Seducing The Bad Boy (AWESOME...

By HopelessPen

13.3M 243K 24.3K

AEGGIS Series# 1 (WATTY'S 2015 TALK OF THE TOWN WINNER) Stanley Montreal - AEGGIS' Drummer More

Seducing The Bad Boy
Prologue
The Bitter Queen
The Bitter Plan
Bulsa ng Pantalon
Cookies, Cookies
A Vs. S
Halik
Carnival
I Choose You
Tinkerbell
Sagot Sa Mga Tanong
Overdose
Pabayaan Mo Siya
Surrender
AEGIS
Maganda Yan, Gwapo Ako
Version 2.0
Sorry
Insecurities Kill
Decision
Passport
Smile,Though Your Heart Is Aching
Banana Split
Human Heat
Zipper
My Turn
Walang Pinagbago
Effortless
Kapag Lasing, Nababaliw
Good
Last Kiss
Hurt
About Time
Badboy
Ang Taho Ni Badboy
Oh! Victoria
Beads And Diamonds On Christmas Day
Kay Stanley Lang
Nakakapagpagaan
Leria Morales
Markado
Si A at S
Phone
Ang Batayan
Not A Dog
Errors and Reasons
Ang Pulang Maserati
So Inlove
Endlessly
EPILOGUE
Married To The Bad Boy SC #1
Married To The Bad Boy SC#2
Married To The Bad Boy SC#3
Married To The Bad Boy SC#4
MARRIED TO THE BAD BOY LAST SPECIAL CHAPTER
01
02
03
04
05
SELF-PUB
PUBLISHING DETAILS
AEGGIS ORDER FORM

One

158K 3.4K 426
By HopelessPen

35

"Sino yan?" malamig niyang sabi habang tinitingnan si August. Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa galit na nakabalandra sa mukha ni Stanley. Nilingon ko si August at muntik ko na siyang mahampas sa itsura niya ngayon. Nakanganga siya at may malaking ngisi sa mukha niya. Inirapan ko siya at muling hinarap si Stanley.

"Stan, si August." Pakilala ko. Tiningnan lang ni Stanley si August at hindi pa rin gumagalaw sa kinatatayuan niya. Tumikhim si August at humakbang papunta dito. Nilahad niya ang kamay niya kay Stanley.

"August,pare." Nakangiti niyang sabi, may bahagyang nginig pa sa boses niya. Tiningnan lang ni Stanley ang kamay niya at hindi gumalaw. Lumapit ako at hinila si August sa kwelyo niya.

"Anong--"protesta niya. Pinandilatan ko lang siya kaya nanahimik na ito.

"Bakit nandito ka?" tanong ko kay Stan. May kinapa siya sa jacket niya at ibinigay sa akin iyon.

 

"Demo CD namin."

Tumaas ang kilay ko at tinanggap iyon. Nagtatanong ang tingin ko sa kanya. Nagkamot lang siya ng batok bago tumingin kay August.

 

"Walang galang na, pwedeng lumayas ka muna." Maangas niyang sabi. Napasinghap ako sa sinabi niya.

"Stanley!"

Humalakhak lang si August at sumakay ulit sa kanyang skateboard. Nagbow muna siya sa akin bago ako kinindatan.

"Una na ako sungit." Paalam niya bago nagpagulong palayo. Kumaway pa siya sa akin hanggang sa tuluyan na siyang lumiko sa sunod na kanto.

"That was rude!" naasar kong sabi kay Stanley. Nagkibit balikat lamang ito.

"Don't worry. I'm good with being rude dustpan." Nakangisi niyang sabi. Tinitigan ko lamang siya at napapailing na lamang na pumasok sa bahay. Sumunod ito sa akin hanggang sa loob. Umupo siya sa stool sa kusina at pinanood ang pagtimpla ko ng kape.

"Sino na nga kasi yun Yang?" bumalik sa boses niya ang pagkairita. Tiningnan ko lang siya at hindi siya sinagot.

"Isa Victoria--"

 

"He's my friend okay?" pasigaw ko ng sabi. Hindi ko namalayan na nabagsak ko na pala ang creamer sa sobrang inis ko sa kanya.

Natigilan ako sa naramdaman. Nainis ako. Naiinis ako sa kanya. Naiinis ako kay Stanley?

"Your friend? Bakit hindi ko siya kilala?" taas kilay niyang tanong. Napabuga na lamang ako ng hangin sa mga tanong niyang walang kwenta. Binalik ko ang creamer, asukal at kape sa lalagyan bago ibinigay sa kanya ang tasa niya.

