Live At The Concert

By FSahoka

29 0 0

This is a story of love, fun, and hope which was given melody by the three bands and Fuyue del Luna, a concer... More

CHAPTER 2

CHAPTER 1

25 0 0
By FSahoka

Nakakapagod maging Civil Engineering Student.
7 PM na at ngayon pa lang ako papauwi. Sa totoo lang, anong oras na akong nakatulog kaninang madaling araw kasasagot ng Take-Home Exercises sa Structural Theory. Syempre, hindi lang ako ang puyat, lahat kami ng tropa ko.

"Kuya Altair, pauwi na ako."

"Oh, eh anong gagawin ko?"

Narinig ko sa phone na kumakanta na naman si Kuya Alnair ng This Is Why We Can't Have Nice Things, at alam ko na naghe-headbang sya. Gan'yan talaga sila. Pero mas gusto ko silang ganyan kaysa wala akong mga kuya.

"Teka, bili ka daw ulam sa Lydia's Eatery. Kahit anong ulam na alam mong kinakain nating lahat. Bayaran ka na lang daw ni Papa pagkauwi mo."

"Okay, sige."

After five minutes, nando'n na ako sa tapat ng Lydia's at bumili ng adobong manok. Papalabas na ako sa Eatery habang sinusuot ang earphones ko nang tumawag si Kit, childhood friend ko.

"Fuyuuuuu."

"Baaaaaaat?"

"Nasan ka?"

"Anong kailangan mo? Sabihin mo na agad."

"Hehe. Samahan mo ko sa Dawn of Revamp Concert. Libre kita ticket." "........" "Actually, nabili na kita ng ticket."

".....!" "Kelan ba 'yan?! Baka marami akong gagawin kung kelan 'yan?"

"Kalmaaaaa. Linggo ng hapon. Free ka no'n alam ko."

"Nando'n Satiata no? Sus. Sige na. Okay okay."

"Hehe yeheyyy, sigeeee. 5:30 PM alis natin sa Sunday ha. Labyuuu."

Fan na fan si Kit ng Satiata eversince marinig nya itong magperform. Ang Satiata ay isang rock band na binubuo nila Adrian, Raven, Kert, Felix, at Ezno. Narinig ko na silang magperform ng dalawang Original Songs nila sa isa sa mga Concert na nag-event staff ako. Nung minsang umattend kami ni Kit ng concert wherein magpe-perform pala sila, kaming dalawa yata ang pinakahuling umuwi sa mga attendees. Gusto nya no'n na makita ng minsan pa ang Satiata members, lalo na si Raven, guitarist nila.

×××

Sumapit ang Sunday, at ngayong araw ay pagbibigyan ko si Kit sa hiling nya na samahan ko sya sa Concert kung saan magpeperform ang Satiata. Katatapos ko lang maligo at naka-tuwalya lang ako nang tumunog ang phone ko. Gustong makipag-video call ni Natalie, classmate ko na ka-close ko rin. Sinagot ko.

"Teka magbibihis lang ako sagli--"

"HOY CHINAT AKO NI SIR EDWARD SABIHIN KO DAW SA GC NA SAGUTAN YUNG EXERCISES 1-A HANGGANG 1-D TSAKA 2-A HANGGANG 2-C SA PINAXEROX NATIN NA MODULE SA KANYA!" "IPAPASA NA DAW BUKAS!"

Hindi ko maintindihan. Bakit 'di nya sinabi nung Friday o kaya kahapon? Bakit ngayon nya lang sinabi kung kelang kinabukasan yung pasahan?

"Ba't ngayon lang nya sinabi?!"

"Malay ko sa kanya. Sabi ko kaya sa kanya bakit kako ngayon nya sinabi kung kelang bukas pasahan e wala ng oras."

"Hahaha. Bwisit ka, baka ibagsak ka nyan."

"Eh bakit? Totoo naman. Ahitin ko pa balbas nya e."

Mula elem ako hanggang SHS, wala akong naging classmate na kasing tapang at kasing lakas ng bibig ni Natalie Barcellano. Mga pofessor pa namin nahihiya sa kanya, sa totoo lang.

"Sabihin mo na sa GC nang pati sila magalit hahaha."

"Sige. Lumiit katawan mo lalo pag naka-tuwalya ka lang hahaha. Sana all kahit matakaw, maliit pa rin katawan, like you."

"Kasalanan ko ba na kakaligo ko lang tapos tatawag ka ha?"

"K. Anong oras ka gagawa ng exercises?"

