UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)

By Vis-beyan28

131K 1.7K 124

Her name is Jami Santillan. A girl who actually believes in love but when her boyfriend leave her without a w... More

{Prologue}
{Author's Note}
{Chapter 1- Guarded}
{Chapter 2- Organization}
{Chapter 3- Santillan's Mansion}
{Chapter 4- The Transferee}
{Chapter 5- First day, First fight}
{Chapter 6- Misinterpret?}
{Chapter 7- New member}
{Chapter 8- Suffer}
{Chapter 9- Party}
{Chapter 10- The plan}
{Chapter 11- Truth}
{Chapter 12- Fear}
{Chapter 13- Her Song}
{Chapter 14- Secrets}
{Chapter 15- Partner}
{Chapter 16- Past}
{Chapter 17- Two is better than one}
{Chapter 18- Hide and seek}
{Chapter 19- Only find out}
{Chapter 20- The one}
{Chapter 21- Start}
{Chapter 22- La Costalhine}
{Chapter 23- Pernos Gate Gang}
{Chapter 24- Vien}
{Chapter 25- His Help#1}
{Chapter 26- Last First kiss}
{Chapter 27- Second Step}
{Chapter 28- Present}
{Chapter 29- It's Time}
{Chapter 30-Confession}
{Chapter 31- His Letter}
{Chapter 32- Birthday Party}
{Chapter 33- Heartbreak Girl}
{Chapter 34- Feelings}
{Chapter 35- Contented}
{Chapter 36- Choose}
{Chapter 37- Risk}
{Chapter 38- Blame}
{Chapter 40- Like}
{Chapter 41-Meeting his parents 1}
{Chapter 42- Meeting his Parent 2}
{Chapter 43- Busted}
{Chapter 44- Cold}
{Chapter 45- Regrets}
{Chapter 46- First Love}
{Chapter 47- Chase}
{Chapter 48- Loving you}
{Chapter 49- Love}
{Chapter 50- Kiss}
{Chapter 51- Questions}
{Chapter 52- Dinner date}
{Chapter 53- Christmas}
{Chapter 54- Problem}
{Chapter 55-Fight}
{Chapter 56- Apart}
{Chapter 57-Back}
{Chapter 58-Accident}
{Chapter 59-Suspect}
{Chapter 60-First time}
{Chapter 61-Connection}
{Chapter 62-Suspect}
{Chapter 63-Confirmation}
{Chapter 64-Awake}
{Chapter 65-Date}
{Chapter 66-President Melendez}
{Chapter 67-Kiss}
{Chapter 68-Past}
{Chapter 69-Emotionless}
{Chapter 70-Father and Son}
{Chapter 71-Mirrage}
{Chapter 72-A friend}
{Chapter 73-New Santillan}
{Chapter 74-Offer}
{Chapter 75-Mrs. Vellarde}
{Chapter 76-Last page}
{Epilogue}
{Announcement}

{Chapter 39-Baka}

518 14 4
By Vis-beyan28


Jami's POV

"Let's go."-maalumanay na bulong sakin ni skyler pagkatapos niya akong yakapin.

Marahan niyang hinawakan ang balikat ko at nilayo ng konti. Yumuko siya para makita ang mukha ko na ngayon ay puno na ng luha. Hindi ko na alam kung anong hitsura ko ngayon dahil sa make up kong suot. Paniguradong nasira na dahil sa pag iyak.

Bumuntong hininga siya pagkatapos ay inabot ang isa kong kamay. Hinila na niya ako sa kung saan at wala na akong nagawa kundi ang magpatianod sa kaniya.

Muli kong sinulyapan sina jovan. Pansin ko ang pagtataka sa kanilang mukha ng makita kaming dalawa ni skyler na umalis pero hindi na lang sila nagsalita.

Sila thara naman ay nag okay sign lang sila ng sumulyap din ako sa table nila.

Bumuntong hininga na lang ako at saka tinignan si skyler. Nasa unahan ko siya habang seryoso siyang naglalakad.

Ano kayang iniisip niya? Hindi kaya siya nainis dahil sa nangyaring gulo kanina?

Napayuko na lang ako dahil sa guilty na nararamdaman. Sana pala hindi na ako pumunta dito dahil ako ang gumulo sa party niya.

"S-skyler..."-nahihiyang tawag ko sa kaniyang pangalan.

Ang akala ko ay titigil siya at haharapin ako pero nanlumo ako ng dere-deretso lang ito sa paglalakad papasok ng mansion nila.

