Suicidium

By abdiel_25

12.9K 887 133

Sixth Sense Series #3 | There is no such thing as the safest place on Earth. *** A novel. "Death is inevitabl... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1 : The News
Chapter 2 : Injection
Chapter 3 : Thousand Cases
Chapter 4 : Panic
Chapter 5 : Doubled
Chapter 6 : Shotgun
Chapter 7 : Ring
Chapter 8 : Special Task Force
Chapter 9 : Corpses in the road
Chapter 10 : Invader
Chapter 11 : That's Painful
Chapter 12 : Her name is Hershie
Chapter 13 : They are gone
Chapter 14 : Richard
Chapter 15 : Sych-020Di
Chapter 16 : The Process and the Origin
Chapter 17 : Call of Duty
Chapter 18 : The One Who Saved You
Chapter 20 : Police Survivor
Chapter 21 : Safe Area
Chapter 22 : What about Him?
Chapter 23 : Pharmacy
Chapter 24 : See You Again
Chapter 25 : Compartment
Chapter 26 : It wasn't a Dream
Chapter 27 : Headshot, Her Father
Chapter 28 : Last Option
Chapter 29 : Infected On-board
Chapter 30 : Golden Blood Type
Chapter 31 : Unsafe Safe Area
Chapter 32 : The Yes
Chapter 33 : Phase One
Chapter 34 : Firearm report
Chapter 35 : Who's hungry?
Chapter 36 : Unexpected Guests
Chapter 37 : Block the Entrance
Chapter 38 : Gunshot
Chapter 39 : Last Hope
Chapter 40 : Final Chance
Epilogue
Author's Note

Chapter 19 : Sacrifices

224 17 9
By abdiel_25

19 : Sacrifices

"Tingin ko hindi na siya makakawala," sabi ni Randy.

"Na-nakakahinga pa ba siya?" nag-aalala kong tanong.

Tumango si Randy sa akin bago umalis sa basement, kung saan kami nakatayo ngayon. Si Jiro naman, nanatiling naka-alalay sa akin dahil hindi pa rin ako makalakad, at makatayo ng maayos. Naiwan naman si Maldi kay Alex sa k'warto.

"Iwan mo na ako rito," sabi ko kay Jiro bago tipid na ngumiti. Kanina pa niya ako inaalalayan, for sure ngalay na siya.

Inalalayan niya ako papunta sa isang upuan na gawa sa kahoy. Nag-alangan pa nga akong umupo dahil baka masira. Pero wala naman akong choice. Mas okay na rito kaysa naman nakatayo lang ako at hinahayaan si Jiro na mangalay sa pag-aalalay sa akin. May kalayuan din ito kung saan nakatali si Claude.

"Salamat," sabi ko nang maka-upo na ako.

"Nasa pintuan lang ako. Tawagin mo nalang ako kapag aakyat ka na," sabi niya kaya tumango ako.

Nang umakyat na siya, naiwan kami ni Claude sa basement.

Maalikabok, hindi na siguro palaging nalilinis ng may-ari ng bahay. Pero wala naman kaming ibang p'wedeng paglagyan kay Claude kundi dito lang. May iisang k'warto lang at para 'yon kay Alex na nagdadalang tao.

May puting tela na nakatakip sa mukha si Claude para hindi niya kami makita. Gustuhin ko mang makita ang mukha niya, hindi ko naman p'wedeng tanggalin ang tela. Baka mas lalo pa siyang magwala kapag nakita niya ako. Buti nga't med'yo kumalma na siya.

Nakagapos ang mga kamay niya sa likuran ng upuan, gano'n din naman ang mga paa niya sa paa ng upuan para masigurong hindi na talaga siya makakawala.

Gamit ang lubid, tinali nila Jiro at Randy si Claude rito sa basement. Buong katawan ni Claude, nakatali lang sa upuan na pinako ni Jiro sa sahig. Kung hindi kasi nakapako, babagsak sa sahig si Claude. Naging mas marahas na kasi ito, at mas naging magaslaw kaya nahirapan sila Jiro at Randy na itali siya.

Nakakatakot siya kanina, sa totoo lang. Pero 'yung takot ko sa kaniya, napalitan ng awa.

Mabuti nalang talaga at hindi tinuloy ni Randy ang pagpapaputok ng baril kay Claude.

Kung nangyari 'yon...

at namatay si Claude...

Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa akin. Baka patay na ngayon ang kalahati ng pagkatao ko. Baka nabaliw na rin ako.

Napa-iyak akong muli nang makita ang kalagayan ni Claude sa silya.

Gustung-gusto na niyang kumawala sa lubid. Gusto na niyang tanggalin ang tela sa mukha niya. Wala siyang ibang gustong gawin kundi manakit. Kaya wala rin akong magawa kundi titigan nalang siya.

