Rule #1: Rule of Fate

By redvelvetcakes

142K 3.1K 827

Rule #1: Don't force fate. It will just happen. Lia, never believed in destiny. She always believed that if... More

Prologue
[1]
[2]
[3]
[4]
[5]
[6]
[7]
[8]
[9]
[10]
[11]
[12]
[14]
[15]
[16]
[17]
[18]
[19]
[20]
[21]
[22]
[23]
[24]
[25]
[26]
[27]
[28]
[29]
[30]
[31]
[32]
[33]
[34]
[35]
[36]
[37]
[38]
[39]
[40]
[41]
[42]
[43]
[44]
[45]
Epilogue (Part 1)
Epilogue (Part 2)
Author's Note

[13]

2K 57 34
By redvelvetcakes

Ilang oras na akong umiiyak ngunit parang hindi pa rin nauubos ang mga luha ko.

Hindi mawala sa isipan ko ang mga sinabi ni Kale sa akin.

"Hinding-hindi kita magugustuhan, Lia."

Nakahiga lang ako sa kama at bahagyang nagulat nung bigla kong nakitang tumatawag si Emma. Agad ko din naman sinagot.

"Hello-"

"What the fuck, Lia? Bakit hindi mo sinabi sa akin na umamin ka kay Kale?" galit ang tono niya.

Umupo ako at sinandal ang ulo sa pader. "Galit ka sa akin, at paano mo nalaman ang tungkol doon?"

"Your cousin told me! I'm your bestfriend, for fuck's sake! What did that asshole do to you, huh? Putangina niya ang gago niya ah! I'm gonna freaking punch him when I see him!"

Close nga talaga si Emma sa pamilya namin na pati mga pinsan ko kilala niya. Pakiramdam ko talaga kapatid ko siya sa ibang magulang.

"Ems, he just rejected me, wala siyang ginagawang masama." sabi ko. "I guess this is the right time for you to tell me, I told you so."

There was silence on the other line. May narinig lang akong bumukas na pinto at parang may nagsisigawan. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang nawala. Hinintay ko lang na sumagot siya ulit, at pag binabaan ko ay lalo lang 'to magagalit.

"I'm sorry, I just did something for you." she told me when she came back. "I already avenged you, Lia."

Kumunot ang noo ko. "Huh? What do you mean?"

She lightly laughed. "Basta, trust me."

She proceeded telling me stuff how he's an asshole, a jerk, at halos lahat na ata nang mura ay naibigay niya na. I can therefore conclude that mas lalo lang lumalim ang galit niya kay Kale.

Halos ilang buwan din akong nalungkot dahil sa nangyari. Masakit pala 'yun. Lalo na nung sinabi niyang hinding-hindi niya ako magugustuhan.

Prince Asuncion: lia? punta ka game namin? miss na kita :(

Hindi na rin ako niyaya pa ni Emma na samahan siya sa mga games nila. She completely understood that I shouldn't see Kale if I wanted to get over this.

Prince Asuncion: pleaseeee, finals na oh.

I sighed. Prince is still my friend. Hindi naman din atang tama na iwasan ko rin siya dahil doon.

Lia Dela Fuentes: sige, sabihan ko si Emma.

Prince Asuncion: talaga ba? yes! see you! :)

Agad ko naman tinext si Emma at sinabing pupunta kami. Alam ko naman na gusto niya rin pumunta at gusto niyang mapanood si Prince.

"Girl, you sure about this? He will be there." sabi niya.

I nodded and smiled. "I can't hide from this, forever, Emma."

She sighed. Pumasok na kami sa gym at umupo sa may bleachers. Nakaramdam ako ng kaba dahil doon. It's been months since I last saw Kale and seeing him again would definitely hurt me more.

Our eyes met ngunit agad din naman siyang umiwas ng tingin.

I tried to hold it in together. Napansin ata ni Emma at pag-iiba ng mukha ko.

"If you want to leave, we can leave." bulong ni Emma.

