The Sunset's Cry (Nostalgia O...

By juanleoncito

2.9K 526 160

//Will be scheduled for MINOR revision// "Umiiyak ba ang araw kapag ito ay nakahalik sa dagat?" His promise i... More

PANIMULA
PAUNANG SALITA
PROLOGO
KABANATA I: Takipsilim
KABANATA II: Pag-alangan
KABANATA III: Pag-alok
KABANATA IV: Bungad
KABANATA V: Bisita
KABANATA VI: Galak
KABANATA VII: Napaisip
KABANATA VIII: Pagsang-ayon
KABANATA IX: Nahumaling
KABANATA X: Ramdam
KABANATA XI: Mapanukso
KABANATA XII: Pikit-mulat
KABANATA XIII: Naghahangad
KABANATA XIV: Pag-oobserba
KABANATA XV: Pinagmulan
KABANATA XVI: Tahanan
KABANATA XVII: Pagtuon ng Pansin
KABANATA XVIII: Hindi Makapaniwala
KABANATA XIX: Tensyon
KABANATA XX: Kasama
KABANATA XXI: Lungkot
KABANATA XXII: Balang Araw
KABANATA XXIII: Bagabag
KABANATA XXIV: Sumasagi
KABANATA XXV: Pagtanaw
KABANATA XXVI: Pag-amin
KABANATA XXVII: Pagkakataon
KABANATA XXVIII: Nagpapakasasa
KABANATA XXIX: Pagdating
KABANATA XXX: Trafalgar Square
KABANATA XXXI: Paggaan ng Loob
KABANATA XXXII: Asahan
KABANATA XXXIII: Tanong
KABANATA XXXV: Panaginip
KABANATA XXXVI: Sabi-Sabi
KABANATA XXXVII: Malamig na Luha
KABANATA XXXVIII: Katotohanan
KABANATA XXXIX: Makulimlim
KABANATA XL: Aligaga
KABANATA XLI: Pamamaalam
KABANATA XLII: Bumubuti
KABANATA XLIII: Bagong Umaga
KABANATA XLIV: Ngiti sa Labi
KABANATA XLV: Dapithapon
EPILOGO
AUTHOR'S NOTE

KABANATA XXXIV: Masaya

55 5 2
By juanleoncito

"Mr. Samaniego!" pagtawag ni Mrs. Harrington sa akin nang ito ay kakarating lang sa Fairgrounds.

Ako ay napatigil sa aking ginagawa nang agad na hinarap si Mrs. Harrington habang ito ay papalapit sa aming kinauupuan.

"Are you starting?" pagtatanong niya.

"Yes, Mrs. Harrington. The team already started editing the prologue of the scenes..." pangungusap ko sabay muli pagtuon sa mga ginagawa ng mga crew.

Mariing inoobserbahan ang kanilang ginagawa upang maging swabe ang pagsisimula ng post-production.

"Great! Are tapings already done?" pagtatanong niyang muli.

"Not yet, Mrs. Harrington. I just wanted to see what will be the progress of entering the stage of post-production. But, we have only two scenes left here in London, just minor scenes though. Also, we will be having additional ending scenes in the Philippines since I slightly revised the scripts."

"I see, let's claim that this movie will hit a blockbuster," wika niya kasabay ang pagtawa na lamang namin. "Anyway, it's really a great honor to be at help, Mr. Samaniego."

"And thank you for that, Mrs. Harrington," tugon ko.

Pareho nang inayos ang sarili, ibinaling muli ang tingin sa mga ginagawa ng mga crews.

Napasandal sa upuang kinauupuan, tanaw-tanaw pa rin ang kanilang mga ginagawa habang nagbibigay ng direktiba sa kung ano pa ang susunod na gagawin.

Ilang saglit pa, inilihis ang tingin sa bumukas na pinto kasabay ang pagbungad ni Jim kung kaya agad na lamang akong napaayos sa aking pagkasandal.

Ito ay lumapit kasabay ang pagbati nito sa bawat taong narito sa loob ng kwarto. Ako na lamang ay tumango sa kanya ganoon din ang paglapit nito sa aking kinauupuan.

“J-Jim, nandito ka na pala. Natanggap mo ba ‘yung e-mail na pinasa ko?” unang pangungusap ko sa kanya habang abala pa rin sa pag-obserba sa mga crews.

“Yes, I already forwarded it to the rest of the department na nasa Pilipinas. I’m just waiting for their reply para pagdating natin doon, makapagsimula na tayo agad sa additional scenes na gagawin.”

