Bituin

By m1ssshealer

155 28 8

I don't know why but sometimes, THE WORLD IS SO UNFAIR. Pero minsan kahit na gaano ka unfair kailangan mong a... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6

Chapter 4

14 4 1
By m1ssshealer

Kinabukasan pag gising ko ay bangag akong nagprepara para pumasok. Madaling-araw na ko nakatulog kakaisip sa nangyari kahapon. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ito. Mabilis akong nagprepara kahit na antok na antok pa rin ako.

Wala na si mommy pagbaba ko pero nandun pa si daddy kaya nagtaka ako kung bakit hindi pa siya naalis.

"Good Morning dad! Where's mom?" tanong ko nang makalapit at hinalikan niya naman ako sa noo.

"Maagang umalis ang mom mo dahil meron pa daw siyang hindi natatapos na gawain, sinabi ko na ngang magsaba'y na kami pero mahalaga daw at nauna na siya." pageexplain niya kaya nama't hindi na ako nagtanong pa.

Pagkatapos mag almusal ay nauna na din si dad na umalis, hindi niya na ako isasabay dahil masyadong maraming ginagawa. Ako naman ay inihatid na ni Mang Jun papunta eskwelahan.

Nang makapasok sa room ay wala pa si Lili, tanging si Alma at si Ramon pa lang ang nandoon. Pero maya maya lamang ay dumating na rin si Lili at hinihingal pa dahil akala niya siguro'y late na siya.

Mabilis na natapos ang pang-umagang klase namin kaya narito kami sa cafeteria para kumain. Ayoko sanang sa cafeteria kumain dahil baka makita ko nanaman sila Blake, ngunit hindi nga ako nagkakamali pagka-upo pa lang namin sa lamesa ay bigla silang pumasok tatlo, kasama 'niya ang dalawa niyang madalas na kasamang kaibigan. Agad naman akong nataranta at hindi alam ang gagawin at napansin ata 'yon ni Lili kaya agad niya kong sinipat.

"Are you okay Chlo?" takang tanong niya.

"Ofcourse bes!" pagkukunwari kong sinabi kahit na ang totoo ay gusto ko ng lumabas ng cafeteria dahil ayaw ko siyang makita. Tiningnan naman ako ni Alma at Ramon na para bang nang-aasar na mga tingin at agad ko naman silang tinaasan ng kilay at pinagpatuloy na lang ang pagkain.

Nakatuon ang atensiyon ko sa pagkain ng biglang may lumapit 'samin at nagsalita.

"Pwede ba kaming maki-upo?" tanong nung isa sa mga kaibigan ni Blake at nagulat ako nung nilingon sila dahil tatlo silang nakaharap sa harapan namin ngayon na makiki-upo. Tinignan ko ang buong cafeteria at medyo marami ngang tao at wala ng masyadong ma-upuan, tanging dito na lang sa lamesa namin ang bakante pa.

"Omaygosh! Sure! Anuba kayo!" intrimitida at nangunguna namang sagot ni Ramon sa kanila kaya naman pinanlakihan ko siya ng mata ngunit etong bading na 'to ay patuloy ang pag welcome sa kanila. Kinikilig pa si Ramon na umusog at lumipat naman sa tabi ko si Alma at pinagitnaan nila ako ni Lili. Sa harap namin ay ang tatlo at Ramon na katabi rin nila. Humanda ka 'sakin mamaya.

Hindi ko tinitignan sila Blake at pinagpatuloy lamang ang pagkain, pero ramdam ko naman na ang paningin niya ay nakatuon 'sakin. Habang kumakain ay masyadong madaldal si Ramon at kung anu-ano ang sinasabi sa 'kanila. Hindi ko sila magawang tingnan at kung saan-saan ko naman tinutuon ang pansin ko.

"Kawawa naman ang manok" natatawang bulong sakin ni Alma at napatingin naman ako sa kanya na may pagtataka.

"Huh?" bulong ko rin at sinadya ko ito para hindi marinig ng nasa harapan namin.

"Kako yung manok kainin mo at wag gutay-gutayin" natatawang aniya kaya naman napatingin ako sa pagkain ko na kanina ko pa pala napaglalaruan. OMg! Ang sama ko.