Nahihirapan ako para sa kalagayan niya.

Ang nanggagalaiti niyang panga.

Ang langitngit ng ngipin niya.

Ang mga daliri at kuko niya na handang manakmal ng kahit sinong maaabot nito.

Malayong-malayo sa tunay na Claude.

Napapikit ako dahil sa tuloy-tuloy na pag-agos ng luha sa mga mata ko. Hindi pa nga natutuyo ang mga luhang iniyak ko kanina, heto nanaman at may bagong bugso. Hindi na yata 'to mauubos hangga't hindi bumabalik si Claude sa normal.

Hindi kinakaya ng mga mata ko na pagmasdan ng mataggal si Claude sa ganitong sitwasyon. Kung dati, masaya ako na nakatingin sa kaniya kahit gaano pa katagal, ngayon hindi na. Mas masakit na kapag mas matagal akong nakatingin sa kaniya.

Parang panaginip.

Parang bangungot.

Gustuhin ko mang gumising, pero ito ang katotohanan.

Hindi na ang dating Claude ang kasama ko ngayon sa basement. Hindi na siya 'yung sweet at palabirong pharmacist na katrabaho namin ni Eunice.

Malabo ang paningin ko nang muli akong dumilat. Patuloy pa rin sa pag-uunahan ang mga luha ko, kaya minabuti ko nang magpa-alam sa kaniya. Gusto ko lang na makita siya ng mas matagal bago ako ulit umakyat sa taas. Pero gaya ng sinabi ko, mas masakit pala. Dahil hindi ko naman alam kung kailan siya babalik sa normal.

Tinawag ko si Jiro, at nang dumating ito, agad niya akong inalalayan.

Bago kami tuluyang maka-alis sa basement, tumingin ako kay Claude at bumulong kahit alam kong hindi naman niya ako maririnig. At kahit marinig man niya ako, hindi naman niya ako maiintindihan. Dahil hindi naman na siya normal.

"C-Claude... mahal na mahal kita."

- - -

Wala nang nakatulog sa amin. Bukod kay Maldi na hanggang ngayon nasa k'warto pa rin at natutulog.

7 am na. Nagluto ng agahan si Alex gamit ang mga nakuha niyang supplies sa ref. Mabuti nalang at may isa sa amin ang nasa huwisyo para kumilos sa loob ng bahay. Kung hindi, baka gutom na kaming lahat dahil tulala pa rin kami dahil sa nangyari kay Claude.

Si Randy, parang normal lang na tahimik. Malalim ang iniisip. Siguro tulad ko, iniisip din niya kung paano at bakit naging gano'n si Claude. Kung bakit siya naging tulad ng mga kinalaban niya. Kung bakit wala pa rin kaming malinaw na sagot sa mga tanong namin tungkol sa mga nangyayari sa labas.

Isa lang ang sigurado ko, nakakahawa 'yon at hindi lang basta-bastang sakit.

Napasingkit ang mga mata ko bago tumitig kay Jiro, tapos kay Alex na nagluluto, bago lumipat ang tingin ko kay Randy na nakatayo at nakatanaw sa labas ng bintana.

"Wala ba kayong alam tungkol sa mga nangyayari sa labas?" Diretsahan kong tanong kaya napalingon silang lahat sa akin. Maging si Alex, pinasadahan ako ng tingin habang nagpiprito. Bahagya tuloy akong nagutom dahil sa amoy ng almusal.

Umiling si Jiro. "Galing kami ni Alex sa probinsiya. Balak sana naming pumunta ng Manila para doon ipa-ultrasound ang baby namin. Pero ayun. Nangyari nga 'to. Wala kaming alam dahil mahina ang signal sa probinsya. Isa pa, namalayan nalang naming kami nalang ni Alex ang tao sa paligid kaya wala kaming nasagap na kahit anong balita o impormasyon. Hanggang sa napunta kami sa iba't-ibang lugar, at napunta kami sa kung saan kami tinulungan ni Claude," pagkukwento ni Jiro.

Tumingin naman ako kay Randy. Lumingon siya sa akin bago pumunta sa harapan namin ni Jiro.

"Palagi lang akong bantay sa Police station. Nag-a-analyze naman ako ng mga profiles at records ng mga suspects nang gabing maubos ang mga kasamahan kong pulis. Bigla nalang kaming inatake ng mga sibilyan na parang nababaliw. Hindi ko alam kung anong dapat kong itawag sa kanila," sabi ni Randy bago muling tumingin sa labas ng bintana. "Dapat patay na ako. Pero dahil sa mga kasamahan ko, nakatakas ako."

"At no'ng gabi na 'yon, nakita ka namin?" Tanong ni Jiro. Med'yo kumunot ang noo ko dahil hindi ko siya naintindihan.

