FATED TO F*CK YOU✔

By TitaAmor07

874K 30.2K 7.6K

Pierce Blue is a man who has a transparent personality; what you see is what you get with him. At the age of... More

Tita's Note
TO MY NEW READERS
PORTRAYERS
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 4.1
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 6.1
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 17.1
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
EPILOGUE 1
EPILOGUE 2
EPILOGUE 3
EPILOGUE 3.1
THANK YOU!
SPECIAL CHAPTER #Uno
PRINTED NA SIYA❗

Kabanata 36

9.5K 435 198
By TitaAmor07

KABANATA 36

“Pie, tulungan mo ako rito,” pagtawag ni Katleya kay Blue na kasalukuyang nanunood ng cartoons.

Pinatay ito ng binata sabay tayo. “Okay.”

Pumunta si Blue sa kusina at kinuha ang tinabing patatas, carrots, at iba pang pangsahog sa lulutuin na kaldereta ni Katleya. Nang mahawakan niya ang patatas,  tinitigan niya ito at parang may pumasok na naman sa kanyang malinis na kaisipan. Makikita iyon sa malapad niyang ngiti at kumikislap na mga mata.

“Kat?” sambit ni Blue.

“Ano?” sagot ni Katleya habang naghihiwa ng sibuyas.

“Tingnan mo ang patatas. Parang itlog ko.”

Napalingon si Katleya at tinawanan siya. “Baliw ka na talaga, Pie. Kahit ano na lang ang pumapasok sa isipan mo. As if naman nakita ko ang it—” Hindi nito itinuloy ang sasabihin dahil muling pumasok sa isipan niya ang masamang panaginip.

“Bakit ka huminto?”

“W-wala lang,” pagsisinungaling ni Katleya.

“Alam mo, sobrang curious ako sa panaginip mo kanina. Para ka kasing... Basta,” natatawang sabi ni Blue.

Namumula ang mukha ni Katleya. Hindi niya lubos maisip na sa daming puwedeng maging panaginip, iyon pa talaga. Tumayo ang balahibo niya nang maalala kung gaano siya ka wild doon.

“W-wala. Nahiwa lang ang kamay ko sa panaginip kaya napasigaw ako.” Palihim siyang napangiwi matapos niyang masabi iyon.

“Okay,” si Blue. Tumunog ang pintuan nila kaya napalingon ito. “Baka sila na iyon.”

Nagmamadaling tumakbo si Blue papunta sa pintuan. Pagbukas niya, bumungad sa kanyang harapan ang mga kapatid ni Katleya. Agad na nakipagbeso siya kay Purple habang nag-fist bump silang dalawa ni Black.

“Pasok na kayo, Ate at Kuya,” anito.

Pagpasok ng dalawa, agad nilabas ni Black ang inumin na nasa loob ng bitbit niyang paper bag. Nanlaki naman ang mga mata ni Katleya nang makita ito.

“Kuya, bakit ka nagdala niyan?” pag-aalalang tanong ni Katleya.

Nang dahil kasi sa inumin sa panaginip niya kaya nagawa niya iyong mga imposibleng magawa niya sa totoong buhay kay Blue. Kaya may pangamba na siya. Natatakot na siya.

“Kung maka react ito. Sa mga lakam lang ito, noh! Kayong dalawa ni Ate Lila, softdrinks lang ang sa inyo,” sagot ni Black.

“Whatever!” sagot ni Purple. Dumiretso ito sa kinaroroonan ni Katleya at ipinagpatuloy ang naiwan na ginawa ni Blue kanina.

Tumabi naman si Blue kay Purple at tiningan ito. “Ate kumusta na kayo ni Luntian?”

“Gosh! Iyong friend mong may butete ang utak? Ew!” sagot ni Purple habang ipinagpatuloy ang paghiwa.

Natawa si Blue sa reaksyon nito. “Pupunta rin sila rito ngayon.”

“Grrrr! Magpapansin na naman iyon,” inis nitong sagot. May kumatok muli sa pinto. Nilingon niya naman ang kausap na binata. “F*ck. I smell his devil aura. Goosebumps!”

Natawa si Blue sa sinabi nito. Hindi pa rin kasi magkasundo ang dalawa. Naiirita kasi si Purple sa ugali ni Green. Kahit wala pa itong ginagawa sa kanya, umuusok na ang ilong niya sa galit. Mukhang ipinanganak siya para maging hater nito.

Si Black ang nagbukas ng pinto. Malapit lang kasi siya roon dahil nasa sala lang siya at nanunood ng news.

“He—!” sigaw ni Grey, pero hindi niya itinuloy nang makita ang mukha ng lalaking nilalandi siya. Ang lalaking araw-araw nang-aasar sa kanya sa pamamagitan ng social media.

“Hi, baby girl? Missin' me crazy?” nakangiting sabi ni Black.

