The CEO's Seduction

By j_tiara

201K 4.2K 394

(COMPLETED) (UNEDITED) Silvestre x Catallina - j_tiara Date started : May 19, 2020 Date finished : July 14, 2... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7 (R18)
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15 (R18)
CHAPTER 16
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
EPILOGUE

CHAPTER 17

4.8K 112 7
By j_tiara


Kinabukasan, sobrang aga ko sa opisina. Kahit sina Zoe ay wala pa, nagulat naman ako ng bumukas bigla yung opisina ni Silvestre. (OO AYAW KO NA SIYANG TAWAGING BOSS SUNGIT)

Bakit kaya ang aga niya? Alas sais y media palang naman, pinasadahan ko ng konti yung suot niya, hindi naman yun yung suot niya kahapon. Akala ko dito na natulog eh.

Tumungo nalang ako at hindi  siya nilingon o tinapunan man lang ng tingin ulit, hanggang ngayon medyo nasasaktan parin ako sa sinabi niya kahapon at lalo na sa ginawa kay Mark. Teka? Ano naman ngayon kung sinabi niya nga yun saken? Ano naman ang mali doon? Totoo namang hamak na sekretarya niya lang ako.

Napailing ako sa mga iniisp at hindi napansin na andyan pa pala sa harap ng lamesa ko si SILVESTRE.
Wala akong balak na imikan siya, kung tanggalin niya man ako ngayon ay buong puso kung tatanggapin.

"Uh--" napatigil siya sa pagsasalita na padabog kong binababa yung mga papeles. Hindi parin ako tumitingin sa kanya. Bahala siya dyan!

"Can we talk?" ulit niya sa naputol niyang sasabihin kanina.

Nanatili parin yung ulo ko na nakatungo, pero yung mata ko napatingin sa itaas. Bigla naman akong napabaling agad sa hawak kong papel kasi naman yung umbok sa gitna yung sumalubong sa mga mata ko. Jusko, ang aga aga, ang halay na ng nakikita ko.

"Are you fucking listening to me Miss Torres!?" napabaling ako sa kanya gamit ang galit na mga mata.

Yan diyan siya magaling! Sigaw ng sigaw, hindi marunong maghintay o mag pasensya!

"Bat ka ba sumisigaw! Gusto mo'kong kausapin pero sinisigawan mo'ko!" bulyaw ko pabalik sa kanya. Wala na talaga akong pake kung boss ko siya o ano pero naiirita at naiinis ako sa kanya.

"Then why the hell are you shouting at me too!" sigaw  niya saken pabalik at umikot para makalapit sa gilid ko.

"Kasi sumisigaw ka! Wag mokong sigawan! Kahit boss kita, ayoko ng sinisigawan ako!" medyo pasigaw pero sa mababang boses lang dahil baka maabutan kami ng iba dito at kung ano pa ang isipin.

Napahawak siya sa sentido niya habang ang kanang kamay naman ay nakahawak sa mesa ko. Tiningnan niya ako sa mata at napabuga ng hangin. Medyo nahalata ko sa mata niya na may eyebags siya, wala siguro tong tulog. Pero gwapo parin naman siya. Teka? Galit ka sa kanya Catallina! Wag mong ipuri!

"Look. Can we please talk? Pumasok tayo sa opisina" ngayon ay kalmado na siya habang nakatingin parin saken.

"Ano namang pag-uusapan natin? Mang-iinsulto ka na naman?" masungit kong tanong sa kanya at tinaasan pa siya ng kilay. Marahan siyang napapikit at umiling.

Tumayo naman ako agad kaya naging hudyat yun sa kanya at nauna na siyang pumasok sa opisina. Hinintay niya pa ako sa may pinto at pagkapasok ko ay ni lock niya yun.

"Bakit naka lock?" nagtataka kong tanong, hindi niya lang ako sinagot at giniya don sa may couch sa loob ng opisina niya.

Pagkaupo ko don ay umupo rin siya sa tabi ko, umusog ako ng konti dahil ayokong nagkakadikit kami. Naiinitan ako!

