Ang Tibong Inlove |Season 1

By gazery

27.6K 1.3K 68

Bakit nga ba tayo naniniwala sa pakikipaglaro ng tadhana? Ano nga bang karapatan niya para paglaruan ang mga... More

Must Read This!!!!
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31-NUTRITION DANCE CONTEST
CHAPTER 32- ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 33-ACQUAINTANCE PARTY PT.2
CHAPTER 34-ACQUAINTANCE PARTY PT.3
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62-LINGGO NG WIKA
A U T H O R ' S N O T E!!!!(^~^)

CHAPTER 45

308 19 2
By gazery

Anella's POV

Hindi ako makatulog dahil ayaw talaga ako dalawin ng antok sabi ko panaman ay matutulog ako pag-uwi ko tapos ang ingay pa sa baba. Pilit pumapasok sa isip ko yung sagutan namin kanina ni Bading, kung ano-ano pinagsasabi niya.

'Akala niya ba siya lang ang naiinis dito?'

Tss.. Kala mo kawalan, eh. Sarap sapakin.

Napagdesisyonan kong maligo na lang at bumaba para kumain. Pagbaba ko sa pinakababa ay napatingin sila sa akin, blangko lang ang mukha kong tignan sila.. Gano'n naman lagi.

Napatingin ako kay Bading at binigyan niya lang naman ako ng matalim na tingin na hindi ko na lang pinansin at naglakad na papasok sa dining. 

Nandoon sila Manang Peni, Lew, Manong Kon, Manong Roy at Manang Reyk na naghahanda ng meryenda.

Tumingin lang ako sakanila at dumeretso sa ref para kumuha ng makakain.

Nang makakuha ako ay umupo ako saka nagsimulang kumain. Naramdamn ko namang umupo sila Manang, Manong at Lew sa harap ko.

"May problema ba, Miss?" tanong ni Lew, imiling lang ako at hindi tumingin sa mata niya. "Wala ka d'yan, Miss! Meron, eh!" dagdag niya pa.

"Alam mo naman pala, bakit nagtanong ka pa?"

"Naniniguro lang po.."

"Nak, ano bang problema?" nag-aalalang singit ni Manang Peni..

"Wala ho, Manang.." tanggi ko..

"Nak, ano ba talagang problema mo? Ang tahimik mo kanina pa.. Si Litlit, Lotlot at Letlet umiiyak kanina dahil hindi mo man lang binati o 'di kaya niyakap. Ni hindi mo nga pinansin, eh.."

Bumuntong-hininga ako at hindi sumagot..

"Alam mo, nak.." si Manong Roy, ito yung parang tatay-tatayan ko dito. Pangalawang tatay ba, tumingin ako dito, "'Wag mo ng itanggi na may problema ka.. 'Wag mo ng iwasan ang mga tanong namin ni Peni. Kahit hindi ka namin tunay na anak, nasasaktan kaming makita kang malungkot."

Tumingin ako kay Manang Reyk at Manong Kon, tumabi sila sa akin at hinawakan ang kamay ko..

"Kaya sabihin mo na, 'wag mo ng itago sa amin kasi hindi ka namin titigilan hanggang sa sabihin mo."

"Wala ho 'to.. Problema lang ho sa school." mahinahong sabi ko..

"Parang hindi lang problema sa paaralan ito, Nak.. Parang iba 'to, eh!" panunukso ni Manong Kon

"Manong naman.."

Tumahimik kami saglit.. pero hindi nagtagal ay napabuntong-hiningana ako.. "Nagkasagutan ho kasi kami ni B-bading.." pag-amin ko na.

"Bading? Yung tinatawag na Daddy ni Litlit?" gulat na tanong ni Lew, tango lang ang naisagot ko. 

Napatingin ako sakanila at napaglapat nila ang mga labi at nanunuksong tumango.. "Tss.. Sabi ko na, eh. Kaya ayaw kong sabihin sa inyo, aasarin niyo lang ako eh!" nakangusong sabi ko, natawa naman sila..