Tiningnan sila ni Green. “Ahem. Ahem. Ahem.”

Tinulak ito ni Grey. “Pati ba naman ikaw!”

“Sorry. Anyway, mag-usap na muna kayong dalawa. Pupunta muna ako sa kusina nang makita ko ang pinakamagandang si Purple,” si Green. Pagdating niya, “Hi, SisLovesMe!” pagbati niya sabay hawak sa dalawang balikat ni Purple.

Hinampas ni Purple ang kamay nito na nasa balikat niya. “Adik.”

“Sa iyo,” bulong ni Green.

“Cliche. Wala na bang bago?”

Tumabi ito sa bakanteng upuan na nasa kaliwa ni Purple at tinitigan ang dalaga. “Bakit pa ako maghahanap ng bago kung ikaw naman na luma ang gusto ko?”

Natahimik si Purple. Habang sina Blue at Green ay nagawa pang mag-high five na pinaggitnaan siya  Pakiramdam kasi nila, apektado ang dalaga sa banat na ganoon.

“Galing, ah,” pagpuri ni Blue.

Nilingon ni Green si Purple. “Just for her, my purple heart.”

“Bullsh*t,” diin na sabi ni Purple.

“Tusok,” asik ni Green.

Nilingon ito ni Purple. “Para damang-dama mo.”

“Ate,” sambit ni Katleya na nagpapakulo na ng sauce ng pasta.

“Yup.”

“Pakitingnan si Kuya Black baka nilalandi na naman si Grey roon,” ani Katleya.

“Ingget ka sa kanila? You have Blue here,” giit ni Purple.

“'Wag ka ng umasa riyan, Ate. Little sister niya lang daw ako,” seryosong sabi ni Katleya.

Napatingin si Blue sa dalaga matapos masabi iyon. May diin kasi ang pagkasabi nito.

“Tunog in pain,” giit ni Purple.

“Hindi, ah,” mabilisang sagot ni Katleya.

Tiningnan ni Purple si Blue. “Hindi mo ba talaga gusto ang kapatid ko?”

Umiling ang binata. “As a lover, oo. Pero kung bilang isang kaibigan, mahal na mahal ko siya nang higit pa sa buhay ko.”

“Aray ko, Kat,” natatawang sabi ni Purple sabay hawak sa kanyang dibdib.

Hindi mapigilang mapangiti ni Katleya. Ngiti na may kirot. Mabuti na lang, nakatalikod siya at hindi nila ito makita.

Sina Grey at Black naman sa sala ay nanunood lang ng videos sa Netflix. Nakatatawa lang ang posisyon nila. Nakadapa kasi sa sofa si Grey habang tagilid na nakapatong sa kanya si Black. Nagpupumilit kasi si Black sa posisyong iyon. Noong una, ayaw talaga ni Grey kasi naiiilang siya. Ngunit sumuko na lang siya sa kinalaunan dahil sa katigasan ng ulo ni Black. Hindi kasi talaga nagpapatalo.

“Bebe girl,” sambit ni Black.

“Ano?!” singhal ni Grey.

“Dadapa ako? Okay lang ba?”

“Subukan mo. Ihuhulog kita!” inis na sagot ni Grey.

Napangiti si Black nang maasar ito kaya bigla itong dumapa sa likuran ng binata. Nang tumama ang pagkalalaki niya sa puwet ng binata, agad siya nitong itinulak. Naramdaman kasi ni Grey ang laki nito nang dumikit ito sa kanya.

“Ouch! Aray ko bebe girl,” pagrereklamo ni Black. Bumagsak kasi siya sa sahig.

“Kadiri ka talaga!” sigaw ni Grey.

“Nagpaalam naman ako sa iyo. Ang arte nito.”

“Pumayag ba ako?”

“Hindi. Pero naramdaman ko na gusto mo.” Nginitian niya ang binata nang nakalolokong ngiti.

“Kadiri ka talaga,” anang Grey. Tinitigan niya nang masama ang binata. Pero lalo lang siyang nainis dahil tinatawanan lang siya nito.

Huminto na sa katatawa si Black. “Ano? Did you feel it?”

“Juts,” mahinang saad ni Grey sabay pakita ng hinliliit nito.

“Ah. Okay,” sambit ni Black sabay hila ng kamay ni Grey.

“Kuya Black!” pagrereklamo ng binata.

Nagmamatigas si Grey ngunit dahil mas malakas si Black sa kanya kaya tagumpay niyang nailagay ang kamay ni Grey sa loob ng pantalon niya. Nanlaki naman ang mga mata ni Grey nang dumikit ang palad niya rito habang si Black ay binigyan lang siya nang nakalolokong ngiti. Hindi na makagalaw si Grey habang hawak ang pagkalalaki ni Black. Hindi sila pinansin ng mga kasamahan nila dahil sanay na sila sa bangayan ng dalawa.

“Silence means big,” sambit ni Black.