"Ikaw ha may 'hindi ka chinichika" bulong niya ulit at kinabahan naman ako sa sinabi niya.

"Ano naman 'yun?" kunwari ko pang tanong.

Nginitian niya naman ako ng kanyang mapang-asar na ngiti at sinubukan ulit kumain. Nang maisubo ko ang isang kutsara ay nailang nanaman ako dahil feeling ko ay may nanonood 'saking kumain. Ngunit agad namang nabaling ang atensiyon ko kay Lili na kalabitin niya ko at akmang susubuan ng Carbonara na kanyang kinakain. Tinanggap ko namn ito at sinubo kaya nagtawanan kaming dalawa. Madalas niya itong gawin 'sakin, kahit na hindi ako kumakain ng Carbonara at 'ito ang pinaka-ayaw kong kainin ay kakainin ko ito tuwing binibigyan at sinusubuan niya 'ko. Napaka cute niya talaga at inosenteng-inosente. Kaya mahal na mahal ko ang isang ito. Tumawa din si Alma na nasa kabilang gilid ko at akmang magpapasubo rin kay Lili at kunwari naiinggit. Sa lahat ng pagkain ay ito ang pinaka ayaw ko ang pasta,carbonara at something may mayonnaise. Hindi ko alam kung bakit ayaw ko sa mga lasa na 'yon. Favorite naman 'yon ni Lili kaya pag siya ang nagbibigay ay tatanggapin ko.

Patuloy pa rin kami sa pagkain at napalingon naman ako sa harap ko at laking gulat ko ng nakatingin rin si Blake 'sakin kaya agad akong nagiwas ng tingin. Si Ramon naman ay kumakain din at maharot na nakikipag usap sa mga kasama ni Blake.

Nang hindi ko na maubos ang pagkain ay inabot ko ito kay Ramon.

"Ramon, ayoko na" madalas kasing hindi ko nauubos ang aking pagkain at si Ramon naman ang madalas na umubos nito. Hindi ko alam kung masyado lang ba talaga akong mabilis mabusog o wala lang talaga akong gana ngayon.

"Sinasabi ko na nga ba" maarte namang sabi ni Ramon pero tinanggap niya naman ang pagkaing binigay ko at kinain.

Ramdam ko pa rin ang titig ng mga ibang estudiyante na kumakain lalo na ang lalaking nasa harap ko kaya naman wala akong magawa kundi yumuko at nagkukunwaring wala lang 'iyon.

"Hindi mo ba gusto ang pagkain dito?" biglang tanong ni Blake na ikinagulat ko kaya napalingon kaming lahat sa 'kanya. Hindi ko alam kung sa'kin niya ba tinatanong pero dahil ang mata niya'y nakatuon sakin ay sumagot ako.

"Hindi naman." maikling sagot ko pero dinagdagan pa ito ni Ramon.

"Hindi naman Blake, madalas lang talagang ganyan yan si Chloe. Hindi niya lagi nauubos ang pagkain niya at laging ibinibigay sa'kin ang tira." tugon naman ni Ramon at natuon sa 'kanya ang pansin ni Blake. Nang matapos iyong' sabihin ni Ramon ay natuon nanaman 'sakin ang paningin ni Blake at tila may pagtataka.

"Nag da-diet ka ba?" tanong niya pa rin at agad naman akong umiling.

"Bakit hindi mo laging inuubos ang pagkain mo?" tanong niya pa rin kaya ang buong atensiyon ng lahat ay na 'sakanya.

"Uhm- ano mabilis lang siguro akong mabusog." maikling sagot ko naman sa'kanya ngunit ang ekspresiyon niya ay hindi pa rin nagbabago at tila'y marami pa ring gustong itanong.

"Lagi kang kumain ng marami para laging malakas ang resistensiya mo at hindi ka magkakasakit." Sagot niya at natigilan ako kaya siniko naman ako ni Alma at nag-ngising aso naman ang mga kaibigan niya at nanunuksong tingin naman ang iginawad 'sakin ni Ramon habang si Lili ay hindi masyadong maintindihan pero nakangiti 'sakin. Buti pa ang isang ito ay inosente at cute lang. Hays!

Hindi ko na siya sinagot at tinanguan lang. Si Ramon naman ay nang-aasar pa rin at medyo kinukulit naman si Blake at madaming sinasabi.

