FATED TO F*CK YOU✔

By TitaAmor07

874K 30.2K 7.6K

Pierce Blue is a man who has a transparent personality; what you see is what you get with him. At the age of... More

Tita's Note
TO MY NEW READERS
PORTRAYERS
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 4.1
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 6.1
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 17.1
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
EPILOGUE 1
EPILOGUE 2
EPILOGUE 3
EPILOGUE 3.1
THANK YOU!
SPECIAL CHAPTER #Uno
PRINTED NA SIYA❗

Kabanata 39

9.6K 431 248
By TitaAmor07

KABANATA 39

“Okay. I understand,” mahinang sagot ni Katleya sabay punas sa kanyang mga luha. Humarap siya kay Blue at nagawa pa niya itong nginitian. “Kain na tayo.”

“Okay ka lang ba? Sorry.”

Ngumiti muli si Katleya. “You don’t need to say sorry. Wala kang kasalanan. Nagpakatotoo ka lang.” Hinila na niya ito papunta sa table. “’Wag mo na akong isipin.”

Pag-upo nina Katleya at Blue, natulala ang lahat nang makita ang mga mata ng dalaga. Namumula kasi ito at hindi maitatanggi na galing ito sa pag-iyak.

“Kain na tayo,” nakangiting sabi ni Katleya sabay kuha ng hotdog at itlog. Tiningnan niya ang mga kasamahan niya. “Humigop kayo ng sabaw, ha? Pinaghirapan namin ’yan ni Ate.”

Habang kumakain si Katleya, hindi niya mapigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata niya. Kahit ano ang pilit niya sa sarili niya na magpakatatag, hindi niya kaya. Dahil ang totoo, napakabigat ng nararamdaman niya.

“Kat? Ano’ng nangyari sa iyo?” pag-aalalang tanong ni Purple.

“Nasarapan lang ako sa pagkain. Nakakaiyak. Hindi ba kayo maiiyak sa sarap?” tanong niya sabay punas ng luha sa mga mata niya. Wala pa rin kasi itong tigil sa pagpatak.

“Kat. Sorry,” paghingi ni Blue ng paumanhin. Alam niya kasi na siya ang dahilan ng mga luha ng kaibigan.

“’Wag ka nga mag sorry. Hindi mo naman kasalan kung hindi mo ako mahal.”

“Kat. Sorry talaga.”

Tiningnan ito muli ni Katleya. “Wala ka ngang kasalanan. Nasasaktan lang ako. Mawawala rin ito. Maaaring tama ka nga na nakikita ko si Red sa iyo, pero sa tingin mo? Iiyak ba ako nang ganito kung wala kang lugar dito sa puso ko?”

Umusog si Blue para yakapin sana si Katleya ngunit pinigilan ito ni Black. Napatingin naman si Blue rito.

“Iyong galawan mong ganyan ang dahilan. Ihinto mo na 'yan kung hindi mo naman kayang panagutan,” sabi ni Black. Tumayo ito at tiningnan si Katleya sa harapan niya. “Tara na, umuwi na tayo.”

“Kuya,” mahinang sambit ni Katleya.

“Yellownora!” sigaw ni Black sabay hampas sa mesa. Tinuro niya ito. “Binalaan na kita noon pa. Wala akong pagkukulang sa pagpapaalala sa iyo.”

“Black, huwag mo naman sigawan! nasasaktan na nga ang tao,” pagpapaalala ni Purple.

“Ang tigas kasi ng ulo. Tapos ngayon, iiyak.” Tiningnan niya muli si Katleya. “Iligpit mo na ang gamit mo, ngayon na.”

“Sorry po,” sambit ni Blue.

Minuto ang lumipas, naligpit na lahat ni Katleya ang mga gamit niya. Pagtayo niya mula sa sahig, agad siyang niyakap ni Blue. Bubuwagin na sana ito ni Black ngunit pinigilan ito ni Purple.

“Mauna na ako, Pie,” pagpapaalam ni Katleya.

“Promise me, walang magbabago? Katleya? Please.”

Tumango ang dalaga. “Goodbye.”

Binitbit na ni Black ang gamit ni Katleya at sabay na silang tatlo magkapatid na lumabas.