Nang bumalik sa katinuan si Grey, agad niyang tinanggal ang kamay sa pagkahawak at hinampas si Black.

“Bebe girl, mapanakit ka,” pagrereklamo ni Black.

Tumayo si Grey. “Kadiri ka talaga.”

Pumunta sa banyo si Grey para maghugas sana ng kamay, pero bigla itong napangiti. Hahawak na sana siya ng sabon ngunit hindi niya itinuloy bagkus inamoy niya ang kamay niya na kakahawak lang sa pagkalalaki ni Black. Napangiti siya nang maalala ang taba nito. Hindi pa iyon matigas kaya sigurado siyang may ilalaki pa iyon. Napatigil siya sa pagngiti nang mapagtanto na bakit siya masaya. Dapat naiinis at nandidiri siya. Lalaki siya. Lalaki silang dalawa.

“Yuck!” sigaw niya.

Agad siyang kumuha ng sabon at naghugas ng kamay. Pagtingin niya sa salamin, muli siyang natahimik.

“Ano’ng nangyari sa iyo?” tanong niya sa kanyang sarili.

“Bebe girl?” sambit ni Black.

“Ano!” singhal nito. Naiinis na siya kay Black. Ang binata kasi ang dahilan kung bakit siya naguguluhan kung ano nga ba talaga siya.

“Iihi ako.” Magre-react na sana siya ngunit napatigil ito. “Parehas naman tayong lalaki e, kaya okay lang na sabay tayo riyan.”

“Pasok,” sambit niya.

Pagpasok ni Black, agad nitong dinaanan si Grey, dumiretso ito sa inidoro sabay paglabas ng pagkalalaki niya para umihi. Gusto patunayan ni Grey sa kanyang sarili na wala lang itong lahat sa kanya. Tumabi siya kay Black at inilabas din ang pagkalalaki niya. Umihi rin siya. Sa mga oras na ito, pareho nilang tinitingan ang alaga sa isa’t isa.

Napangiti si Black. “Pinkish. Ngunit halatang gamit na gamit.”

“Syempree, lalaki ako. Normal lang 'yan,” pangatwiran ni Grey.

“Akin din. Gamit na gamit.”

“Sa babae o bakla?” natatawang tanong ni Grey.

“Sa iyo,” seryosong sambit ni Black sabay yugyog ng pagkalalaki niya para muling ipasok sa loob ng pantalon niya.

“You are good in teasing me. Nakaugalian mo na,” anang Grey sabay pasok ng alaga niya sa loob ng kanyang pantalon.

“I’d love seeing you mad at me. Ang cute mo lang.”

Napangiti si Grey at hindi na sumagot. Magkasabay na silang naghugas ng mga kamay.

“Pero ito seryoso,” sambit ni Black. Napalingon si Grey sa kanya. Nginitian niya ito. “Huwag kang bumaliko. Sayang. I’m just playing with you. Lalaki ako at babae ang gusto.”

Natulala si Grey at hindi na nakapagsalita. Para kasing sinaksak ang puso niya ng harapan nang walang kalaban-laban. Hindi siya makagalaw.

Tinapik ito ni Black dahilan para bumalik siya sa katinuan.

“S-sorry,” anang Grey.

“It's okay, bebe girl.” Hinawakan ni Black ang kamay niya. “Tara na.”

Magsisimula na sanang maglakad si Black ngunit hinablot ito ni Grey sabay hawak sa kanyang leeg.

“Why?” tanong ni Black habang tinitingnan ang binata.

Nakatitig lang sa kanya si Grey. Ang lalim ng tingin nito sa kanya. Sobrang seryoso nito at hindi man lang magawang kumibo.

“Bebe Gi...”

Hindi natapos ni Black ang pagsasalita dahil sinunggaban siya nang mainit na halik ni Grey. Nakatulala lang si Black dahil sa gulat. Nang iginalaw ni Grey ang dila niya sa loob ng bibig ni Black ay tinulak siya nito dahilan para madikit siya sa pader.

“Look what you made me do,” naluluhang sabi ni Grey.

Napangiti si Black at pinunasan ang luhang nagsilabasan sa mga mata ni Grey. Lumapit si Black sa binata at hinawakan ang mukha nito.

“I am not Taylor Swift, but I can f*ck you like a white horse,” si Black.





~~~

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 59.1K 51
Warning: SPG | R-18 | Mature Scene Poly Series #1: Anastasia Stanford Si Anastasia ay isang ulilang bata. Hindi na niya nasilayan ang mga magulang d...
813K 14.4K 25
COMPLETE GideonxMandy
1.6M 25.7K 21
COMPLETE AzianaXGuttierez twins A Short Story Light story
3.9K 198 8
Tara, maglaro at bumalik sa pagkabata. Laro tayo ng Tumbang Preso... Started: 04/04/2021 End: 04/04/2021