Napatingin ako sa kabuuan ng kanilang bahay. Bungad pa lang ay kapansin pansin na ang malaking chandelier sa taas. May kulay pulang carpet pa sa malinis na tiles ng mansion. Hanggang hagdan ang haba ng carpet at saka sa gitna ang hagdanan nila.

Malawak ang living room nila at sa gilid nito'y may mga pictures na nakasabit. Hindi ko na mailarawan ang ilang bahagi ng mansion nila dahil agad na niya akong hinila paakyat sa kanilang hagdan.

Nagtataka kong tinignan ang likuran niya.

"Skyler, hindi ka ba nila hahanapin dun?"-tanong ko na at sumulyap sa likuran namin na para bang may makakakita samin.

"Nope."-tipid lang niyang sagot ng hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

"Eh ano bang gagawin natin dito?"-taka kong tanong ng makadating kami sa taas.

Sumilip ako sa baba pero wala akong makitang katulong. Siguro busy silang lahat sa labas.

Hindi naman siya sumagot kaya napangiwi na lang ako at sumunod na lang sa kaniya. Wala naman akong choice dahil hila hila niya ang kamay ko at saka isa pa ayoko na ding bumalik dun. Sa gulong nangyari kanina? Ayoko na.

Pumasok kami sa isang kwarto at dun niya lang binitawan ang kamay ko. Madilim ang paligid kaya wala akong makita pero unti unti ding nagliwanag ng buksan ni skyler ang ilaw.

Tumambad sa akin ang isang malawak na kwarto. Color black at white lang ang kulay ng buong silid. May king size bed sa gitna, may sofa at lamesa malapit sa veranda. At may full glass na sliding door sa veranda. Sa kanang bahagi naman ng kama ay naroon ang walk-in closet at banyo.

Sa harapan ng kama ay may naka display na mga gitara at electric guitar.

"Welcome to my room."-wika niya at ngumisi habang pinagmamasdan akong suyudin ang buong kwarto.

"Kwarto mo talaga to?"-mangha kong tanong at marahang naglakad sa grey carpet ng kaniyang kwarto.

"Yup."-sagot niya na may kasamang pagtango.

Tinalikuran ko siya at nagtungo sa mga naka sabit niyang gitara. Iba't-iba yun pero namangha ako sa istilo nila. Sa baba ng nakasabit na gitara ay may mahabang lamesa kung saan may mga litrato ding naka display.

Sa unang litrato ay si skyler. Naka black jeans at white shirt siya habang may suot siyang gitara. Nakangiti ito kaya halos hindi na makita ang mata niya. Mukhang nasa 3rd year pa siya dito dahil iba ang idtilo ng buhok niya kaysa ngayon.

Sa ikalawang litrato ay kasama niya si xier at zack. Magkaka akbay silang tatlo at naka uniporme pa sila.

"Kailan ba kayo nagkakilalang tatlo?"-tanong ko habang pinagmamasdan ang litrato nilang magkakaibigan.

Sinulyapan ko siya sa aking likuran at medyo nagulat ng malapit pala siya sa gilid ko. Nakapamulsa ito habang nakatingin sa litrato nila.

"We became friends when we were in elementary. Magkaka-klase kaming tatlo nuon. Nung una hindi pa namin napapansin ang isa't-isa. Si zack, palaging nasa unahan kasama ang mga libro niya. Si xier naman nasa likod at dun kinukulit ang mga kaklase namin kapag nagdi-discuss ang teacher namin kaya palagi siyang napapagalitan. At ako naman, nasa gilid para kahit matulog ako ay hindi ako makikita ng teacher namin."-natawa siya ng mahina ng sabihin yun.

"One day, our teacher group us at kung sineswerte ako sila pa ang nakasama ko."-sarkastiko niyang wika bago natawa. "Our task is to perform infront and sing our favorite song. Simula ng malaman naming hilig pala naming tumugtog ay nagsama na kaming tatlo at dun nagsimula ang pagkakaibigan namin. Tss, korni namin noh?"-natatawa niya akong sinulyapan.

"Korni niyo nga."-sang ayon ko at natawa kaming dalawa.

Natahimik kami ng mapatingin kami sa ikatlong larawan. Family picture nila yun at kitang kita ko pa ang batang skyler dun. Hindi ko maipag kakailang ang cute niya dun. Siguro nasa elementary pa siya rito.

Yun nga lang nakasimangot siya dun na parang inagawan ng candy. Ang pula ng pisngi at ang taba! Ang sarap niya sigurong kurutin. Tapos singkit na talaga ang mata niya duon. Maliban sa kaniya nakangiti na ang magulang at ate niya dun.

"Oh, masyado kang nawiwili sa picture kong yan ah."-puna niya ng mapansing nakangiti akong nakatitig sa litrato niya.

