friendship series-2nd generat...

De uglyswan56

16.5K 470 32

Warning:: contains explicit materials, sexual, vulgarity that is not suitable for minors. Read at your own ri... Mai multe

description
UTS 1
UTS 2
UTS 3
UTS 4
UTS 6
UTS 7
UTS 8
UTS 9
UTS 10
UTS 11
UTS 12
UTS 13
UTS 14
UTS 15
Author's Note
UTS 16
UTS 17
not an update
UTS 18
UTS 19
UTS 20
UTS 21
UTS 22
UTS 23
UTS 24
UTS 25
author's note
UTS 26
UTS 27
UTS 28
UTS 29
UTS 30
UTS 31
UTS 32
UTS 33
UTS 34
UTS 35
UTS 36
UTS 37
UTS 38
UTS 39
UTS 40
UTS 41
UTS 42
a/n

UTS 5

579 8 0
De uglyswan56

Mula sa nilalarong plants versus zombie ay nag-angat ng tingin si Nigel at tinignan si Philip na tinapik siya sa balikat. Hinihintay nila ang professor nila kaya malaya nilang ginagawa ang gusto nila.

"Anong tinitignan mo sa diyan sa cellphone mo?" Curious na tanong nito..

Ipinakita niya ang screen ng cellphone niya at ngumisi. He knows how this friend of him hates this kind of kids stuff. Ngunit hindi sila ni Lucky, para sa kanila ay exciting ang ganitong laro. Kung paano tinatalo ng halaman ang zombie na kung tutuusin ay mas malakas pa ang huli sa una.

Philip is speechless when he saw it. "…………"

"What?" Umarko ang kilay niya "can't I play my favorite game?"

Napakamot ito sa baba "bakit ba pareho kayong naglalaro ng ganyan ni Lucky? Para kayong mga batang paslit?" He groaned

Tumikhim si Lucky at iwinagayway sa tapat ng mukha nito ang cellphone "Zuma delux ang nilalaro ko. Magkaiba iyon sa cheap na plants versus zombie" pagtatanggol nito sa kinaadikang games.

Matalim na nilinga niya ang huli "hindi cheap ang plants versus zombie. Mas cheap yang sayo, tinatamaan mo lang ang mga magkakaparehong kulay. So boring. Para ka lang naghahanay ng magkakaparehong kulay."

"It's not… this game is exciting—"

"Ah! Whatever… don't fight over nonsense or senseless thing." Philip's eyes narrowed and look at him intently. "So tell us about that woman. Did you two get laid already?"

Nigel "nope! Inihatid ko lang siya. Don't talk to me, I'm busy" sagot niya at tinignan ang nilalaro. Wala siyang planong patulan ang dalagang yun na alam niyang hindi interesado sa kanya. Mabilis na inagaw ng huli ang cellphone at tinaasan siya ng kilay.

Philip "you're not kidding right? That's not you"

Tinignan niya ang cellphone sa kamay nito na may halong pag-aalala "Don't hold it like that. Matatalo na ako diyan. Come on, hand it back"

Umiling ito "ibabalik ko lang to kung magkukwento ka. Do you remember her name? Hindi naman siguro diba? Last night mo lang siya nakausap."

"Enough para di mo agad makalimutan" dugtong ni Lucky at isinantabi muna ang nilalaro para makinig.

"I'm serious, inihatid ko lang talaga siya, she's not interested in me so I don't want to stick my ass on her. And about her name, himala nga at naaalala ko pa hanggang ngayon" saad niya

"That's new, Sino ba ang hindi magiging interesado kay Nigel Herrera?" Philip said in disbelief

"Siya, kasasabi ko lang na hindi siya interesado sa'kin." bored na tugon niya at tinignan uli ang cellphone. Napansin nito ang ginawa niya kaya inilayo agad nito ang gadget.

"So, what's her name?" Singit ng nakapangalumbabang si Lucky at naghintay sa isasagot niya.

He touch the tip of his nose. "She's beautiful, goddess of all the goddesses. But she's sad I can see that through her eyes. Though…"

The two man became speechless. Hindi naman siguro mahirap ang tanong nila diba? Bakit ang layo ng sagot nito. Are geniuses can also be dumb? Or he's just really that dumb but acting like a genius? It's true, walang kahit na sino sa nagiging flings nito ang naaalala niya ng pangalan pero ang ganitong sagot? Mukhang kailangan na nilang buksan ang bungo nito at ayusin ang nerves ng utak nito para di makalimutan ang pangalan ng mga babae niya.