Habang patuloy pa'rin ang asaran ay may kumalabit sa'kin na hindi ko masyadong kilala at ng nilingon ko siya ay bigla siyang nag-abot ng Chocolate at flowers na ikinagulat ko.

"Uhmm miss pinapabigay po nung Kaibigan namin, nahihiya po kasing lumapit kaya ako ang napag-utusan hehe" nahihiya habang kumakamot pa sa batok ang nagbigay at tinuro naman niya ang isang mesa na nakatingin 'samin ang mga naka-upo doon at yung itinuro niyang nagpapabigay daw ay hindi magawang tingnan ako sa mata at tila hiyang hiya.

"Wow! Haba ng hair ni Coco. Uhm kuya pasabi sa nagpapabigay niyan ay sa susunod ay siya mismo ang lumapit dahil ang pinaka ayaw kamo netong si Chloe ay yung torpe!" singit naman ni Ramon kaya pinanlakihan ko siya ng mata at binalingan ulit ang lalaki.

"Ahm pakisabi salamat, hindi naman kailangan nito" nahihiya ko pang sabi at tumango naman siya.

"Ahh sige po sasabihin ko po sa kanya pati na rin po ang sinabi niya" aniya habang tinuro naman si Ramon. Nang maka-alis naman yung lalaki ay agad inusisa nila Alma,Lili at Ramon ang binigay na bulaklak at tsokolate. Napatingin naman ako sa aking harap at madilim ang mata naman ang sinalubong 'sakin ni Blake at nakita kong tiningnan niya din yung mesa kung saan nagtungo ang nagbigay. Iniwas ko naman agad ang mata ko 'sakanya at naki-usisa naman kila Ramon.

Madalas ay ganito kapag may nagbibigay 'sakin ng ganito ay madalas sila ang kumain ng bigay. Marami din naman ang nagbibigay kay Lili at Alma pero madalas ay 'sakin. Kaya naki-usisa rin ako sa tatlo na tinitignan ang mga rose at isang malaking ferrero rocher na binigay 'sakin. May note ito sa bulaklak at agad ko naman itong kinuha.

Hi Yvaine Chloe,
Matagal na kitang gusto pero sadyang torpe lang talaga ako, sana magustuhan mo ang simpleng regalo ko para 'sayo!

Hindi nakasulat ang pangalan ng nagbigay, kinuha naman ito sa kamay ko ni Ramon at binasa rin.

"Iba talaga pag may mga kaibigang maganda, Laging may pa chocolates, BONGGA!" Sabi naman ni Ramon at tinawanan lang namin siya. Ngunit si Blake ay nanatiling seryoso ang mga mata at hindi nakikitawa.

Nagring na ang bell hudyat na tapos na ang Lunch ngunit si Blake ay nanatilinpa ring tahimik at hindi ko na lang ito pinansin. Nagpa-alam na kami sa 'kanila ngunit matalim pa rin ang mga mata nito hanggang sa pumasok na kami sa kanya kanyang classroom.

"Nakita niyo ba yung mata ni Blake? Parang nagseselos nung binigyan si Coco ng flowers at chocolate" nakangiting kwento 'samib ni Ramon at napatingin naman ako sa 'kanya.

"Anong pinagsasasabi mo jan? May girlfriend yung tao" singhal ko naman agad sa kanya.

"Anong girlfriend? Single yan bes at kalat na kalat 'yon!" sabi niya rin sakin at nagtaka naman ako.

"Kung wala, eh sino yung nasa ig story niya? Hindi ba't girlfriend niya yun?" takang tanong ko rin sa 'kaniya at ngumisi naman ito 'sakin.

"Halatang may pag stalk na naganap ha Coco?" Aniya saba'y tawa at sinabayan pa ni Alma kaya naman inismiran ko lamang sila.

"Hindi ah, naclick ko lang at nakita" pagdedepensa ko sa sarili pero ang dalawang ito ay nang-aasar pa rin.

"Kung ganoon baka naman ay ex niya na yun, narinig ko kasi na iniwan daw yan ng naging jowa niyan" pag chichismis naman ni Ramon.