Tumikhim muna siya at mataman akong tinitigan. Medyo naiilang naman ako kaya umirap ako sa ere para maramdaman niya na ayaw ko sa ginagawa niya.

"Im sorry for yesterday" panimula niya. Hindi parin ako kumikibo at naghintay sa mga susunod niyang sasabihin.

"I was furious and uh-- mad" nilingon ko na siya ngayon.

"Kaya mo tinanggal sa trabaho si Mark? Alam mo bang iyak ng iyak yung tao kahapon?" naiinis pero kalma parin akong nagtanong sa kanya.

"I know. I--I, talked to him yesterday and uh- I apologized" nanliit naman ang mata ko sa sinabi niya.

Nauutal pa talaga siya huh? At ano raw? APOLOGIZED? Weeeeh? Halos matawa ako sa reaksyong namumuo sa utak ko. The Great and Heartless MR. DELGADO, apologized to his EMPLOYEE? Hindi kapani-paniwala ah.

Parang nairita siya sa naging reaksyon ko kaya lumipat siya sa kabilang upoan sa tapat ko, sumandal siya don at pinagkrus ang dalawang kamay sa dibdib habang naka de-kwatro. Para siyang model sa sikat ma magazine dahil sa posisyon niya ngayon, isali mo pa ang masungit na mukha.

"Aren't you going to say anything about what I've said?" tanong niya ulit ng mapansing wala akong nasabi.

"Bakit ka nag sorry?" sabi ko.

Tumaas lang ang kilay niya at parang hindi makapaniwala sa tanong ko, parang may iba siyang hinihintay na sagot?

"I really didn't say sorry, I just said that "I won't fire you anymore, my apology for what happened earlier" sinabi niya pa at ginaya ang sarili habang masungit parin na nakatingin saken.

Para namang biglang nawala yung irita ko sa kanya.

"And I am sorry for what I've said yesterday. I--I was just really mad" dugtong niya pa at umayos sa pagkaka upo.

Medyo may kirot pa ng kunti yung pinagsasabi niya kahapon pero baka nga nasabi niya lang yung dahil hindi maganda ang templa niya, pero sobra parin yun. Gusto ko man siyang sabihan ng kung ano-ano ay tumahimik nalang ako.

Tumango lang ako bilang sagot. Ano ba naman 'to, bakit parang mukha kaming may relasyon na pinag-uusapan yung pinagawayan namin?

"Hindi mo itatanong kung bakit ako nagalit kahapon?" itatanong ko nga sana pero wag nalang peor ngayon na siya na mismo ang nagsabi baka pwede?

"Uh--Bakit nga ba?" kinakabahan kong tanong kahit wala namang nakakakaba don, anong nangyayari saken?

"I was mad cause you were smiling at that guy!" medyo nairita pa siya sa sariling sinabi. Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Oh? Ano naman ngayon?

"Oh? Masama bang ngumiti sa kaibigan?" wala sa sarili kong tanong sa kanya.

"He seems to like you! Hindi ko gusto yung sa harapan ko pa mismo siya gumagawa ng paraan sayo" seryoso niyang sabi at tiningnan akong mabuti.

Binalik ko naman sa kanya ang tindi ng tingin niya at pinangliitan siya ng mata. Ang gwapo talaga ng lalaking to, kahit simpleng slacks at white longsleeves lang ang suot. Tsk tsk.

"Hindi naman siya pumoporma saken. Wala nagtangka, lalo na nong masagap nila yung issue tungkol sa--sateng ... dalawa" medyo napahina ko pa yung sa dulo dahil nahihiya ako.

"Tsaka hindi rin naman ako makikipag uh-- ano-- makikipag salamuha sa kung sino sino lang kung yan ang inaalala mo. Hindi ko naman babahidan ng kung ano yung pangalan mo" dagdag ko pa sa sinabi ko.

Mas lalo lang sumama ang tingin niya saken at ngayon at tumayo na sa harap ko. Pinatayo niya naman ako na ikinagulat ko. Ang lapit namin sa isa't isa, halos maramdaman ko na yung katawan niya saken.

"Ba--Bakit?" hindi ako makatingin sa mga mata niya na para bang may kung ano na pag tiningnan mo eh maliliyo ka.

