Cry In A Cold City [Baguio Se...

By dEmprexx

355K 10.1K 4.4K

Baguio Entry #1 [Completed] Daisheen Maine Cariño a nursing student from University of Baguio accidentally sp... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Jonas Lorenzo Tan
🌹
Notes
:)
SPECIAL CHAPTER
Verstandelike Series
Thoughts about Self-Publishing CICC

Chapter 25

6.8K 278 69
By dEmprexx

Chapter 25

Nawala ang atensiyon ko kay Iverson nang marinig kong tumili ang halos lahat ng mga ka-block namin. Pati na rin ang ibang block na mga nursing student. Tiningnan ko kung saan sila nakatingin dahil mukhang iisa lang ang tinitingnan nila.

I saw Jonas with his white long sleeve polo na nakatupi sa siko niya. Nakatayo ang buhok niya na bumabagay lalo sakaniya habang hawak-hawak ang isang bouquet. Hindi rosas, hindi chocolate. Kung hindi gamit sa medicine, katulad ng syringe, disinfectant, surgery mask, etc.

Nahihiyang tinanggap ito ni Gail tiyaka nagpa-thank you kay Jonas. Napaiwas ako ng tingin dahil sa kirot na naramdaman ko. Napatingin tuloy ako kay Iverson na seryosong nakatingin sa akin. Nginitian ko siya ng pilit.

"Don't smile if it's not real." Seryosong sabi niya sa akin. Naglaho ang ngiti ko sa sinabi niya. Naiilang ko siyang tiningnan dahil doon.

"A-ano nga ulit iyong sinabi mo kanina?" Nahihiyang tanong ko. Hindi ko napakinggan yung sinabi niya dahil naagaw ni Jonas ang atensiyon ko.

"I just want you to be happy." Bulong niya sa akin. Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya.

"I'm happy!" Pangungumbinsi ko sakaniya. O pangungumbinsi ko sa sarili ko?

"Stop it," wika niya "Can you please let Jonas go?" Bulong niya dahil baka may makarinig.

"I will." Sagot ko sakaniya na may tipid na ngiti, at least hindi iyon pilit na ngiti.

"Hey! You guys gonna have date?" Masiglang tanong sa amin ni Gail habang papalapit. "Double date?" She ask.

Nagulat ako ng biglang kuhanin ni Iverson ang kamay ko para hawakan. Napatingin tuloy ako sakaniya dahil sa ginawa niya pero seryoso lang ang mukha niya.

"May date na kasi kami," pagdadahilan niya "Privacy?" He chuckled. Nag form naman ng 'o' ang bibig ni Gail dahil sa gulat.

"I knew it!" Masayang sambit niya sa amin tiyaka bahagyang pinisil ang beywang ko kaya naiilang akong ngumiti at napaiwas.

"Saan kayo? Sa John Hay kami." Ngiting sambit pa ni Gail. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil wala akong alam sa plano ni Iverson, siya nalang ang hinayaan kong sumagot.

"LU." Namilog ang mata ko sa sagot niya. Akala ko sa may session lang o kaya sa sm o kaya sa town! La Union?

"Wow! Kung wala lang akong date ngayon, magtatampo ako sa inyong dalawa! Nakapagplano kayo ng wala ako huh?" Tumingin sa akin si Gail na para bang tinraydor namin siya. Nahihiya akong ngumiti tiyaka napatingin kay Jonas sa likuran niya na seryosong nakatingin sa amin.

"Actually it's his surprise!" Depensa ko agad, baka akala niya nagpaplano kami na hindi siya kasama. "Ngayon ko lang din nalaman, hehe." Ilang na sagot ko sakaniya.

"Ganon ba? Sige, una na kami at mukhang malayo pa ang biyahe niyo." Paalam niya sa amin.

Hinalikan na ako sa pisngi ni Gail tiyaka bahagyang tinulak ang dibdib ni Iverson bilang pang-aasar. Kumaway siya sa amin habang si Jonas ay tinanguan lang kami.

Nang makalayo sila ay kaagad kong hinarap si Iverson sa gulat.

"Ano? Anong LU? Wala akong alam!" Histerikal na wika ko. Akala ko babawiin niya iyon kaso.

"Unwind lang, kakatapos naman ng prelims," sagot niya sa akin.

Aangal pa sana ako kaso hinatak na niya ako pababa at palabas ng campus. Sumakay na kami sa sasakyan niya, hindi ako makapaniwala na pupunta talaga kami sa LU ngayon!

"Gulat na gulat ka ah?" Asar niya sa akin habang seryoso siyang nagdadrive.