Hindi ko na nadugtungan pa ang kwento niyang yun dahil pumasor na ang aming teacher at tulo'y tuloy ang pagdidiscuss hanggang sa mag-uwian na. Wala kaming practice ngayon kaya maaga akong makakauwi at panay ang lingon ko kung saan.

"May hinihintay bes?" makahulugang tingin ang ginawad sakin ni Lili kaya umiling ako at hindi na siya pinansin.

Hindi ko alam kung bakit hinahanap ko si Blake, dahil sa sinabi ni Ramon kanina ay napa-isip ako, bat nga ganun siya makatingin? Nagseseos ba siya? Eh hindi pwede yun. Hanggang sa nagpa-alam na ko sa tatlo at nakauwi sa bahay ay laman pa rin siya ng utak ko. HAY CHLOE STOP IT!

Nang makapasok sa bahay ay bumungad 'sakin si daddy sa sala kaya naman lumapit ako sa 'kanya at hinalikan niya ko sa noo.

"Where's mom, dad?" tanong ko.

"Gagabihin daw ang mommy mo dahil masyadong maraming project at hindi pa daw siya natatapos. Sinabi ko na ngang hihintayin ko siya pero marami daw 'iyon kaya pinauna niya na ko." pag eexplain niya kaya naman tumango ako. Masyado yatang busy si mom ngayon.

Nagpa-alam na ko kay daddy at umakyat na sa kwarto ko. Ginawa ko lang ang ibang assignments namin at nagreview para sa mga susunod na tatalakayin.
Maaga naman din akong nakatulog at hindi ko namalayan.

Kinabukasan ay medyo tanghali rin akong nagising. Siguro dahil kulang ang tulog ko kahapon. Sabado ngyon kaya naman walang pasok. Pagbaba ko ay wala na daw sila mommy at daddy sabi ng aming mga maids at maaga daw umalis.

Pagkatapos kumain ay naisipan kong bumili ng nga kakailanganing gamit para sa aming proyekto. Minessage ko ang tatlo sa aming group chat pero may kanya kanyang ginagawa ang mga ito at sinabi ko naman na okay lang.

Hatid ng driver ay nagpuntaa ako sa malapit na mall. Habang nagtitingin ng kung anu-ano sa bookstore ay nakita ko si Blake at agad naman akong umiwas para hindi niya makita. Small World huh!!

Sinilip ko siya ng konti at seryoso ang mukha niyang tumitingin ng mga gamit. Mabilis kong binayaran ang mga pinamili ko at mabilisang lumabas ng bookstore.

Hindi na ko nagtingin-tingin pa ng kung anu-ano at mabilisan nang pumunta kung saan naka park si Mang Jun. Kaso masyado pang maaga at wala naman akong gagawin ay sakto napadaan kami sa isang parke ay nagpababa ako kay Mang Jun at sinabing Itetext ko na lang siya kung susunduin niya ako.

Walang masyadong tao sa parke, pumunta ako sa may duyan at doon naisipang pumwesto. May nagtitinda ng mga street food at kung ano sa di kalayuan. May ibang mga bata na naglalaro pero kakaunti lang. Nilabad ko ang cellphone ko at pinicturan ang tanawin at tsaka ko inistory at cinaptionan na "happy place". Dahil kadalasang pumupunta sa parke ay para maglibang at magsaya, kadalasan pa ay mga bata at ito ang kanilang happy place.

Sa kalagitnaan ng pag mumuni-muni ay may tumabi sa katabing duyan na kinaroroonan ko at laking gulat ko ng lingunin ko ito. Si Blake.

"Omaygosh! What are you doing here?" hindi mahimigan ang gulat sa boses ko ng tanungin ko siya.

"I want to be happy so i came here." sagot niya na ikinagulat ko. Kitang kita sa kanyang mga mata ang lungkot kaya naman isinantabi ko ang tampo ko sa kanya nung mga nakaraang araw. Pero bakit ba ko nagtatampo? Psh. Weird Chloe.

"Why are you sad?" halos napapaos ko pang tanong sa kanya dahil halata sa mukha niya ang lungkot. Hindi niya naman sinagot ang tanong ko at bumuntong hininga lang.

"You can tell me your problems. Hindi kita ija-judge, but if you don't want to tell me it's okay" mahina ko pang dagdag dahil baka malala nga ang problema niya at nirerespeto ko naman kung ayaw niyang sabihin.

