The Sunset's Cry (Nostalgia O...

By juanleoncito

2.9K 526 160

//Will be scheduled for MINOR revision// "Umiiyak ba ang araw kapag ito ay nakahalik sa dagat?" His promise i... More

PANIMULA
PAUNANG SALITA
PROLOGO
KABANATA I: Takipsilim
KABANATA II: Pag-alangan
KABANATA III: Pag-alok
KABANATA IV: Bungad
KABANATA V: Bisita
KABANATA VI: Galak
KABANATA VII: Napaisip
KABANATA VIII: Pagsang-ayon
KABANATA IX: Nahumaling
KABANATA X: Ramdam
KABANATA XI: Mapanukso
KABANATA XII: Pikit-mulat
KABANATA XIII: Naghahangad
KABANATA XIV: Pag-oobserba
KABANATA XV: Pinagmulan
KABANATA XVI: Tahanan
KABANATA XVII: Pagtuon ng Pansin
KABANATA XVIII: Hindi Makapaniwala
KABANATA XIX: Tensyon
KABANATA XX: Kasama
KABANATA XXI: Lungkot
KABANATA XXII: Balang Araw
KABANATA XXIII: Bagabag
KABANATA XXIV: Sumasagi
KABANATA XXV: Pagtanaw
KABANATA XXVI: Pag-amin
KABANATA XXVII: Pagkakataon
KABANATA XXVIII: Nagpapakasasa
KABANATA XXIX: Pagdating
KABANATA XXX: Trafalgar Square
KABANATA XXXI: Paggaan ng Loob
KABANATA XXXII: Asahan
KABANATA XXXIII: Tanong
KABANATA XXXIV: Masaya
KABANATA XXXVI: Sabi-Sabi
KABANATA XXXVII: Malamig na Luha
KABANATA XXXVIII: Katotohanan
KABANATA XXXIX: Makulimlim
KABANATA XL: Aligaga
KABANATA XLI: Pamamaalam
KABANATA XLII: Bumubuti
KABANATA XLIII: Bagong Umaga
KABANATA XLIV: Ngiti sa Labi
KABANATA XLV: Dapithapon
EPILOGO
AUTHOR'S NOTE

KABANATA XXXV: Panaginip

42 3 5
By juanleoncito

"Look at the sunset, its beautiful." Mga salitang binitawan niya habang ako ay nakatingin pareho sa kanya at sa palubog na araw.

"It is beautiful... like you," pagdugtong ko sa mga binitawan niyang salita.

"You know what Love, you're so corny---"

"Pero kinilig ka," mapanuya kong wika.

Kitang-kita ang pag-iba ng reaksyon nito't ako na lamang ay napatawa. Tila bang gugustuhing asarin ito parati.

"Ang sarap mo talagang asarin, anyway may tanong ako..." pagbaling ko.

"What is it?" pagtanong niya rin kasabay ang pag-ayos namin ng upo.

"Umiiyak ba ang araw kapag ito ay nakahalik sa dagat?" pagbigkas ko na nagpahinto sa aming dalawa.

Sinilip ang kanyang mga mata at ibinalik ang tingin sa repleksyon ng araw sa dagat.

Tila bang ako ay napamulat na lamang ng mga mata kasabay ang pag-ahon sa pagkaidlip. Isa na namang alaalang napanaginipan.

Nagtataka, pawang napapadalas ang ganitong klaseng panaginip na kasama siya.

"A-Aya?" bulong ko sa sarili ko. "Tama nga pala."

Agad na napatayo sa kinauupuan, inaayos ang nagulong buhok pati na ang sarili.

Magkikita nga pala kami ulit ni Aya ngayon bago pa ako bumalik sa Pilipinas. Mananatili pa siya ng tatlong araw rito sa London kung kaya ay hindi pa natapos ang kanilang summit.
                                                        
Kahit mga araw pa ang nagdaan, tanging saya pa rin ang nararamdaman. Ngunit tila bang nahaluan muli ng lungkot ang pakiramdam kung kaya ay ngayon ang huling araw rito sa London.

Napatigil na lamang sa paggalaw habang inililigpit na ang mga gamit upang ilagay na sa maleta. Napadungaw na lamang sa bintana, tanaw pa rin ang ganda ng London Eye mula rito. Napagtanto kasabay ang pagngiti ng bahagya, nabago nga ng lugar na ito ang tanaw ko sa buhay.

Alas nwebe sa orasan, ala una ang flight pabalik ng Pilipinas. Dali-dali nang tinapos ang pagliligpit ng mga gamit upang tuluyan nang pumunta sa Trafalgar Square para hindi maabutan ng oras.

Itinabi na ang maleta sa tabi ng kabinet kasabay ang pagtingin sa salamin at napabuntong-hininga na lamang.

Agad na lumabas ng unit at isinara ito. Binilisan na ang paglalakad patungong elevator.