"Nak, nakukwento sa amin nitong si Peni na--hmm napapadalas ang gan'yang away niyo ng Bading na iyon, ah!" pang-aasar ni Manong Roy..

"Sagutan ho, hindi ho away!"

"Gano'n na rin iyon!" tukso pa ni Manang Reyk kaya napasimangot ako. "Alam mo, Nak.. Kung nag-away o 'di kaya nagkasagutan kayo? Ayusin niyo agad! Hindi yung gan'yan.."

"Nak.. Eh, mukha namang mabait yung Bading na sinasabi mo eh."

"Hindi mabait 'yon, Manong.." inis na sabi ko, natawa nanaman sila.

"Miss, mukhang nagtatampo ang mga anak mo!"

'Hindi ko nga pala napansin sila Lotlot kanina! Tsk!'

Pagdating ko sa living room ay nakakalong si Litlit kay Bading. Si Lotlot naman nakakandong kay Kuya Aldrin at si Lelet ay nakakandong kay Kuya Albir.. Napatingin sa akin si Letlet at saka namumugto ang mata..

Ngumiti ako na ikinagulat niya.

Iniisip ko pa lang na ako ang dahilan kung bakit namumugto at namamaga ang mata niya ay gusto ko ng parusahan at sigawan ang sarili ko. Hindi ako makapaniwalang sa simpleng hindi pagkibo sakanila ay magiging dahilan para magtampo at humagulgol sila sa iyak..

Nakita ko silang sisinok-sinok marahil sa sobrang pag'iyak at paghikbi ay napakasakit sa damdamin ko.. Parang pinupunit at winawarak ang puso ko sa pira-piraso..

Tumingin ako mismo sa mata ni Letlet. Sinenyasan ko siya na lumapit sa akin..

Nagsimulang tumulo ang luha niya dahilan para mapatingin sakaniya sila Kuya.

Ngumiti ako ng sakto na mas ikinaiyak niya, tumingin ako kay Lotlot na nakatingin sa akin.. Umiwas siya ng tingin at pansin ko rin ang namumugto niyang mata.

Tumingin ulit siya sa akin, ngumiti ako at sinenyasan siyang lumapit. Umalis siya sa pagkakakandong kay Kuya Aldrin at saka hihikbi-hikbing lumapit sa akin at niyakap ako...

Napapikit ako nang marinig ang malakas niyang hikbi.. Punong-puno ng pagsisisi at inis sa sarili ko dahil pa'no ko nagawang paiyakin ang mga batang 'to na mahal na mahal ko sa pamamagitan lang ng hindi sila pansinin..

Tumakbo sa akin si Letlet at saka niyakap ako.

"S-sorry na po, A-atemommy! *huk!* *sob*" hikbi na sabi ni Lolot, hinaplos-haplos ko ang likod nito para patahanin at pakalmahin.

"S-sorry*huk*, Atem-mom! S-sorry!" hikbi pa ni Letlet.

Naptingin ako kay Kuya Aldrin at Kuya Albir na nakangiti sa amin, hindi ko sila pinansin at patuloy na pinapatahan sila Letlet at Lotlot..

Bumitaw ako sa yakap saka pinunasan ang mga luha nila. "'Wag ng iiyak.. Hindi galit si Atemommy.. May problema lang ako okay?" pang-aamo ko, tumango naman sila..

Hinalikan ko ang mga noo nila at binalik kila Kuya Albir at Kuya Aldrin.. Tumingin ako kay Litlit at napatingin ito sa akin, nang akmang bubuhatin ko na siya nang idinikit niya lalo ang mukha kay Bading..

Nakakapit siya ng mahigpit sa damit ni Bading at pilit na itinatago ang mukha niya paiwas sa akin, napatingin ako kay Bading na masama padin ang tingin sa akin.

Hindi ko siya pinansin at saka inilahad ang kamay ko kay Litlit..

"Baby Litlit, tara dali sama ka kay Mommy?" ngiting sabi ko, tumingin siya sa akin na parang naluluha na.. Ngumiti ako at hinaplos ang buhok niyang makapal at humahaba na.. "Tara dali.. Hindi galit si Mommy.." malambing na sabi ko, nang ilahad ko ulit ang kamay ko ay patalon niya akong niyakap.. Tumayo ako at saka umakyat sa taas kasama si Litlit..

