikan sa mga noo ng mga bata. Binuhat niya si Baby Litlit na nakayakap sakaniya..

"Who's that little pumpkin?" tanong ni Lola at lumapit kay Anell at Litlit.

"This is Mintlezei Quine Crisostomo-Repzimo.. My daughter and Manang Peni's daughter!" ngiting sabi ni Anell..

"Daughter, you mean, second legal mother?" tanaong ni Lolo Sieven..

Tumango si Anell, ngumiti sakaniya ang mga pinsan namin..

"I will change my clothes Lolo, Lola, Couz?" paalam nito at binuhat naman ni Lola Kirina si Baby Litlit, umakyat si Anell sa kwarto niya...

Tumingin ako kay Kuya.. "Thanks to our youngest sister, Kuya. You didn't receive a punishment from Lolo Sieven and lolo Sieley also Lola Kirina!" ngising bulong ko, sinamaan niya naman ako ng tingin at umakyat sa kwarto niya..

Ako naman ay ini-dial ang number ni Alrine..

'Lagot talaga 'to kila Lola, eh!'

Nakakatatlong ring pa lang ay sinagot niya na. "[Yes, Kuya Aldrin! Your prettiest sister is here! How can I help you??]"

"Uwi."

"[No! Nagsha-shopping palang kami ng mga beshy's ko!]"

"Really, Alrine Mathelson? I'm serious here!" inis na sabi ko,  napatingin ako kila Lolo buti na lang at nilalaro nila yung mga bata sa living room. Nasa sitting room kasi kami kanina.. Ngayon, ako na lang nandito..

"[I didn't say you're joking around, Kuya!]" pamimilosopo niya..

Oo, malayo ang ugali nila ni Anell pero ito ang pinaka pareho nilang ugali, ang pilosopo at matigas ang ulo! Mahilig silang mamilosopo!

"Uwi!"

"[No, I don't want!]"

"Uuwi ka o Uuwi ka?"

"[O.]"

"Umuwi ka na sabi, Alrine Mathelson! 'Wag ka ng makulit, pwede?" naiinis nang sabi ko.

"[Kuya naman! Ayoko sabi!]"

"Get ready to recieve a punishment, then.." sabi ko na lang at pinatay ang tawag..

Umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis.

Napakatigas ng ulo niya, jusko.. Pero naalala ko pa noon nung umamin siya na yun nga.. Beki siya. Doon siya parang sumeryoso muna dahil talagang gusto niyang umamin ng maayos. May time talagang kapag seryoso ay magiging seryoso siya. Pero ngayon? Ewan ko! Tigas ng ulo, eh.. Kung hindi lang din siya bunso, baka napalo ko na agad siya sa pwetan! Kambal talaga sila ni Anella!

Pagkatapos kong magpalit ay bumaba na ako.. Nakita ko na si Alrine na kinakausap si Lola Kirina.. Kasabay ko sa pagbaba ay si Anell na nakat-shirt na blue at short na panlalaki...

Umupo kami dito sa sofa, napatingin sa akin si Alrine at tinarayan ako. Si Anell naman ay katabi na si Lolo Sieley...

"So, how's your going out with friends?" tanong ni Elraven, yung pangalawa..

"So good! It's fun! Super fun! Hehe!" sarkastikong sabi ni alrine at napasulyap pa sa akin..

"Kung hindi kita pinauwi dito, you recieve punishment now from Lolo and Lola." mahinahong sabi ko at sumandal sa sofa.

"Psh!" singhal niya at padabog na umakyat sa kwarto niya..

"Eleyna, kailan mo kami bibigyan ng apo sa tuhod?" biglang sabi ni Lola Kirina kaya napalingon kaming lahat sakaniya, nilalaro niya si Litlit.

"Lola?!" gulat na tugon ni Ate Eleyna.

"What? Namimiss ko lang mag-alaga ng baby!"

"But! Why me?"

Si Ate Eleyna ang pinaka panganay sa aming magpipinsan sa part ni Daddy.. Pumapangalawa yung kuya namin kay Tita Drina na kambal ni Daddy.

Si Tita Drina may apat ding anak. Dalawang lalaki, dalawang babae.. Yung dalawang babae ay masasabi kong matino-tino. Lalo na si Miran.

Si Ate Eleyna, panganay, pangalawa si Kuya Miro. Pangatlo si Kuya Albir, pang-apat naman si Kuya Miron, panglima si Mira. Pang-anim, ako.. Pangpito naman si Miran, pangwalo si Elraven. Pangsiyam si Elenie
Pangsampu si Alrine at pinakabunso ay si Anell.

Ang dami namin 'di ba? Meron pa 'yan, mas marami pa kaming pinsan sa part ni Mommy. Kapag nagrereunion kami, napakadami namin.

"Because you're the eldest.."

"But Lola, I'm not ready!" nakangusong sabi ni Ate Eleyna.

"You must be. You're already 26 years old, Eleyna Shimirie.."

"But I don't find the right boy for me, Lola."

"Don't find a boy, find a man.."

Bumuntong-hininga si Ate Eleyna at nagpangalumbaba...

"Ay oo nga pala, Anell-baby. Sa states ay naririnig ko ang pangalan mo, ah!" manghang sabi ni Ate eleyna tumango si Elenie at Elraven. "You're so famous, I'm so proud to be your couz!"

Ngumisi lang si Anell at sinandal ang ulo sa sofa...

...

Good morninggg! 😪🖤

Continue Reading

You'll Also Like

696K 1K 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
52.5K 118 4
Hagura is just a simple man with a simple life. Well, at least that was the case before he got kidnapped and Sold to a Mafia Boss. Therefore, his sup...
274K 8.7K 70
Pano kung napasok ka sa isang sitwasyon na may kasamang misyon . Misyon na may halong responsibilidad . At responsibilidad na kaylangan mong gampanan...
473K 15.7K 44
Rival Series 1 -Completed-