"Ang cute mo pala dito."-sabi ko ng hindi siya sinusulyapan.

"So ibig sabihin hindi ako cute ngayon ganon?"-nagsalubong ang kilay niya.

Mapang asar akong nag angat ng tingin sa kaniya. "Hindi na. Matanda ka na eh! Atleast dito sobrang cute mo. Pero ngayon, hindi ka na cute."-natatawa kong turo sa litrato niya.

Napasimangot naman siya pero kalauna'y napangisi na para bang may naisip na kalokohan.

"Nacu-cutan ka talaga diyan?"-tanong niya sabay nguso sa batang itsura niya. Kung kanina ay naiinis siya ngayon naman ay tila tuwang-tuwa.

Tumango naman ako. Hindi na lang pinapansin ang mapang asar niyang mukha. "Syempre, bata ka pa diyan eh at ibang iba pa lang itsura mo diyan."

"Ganon? Gusto mo buntisin kita para magka anak tayo ng ganyang ka-cute? Yung kamukhang kamukha ko?"-asar pa niya tapos nagtaas baba ng kilay.

Napangiwi naman ako at sinamaan siya ng tingin. "Gago!"-mura ko tas inirapan siya.

Kala ko kung ano ng sasabihin puro kabastusan lang pala. Loko siya. Pasalamat siya birthday niya ngayon baka bugbog sarado na siya pag nagkataon.

Humalakhak naman ang kumag kaya naningkit na naman ang mata niya.

"Seryoso mo talaga ano? Syempre hindi pa ako handang ikalat ang magandang lahi ko. Mahirap na."-yabang pa ng hudas.

"Kapal ng mukha mo talaga kahit kailan. At sino ka naman para pumayag akong buntisin mo ko?"-irap ko sa nakangising mukha niya.

Nakakabanas kahit kailan. Panira ng mood ang hudas na to.

"Ako?"-singhal niya sakin na may nanlalaking mata. "Ako lang naman yung gwapong lalake na kayang ipangalandakan na ikaw lang at wala ng iba--"

"Ulol! Huwag mo kong bolahin. Nakakasuka."-ismid ko at saka lumayo ng konti sa kaniya sa inis.

Natawa lang naman ang kumag sa sinabi ko at napailing na lang.

"Lika nga dito."-biglang sabi niya at hinila ang kamay ko.

Sa gulat ko ay hindi agad ako nakahulma pero ng maupo na kami sa kama niya ay dun na bumalik sakin ang sistema ko.

Pinandilatan ko siya ng mata at dinuro.

"H-hoy skyler! Kakasabi ko lang na hindi ako magpapabuntis sayo! A-ano ngayon ang ginagawa mo ha?!"-gulat kong akusa at umusog palayo sa kaniya.

Kumunot saglit ang noo niya at saka malakas na namang natawa na tila ngayon lang nag sink in sa utak niya ang sinabi ko. Gago to ah. Kanina pa niya ako pinagti-tripan.

Di ba niya alam na bata pa kami tas ganun ganun ang iniisip niya? Nabagok ata ulo niya kaya kung ano anong pumapasok sa kokote niya. Kung ganito pa lang pagti-tripan niya ako eh di sana hindi na ako sumama sa lokong to.

"Damn. Ni hindi ko nga naisip yun eh tapos ikaw?"-tinignan niya ako tapos natawa naman na parang walang bukas.

Sige tawa mo pa ng mamatay kang hudas ka.

Kulang na lang maluha sa sobrang tuwa eh. Sayang sayang eh.

Umiling iling siya ng matapos na itong tumawa. Pagkatapos ay muli akong nilingon at hinawakan na naman sa kamay. Bumaba ang tingin ko dun na may nagtatakang tingin.

"I will never do that until we'll get married, jami. Take that in mind."-kindat pa niya sakin kaya umismid ako para asarin naman siya.

Pero sa totoo lang, malakas na naman ang kabog ng dibdib ko.

"At pano mo nasabi na papakasalan kita? Lakas ng confidence mo din noh."-mapang asar ko siyang tinignan.

Ngumisi lang naman siya habang punong puno ng confidence sa mukha.

Tangina. Kapal talaga.

"We'll see then."-nagkibit balikat siya habang yung tingin eh nang aasar pa din.

Binitawan niya ang kamay ko at nahiga siya sa kama niya habang nanatiling nasa sahig ang paa niya. Ginawa niyang unan ang isa niyang braso tapos inabot ang maliit na remote sa bahaging gitna ng kaniyang kama.