 

"As far as I remember, wala akong obligasyon ipakilala sayo lahat ng mga kaibigan ko." sagot ko. Nanliit ang mata niya sa sinabi ko. Pinadaan niya ang daliri niya sa bibig ng tasa bago huminga ng malalim. Tumingin siya sa kanyang orasan bago niya inayos ang sarili.

"Pakinggan mo ha?" malambing niyang sabi. Napatingin ako sa kanya. Lumapit siya sa akin kaya napahakbang ako patalikod. Ngumisi lang siya noong mapansin na wala na akong uurungan.

"Salamat Toryang." Bulong niya. Hinawakan niya ang pisngi ko at yumuko. Nanlaki ang mata ko at agad kong inilagay ang kamay ko sa pagitan naming dalawa para harangan siya.

Idinikit niya ang labi niya sa aking noo at hindi na ako nakagalaw. "Sorry." Ngumiti siya at lumayo na sa akin. Hindi ko na siya naihatid sa labas ng bahay namin dahil sa sobra kong pagkakatulala.

Oh god Montreal! Umayos ka!

-----------------------------------

Sa may bahay ang aming bati

Merry christmas na malwalhati

 

 

Agad kong binuksan ang bintana ko at nakita si August sa baba. Ngumisi siya sa akin at kumaway.

"Namamasko po." Sigaw niya. Lumapit si Avvi sa akin at nakisilip na rin.

Pasko na sinta ko

Hanap hanap kita

Bakit nagkaganito?

Iniwan ako

 

"Namamasko ba siya or nanghaharana?" natatawang tanong ni Avvi sa akin. Napanguso lang ako at binalik ang tingin kay August na sumasayaw na ngayon sa gitna ng daan habang hawak hawak ang gitara niya. Lumapit sa kanya ang ilang bata at nakisabay sa kanta niya.

Whenever I see boys and girls

The girls and boys see me

I remember the child

And the child remembers me

Napahalakhak ako ng malakas sa ginawa niyang pagpapalit ng lyrics. Lalong lumawak ang ngisi niya kaya lumitaw ang lalim ng dimples niya. Hindi ko na rin halos makita ang mata niya sa sobrang singkit niyon. Hinila na ako ni Avvi pababa para puntahan si August na nagpapasimula na ng streetdance sa block namin.

Wherever there are people

And the people are everywhere

I believe in christmas

And christmas believes in me..

Nilingon niya ako ng makababa na ako. Ngumiti lang ako at napailing sa kanya. Nagtaas siya ng kamay at tinuruan ang mga bata ng lyrics ng kanta niya.

Let's sing Merry Christmas

Merry Christmas sing with me!

This season may we never forget

May we never forget this season

 

 

Lumapit siya sa akin at hinila ako palapit sa kanya. Pinalibutan ako ng mga bata na patuloy pa rin sa pagkanta ng lyrics na tinuro niya. Ngumuso ako at tiningnan siya.

"Mali yung kanta mo." Sabi ko sa kanya. Nagkibit balikat lamang siya.

 

"Basta parehong tono, ayos na." mayabang niyang sabi. Maya maya ay binitiwan niya ako at nilahad niya ang kamay niya.

"Namamasko po." Sabi niya. Nanlaki ang mata ko at tumawa lang siya ng malakas.

"Babayaran kita?" gulat kong sabi. Pilyo siyang tumango bago niya kinagat ang labi.

"Kuripot mo talaga." Natatawa niyang sabi noong naglagay ako ng bente sa kamay niya. Sunod sunod na lumapit ang mga bata sa akin at nanghingi na rin ng pera. Pinandilatan ko lang si August. Kinapa ko ang bulsa ko at binigyan sila ng tigpipiso. Nilabas na rin ni Avvi ang mga cookies at candies sa bahay at binigay iyon sa mga bata.

"Aaaah. I love christmas." Nakangiting sabi ni August habang kumukuha na sa bote ng cookies. Pinalo ko ang kamay niya at inagaw iyong hawak niya.

"Sa mga bata yan pangit!"

"Isa lang. Damot mo." Parang bata niyang sabi. Hinati niya ang cookies at sinaksak sa bibig ko ang kalahati noong nakita niyang magsasalita na naman sana ako.

"Ayan, chew. Para manahimik ka. Ingay mo eh." Natatawa niyang sabi habang hinahawakan ang pisngi ko. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay at agad na lumunok.

"Pangit mo." Natatawa kong sabi. Pinitik niya ang noo ko sa sinabi ko. Kumuha ulit siya ng cookies at sinubuan ako.