Tumingin ako sa kanya at malungkot na ngumiti. "I'm fine, Emma. At saka, diba gusto mo rin sumilay kay Prince?"

She rolled her eyes at me. "The hell I care, Lia. Gustong-gusto ko siya pero bestfriend kita. Hindi naman siya mawawala kung aalis ako dito."

Ngumiti nalang ako. Tinuon nalang namin ang atensyon sa laro. Hindi ko naman magawang makipagsabayan sa mga tumitili dahil na rin sa nandyan si Kale. The memory of that night is still in my head.

Just as expected, Brierwell nga ang nanalo, naghiyawan na ang lahat pati si Emma pero tipid lang akong ngumiti at nakaupo. Hindi ko alam ang dapat kong gawin.

Nakita naman ako ni Prince at pinapababa kami ni Emma.

"Emma, tara sa baba." sabi ko sa kanya.

"Huh? Sigurado ka nandoon si-"

I smiled. "Okay lang."

She just sighed at bumaba kami sa may court. Ngiting-ngiti naman na Prince na lumapit sa amin, aakbay sana siya sa akin ngunit naalala niyang pawisan siya at galing sa laro.

"Congrats," sambit ko at ngumiti.

"Thank you, it's a good thing you're here, huh? Maybe you're our lucky charm?" Prince said.

I awkwardly glanced at Emma who's just looking at Prince. "Congrats, Prince! Ang galing niyo!" natutuwa niyang sabi.

He chuckled. "Thanks, Ems." tinaas niya ang kamay para maghigh five. Agad din naman 'tong pinalo ni Emma.

Nagsimula naman si Emma makipag-usap kay Prince, hindi nalang ako nagsalita para bigyan sila ng moment. I'm sure Emma would like that too.

"Uh, CR lang ako." paalam ko ulit.

Hinawakan naman ni Emma ang braso ko at tiningnan ako na para bang sinasabing 'Ayos lang?'

Tumango nalang ako at ngumiti. Yun na yung pagkakataon niya eh.

Hindi pa man ako nakakalayo ay may humila na agad sa palapulsahan ko, nagulat naman ako at si Kale pala 'yun.

"Kale?" naguguluhan kong sabi.

Hinila niya ako papasok ng boys locker room. Naguguluhan ko naman siyang tiningnan at nagtataka kung bakit dinala niya ako dito. Naalala ko naman 'yung kahihiyan na ginawa ko.

"What are you doing here?" he asked.

"Sinamahan ko lang si Emma, at saka sinabi ni Prince na pumunta daw ako." sagot ko.

He had a sarcastic smile. "Really? Hindi ka ba pumunta dito para sa akin?"

Yumuko ako. Hindi ko alam kung ano ba ang gusto niya. Alam niyang gusto ko siya at parang lumalabas pang mayabang ang dating niya ngayon. Hindi ko siya maintindihan. Ano bang gusto niyang gawin ko? Sinusubukan ko na ngang maka-move on sa kanya.

"Kalimutan nalang natin 'yung sinabi ko." sabi ko. "Maiintindihan ko rin kung ayaw mo nang makipagkaibigan sa akin," mahinang sambit ko.

He scoffed. "Pare-parehas lang kayo..."

I bit my lip a little, wanting to get away from there.

"What? After me, si Prince naman siguro ang target mo 'no? Nevermind that he's Emma's crush, because-"

Hindi ko na napigilan ang sampalin siya.

Nag-angat ako ng tingin.

"Ano bang gusto mong gawin ko, ha? Gusto lang naman kita! Anong kasalanan ba ang ginawa ko sayo at bakit mo 'ko ginaganito?!"

He held the part that I slapped and looked at me. His eyes show regret in what his doing.

"I liked you so much, okay? Kahit alam kong iba ang gusto mo, kahit alam kong hindi mo ako magugustuhan! Pero, masama ba 'yun, ha? Masama bang magustuhan ka? Why do you make it seem so hard for me?"