Ilang segundo pa, agad nang lumabas ng elevator nang ito ay nagbukas na at tuluyang dumiretso sa sasakyan upang tumungo na sa paroroonan.

Muling binabaybay ang kahabaan nitong daan, hindi na nagpaalam sa mga kasamahan kung kaya ay sandali lamang ang pupuntahan.

Makalipas ang kalahating oras, agad na bumababa sa sasakyan. Dumiretso na sa sentro nitong Trafalgar Square upang siyaay muling makita.

Hindi mapakali, pagka-aligaga at panay na paglalakad para lang makita muli ang hinahanap na si Aya. Napatigil na lamang rito sa may monumento, tinatanaw ang dulo nito.

Ako na lamang ay huminga ng malalim at ipinatuloy ang paghahanap sa kanya. Palibot-libot na lang, pawang naabot na ang sulok nitong lugar kung kaya ay hindi pa rin ito mahagilap.

Ang pagkikita ay napag-usapan na namin, ayaw kong bumalik sa Pilipinas na hindi siya makita ng ilang sandali. Panay pikit-mulat na mga mata kasabay ang madidiing paghawak sa buhok.

Ngunit ilang saglit pa, ako ay napatigil, nang natanaw itong nakatalikod sa may fountain. Tila bang muling nabuhayan ng loob at agad itong pinuntahan kahit man ay maraming taong nakasalubong sa akin ngayon.

Ito’y nakasuot ng kulay puting cardigan kung kaya ay ito lang ang nakikita nang siya ay nakatalikod pa rin. Napangiti na lamang ako’t hinay-hinay na inabot ang balikat nito.

“Yes?” bigkas nito.

Pumorma ang noo ng pagkunot pati na rin ang mga matang nagulat. Hindi makapaniwalang hindi si Aya ang aking nakita.

“S-Sorry,” pagpaumanhin ko.

Agad na napaatras, napayuko. Pawang kahihiyan ang pumalit sa ngiting dala-dala ko kamakailan. Ako ay natigilan, pagsabunot muli ng buhok ang nagagawa kasabay pa ang pagkagat ng nanginginig na labi.

Hindi mapakali, muling tinanaw ang maaari nitong anino. Muling bumalik sa may monumento, tila bang siya na nga ito. Agad na tinapik ang balikat ng babaeng nakatalikod ngunit laking gulat ko ay hindi pa rin siya ang nakita ko.

“S-Sorry.”

Mas lalong bumilis ang pagkabog ng puso ko, hindi na nga mapakali sa pagkakataong ito. Napapayuko, napapailing, paulit-ulit na sinisigaw ang kaniyang pangalan.

“Aya!” pagsisigaw ko ng kaniyang pangalan.

Nilibot muli ang lawak nitong tagpuan, ilang balikat na ang nakalabit tila bang kahit isa ay hindi siya.

“Aya? Aya nasaan ka na?” paulit-ulit kong pagbigkas halatang-halata ang panginginig.

Mga minutong lumilipas, pabalik-balik sa mga dinadaanan, pabalik-balik na mga mukha ang nakakasalubong ngunit hindi ka pa rin tanawan.

“Lance...” boses nito na siguradong narinig ko.

Ako ay napatigil muli sa gitna nitong tagpuan, nagagawa ay mahihigpit na pagkahawak sa buhok na tila bang aligaga’t nanginginig na.

“A-Aya?!” pagsigaw ko pa.

“L-Lance...”

Kaliwa’t kanang mga pagtingin sa aking palibot, tanging boses niya lang ang naririnig ko’t hindi pa rin ito mahagilap.

“Lance... Lance... Lance...”

Pinilit na ipikit ang mga mata na para bang pagsabunot ng buhok pa rin ang nagagawa.

“AYA!” malakas na pagkasigaw ko na tila bang napatangin lahat ng tao sa palibot ko.

Ako ay napamulat, agad na napaahon sa aking kinahihigan.

“N-Nasaan---” pagtataka ko na tila bang ako ay hindi makapaniwalang narito ako ngayon sa aking kama.

Dali-daling tumayo sa kama upang sumilip sa bintana. Laking gulat ko ay narito nga ako sa bahay ko, sa Pilipinas.

Panay pa rin ang pagtataka, lahat ng ‘yon ay panaginip lang?

“Dalawang beses akong nanaginip kay Aya?” tanong ko sa sarili ko.

Nakadungaw pa rin sa bintana ganoon din ang pagkunot ng aking noo. Huminga na lamang ng malalim at dali-daling lumabas ng kwarto.

“Boy? Gising ka na. Napagod ka nga siguro sa byahe niyo, sino ba namang hindi mapapagod---” pagbigkas ni Tatay Gabo ngunit hindi na nito natapos ang sasabihin niya nang agad akong nagsalita.