"Tanga ka? Sinong hindi magugulat? Wala kang sinabing may gantong plano?" Pambabara ko sakaniya.

Akala ko last day lang ng prelims namin ngayon. Akala ko baka magkayayaan lang kaming tatlong kumain sa labas kasi ganon yung lagi naming ginagawa after exams, kumakain.

"Hindi ko rin alam na may gantong plano." Bahagya ko siyang hinampas dahil sa sinabi niya pero natawa lang siya "Joke lang, yayain ko sana kayong dalawa ni Gail kaso may date na si Gail," maingat ang pagkakasabi niya sa date ni Gail na para bang magpapatrigger sa akin iyon.

"Connect ako sa speaker." Sabi ko sakaniya. In-on naman niya agad kaya kinuha ko na ang phone ko. Kaagad kong pinatugtog ang 'Nag-iisang Muli' by Cup of Joe.

All time fave.

"Favorite huh." Puna ni Iverson nang marinig ang pinatugtog ko.

"Bakit? Maganda naman. Maganda rin lyrics," sagot ko sakaniya, tumango siya sa sinabi ko.

"Ayaw mo mag SLU? SLU sila." Natatawang sabi niya. Napanguso ako sa sinabi niya.

"May UB naman sakanila." I shrug my shoulder.

"Naks. Loyal ah." Natawa lang ako sa sinabi niya. Hindi naman ganto lagi si Iverson, maybe he's trying to lighten up my mood.

As always.

Nakarating kami sa isang cafe na sinasabi niya. Clean Beach Cafe ang nakita kong nakasulat. Nakapagpark na rin siya. Sabay kaming bumaba. Pagpasok pa lang namin ay natanaw na kaagad namin ang dagat. Marami nga lang tao ngayon, karamihan ay mag jowa.

Umupo kami sa pang-apat na katao, sa labas kung saan tanaw na tanaw mo ang beach. Maganda sa loob ng cafe, pang instagram pa nga e. Nagpicture na rin kami kanina ng isang shot ni Iverson doon.

Nasa loob si Iverson, self service at dahil kinaladkad niya ako rito, siya ang magseserve sa akin. Habang hinihintay ko si Iverson, kinuha ko ang phone ko to capture the scenery.

Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang mga couple sa paligid ko. Napakasaya nilang tingnan, sana huwag dumating yung araw na sisirain ng tadhana ang magagandang ngiting nakaukit sa labi nila.

Bumalik na si Iverson habang dala-dala ang pagkain namin. Sa isang plato ay mayroong crispy chicken fillet, honey mustard, carrots, lettuce, tomatoes and sesame mayo. Ganon din ang sakaniya tiyaka sundried fries. Espresso ang akin samantalang Chai latte ang kaniya.

Ang ganda ng presentation ng pagkain kaya kinuhanan ko ito ng picture. In-angle ko pa para maganda sa IG feed at sa story.

"Sama rin ako." nagtatampong boses ang narinig ko kay Iverson. Napairap ako tiyaka tinapat sakaniya ang camera, kaagad siyang ngumiti, natawa ako dahil ang lawak ng ngiti niya.

Kinuhanan niya rin ako ng picture kaya kumuha ako ng isang fries para gawing props.

"Ganda ng kuha ko sa'yo oh." sabay pakita ko sakaniya yung kuha ko. Background niya kasi yung beach.

"Maganda," sabay pakita niya sa akin nung picture niya sa akin. Background ko ang loob ng cafe. Maganda rin naman ang background dahil IG worthy talaga ang cafe. "Maganda yung kinuhanan." Dagdag niya. Natawa ako sa banat niya bago ako kumain.

"Banatan mo ng ganiyan yung taong gusto mo, tingnan ko lang kung hindi ka magustuhan!" Payo ko sakaniya habang kumakain.

"Talaga? Magugustuhan niya ako?" Nakatitig lang siya sa akin habang nagsisimula na akong kumain. Bahagyang napataas ang kilay ko sa tanong niya pero may ngiti pa rin sa labi ko.

"Oo naman! Bakit naman hindi?" Dahan-dahan siyang tumango sa sagot ko.

"I doubt that," he said and started eating. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Don't doubt that, I'm sure," I assure him. Iverson is an ideal man, who would reject such an almost perfect man?

"Even she already like someone?" Natigilan ako sa tanong niya.

"Well, I can say yes. Because you are women ideal man." Sagot ko kahit hindi ako sigurado dahil may iba palang gusto ang taong gusto niya. Marahan lang siyang tumango sa akin tiyaka pinagpatuloy ang pagkain niya.