Umiiyak siya at mahigpit ang yakap sa akin..

"Shh, hindi na, hindi na. Sorry na.. 'wag na iyak." pang-aamo ko habang hinihele siya...

Lumipas ang ilang araw ay puro pagpaparactice ang ginagawa ng mga kaibigan ko twing mag-uuwian.. Nagpapractice sila para sa darating na pageant this July 31. Ang mga damit na pinapatahi ko ay malapit na ring matapos, medyo nahihirapan lang sila sa talent..

"Anella! Wala pa kaming talent!" angal ni Irene..

"Gusto niyo sumayaw saka kumanta?"

"Kumanta na lang! Mas okay 'yon. Hindi ako marunong sumayaw!" angal ni Julzia, natawa naman silang lahat.

"Oo! Kanta na lang tayo. Mahihirapan si Julzia, eh!"

"Ang maganda kasi d'yan, Nells is kumanta talaga dahil nga 'yang si Julzia ay hindi marunong sumayaw!" pang-aasar ni Ate Juliana, kapatid ni Julzia.

Sinamaan siya ng tingin ng payatot..

"Grabe ka sa akin, Ate ah! Porke't marunong kang sumayaw! Hindi ka naman marunong kumanta!" mataray na sabi ni Julzia

Napatingin ako kay Manang Peni at Manang Reyk na may dalang pagkain saka tumabi sa akin.. "Eh, sinong mag gigitara o anong--"

"--Sino pa ba? Syempre si Nella!" agad na sabi ni Ate Diana, ate ni Mamshe Dairsy.

"Bakit ako?"

"Eh, hindi naman kami marunong maggitara o 'di kaya piano.. Ang song kasi is Salamat by Yeng Constantino." nakanguso naman sabi ni Mamshe, labag man sa loob ko ay tumango na lang ako..

Nagputuloy sila sa pagpapractice ng modeling dahil si Julzia ay napakatigas ng katawan.


Jonathan's POV

Hindi ko alam kung bakit pero ang tamlay-tamlay ko, para akong naubusan ng energy.. Nagsimula 'to nung nakaraang Friday. Halos isang linggo na kaming hindi nagpapansinan ni Tibo.

Dapat matuwa ako at malakas ang energy pero kabaligtaran ang nangyari sa akin! I don't know! Naguguluhan din ako.. Parang ang sad sad ko!

Sa twing magsasabay-sabay kami kumain every recess and lunch or even the break time.. Nakikita at nafifeel ko ang coldness sakaniya.

Napaface palm na lang ako. "Hshshsh! Bakit mo ba ginugulo ang brain ko, Tibo?!" inis na bulong ko.

"Hey lil bro--"

Hindi na natuloy ni Ate ang sasabihin nang magulat ako at halos mapatili..

"Ate, ano ba?! Tsk!" sigaw ko at saka napahawak sa noo ko.

"Why? Kanina ka pa kasi tense na tense d'yan! Bakit ang tamlay mo 'ata?"

"Nothing!"

"Any problem, Brother?"

"Wala nga! Ang kulit mo naman, Ate!"

"Lq kayo ng bf mo, 'no?" panunukso niya..

"I don't have a boyfriend!"

"Then, what is your problem? Kanina ka pa nakatulala d'yan! "

"May ia-ask ako, Ate?" bigla kong sabi, tumango siya at umupo paharap sa akin.. "Pa'no one day, yung kaaway mo---yung kinaiinisan mo, makita mo pa lang siya sa malayo.. Naiinis ka na,"

"Then?"

"Then, nagkasagutan kayo na ayaw mo na siyang makita, peste siya! Sinabihan mo siya ng dumating ka lang sa buhay ko nagkagulo-gulo na! Tapos next day, hindi ka na niya pinapansin, even look at you hindi niya ginagawa.. Then you can feel her/his coldness.. For you, what is the meaning of that? Like, alam mo yun? Ilang araw lang naman kayong hindi nagkakapansinan, but.. parang ang lonely and sad?" seryosong tanong ko, napaisip naman siya at tumakla.