Akmang tutoktukan ni Philip ang noo nito pero nabitin uli sa ere ang kamay niya ng magpatuloy ito. Mas lalo siyang napatanga sa sinabi nito.

"Ehm! Reading her is very easy, not that kind of damsel in distress but more on a sassy kind." napaisip siya "I can't think of a proper word to describe her but there's something about her especially when you see her eyes,, so straightforward and frank. And— Well, that's her" yun talaga ang napansin niya habang nag-uusap sila kagabi. Hindi ito kumikilos at nagsasalita na parang si Maria Clara. At sa totoo ay may nakita siyang nakatagong gentleness sa mata nito kagabi habang nakatingin sa mga patak ng ulan. Aware siya na hindi niya sinagot ang tanong ng dalawa ngunit gusto niya lang silang inisin. Ngayon nga kita na niya ang laglag panga na hitsura nila.

Philip "…………."

Lucky "……………"

Pagkatapos niyang magsalita ay hindi niya pinansin ang pagtahimik ng dalawa, inagaw niya ang cellphone kay Philip at nagsimulang maglaro uli.

The two remained dumb for quite sometime. They we're like struck by thunderbolt. They didn't ask him his opinion about that woman nor describe her beauty. For God's sake, ang pangalan ng dalaga ang tinatanong nila..

Si Philip ang agad na nakarecover at kinatok ang mesa ng upuan niya. "Nigel Herrera, what's your IQ?"

"180" kaswal na sagot niya

(A/N:: The highest IQ was 228, according to Guinness Book of Records, this score belongs to the ‘smartest' person in the world.
•High IQ: Any score over 140
•Genius IQ Score: 160 and up
•Unmeasurable Genius: Scores that are 200 and over)

Philip "And what's my question?"

"Her name"

Lucky "your answer?"

"Goddess"

Napatapik sa noo ang dalawa. Hindi malaman kung tatawa o maiinis sa sagot nito. Kung hindi lang nila kilala ang kaibigan ay maniniwala silang goddess ang pangalan ng dalaga, but he's Nigel. And if his name is Nigel, it means 'I don't know her name'

Philip "malala ka na Nigel. Magpachek-up ka na habang maaga pa. Ayaw naming mawalan ng kaibigan na adik sa stick-o"

He glance at the two dork "Her name is Lexie" kapagkuwan ay saad niya at di pinansin ang huling sinabi nito

"Shit! Are you trying to play mind games with us? Geez!" Reklamo ni Lucky

"I'm not. Now shut up, I'm going to lose again" he hissed. Ang pinakanakakainis para sa kanya ay kung naglalaro siya at may umaabala sa kanya.

"This man really, I'm going to get insane" bulong ni Philip. Mukhang nakalimutan ng dalawa na sinagot niya ang tanong nila sa pangalan ng dalaga.

Nagkibit balikat lamang siya. Hindi na niya kasalanan kung mababaliw ito.

LEXIE'S FACE REMAIN STOIC when her friend whine about how she answers the questions. Nahuhulaan na niyang hindi ito nag-aral kagabi kahit pa alam na may quiz sila. Hindi naman ito makakapagkopya sa kanya dahil sa one meter apart distance pag may quiz o exams.

Hindi siya genius pero may kataasan ang IQ niya at nagagawa pa naman niyang maipasa ang mga grado. Ang kaibigan naman niyang to ay hindi naman tanga, sadya lang talaga na tamad mag-aral at di pinapahalagahan ang pag-aaral.

"Don't whine, Kung hindi ba naman kase ang inuna mo ay ang pagsilay at pagstalk sa mukha ng retarded na crush mo, di sanay nakasagot ka ng maayos" paninisi niya dito

Mabilis na pinagtanggol nito ang sarili "uy!! Hindi ah, hindi talaga ako nakapag review kase di ko namalayang nakatulog ako"

Umarko ang kilay niya "sure! Don't take me as a fool, sa laki ng eyebags mo walang maniniwala sa dumb reason mo"

Sumimangot ang dalaga bago umirap sa kanya. "Kung di lang talaga kita kaibigan… hmp"

"Pero kaibigan mo ako" sansala niya

"Ah, whatever. Alis na at malelate ka sa part time mo" pagtataboy ni Janine kay Lexie na mukhang hindi na matagalan ang panunumpla nito sa kaibigan.

"Right!! See you later" mabilis na tumalikod siya at nagmamadaling pumunta sa Sweet JJ's Cafe.

Pagpasok niya ay agad niyang namataan sa counter ang pamilyar na pigura ng taong kilala niya. Kasama nito ang dalawang kaibigan nito na mukhang kinukulit ang kasamahan niyang nagpa-part time doon, si Claudine.

Hindi siya napansin ng tatlo dahil tahimik na pumasok siya sa isang pinto at nagsuot ng uniform bago lumabas ng counter.

Napatutok agad ang mata ng dalawang binata sa kanya at sabay pa na ngumiti. Maliban kay Nigel na hindi siya napansin dahil nakikipagflirt pa ito sa babaeng akala mo ay kinikiliti sa singit dahil sa pagpapacute nito. Lihim niyang pinaikot mata bago ngitian ang dalawa na kumaway sa kanya. Lumapit siya sa kanila.

Siniko ng isa si Nigel na bumaling ang mata sa kanya. His mouth perk up into a seductive smile. "Hey!"

Tumango siya bilang pagbati. "Anong order niyo?" Tanong na niya dahil sa tingin niya ay baka after a hundred of a thousand years bago tanungin ni Claudine ang order ng tatlo.

"Pwede bang ikaw na lang— ack!!!" Napangiwi si Philip at matalim na tinignan si Lucky na patay malisyang itinuro ang yogurt sa refrigerator sa may likod nila

"She's not for sale, Philip. Don't try to hit on her in front of tita Olivia. Mababand tayo dito ng isang taon. Sayang ang free cake." saway ni Nigel sa kaibigan and sweep his eyes on her.

Hindi nakaligtas sa mata ni Lexie ng pinadaanan nito ang nameplate niya. Minura niya ang lalaki sa kaibuturan niya.

"Katulad ng order ko last time" kaswal na bigkas ni Nigel na hinila ang dalawa. Tumaas ng bahagya ang kilay niya, parang hindi ito ang lalaking nakausap niya kagabi sa paraan ng pagkilos nito.

Philip "Teka lang, Lexie ang pangalan mo diba. Well you must feel gratified if I—"

Hinila na ito ni Nigel at nilinga siya nito at binigyan ng apologetic na ngiti bago naghanap ng mesa nila,. Saka lang napuna ni Lexie ang talim ng mata at hostility ng katrabaho sa kanya ng nakaupo ang tatlo sa may sulok ng cafe. Nilinga niya ito, she smile smugly bago inihanda ang order ng tatlo.

"Kung kumikilos ka na diyan, di sana ay ikaw ang maghahatid ng order nila. Hindi yung parang sinasaksak mo ako sa talim ng pagkakatingin mo sa akin" sarkastikong turan niya. "Kahit hindi serve your self ang ginagawa nila dito, maniniwala pa rin ako na kung hihingin nilang 'pagsilbihan' mo sila. willing ka" pinagdiinan niya ang isa sa salita sa sinabi niya.

Lalong nanlisik ang mata nito na parang kakatayin na siya. Bago pa siya nito sabunutan ay bumalik doon si Lucky at kinuha ang order nilang tatlo bago bumalik sa pwesto nila, hindi siguro nito makahintay na dadalhin nila sa mesa nila ang order nito.

Siya naman ay inabala ang sarili sa trabaho ngunit pasulyapsulyap pa rin siya sa grupo nina Nigel na agad siyang nahuhuli nito. At pag nangyayari yun ay kinikindatan siya. She's a woman with thick skinned so she doesn't feel embarrassed at all. Nginingitian pa niya ito in a very seductive way para lalong asarin ang katrabaho. Ginagaya niya ang ginagawa nitong pakikipagflirt sa babaeng ngayon ay sinasadyang inaapakan ang paa o masiko siya sa likod. Lalo tuloy niyang inaasar ang dalaga, and she will feel satisfied kung bigla na lang itong matutumba dahil sa galit sa kanya.

"Bitch! I know your kind, kunwari hindi interesado pero sa totoo lang ginagawa mo yan para magpapansin" matalim na bigkas ni Claudine

"When did I say I'm not interested with them. Practical lang akong tao. Hindi ko sinusugal ang puso ko sa mga lalaking hindi marunong magseryoso" kaswal na wika niya, na sa totoo lang ay kumukulo na ang dugo niya at gusto niyang ahitin lahat ang fake na kilay nito.

"Really?" She laugh sarcastically "ngunit sa tingin ko ganun ka—"

"Ituloy mo yan at tatapalan ko ng napkin yang bibig mo." Banta niya, Maya ay nagkibit balikat siya "and… hindi ko kasalanan kung nabaling agad ang mata niya sa akin. Mukha ka kasing bayaran diyan sa make-up mo" this is already fine for her to get revenge in stepping at her shoes.

Pumasok na siya sa kitchen at iniwan itong namumula ang mukha dahil sa galit.

………………

Continuă lectura

O să-ți placă și

861K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...