"Pagka-uwi ko, sasamahan ko si Kit sa concert sa San Juan. Naka-oo na'ko nung Tuesday pa e."

"Sigeeee. Aayain ko na lang yung iba na magsagot. Chat mo'ko 'pag nakauwi ka na."

"Okayyyyy."

Kinuhanan ko ng picture yung exercises na sasagutan. Iche-check ko habang nakasakay sa jeep para 'pag magsasagot na'ko mamaya pagka-uwi ko, familiar na.
Iniisip ko rin kung sobrang dami lang ba talagang iniisip ni Sir Edward kaya ngayon lang nya naalala na may ipapagawa pala sya sa'min, o bigla lang nyang naisipin ngayong araw na magpasagot ng sandamakmak na exercises sa subject nya sa'min na Highway and Railroad Engineering.

×××

"Fuyue, nandito na ako sa tapat ng Lydia's. San ka na?"

"Sa likod mo, Kitrana."

As usual, maganda ang porma ni Kit at napakatangos talaga ng ilong nya. Parang ilong ni Liza Soberano. Lagi ko yo'ng pinapansin. Matangkad rin sya, nasa 5'9 ang height nya.
Sumakay na kami sa jeep papuntang San Juan. Nasa 30-50 minutes ang byahe mula sa pinanggalingan namin, depende sa traffic.

"Sa Equimili Coliseum tayo pupunta. Concert for a cause daw 'to. Para daw sa mga nasunugan ng bahay sa San Juan at Martinez. Walang VIP-VIP sa upuan dito."

"So, unahan makapasok? Gano'n?"

"Oo. Pero hulaan mo kung anong paandar nilaaaaaa."

"Pa'nong paandar?"

Huminto ang jeep, merong sasakay. Nakita ko na si Ruwan Beltran pala yung sumakay, classmate ko.
S'ya ang pinaka-astig sa classroom, pinakagwapo, na para bang nagniningning sya palagi.

"Uyyyy del Luna, san ka punta?"

Binati n'ya ako kaagad nang makita nya ako.

"Equimili, samahan ko kaibigan ko sa Dawn of Revamp. Ikaw ba?"

"Uy sakto, dun din ako papunta. Mag-event staff ako. Bali kami naman yung tutulong after ng concert."

Hindi ko alam na nage-event staff din pala s'ya katulad ko. Pagkakaalam ko mayaman sila, at palaging kinukwento ni Natalie na palagi nyang nakikitang hinahatid ng naka-kotse si Ruwan tuwing umaga sa 4th gate ng school.

"Bored lang ako haha. Last year lang ako nag-try na mag-event staff, nagustuhan ko naman."

Kaya n'ya atang magbasa ng utak.

"May sasagutan pala sa HRE, sinabi ni Natalie sa GC, ngayon-ngayon ko lang nakita."

"Ah, oo nga e."

Ramdam ko na pinakikinggan kami ng mga nakasakay sa jeep, lalo na yung mga babaeng mukang do'n din papunta sa Equimili. Halatang-halata din na dumidikit kay Ruwan yung babaeng nasa tabi nya. Kahit naman sa campus, pansin ko rin na lapitin sya ng babae.

"Dapat hindi kayo busog ha. Sabi ng mga kasama kong event staff, may Footlong Party sa labas mismo ng Coliseum, tapat mismo ng entrance. Kailangang bayaran at ubusin bago makapasok. Di pwedeng babayaran lang, kailangan uubusin talaga."

"Yun yung paandar na tinutukoy ko kanina, Fuyue."

"Ahhh okay. Keri 'yon."

"Anim na footlong sa isang order e. Kung isa ka lang, mag-isa mong uubusin yung anim. Kung dalawa kayo or tatlo, hati-hati kayo do'n basta't kailangang maubos."

"Ah, so kaya ako ang sinama mo?"

"Hehe."

×××

6:15 na nang makarating kaming tatlo malapit sa Equimili Coliseum. Thrice pa lang akong naging event staff at first time ko pa lang makakapasok dito. Mayroong school sa tapat ng coliseum na 'yon at do'n na lang nagparada ang mga private vehicles. Tatawid pa ng highway mula sa pinagbabaan sa'min ng jeep bago makarating sa Coliseum grounds.

Sa gate pa lang, makikita mo na yung dalawang nakatayong cylindrical na telang may 24 feet ang taas na gumagalaw habang binubugahan ng mainit na hangin sa loob ng tela, 'di ko alam kung anong tawag don pero nakakaaliw silang tingnan. Mayroong mga malalaking puno ng manga sa palibot ng Coliseum, bawat puno may circular tree bench at lahat 'yon ay may mga nakaupo na. Puro balloon din ang anim na tent na pinagdikit-dikit para sa footlong party na mukang kanina pa nagsimula. Andaming nagchi-cheer sa tent.