“W-wait. May nakalimutan ako,” giit ni Black. Nagmamadali itong bumalik sa loob ng unit ni Blue. Lumapit siya sa kinaroroonan ni Grey. “Bebe girl, mauna na ako. Paalam.”

“Kuya, mag-ingat po kayo,” sambit ni Blue.

Lumapit dito si Black. “Sorry kanina.”

“Naintindihan po kita, Kuya.”

“Salamat. Kapatid ko kasi iyon. Masakit lang para sa akin na makita siyang nasasaktan,” paliwanag ni Black.

“Sorry po talaga.”

“Blue may hihilingin lang sana ako.”

“Ano po iyon, Kuya?”

“Layuan mo na si Kat. Dahil mas lalalim lang ang pagmamahal niya sa iyo kung patuloy lang pa rin ang pagkakaibigan niyo.” Tinapik niya ito. “You’re still my bayaw.”

Napangiti na lang si Blue sa sinabi nito at hindi na sumagot.

“Kuya Black,” sambit ni Grey.

Napalingon si Black dito. “Change it into bebe boy. We almost had our first s*x.”

“Kuya!” singhal ni Grey. Tinitigan niya ito nang masama, pero dahil nginitian siya nito kumalma ang puso niya at bumuntonghininga. “Okay. Bebe boy.”

Lumapit si Black dito para pisilin ang pisngi nito. “Ingat ka, bebe girl.”

Pag-alis ni Black, napatalon sa tuwa si Grey. Napatingin naman sa kanya ang dalawang kaibigan.

“Abo? Kayo na ba?” gulat na tanong ni Blue. “Kagabi lang iniyakan mo siya. May nangyari bang hindi ko alam?”

Napatawa si Green. “Ano’ng nangyari? Pumatol ka sa kapwa mo lalaki, Grey?”

“I love him,” mahinang sagot ni Grey sabay upo sa kama.

“Okay, buhay mo ’yan,” anang Green. “Pero, w-wait. Hindi ba girlfriend niya si Ate Fuchsia?”

“He lied to Ate Purple. Natakot kasi siya na mahusgahan. Inamin niya rin sa akin na kaibigan niya na talaga si Ate dahil doon siya nagtanong ng tungkol sa akin.” Napangiti si Grey nang maalala ang nangyari kagabi. “Basta ang sinabi niya sa akin, mahal niya rin ako.”

“Nangyari ba ito kagabi nang tulog kami?” Binigyan ito nang kakaibang tingin ni Blue. “Did you f*ck?”

Namumula si Grey. “Hindi, ah.”

“Nagsisinungaling ka!” natatawang sigaw ni Blue. Nakikita niya sa mga mata nito na hindi ito nagsasabi ng totoo.

“Yuck! So totoo ’yong nakita ko kagabi? Hindi lang ’yon dulot ng kalasingan?” tanong ni Green.

“Ang ano?” sabay na tanong nina Grey at Blue.

“Kagabi kasi, nagising ako. And I saw you and Kuya Black sa likod ng sofa. Non-verbatim, pero ito iyong narinig ko, mukbang tayo. Kainin mo ako, kainin din kita at agad kayong naghalikan. Natumba pa ako sa sahig noon dahil sa kalasingan. Pero bumalik din naman ako sa higaan dahil nahihilo talaga ako.”

Namumula ang mukha ni Grey at hindi na nakapagsalita pa. Itinulak ito ni Blue at inasar.

“Yuck! Ang bading niyo ni Kuya.”

“Stop it. Guys, please keep it a secret. Lasing kami niyon.”

“At ’yon may excuses? Lasing. Ahem.”

Nagtawanan sina Green at Blue at pinaghahampas ng unan ang kaibigan. Tinalunan pa nila ito para daganan.

“Ang bigat niyo. Hindi ako makahinga!” sigaw ni Grey.

“Ang landi mo kasi,” giit ni Blue.

“Pero paano si Katleya?” biglang tanong ni Grey dahilan para matahimik si Blue.

Tumayo ito at hindi na sumagot. Nahulog si Green dahil wala man lang pasabi ang kaibigan na tatayo ito. Pumunta si Blue sa kusina para uminom ng tubig.

“Blue, paano si Katleya?” malakas na tanong ni Grey.

“Kaya nga. Hindi mo ba talaga siya mahal?” tanong ni Green.

