THE LITTLE BOY *COMPLETED*

By bloomy_rain

1.9K 50 20

PAST IS PAST..... More

THE LITTLE BOY *COMPLETED*

1.9K 50 20
By bloomy_rain

THE LITTLE BOY

<BLOOMY_RAIN’s POV>

OCTOBER 15, 2012

Nasa isang mall ako at tumitingin ng damit.

I was looking for a black leather jacket, bakit?

For someone… for a special someone.

Napangiti ako while looking for a jacket dahil alam kong bagay sa kanya ang jacket na napili ko.

Tinititigan ko lang ang jacket na hawak ko at alam kong magugustuhan nya ang regalo ko.

Mamaya-maya ay may naramdaman akong humihila sa damit ko…pagtingin ko…

Isang cute na batang lalaki…may mamula-mula at may katambukang pisngi.

Napangiti ako habang tinititigan sya…

“Hello little boy” I smile while looking at him. Umupo ako sa isang maliit na upuan upang pumantay sa kanya.

“Ma…..ma…” he said while smiling.

Ngumiti ako.

MAMA? Tinawag nya akong mama?

Kung magkakaanak ako, gusto ko ng ganitong bata.

Mestiso, maganda ang mga mata, at bibig, matangos ang ilong, in short paglaki nya marami syang babaeng papaiyakin.

Ang gwapo-gwapo ng batang ito.

Tinitigan ko syang mabuti…

Wait… bakit parang napakapamilyar ng mukha nya?

Bakit parang may kahawig ang batang ito?

It reminds me of someone but hindi ko na maalala.

Napahinto ako sa pag-iisip nang hawakan ng batang lalaki ang kamay ko at laruin ito… mamaya-maya ay niyakap nya ako.

Napangiti ako.

Niyakap ko din ang batang lalaki.

Hinawakan ko ang kamay nya at muli nyang pinaglaruan ang kamay ko…

“lam…bot kamay” sabi ng bata.

Napangiti ako.

Naalala ko tuloy si Baby Zero sa nobela kong I FELL IN LOVE WITH THE KILLER.

Bibo at gwapo din ang bata sa imahinasyon ko.

“Aki!”

Napatingin kami ng bata sa lalaking nagsalita.

“PAPA!” sigaw ng bata at masayang tumakbo palapit sa lalaki na tinatawag nyang papa.

“Kanina pa kita hinahanap” nakangiting sabi ng lalaki.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko.

Matutuwa ba ako dahil sa lalaki…o madidismaya dahil muli kaming nagkita.

Ilang taon na ba nang muli ko syang makita?                                                                                       

Ilang taon na ba nang huli ko syang maka-usap?

Sa huli mas pinili kong tumayo at lisanin ang lugar, ngunit may humila sa damit ko.

Tinignan ko ang batang lalaking humihila sa damit ko…

“Wag ka alis”

Napangiti ako pero agad ding naglaho nang maalala ko na anak sya ni Hero.

“Bloomy?”

Tinignan ko si Hero.

Kilala pa rin nya ako.

Nakangiti sya habang nilalapitan ako.

Then binuhat nya ang batang lalaki at ngumiti sa akin.

“Kamusta ka na? Long time no see”

Ngumiti ako ng tipid…

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya.

“Hello” sabi ko na lang.

Ngumiti si Hero.

Tinitigan ko sya.

All this years, hindi nagbago ang itsura nya.

He is still a gorgeous man with a cute smile.

Yon nga lang he is married…

“Kailan ba tayo huling nagkita?” tanong nya.

Ngumiti ako ng mapait.

“Gusto ko pa sanang makipag-kwentuhan…but may kailangan pa akong puntahan” ngumiti ako at nagpaalam na sa batang lalaki.

Pagtalikod ko agad akong umalis at pumunta sa isang Italian restaurant.

Habang hinihintay ko ang best friend ko…

Naalala ko si Hero at ang nakaraan namin.

<<FLASHBACK>>

“Thank you for all you’ve done to me” Hero said in a mellow and sad tone.

“Why youre telling me those words as if hindi na kita makikita? Nagpapaalam ka ba?” tanong ko sa kanya sa malumanay kong tono

Yumuko sya “I’m so sorry Bloom… I’m breaking up with you”

Napailing ako, anong pinagsasabi nya.

“Two years and half na tayo pero ni minsan di mo ako ipinakilala sa parents mo, itinago mo ang relasyon natin sa kanila..” tumingin sya sa akin na ikinayuko ko.

Yes, sekreto lang ang relasyon namin sa parents   ko, kasi hindi pa pwede.

I’m just 15 and his  18…

“I’m sorry hindi pa talaga pwedeng sabihin eh… mapapagalitan ako”

“I’m sorry  Bloomy… pero ayoko na ng ganito, hindi man lang ako malayang sabihin sa maraming tao na girlfriend kita at dahil don maraming lalaki ang gustong manligaw sayo sa pag-aakalang wala kang boyfriend, at  ayokong magsinungaling sa magulang mo Bloomy.” Hero said.

Tinignan ko sya.

Marami na syang naisakripisyo para sa akin pero ako… hindi ko man lang magawang ipakilala sya sa magulang ko.

Sya ang pinaka the best na lalaking nakilala ko…pinaka-mabait… pinaka-gentleman…

Kunti lang ang nakakaalam ng relasyon namin… mga mapagkakatiwalaang tao lamang.