"Maybe you like her/him." siguradong-sigurado na sabi ni Ate, napasinghal naman akesha..

"Pa'no mo naman nasabi..!?"

"Kakasabi mo palang naiinis ka sakaniya.. The more you hate, the more you love!"

"Luma na 'yan, Ate!"

"Old but Gold!" nakagising sabi niya, hindi ako sumagot. "Alam mo, Lil' bro! Wag mo kasing pinipigilan ang damdamin mo kapag may gusto ka na sa tao.. Kung may gusto ka sakaniya, hayaan mo. Kasi ang feelings parang pagbubunot lang ng buhok mo sa binti ng isang mabalbon na tao.. Masakit kapag pinipilit tanggalin.." linya niya, napataas naman ang nguso ko.

"Pa'no mo nasasabi 'yan, Ate? Eh, dalawa lang naman naging jowabels mo?!" sarkastikong sabi ko, tumawa lang siya..

"Hindi naman porke't dalawa lang ang lalaking naging mahal ko ay hindi ko na alam ang mga gan'yan. Bakit ikaw? Marami ka ng nakarelasyon, bakit nagtatanong ka pa sa'kin niyan?"
'Oo nga, 'no?'

"See!" ngising sabi na niya.

"Psh! But this.. This is different! Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Oo sinabi kong 'wag na 'wag na siyang magpapakita sa akin pero nung time na hindi niya na ako pinapansin! Hindi niya ako inaasar! At hindi tinignan! Shet! Dapat matuwa ako, Ate pero no! Kabaligtaran ang nadama ko! Tamlay! Lungkot at iba pa!" hinihingal na na sabi ko..

"Lil bro, hindi ko masasagot 'yan dahil hindi ko pa naranasan ang gan'yan. Alam mo kung sino ang taong makakasagot niyan?"

"Who?"

Tumayo siya at ngumiti. "You."

Pagkasabi niya non ay tumalikod siya saka umalis

'Me? Why me?'

•ACADEMY•

"Oh ano, Jona? Nakatulaley ka nanaman today?" kalabit sa akin ni Rj, bumuntong-hininga lang ako.

"Hay tigilan mo ako, Bakla! Nasusura ako sa fezlak mo!" mataray na sabi ko..

"Gagang 'to!" sabi niya at binatukan ako..

"Ouchi! Ano ba don't touch me, okay?"

Hindi niya na ako pinansin. Nagpaalam akong pupunta sa cafe at kakain syempre, walang katao-tao. Hindi na kami madalas sa canteen kasi, wala. Trip namin, eh.

Binigyan ako ng isang buko pie and chocolate latté ni Lenrine...

Pagkaharap ko ay nakita ko agad si Tibo na nakaupo sa pinakadulo sa bandang aircon sa sulok.. Kaya pala hindi ko siya nakita, umiinom siya ng chocolate milk.

Huminga ako ng malalim at saka lakas loob na lumapit sakaniya. Nang makatapat niya na ako ay saka siya dahan-dahan tumingala para tumingin sa akin.. Tumabingi ang ulo niya na parang nagtataka kung bakit nandito ako.

"Pwedeng maki-sit?" nahihiyang sabi ko, tumango lang siya.. Nang makaupo na ako ay tinignan ka siya.

"Uhmm.." hindi ko alam kung anong sasabihin ko! Napatingin siya sa akin at blangko iyon, nalamig at nakakapangilabot.

"May sasabihin ka?" maangas na sabi niya..

'Tignan mo 'to!'

"G-gusto ko lang magsorry.." napapalunok na sabi ko..

"Para sa'n?"

"Do'n!"

"Anong do'n?"

"Do'n!" ngusong sabi ko na sinesenyas yung sagutan namin..

"Anong do'n?" nalilitong sabi niya.

'Napakaslow!!!!'

"Sorry sa sinabi ko last week... H-hindi ko sinasadya. I-ikaw kase, eh.."

"Tss! Bakit ako?"