"Katatapos ko lang mag try mag-audition sa pagkanta, kaso sadyang kulang pa siguro ako sa feelings kaya hindi ako natanggap. Infact wala namang matutuwa kapag natanggap ako kaya hindi ako masyadong ginanahan pero okay lang." pagsisimula niyang kwento kaya naman napatingin ako sa kanya at bakas na bakas pa rin ang lungkot.

"Paano mo naman nasabing walang matutuwa?"taka namang tanong ko sa kaniya.

"Ayaw nila mom and dad na maging musikero ako, hindi iyon ang gusto nila para 'sakin." pageexplain niya naman at bigla din akong nalungkot. Alam ko kasi ang pakiramdam. Binuksan ko sa ang bag ko at nilabas ang dalawang lollipop. Inalok ko sa kanya ang isa at nilingon niya lang ito at 'tila nagtataka.

"Lollipop, nakakatanggal ng lungkot yan. Tuwing 'malungkot ako ay kumakain ako niyan at nababawasan ang lungkot ko" sabi ko sa kaniya at sinimulan ko naman buksan yung sakin. Hawak niya pa rin yung bigay kong lollipop at 'tila walang balak kainin. Kaya naman kinuha ko ulit sa kanya ito at ako na mismo ang bumukas para sa kanya. Tinapat ko to sa mukha niya at kinuha niya naman din.

"May mga kaibigan ka naman hindi ba? Alam kong matutuwa sila at susuportahan ka" sabi ko pa para mabawasan ang lungkot niya.

"Besides may girlfriend ka rin para matuwa sayo." dagdag ko pa at nilingon niya naman ako.

"I don't have a girlfriend.Paano mo nasabing may girlfriend ako" tanong niya at iniwas ko naman ang tingin sa gulat.

"Really? Akala ko'y meron dahil nakita ko sa post mo." sagot ko naman sa kanya ngunit agad ring natigilan sa nabanggit.

"So inistalk mo pala ako ha?" mahina ngunit tila nang-aasar na tugon niya.

"Hindi kaya." pagdedepensa ko naman sa sarili.

"Yan din ang dahilan kung bakit kami naghiwalay." pag uumpisa niya ulit na kwento saba'y tingin ulit sa malayo at ako naman ang titig na titig sa kanya ngayon.

"Ayaw niya rin akong maging musikero dahil nawawalan daw ako ng oras sa kanya. Kahit na tuwing may practice kami noon ay uunahin kong sunduin siya kahit na malate ako sa practice basta masundo ko siya." pag kukuwento niya pa rin kaya naman ibinaling ko ang buong atensiyon ko sa kanya.

"Alam kong bata pa kami pero iba kasi pag minahal mo na yung tao. Kagaya nila mom at dad ay mahalaga sa'kin ang sasabihin niya. Kaya ngayon nalulungkot ako dahil hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko pa ba ang yung gusto ko o susundin na lang ang mga gusto nila para sakin." dagdag niya pa na ikinalungkot ko rin.

"Alam mo tama ka, bata pa tayo. Marami pa tayong pwedeng gawin at kailangan matutunan sa mundo. Alam mo ayaw rin ni mommy sa pag arte-arte ko, sa pagmomodel ko pero dahil pursigido at hindi naman ako madaling sumuko ay pinagpapatuloy ko to kahit ayaw niya." pag kukwento ko naman at tumingin rin sa malayo kaya nabaling ang atensiyon niya 'sakin.

"Ikaw nga madami kang fangirls sa school at may mga kaibigan ka rin. Pwede yun maging sapat na rason para ipagpatuloy mo ang hilig mo. Maaaring hindi gusto ng mom at dad mo isama mo pa yung naging girlfriend mo, pero pwede yun maging dahilan para makamit mo ang pangarap mo. Dahil ayaw 'nila, syempre ikaw ipapakita mo sa kanila na 'yun talaga ang hilig mo, hindi ba? Gawin mo 'yong dahilan para ipakita sa kanila na magaling ka talaga sa kung anong hilig mo! Mapapatunayan mo sa 'kanila na hindi ka nagkamali sa desisyon mo at doon din nila marerealize na tama ang desisyon mo." pagchecheer ko pa sa kaniya para hindi niya sukuan ang hilig niya.

