The Cavaliers: DREW

Von mydearwriter

213K 5.1K 183

The Cavaliers Book 2 Iniwan na naman si Drew ng jowa. Laging ganun ang eksena. Siya ay laging inaayawan dahil... Mehr

CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
EPILOGUE

CHAPTER SEVEN

10K 265 5
Von mydearwriter

CHAPTER SEVEN

NANLAKI ang mga mata ni Stella nang dumapo sa labi niya ang labi ni Drew. Pero agad din siyang napapikit dahil in fairness, magaling humalik ang lalake! At para siyang may automatic button, dahil kusa siyang tumugon!

“Ngayon mo sabihin sa akin na wala kang nararamdaman sa akin,” narinig niyang pahayag ni Drew pagkatapos ng halik.

It took her ten seconds para mabawi ang composure. “It was just a kiss,” buong yabang niyang sagot. Ano pa ba ang dapat niyang gawin para mapagtakpan ang hiyang nararamdaman?

Gusto niyang sumbatan ang lalake. Ang sabi nito ay magdi-dinner lang sila sa Mall of Asia pero pagkatapos nilang kumain ay niyaya siya nitong maglakad-lakad sa may CCP Complex. Hindi naman siya tumanggi dahil ilang araw din silang hindi nagkita at akala niya ay natanggap na ng lalake ang gusto niyang arrangement- na friends lang sila. Pero may iba pala itong balak! Hinalikan na lang siyang bigla at ngayon ay pilit na pinapaamin sa tunay niyang nararamdaman!

“Look, Stella, ayoko nang magpaligoy-ligoy pa tayo. It’s either you take me as your boyfriend or we end this here, right now. Sabi ko naman sayo, ayoko ng kaibigan lang. I want a real relationship.”

“Bakit ba ang hirap mong umintindi? Sinabi ko na sayo ang dahilan, di ba?”

“And it’s unacceptable!”

“Sayo siguro, unacceptable. Pero sa amin ay totoo yun. Ayokong mapahamak ka dahil sa akin.”

“Hindi ako mapapahamak, trust me. Kalimutan mo na ang sumpa, please?”

Hirap na hirap ang kalooban ng dalaga dahil gusto naman talaga niya si Drew pero bumabalik talaga sa kanya ang sinabi ng lola niya- na isinumpa ang kanilang angkan. Kung totoong mahal niya ang lalake, hindi niya ito hahayaang mamatay na lamang.

“Drew…. sinabi ko naman sa’yo…”

“At sinasabi ko rin sayo ngayon- once you decide to stick to that crazy idea na hindi ka puwedeng makipag-boyfriend or mag-asawa dahil sa sumpa, I’m sorry. Pero hindi na rin kita pipilitin. Lalayo na ako at hindi mo na ako makikita.

“Tinatakot mo ako?”

“Natatakot ka ba?”

Shit. Gusto niyang sapakin ang lalake! Magaling ito sa psychological war! Natural, military e. Sanay sa interrogation!

“Bakit hindi ka makasagot?” Hinawakan ni Drew ang magkabilang pisngi niya. Nakita marahil nitong nahihirapan din siyang magdesisyon. “I’m sorry, hindi ko na rin kasi alam ang gagawin ko. Mahal kita, Stella. Sana lang maintindihan mo yun.”

Sa narinig ay hindi tuloy niya napigilan ang pagtulo ng mga luha. “M-mahal din naman kita. Pero natatakot ako.”

“Shhhh…..” Niyakap siya ni Drew. “Huwag kang matakot, hindi kita pababayaan. At hindi ako mawawala sa’yo. Promise.”

Sana nga. Sana nga. Yumakap siya sa lalake and offered a silent prayer.

“ABA, ang aga mo yata ngayon!” puna ni Mavi nang dumating ito mula sa trabaho. Hanggang alas-siyete ng umaga ang duty ng babae.

“May lakad kasi ako.” Ngumiti siya habang nagkakape.

“Alas-otso ng umaga? On a Saturday? May lakad ka?” Ibinaba ni Mavi ang bag nito saka kumuha ng mug para magtimpla ng kape. “Anong meron?”