"K-kung hindi mo pa kasi tinagalan ang panonood edi sana..." pinutol ko ang sasabihin nang ngumuso na ng todo.

"Tss.. Napakaano mo kase."

"S-sorry na nga.."

"Oh? Bakit kailangan mong magsorry? Sa tingin mo 'pag nag-sorry ka sa akin mababawi mo pa yung sinabi mo?" maangas na sabi niya, parang bata na umiling ako.. "Nagsorry ka, may nagbago ba?"

Umiling ulit ako..

"Nagsorry ka, nawala ba sa isip ko yung pinagsasabi mo?" nagkibit-balikat ako. "Bakit ka pa nagsosorry?"

"E-eh kasi.. Hindi a-ako sanay na 'di mo ako pinapansin, Tibo.. Hehehe nasanay na kasi w-watashi na kaasaran kita.."

"Tss.. Ang sabihin mo namimiss mo lang ako!" panunukso niya, binato ko naman siya ng tissue!

"Nakakainis ka talaga! Ako na 'tong nagsosorry tapos babanatan mo ako ng gan'yan!" inis na sabi ko..

"Kinikilig ka naman.."

Napatingin ako ng masama sakaniya. "Leche!" singhal ko at napa-iwas ng tingin. "Sorry na ako ng sorry dito tapos tatawanan lang ako? Ano? Baliw ka lang, be? Baliw lang? Bwisit! Sayang ang effort ko magsorry!" Inis na inis na inis na sabi ko na halos sumpain ko na siya..

"Tss.. Wala naman kasi akong sinabing magsorry ka. Ikaw ang nagkusa.."

"Nyenyenye!" pagmemake-face ko, nanahimik kami at walang nagsasalita..

Nakatitig lang ako sakaniya habang siya umiinom lang at nagce-cellphone. Kumagat ako sa buko pie ko at uminom ng latté..

"Pag nabuo na kayong mga Campus Queens, gagawan kayo ng music video.." biglang sabi ko, mapatingin siya sa akin.

"Music Video? Para sa'n?" nagtatakang sabi niya..

"Dati si Mommy, naging Campus Queen with your Mommy and Mommy ng mga bakla. Pumunta sila sa isang garden na napakalaki.. We owned that garden.. Sa garden na 'yon, doon nagfilm sila Mommy ng music video nila and ipopost sa youtube."

"Ibig sabihin, July 31 the exact date.. Kapag nabuo na kaming mg Campus Queens, gagawa kami ng Music Video para i-upload lang sa YouTube?" takang tanong niya..

"Yes. Kapag na post na 'yon, makikita ng ibang schools na may Campus Queen naring tinanghal after 20 years!"

"Ahh.. Kami-kami lang ba nung mananalong susunod na myembro ng Campus Queens ang magkakasama do'n?"

"Of course not.. Ksama ang mga staffs, camera men, make-up artist, hairstylist, designers, etc. Then,pwede kayong magsama ng mga tao or kamag-anak niyo.." paliwanag ko, tumango naman siya.. "For example, ikaw.. Pwede ka magsama ng 5 kamag-anak or friends.. Pwede ring magsama ang other Campus Queen ng mga friends nila!"

"Gano'n ba? Isasama ko si Kuya Aldrin saka si Kuya Albir.."

"Bakit yung Babeckaes at Fafa lang ang isasama mo? Why not ang itsoserang bakla?" mataray na tanong ko.

"Hay.. Osige sama ko na si Manang Reyk at Manong Kon."

"Ayaw mong isama si Litlit?" umiling lang siya. "Hanlaaa! Bakiiiit?!" tili ko..

"Sino magbabantay sakaniya? At saka mainit masyado kung gano'n.. Okay na sa bahay si Litlit.. Kayo ba? Kasama daw ba kayo?"

"Yes 'ata.. Last year kasi sinama kami ni Lolo sa garden ulit! Kaso Music Video naman 'yon ng mga Campus Princess.."

Tumitig ako sakaniya at tila binabasa ang mga ekspresyong ipapakita niya. Nakablangko lang ang mukha niya habang nakatingin sa cellphone at paminsan-minsan ay humihigop ng chocolate milk.

