Risha POV
Hating gabi na at nasa sala pa rin kami para pag usapan ang plano kay Terrence. Hindi ko inaasahan na aabot sa ganito ang sitwasyon na kailangang lumayo ni Anne. I can't imagined him while we telling him that she's gone. Parang ang hirap paniwalaan.
This will gonna difficult to all of us. Pinagmasdan ko ang mga kasama kong pare parehong nakayoko at nag iisip sa pwedeng mangyari.
"What shall we do? I mean,this is so hard for us" ngaguguluhang ani Cassidy.
"Ang ilagay sa lapida ang pangalan niya ay isang kahangalan" tiim bagang na saad ni Nate.
"Para na rin natin siyang pinatay! wala na bang ibang paraan?" Saad ni Aira.
Umiling sina Samantha at muling yumoko. This is so embarrassing. Ano na lang ang mararamdaman ni Anne? Lalo na ngayon ay halo halo ang nararamdaman niya.
Pag patak ng alas dos ay pumasok na kami sa aming mga kwarto para maka pagpahinga.
Maaga akong nagising kinaumagahan. Pag katapos kong mag bihis ay lumabas na agad ako sa aking kwarto at nag tungo sa kusina.
Wala ni isa sa amin ang nagtangkang mag salita sa hapag. Lalo na't madilim ang mukha ni Anne. Bawat kilos niya ay parang labag sa kaniyang kalooban.
Nang matapos kaming mag almusal ay pinatawa niya kami sa kaniyang opisina. Pag ka pasok namin ay agad kaming naupo sa mga sofa. Inilapit niya ang swivel chair niya sa amin.
Agad niyang ipinaliwanag ang mga plano niya sa amin. Nung una ay umalma kaming lahat. Bukod sa dilikado ang ipapagawa niya ay kapalit nito ang buhay niya.
"Pero Anne, pano kung hindi ka makalabas agad?" Kabadong tanong ni Aira. Tumingin sa kaniya si Anne at ngumiti ito.
"Yun din naman ang mangyayari diba? Kahit hindi ako mamatay pero parang patay rin ako"
Parang may biglang sumakal sa akin at hindi ako makahinga sa sinabi niya. He want to risk her life.
"Anne wak kang padalos dalos.. may ibang paraan pa bukod jan" pangungumbinsi ni Zeke.
She smiled weakly. " just what I've said. Plant a time bomb around in that warehouse"
"Anne.." tawag sa kaniya ni Aira pero tumango lang siya.
"The most important here is his life" sabay tayo ni Anne sa swivel chair."you may go and be prepared"
Pagka labas namin sa opisina niya ay para kaming lantang gulay na nagtungo sa kaniya kaniyang kwarto para mag handa.
Pagkapasok ko sa kwarto ay nahiga ako sa kama. Kahit wala pa akong ginawa pagod na ang katawan ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung gawin.kung paano ko siya matutulongan sa problema niyang ito.
Hapon na nang magising ako. Hindi ko inakalang makatulugan ko ang mga iniisip ko kanina. Agad akong bumangon at inilabas sa closet ang rifle na laging kong ginagamit. Kinuha ko rin ang dalawang hand gun. Pag katapos kong maligo ay nagbihis ako ng puro itim. Kinuha ko ang leather jacket at inilagay ang isang hand gun sa bulsa at isinuot.naka pony tail ang buhok ko at sinuotan ko ng black cap.
Nang may kumatok sa pintuan ay kinuha ko na ang rifle ko at bumuntong hininga.
Nadatnan ko sa labas ng kwarto ko si Aira na tulad ko ay nabalot din ng itim. Bumaba na kami sa sala at tumambad agad sa akin ang mga kasama namin na naka itim din.
"May lamay ba tayong pupuntahan?" Pag bibiro ko para maibsan ang nararamdaman kong kaba.
Nanatili kaming tahimik sa sala hanggang sa namataan namin si Anne na pababa na ng hagdan. Pinasadalahan niya kaming lahat ng tingin bago ngumiti.
"Full black huh" sabay iling niya at nag pangunang maglakad palabas.
Pagkalabas namin ay nakahilera na ang aming mga kotse. Nansa unahang ang itim na lambo ni Anne kasunot ang dalawang ferrari at dalawang trailblazer at limang SUV na sasakyan ng ibang tauhan namin.
Naunang lumabas si Anne sa Gate. Sumunod ako sa kaniya. Pag kalabas ako sa gate ay hindi ko na mahagilang ang lambo na sinakyan niya dahil sa bilis niya. Napailing nalang ako. Kinuha ko ang phone sa bulsa ang aking jacket at tinawagan si Aira.
"Ang bilis niya" sagot ni Aira.