“Dadalhin ako ni Drew sa Malacanang Park mamaya.” Hindi niya napigilan ang sarili. She was just too happy! “Ipapakita niya sa akin ang quarters nila.”

“Ha? Kayo na ba?” Natigilan si Mavi. Pati ang hawak nitong kutsara ay nasa ere. At dahil hindi siya nag-deny, agad na napatili ang babae. “Oh my God! Kayo na nga! Kayo na nga!”

“Hoy wag kang maingay baka magising ang mga kapitbahay!” Sinaway niya ang housemate, bagama’t nakangisi din siya.

“Kelan pa?” Nagpatuloy na ito sa pagtimpla ng kape.

“Noong isang araw lang.”

“Hindi mo man lang sinabi sa akin, maldita ka!” Nagkatawanan silang dalawa. “Naglihim ka pa! Ayan o, kinikilig pa!”

“Siyempre gusto kong sabihin sayo ng personal. Hindi kasi tayo nagkakaabutan lagi.”

“So, hindi ka na naniniwala sa sumpa?” Umupo ito at kumuha ng tasty bread at Chiz Whiz.

“Hindi ko rin alam. Natatakot pa rin ako. Kaya nga dinoble ko ang level ng pagdadasal.”

“Okay yan. Wala namang hindi nakukuha sa dasal e.”

Mayamaya ay tumayo na ang dalaga para maligo. Alas-diyes pa naman siya susunduin ni Drew pero gusto niyang makapag-ayos ng mas maaga. Para hindi siya nagmamadali at natataranta.

Isang baby pink na tshirt at kupas na jeans na hapit sa katawan ang pinili niyang isuot. Nag-rubber shoes lang din siya dahil ayaw niyang sumakit ang mga paa kapag napasabak ng lakaran. Itinali niya ang kanyang buhok at naglagay ng stud earrings. Pulbo at lip gloss lang din ang ginamit niya. By nine thirty ay nakatanggap siya ng text message mula kay Drew- malapit na raw ito sa apartment nila. Alam niyang laging nasa oras ang lalake kaya nga minabuti niyang gumising ng maaga dahil baka mas maaga itong dumating. Nang marinig niya ang ugong ng sasakyan sa labas ay nagwisik muna siya ng Johnson’s Baby Cologne saka lumabas.

“Hi pogi!” bati niya kay Drew. He was wearing a yellow shirt na may nakalagay na UCLA saka faded jeans. Bagong ligo ang lalake at naaamoy niya pa ang sabong ginamit nito. Safeguard!

“Bolera!” natatawa ang lalake nang alalayan siyang sumakay ng kotse.

“Ayaw mong tawagin kitang pogi?” tukso niya.

“Huwag kang masyadong maingay, baka marinig ng iba. Baka agawin ako sayo.”

“Ang yabang mo!” Kukurutin sana niya si Drew pero nahawakan nito ang kamay niya at mabilis na hinalikan.

“I love you!” anito bago tuluyang pinaandar ang kotse. Pakiramdam naman ni Stella ay natunaw ang puso niya.

Ganito ba talaga ang ma-in love? Hindi pa rin siya makapaniwala sa bilis ng pangyayari. Na sila na nga ni Drew- at eto- maya’t maya ay kinikinditan siya at sinasabihan ng I love you. Feeling niya ay nanghihina na ang tuhod niya.

Pagdating nila sa Malacanang Park ay agad silang sinalubong ng ilang kasama ni Drew. Isa-isang ipinakilala sa kanya ng lalake ang mga kasama.

“Buti at sinagot mo na itong si Drew. At least hindi na siya natutulala sa gabi,” hirit ng isang nagngangalang Jiggs.

“Hindi mo na ba babawiin ang sagot mo?” tanong naman ng isa pang lalake.

“Uy, tama na yan ha. Nakakarami na kayo!” awat sa kanila ni Drew. Halatang bigla itong nahiya dahil nakita ni Stella ang pamumula ng lalake. “Halika na nga doon sa labas. Huwag mong pansinin ang mga yan, makukulit talaga yan!”