Humarap ito sa kanila. “Hindi talaga. Kahit pumasok pa kayo sa puso ko at pakinggan ang pintig nito, walang salitang Katleya rito.”

“Pero paano siya? Gusto ka niya na higit pa sa isang kaibigan?” tanong ni Grey.

“Hindi ko alam. Maaaring tama nga si Kuya Black. Lalayuan ko na lang talaga si Katleya.”

“Pero paano iyong pangako mo kay Red?” pagpapaalala ni Green.

“Tama. You promised him na alagaan mo ang prinsesa niya,” saad ni Grey.

“Pula will understand me. Nasasaktan din naman ako sa nangyayari. Mahal ko si Katleya, pero bilang kapatid at kaibigan lang. Hindi ko naman mapipilit ang puso ko na mahalin din siya nang katulad ng pagmamahal niya sa akin.”

“Blue, baka magsisi ka sa huli kapag makahanap na siya ng iba,” wika ni Green.

“Iyon nga ang hinihiling ko. Sana makahanap siya ng iba, para puwede ko na siya muling makasama.”

“Ewan ko sa iyo. Magligpit ka na. Mabuti naman naisipan mong umuwi.”

Napangiti na lang si Blue at hindi na sumagot pa. Oras ang lumipas, naligpit na ni Blue ang ibang gamit niya. Nag-iwan din siya ng ibang kagamitan dahil alam niya sa sarili niya na babalik siya rito. Malaki ang parte ng condo na ito sa mga panahong sobrang lungkot niya. Kasama si Katleya na kailanman hindi siya iniwan na mag-isa.

•••

“Welcome back, Blue,” sambit ni Crezelda sabay yakap sa anak niya.

“Nak,” sambit ni Zander na sumali na rin sa yakapan ng mag-ina.

“Na miss ko po kayo,” naluluhang sabi ni Blue.

“Kami rin lahat. Salamat at umuwi ka na,” naluluhang sabi ni Crezelda dahil sa saya.

“Huwag kang mag-aalala sa Tita Belinda mo, Blue. Binalaan ko na siya,” ani Zander.

Tumaas ang kilay ni Crezelda. “Dapat lang. Dahil kung uulitin niya ang ginawa sa anak natin. Hindi ko alam kung ano pa ang magagawa ko sa kanya.”

Inakbayan ni Zander ang asawa niya. “Pasensyahan mo na si Belinda.”

“Huwag na natin pag-usapan ang kambal mo. Kumukulo lang ang dugo ko,” giit ni Crezelda.

Nagpakawala lang nang malalim na hininga si Zander. Kambal niya pa rin kasi iyon. At sobrang mahal niya ang kambal niya kaya agad niya rin itong napatawad sa ginawa nito sa anak niya.

“Dinala mo sana si Katleya rito, Blue,” wika ni Crezelda.

“Next time po,” sagot ni Blue. Hindi na lang niya sinabi ang totoong nangyari tungkol sa kanilang pagkakaibigan ni Katleya.

“Okay.”

“Sa kuwarto na muna ako, Mom at Dad,” pagpapaalam ni Blue.

Pagpasok ni Blue sa kuwarto niya ay siyang pagtulo ng luha sa mga mata niya. Mahigit dalawang taon din na hindi niya ito nakita. Na miss niya ang lahat na meron dito. Dahil marami silang masasayang alaalala ni Red sa kuwartong ito.

“Pula, nasaktan ko si Katleya. Hindi ko naman kasi alam na darating pala sa punto na mahuhulog siya sa akin. Hindi ko naman kayang turuan ang puso ko na mahalin siya na higit pa sa isang kaibigan. Kaya ngayon pa lang ay humihingi na ako ng kapatawaran sa iyo. Lalayuan ko muna siya, pero pangako ko sa iyo na mananatili pa rin ang mga mata ko sa kanya,” sambit niya sa larawan ni Red na nasa harapan niya. 

•••

Limang araw ang lumipas. Hindi na nag-uusap sina Blue at Katleya. Kapag nagsasalamuha sila sa daan, umaarte silang hindi magkakakilala. Masakit para sa kanila ang ginagawa nila, pero para sa kanila, ito ang dapat na gawin.