"Sungit." At kinindatan niya ulit ako.

--------------------------------------

Dis oras nang umuwi si August mula sa pagcacarolling 'daw' niya. Kung matatawag man ngang caroling iyong ginawa niya. Nanggulo lang naman yun sa amin at nakikain ng cookies. Niligpit ko na ang nagkalat na balat ng cookies sa kusina at doon ko napansin ang demo CD nila Stanley. Kinuha ko iyon at binuksan. May nalaglag na papel doon at pinulot ko iyon. Napangiti ako noong mga christmas greetings iyon sa akin ng AEGIS. Kahit si Athan ay nagsulat doon.

Kamusta na kaya sila? Matagal tagal na rin noong huling kita ko sa kanila. Isa pa, abala sila kaya wala na rin silang panahon para makalabas.

Lumapit ako sa DVD namin at inilagay ang CD doon. Hinintay ko iyong magplay. Kumuha muna ako ng inumin ng pumailanlang na ang musika sa buong sala namin. Napatingin ako sa DVD player na para bang doon nanggaling ang kumakanta. Naglakad ako palapit doon.

Tell me that you turned down the man

Who asked for your hand

'Cause you're waiting for me

And I know, you're gonna be away a while

But I've got no plans at all to leave

 

 

Napalunok ako ng makilala ko kung kaninong boses ang kumakanta. Parang lantang gulay akong napaupo habang pinapakinggan si Stanley sa CD.

And would you take away my hopes and dreams and just stay with me?

 

 

Stay with him? How can I stay with him kung siya naman ang nagtulak sa akin palayo? Ilang beses kong sinubukang abutin siya pero anong nangyari? Tinulak lang niya ako. Hindi niya ako kayang pakinggan. Wala siyang tiwala sa akin. Hindi niya ako maintindihan.

All my senses come to life
While I'm stumbling home as drunk as I
Have ever been and I'll never leave again
'Cause you are the only one

Just promise me, you'll always be a friend
'Cause you are the only one

 

 

Lumapit ako sa DVD at pinatay na iyon bago pa man ako tuluyang malunod sa pakikinig. I'm moving on. Hindi na dapat ako nagpapaapekto sa mga ganitong bagay. Lagi namang ganyan si Stanley. Today, he will pursue me, tomorrow he will dump me. it has been and endless cycle. Ganito talaga siya maglaro. But now, I won't play his games. I'm done being a toy.

"Bakit mo pinatay?"

 

"Ay kabayong palaka!" napatalon ako sa gulat noong biglang may nagsalita sa likod ko. pinandilatan ko si August na nakaupo sa may tapat ng pintuan namin.

"Kanina pa ako dito. Hindi mo man lang ako napansin?" natatawa niyang sabi. Tumayo siya at lumapit sa akin. Tiningnan niya ang lalagyan ng CD bago siya umupo sa sofa namin.

Take my hand and my

Heart and soul, I will

Only have these eyes for you

And you know, everything changes but

We'll be strangers if we see this through

You could stay within these walls and bleed

Or just stay with me

Oh lord, now

 

 

Natigilan ako noong marinig kong tinuloy ni August ang kanta ni Stanley. Nabigla ako sa lamig ng boses niya. Tatapat iyon sa boses ni Greg. Baka nga malampasan pa niya. Pwede rin siyang maging bokalista ng AEGIS kung sakali.

"Anong ginagawa mo?" nagtataka kong tanong. Nagkibit balikat lamang siya at pinatong niya ang paa niya sa center table.

"Pinutol niya eh. Tutuloy ko na lang." seryoso niyang sabi. Umindak pa ang paa niya at nagpatuloy sa kanta.

All my senses come to life

While I'm stumbling home as drunk as I

Have ever been and I'll never leave again

'Cause you are the only one                          

And all my friends have gone to find

Another place to let their hearts collide

Just promise me, you'll always be a friend

'Cause you are the only one

 

 

Nanatili lang akong nakatitig sa kanya hanggang sa matapos ang kanta niya. Noong tumigil siya ay tiningnan niya ako. Ngumisi siya kaya nakita ko na naman ang dimple niya sa pisngi.

"Payag ka bang ako naman ang magtuloy Sungit?"

 

---------------------------------

Song Used:

Ed Sheeran - One

*pen<310

Continue Reading

You'll Also Like

5.1M 102K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
5.8M 154K 66
Cute and chubby, Cara Isabelle Mendez has liked Lucas Eion Jimenez since she was young. But he makes her feel unwanted and insecure, and Cara finds h...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

80.6K 2.3K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
124K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...