Hinatak niya pa ako lalo kaya napahawak ako sa dibdib niya.

"Are you stupid huh?" bulong niya sa tenga ko. Ang bango ng hininga ahhhh.

"A--ano ba kasi yun" nauutal at pilit akong kumakawala sa pagkakadikit namin pero mas lalo niya lang hinigpitan ang hawak sa bewang ko. Partida isang kamay lang yung gamit niya.

"Damn, stupid" bulong niya ulit. Aray ha, nang-iinsulto na naman siya!

"Isn't obvious, huh? fuck Catallina I LIKE YOU!" para akong nabingi dahil sa sinabi niya, walang pumapasok sa isip ko wala akong naging reaksyon. Nakatulala lang ako ng may binulong siya ulit.

"That's why I'm mad cause I was jealous, I really like you Catallina, I really do" don ko lamang napasok sa isip ko ang mga sinabi niya.

Gulat akong napaangat ng tingin sa kanya, ang lambing at ang amo ng mukha niya ngayon. Taliwas sa pagsusuplado niya kanina at sa pag kunot ng noo.

"Anong pinagsasabi mo sir?" medyo tumawa pa ako ng hilaw at tinawag siyang sir ulit, baka kasi nasisiraan na siya ng bait. At baka nakalimutan niya rin na SEKRETARYA niya lang ako?

Nagpumiglas ako sa bisig niya na hinayaan naman niya.

"A--ang galing niyo naman po umarte. Hindi na naman kailangan yan eh" pilit na ngiti ulit ang binigay ko sa kanya.

Unti unti ko na namang nakikita ang namumuong galit o inis sa mga mata niya. Kitang kita ko yung pag igting ng panga niya dahil sa mga sinabi ko. May mali ba don? Tama naman ako diba? Baka kasali lang to sa pagpapanggap namin. Masyado niya naman atang sineseryoso?

Pero parang may kung anong kirot ang dumaloy sa puso ko sa kaisipang, baka nga kasali lang ito sa pagpapanggap namin. May konti naman saken na nagsasabi na sana nga totoo yung mga pinagsasabi niya at hindi gawa gawa lang. Kung totoo man, anong gagawin ko? Anong sasabihin ko?

"GUSTO KITA CATALLINA, OKAY! Mahirap ba intindihin yun ha?" medyo inis niyang sabi saken. Napahawak naman siya sa buhok niya at ginulo gulo ito bago umupo ulit sa couch.

"Ahh fuck! I never imagined my self confessing like this. Shit" rinig kong sabi niya sa sarili.

"Eh bat ka sumisigaw! Pwede ka namang magsalita ng dahan dahan!" nakapamewang pa ako ngayon na nakaharap sa kanya para akong teacher na pinapagalitan yung estudyante kasi walang assignment.

Naiinis narin ako ha! Kung totoo man yang sinasabi niya, diba dapat malambing siya habang sinasabi saken yan? Bakit parang galit pa siya?

"cause you're spacing out! hindi ka naniniwala saken" pagtatanggol niya sa sarili.

Napalunok naman ako at umayos sa pagkakatayo, nakaharap parin ako sa kanya samantalang siya naman nakatingala parin sa akin.

"Si-sino ba ka-kasing maniniwala dyan sa si-sinasabi mo ... " para akong tanga na kinakabahan dito.

"Damn. Am I that imposible to believe, huh?" tumayo siya ulit at hinawakan yung siko ko. Nilayo ko naman agad yun.

Ano ba yan, para kaming nasa telenovela yung tipong magpapabebe yung bidang babae tapos sa huli bibigay rin naman pala. Huh? Hindi ako ganon. Oo hindi.

"Bakit mo'ko gusto?" matapang kong tanong sa kanya, tingnan natin to baka pinaglalaruan lang ako nito eh.

"I don't know , fuck! I just woke up one day, I always think of you, I hate seeing you smiling with the other guys, I hate you wearing some short dresses and revealing one. I--I kinda want to see you always and I like kissing -- "

Hindi ko na siya pinatuloy sa sasabihin niya dahil parang sasabog na sa sobrang bilis ng tibok ang puso ko. Jusko. Sobrang init narin ng pisngi ko, kanina ang tapang tapang ko pero ngayon para akong jelly na lumalambot.