“Pare-pareho lang yata kayo e,” biro niya sa nobyo. He was now holding her hands.

“Hindi ha. Mabait ako.” Ngisi ni Drew. “Doon tayo banda.”

Itinuro ng lalake ang tila open cottage na nakaharap sa may Pasig River. May dalawang mahabang bench doon saka maliit na table. May bubong iyun kaya kahit mainit ay may lilim.

“Dito kami usually nagpapahinga or tumatambay kapag nandito lang kami. Kapag naka-standby lang. Yosi area ito ng mga boys,” paliwanag ni Drew.

“Ayos dito ah.” Nagandahan siya, in fairness. May

“Romantic dito kapag gabi. Kaso, may curfew ang mga bisita. Hanggang alas-diyes lang.” Magkatabi silang umupo at awtomatikong umakbay sa kanya ang lalake. Hindi na siya umangal.

“Madami ka na bang nadalang babae dito?” Naisipan niyang itanong bigla. Hindi agad nakasagot si Drew. “Hindi naman ako magagalit,” aniya.

“Well, may mga dumalaw na.” Nakita ng dalaga na tila tinitimbang pa ng lalake ang sasabihin. “Ganito na lang para fair….”

“Ano?” gusto niyang matawa dahil sineryoso ni Drew ang tanong niya.

“Wala nang ibang babaeng tutuntong dito kundi ikaw lang.”

“Ows? Ikaw ang bolero e!”

“Hindi. Totoo ang sinasabi ko. Ikaw na ang huling babaeng makakasama ko dito.”

“Huwag ka ngang ganyan. Para ka namang….” Hindi niya naituloy ang sinasabi dahil para siyang kinilabutan. Iba kasi ang interpretasyon niya sa sinabi ni Drew kaya niyakap na lang niya ang lalake.

Pagkatapos nilang mamasyal sa loob ng Malacanang Park ay nag-lunch sila sa Robinson’s Place sa Malate saka nanood ng sine. Natuklasan niyang mahilig palang manood ng mga romantic movies si Drew, which was a surprise. Akala kasi niya ay action ang hilig nito. Sinabi niya iyun nang palabas na sila ng Movieworld.

“Mahilig din ako sa action at mga suspense thrillers. Pero siyempre, mas gusto ko yung natutuwa ako. Yung pangpa-relax lang.”

“Buti may oras kang manood ng sine.” Ipinaliwanag na kasi ng lalake na mahirap ang schedule nito. Sinabi din ni Drew sa kanya na habaan ang pasensya dahil pabago-bago din ang day-off nito kaya baka may mga pagkakataon na hindi siya nito mapuntahan.

“Nakakapanood lang naman talaga ako ng sine kapag hindi ko duty, tulad ngayon. Kadalasan ay sa DVD lang ako nanood. Kami ng mga kasama ko, yan ang pampalipas-oras namin sa quarters.”

“Paano yung mga kasama mo na may mga asawa na? E di hindi sila nakakauwi sa kanila? Kasi lagi kayong naka-standby.”

“Nakakauwi naman sila kapag weekend. Yung may mga pamilya sa probinsya, e di pag break. Nakakahingi naman ng bakasyon kapag puwede e.”

“Pero kapag red alert, hindi puwede?”

“Siyempre hindi. Ganun talaga e. Hindi naman ordinaryong tao kasi ang boss namin.”

Hindi na umimik ang dalaga.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

606K 19.8K 39
Gagawin ni Dra. Janine Palma ang lahat mailigtas lamang ang nakidnap niyang anak kahit nangangahulogan pang lapitan niya ang pinakahuling lalaki sa m...
39.2K 757 41
Second chance was only given to those who deserves it. So what if, someone will be back from your past? Asking for another chance... Will you give it...
545K 12.1K 29
Caleb wanted and longed for a child and a beautiful family. Kaya ginawa niya ang hindi hassle na paraan para matupad iyon: he purchased a wife. But i...
379K 7.2K 10
Iris Anne Cordova came back to the Philippines for her son. Gusto na kasi ng anak niyang makilala ang ama nito, even though she wasn't sure how would...