“That’s great!” pagbati ko sa kanya.

“Anyway, we have a simple dinner later at seven. It’s Angel’s birthday celebration, she wants you to come with us. I hope you won’t have any self-meditations.”

Natawa na lamang ito habang ako ay napangisi na lamang ng bahagya.

“Self-meditations talaga? I’m sorry, I can’t come. I-I have to revise the scripts. J-Just tell Angel a happy birthday,” pagdahilan ko na lamang.

“Akala ko ba, you already done revising the scripts?” pagtanong niya pa.

“O-Oo pero may idadagdag pa ako. P-Pasensya na, pakisabi na lang kay Angel na hindi ako makakapunta.”

Pawang ito ay nagtataka, hindi ko na lang ito tiningnan. Ako na lamang ay napayuko at ihinarap muli ang sarili sa mga computer. 

“O-Okay, I-I need to go,” bigkas niya na lamang.

Hindi na nilingon si Jim kung kaya mas lalong manghihinala ito. Narinig na lamang ang pagsarado ng pinto at ako ay napasandal muli sa upuan.

Hindi na sinabi sa kanya ang totoong dahilan na makikipagkita ako kay Aya sa Trafalgar. Ayoko lang ng gulo, ayoko lang na mag-aalala ang mga ito at ayoko lang makarinig ng mga salitang magpapahina sa mga iniisip ko.

Napabuntong-hininga na lamang. Napatitig ng ilang segundo sa screens ng mga monitor. Napatingin sa relo, labing-limang minuto na lamang papatak na ang alas kwatro.

Agad na napatayo, inayos ang sarili pati na rin ang suot. Kinuha na ang bag na nakalagay sa kulay puting la mesa. Tumungo muna kay Mrs. Harrington upang magpaalam.

“Mr. Samaniego, are you leaving?” pagtatanong ni Mrs. Harrington nang ako ay lumapit sa kanyang kinatatayuan.

“Yes and I’m sorry for leaving so early, Mrs. Harrington.”

“It’s okay, Mr. Samaniego and I bet you’re leaving in a hurry...” pagsagot ni Mrs. Harrington.

Ako na lamang ay napatango at ngumiti. “Kind of but don’t worry, the crews already know the directives.”

“Great.”

Sinuklian ako ng ngiti kasabay ang pagtapik nito sa aking balikat. Ako ay tumango at tuluyan ng lumabas ng kwarto.

Naglakad, binabaybay ang daan patungong elevator upang bumaba na ng Fairgrounds. Tanging kumpyansa lang ang dala sa sarili kung kaya nanabik na makitang muli si Aya.

Agad na pumasok sa loob ng elevator. Mag-isa sa masikip na apat na sulok na ito. Ilang segundo pa ay agad na lumabas nang ito ay bumukas na.

Dali-daling naglakad patungong labasan at agad na sumakay ng sasakyan patungong Trafalgar Square. Puno ng mga katanungan sa sarili habang binabagtas ang mahabang daan.

“Baka naroon na siya, baka kanina pa siya naghihintay.” Mga salitang bumabagabag sa isip ko kung kaya binilisan na lamang ang pagpapatakbo ng sasakyan.

Halo-halong emosyon, halo-halong nararamdaman. Ikaw na ay muling mahagkan sa ilalim ng paglubog ng araw.

Ilang saglit pa ay narating na ang paroroonan. Agad na bumaba sa sasakyan nang ito ay ipinarada. Tumungo na sa Trafalgar Square kasabay rin ang pagbungad ng nagkukumpulang mga tao.

Hindi siya matanaw, pawang paulit-ulit ng pinapalibot ang paningin, wala pa ring Ayang nakikita.

Ngayo'y nakatayo sa gilid ng monumento. Ako pa rin ay naghahangad na makita muli ito.

Nakaharap sa daan-daang mga tao. Nagagawa ay habulin ang pag-apak ng mga paang ito. Hindi pa rin mahagilap ang larawan na tanging gustong matanaw na pawang malalambing mong pagyakap ang gusto ko nang mahagkan.

Aligaga, kaliwa’t kanang pagtanaw sa iyong maaaring anino. Ngunit sa pag-angat ng aking mga mata, tila bang ako ay natigilan nang nasilayan muli ang kanina pang hinahanap. Hindi na napigilan ang pagbilis ng tibok ng puso na ngayo’y nagwawala na.