Tiningnan ko siyang mabuti, seryoso ba siya? Itong lalaking to may gusto saken? Kung sasabihin niyang katawan ko ang habol niya, Imposible naman yun. mas maraming magaganda at mayayaman dyan na pwede niyang ikama kahit kailan niya gusto. Kaya bakit ako?

"Can you be my girlfriend, for real?" tanong niya na nakapagbalik saken sa wisyo.

"Seryoso ka ba talaga?" ulit kong tanong.

Iniisip ko palang na totoo nga itong pinagsasabi niya ang swerte ko naman ata?

"Damn Catallina, I AM FUCKING SERIOUS HERE." diin niya pa sa huling mga salita.

Malay ko lang naman diba? Kasi napaka imposible. Isang hamak na sekretarya magugustohan ng isang bilyonaryong masungit pero gwapong CEO? Ano yun? sa libro ko lang nababasa yung mga ganon, meron pala talaga sa totoong buhay.

"Hey" tawag niya saken at hinawakan ulit ako may siko para mapalapit sa kanya. Inismiran ko siya at lumayo.

Bakit ba hawak siya ng hawak saken? Pwede naman kaming mag-usap ng malayo sa isa't isa ha.

"Ano nga ulit sinabi mo kanina?"

"Can you be my girlfriend?" kahit kinakabahan ay ngumiti parin ako sa kanya. Niliitan ko pa yung mga mata ko habang tinitingnan siya.

"Ede manligaw ka" sabay iwas ko ng tingin sa kanya dahil parang matutunaw ata ako sa mga titig niya.

"What?" nabigla pa siya. Oh diba? Malalaman mo talaga pag pinaglalaruan ka lang dahil kahit simpleng ligaw wina-WHAT pa.

"Okay okay. I'll court you then" bawi niya naman agad sa sinabi na ikinangiti ko.

Nagpaalam naman agad ako sa kanya na may kukunin lang sa labas. I-testing nga natin to kung talaga bang seryoso siya.

Bumalik agad ako sa loob ng opisina niya at nakitang nakaupo siya sa swivel chair habang hinihilot ang sentido ay may binu-bulong bulong.

Napatingin naman siya saken agad ng marinig niyang sumara ang pintoan. Dala dala ko yung mga files na pina trabaho niya saken, nilapag ko yun agad sa mesa niya at halata namang nagtataka siya.

"Ang hirap, pwede ikaw nalang nito?" medyo niliitan ko pa yung boses ko. Natatawa na ako sa kaloob-looban ko sa ginagawa ko.

"I'm your boss and I told you to do that" seryoso niyang sagot kaya nagkunware akong nalungkot, ngumuso ako at kukunin na sana ang mga papeles ng bigla siyang nagsalita.

"Are you using some techniques for me woman?" mapagbintang niyang sabi at medyo nakataas pa ang kilay.

"Hindi ah... Ikaw naman kasi dapat gumagawa nito" matapang kong sagot sa kanya na ikinatawa niya naman.

"I'll do that if you kiss me" kinuha ko naman agad yung mga papeles at inismiran siya.

"Nanliligaw ka pa nga lang, nanghihingi ka na ng kiss" bulong ko pero halatang narinig niya naman kasi sumagot siya.

"We even made love without any label, pero ngayon na nanliligaw ako ayaw mo kahit kiss?" nag init agad ang buong mukha ko sa sinabi niya. Bakit ang dali dali lang para sa kanya sabihin yung mga bulgar na ganon?

Nilingon ko ulit siya at binaba ulit ang mga papeles.

"Gawin mo yan" masungit kong sabi at nagmamadaling lumabas ng opisina na pulang pula ang buong mukha.

Hindi ko mapigilan na mapangiti ng maupo. Ayos lang naman siguro na kahit minsan sumugal naman ako sa buhay pag-ibig diba? Kahit na hindi ko pa naman naranasan to dati. Wala naman sigurong mawawala kong pagbibigyan ko tong nagwawala kong puso para sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...