Umiling si Randy. "Tatlong araw akong naghanap ng mga taong p'wede kong iligtas. Kaya kung saan-saan din ako napadpad. May police mobile pa ako no'n, kaso sa kalagitnaan ng paghahanap ko ng mga survivors, sinugod ako ng mga... kung ano mang tawag sa mga nilalang na 'yon. Kaya minabuti kong tumakbo nalang at iwan ang kotse sa kawalan. Ginamit ko ang kotse para lituhin sila."

Bahagya akong nasaktan nang sabihin niyang "kung ano mang tawag sa mga nilalang na 'yon."

Kung ano mang tawag sa kanila, isa na si Claude ngayon do'n.

"Kayo ni Claude? Saan kayo galing? Tsaka bakit ang lala ng tama ng hita mo," tanong ni Jiro sa akin bago mapatingin sa hita ko at mapangiwi.

"Nasa bahay kami ng kaibigan namin. May dalawa kaming kaibigan na lumabas para kumuha ng pagkain at iba pang supplies na kailangan namin. Pero saktong pag-alis naman nila, may nakapasok na... kung ano mang tawag sa kanila." Sa totoo lang tama si Randy. Ano ba dapat ang itawag sa kanila? Infected? Psycho?

"Tapos anong nangyari?" tanong pa ni Jiro.

"May maso 'yung nakapasok. At natamaan ako. Napatay ni Claude 'yon. At dahil hindi na kami safe sa bahay na 'yon, umalis na kami. Pero hindi pa kami nakakalayo, huminto kami at bumaba si Claude para tulungan kayo," sabi ko nga 'wag na e. Dahil binaon niya ang isang paa niya sa hukay.

Tumango silang tatlo.

Nanatili kaming tahimik. Nang biglang magsalita si Randy.

"Malaki ang utang na loob namin kay Claude. Salamat dahil tinulungan niyo kami," aniya.

Tango nalang ang isinagot ko.

Hinain na ni Alex ang almusal kaya tahimik kaming kumain. Nagising na rin si Maldi kaya pinakain ko na siya. Buti nalang at may hotdog. Hindi ako nahirapang pakainin siya ng sangag.

Tahimik kaming lahat at tanging tunog lang ng nagtatamang kubyertos ang lumilikha ng ingay. Siguro ang ilan sa kanila, naka-focus sa pagkain. Siguro may nagdadasal sa kanila tulad ko, na sana bumalik na sa normal ang lahat.

Pero iba talaga ang tanong na nasa isip ko sa mga oras na 'to.

'Yun ay kung paano nahawa si Claude.

"Jiro, kailangan pa natin magdagdag ng stocks at supplies. Hindi natin sigurado kung kailan darating ang tulong," seryosong sabi ni Randy. Tumango naman si Jiro. Pero si Alex, mukhang hindi pumapayag.

Alam ko ang nararamdaman niya.

Takot na baka maging katulad ni Claude si Jiro.

Kapag nangyari 'yon, baka manganak ng wala sa oras itong si Alex.

Tumayo si Randy at Jiro. Naghanda sila at kumuha ng maraming lalagyan. Bags, ecobags, plastic at lahat ng p'wede nilang paglagyan ng mga kailangan nilang kuhain. Hindi ko alam kung saan sila pupunta. Pero ang sigurado ko lang, wala nang batas na umiiral ngayon. Kaya malaya ang lahat na gawin ang kahit ano. Kahit magnakaw.

May dalang mahabang kahoy si Jiro na may kutsilyo sa dulo. Si Randy naman, dala-dala 'yung baseball bat ni Claude. Kailangan niyang tipirin ang bala ng baril niya dahil paubos na 'yon.

"Ingat k-kayo," sabi ni Alex bago humalik sa asawa niya.

Tumingin si Randy sa akin bago sila umalis.
Agad naman ni-lock ni Alex ang pintuan nang makalayo na silang dalawa. Nanatili akong naka-upo dahil hindi pa rin maayos ang lagay ng hita ko.

Sana...

Sana makabalik pa sila.

Continue Reading

You'll Also Like

268 18 4
"You're a child of something that resides within the heavens.. Something beyond us." Cordelianna Serene, a girl that was pulled into an academy full...
541K 28.9K 78
(This is a winner of Wattys 2020 under the Science Fiction category.) A group of students discover their unique abilities, and go through a mysterio...
262K 4.4K 15
Clair Evans is contented and happy with her simple life. But an unexpected event barrels her into a magical world that she never knew existed. Battli...
18.6K 383 35
Guess Who? Genre: Mystery Thriller '' If we are completely honest with ourselves, everyone has a dark side to their personalities. '' ~Isabella...