"Punta na ako sa backdoor. Ingat kayo Fuyue, enjoy kayo ha!"

"Sigeee, ikaw din."

Sinuot ni Ruwan ang Event Staff ID nya at umalis na sya agad. Dumiretso naman kami ni Kit sa pila sa may tent ng footlong party. Napunta kami sa line 4. Nasa pagitan ng 7 na main tables ang cheerers ng mga uubos ng footlong. Cheerers din ang nagbabantay, puro sila mga lalaki.
Sa main table makukuha ang footlong order. 200 Pesos ang isang order ng anim na footlong, which is yung kelangang bilhin at maubos bago makapasok. Sa tantya ko, more or less nasa ten yung taong nasa unahan namin bago kami makabili.

"Go! Go! Go! Go! Go! Go! Isang footlong na lang at makakapasok na ang team 82 ng line 4!"

"Ang haba pa ng pila, mukang malaki mare-raise natin na fund dito para sa mga nasunugan, GOOOOO FOOTLONG PARTY!"

"FOOTLONG! FOOTLONG! FOOTLONG! FOOTLONG! FOOTLONG!"

Nasa likuran nila ang entrance ng Coliseum at napansin ko na marami ng tao sa loob.

"Kit, andami na palang tao sa loob."

"Andun na nga raw yung kaklase ko sa loob e. Sampu daw silang kumain ng isang set ng footlong. Yung iba daw na team na nakapasok na is anim na members kaya tig-iisa na lang ng footlong. Kaya siguro mabilis din dumami tao sa loob. Grrrrrrrr baka di ko na matanaw si Raven pano na yan!!!"

Sa totoo lang, akala pa nga namin maaga kaming nakarating. Akala lang naman pala.
May kapansin-pansin na magarbong sasakyan na pumasok mismo sa Coliseum grounds, pero nawala atensyon ko do'n ng biglang turn na pala namin.

"OKAY! TEAM 92, GET READY! UBUSIN NYO 'TONG DALAWA!"

So, kami ni Kit ang team 92. Hindi ako nag-aalala kasi favorite ko 'to. Baka ako na lang umubos nito kung pwede lang.

"GAAAAAMEEE!!!!"

Cheerers: FOOTLONG! FOOTLONG! FOOTLONG! FOOTLONG! FOOTLONG! FOOTLONG!

Diumano, wala pang 10 mins nang maubos namin ang anim na footlong. May hot sauce kasi kaya mas mabilis ko syang naubos.

"Napakabilis no'n para sa team 92, lalo ka na ate!" Tinukoy niya ako.

"Okay cheerers, abutan nyo na ng bottled water itong dalawa na 'to para makapasok na sila!"

"OKAY! TEAM 92 NG LINE 4, PASOK!"

Sa paglakad ko papasok sa entrance door ng Coliseum na 'yon, rinig ko ang magandang tunog ng guitars, keyboard, at iba pang instrument na mukang nire-ready na para sa concert.

Sa pagkakataon na 'yon, lumakad na rin pala papasok sa buhay ko ang mga malalaking pagbabago, pati na rin mga bagong tao na tutulungan ko, tutulungan ako at bubuuin ako.

Continue Reading

You'll Also Like

297K 8.2K 137
"𝑻𝒉𝒆𝒓𝒆'𝒔 𝒓𝒆𝒂𝒍𝒍𝒚 𝒏𝒐 𝒘𝒂𝒚 𝒐𝒇 𝒘𝒊𝒏𝒏𝒊𝒏𝒈 𝒊𝒇 𝒊𝒏 𝒕𝒉𝒆𝒊𝒓 𝒆𝒚𝒆𝒔 𝒚𝒐𝒖'𝒍𝒍 𝒂𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔 𝒃𝒆 𝒂 𝒅𝒖𝒎𝒃 𝒃𝒍𝒐𝒏𝒅𝒆."
156K 5.6K 26
فيصل بحده وعصبيه نطق: ان ماخذيتك وربيتك ماكون ولد محمد الوجد ببرود وعناد : ان مارفضتك ماكون بنت تركي !
18K 601 28
روايه اماراتيه تتكلم عن مثايل وحيده امها وابوها الي عانت من الم الانفصال الام : نوره الاب : محمد تاريخ الكتابه : 19/3/2023 تاريخ التنزيل : ..
223K 4.9K 71
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad