STS #2: Give Me More [COMPLET...

By Missflorendo

2.2M 45.3K 12.4K

[Smith Twins Series #2] Atty. Sam Spencer Smith, a secret agent who quit his dream job just to become a crim... More

ABOUT THE STORY
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55

Kabanata 9

34.2K 862 426
By Missflorendo

Kabanata 9

"Wow. So, may cancellation na pala ang pag-mu-move on ngayon?" mataray na ani Mona. Masama na naman ang tingin sa amin ni Kairo sa pagkakalat namin sa unit niya.

Sabado na silang nakapunta dahil naging busy ang mga bruha sa mga trabaho nila. Si Mona lang ang laging petiks sa amin dahil ang trabaho lang naman niyon ay mamili ng mga ipaparada niyang bags sa harapan ni Allyson.

Kinuha ni Lyra ang baso niya at tinungga ang laman nito.

"Paanong hindi ica-cancel ang pag-mu-move on, e inanakan siya ng aso. Dog style din ba ang ginamit ninyo sa pagbuo?"

Mabilis kong binato sa mukha niya ang malaking bag ng imported potato chips na agad naman niyang nasalo habang tumatawa.

"Wala pa kami sa part na 'yon, gaga!" gusto yata ay rated spg agad! Di pa 'ko ready sa gano'ng eksena oy! Huehue. Maybe soon.

"Singaw ang anak nila. Bigla na lang lumabas sa mundo," singit ni Dior habang busy siya sa pag-s-scroll sa phone niya. Mga gagang 'to pinagtutulungan na naman ako!

"Excuse me!" pagtataray ko at nakapamaywang ko silang hinarap. "I was conceived by the power of the Holy Spirit kaya!"

"Pucha ka 'di ka tatablan ng holy spirit!" mapanghusgang banat agad ni Lyra.

"Aba mas lalo naman ikaw!" ganti ko sa kanya. Gagang 'to ang lakas ng loob! Amp!

Napuno na naman tuloy ng ingay ang lugar ni Kairo sa tawanan naming apat.

"Pero bakit naman French bulldog ang binigay niya sa 'yo? Ang dami-daming breed ng aso d'yan na mas feminine!" nagtatakang tanong ni Dior habang tinitignan iyong mga litrato ni Tammy na sinend ko sa group chat namin.

"Baka kase lalake ang tingin sa kanya ni Sam? Ang maton maton kasi! Kala mong ampon ng mga Martin!" bastos na bunganga na sabi ni Mona.

"Ibuka mo kasi agad nang ma-distinguish na babae ka, Te!" isa pang mas bastos 'to! Naghubad ng top niya si Lyra at naka-bra na lang siya ngayon. "Ang init naman! Tinitipid mo ba kami sa lamig ng ac mo, Kairo? Lakasan mo nga!"

Inirapan siya ni Kairo pero sumunod naman. Inubos ko ang tequila sa baso ko sabay pahid ko ng asin sa dila ko.

"Chill lang kasi kayo. Hindi niyo naman ako katulad na ready sa matured content!"

Napahilot ng kanyang ulo si Lyra. "Jusko naman, Portia. Bente-singko anyos ka na wala pa ring kaayusan ang sex life mo. Nakakahiya kang maging pinsan ko sa totoo lang."

"Palibhasa ikaw pati hardinero ng kapitbahay ninyo pinapatulan mo!"

"Yummers naman 'yun, gaga! At saka hindi naman siya hardinero. Hobby lang talaga niyang diligan kami ng mga halaman niya."

Nagtawan kami sa napakalanding hirit ni Lyra. Hay jusko. Nang magpaulan yata ng kalandian sa mundo ay sinalo niyang lahat. Pati iyong dapat sa 'kin ay inangkin niya.

"Tangina ka Kairo may galit ka ba sa 'kin at tinodo mo sa lamig?!" galit na sigaw ni Lyra nang manginig naman siya ngayon sa lamig. Agad niyang hinanap iyong damit niya at sinuot ulit.

"Labo mo." Asar na tumayo ulit si Kairo para hinaan ang ac.

Napansin kong kanina pa tahimik si Kairo. Hindi siya nakikisali sa asaran naming apat. Kahit naman inis siya sa pagkakalat namin dito, kapag kumpleto na kami ay nakakalimutan na niyang inis siya. Hindi naman kasi niya kami matitiis.

"Anong problema nun?" tanong ko sa mga kasama ko.

Tumingin muna si Dior sa direksyon ni Kairo bago siya bumaling ulit sa amin. "Baka dahil na naman do'n sa Mika Andrada na 'yon."

Nanlaki agad ang mga mata ko.

"What the fuck? Anong kinalaman ng pinsan natin sa babaeng psychotic na 'yon?" pabulong at pagalit kong tanong.

"Ewan ko ba d'yan at nabaliw na yata siya sa babaeng 'yon." Umiirap na sagot naman ni Mona.

"Baka naman kasi magaling lumafang si ate mo ghorl," chill na tugon din ni Lyra. Napaawang ang bibig ko sa harapan nilang tatlo.

"Tangina ako ang kasama ni Kairo dito, bakit ako lang yata ang walang alam?!" ganoon na ba 'ko ka-busy kay Fyuch para hindi mapansing may seryosong kalandian itong kasama ko sa unit?!

"Malamang nasa landi mo kasi lahat ng atensyon mo. Pero keri lang 'yan. Matanda naman na 'yang si Kairo kaya na niya sarili niya," sabi ni Mona at nagbukas siya ng bagong bote ng jack daniels.

"Saan niya nakilala 'yung babaeng 'yon?!" pucha sa dami ng babae sa mundo bakit iyon pang babaeng sobrang komplikado ang kinasangkutan niya?! Sasagot pa lang sana si Dior kaso pabalik na sa pwesto namin si Kairo na may dalang bagong bote ng juice.

Nanahimik kami bigla. Binuksan ko ang TV para kunwari ay nanonood kami pero ang totoo ay sa group chat namin itinuloy ang usapan sa hindi kaalaman ni Kai. Hindi naman kasi siya kasali doon sa isang gc naming mga girls.

porkshaaa: paano nga niya nakilala 'yon?!

dior: ang alam ko na-meet niya 'yon sa isang bar before pumutok 'yung balita about sa rape case against Pablo Vasquez.

lyra: teka bakit ba ganyan ang pangalan mo @porkshaaa? Kelan ka pa naging baboy?

porkshaaa: recently lang. Back to the topic tangina 'di ako makapaniwala kay Kai at sa Mika na 'yon! Hindi ako makakapayag na magseryoso siya sa babaeng 'yon!

mona: same. Hindi rin ako in favor lalo pa't related ang babaeng 'yon sa mga Vasquez. Kabit ni Allyson ama non diba?

porkshaaa: oo pucha.

dior: wow very complicated naman pala ng love life ni Kairo!

porkshaaa: life lang. Walang love! Hindi pwedeng magkaroon ng love!

"Bakit ba cellphone kayo ng cellphone d'yan?" sabay sabay kaming napabalikwas nang magsalita si Kairo. Mabilis akong nag-isip ng isasagot.

"Chinat ko lang si Fyuch baka namiss ako." Palusot ko dahil baka mahalata niyang kaming apat ang magkakausap.

Kinuha niya iyong baso niya at tinungga ang buong laman nito. Nagsalin siya ulit.

"Seryoso ka ba talagang okay na kayo ni Sam?" tanong niya habang nilalaro at tinititigan ang baso niyang may yelo.

"Oo naman. Nagkabalikan na kami kaya don't 'ya worry. At saka you trust Sam naman diba? He's a nice guy sabi mo nga."

"He is. But you're not," bastos na sagot niya.

"Wow. Sa 'kin ka ba worried niyan or sa kanya?"

"Sa kanya," mabilis na sagot niya at nginisian ako.

"Gago ka, ako ang pinsan mo pinapaalala ko lang sa 'yo." singhal ko. Pero sa totoo lang ay napangiti ako nang makita kong natawa siya at nakipagbiruan na siya sa 'kin.

Siguro ay kakausapin ko na lang siya ng masinsinan one day about sa issue niya para malaman ko ang real score sa kanila ng Mika na 'yon. Ayokong mapahamak siya nang dahil sa babaeng 'yon at baka tuluyan ko na iyong kalbuhin sa kagagahan niya kapag si Kairo ang ginago niya.

Dito ulit matutulog iyong tatlo kaya hindi ako makatakas para bisitahin ang mag-ama ko sa taas. Nakabantay din si Kairo sa labas dahil ewan ko ba bakit doon siya matutulog. Huhu. Pakiramdam ko tuloy ay isang bawal na pag-ibig ang pag-iibigan namin ni Fyuch.

Kinuha ko na lang ang cellphone ko. May ibang way naman para maramdaman nila ang love and tender care ko. Sakto online pa siya. Hihi.

porkshaaa: gising ka pa, fyuch?

seen 11:20pm

sssmith: typing...

sssmith: tulog na.

Uy talented. Nakakapag reply kahit tulog.

porkshaaa: nandito mga pinsan ko di ako makaalis. ☹

sssmith: you're drinking again?

porkshaaa: konti lang po bb wag ka magalit please?

sssmith: why would I get mad? 

Ay shet barado ako do'n. Hahahaha!

porkshaa: hmp. di mo talaga ko lab. Huhu. Bakit ba gising ka pa? Sabi mo tulog ka na.

seen 11:38pm

Aray ko po sineen na lang tuloy ako. Dapat pala 'di ko na tinanong 'yon! Epal ka kasi Portia!

porkshaaa: si tammy?

Syempre sa mga gan'tong pagkakataon ko magagamit ang anak namin. Sorry, baby tammy. Mga 5 minutes bago siya sumagot.

sssmith: tulog na.

porkshaaa: namiss mo ba ko?

porkshaaa: *este ni tammy?

porkshaaa: epal tong keyboard ko loko loko!

Nagtago ako sa ilalim ng comforter ko at nagpagulong gulong sa bakanteng space ng kama ko. Bakit gan'to ka-unfair ang mundo? Kahit anong banat ko sa kanya walang talab! Samantalang ako, maalala ko lang siya mangisay ngisay na 'ko sa kilig! Binudburan yata ng kilig bones ni Lord ang buong skeletal system ko noong hinagis niya 'ko sa mundo.

sssmith: tammy woke up.

porkshaaa: oh dali na tanong mo na sa kanya kung namiss niya ba ko!

sssmith: he said aww aww.

Aba magaling talaga 'tong ama ng anak ko! Hahahaha! Ibinaon ko ang mukha ko sa malaking unan para doon ubusin ang tawa ko! Bakit na-i-imagine kong siya 'yung tumatahol?! Pero bakit kahit tumahol yata siya ay hindi magbabago ang pagtingin ko sa kanya? Ang unfair lang 'di ba?! Chos! Nag-type ako ng reply.

porkshaaa: yung totoo, fyuch? Aso ba yan o member ng sexbomb?

sssmith: perv.

porkshaaa: whut?! Me? Perv? How? When? Why?

sssmith: how can you just casually say s*xbomb?

porkshaaa: oh god. Don't tell me hindi mo alam ang sexbomb?

sssmith: a porn site for sure.

And now I realized, hindi pala talaga lahat ay masaya ang childhood.

porkshaaa: wait mo ko dyan at ipapakilala kita kina Jopay!!

Chineck ko muna kung tulog na ba itong tatlong kasama ko. Sinipa sipa ko sila ng mahina at nang ma-confirm kong borlogs na nga sila, ngiting tagumpay akong dahan dahan na bumaba sa kama. Naka-tiptoe akong lumabas ng kwarto at maingat ko ring sinilip muna si Kairo kung tulog na ba siya. Kaso pagtingin ko wala siya ro'n! Baka pumasok na siya sa kwarto niya? Ahihihi. Feeling success ako nang tuluyan akong makalabas. Nakapambahay lang akong shorts at T-shirt na may print ng mukha ni Wuba.

Habang nasa elevator ako ay nag-search na ako ng mga videos and pictures ng sexbomb. Tumakbo agad ako palabas ng elevator pagbukas nito. Nagmamadali akong kumatok sa pinto niya at pinagbuksan naman niya 'ko agad kahit mukhang labag sa kalooban niya. Wala man lang welcome home, baby tapos hug. Amp!

Buti pa si Tammy ay sinalubong ako at kiniss! Binuhat ko agad siya at nag nose to nose kami.

"Sweet sweet naman ng baby ko na 'yan! Kanino ka ba nagmana, ha?" pinanggigilan ko ang pisngi niya bago ko siya binitiwan at sumunod kay Fyuch sa sala.

Napatingin ako sa working table niya sa sala. Actually bawat sulok yata nitong unit niya ay may lamesa para kung sakaling saan man niya ma-tripan na magtrabaho ay magtatrabaho siya. May nakabukas siyang laptop, mga makakapal na libro at papel na singkapal ng isang rim ng bond paper. And to confirm na binulabog ko na naman siya, may suot siyang salamin. Mukhang nasa kalagitnaan siya ng pagbabasa niya ng mga kaso tapos ginulo ko siya para ipakilala ang mga alaga ni Joy Cancio.

Pina-connect ko ang phone ko sa TV niya para mas malaki ang screen namin. Ayaw niya pa noong una dahil akala na naman niya papa-panoorin ko siya ng porn. Grabe siya parang jinudge na niya ang buong pagkatao ko roon nang wala akong kalaban laban! Pero sa huli, pumayag din naman siya.

Syempre, mahihindian ba niya ang ina ni Tammy at ng future soccer team niya? Char!

"What are you doing?" kunot noo niyang tanong dahil sapilitan ko siyang pinatayo sa swiveling chair niya at pinaupo sa sofa.

May nahanap akong slideshow ng members ng sexbomb. Tumayo ako sa gilid ng TV at isa isa ko silang pinakilala sa kanya.

"Oh? Kilala mo na ngayon ang sexbomb? Hindi sila bastos."

"O-Okay."

"Basta si Joy Cancio, siya ang coach. Hindi siya member, kuha mo?" parang no choice siya kundi ang tumango sa mga nilecture ko sa kanya. Hahahaha!

Pin-lay ko na ngayon ang pinaka paborito kong sayaw ni Rochelle na Baile. Pumwesto ako sa gitna at nakakunot noo na naman siyang nakaabang sa gagawin ko. Nang mag-i-intro na yung kanta, nagsimula na 'kong kumembot ng ala-sexbomb de portia. Namilog ang mga mata ni Fyuch sa bawat bigay todong pag kembot ko at parang hindi niya mapaniwalaan na sobrang talented ko yata. 

"Jesus Christ. Stop it, Portia..." parang bigla siyang namutla pero hindi ko siya pinansin. Tuloy tuloy lang ako sa pagkembot sa intro hanggang sa dumating na ang mga linya na i-ra-rap ko. Yes, mag-ra-rap ako!

"Kanina pa kita pinagmamasdan, bawat galaw sa sasalo ng awit tinitignan. Ang bewang mong gumigiling aking sinusundan. Kahit sa'n makarating ay aking sasabayan!" Todo bigay ako sa pag-ra-rap at sa paggiling dahil kabisado ko pa ang lyrics at mga steps nito hanggang ngayon.

"Portia, please...stop." Pakiusap niya ngunit tinignan ko pa siya ng mukhang nang-aakit dahil sa susunod kong lyrics.

"Ba't hindi ka lumapit sa 'kin at hawakan mo. Aking kamay 'wag mahiya sige subukan mo. Maging ang lalake na siyang pinapangarap ko. Mayakap at makasayaw sa'n pa ba hahantong, tara!" nasa second line pa lang ako pero napahilamos na siya ng palad niya sa kanyang mukha. Kaya naman nang mag-chorus na ay itinodo ko na talaga.

"Oh Portia...have mercy on us." Lumapit si Tammy sa kanya. Wapakels pa rin akong nagpatuloy.

"Baile...Baile...Baile...Baile...tayong dalawa walang ibang kasali. Baile...Baile...Baile...Baile...ni walang katapusan walang finale! Wag na wag kang ma-diya-diyahe, feel ko mabilis at barakong lalake. Wag ka ng mag-iinarte sayang ang iyong gandang lalake! Sige na!!" binirit ko ang huling line ko at kumembot kembot ulit.

Biglang inabot niya ang remote saka pinatay ang TV. Hinihingal akong huminto at tumingin sa kanya. Pinunasan ko pa ang pawis ko sa noo gamit ang likod ng palad ko.

"B-Bakit...mo pinatay?" humahangos na tanong ko. Feeling ko nawala ang tama niyong ininom ko kanina.

"You look like a dancing worm."

"Luh! May uod bang sumasayaw?!"

"Ikaw. Uod na inasinan."

I bit my lip to stop myself from bursting. Wala man lang appreciation sa katawan 'to! Jusko kung ibang lalake lang ang sinayawan ko ng gano' n siguradong baliw na baliw na iyon sa alindog ko! 

Sobrang nauhaw ako kaya kapal mukha na 'kong pumunta sa ref niya at nakiinom. Pinagmasdan ko ang laman nitong puro bottled water, canned beers, bottled juices.

"Alam mo, mas environmentally friendly kung mag-pi-pitsel ka na lang. Kawawa si Mother Earth sa mga bote mong ito oh." Pinagtuturo ko iyong mga tubig niyang bote bote. Kala mong ref sa convenience store!

"Pitsel?"

"Di mo alam ang pitsel? Pitcher in English. It is a large container, typically glass plastic with handle, used for pouring liquids."

"I know." Inirapan niya 'ko na parang ayaw niyang pinagmukha ko siyang hindi alam ang pitsel. Hahahaha! Talino e! Bumalik ako sa harapan niya after kong uminom. "Ayaw mo na 'kong sumayaw ulit? May baon pa 'kong spageting pababa." Pinakitaan ko siya ng kaunting steps nito.

Mabilis siyang umiling. "Please no. We're already in the middle of the night."

Mukhang kinabahan pa ang itsura niya! Katuwa talaga. Napaka-gwapo ihh! Natatawa kong tinabihan si Tammy na nakahiga sa sahig at tinititigan ako.

"Antok ka na ba? Uwi na 'ko?" tanong ko kay Fyuch.

"Please do."

"Ba naman 'yan! Hindi man lang ako pigilan! Hmp." Tumayo ako at kiniss ko sa noo si Tammy. "O sige na bababa na 'ko."

Lumapit ako sa kanya para sana mag good night kiss din kaso 'yung palad niya ang pina-kiss niya sa 'kin. Hinarang ang buong mukha ko! Tumatawa akong lumabas at nag-flying kiss na lang sa kanya, pero inilagan ng loko! Huh!

"Balang araw, hahabulin mo rin 'yang mga flying kiss ko. Itatak mo 'yan sa gwapo mong mukha!" sigaw ko bago ko sinara ang pinto niya.

Tanghali na 'kong gumising kinabukasan at wala na ni isa sa mga kasama ko. Gutom na gutom ako paggising ko. Tumayo ako at hinanap ang cellphone ko para makapagpa-deliver sana ako ng brunch.

"Potek nasa'an na ba 'yon?" nakasimangot akong nagkamot ng ulo dahil hindi ko talaga makita. Napahinto ako nang mapatingin ako sa pinto. "Ah shit. Nakalimutan ko sa TV ni Fyuch."

Nag-toothbrush lang ako at agad na tumakbo paakyat sa unit niya. Haist! Sana po ay hindi pa siya nakakaalis. Huhu. Kumatok agad ako pagdating ko sa tapat ng pinto niya. Hindi siya sumasagot. Kumatok ulit ako. Wala pa rin. Sinandal ko ang tenga ko sa pinto at kumatok ako ng kumatok ng kumatok hanggang sa muntik akong sumubsob nang biglang bumukas ito. Napahawak ako sa gilid at napatitig sa tumambad sa harapan ko.

"Are you gonna break my door?" inis na salubong niya sa 'kin pagbukas niya ng pinto. Kahit na tunog iritado ang tinig niya ay sobrang sexy pa rin nitong pakinggan. Gosh, nakaka turn on 'yung accent niya! Weakness ko pa naman iyong ganern. Tapos may pa-free breakfast mga pandesal na siksik sa harapan ko.

Napalunok ako.

"1 rice please." I teased, looking directly at his abs.

He rolled his eyes and turned his back to me. Sinarado ko ang pinto at sumunod ako sa kanya. Dere-deretso siyang naglakad papasok ng kwarto pero pabagsak niya itong sinarado bago pa 'ko makapasok. Amp!

"Sus. Kukunin ko lang naman ho iyong naiwan kong cellphone! Hindi naman ako papasok sa kwarto mo! Feeling mo naman!" sigaw ko at tinungo ang phone kong nasa tabi ng TV niya sa sala. Pagkatapos ay nag-good morning kiss ako sa baby ko.

"Kumain na ba si Tammy?" sigaw na tanong ko.

Lumabas si Attorney nang nakabihis na at nagpupunas na ng white towel sa buhok niya. Ano ba 'yan! Tinago agad 'yung almusal ko!

"He already ate," sagot niya.

"Eh ikaw? Kumain ka na?"

"Kakain pa lang."

"Saan ka kakain?"

"Sa bibig."

Napatampal ako sa noo ko. Heto na naman po kami.

"So, saang lugar mo pakakainin ang bibig mo?"

Tinuturuan talaga ako nitong habaan ang pasensya ko at ayusin ang mga tanong ko.

"Mall." Tipid na sagot niya.

"Pwedeng sumama?" nag-beautiful eyes ako para lang pumayag siya. Tinaasan niya 'ko ng kilay at tinignan mula ulo hanggang paa.

"I don't bring kids with me."

"Of course. It's me who'll bring your kids," mabilis at nakangising sagot ko. Nice shot, Portia! "Maliligo lang akong mabilis 5 minutes—okay 10 minutes lang tapos na 'ko! Wait mo 'ko, ha? Sobrang gutom na gutom na talaga ako maawa ka sa 'kin, please."

He didn't answer, so I took it as a yes. Ahihi. Tumakbo agad ako pababa at mabilisang naligo. Humugot lang ako ng gray shirt na tinucked in ko sa denim shorts ko, tapos sandals lang. Chinat ako ni Fyuch na dumirecho na lang daw ako sa baba.

"Whoo! Kapagod tumakbo!" reklamo ko pagsakay ko sa front seat. Sinuot ko ang seatbelt ko at nilingon ko siya sa tabi ko. "Kaso nakita na kita, hindi na pala ako pagod." Tapos nag-heart sign ako.

"You're weird." natatawa niyang binuhay ang makina.

"Weird, pero napapatawa ka naman. Tsssss," ganti ko at nag-search ng masarap na kakainan sa mall. "Anong gusto mong kainin?"

"Of course...food."

"Nanapak ako ng crush alam mo ba 'yon?"

"Go ahead."

"I'm warning you, Fyuch." Seryosong babala ko. "Sa tindi kong manapak, kaya kong iparamdam sa 'yo kung gaano ka ka-importante sa buhay ko."

"The fuck?" he snapped.

"Yieee kiligin ka naman jusko!" tukso ko. Nag-scroll na lang ako sa newsfeed ko para hindi ko na siya magambala sa pagda-drive niya. "Omg gusto ko ng takoyaki!"

"Ok. Let's eat Japanese food, then."

Gulat akong napatingin sa kanya.

"Omg 'di nga?! Okay lang sa 'yo?"

Tumango siya at sa isang fancy Japanese resto kami nagpunta! Grabe ang spoiled ko naman kay fyuch! Kaines! Ang ganda ko lang! Hahahaha. Pero shit na malagkit! Kung alam ko lang ay ginandahan ko naman sana ng slight ang suot ko! Nagmukha tuloy akong pinulot lang niya sa daan at sinama rito para pakainin. Huhu. Akala ko naman kasi sa Jollibee lang kami kakain ei! And since nag-decide kaming mag-japanese food, akala ko naman sa Tokyo Tokyo lang gano'n! Haaay. Mabuti na lang talaga maganda ako. May awa pa rin ang maykapal.

Binigay niya ang order namin sa waiter. Siya na rin ang pinapili ko ng food ko basta samahan lang niya ng takoyaki.

"Lagi ka bang kumakain sa labas? Hindi ka talaga nagluluto?" curious kong tanong.

"I don't eat sa labas. I always eat inside."

"Fyuch, naman eee!"

"What?" he asked in a mocking tone.

"Seryosohin mo naman ako," nakangusong sabi ko.

"I'm serious."

"Pasalamat ka gwapo ka."

"Thank you."

Napakamot ako sa ulo ko. Ito na ba ang version na tinutukoy ni Adara? Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ako o magsisisi na pinilit kong maging gan'to siya.

"Fyuch..."

"What?" tinaasan niya 'ko ng kilay at kinuha ang baso ng juice niya.

"Will you go out with me this Saturday? Nood tayong sine tapos foodtrip."

Nasamid siya sa iniinom niya at tinignan niya 'ko ng masama.

"I'm having a fever this weekend."

"Ay wow. De appointment na ang lagnat ngayon? Pa-resched mo naman, please."

"That's final."

Napanguso ako. "O sige sa susunod na nga lang." kinuha ko rin ang baso ko at uminom. Halos makalahati ko ito nang ilapag ko. "Grabe 'no? Parang noon sa picture lang kita pinagpapantasyahan," 'di makapaniwalang sabi ko habang tinitignan siya ng malagkit.

"You're creepy." Di ko pinansin ang sinabi niya. Nakasapo ang baba ko sa mga palad ko at parang nag-de-daydream ko siyang pinagmasdan.

"Saan ka ba kasi nagsususuot buong buhay ko?"

"Hiding from you."

Natawa ako. Di na yata talaga 'to mabubuhay nang hindi ako binabara. Pero 'di pa rin siya uubra sa kamandag ko. 

"But I still found you. Means we're really meant to be."

"No. You're just good at stalking."

Walang dull moment ang buong paghihintay namin sa mga pagkain. Nang dumating na ang mga ito, una kong hinatak iyong takoyaki ko. Isang plate lang ng takoyaki ang inorder niya dahil mukhang 'di niya trip. Natatawa ako nang may bigla akong maisip. Pigil ang tawa ko sa pagkalikot sa isang ball ng takoyaki bago ko ito inilapit sa kanya.

"That's all yours."

"No. Kailangan mong kumain nito." Pilit ko.

"Why? I don't like it."

Itinulak ko lalo iyong mga takoyaki sa kanya. Dahan dahan kong inikot iyong plate para iharap sa kanya iyong pinaghirapan ko. Parang natakot iyong itsura niya pagkakita sa takoyaking nilagyan ko ng mga mata. Hahahaha!

"Ito ang tinatawag na...takotyaki. Kainin mo 'to para naman matakot kang mawala ako sa buhay mo." Ngumiti ako tapos kita lahat ng front teeth ko.

"Mukhang mas matatakot ako kung mapapanaginipan ko 'yan."

***

Continue Reading

You'll Also Like

23K 388 39
Ika nga nila ay walang perpekto, pero wala iyan sa isang tulad ni Ameyth Solana Harrier, she was born to bring honor and good picture for her family...
4.6M 15.1K 7
Dennis saw how Rurik secretly adore Rossette which made her challenged to steal the man. The fate must be on her side as Rossette chose her family an...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
1M 15.8K 46
She had a huge crush on that cold businessman who never cared about her presence. She knew her feelings for him is going deep and she wants to do ev...