His jaw clenched and his eyes gaze towards the entrance.

Lumingon ako at nakita ang iilang mga ka-teammates nila na nandito at nakatingin sa aming dalawa. Nakakahiya na nga na nandito ako sa loob ng boys locker room, dagdag mo pa na sinabi ko na gusto ko siya.

"Fuck," I cursed before turning my back at him, and running away from there.

Hindi ko na alam kung saan ako napunta sa lawak ng Brierwell, pero naupo nalang ako sa isang bench dito sa may ilalim ng puno. Wala rin halos tao kaya umiyak nalang ako dito, mag-isa. Eto pala yung sinasabi nilang heartbreak... ang sakit nga talaga.

"Miss..."

Nag-angat ako ng tingin at nakitang may panyo sa harap ko. Umiling ako, hindi pa rin tinitingnan yung lalaki.

"Hindi, wag na po kuya. Ayos lang."

Nagulat ako nung kinuha niya ang kamay ko at pinatong ang panyo dito. Magpapasalamat sana ako at titingnan siya pero tumalikod na ito agad at naglakad palayo.

"Lia."

Bigla akong nagising. Hindi ko man lang namalayan na nasa bahay na pala kami ni Kale. Gaano ba ako katagal nakatulog dahil sa traffic?

Ngumiti siya sa akin. "Ang tagal mo rin nakatulog. Halos isang oras din, traffic kase."

"T-talaga?" hindi ko makapaniwalang sabi. Ganoon katagal na akong tulog.

Tumango lang siya. Agad ko naman inayos ang sarili ko. Nanatili lang naman nakatitig sa akin si Kale, at hindi inaalis ang tingin sa akin, pakiramdam ko tuloy may dumi sa mukha ko.

"Bakit?" tanong ko.

Umiling siya at ngumiti. "Wala, bagay kase sayo yung gupit mo." sabi niya. "Maganda."

Ngumiti lang ako ng tipid. Hindi ko talaga alam kung paano ko siya pakikitunguhan.

"Sige, pasok na ako. Thank you sa paghatid, ha?" sabi ko.

"Sure," he said.

"Bye." sabi ko

"Wala bang goodbye kiss?" nakangiti niyang tanong sa akin.

I gave him a look. He laughed at umiling-iling nalang.

"Joke lang, 'to naman hindi mabiro."

Tumawa nalang ako at bumaba na sa sasakyan niya. "Ingat ka ha?"

Tumango siya. "Yes, ma'am!" he said, saluting.

I just rolled my eyes and closed the door. I quickly entered the house because I'm tired. Pagdating ko naman sa sala ay nandito na naman si Tito Remy. Ang alam ko ay vice-mayor ito sa isang lugar, bakit napapadalas ata siya dito?

"Lia, ginabi ka ata? Traffic ba?" tanong ni Mama.

Tumango ako. "Yes, pero hinatid naman po ako ni Kale."

"Kale?" nagliwanag ang mukha ni Mama. "Nako, napapadalas ata ang pagkikita niyo ah!" maligayang sabi ni Mama.

Naguguluhan naman na tumingin sa amin si Tito Remy. "Kale? Boyfriend niya?"

Umiling ako agad. "Hindi po, kaibigan ko lang po!" tanggi ko agad.

"Na baka manliligaw. Nako, baka naman mamaya kayo na ah? Wag kang mahiya, ayos lang naman sa akin na magboyfriend ka, basta katulad ni Kale iyon." sabi ni Mama.

I just sighed and went to my room. Si Mama talaga kahit kailan, lagi nalang ganon!

Kakasimula palang ng second semester pero parang ang dami na agad gagawin. Nagkakataon pang nakakagrupo ko si Gray, kaya medyo na-iilang ako dito. Si Kale naman, halos araw-araw na akong sinusundo sa school, pabor rin naman sa akin dahil nakakatipid ako sa pamasahe. Hindi ko na kinakailangan gumastos.

"Ano, Lia? Susunduin ka na naman ba ng boyfriend mo?"  tanong ni Yasmin.

Umiling ako. "Hindi ko siya boyfriend."

Katabi ko na naman si Gray na nakasuot ng headphones. Napapansin kong lagi nalang siyang nakikinig sa music at lagi rin nakaupo dito sa upuan sa tabi ko. Hindi ko alam kung dahil ba makukulit ang barkada niya kaya ayaw niyang umupo sa tabi ng mga ito.

"Manliligaw?" tanong ni Tina.

Umiling ulit ako. "Hindi rin,"

"Ha? Edi ano kayo?" tanong ni Allie.

"Friends."

Nagkatinginan naman sila na hindi naniniwala.

"Talaga ba?" ngiti ni Allie.

Inirapan ko nalang sila. "Tigilan niyo nga ako! Friends lang kami, okay?"

Nagtawanan naman sila. Bumusangot naman ang mukha ko. Ako talaga 'yung trip nilang asarin 'no?

"Lia,"

Napatingin naman ako kay Gray. Tumigil sa tawanan ang mga kaibigan ko. Bigla niya naman inabot sa akin ang cellphone.

"Ikaw muna ang maglaro, CR lang ako." paalam niya at umalis na doon.

Natulala ako saglit bago nilaro agad yung pinapalaro niya sa akin, buti nalang talaga marunong ako nito.

"Naks, parang girlfriend lang ah," sabi ni Allie. "Lagi nang tumatabi sayo si Gray ah, may gusto ata sayo."

"Tsk. Hindi 'yan. Sigurado ako dun." sagot ko. "Ang isyu niyo talaga."

Masyado ata akong nasiyahan sa paglalaro na hindi ko napansin na nakabalik na pala si Gray. Pasalamat nalang at hindi pa ako namamatay. Napansin ko lang nung medyo malapit ang mukha niya sa akin at nanonood pala sa akin.

"Hala, sorry. Nasiyahan lang." sabi ko, at binalik na sa kanya 'yun.

Ngumiti siya. "Ayos lang. Magaling ka naman," sabi niya. "Mukhang hindi ka naman baguhan ka ah?"

"Ha? Tamang practice lang 'yan!" sabi ko at tumawa.

Hindi na siya nakapagsalita nung dumating na ang prof namin. May pa-quiz kase siya ngayon at isa 'to sa mga pinaka strict, ayaw talaga ng ingay.

"Guys, sa amin nalang tayo gumawa. Medyo malapit lang din naman." sabi ni Vivian.

Tumango silang lahat. Wala naman kaso sa akin kung saan gagawa. Flexible naman ako kung saan man.

Nung pauwi na ay sabay kami ni Gray at iilang mga kaklase na maglakad patungo sa gate, agad ko naman napansin kung nasaan si Kale.

"Uh, nandyan na pala kasama ko, guys. Bye!" sabi ko at napatingin pa kay Gray na seryoso lang ang tingin sa akin at nakatanaw din kay Kale.

"Nako, nandyan na pala jowa ni Lia, eh." rinig kong sabi nung isa.

Tumawa ako. "Hindi ko jowa yun," sabi ko at tumakbo na patungo kay Kale, baka kase ang tagal niya nang naghihintay dyan.

"Kanina ka pa?" tanong ko.

Umiling siya. "Kararating lang din,"

Napatingin siya sa gawi nung mga kaklase ko na nakatingin sa amin at nakangiti. Maliban lang kay Gray na malamig ang tingin sa amin.

"Blockmate mo pala si Castellano?"

Tumango ako. "Oo."

Tumingin siya ulit doon sa gawi nila.

"Castellano!" tawag ni Kale. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba. Bakit niya kailangan tawagin si Gray?

Nakatalikod ako doon, kaya naman iniiwas ko nalang ang tingin kay Kale. Ayokong makita niyang apektado ako sa presensya ni Gray. Ayokong malaman niya na gusto ko ito.

"Bro, kamusta." sabi ni Kale at nakipag hand shake dito.

"Ayos lang," malamig na sagot ni Gray.

Tinapik ni Kale ang balikat ni Gray habang di pa rin ako makatingin ng diretso sa kanilang dalawa.

"Bro, ibibilin ko sayo si Lia ah, ikaw nalang mag-alaga dito. Tapos pag may umaaligid na lalaki, harangan mo!" pabirong sabi ni Kale.

Tiningnan ko sila. "Kale, hindi naman ako bata." sabi ko.

He smiled and held my chin. "Oo nga, pero mahalaga ka sa akin."

Inalis niya rin ang hawak sa baba ko. I felt awkward that Gray, my current crush and Kale, my ex crush are talking about this.

Nakatingin sa akin si Gray habang kinakausap siya ni Kale, kaya naman agad din akong nag-iwas ng tingin. Hindi dapat malaman ni Kale.

"Bro, sabay ka na sa amin. Madadaanan naman ata namin 'yung inyo diba?"

"Wag na, kaya ko naman."

"Sus, nahiya ka pa. Sige na, ayos lang."

Bumuntong-hininga si Gray nung wala ng magawa kung hindi sumunod kay Kale. Wala na kase 'tong preno sa pag-aya kay Gray.

Alam din naman ni Gray na dito ako kay Kale sumasabay pauwi. Kaya dumiretso nalang siya sa backseat.

Pagkapasok sa sasakyan ay parang di ako mapakali. Hindi ko maintindihan 'yung dapat ko bang maramdaman ngayon. Bakit kase niyaya pa ni Kale 'tong si Gray dito? Wala naman akong kaso kung isabay siya pero pakiramdam ko'y hindi ako mapakali ng mabuti dito sa kinauupuan ko.

"Lia, okay ka lang?" biglaang tanong ni Kale.

Tumingin ako sa kanya. "Ha? Oo! Ayos lang ako." sabi ko sabay ngiti.

Ngumiti lang ulit si Kale at binalik sa harap ang tingin. Napatingin naman ako sa rear-view mirror kung saan ko kita si Gray. Nakatingin lang siya sa harap namin.

"Bro, nagbabasketball ka pa ba?" tanong ni Kale.

"Hindi na," maikling sagot ni Gray.

"What? Really? It's a waste of talent kung titigil ka! Wala bang basketball team 'yung school niyo?"

"Meron, pero wala silang official team na lumalaban."

"Tsk. Ano ba naman 'yan. I wanted us to face off again in the court, dude." sabi ni Kale. "It's really a waste that you're not playing anymore."

They proceeded talking about basketball. Hindi naman ako makarelate kaya sinubukan ko nalang matulog dahil medyo traffic pa sa dinaanan namin.

"She's asleep," rinig kong sabi ni Kale.

There was silence for awhile. Hindi ko alam kung bakit sila biglang tumigil na magkwentuhan. Hindi ko na alam yung nangyayari. Gusto ko sana ibuka ang mga mata ko pero parang ayaw ko rin.

"Kayo ba?" tanong ni Gray.

Mas lalo kong hinigpitan ang pikit ng mata ko. Parang gusto ko pang marinig ang usapan nila. Alam kong mali makinig sa usapan ng iba pero hindi ko na rin naman maiiwasan 'to.

"Hindi," sagot ni Kale. "But I plan to make her mine."

May katahimikan na naman na naganap. Hindi ko alam kung bakit ako may naramdaman na kaba. Bakit tatanungin ni Gray si Kale kung kami ba? Why is he curious?

Umaasa na naman ba ako?

"Why? Do you like her?" rinig kong tanong ni Kale. Nakatigil ang sasakyan. Hindi ko alam kung nasaan na kami.

There was that silence again. This is the answer that I wanted to hear. I just needed to know if there is a chance that he likes me too. If there is something that I can hold on to. I don't want another Kale situation to happen. I just want to know the odds, to know how I should act, or how I should deal with it.

