Denise's POV.
Ilang linggo pa ang nakalipas. Finals week na namin ni Yna. Kaya hindi na namin magawa ang makapag chill, para lang mag review. Pero kailangan din ma-refresh ang utak kaya nagpapahinga kami kahit saglit.
"Oh ano? Kamusta exam niyo?" tanong ni Yna pagkarating namin ni Pia sa tapat ng cafeteria, kung saan kami naghihintayan.
"Jusko, nalito-lito ako. Buti nalang nasagutan ko parin." sagot ko.
"Nagulo nga rin yung utak ko e. Jusko nakakagutom" sabi naman ni Pia.
"Ikaw? Kamusta exam mo?" tanong ko naman kay Yna.
"Ayos lang." nakangiti niyang sagot.
"Anong sagot yan?" napakamot ako sa ulo ko. Ang simple naman kasi, ako pinaliwanag ko pa. Tapos siya, 'ayos lang' ang sagot?
"Ano ba dapat ang sagot ko?" nagtatakang tanong niya. Napailing ako.
"Ano? Hindi ka ba nahirapan? Ganern!"
"Sagot ba yun? Tanong yun e." napakamot nalang ako sa ulo ko.
"Nevermind. Halika na nga, makikita naman natin yung results" nagpatiuna na kong pumasok, at sumunod naman sila sa'kin.
Bumili na kami ng kakainin for lunch, at pagkatapos ay naupo na kami sa usual naming puwesto. Katabi ko si Yna, samantalang si Pia ay sa harap namin. Lagi naman ganito pwesto naming tatlo.
"We should celebrate after the finals week." panimula ni Pia. Kumakain na kami dahil naubos energy namin sa exam.
"Celebrate like..?" patanong na sabi ko.
"Hmmmm.. let's go shopping? Maybe? or go to the club. And maybe, I can invite you to our house. Mag swimming tayo, invite your other friends too. What do you think?" nagkatinginan kami ni Yna.
"Hindi kasi namin alam kung finals week na rin nila e." sagot ni Yna.
"Aww sayang naman. Sige, kapag hindi sila available that day, uhm.. isip tayo ulit ng bago."
"Ahh alam ko na. MOMA tayo." sabi ko.
"Saan naman?" tanong ni Yna. Lumingon ako kay Pia na, parang sinasabi ko na sa kanilang bahay.. pero ganun na nga. Tinignan naman ako ni Pia at nagtaas ng dalawang kilay, mukhang alam na ang gusto kong ipahiwatig.
"Sa bahay?" tanong niya at tumango naman ako.
"Yup. I wanna see your room." saglit siyang nag-isip bago sumagot.
"Okay! I'm in." nakangiting sabi ni Pia.
"Yey! Ikaw, Yna?" tinignan ko siya.
"May choice ba kong humindi? E nandoon ka." nalunok ko yung kinakain ko kahit hindi pa masyadong nangunguya. Shet ang sakit sa lalamunan.
"Oh tubig." inabot ni Yna sa'kin yung tubig, pagkakuha ko ay agad kong ininom.
"Ano bang nangyari sa'yo?" takang tanong ni Pia. Mukhang hindi niya napansin yung hidden meaning ni Yna. Umiling nalang ako.
"Bigla ko lang.. nalunok yung kinakain ko." tinawanan niya ko at umiling, si Yna naman ay nakangisi. Sinamaan ko siya ng tingin, pero mas lumawak lang ang ngisi niya.
"Can I ask you guys?" pareho kaming napalingon ni Yna kay Pia.
"Sure. Ano ba yun?" tanong ni Yna.
"Uhm.. ilang taon na kayong magkaibigan?"
"Since grade 9." sabay naming sagot.
"Ohhhh. Matagal na pala. No wonder that you're very close, and comfortable to each other." manghang sabi ni Pia.
"Yes. And soon to be magka-IBIGAN." sinipa ko si Yna sa paa, sa ilalim ng lamesa.
"Aray!" angil niya.
"What do you mean, Yna?" pinandilatan ko ng mata si Yna bago ko sinagot si Pia. Ako na sasagot, baka ano pang masabi nito.
"Ahhh wala. Nagbibiro lang yan HAHAHAHA kumain nalang tayo" mabuti't hindi ganun kahirap kausap si Pia, dahil hindi na siya nagtanong pa at tumango nalang. Nang lingunin ko si Yna, hindi nawala yung ngisi niya habang kumakain. Napairap nalang ako at kumain na rin.
"So guys, anong gusto niyong panoorin?" tanong ni Pia habang naghahanap ng movie sa netflix. It's 2 pm in the afternoon.