May pinindot siya dun dahilan kung bakit namatay ang ilaw. Pero nagulat ako ng makita ang kisame ng kaniyang kwarto. May mga maliliit na ilaw duon na nagkalat sa buong kisame na para bang butuin sa kalangitan. Para kaming nag i-star gazing.

Sa tanawing yun nagbigay sakin ng kapayapaan habang pinagmamasdan ang nakakamanghang ilaw sa kisame. Ng tignan ko ang mga pader sa gilid ng kaniyang kwarto ay mas lalo akong namangha ng mayron ding ganun. Parang nagre-reflect samin ang ilaw na hatid nun.

"Someday, my promise will happen. Hindi mo mamamalayan nasa altar ka na pala at kinakasal sakin."-ngisi pa niya at iniwan ang tingin sa kisame para tignan ako sa mata.

"Yabang mo."-biro ko na lang at napagdesisyunang humiga na din sa tabi niya.

Medyo may layo kami sa isa't-isa habang nakatitig kami sa kaniyang kisame. Ang mga kamay ko ay nanatiling nakadantay sa aking tiyan.

"Sungit?"-tawag niya sakin pagkatapos ng panandaliang katahimikan.

Palihim na lang akong napangiti sa sinabi niya. Noon palagi kong kinaiinisan ang pagtwag niya sakin ng ganun pero ngayon, pakiramdam ko namiss ko yun.

"Hmm?"-sagot ko habang nanatiling nakatitig sa mga butuin sa kisame.

"Pwede ko bang malaman ang nangyari nuon?"-nag aalinlangan pa niyang tanong.

Sa pagkakataong yun dun na ako napasulyap sa kaniya. Natagpuan kong nakatitig pala siya sakin habang may namumungay na mga mata.

Napakurap ako saglit bago nag iwas ng tingin patungo sa kawalan. Ang kaninang magaan na loob ko ay tila bumigat lalo na ang paghinga ko. Sa pagbalik ko sa nakaraan ay nagsimula ng kumirot ang dibdib ko.

*Flashback*

Years ago...

Kakatapos lang ng laban namin sa EUA at medyo masama ang lagay ko dahil napuruhan ako ng mga kalaban. Pero kahit ganun nanalo naman kami.

Kaso may pasa ako ngayon sa pisngi at may sugat ako sa labi. Tapos naulanan pa ako pag uwi namin dahil yung big bike ko yung gamit ko. Mukhang lalagnatin ako dahil sobrang Init ng pakiramdam ko. Hindi ako makatayo dahil nanghihina ako kaya nanatili na lang ako sa aking kama.

"You are really a hardheaded woman."-iiling na singhal sakin ni jovan habang pinagmamasdan akong nakabalot sa sarili kong comforter sa kama.

Nginisihan ko na lang siya para kahit papano mabawasan ang pag alala niya.

"Tsk, tsk. You're so stubborn."-sunod namang sermon ni tanda sakin na kakagaling lang ata sa trabaho dahil naka long sleeve polo pa din siya at slacks. "Alam mo namang umuulan at naka motor ka lang, nagpakabasa ka pa. You're not thinking jamishallein! Look what gotten you! Ngayon may lagnat ka."-naiinis na napabuga si tanda at nagpamewang.

"Yang apo niyo kase matigas ang ulo kaya yan ang napapala."-sabat naman ni jeigh na nasa tabi ni tanda. Nakaupo siya sa single sofa habang nakatayo sa tabi niya si tanda.

"At ikaw naman!"-binatukan siya ni tanda dahilan para malakas na mapadaing si jovan.

"What?"-angil nito habang napapakamot.

"Magkasama kayo pero hindi mo man lang siya sinakay sa kotse mo! Hinayaan mo na lang yang kapatid mong magpaulan! At saan mo naman nakuha yang pasa mo jamishallein?!"-baling na naman niya sakin.

"T-tanda, huwag mo ngang kompletuhin yang pangalan ko. Naasiwa ako."-paos pa ang boses kong sabi.

Umismid lang naman ito at napahilot sa kaniyang sentido.

"Siya, magpahinga ka na para gumaling ka. Jeigh and I will talk."-sabi pa niya bago nagpamulsang lumabas ng kwarto.

"Bakit na naman ako?"-napapakamot na bulong ni jeigh.

"Jeigh, you better go. I'll take care jami here."-tango ni jovan sa kabilang gilid ng kama ko.

Nakapamulsa ito sa suot niyang slacks.

Napaismid na lang si jeigh at tamad na napatayo. "Papagalitan na naman ako panigurado nung tandang yun, tss."-bulong pa niya bago kakamot kamot na naglakad patungo sa aking pintuan.