"Walang pinag bago, ngayon lang ulit niya ginamit ang lambo niya kaya ayun pinalipad ata" pagbibiro ko.
"Sige na, hahabulin ko pa ang isang yun"
" Alright" saad ko at pinatay ang linya.
Agad na dumaan ang kotse ni Aira na humaharurot. Napailing nalang ako at sumunod sa kanila.
___________________
Cassidy POV
Wala pa namang tatlong minuto ay parang bulang naglaho ang mga sasakyan nila Aira sa harap. Bumaling ako kay Samantha na kasama ko ngayon at abala sa pag assemble ng rifle niya.
"Saan nila sinakay si Elton" tanong ko nang hindi siya nililingon.
"Nasa kina Nate" sagot niya.
Tumango lang ako at nag patuloy sa pagmamaneho. Nang makarating kami sa lumang warehouse ma sinabi ni Kent ay agad akong lumabas at nakita ko ang nakaparadang mga kotse nila Risha. Nasa labas si Aira at lumapit siya agad sa amin.
"Nauna ang dalawa... natapos ma daw ni kent ang pagtaning ng bomba sa warehouse kaninang umaba.." paliwanang niya. Nag tiim gabang na naman ako sa ginawa ng dalawa. Bumaling kami kina Nate na kakalabas lang sa sasakyan at ang mga tauhan naming agad na kimilos.
"Stick to the plan.. sa harap kayo pumasok at uunahin namin ang nasa palig na nag babantay... I believed na ang dalawang yun ay nasa pwesto na nila at sinusuportahan ang isa't isa.. magiging cover ni Anne si Risha, tulad ng lagi nilang ginagawa"paliwanag ko at bumaling kay elton na hawak ni Zeke. Pawang naka gapos ang paa't kamay at may tape sa bibig."Isa siya sa magiging pain natin, mananati ka dito Zeke sa labas at tintahin mo ang go signal namin para sunod ka sa loob. At wag na wag mong alisin ang mata sa isang iyan" saad ko.
Tumango naman silang lahat. Pinalo ni Kent ng baril ang batok ni Elton na sanhin ng pagkawalan ng malay nito. Pagkatapos nilang ipasok sa loob si Elton ay isa isa kaming nag lalakad sa mga punong nasa paligid ng warehouse.
_______________
Geo Terrence POV
"You will regret for this!" sigaw ko sa kay Wilton ng sampalin niya ako ng hawak niyang baril.
Umalingawngaw ang tawa niya. Matataling ang kaniyang mata na ipinukol sa akin. Nalasahan ko ang dugo sa aking labi.
"Why would I regret about this huh? Her death is near" saad niya saka sinapa ako sa sikmura.
Namilipit agad ako sa sakit.Kung hindi lang ako hawak ng dalawang lalake ay kanina pa ako natumba. Bugbug sarado na ako at nararamdam ko na ang panghihina ko.
"You could only pray for your life now little boy" sabay tawa niya at sinapla ulit ako ng hawak niyang baril. Lumabo ang paningin ko. Pilit kong idinilat ang mata ko at nahagip ng paningin ko ang dalawang bulto ng tao sa madilim na bahagi ng warehouse na at ang isa ay nasa taas at nakadapa't tanging ulo lang niya ang nakikita at ang hawak niyang mahabang baril.
Bumaling ako kay Wilton na parang walang napapansin sa paligid at natutuk lang sa akin ang pangin. Muli akong bumaling sa taong nasa baba kanina pero wala na siya doon.
"Mag dasal ka na sa mga santo sa langit" mahinang sabi ko.
"You're hiding behind your language.. but don't worry I can understand you"saad niya at hinawakan ang leeg ko habang ang dalawa kong kamay ay hawak ng mga lalaking nasa magkabilang gilid ko."just pray for yourself first"dagdag niya at padarag akong binitawan.
Ilang minuto siyang nanatili sa harapan ko at pinagmasdab lang ako. Sa mga sandaling ito ay kumikilos na siya. Alam kong nasa madilim lang siya na parte ng warehouse ma ito at malayang kumikilos.
Ilang sandali pa ay naalarma ang lahat ng sunod sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa labas ng ware house. Nanghihina man ako pero pinilit kong bumilat para makita ng maayos ang nangyayari.
Isa isang nag silabasan ang mga tauhan ni Wilton pero di pa man sila nakakalabas ay isa isa silang bumabagsak sa sahig.
"Damn it!" Malutong mura ni Wilton at binalingan ako.
Bago pa man niya akong mahawakn ay isang malakas na pag sabob na sanhi ng pagkagiba ng malaking pintuan. Mag sasalita na sana ako pero isang malakas na hampas sa ulo ko na sanhi ng pagkawala ng malay ko.
____________________________
____________________