Napatingin ako sunod sa kabuuan niya at bagay na bagay talaga sakaniya ang uniform lalo na kapag nakaitim. Napatingin naman ako sa mukha niya at nagbago ang ekspresyon niya.

Nanliliit na para bang naiinis dahil napapahawak na siya sa noo niya.

"Tss." singhal niya.

"Why?" takang tanong ko..

'May kaaway nanaman kaya 'tong bwisit na 'to?'

Tumingin siya sa akin at saka inabot ang cellphone niya, nagtataka ko yung kinuha at tinignan. Nanlaki ang mata at saka napapalunok.

Napahawak ako sa malambot at makinis kong pisnge sa hiya.

Ang picture naming mga bakla kasama si Tibo habang nakaupo sa bench ng field. Nakatitig kaming mga bakla sakaniya habang siya nakatingin sa sahig!

"Tignan mo kung sino nagpost."

Tumingin ako sa nagpost at lalong nagulat..

"Shet!"

"Account ng CBA 'yan, 'di ba?"

Tumango-tango ako..

'P-paanong nakuhanan kami ng picture eh wala namang tao don, tanging ang mga mahahaderang Campus Princess lang naman ang nandoon..'

"Grabe."

"Ang daming shares!"

"Tss."

Tumingin ako sa newsfeed niya at 'yon ang laman, may nagshare na mga fans nila..

1."Ang cute nung guy na chubby! Bagay sila ni Ate Nella!"

2."Naks! Ganda talaga ni Maangas Girl!"

3.Guys! Schoolmate ko sila! What do you think? Who is the perfect couple?

#RaNella
#RcNell
#NelLine
#NellJhon
#NellThan

Sa post na 'yon ay may edit text na nakalagay sa pinakapicture..

Napatingin ako sa pinto nang may pumasok.. Ang mga bakla. Tumingin sila sa amin at saka umupo sa tabi namin ni Tibo.

"Gash!" sabay-sabay na sabi nila..

"Bakit parang tense na tense 'ata kayo, mga bakla?" tanong ko at humigop ng latté.

"Hinahabol kasi kami ng mga merlat? Nakakalurkey itech!!" parang problemado na sabi ni Rj at tinarayan si Tibo na nanahimik lang.

"Hindi pa ba kayo nasanay? Simula elementary days natin pinagtitilian na ang mga magaganda nating names! Dzuhhh!" pinaikot ko ang mata, napataas naman ang mga paningin nila..

"Leche ka mujer, 'no? Pero you're korek naman! Pero kasi iba today, eh!" sang-ayon ni Baklang Jp..

"Panong iba today?"

"Talagang pinagtitilian kami! Nakakadiri ang mga side comments!"

"Ano ba mga side comments?"

"Like.. Kyahhhhh! Ang gagwapo niyo! Ayyyyyyy! Nakakainlove!!
Why so fafable baaaaaaa?!
My ghaddd! Nagmukha kayong lalakiiiii! Ehhhhck!" natawa ako nang parang ginagaya ng Baklang Alline yung mga nagtitilian..

"Hmm.. iba nga 'yan! Ano namang dahilan?" nalilitong sabi ko..

Walang sumagot at parang kumakapa pa ng sasabihin.. "Dahil wala kayong make-up ngayon."

Napatingin kaming five kay Tibo nang magsalita siya.. Nakatitig siya sa baso ng chocomilk niya habang pinapaikot ang hintuturo doon sa paligid sakaniya inangat ang tingin sama at pinagkrus ang mga braso niya.

"Iba yung tilian at sigawan nila sa inyo kasi iba yung mukha niyo ngayon.."

Hindi kami sumagot at hinayaan lang siyang magsalita..

"Dahil nga lagi kayong nakamake-up ay hindi na sila nagtitilian kasi hindi naman kayo nagmumukhang lalaki. Babaeng-babae pa kayo sa akin. Hndi niyo ba naiisip? Wala kayong make-up, natural na natural ng mga mukha niyo. Walang halong kolorete at iba pa.. Lumalabas yung totoong niyong mukha na mga gwapo.." pagkasabi niya non ay napa-iwas ng tingin ang mga bakla at nakikita ko ang mga palihim na pagngiti at pamumula nila.

"Talaga? Gwapo kami?" tanong ni Rc, nakapalumbaba pa ang gaga habang nakatitig sa babaita, oh. Sarap kalbuhin, eh.

"Mm." sagot ni Tibo, napangiti kami lalo.. "Pero mas gwapo ako.."

Nawala kaagad ang mga ngiti namin at ako naman ay padabog na kumain ng buko pie na paubos na.. Ang mga bakla ay nakatingin ng masama kay Tibo na maangas ang tingin sa amin..

"Oh, bakit gan'yan kayo makatingin?" ngising tanong niya.. "Tsk tsk tsk! Alam kong gwapo ako pero 'wag niyo na akong titigan na para bang nahuhulog na kayo sa akin at kapag nahulog kayo sa akin.." ngising sabi niya saka kinuha ang phone niya sa akin..

Tumayo siya at tumingin sa amin.. "Hindi ko kayo kayang saluhin lahat.." pagpapatuloy niya pa at saka maangas na naglakad paalis..

Napapikit ako sa inis nanaman sakaniya at masamang tumingin sa pintuang kinalabasan niya...

"Napakayabang talagaaaa!"

"Hay.. kay ganda talaga ng aking Honey!" ngiting sabi ni Baklang Jp at may pahampas pa sa Baklang Alline

"Ano ba, Bakla! Masakit! Masakit!" singhal ng Baklang Alline..

"Hoy, baklang Jp! Mang-aagaw ka ng lovelove!" sigaw naman ni Chubby Rc..

"Excuse me! Para sabihin ko sa'yo! Nauna ako sa Tomboyish!" nakapamewang na sabi ng Baklang Jp.

"Hooooyoyoyyyy! Ako ang nauna, Bakla! Ako ang naunang umamin not you dzuhhhhhh!" maarteng sabi ng Rc at nagpost na parang model...

"Ikaw lang ang naunang umamin sa mga, Bakla pero ako ang naunang magkagusto sakaniya!"

"Ako!"

"Ako nga!"

"Ako nga, eh!"

"Sinabi ng ako!"

"Eh sa ako, eh!"

Naglipat-lipat ang mata naming tatlo nila Baklang Alline at Baklang Rj habang naka-pangalumbaba.

Para kaming naeenge sa dalawang baklang 'to, akala mo mga enge na tunay eh.

"So, Baklang Jona. Kanina ka pa namin hinahanap nandito ka lang pala kasama ang Anella.."

Hindi ko alam kung bakit pero napansin ko sa tono ng pagsasalita ng Baklang Alline ay iba dahil kung makapagsalita siya ay sarkastiko at parang may bahid ng inis..

May irita at parang gustong manampal. Hindi naman siya nakakakaba pero halatang-halata mo talaga ang irita sa mata niya.. Knowing Baklang Alline hindi siya gan'yan kung makatingin.. Kapag tumitingin siya at galit, eh hindi naman ganyan..yung parang may kutsilyong sasaksak sa akin?! I don't know.... Iba ngayon..

"Hoy bakla, ano?? Natulaley ka na d'yan!"

Napalingon ako kay Alline at pilit na ngumiti.. "A-ah sorry hehe.. May iniisip lang!" dahilan ko nalang at inubos ang latté ko saka kinuha ang liptint ko sa bulsa.

Pinahid ko 'yon sa pisnge at labi ko dahilan para pumula ito at gumanda ako lalo!

'Tsk! Anyebe! Alam kong maganda na ako! Naman ihhh!'

"Mga bakla! Gora na watashi!" ngiting sabi ko at hindi na sila hinintay na magsalita saka dumeretso ng umalis...

Pakendeng-kendeng ako habang palabas, pumunta na ako sa room at sakto namang nandoon na ang aking napakagawapo na Babecakes...

Ngumiti sya sa akin nang umupo ako. Nginitian ko lang din siya saka nangalumbabang tumitig sakaniya.