Nakatira na si Rosa sa mansion ng Montenegro at tinupad talaga ni Blue ang pangako niyang aalagaan ito. Bumawi siya sa mga panahong wala sa tabi ng mahal niya.

Sina Black at Grey, nanatiling matatag ang komunikasyon. Humingi na rin si Black ng permiso sa kaibigan niyang si Fuchsia na ligawan ang kapatid nito. Kahit alam ni Grey na mahal nila ang isa’t isa ni Black, hindi pa rin niya ito sinasagot. Gusto pa niyang mas kilalanin ito bago pumasok sa isang relasyon.

Papasok si Katleya ng cafeteria para mag-lunch. Pagpunta niya sa counter, nanlaki naman ang mga mata niya nang makita si Blue. Nang magtama ang mga mata nila, agad yumuko ang dalaga. Limang araw na rin ang lumipas nang hindi sila nagpapansinan.

Nanlaki naman ang mga mata ni Katleya nang mayroong inabot si Blue na isang tray na puno ng pagkain. Umiling ang dalaga para tumangi ngunit natawa lang si Blue sa ginawa nito. Nagulat na lang si Katleya dahil may ibang kamay ang tumanggap nito. Pagtingin niya, si Selena, kaya kumirot ang puso niya.

“Sorry, Katleya. Pero para ito sa akin. Mauna na ako. Bye, babe!” anang Selena sabay halik sa pisngi ng binata.

“Susunod lang ako, babe,” sagot ni Blue na mas lalong nagpakirot sa puso ni Katleya.

Pag-alis ni Selena...

“Kayo na?” tanong ng dalaga. Sa limang araw na lumipas, ito ang muli nilang pag-uusap.

Tumango ang binata. “Oo. Ano? May bibilhin ka pa ba? Kung wala na, tumabi ka muna. Nakaaabala ka sa naghihintay sa likuran.”

Hindi nakasagot si Katleya at natulala na lang dahil sa ugaling pinapakita ni Blue sa kanya.

“Sorry,” mahinang sagot ni Katleya.

“Wala kaming tinda na sorry rito. Kung wala ka ng ibang bibilhin. Lumabas ka na muna. Sinasayang mo lang ang oras ko.”

“Meron pa,” mabilis na sagot ni Katleya.

“Ano?”

“Ito,” sagot ni Katleya sabay sampal nang malakas sa mukha ni Blue.

Napalingon ang lahat ng tao sa cafeteria dahil sa ginawa ni Katleya.

“Gusto mo pa akong sampalin?” tanong ni Blue. Kinuha niya ang kamay ni Katleya. “Sige, sampalin mo pa ako! Sampalin mo pa ako hanggang sa magsawa ’yang kamay mo.”

Sinampal muli ito ni Katleya. “Masaya ka na sa pinaggagawa mo?!” sigaw niya. Nangingilid na ang luha sa mga mata niya.

Dumating sina Green at Grey at pinigilan ang dalawa.

“Ano’ng nangyari?” pag-aalalang tanong ni Grey.

Tiningnan ni Blue si Katleya. Makikita ang galit sa mga mata niya. “Bakit parang kasalan ko pa na hindi kita mahal? You can’t beg that love to me. Hindi ako si Red na kaya kang mahalin!”

Inawat ito ni Green. “Blue, sumusobra ka na. Nakakasakit ka na.”

Lumapit si Grey kay Katleya para ilayo ito kay Blue ngunit nagmamatigas ito. Gusto niyang marinig ang sasabihin ng binata.

“Ano’ng sumusobra? Dapat marinig niya ’yan nang paulit-ulit. Ang dami pa namang lalaki sa mundo, bakit pa ako na hindi siya gusto!”







~~~

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 27.7K 41
I'm happy with my life. I can't ask for anything. I'm happy with my brother. We grew up together. And he's everything I have. If only We're related t...
2.4M 59.1K 51
Warning: SPG | R-18 | Mature Scene Poly Series #1: Anastasia Stanford Si Anastasia ay isang ulilang bata. Hindi na niya nasilayan ang mga magulang d...
1M 29.5K 31
Swift Twins: Shinrei Swift SPG | R-18 Started: September 06, 2020 Ended: January 01, 2021 Cover Designer: @MISCHIEVOUSBTCH (Keev)
813K 14.4K 25
COMPLETE GideonxMandy