Nag-usap kami tungkol sa NMAT, nakokonsensiya nga ako dahil hindi ko sinabi sakaniyang pinahiram ako ng reviewer ni Jonas. Ayoko lang na isipin niyang umaasa pa rin ako kay Jonas.

Minute ko na nga siya sa twitter para hindi ako matempt na magreply. I felt like, I'm cheating with Gail. I can't afford to hurt and lose Gail just because of a man.

Pagkatapos naming kumain ay niyaya niya ako malapit sa dalampasigan. Mabuti nalang at nag blouse ako ngayon na may blazer, kaya hinubad ko lang ang blazer ko, hindi naman ganon kalamig sa La Union e.

Umupo kami sa buhangin, habang nakalagay ang ang kamay ko sa tuhod ko. Tinitingnan ang bawat hampas ng alon.

"Bakit mo paborito ang Nag-iisang Muli?" Iverson suddenly asked. Ngumiti ako habang nakatingin pa rin sa alon.

"Kasi nagustuhan ko yung chorus." I honestly answer. Pwera sa beat, nagustuhan ko talaga yung chorus, yung lyrics niya.

"Are you waiting for the one?" Nahahagip ko sa gilid ng mata ko na nakatingin siya sa akin. Hinihintay ang bawat sasabihin ko na para bang handa siyang makinig kahit abutan kami ng umaga.

"Who would not wait for their 'the one'? Lalo na kung halos lahat ng kabatch natin, nakita na nila?" I mean, I'm happy for them but I'm a little bit sad for myself because I can't still find him.

"Don't pressure yourself," sabi niya na parang hindi nagustuhan ang dahilan ko. "It's not a competition. Ayos lang naman kung wala ka pang boyfriend sa ngayon, at least you can focus on your studies right?" Pag-alo niya sa akin.

"Pero misan hindi ko rin maiwasan ang magselos sa iba, pero ayos lang basta makuha ko yung Dra sa unahan ng pangalan ko." Pag-alo ko rin sa sarili ko.

"Darating din. Malay mo, dumating na pala hindi mo lang napansin." Makahulugang sabi niya. Tumango ako, siguro nga.

Napangiti ako dahil nagkulay kahel na ang langit. Papalubog na ang araw. Para bang papalubog ito sa dagat. Ang gandang pagmasdan na matatapos ang isang araw, maari ka ng magpahinga pero may araw pa na magpapakita kinabukasan.

"Sunset," umakma pa akong parang hinahawakan ang papalubog na araw sa mga kamay ko habang nakangiti. "Papalubog na ang araw sana kasama nito sa paglubog ang lahat ng sakit ng buong maghapon."

"Pray and God will take it away." Lalo akong ngumiti sa sinabi ni Iverson.

"You're right." Tiningnan ko siya nang nakangiti. Nagtama ang mata namin habang seryoso siyang nakatingin sa akin. Napansin ko na magsimula nung umupo kami ay sa akin lang siya nakatingin.

Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa tiyaka niya ako kinuhanan ng litrato. Hinampas ko ang braso niya dahil baka mukha akong tanga sa picture na iyon.

"Hindi mo naman agad sinabi para nakapagready ako!" Reklamo ko sakaniya. Natawa lang siya sa sinabi ko tiyaka niya pinakita ang picture.

"Your smile is genuine." Nakangiting sabi niya habang pinapakita niya sa akin. Halata ang sunset sa picture, tama nga siya I'm smiling genuinely.

"The sunset is aesthetic." Pagpuri ko. Puwera sa smile ko, ang sunset talaga ang pumukaw sa atensiyon ko.

"You too." Napatingin ako kay Iverson na nakangiting nakatingin sa picture ko sa cellphone niya. Umangat ang tingin niya sa akin tiyaka binulsa ang cellphone niya, ngumiti siya sa akin.

"We spend hundreds of sunset together, I hope we will spend sunrise forever,"

Continue Reading

You'll Also Like

5.1K 1.3K 27
Island Series #2 [Too many unanswered scenes. Will edit and add up chapters soon.] -completed- I lost a memorable memories, I forgot how to be happy...
388K 11.3K 94
WARNING!!! Read at your own risk! If you don't like it, just leave. This story is not for everyone. It contains controversial themes and events not...
3.1M 131K 21
(Yours Series # 2) Julienne Salvacion definitely didn't think that she'd reach the age of 32 and still be unmarried. She was sure that she'd, at leas...
420K 8K 65
Would you recognize the signs if it knocked right at your doorstep?