Huminto ang mundo, hinay-hinay na lumapit sa iyo. Isang perpektong pagkakataon ang natanaw ko kasabay pa ang magagandang tanawing nakapalibot sa amin ngayon.

Agad itong niyapos ng mahihigpit na yakap. Hindi maikaila ang saya na aking nararamdaman. Pinabayaan na lamang ang mga matang nakatitig sa aming dalawa at hinayaan na lang ang mga segundong lumipas.

Unti-unting kinalas ang pagyakap sa kanya at hinawakan ng marahan ang kanyang pisngi habang nakatingin sa maririkit niyang mga mata.

“Aya, dumating ka,” mahina kong pagbigkas.

“O-Of course,” tugon niya.

“I miss you, Aya.”

Tila bang sa pagkakataong iyon ay natigilan kaming pareho at pawang ang tingin pa rin ay nasa aming mga mata.

“A-Ahh, d-doon tayo. Let’s sit,” pagbaling ko na lamang.

Ako na lamang ay napabuntong-hininga. Hindi na nag-alinlangang hinawakan ang kanyang kaliwang kamay upang tumungo sa may upuan. Ako ay ngumiti habang siya’y bahagyang ganoon din.

Pareho nang nakaupo hinay-hinay na binitawan ang paghawak sa kanyang kaliwang kamay. Tinanaw pa ng ilang segundo ang palibot bago binasag ang katahimikang mula sa aming dalawa.

“Andito ka ba dahil sa trabaho mo?” diretsong tanong ko sa kanya na tila bang nagpatigil sa kanya.

Ito ay napatingin sa akin kasabay ang pagngisi ko ng bahagya at napasandal na lamang sa upuan.

“Hindi mo naman kailangang magsinungaling sa akin eh. You should’ve said the truth. Anyway, hindi naman ‘yun big deal.”

“P-Paano mo nalaman?” pagtanong niya sa akin.

“I think it’s destined. We’re on the same hotel that we checked-in,” pangungusap ko at napangisi na lamang muli.

“Nakita mo ‘ko doon?” tanong niyang muli.

“I haven’t. Pero, I know that there are advertising companies’ representatives there. So, I assumed na kasama ka doon.”

“Ganoon ba? Assuming ka talaga ano?” wika niya pa.

Ito ay natawa kung kaya ay ako rin. Parehong napaayos ng upo sa upuan habang ang tanaw ay parehong nakatingin sa monumentong hindi kalayuan.

“You are really fascinated with this place. Kung hindi ko lang pinaki---” hindi niya natapos ang sasabihin niya nang agad akong nagsalita.

“Aya, ‘yan ka na naman. Paulit-ulit ko ‘tong sasabihin sa’yo, wala kang kasalanan.”

Napatango ito at napangisi ng bahagya. Napatitig muli ito sa kagandahan nitong lugar nang siya ay aking minamasdan. Tila bang ang mga mata nito ay pawang nangungusap.

“Bakit ba kasi kita iniwan sa araw na dapat maging masaya lang tayo?” Mga salitang binitiwan niya na nagpatigil sa aming pareho.

Mga mata pa rin ay nakamasid sa kanya na para bang ito ay bumibigat habang nakatingin pa rin sa lawak nitong lugar.

“Ano kayang mangyayari kapag hindi kita iniwan?” sunod niyang tanong habang ito ay pinapakinggan pa rin.

Napayuko na lamang ako sa mga sinabi niya. Bakit parang nasasaktan din ako sa mga sinasabi niya?

“P-Paano pa kita ulit mamahalin kung wala na ako sa tabi mo?” ikatlong tanong niya na agad na napatingin sa kanya.

Biglang bumagsak ang kanyang mga luha na nagpasikip sa aking nararamdaman. Napaayos ako ng upo upang siya’y tulungang tumahan.   

Napapunas ito ng luha niya at napasigaw. “I really, really hate myself!”

“But I love you, Aya.” Salitang idinugtong ko kung kaya ito ang totoo.

Muli kaming natigilan pawang ilang segundo pa ang nagdaan. Marahang hinawakan na lamang muli ang kanyang kaliwang kamay upang luha nito’y muling maghilom.

“Aya, huwag mong isipin ang lahat ng mga sinabi mo dahil walang mga sagot para doon. Aya, andito lang ako. Diba sabi ko sa’yo, huwag kang matakot?” pangungusap ko habang hawak-hawak pa rin ang kanyang kanang kamay.