Rj's POV

Napasundan ang tingin namin sa Baklang Jona ng pakendeng-kendeng siyang umalis.. Nang mawala siya sa paningin namin ay binalik ko ang tingin sa mga bakla.

"Si Jona. Mukhang napakasigla today ah?" nakangusong sabi ng Baklang Rc.

"Korek ka d'yan, ghorl!" sang-ayon ko...

"Oo nga, 'no?" sabi naman ng Jp at Alline..

"These past few days, eh tahimik lang ang bakla at parang ang tamlay tamlay tapos ngayon ang sigla.. Ano kayang nangyari sa baklitang 'yon?"

"Baka sinapian ni Mahabaging Emre!" biro ni Jp."True ba ang lolo mo Emre?"

"Aba, shunga ka talaga!" tatawa-tawang sabi ni Baklang Rc at binatukan ang Baklang Jp, tumingin sila sa Alline na nalilito silang tignan.

"Oh, ikaw? Anong eksena mo?" mataray na sabi ng Rc..

"Sino si Emre?"

Napahagalpak kami ng tawa at nagpipinalo pa sa lamesang masarap ipukpok si Baklang Alline..

"Bakit natawa kayo? Nagtatanong yung tao dito!" sigaw ng Alline habang nakanguso...

Napagdesisyonan na lang naming umalis na at pumunta na sa classroom na saktong pagdating ni Miss Sherlotte, sinabi niya lecture na lang at may gagawin pa sila.

Nang makapunta kami sa 3rd floor ay tinignan namin ang mga may honors.

With honors
1. Aldin Mate Repzimo-95.38%
2. Jonathan Ronze Balmaceda-94.46%
3. Kevin Jonson Fernandez-93.48%
4. Alline John Vinadcula-93%
5. Renald Ceinty Garcia-92.35%

Challengers:
Lance Eroll Bersamin-89%
Kenlite Matt Fernandez-89%
Jhon Paolo Conseption-88.46%
Ranz Jowzep gaveyno-88%
Gerald Hail Gordo-87.49%
Jeanine Palencia-87%
Jeja Palencia-87%
Daniel Gorospe-86%

Over all:
1. Kiel Samaniego-95.48%
2. Aldrin Mate Repzimo-95.38%
3. Jonathan Balmaceda-94.46%
4. Kevin Jonson Givera-93.48%
5. Alline John Vinadcula-93%
6. Renald Ceinty Garcia-92.35%
7. George Francisco-91%

"Wow! Congrats, Mga fafa!" tuwang-tuwa na tilinamin at doon namang ngumiti sila..

"Congrats sa atin!"

"Saglit lang titignan ko yung kila Anell.." paalam ni Fafa Aldrin kaya napasunod kami sakaniya.

High Honor:
1. Anella Maene Repzimo-97%

With Honors:
2. MerryAne Soulaebo-94.46%
3. Julzia RossAne Remous-94%
4. Dairsy Lhei Bartolome-93%
5. Denver Caranto-91.45%

Challengers:

Dexter Caranto-89%
Irene Kate Tamayo-88.44%
Kitty Shane Mandeleon-87%
Sieven Guardino-86.6%

Over all:
1. Anella Maene Repzimo-97%
2. MerryAne Soulaebo-94.46%
3. Julzia RossAne Remous-94%
4. Laila Agustin-93.46%
5. Dairsy Lhei Bartolome-93%
6. Francis Vega-92%
7. Denver Caranto-91.45%

...

Good eveee! 😪🖤

Continue Reading

You'll Also Like

204K 6.3K 38
Date Started: June 15 2023 It's all about a playful heart,so if you don't want to cry then let go. -West
744 56 8
Mula sa babaero, naging matinong tao dahil sa isang boyish na babaeng misteryoso. Sa loob ng tatlong buwan lamang na pag-iibigan. Magiging sila kaya...
18.2K 412 63
#471 In Fanfiction Sa Muling Pagbubukas ng isang Bagong Yugto para sa lahat ng nilalang sa Encantadia. Isa nanamang pagsubok ang kanilang haharapin. ...
498K 774 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