Nandito kami sa bahay nila ngayon, since tapos na ang finals week. Pwede na ipahinga ang utak. Nakaupo kami ni Yna sa tabi ni Pia at namimili rin ng movie. Next week palang ang finals week ng iba naming kaibigan, so hindi namin sila pwedeng istorbohin dahil nagre-review sila. Si Alex, Arts and Communication. Jane is Culinary Arts. Habang si Cheska naman ay Politics. Madugo-dugong pagre-review yun, lalo na kay Cheska.
"Ayun! Ayun! yung Hush. Try natin" suggest ko.
"Oh okay. Mamaya na natin i-play. Kukuha muna ako ng foods" tumayo si Pia.
"Wait, tulungan na kita." suggest ko.
"Ah no, kaya ko naman tsaka nandiyan lang si mommy."
"Ahhhh. Sige, hintayin ka nalang namin dito." tumango lang si Pia at lumabas na ng kuwarto niya.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong kuwarto niya, ang laki ng space. Nasa loob yung bathroom, may couch, queen size bed, flat screen tv na naka-hang and then may 2 speakers sa baba- yung sakto lang para sa flat screen tv, tapos may cd player sa gitna, then may malaki siyang wardrobe. Wooden brown yung kulay ng sahig niya then grey naman yung dingding, at may design na white para hindi magmukhang sobrang plain. Meron din siyang study table malapit sa bintana ng kuwarto niya.
"Gusto mo ng ganitong kuwarto?" napalingon ako kay Yna nang magsalita siya. Pinapanood niya pala ako.
"H-huh?"
"Ang sabi ko kung gusto mo ba ng ganitong kuwarto?"
"Depende. Pero ayokong mang-gaya, gusto ko yung pangsarili kong idea." napatango-tango siya.
"Dapat kasama ko sa magdedesisyon. Tayong dalawa yung matutulog e" napakurap-kurap ako sa kaniya.
"What do you mean?" napangiti lang siya at umiling. Napanguso nalang ako. Sa gilid ng kama ni Pia ay may bedside table na kulay puti, sa ibabaw nun ay ang lampshade at dalawang picture frame. Tumayo ako para tignan yung picture.
Family picture tsaka picture niya. Kinuha ko yung family picture nila.
"Ano bang feeling ng may kapatid?" tanong ko.
"Masaya. Lalo na kapag close kayo sa isa't-isa." binalik ko na yung picture frame at tumabi ulit kay Yna.
"Gusto ko rin maramdaman" malungkot na sabi ko.
"Bakit nga pala wala kang kapatid? Hindi mo yan naku-kuwento sa'min"
"Meron na sana noon, kaso 2 weeks palang dinugo na si mama. Edi nalaglag yung baby. I don't know the reason kung bakit siya dinugo. Then sinubukan ulit nila, pero hindi na sila makabuo ulit."
"Hanggang ngayon ba sinusubukan pa rin nila?" umiling ako.
"Hindi ko alam. Isang himala nalang kapag nakabuo sila ulit" tipid akong ngumiti, ini-imagine yung sarili kong may kapatid.
"Hey guys, here's the foods~" tumayo ako para tulungan si Pia sa tray na dala niya. Kasunod naman niya si tita Gab, at tinulungan din ni Yna.
Nang nilapag namin ang tray ay saka ko lang nakita yung mga pagkain. Fries with cheese powder, nachos, fried chicken, pop corns, at pitsel na may lamang orange juice.
"Ang dami naman nito Pia." sabi ko.
"Oo nga, magmu-mukbang ba tayo?" nagtatakang tanong naman ni Yna.
"Home made yan lahat." sabi ni tita.
"Home made po? Sino pong gumawa? Parang ang bilis maluto." manghang sabi ko.
"Actually, pagkasabi ko palang kagabi nag-prepare na yan si mommy. Mas excited pa siya kesa sa'kin" naiiling na sabi ni Pia at tumabi na sa'min ni Yna.
"Siyempre naman, ngayon ka lang ulit nagdala ng mga friends mo rito e. Oh sige na, maiwan ko kayo riyan at may gagawin pa ko. Enjoy girls!"
"Salamat po tita" sabi namin ni Yna. Kinuha ni Pia ang remote at pinindot na yung movie.
"Ngayon ka lang ulit nagdala ng friends mo rito? Nasaan yung ibang friends mo?" tanong ni Yna.
"They're not here anymore. Sa ibang bansa na sila nag-aaral lahat."
"Oh? Bakit ikaw, hindi ka sumama sa kanila?" tanong ko at nagkibit-balikat siya.
"May school naman dito, tsaka nandito yung pamilya ko. Bakit pipiliin kong lumayo diba? Wala naman akong dahilan"
"Sabagay."
"Oh, it's starting! Kuha kayo ng foods guys ah" nagsimula na rin kaming kumain nang magsimula na rin ang movie.