"No." sagot ni Gray.

I felt my heart drop at that second. So, he doesn't really like me, huh? Why was I a fool to think that he would actually like me? Ang tanga ko talaga para isipin pa 'yun.

Kale chuckled. "Then, we won't have any problem with that, dude."

I feel like there are tears welling up in my eyes even though they are closed. It hurts even more to actually hear him say it. The chance that I had, when he said that he likes someone else during the open mic has slimmed down to zero.

This is the sign that I'm asking for, the sign to just move on from whatever feelings that I have for him.

I don't want another heartbreak happen.

Tumigil ang sasakyan. Unti-unti binuksan ang mga mata ko para tingnan kung nasaan kami. Nandito na kami kina Gray.

Pero bago pa man nilang malaman na gising ako ay agad ko na rin 'tong sinara. Wala akong lakas para harapin siya.

"Tulog pa rin si Lia," puna ni Kale. "Bye, dude!"

"Salamat." rinig kong sabi ni Gray at lumabas na ng sasakyan.

Nung gumalaw na ang sasakyan at nakaalis na kami ay doon ko lang binuksan ang mga mata ko.

"You're awake!" sabi ni Kale. "Nahatid ko na si Gray."

Tumango lang ako at tumingin sa labas. Wala akong lakas para makipagusap sa kanya. Parang nanghihina ako na hindi ko maiintindihan.

Hindi kami nag-usap buong byahe. Tinanaw ko nalang yung labas at sinandal ang ulo ko sa bintana.

Nung makarating naman kami sa tapat na ng bahay ay ngumiti lang ako sa kanya ng tipid para ipakitang ayos lang ako.

"Thank you, Kale." sabi ko at bubuksan na ang pinto.

"You heard that right?"

I stopped. I faced him with my forehead creased. He was just looking at me seriously.

"What do you mean?"

He sighed, before looking at me in the eyes.

"Si Gray, siya yung gusto mo diba?"

I looked away quickly. I knew that would be a confirmation to him that it's true. How did he know about that? Did someone tell him? I'm sure Emma wouldn't, because she hates him so much, but how did he know about that?

He sarcastically smiled. "Damn it," he cursed.

I bit my lip and watched his expression. He was just looking at front, thinking of something.

I tried to speak but no words came out of my mouth. I didn't know what else I have to say to him. It's not like we're together. I don't really think I have to explain anything to him. He's not my boyfriend. He's just my friend.

"You weren't asleep when he said that he doesn't like you, right?" Kale said. "You heard that."

I slowly nodded. I don't know where this conversation is going.

"Fuck, he's at an advantage because you both are in the same classes." I heard him whisper.

He looked at me and grabbed my hand. He stared at my eyes with so much intensity that I want to look away, but I can't.

"Lia, you know I like you right?"

I nodded.

"You know I'll do anything for you."

Hindi ako makasagot. Nakatingin lang ako sa mga mata niya. I could see the sincerity in them.

"Choose me," he said.

"Kale—"

"Just choose me." he repeated, almost pleading.

He cupped both of my hands and kissed them. This is the first time I've seen him this desperate. It almost feels like he isn't the Kale I know, the Kale I liked.

"Just choose me instead of him and you'll never have to experience another heartbreak again."

Continue Reading

You'll Also Like

113K 1.4K 46
[Imperfect Girls Series #3] In each gentle drop together with its white and soft clouds that darkens to heavy gray ones, the wet soil and earthy scen...
380K 11.3K 45
For Zepporah Bevacque, family is important. Her family should be her top priority. Ginawa niya ang lahat para tanggapin siya, lalong-lalo na ng kaniy...
310K 9.7K 44
SG President Adina Balmori was uptight and too formal. She grew up believing that she shouldn't settle for imperfections because she had an image to...
66.3K 3.7K 45
Band Series #1 || Kaye Serenity Saavedra desperately came back to Philippines after being forced to study abroad. She gets involved with Cyrus Louis...