“Let’s forget everything at magsimula tayo muli, okay?” dagdag ko ba habang pinupunasan ang kanyang mga luha na ngayo’y nanunuyo na.

Ako na lamang ay napangisi sabay pag-ayos ng sarili at agad na tumayo. Inalay ang kanang kamay sa kanya upang samahan ako.

“Hold my hand and let’s start again,” wika ko.

Agad nitong hinawakan ang aking kamay kasabay ang pagtayo nito habang inayos ko ang kanyang nagulong buhok.

“Ayan, huwag ka ng umiyak tara.”

Tanging saya lang ang nararamdaman sa puntong ito habang magkahawak ang mga kamay. Naglalakad, naglilibot sa laki nitong Trafalgar Square. Namamasdan na muli ang kanyang magagandang ngiti.

Hindi na namalayan ang oras ganoon din ang pag-usbong ng paglubog ng araw. Kulay kahel na kalangitan kabilang ang dagat ng ulap. Tila bang umaayon ang panahon sa aking nararamdaman ngayon. Ito nga ang isa sa mga pinakamagagandang araw na nangyari sa buhay ko.

Tumigil muna sa paglalakad at ako ay nagsalita. “Wait, let’s stop here at the monument. Ayan, it is a perfect spot.”

“Lance, ano na naman ‘to?” wika niya na para bang natatawa na lamang.

“Aya just listen, I have something to tell...” pagbigkas ko upang ako ay kanyang pakinggan.

“Okay,” aniya.

Huminga ng malalim at napailing. Ngumiti ng bahagya at tumikhim.

Marahan kong inilahad ang aking mga kamay at binigkas ang unang pangungusap. “Hawakan mo ang aking mga kamay upang tayo’y maging masaya...”

“Tingnan mo ako sa mga mata’t sabihing nabibighani ka...” pangalawang pangungusap ko’t tinignan ng diretso ang kanyang mga mata.

“Damhin ang pintig ng puso ko na ngayo’y nagwawala na...” pangatlong pangungusap ko.

“L-Lance---”

Ako ay muling tumikhim at ipinatuloy ang pagbigkas. “Tatlong salita na gusto kong sabihin na ngayo’y hindi na ako kinakabahan... Aya, mahal kita.”

Sa ika-apat na pangungusap, walang panginginig ng binti ang nararamdaman. Ako pa rin ay nakatitig sa kanyang nag-aalangang mga mata’t nakahawak sa kanyang malalamig na mga kamay.

“L-Lance, para saan---” wika niya kung kaya’y naputol nang muli akong nagsalita.

“Maria Aya Ramirez, will you love me again?” tanong ko sa kanya na tanging saya lang ang nararamdaman ko.

Siya ay napayuko, nakikita na pawang tumutulo muli ang mga luha nito. Hinihintay pa rin ang sagot na tanging hinihintay ko.

Unti-unti nitong inangat ang kanyang mukha at tumingin sa aking mga mata. Pawang nag-aalangan subalit alam kong ito ay natatakot lamang.

“H-How can I... How can I say no?” nauutal nitong pagbigkas na nagpangiti sa aking labi.

“A-And it means yes?” nauutal ko ring pagbigkas na tila bang nararamdaman ko ang pagbuo ng mga luha ko.

Ito ay napatigil kasabay ang unti-unting pagtango nito na tuluyang nagpabagsak ng luha ko dahil sa galak na aking nararamdaman.

Hindi masukat-sukat ang sayang natamasa kung kaya agad na napayapos ng yakap sa kanya at hindi na pinansin ang mga tao na ngayon ay nagsisitinginan sa amin.

Tahan na mahal ko, ako ay nandito lang sa tabi mo.

Sana'y tuluyan na nga itong tumahan mula sa mga bumabagabag na katanungan sa kanyang isip.

Walang ibang salitang malalarawan sa araw na ito kung kaya ay ang pagiging masaya nang ikaw ay muling nakasama. Masaya na tila bang hinihiling na sana ay hindi matatapos ang araw na ito. 

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 13.9K 55
"The one and only person I call love is you." (KINDLY READ BOOK 1 FIRST, BEFORE READING THIS.)
97.5K 550 6
(SPG/ R-18) ❤️ Owl City boys Series - 3 ❤️ This story is no longer available here. To read the complete version, please visit my Dreame account. Than...
1.9K 86 37
Art's family is facing financial issues which led his father to ask a favor to his kumpare and in return, Art must marry his kumpare's daughter Mia...