“Kailan lang ako umuwi?” pagtatanong ko.

“Boy, kagabi lang kayo nakauwi. Ano nakalimot ka na agad?” pagsagot ni Tatay Gabo na mas lalong nagpakunot ng noo ko.

“A-Anong oras na tay?” tanong kong muli kay Tatay Gabo.

“M-Mag-a-alas dos na sa hapon. Teka boy, ano bang nangyayari sa’yo? Bumalik ka muna sa pagtulog baka---” dire-diretso nitong pagbigkas.

“S-Si Aya? K-Kasama ko siya sa London. Baka nasa airport na siya, s-sunduin ko muna,” pag-utal ko.

“Anong Aya?!” pagtataka ni Tatay Gabo nguit hindi na lamang ito pinansin.

Dali-daling dumiretso pabalik sa kwarto upang magbihis ng damit pagkatapos ay agad nang lumabas ng bahay at dumiretso na sa kotse upang sunduin na si Aya.

“Boy, ano ba. Saan ka ba pupunta?” wika pang muli ni Tatay Gabo.

“BOY!”

Hindi na ito pinakinggan, pinaandar na lamang ang sasakyan at tuluyan ng ipinaharurot ito.

Nakapihit sa manobela, sa daan lamang ang tingin patungong paliparan upang puntahan si Aya. Matuling pagmamaneho, pinabayaan na lang kung mabilis ang pagpapatakbo. Hindi mahagilap ang kalma sa sarili kung kaya ay itinutulak na lamang ako ng aking mga iniisip.

Hindi pa rin naliliwanagan, pawang naaaligaga. Binabaybay pa rin ang kahabaan nitong daan habang napasandal sa kinauupuan.

“Tangina!” pagsigaw ko sabay paghinto sa pagmamaneho nang sa hindi inaasahan ay nabutasan ng gulong ang sasakyan.

Napatukod na lang ng siko sa manobela sabay ang pagyuko. Tila bang pagkainis ang naramdaman kung kaya ay sinuntok na lamang ng paulit-ulit ang manobela.

“Pambihira naman oh!” sigaw ko pang muli at napasandal na lamang sa upuan.

Ako na lamang ay napabuntong-hininga at binuksan na lamang ang pinto ng sasakyan upang tingnan ang gulong na nabutas. Agad na bumaba, tila bang napailing na lamang ako nang biglang sumakit ang aking ulo.

Kinlaro ang tingin sabay pagtungo sa likurang gulong ngunit panay pa rin ang pagsakit ng ulo at napasandal na lamang sa gilid ng sasakyan.

Paulit-ulit na mga pikit-mulat, pati na rin ang mga kisapmata. Tila bang lumabo ang paningin kung kaya ay hindi makaayos ng paglalakad.

“A-Aya,” bulong ko sa sarili ko.

Ako na ay pumikit kasabay ang narinig na paghinto ng isang sasakyan at pagsarado ng pinto nito.

“Lance, ano bang nangyari sa’yo?” pagbigkas ng isang pamilyar na boses.

Pinilit na idinilat ang mga mata ngunit tila bang hindi ito masyadong mahagilap.

“Bro, ano ba!” sigaw pa nito.

Kinlaro ko muli ang aking tingin. “J-Jim?” pag-utal ko’t naramdaman ko na lamang ang pagbagsak ng aking katawan.

Hindi ko maramdaman ang aking sarili. Tanging madilim lang  ang nasisilip, pawang pagtataka lamang ang tumatakbo sa isip kung kaya ay muling naalala ang napanaginipan kamakailan.

“Love, sorry. Kanina ka pa ba dito?” pagtatanong ko sa kanya.

“B-Bago lang din ako Love,” ani Aya.

Napangiti na lamang ako kasabay ang pagtanaw naming pareho sa lawak ng dagat na kalakip ang pagbungad ng kaaya-ayang takipsilim.

“Saan ka ba kasi nanggaling?” pagtatanong niyang muli.

Ako ay muling napangisi habang binubunot ang kung anong nasa likurang bulsa ng pantalon ko. Agad naman itong kinuha at muli akong nagsalita.

“Dahil dito?” mapanabik kong pagbigkas.

Kitang-kita ang pagporma ng ngiti sa kanyang labi nang ito ay tinitigan. Agad niya namang kinuha ito at tila bang nang-aasar pa.

“These are my poems for you. I hope you’ll read it,” mapangisi kong wika.

Isang pahabang lalagyan na kasya sa likurang bulsa ng pantalon na ang tanging laman ay mga tulang nakasulat sa papel na tungkol sa kanya. Ito ay agad niyang binuksan at pawang napangisi na lamang.

“Love, ang corny mo,” bulong nito sa hangin kung kaya ay nababasa ang pagbuka ng bibig.