"Sana mapatunayan mo sa mommy and daddy mo na magaling ka talaga sa gusto mo para malaman nila na nagkamali sila sa bagay na gusto nila sayo, hindi ko sinasabing suwayin mo ang mommy at daddy mo ha!" medyo natatawang sabi ko pa sa 'kanya.

"Ang sinasabi ko sayo ay wag ka agad agad sumuko sa gusto mo! Ipagpatuloy mo lang, gawin mo pang inspirasyon yung mga taong may ayaw nang sa 'ganun ay maipakita mo sa 'kanila na magaling ka doon!" patuloy ko pa ring pangungumbinsi sa kanya na huwag sumuko.

"Alam mo nakikita ko na magaling ka! Kaya sana huwag ka agad-agad sumuko ha!" ngumiti ako at nilingon pa siya para ipakita na sincere ako sa mga sinasabi ko. Nakatingin pa at buong atensiyon pa rin ang ginawad niya sa 'kin kaya ipinagpatuloy ko ang pagkukwento.

"Ganito, isipin mo na lang super duper mega ultimate fan mo ako!" natatawang sabi ko sa 'kanya. Medyo natawa naman siya ng bahagya kaya medyo gumaan na ang pakiramdam ko.

"Sige, kahit isipin mo na na kagaya lang din ako ng ibang mga babae jan na nagfafangirl sa'yo ay okay lang. Pero isipin mo na super matutuwa ako kapag pinagpatuloy mo ang gusto mo! Isipin mo na ay may matutuwa pa pala kahit papaano kapag pinagpatuloy ko 'to. May matutuwang Chloe kapag naging sikat kang musikero. Kahit na wala lang naman ako pero atleast may isang tao na matutuwa at naghihintay kang mapanood sa T.V." medyo tinawanan ko pa ang mga sinabi ko dahil ang lakas ng tama kong isama pa ang sarili ko.

"Simula ngayon ako na ang super duper mega ultimate fan mo para ipagpatuloy mo ang pangarap mo okay?" tanong ko pa at nilingon ulit siya na nakangiti na rin. Hay salamat!

"Nakikita ko magiging isang sikat na singer ka! Basta huwag mo kong kalilimutan ha?" nang-aaaar na sabi ko pa.

"I hope na gumaan ang pakiramdam mo sa mga sinabi ko, hindi ako masyadong magaling magpayo ha! Pero asahan mo na good listener naman ako." medyo confident ko pang sabi sa 'kanya.

Tumikhim naman siya at nilingon ako ulit. Bakas pa rin ang lungkot sa 'kanya pero hindi na gaya kanina.

"You know, parang gusto ko na ulit magpatuloy dahil sa'yo" sabi niya.

"Tama yan! Ganyan nga! Patulog ka lang! Tsaka nanjan pa ang mga kaibigan mo at fangirls mo." sabi ko pa.

"Thank you! Kung sino pang hindi ko inaasahan ay siya pa ang magsasabi sa'kin ng ganito." dagdag niya na ikinangiti ko naman.

Continue Reading

You'll Also Like

262K 5.5K 72
This is the story of bts 8th member the girl who will be the 8th member even don't know who is bts what will happen if boys knew it's a girl
362K 9.6K 150
"𝑻𝒉𝒆𝒓𝒆'𝒔 𝒓𝒆𝒂𝒍𝒍𝒚 𝒏𝒐 𝒘𝒂𝒚 𝒐𝒇 𝒘𝒊𝒏𝒏𝒊𝒏𝒈 𝒊𝒇 𝒊𝒏 𝒕𝒉𝒆𝒊𝒓 𝒆𝒚𝒆𝒔 𝒚𝒐𝒖'𝒍𝒍 𝒂𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔 𝒃𝒆 𝒂 𝒅𝒖𝒎𝒃 𝒃𝒍𝒐𝒏𝒅𝒆."
197K 4.8K 41
It is (the continuation) of the Wattpad of Shadowmonarch325 because I really like the concept with now all the school of oreigaru QQ Cote ... as well...
29.8K 982 58
What happens when 7 crack heads are added to a groupchat by the only 'sane' one? if you are homo please LEAVE! ⚠️T/W⚠️ Language Smut Slurs