Tinitigan ko sya.

I don’t deserve this man… he doesn’t deserve someone like me.

I’m a self-centered at laging iniisip ang sasabihin ng iba, laging inuuna ang sarili… I don’t deserve this handsome and good man.

“I’m so sorry Hero… hindi ako yong naging best girlfriend pero ikaw… naging the best boyfriend ka”

Pinunasan nya ang luha ko gamit ang panyong iniregalo ko nong 1st monthsary namin.

Ngumiti ako ng mapait.

Totoo nga bang pagnagregalo ka ng panyo, mag-iiyakan kayo?

Niyakap nya ako ng mahigpit.

Hinalikan sa buhok at noo.

“You’re a kind woman Bloom…” ngumiti ito “Thank you”

“Salamat sa lahat… patawad kung hindi kita….”

Ngumiti nito at naunawaan ang nais kong ipahiwatig.

Palayo na ito sa akin

Pipigilan ko ba sya o hindi?

Naguguluhan ako…

“Hero!”

Lumingon sya sa akin…

“Are you willing to wait?” I asked

“Habang mahal pa kita maghihintay ako” then he left me.

Pagkatapos ng araw na yon hindi ko na muli sya nakita.

Ang sabi ng mga kaibigan namin pumunta sya sa Maynila at don na nag-aral.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman at ikilos…

Basta ang pakiramdam ko hindi na nya ako mahal…

Nagpatuloy ang buhay ko…

Nag-aral ako…

Makalipas ang dalawang taon nakareceive ako ng isang wedding invitation…

MALLARI & DOMINGO Nuptial….

Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ang  invitation.

Natatakot ako.

Unti-unti ko nang pinakawalan ang luhang kanina ko pa pinipigilan… an invitation sa kasal ni Hero at ng isang babaeng nagngangalang Angela… Family friend nila Hero.

Sa likod nito ay may isang maliit na note….

Dear Bloomy,

          Sana pumunta ka sa kasal ko and sing our wedding song, hihintayin kita…

Your friend,

Hero

Pumunta ba ako?

Hindi… hindi dahil sa ayaw ko, I was confined in hospital nang araw ng kasal nya….

An allergy na nagcause ng weakness ng immune system ko.

And one week akong nasa hospital…

<END OF FLASHBACK>

“Anong problema mo?” Tanong ni Kuya Miggy, ang bestfriend ko.

Dumating na pala sya ng hindi ko namamalayan.

Ngumiti ako sa kanya at tinitigan sya…

“Wala akong problema”

“Sinungaling” Ngumiti sya.

Bumuntong hininga ako….

“Nakita ko yong ex ko”

“Dalawa lang naman ang ex mo… si Hero o si Edward?” tanong nya.

“Yong nagpakasal” sagot ko.

“Si Hero?” kumunot ang noo nya. “Ano naman kung nagkita kayo?”

“Nakita ko yong anak nila ni Angela”

“E ano naman ngayon?”

“The little boy was calling me Mom at ayaw akong paalisin kanina”

“Like father like son” ngumisi ito at tinitigan ko sya ng masama…

Kinabukasan, pumunta ako sa office ng uncle ko.

Pinagbuksan ako ng guard dahil kilala naman ako.

Next semester dito ko balak mag-OJT at balak ko na dito magtrabaho pagkatapos kong kumuha ng experience sa Police station o sa NBI.

Pumasok sa isang silid kung asan ang table ng uncle ko na syang nagpapa-aral sa akin.

Habang naghihintay ay…

May lalaking naka-polo at necktie at may kasama itong bata.

Si Hero?

“Hero?”

Ngumiti ito…”Bloomy”

Nilapitan ako ng batang lalaki at nagpakarga sa akin.

Hinayaan ko lang ang bata.

“Mom”

Pinilit kong ngumiti sa bata at tumingin na kay Hero.

“Dito ka na nagtratrabaho?” tanong ko.

“Yes, assistant ako ng uncle mo”

Ngumiti ako ng mapait.

Lagi ko syang makikita.

Disgusting.

Tinignan ko ang batang lalaki…

Mamaya-maya ay nakikipag-laro na ito sa akin….

Nawiwili ako sa kanya.

Gusto ako ng bata at ganon din ako sa kanya…

“Anong ginagawa nya dito?” tanong ng isang babaeng tinig.

Tinignan ko sya and its Angela, ang asawa ni Hero.

“Uncle nya ang superior ko Angela” sabi ni Hero.

Nilapitan ako ni Angela at kinuha ang anak nya.

Pinilit kong ngumiti.

Yong pakiramdam na nagseselos yong asawa nya sa akin.

Tumayo ako “I should go, babalik na lang ako”

Then umirap si Angela sa akin

Sumunod sa paglabas ko sa opisina ng asawa nya.

“Ikaw ba ang ex girlfriend ni Hero?” hindi ako sumagot sa tanong nya… sinalubong ko lang ang tingin nya.

“Mukhang gusto ka ng anak ko, ikaw na sana ang umiwas kay Hero at sa anak namin”

Ngumiti ako.

Nagseselos nga sya.

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
117K 3K 28
GXG
850K 40.6K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle
48.4K 2.4K 39
Obsession #1 Elvis Craig Pendleton is an obsessive person. His behavior turns into madness when he met the poor boy, Ken. That madness pushes him to...