Natawa na lamang kaming pareho kasabay ang pag-iling at mga pagtango. Tila bang wala nang nagawa kung hindi ay patuloy na pang-aasar nito.

“Anong sabi mo? Halika ka nga rito,” mapanuya kong pagbigkas.

Tila bang unti-unti itong umatras kung kaya ay naghamon na habulin ito. Pawang saya lang ang nararamdaman sa pagkakataong ito.

“Ano ba,” tawa niya. “Kahit corny nagustuhan ko naman eh.”

Napangiting nagkasalubong ang mga kilay, tila bang patuloy pa rin ang paglapit sa kanya’t ito naman ay patuloy ring umaatras.

“Kahit na, tinawag mo pa rin akong corny. Humanda ka sa akin ngayon.” Pinalalim ang boses na tila bang nag-ala-kalaban sa isang sci-fi movie na pawang mga batang naglalaro sa labas ng bahay.

“Love ano ba. Tama na!” pagsigaw nito na para bang natatawa.

Napatigil na lamang kaming pareho at bumalik sa pagkaupo. Ngayo’y tanaw ang magandang pagbungad ng paglubog ng araw.

“Look at the sunset, it’s beautiful.” Mga salitang binitawan niya habang ako ay nakatingin pareho sa kanya at sa palubog na araw.

“It is beautiful... like you,” pagdugtong ko sa mga binitawan niyang salita.

“You know what Love, you’re so corny---”

“Pero kinilig ka,” mapanuya kong wika.

Kitang-kita ang pag-iba ng reaksyon nito’t ako na lamang ay napatawa. Tila bang gugustuhing asarin ito parati.

“Ang sarap mo talagang asarin, anyway may tanong ako...” pagbaling ko.

“What is it?” pagtanong niya rin kasabay ang pag-ayos namin ng upo.

“Umiiyak ba ang araw kapag ito ay nakahalik sa dagat?” tanong ko sa kanya na nagpataas ng kilay niya.

“Umiiyak? Ang araw? Seryoso?” pagdiin niya pa.

Ako ay napaayos ng upo upang mas maiging mapakinggan ang kanyang sagot sa katanungan ko.

“Oo, bakit imposible ba?” wika ko pa.

“Hindi ko alam. Pero siguro oo. Eh, ikaw? Naniniwala ka ba?” pagbigkas niya pa’t napangisi na lamang ako ng bahagya.

Itinuwid ko ang aking paa kasabay ang pagtukod ko ng aking kamay sa semento ng aming inuupuan.

“It is just a personification though but yes, siguro naniniwala ako,” simpleng sagot ko. “Look at the sunset’s reflection, I call it the sunset’s cry. Kasi tingnan mo, para siyang lumuluha when it got kissed by the ocean. I don’t know, I was just too fond of sunsets kaya siguro naiisip ko ‘to.”

“Alam mo, ikaw talaga, ang dami mong naiisip. But seems you’re right. Reflection of it maybe its tears.”

“Para lang kasi ‘yang mga tao. The ocean is the mirror, the sunset is us at sa tuwing tayo ay nakaharap sa salamin, doon pa natin makikita kung sino ba talaga tayo, kung ano bang totoo sa atin, kung ano ba ang mga pinagdadaanan natin. Dahil sa huli, sarili lang ang nakakaalam kung ano ba talaga ang gusto natin sa buhay. That is why, we should be guided by our reflection, our shadow.”

“Love, ang lalim mo doon. Saan ba nanggaling ‘yan?” pang-asar niya pa’t natawa lang kaming pareho.

Ibinalik ko na ang tingin sa humahalik na araw sa dagat. Hindi pa rin nawawala ang ngiti na tila bang nagpapagaan ng loob ko gayo’n din kapag nakakasama siya.

Napahawak na lamang ako sa aking ulo kasabay ang hinay-hinay na pagdilat ng mga mabibigat na mata. Laking gulat ko ay narito na muli ako sa aking kama’t nakahiga.

Ano bang nangyayari sa sarili ko? Pinaglalaruan ata ako ng mga panaginip ko. Huminga na ako ng malalim at piniling magpahinga na lamang muli.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 36K 50
Highest Rank: Number 5 in Teenfiction -- Amber Tuazon, ay tinatawag ng mga lalake na Hot Chick. Siya ay di maikakailang sexy at maganda sakabila ng m...
1.2M 13.9K 55
"The one and only person I call love is you." (KINDLY READ BOOK 1 FIRST, BEFORE READING THIS.)
Barely Naked By Cher

General Fiction

1M 31.4K 16
Nautica Consunji is the youngest daughter of the business tycoon, Yto Jose Consunji. She is a part of an influential clan and because of this, all he...
793 104 44
Blindness is the worst thing that has happened in my life. I hate the dark. Everyday, I hate seeing nothing. I hate how it makes me feel like I'm hop...