Nangingisi na lang akong pinanood siyang lumabas. Naramdaman kong nag-vibrate yung phone ko sa side ko dahilan para dun mapunta ang atensyon ko.

Agad kong kinuha yun at binasa ang text message ko.

From: Vin

Jam, I heard what happend. Are you okay? I'm gonna go there to check on you.

Kusa akong napangiti ng mabasa yun. Kahit kailan talaga palagi siyang ganiyan. Pag nalaman lang niyang may sakit ako o pasa ay pupunta siya dito sa bahay para lang makita ako at maalagaan.

Alam niyang may gang ako at kabilang ako sa East Underground Arena (EUA) pero kahit ganun tanggap pa din niya ako. Kahit nung sabihin kong nakikipag basag ulo ako sa mga katulad kong may gang diyan at kasama ko sina thara, hindi pa din niya ako pinagtabuyan. Hindi siya nainis o nagalit.

Siguro nga ganiyan na siya. Mabait, maaalahanin, at mabilis umintindi sa mga taong nakakasalamuha niya. Kaya mahal na mahal ko si vin dahil sa ganong parte ng pagkatao niya. Dun ako nahulog sa kaniya at napaka swerte ko dahil dumating siya.

Natatakot ako na baka mawala siya sakin. Natatakot ako na baka magbago ang isip niya sa akin dahil sa mga ginagawa ko kaya kahit anong mangyari gagawin ko lahat para lang huwag niya akong iwan.

Ganun ako nahulog sa lalakeng yun.

Napangiti na lang ako habang nagtitipa ng mensahe.

To: Vin

Huwag na. Okay lang naman ako eh at saka gabi na po.

"You look happy, huh? You're sick and yet you still have the strength to smile?"-puna ni jovan ng mapansin ako.

Agad ko naman binaba ang cellphone ko at pinatong muna sa aking tiyan.

"Problema mo ba? Di bale ng magkasakit basta may mag aalaga sa akin."-ngisi ko sa kaniya at kinuha ang cellphone ko galing sa king tiyan.

From: Vin.

So? I just want to check on you and I would be fine.

To: Vin

Pero gabi na po. Bukas na lang, delikado sa labas. Nandito naman si jovan para magbantay sakin eh.

"Jami! Are you even listening to me?"-napa igtad ako ng marinig ang boses ni jovan.

Agad akong na angat na tinginsa kaniya. Nakpamewang na ito habang kunot ang noo.

Ngumuso ako at binaba ang cellphone ko.

Napa 'tsk' ito sabay iling.

"Who's you're texting that you cannot even heard me out?"-masungit niyang tanong sakin.

"S-si vin."-nauutal ko pang sagot,

Bumuntong hininga naman ito bago niya ako irapan, "You know what? Why don't you stop fighting with some other people and focus on you're studies? Hindi ka ba nahihiya sa boyfriend mo? Palagi mo siyang pinag aalala."-sermon na naman ni Mr. Jovan Santillan.

Umirap naman ako. "Jovan, minahal niya akong ganito kaya bakit ako magbabago hindi ba?"-depensa ko ngunit umismid lang siya.

"You know what? Pagdating ng panahon magsasawa din siya sayo kung ganyan ka ng ganyan."

"Ano bang pake mo jovan? Palibhasa kase wala kang lovelife kaya ka nagkaka ganyan."-inis kong dinghal sa kaniya bago diya tinalikuran.

Padabog akong humiga ng patagilid kaya hindi ko nakita ang reaksyon niya.

"I'm just saying this because I care for you princess. There will be time that you will regret everything."-huling sabi niya bago ko narinig ang pagsara ng pinto.

Naiinis ako sa mga sinabi niya pero kahit papano may tumatak sa isip ko na mga sinabi niya. Kung totoo ngang pagsisisihan ko sa huli, kailangan ko na bang itigil ang mga to? Yung black demon? Kaya ko na bang umalis sa gang namin? Maiintidihan kaya ni jeigh?

Sa pag iisip ay nakatulogan ko na. At bago ako natangay ng antok ay naramdaman ko muna ang pag vibrate ng phone ko.

Kung sana...

Kung sana nabasa ko lang ang mensahe niya...

Ang huling mensahe niya sa akin....

Baka sana nandito pa siya...

Baka sana kasama ko pa siya...

Baka sana hindi siya na aksidente...

Continue Reading

You'll Also Like

126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
7.2M 343K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
549K 10.3K 38
The Boss' Bride by: Eonnieverse My name is Faye Vieros and this is my not so ordinary and full of action story. Highest Rank: #16
59.5K 4.5K 30
Sorcha Byrne and her twin used to love mythology when they were little. Their parents will tell them stories about the different gods and goddesses...